845 Yaon Lamang mga Nagawang Perpekto ng Diyos ang Maaaring Tunay na Magmahal sa Kanya

I

Ang tao’y nabubuhay sa ilalim ni Satanas,

sa impluwensya ng kadiliman,

hindi makatakas sa pagkagapos

ng impluwensya ni Satanas.

Ang disposisyon ng tao

na naproseso ni Satanas

ay naging lubos na mas tiwali.

Siya’y laging namumuhay sa gan’tong paraan;

siya’y walang kakayahang mahalin ang Diyos.


Upang mahaling tunay ang Diyos,

ang isa’y dapat maperpekto,

mabasag, matabasan, mawasto,

mapino ng Banal na Espiritu.


II

Kung nais ng tao’ng mahaling tunay ang Diyos,

dapat siyang maalisan ng pagmamataas,

kapalaluan at pagmamatuwid sa sarili.

Ang lahat ng ‘yon ay disposisyon ni Satanas.

Kung ang tao’y ‘di matanggalan ng mga ito,

kung gayon ang pag-ibig niya’y hindi dalisay;

kung gayon ang pag-ibig niya’y mala-satanas

at ‘di makatatanggap ng sang-ayon ng Diyos.


Upang mahaling tunay ang Diyos,

ang isa’y dapat maperpekto,

mabasag, matabasan, mawasto,

mapino ng Banal na Espiritu.


Kung ang sabi mo’y parte ng ‘yong disposisyon

ay kumakatawan sa Diyos,

na kaya mo Siyang mahalin nang tunay,

kung gayon ika’y mapagmataas,

wala sa katwiran.

Ang mga gayong tao ay arkanghel!


III

Ang angking kalikasan ng tao

ay ‘di kayang kumatawan sa Diyos;

dapat maalis niya ang katutubong kalikasan

sa pagpeperpekto sa kanya ng Diyos.

Sa pagtupad lamang ng kalooban ng Diyos

at pagdaranas ng Kanyang pagkastigo

at ng gawain ng Banal na Espiritu

ang siyang pagsasabuhay

na sang-ayon ang Diyos.


Upang mahaling tunay ang Diyos,

ang isa’y dapat maperpekto,

mabasag, matabasan, mawasto,

mapino ng Banal na Espiritu.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayahang Kumatawan sa Diyos

Sinundan: 844 Gagawin Kang Perpekto ng Diyos Kung Tatahak Ka Lang sa Landas ni Pedro

Sumunod: 846 Ang mga Taong Pinerpekto ng mga Salita ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

281 Panahon

IIsang malungkot na kaluluwa’ng naglalakbay,sinusuri’ng bukas, hinahanap nakalipas,masipag na nagsisikap,naghahangad ng isang pangarap.‘Di...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito