556 Ang mga Nagsasabuhay Lamang ng Katotohanan ang Maliligtas ng Diyos

Basta’t may pag-asa kayo,

naaalala man ng Diyos o hindi ang nakaraan,

dapat ganito ang mentalidad:

“Disposisyon ko’y dapat kong baguhin, Diyos kilalanin,

‘di na muling malinlang ni Satanas,

o ipahiya ang ngalan ng Diyos.”

Ang talagang nagpapasiya kung may pag-asa o maliligtas

ay kung matatanggap mo’ng katotohanan

matapos ang sermon,

kung kaya mong isagawa ang katotohanan,

at kung kaya mong magbago o hindi.


Kung pagsisisi lang ang ramdam,

pero ‘pag may ginagawa ka,

nag-iisip sa lumang paraan,

kumikilos ka nang naaayon;

at kung walang pagkaunawa, palala nang palala,

ika’y mawawalan ng pag-asa’t dapat maalis.

‘Pag mas kinikilala’ng sarili’t Diyos,

sarili’y mas nasusupil.

Sa buod ng karanasan, ‘di na muling mabibigo.

Ang talagang nagpapasiya

kung may pag-asa o maliligtas

ay kung matatanggap mo’ng katotohanan

matapos ang sermon,

kung kaya mong isagawa ang katotohanan,

at kung kaya mong magbago o hindi.


Lahat may kapintasan, may katiwalian,

mayabang, palalo, lumalabag o rebelde.

‘Di ‘to maiiwasan ng tiwali.

Pero ‘pag alam na’ng katotohanan,

iwasan ang mga ito,

huwag mabagabag sa nakaraan.

Ang nakakatakot ay makaintindi ka’t ‘di magbago,

ginagawa kahit mali,

at gagawin mo pa rin kahit alam mong mali.

Ang gan’to’y ‘di na kayang maligtas.

Ang talagang nagpapasiya kung may pag-asa o maliligtas

ay kung matatanggap mo’ng katotohanan

matapos ang sermon,

kung kaya mong isagawa ang katotohanan,

at kung kaya mong magbago o hindi.


Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sinundan: 555 Dapat Mong Pagsikapang Magkaroon ng Positibong Pag-unlad

Sumunod: 557 Alam Mo Ba ang Sarili Mong Kalikasan?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito