Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

964 Unawain ang Iyong Sarili Ayon sa mga Salita ng Diyos

1 Napakababaw ng kaalaman ng mga tao tungkol sa sarili nilang pagkatao, at napakalayo sa mga salita ng paghatol at paghahayag ng Diyos. Ang mga tao ay walang pangunahin o makabuluhang pagkaunawa sa kanilang mga sarili; sa halip, sila ay nakatuon at naglalaan ng kanilang lakas sa kanilang mga pagkilos at panlabas na mga pagpapahayag. Kahit na kung ang isang tao ay paminsan-minsang nagsasabi ng isang bagay tungkol sa pagkaunawa sa kanyang sarili, hindi ito magiging napakalalim. Walang sinuman ang kailanma’y nag-isip na siya ay ganitong uri ng tao o may ganitong uri ng kalikasan sanhi ng pagkakagawa ng ganitong uri ng bagay o pagkakapagbunyag ng isang bagay. Naibunyag ng Diyos ang kalikasan at diwa ng pagkatao, subali’t nauunawaan ng mga tao na ang kanilang paraan nang paggawa ng mga bagay-bagay at kanilang paraan ng pananalita ay may kapintasan at depektibo; samakatuwid isang nakapapagod na gawain para sa mga tao na isagawa ang katotohanan.

2 Iniisip ng mga tao na ang kanilang mga pagkakamali ay pansamantalang mga pagpapakita lamang, na basta na nabubunyag sa halip na pagiging mga kapahayagan ng kanilang kalikasan. Ang mga taong ganito ang turing sa kanilang sarili ay hindi naisasagawa ang katotohanan, dahil hindi nila matanggap ang katotohanan bilang katotohanan at hindi sila nauuhaw sa katotohanan; samakatuwid, kapag isinasagawa ang katotohanan, sila ay basta sumusunod lamang sa mga tuntunin. Hindi nakikita ng mga tao ang kanilang sariling kalikasan bilang napakatiwali, at naniniwala na hindi naman sila ganoon kasama para puksain o parusahan. Iniisip nila na hindi malaking kasalanan ang magsinungaling paminsan-minsan, at itinuturing nila ang kanilang sarili na mas mabuti kaysa rati; subali’t, sa katunayan, alinsunod sa mga pamantayan, may malaking kaibahan dito, sapagka’t ang mga tao ay mayroon lamang ilang mga pagkilos na sa panlabas ay hindi lumalabag sa katotohanan, kapag hindi nila aktwal na isinasagawa ng katotohanan.

Hango sa “Pag-unawa sa Kalikasan at Pagsasagawa ng Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sinundan:Paano Maunawaan ang Kalikasan ng Tao

Sumunod:Mamumuhi Lamang ang Isang Tao sa Sarili Niya Kapag Tunay Niyang Nakikilala ang Kanyang Sarili

Baka Gusto Mo Rin