Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

567 Nasaan ang Inyong Tunay na Pananampalataya?

1 Dahil lamang ito sa hindi nauunawaan ng mga tao kung ano talaga ang pamantayan ng Aking mga hiningi sa kanila, at ni hindi nila nauunawaan ang orihinal na kahulugan ng Aking mga salita na magpasahanggang ngayon, naghihinala pa rin ang mga tao sa Aking mga salita, at mas mababa pa sa kalahati ng mga tao ang naniniwala sa Aking mga salita. Ang mga hindi naniniwala ang natitira, at mas higit pa ang mga yaong nais na marinig Akong “nagkukuwento.” Higit pa rito, mayroong maraming nakikita ito bilang aliwan. Binabalaan Ko kayo: Nabuksan na sa mga naniniwala sa Akin ang marami sa Aking mga salita, at yaong mga nagtatamasa ng magandang tanawin ng kaharian ngunit napagsarhan na ng tarangkahan nito ay naalis Ko na. Hindi ba kayo isang masamang damo lamang na kinasusuklaman at tinatanggihan Ko? Paano ninyo Ako maihahatid at pagkatapos masayang tatanggapin ang Aking pagbalik?

2 Sinasabi Ko sa inyo, matapos na marinig ng mga tao mula sa Nineve ang mga galit na salita ni Jehova, agad silang nagsisi sa mga tela ng sako at mga abo. Ito ay dahil sa naniwala sila sa Kanyang salita na sila ay puno ng takot at pangamba at nagsisi sila sa mga tela ng sako at mga abo. At bagaman ang mga tao sa kasalukuyan ay naniniwala rin sa Aking mga salita at higit pang naniniwala na si Jehova ay pumaparitong muli sa gitna ninyo ngayon, ang inyong saloobin ay wala kundi kawalang-pitagan, na para bang inoobserbahan lang si Jesus na ipinanganak sa Judea ilang libong taon na ang nakalipas at ngayon ay bumababa sa gitna ninyo.

3 Malalim Kong nauunawaan ang pagiging mapanlilinlang na umiiral sa loob ng inyong mga puso; sumusunod sa Akin ang karamihan sa inyo dahil sa pagkamausisa at naparito upang hanapin Ako dahil sa kahungkagan. Kapag basag-basag na ang inyong ikatlong hiling—para sa isang mapayapa at masayang buhay—mapapawi rin ang inyong pagkamausisa. Nailalantad sa pamamagitan ng inyong mga salita at mga gawa ang pagiging mapanlinlang na umiiral sa bawat isa sa inyong mga puso. Sa deretsahang pagsasalita, nag-uusisa lamang kayo tungkol sa Akin, hindi natatakot; wala kayong pakialam sa inyong mga dila, at hindi nga ninyo kinokontrol ang inyong pag-uugali kahit kaunti. Kung gayon, paano ba talaga ang inyong pananampalataya? Tunay ba ito?

Hango sa “Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Hindi Totoong Naniniwala ang mga Tao sa Diyos

Sumunod:Gaano Katindi ang Inyong Pananampalataya?

Baka Gusto Mo Rin