5. Ang Pagiging Mahirap Magsalita Nang Tapat

Ni Weniela, Pilipinas

Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw noong 2017. Ang oras ko ng pagbabahaginan kasama ang aking mga kapatid ay napakasaya para sa akin dahil palagi akong natututo ng mas maraming katotohanan at may nakakamit mula sa bawat pagtitipon. Noong una, sa pamamagitan lang iyon lahat ng pakikipag-usap sa chat, ibig sabihin, itina-type lang namin ang lahat ng aming usapan online. Kaya wala akong itinago, at aktibo talaga akong nakipag-usap tungkol sa pagkakaunawa ko sa mga salita ng Diyos. Madalas na sinasabi ng mga lider na may maganda akong pagkaunawa at tinitingala ako ng mga kapatid. Sinasabi nilang masarap pakinggan ang pagbabahagi ko at na mahusay ang Ingles ko. Natutuwa akong marinig ang kanilang papuri at pakiramdam ko’y ayos ang ginagawa ko. Tapos iminungkahi ng isang kapatid na simulan naming mag-voice call sa mga pagtitipon, at nagsimulang magsulputan ang mga problema.

Sa unang pagtitipon sa pamamagitan ng voice call, matapos naming basahin ang mga salita ng Diyos, ilang kapatid ang naunang nagbahagi ng kanilang pagkakaunawa sa sipi. Kinabahan ako at hindi ko talaga narinig ang pagbabahagi nila. Puro chat lang kasi dati, kaya hindi ako sanay sa direktang pagbabahagi sa pamamagitan ng pagsasalita. Ang pakikipag-usap nang pasalita ay kahinaan ko. Kapag sa pamamagitan ng chat pwede kong piliin ang mga salita ko at ayusin ang mga bagay-bagay. Pero sa paggamit ng live chat, wala akong sapat na oras para maghanda. Kahit na may kaunting pagkaunawa ako sa mga salita ng Diyos, natakot akong magiging magulo at hindi organisado ang pagbabahagi ko, na hindi magiging matatas ang Ingles ko, at takot ako na madismaya sa akin ang mga kapatid. Sa buong pagtitipon, ang mga problemang ito ang laman ng isip ko. Nag-aalinlangan ako kung dapat ba akong magbahagi o hindi. Kapag hindi, siguradong iisipin ng iba na hindi ako aktibong nakikilahok sa pagbabahaginan, at madidismaya sa akin ang mga lider. Pero kapag ginawa ko, kakailanganin kong i-on ang mikropono, at natakot ako na kapag hindi maganda ang pagbabahagi ko, mamaliitin ako ng mga kapatid. Sisirain nito ang magandang imahe ko sa kanila. Labis akong kinabahan sa mga isiping ito na wala akong masabing kahit ano. Nasa pagtitipon ang dalawang kapatid na nagpabalik-loob sa akin, at naisip ko na madidismaya sila kung hindi ako magbabahagi nang mabuti. Tapos sinabi sa akin ni Flora Shi, isang lider, “Sister Weniela, puwede ka bang magbahagi? Nagbahagi na lahat. Nakalimutan mo bang magbahagi?” Sa tono ng kanyang pananalita, pakiramdam ko’y dismayado siya sa akin. Naasiwa talaga ako at nahiya. Para itago ang kakulangan kong ito at mapanatili ang imahe ko sa kanilang paningin, nagpasya akong mula noon, isusulat ko ang gusto kong ibahagi bago ang pagtitipon, at pagkatapos puwede ko na lang basahin ito nang malakas kapag ako na ang magbabahagi. Sa gayon, hindi na ako masyadong kakabahan. Iisipin nilang matatas akong magsalita at sakto ang pagbabahagi ko. Akala ko magandang ideya ito.

