353 Nasaan ang Katunayan na Kayo ay Magkaayon ng Diyos?

I

Kayo’y napakamapagmataas,

sakim at walang pakialam;

at ang mga panlilinlang n’yo sa Diyos

ay napakatuso.

Pamamaraa’t balak n’yo’y kasuklam-suklam,

katapata’t sinseridad ninyo ay kakarampot,

at wala talaga kayong mga konsensiya.


Labis na malisyoso ang mga puso ninyo.

At dito’y walang nakakaligtas, kahit ang Diyos.

Siya’y pinagsarhan ninyo

alang-alang sa inyong mga anak,

o asawa o pansarili ninyong kapakanan.

Oo, pinipili n’yong Siya’y pagsarhan.


Sa halip na magmalasakit sa Diyos,

nagmamalasakit kayo sa inyong pamilya,

anak, katayua’t kinabukasan,

tungkol sa pansarili n’yo’ng kasiyahan.


Kailan mo ba naisip ang Diyos?

Kailan mo ba nailaan ang sarili

sa Kanya at Kanyang mga gawain,

anuma’ng kapalit?

Ikaw ba ay kaayon Niya?

Kung gayon nasaan ang patunay mo?

At nasaan katapatan mo sa Kanya?

Nasaan ito sa realidad?

At gayundin ang iyong pagsunod sa Kanya?

Kailan ba na ang totoong layunin mo’y

‘di para makamit ang Kanyang mga biyaya?


II

Kailan n’yo ba naisip ang Diyos

noong kayo’y nagsasalita?

Kailan n’yo ba Siya naisip

noong kayo’y kumikilos?

Sa malamig man o nakakapaltos

na mga araw, kailan nga ba?

Bumabaling isip n’yo sa inyong mga anak,

asawa o magulang;

walang lugar ang Diyos sa pag-iisip n’yo.


Kapag tungkulin mo’y ginagampanan,

iniisip mo’y pansariling interes,

kaligtasan mo o sarili mong pamilya.

Ano bang nagawa mo na para sa Diyos?


Kailan mo ba naisip ang Diyos?

Kailan mo ba nailaan ang sarili

sa Kanya at Kanyang mga gawain,

anuma’ng kapalit?

Ikaw ba ay kaayon Niya?

Kung gayon nasaan ang patunay mo?

At nasaan katapatan mo sa Kanya?

Nasaan ito sa realidad?

At gayundin ang iyong pagsunod sa Kanya?

Kailan ba na ang totoong layunin mo’y

‘di para makamit ang Kanyang mga biyaya?


Nililinlang ninyo ang Diyos,

nilalaro’ng katotohanan;

tinatago ninyo ang pag-iral nito,

ipinagkakanulo n’yo ang diwa nito.

Ano’ng kahihinatnan n’yo

sa ganitong mga gawa?

Naghahangad kayong maging kaayon

ng malabong Diyos

at basta naghahangad ng malabong paniniwala,

ngunit ‘di kayo kaayon kay Cristo.

Hindi ba’t magiging ganti sa inyo

ang nararapat lang sa masasama?


‘Di magiging ganito

para sa mga kaayon ni Cristo.

Bagaman sila’y nawalan ng labis,

at lubos na nagdusa,

matatanggap nila ang mana

na binibigay ng Diyos sa tao.

Sa huli, makikita ninyong

ang Diyos lang ang makatuwiran,

at ang Diyos lamang

ang may kakayahang dalhin ang tao

sa kanyang magandang hantungan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo

Sinundan: 352 Sino ang Nakaayon sa Diyos

Sumunod: 354 Walang Gustong Umunawa sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito