Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

691 Ano ang Tunay na Pananampalataya?

1 Ano ang tinutukoy na pananampalataya? Ang pananampalataya ay ang dalisay na paniniwala at ang tapat na puso na dapat angkin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahihipo ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naayon sa mga pagkaunawa ng mga tao, kapag ito ay lampas sa maaabot ng tao. Ito ang pananampalataya na Aking binabanggit. Ang mga tao ay nangangailangan ng pananampalataya sa mga panahon ng kahirapan at pagpipino, at kalakip ng pananampalataya ang pagpipino. Di mapaghihiwalay ang mga ito. Hindi alintana kung paano man gumagawa ang Diyos o kung anumang uri ng kapaligiran ka naroroon, kung magagawa mong habulin ang buhay, hanaping isagawa ang gawain ng Diyos sa loob mo, at habulin ang katotohanan, at kung mayroon kang pagkaunawa sa mga pagkilos ng Diyos at kaya mong kumilos alinsunod sa katotohanan, sa gayon ito ang iyong dalisay na pananampalataya at ipinakikita nito na hindi ka nawalan ng pag-asa sa Diyos.

2 Tanging kung kaya mo pa ring habulin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpipino, kaya mong tunay na ibigin ang Diyos at hindi mabuuan ng mga alinlangan sa Kanya, kung maging anuman ang Kanyang ginagawa, isinasagawa mo pa rin ang katotohanan upang mapalugod Siya at kaya mong hanapin nang taos-puso ang Kanyang kalooban at maging mapagsaalang-alang sa Kanyang kalooban, sa gayon ito ay nangangahulugang mayroon kang tunay na pananampalataya sa Diyos. Dati, nang sinabi ng Diyos na ikaw ay mamumuno bilang isang hari, inibig mo Siya, at nang hayagan Niyang ipinakita sa iyo ang Kanyang Sarili, hinabol mo Siya. Nguni’t ngayong nakatago ang Diyos, hindi mo Siya nakikita, at dumatal sa iyo ang mga kaguluhan. Sa panahong ito, nawawalan ka ba ng pag-asa sa Diyos? Kaya sa lahat ng panahon dapat mong habulin ang buhay at hanapin na mapalugod ang kalooban ng Diyos. Ito ang tinatawag na dalisay na pananampalataya, at ito ang pinakatotoo at pinakamagandang uri ng pag-ibig.

Hango sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Manampalataya sa Diyos ngunit Hindi Siya Mahalin ay Isang Walang-Kabuluhang Buhay

Sumunod:Dapat Mong Tularan si Pedro

Baka Gusto Mo Rin