Isang gabi, dalawang kapatid mula sa Tsina ang nangasiwa ng aming pagtitipon. Gumamit kaming lahat ng Ingles para madaling makipag-usap. Ang ilang kapatid ay talagang nahihiya dahil hindi sila masyadong marunong mag-Ingles, pero nagawa pa rin nilang magbahagi tungkol sa kanilang pagkakaunawa sa mga salita ng Diyos. Noong ako na, talagang aktibo ako sa pagbabahagi ko at mukhang sobrang kumpiyansa dahil isinulat ko na ang gusto kong sabihin bago pa man. Ako ang pinakahuling nagbahagi. Ginawa ko ang makakaya ko para talagang magsalita nang natural para hindi nila mahalatang nagbabasa ako. Pagkatapos no’n, pinuri nilang lahat ang pagbabahagi ko at sinabing malaking tulong ito sa kanila at mahusay ang Ingles ko. Palihim akong nasiyahan na marinig ang kanilang papuri at pakiramdam ko’y nakuha ko ang suporta nila. Pagkatapos, naihalal ako bilang lider ng grupo at mas pinagtuunan ko kung anong iniisip ng iba sa akin. Pero nagsimula akong makonsensya at medyo mabalisa sa tuwing pinupuri ako ng iba dahil hindi ko ipinapakita sa kanila ang totoong ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito, pero patuloy ko pa ring ginagawa ang mga ito. Sa mga pagtitipon, hindi talaga ako nakikinig sa pagbabahagi ng iba dahil abala ako sa pagsusulat ng sarili kong pagkakaunawa. Palagi akong nakatuon sa pagsusulat ng isang bagay na mukhang maganda para mabigyang-kasiyahan ang kayabangan ko at protektahan ang aking reputasyon. Pinigilan ako nitong makakuha ng higit pa mula sa mga pagtitipong iyon at nawalan ng kahulugan para sa akin ang mga iyon. Alam kong masamang umakto sa ganitong paraan, at gusto kong magbago, na sabihin sa iba ang totoo, pero hindi ako naglakas-loob na gawin iyon. Natakot akong kapag nalaman ng iba na maaga kong isinusulat ang pagbabahagi ko, mamaliitin nila ako at maaaring sabihin nila na talagang hindi ako tapat, na nagsisinungaling ako at nagiging mapanlinlang. Maraming beses kong ginustong tigilan ang paggawa noon dahil hindi naman ako nakikinabang talaga dito, at nababalisa talaga ako dahil dito, pero walang binatbat ang pagkabalisang iyon kumpara sa imahe ko at paghanga ng ibang tao dahil mas iniisip ko ang karangalan at reputasyon ko. Pero sa tuwing ginagawa ko ang mga bagay na ito, labis akong nakokonsensya. Sinubukan ko pa ngang kumbinsihin ang sarili ko na ginagawa ko lang iyon para mas malinaw at mas eksakto kong maibahagi ang pagkaunawa ko, at pagkatapos ay mas mauunawaan ng iba ang sinasabi ko. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ayos lang ito, pero patuloy akong pinahihirapan ng pagkabalisa at konsensya ko. Naisip ko sa sarili ko, “Kung magagawa kong bitiwan ang pagpapahalaga ko sa sarili ko at sabihin sa lahat ang totoo, matatakasan ko ito. Pero natatakot ako na kapag nalaman nilang hindi talaga mahusay ang Ingles ko, pagtatawanan nila ako. Kung gayon, paano ko sila haharapin?” Matagal akong nahirapan dito, pero hindi ko pa rin nagawang magsabi ng totoo. Hindi ko na alam ang gagawin, kaya sinubukan kong pagbutihin ang kasanayan ko sa wika. Nag-ensayo ako ng pagbabahagi nang mag-isa sa bahay, inire-record ang sarili at pagkatapos ay pinapakinggan para makita kung anong dating nito. Naisip ko, “Kung mapapabuti ko ang kakayahan ko sa pagsasalita sa ganitong paraan, hindi ko na kakailanganing patuloy na isulat nang maaga ang pagbabahaginan ko, at direktang makakapagbahagi. Tapos hindi na kailangang sabihin sa lahat ang totoo. Basta’t kaya kong magbahagi nang maayos at matatas pakinggan ang Ingles ko, mapapanatili ko ang respeto nila para sa akin.” Pero kahit gaano ako mag-ensayo, kinakabahan ako sa tuwing nagbabahagi sa mga pagtitipon, kaya binabasa ko na lang ang pagbabahagi ko kagaya ng palagi kong ginagawa. Sobrang dismayado ako sa sarili ko at dahil nakakulong ako sa isang negatibong kalagayan ay naapektuhan ang mga tungkulin ko. Sa huli ay natanggal ako.

Isang beses sa isang pagtitipon, isang sister ang nagbahagi ng siping ito ng mga salita ng Diyos, at labis akong naantig ng mga ito. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kung gusto mo na magtiwala sa iyo ang iba, dapat munang ikaw ay maging tapat. Upang maging isang tapat na tao, dapat mo munang ilantad ang iyong puso upang matingnan ito ng lahat, makita ang lahat ng iniisip mo, at masilayan ang iyong tunay na mukha. Kailangan ay hindi mo subukang magpanggap, o pagtakpan ang iyong sarili. Saka lamang magtitiwala ang iba sa iyo at ituturing kang isang matapat na tao. Ito ay ang pinakasaligang pagsasagawa, at isang pang-unang kailangan sa pagiging isang matapat na tao. Kung palagi kang nagpapanggap, palaging nagkukunwaring banal, marangal, dakila, at mataas ang pagkatao; kung hindi mo hinahayaang makita ng mga tao ang iyong katiwalian at iyong mga kapintasan; kung inihaharap mo ang isang huwad na imahe sa mga tao upang maniwala sila na ikaw ay may integridad, na ikaw ay dakila, mapagsakripisyo sa sarili, makatarungan, at di-makasarili—hindi ba’t panlilinlang at kabulaanan ito? Hindi ba makikita ng mga tao ang tunay mong pagkatao, pagtagal-tagal? Kaya, huwag kang magpanggap o magtakip sa iyong sarili. Sa halip, ilantad ang sarili mo at ang puso mo para makita ng iba. Kung mailalantad mo ang puso mo para makita ng iba, at mailalantad mo ang lahat ng iniisip mo at mga balak—kapwa positibo at negatibo—hindi ba’t katapatan iyon? Kung nailalantad mo ang iyong sarili para makita ng iba, kung gayon makikita ka rin ng Diyos. Sasabihin Niya: ‘Kung nailantad mo ang iyong sarili para makita ng iba, tiyak na tapat ka sa harapan Ko.’ Ngunit kung inilalantad mo lamang ang sarili mo sa Diyos kapag hindi nakikita ng ibang tao, at palaging nagpapanggap na dakila at marangal o di-makasarili kapag kasama sila, ano ang iisipin sa iyo ng Diyos? Ano ang sasabihin Niya? Sasabihin Niya: ‘Isa kang napakamapanlinlang na tao. Ikaw ay napakamapagpaimbabaw at kasuklam-suklam, at hindi ka isang matapat na tao.’ Sa gayon ay kokondenahin ka ng Diyos. Kung nais mo na maging isang matapat na tao, nasa harapan ka man ng Diyos o ng ibang tao, dapat magawa mong magbigay ng isang dalisay at tapat na salaysay tungkol sa panloob mong kalagayan at mga salita sa puso mo. Madali ba itong makamtan? Nangangailangan ito ng panahon ng pagsasanay, pati na ng madalas na pagdarasal sa Diyos at pag-asa sa Diyos. Kailangan mong sanayin ang iyong sarili na sabihin nang simple at hayagan ang mga salitang nasa iyong puso tungkol sa lahat ng bagay. Sa ganitong uri ng pagsasanay, magagawa mong umunlad. Kung makaranas ka ng matinding paghihirap, dapat kang manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan; kailangan mong makipaglaban sa puso mo at madaig ang laman, hanggang sa maisagawa mo na ang katotohanan. Sa pagsasanay sa sarili mo nang ganito, paunti-unti, magbubukas nang dahan-dahan ang puso mo. Lalo ka pang magiging dalisay, at iba na ang magiging epekto ng mga salita at kilos mo sa dati. Mababawasan nang mababawasan ang iyong mga kasinungalingan at pandaraya, at magagawa mong mamuhay sa harap ng Diyos. Sa gayon, sa totoo, ay magiging matapat na tao ka na(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat). Nakita ko mula sa salita ng Diyos na gusto ng Diyos ang mga tapat na tao, at ayaw Niya sa pagiging maligoy o pagsisinungaling. Isa man itong bagay na maganda o pangit, kailangan nating buksan ang ating mga puso sa pagbabahaginan, magsalita nang hindi nagsisinungaling, at hindi pagiging maligoy sa ating mga puso. Hindi tayo dapat magpanggap na isang bagay na hindi naman tayo sa harap ng iba, at hindi tayo dapat magbalatkayo. Iyan ang pagiging tapat. Sobra akong nakonsensya nang mabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos