211 Paano Malalaman ang Pagpapakita at Gawain ng Cristo ng mga Huling Araw

I

Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay magtataglay

ng diwa at pagpapahayag ng Diyos.

At dahil Siya’y nagiging katawang-tao

ilalahad Niya ang gawaing

nararapat Niyang gawin,

ipapahayag Niya kung ano Siya,

dadalhin ang katotohanan sa lahat ng tao,

bibigyan sila ng buhay

at ipapakita sa kanila ang daan.

Anumang katawang-tao

na ‘di nagtataglay ng diwa Niya’y

tiyak na ‘di Diyos na nagkatawang-tao.


II

Kumpirmahin katawang-tao ng Diyos

at ang totoong daan

sa disposiyon, salita’t gawain Niya.

Tumutok sa Kanyang diwa

sa halip na Kanyang pagpapakita.

Ignorante at walang muwang ang magtuon

sa panlabas na kaanyuan ng Diyos.

Ang panlabas ay hindi tumutukoy sa panloob,

at ang gawain ng Diyos

ay hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao.


Hindi ba ang anyo ni Jesus ay naiiba sa

inaasahan ng mga tao?

Hindi ba’t ang Kanyang imahe at pananamit

ay ikinubli ang Kanyang pagkakakilanlan?

Hindi ba’t ‘yan ang dahilan

na sinalungat Siya ng mga Pariseo?

Nakatuon sila sa kung ano ang Kanyang hitsura

at hindi tinanggap kung ano ang sinabi Niya.


III

Umaasa ang Diyos na

ang mga kapatid na lalaki at babae

na naghahanap ng Kanyang pagpapakita

ay hindi uulitin ang kasaysayan.

Huwag sundin ang mga Pariseo

at ipako muli ang Diyos sa krus.

Kaya maingat na isaalang-alang kung

paano mo sasalubungin ang Kanyang pagbabalik.

Magkaroon ng isang malinaw na ideya

kung paano ka magpapasakop sa katotohanan.

Ito’ng tungkulin ng bawat isa

na naghihintay para sa pagbabalik ni Jesus.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita

Sinundan: 210 Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Diyos

Sumunod: 212 Tanging ang mga Tumatanggap ng Katotohanan ang Makaririnig ng Tinig ng Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito