939 Ang Simbolo ng Disposisyon ng Diyos

I

Ang disposisyon ng Diyos

kasamang pag-ibig N’ya’t pag-aliw

sa sangkatauhan,

kasama poot N’ya’t lubos

na pag-unawa sa mga tao.

Ang disposisyon ng Diyos,

ang disposisyon ng Diyos

ay isang Pinuno sa lahat ng may buhay

o Diyos ng mga nilikha’y dapat nagtataglay.

Ang disposisyon ng Diyos

kumakatawan ng dangal,

kapangyariha’t maharlika,

kumakatawan ng kadakilaan at kataasan.

Diyos ay pinakamataas at marangal,

ang tao’y walang halaga’t mababa.

Diyos isinakripisyo’y sarili para sa tao,

ngunit gawa ng tao’y pansarili lang.


II

Ang disposisyon ng Diyos

ay simbolo ng awtoridad,

ng lahat ng matuwid, at ng lahat ng maganda.

Ang disposisyon ng Diyos, sinasagisag nito’y

Diyos di mapipigilan o maaatake

ng kahit anong pwersa ng kalaban.

Walang nilikhang pinapayagang

magkasala sa Kanya.

Disposisyon ng Diyos simbolo

ng pinakamataas na kapangyarihan.

Walang may pahintulot na makialam

sa Kanyang gawain o ang Kanyang disposisyon.

Diyos nagpapagal para tao’y manatili,

ang tao’y walang binibigay

sa liwanag o pagkamatuwid.


III

Ang tao’y nagsisikap man,

isang ihip lang susuko rin.

Gawa’y para sa sarili niya lang,

di para sa iba.

Diyos ay pinakamataas at marangal,

ang tao’y walang halaga’t mababa.

Diyos isinakripisyo’y sarili para sa tao,

ngunit gawa ng tao’y pansarili lang.

Tao’y makasarili, Diyos ay di-makasarili.

Diyos bukal ng lahat na mabuti’t maganda,

ang tao’y kahalili ng lahat nang

kapangitan at kasamaan.

Katarunga’t ganda ng Diyos ay di magbabago.


Diyos nagpapagal para tao’y manatili,

ang tao’y walang binibigay

sa liwanag o pagkamatuwid.

Ang tao’y nagsisikap man,

isang ihip lang susuko rin,

pagka’t tao’y laging makasarili.

Diyos ay pinakamataas at marangal,

ang tao’y walang halaga’t mababa.

Maganda’t matuwid

na diwa ng Diyos di magbabago,

diwang taglay N’ya’y di magbabago kailanman.

Nguni’t anumang oras tao’y

maaaring tumalikod at lumáyô sa Diyos.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

Sinundan: 938 Ang Disposisyon ng Diyos ay Matayog at Kataas-taasan

Sumunod: 940 Matuwid na Disposisyon ng Diyos ay Makatotohanan at Masigla

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito