Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

325 Kapag Pumarito ang Diyos Mismo sa Mundo

1 Kapag ang Aking bayan, sa pamamagitan ng Aking paggawa, ay niluluwalhating kasama Ko, sa sandaling iyon mahuhukay ang pugad ng malaking pulang dragon, nalinis lahat ng putik at dumi, at ang nadumhang tubig, na naipon sa di-mabilang na mga taon, na natuyo sa Aking mga nag-aalab na apoy, ay hindi na muling iiral. Dahil diyan, mapapahamak ang malaking pulang dragon sa dagat-dagatang apoy at asupre. Kayo ba ay tunay na nahahandang manatili sa ilalim ng Aking maingat na pagkalinga upang hindi maagaw ng dragon? Tunay bang kinamumuhian ninyo ang mapanlinlang na pakana nito? Sino ang may kakayahang matapat na magpatotoo para sa Akin? Alang-alang sa Aking pangalan, alang-alang sa Aking Espiritu, alang-alang sa Aking buong plano ng pamamahala—sino ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng kanyang lakas ng pangangatawan?

2 Ngayon, kapag nasa mundo ng mga tao ang kaharian, ang panahon na Ako ay personal na darating sa mundo ng mga tao. Kung hindi, mayroon bang sinuman, na malakas ang loob, ang maaaring lumaban sa digmaan sa Aking ngalan? Upang maaaring mabuo ang kaharian, upang maaaring mapanatag ang Aking puso, at muli, upang maaaring dumating ang Aking araw, upang maaaring dumating ang panahon na isilang muli at lumagong masagana ang di-mabilang na mga bagay sa sangnilikha, upang maaaring mailigtas ang sangkatauhan sa dagat ng pagdurusa, upang maaaring makarating ang kinabukasan, upang maaaring maging kamangha-mangha ito, at mamulaklak at yumabong, at muli, upang maaaring mangyari ang kaligayahan ng hinaharap, nagpupunyagi ang buong sangkatauhan nang buong kalakasan nila, walang itinitira sa pag-aalay ng kanilang sarili para sa Akin. Hindi ba ito ang hudyat na ang tagumpay ay Akin na, at isang tanda ng kaganapan ng Aking plano?

Hango sa “Kabanata 15” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Kapag Kumidlat mula sa Silangan

Sumunod:Lahat ng Bagay ay Binabago sa Pamamagitan ng mga Salita ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin