Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos

Bilis

Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos

Unawain ang ginagawa ng Diyos,

umayon sa Kanyang salita,

sa pagtindig sa Kanyang panig.

Pananaw mo'y magiging tama. Magiging tama.

I

Lahat ng ginagawa mo'y dapat sukatin

ayon sa normal na kaugnayan sa Diyos.

Kung ang kaugnayan ay normal

ito'y gawin kung intensyon mo'y tama.

Para normal ang relasyon mo sa Diyos,

wag matakot na mawalan ka.

Unang prayoridad ng isang nananalig sa Kanya

relasyon sa Diyos, maging maganda.

Gawaing ito dapat ituring ng lahat,

na pinakamahalaga sa buhay nila.

II

Di mo puwedeng si Satanas ay hayaang,

daigin ka't ikaw ay pagtawanan.

Ang intensyong 'yon ay tanda

na relasyon mo sa Diyos ay normal.

Hindi 'to para sa laman

kundi para espiritu'y mapayapa.

Ito'y para matamo ang gawain ng Banal na Espiritu

upang kalooban ng Diyos ay mabigyang-kasiyahan.

III

Para makapasok sa tamang kalagayan,

patatagin mo ang kaugnayan mo sa Diyos.

Itama ang pananaw sa pananalig sa Kanya.

Iyo'y para ang Diyos ay matamo ka,

ihayag ang bunga sa 'yo ng Kanyang salita.

Para ang Diyos, higit ka pang maliwanagan.

Sa gayo'y makakapasok ka sa tamang paraan.

IV

Palaging kumai't uminom ng mga umiiral

na salita ng Diyos.

Pasukin ang kasalukuyang daan

ng gawain ng Banal na Espiritu.

Kumilos ayon sa ipinagagawa ng Diyos ngayon,

hindi ayon sa mga gawi at paraan noon.

Sa gayo'y magiging normal ang kaugnayan mo sa Diyos.

At tamang landas ng pananalig sa Diyos, iyong matatahak.

Unang prayoridad ng isang nananalig sa Kanya

relasyon sa Diyos, maging maganda.

Gawaing ito dapat ituring ng lahat,

na pinakamahalaga sa buhay nila.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos

Sumunod:Inaakay ng Diyos ang mga Tao sa Tamang Landas ng Buhay