Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

761 Dapat Ninyong Pahalagahan ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos

1 Hindi pinahahalagahan ng mga tao ang Aking pagdating, ni inaasam nila ang araw ng Aking luwalhati. Hindi sila nagagalak na tanggapin ang Aking pagkastigo, lalong hindi sila handang ibalik sa Akin ang Aking luwalhati. Ni hindi nila handang iwaksi ang lason ng masama. Patuloy Akong dinadaya ng sangkatauhan sa parehong lumang paraan, nagtataglay pa rin ng masasayang ngiti at masasayang mukha sa parehong lumang paraan. Hindi nila namamalayan ang kalaliman ng dalamhati na sasapit sa sangkatauhan pagkatapos na sila ay lisanin ng Aking luwalhati, at lalong hindi namamalayan na kapag ang Aking araw ay sumapit sa buong sangkatauhan, mahaharap sila sa higit pang mahirap na panahon kaysa sa mga tao sa panahon ni Noe. Sapagkat hindi nila nalalaman kung gaano kadilim ang Israel nang lumisan dito ang Aking luwalhati, sapagkat nakakalimutan ng tao sa madaling-araw kung gaano kahirap tiisin ang napakadilim na gabi. Kapag ang araw ay bumalik sa pagtatago at ang karimlan ay bumaba sa tao, siya ay muling mananaghoy at pagngangalitin ang kanyang mga ngipin sa karimlan.

2 Nalimot na ba ninyo, nang lumisan ang Aking luwalhati mula sa Israel, kung gaano kahirap para sa mga tao nito na pagtiisan ang kanilang mga araw ng paghihirap? Ngayon ang panahon kung kailan nakikita ninyo ang Aking kaluwalhatian, at ito rin ang panahon kung kailan nakikibahagi kayo sa araw ng Aking luwalhati. Ang tao ay mananaghoy sa kalagitnaan ng kadiliman kapag nilisan ng Aking luwalhati ang maruming lupain. Ngayon ang araw ng luwalhati kung kailan Aking ginagawa ang Aking gawain, at ito rin ang araw kung kailan hindi Ko pinadadaan ang sangkatauhan sa pagdurusa, sapagkat hindi Ko ibabahagi ang mga panahon ng pagpapahirap at pagdurusa sa kanila. Nais Ko lamang na lupigin nang ganap ang sangkatauhan, at ganap na talunin ang masama sa sangkatauhan. Sapagkat hindi nila nalalaman kung gaano kadilim ang Israel nang lumisan dito ang Aking luwalhati, sapagkat nakakalimutan ng tao sa madaling-araw kung gaano kahirap tiisin ang napakadilim na gabi. Kapag ang araw ay bumalik sa pagtatago at ang karimlan ay bumaba sa tao, siya ay muling mananaghoy at pagngangalitin ang kanyang mga ngipin sa karimlan.

Hango sa “Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Araw-araw na Nabubuhay Ka Ngayon ay Lubhang Mahalaga

Sumunod:Ang Dahilan Kaya Likas sa Tao ang Pagkakanulo

Baka Gusto Mo Rin