dahil hindi ako isang tapat na tao. Gusto ko talagang magtapat sa lahat, bitiwan ang kayabangan at reputasyon ko, pero kahit na ilang beses kong sinubukan, hindi ko kailanman nagawa ito. Labis akong naghahangad ng karangalan. Ikinulong ako ng sarili kong kayabangan. Nakita kong talagang labis akong tiwali. Talagang nakonsensya ako at nainis din. Naisip ko sa sarili ko: “Bakit ba ako palaging nagpapanggap, binibigyan ng huwad na positibong impresyon sa akin ang mga tao? Bakit hindi ko maisagawa ang katotohanan at matigil ang pagsisinungaling? Wala bang kabuluhan ang pananampalataya ko sa Diyos? Ang lahat ba ng mga pagtitipon na iyon at lahat ng paghahanap na iyon sa katotohanan ay walang saysay?” Pakiramdam ko hindi ko matakasan ang gapos ng sarili kong kayabangan. Gusto kong iwan ang grupo namin at maglaan ng oras para muling iayos sa tamang kalagayan ang sarili ko, at kapag naiayos ko na ang kalagayan ko, makakabalik na ako sa mga pagtitipon at titigil na sa paggawa ng mga bagay na iyon. Kaya umalis ako sa grupo at tinigilan ang paggamit ng account ko, gustong mapag-isa at pagnilayan ang sarili ko. Talagang nabalisa at nainis ako sa maiksing panahon, at nalungkot din. Dismayado talaga ako sa sarili ko. Dalawang taon na akong mananampalataya, pero nahihirapan pa rin akong maging tapat at bitiwan ang kayabangan ko. Masyado kong inalala ang opinyon ng iba sa akin. Iniisip ko pa lang ang reaksyon ng iba matapos nilang malaman ang katotohanan ay talagang nahihiya na ako.

Nang panahong iyon, puro pagbabasa lang ng mga salita ng Diyos ang nagawa ko. Isang araw, nakita ko ang siping ito: “Sa paghahangad ng katotohanan, dapat magtuon ang isang tao sa pagsasagawa ng katotohanan, ngunit saan siya dapat magsimulang magsagawa ng katotohanan? Walang mga tuntunin para dito. Dapat mong isagawa ang alinmang mga aspeto ng katotohanan na nauunawaan mo. Kung nasimulan mo ang isang tungkulin, dapat magsimula kang isagawa ang katotohanan sa paggampan ng iyong tungkulin. Sa paggawa ng iyong tungkulin, maraming aspeto ng katotohanan ang dapat isagawa, at dapat mong isagawa kung aling mga aspeto ng katotohanan ang nauunawaan mo. Halimbawa, maaari kang magsimula sa pagiging isang matapat na tao, sa pagsasalita nang tapat, at pagbubukas ng iyong puso. Kung may isang bagay na hiyang-hiya kang sabihin sa mga kapatid mo, dapat kang lumuhod at sabihin iyon sa Diyos sa panalangin. Ano ang dapat mong sabihin sa Diyos? Sabihin mo sa Diyos kung ano ang nasa puso mo; huwag kang sumambit ng mga salitang walang katuturan o magtangkang lokohin Siya. Magsimula sa pagiging matapat. Kung naging mahina ka, sabihin mong naging mahina ka; kung naging masama ka, sabihin mong naging masama ka; kung nanloko ka, sabihin mong nanloko ka; kung nagkaroon ka ng masasama at walang-kabuluhang kaisipan, sabihin mo iyon sa Diyos. Kung lagi kang nakikipagkompetensya para sa katayuan, sabihin mo rin iyan sa Kanya. Hayaan mong disiplinahin ka ng Diyos; hayaan mong magsaayos Siya ng mga kapaligiran para sa iyo. Hayaan mong tulungan ka ng Diyos na malampasan ang lahat ng paghihirap mo at tulungan kang lutasin ang lahat ng problema mo. Dapat mong buksan ang iyong puso sa Diyos; huwag mo itong panatilihing nakasara. Kahit pagsarhan mo pa Siya, nakikita pa rin Niya ang nasasaloob mo. Ngunit kung bubuksan mo ang iyong puso sa Kanya, matatamo mo ang katotohanan. Aling landas ang dapat mong piliin? Dapat mong buksan ang puso mo at sabihin sa Diyos kung ano ang nasa loob nito. Hindi ka dapat magsalita ng anumang hindi totoo sa anumang paraan o magpanggap. Dapat kang magsimula sa pagiging isang matapat na tao. Maraming taon na tayong nagbabahaginan sa katotohanan tungkol sa pagiging isang matapat na tao, subalit sa kasalukuyan ay marami pa ring tao ang nananatiling walang pakialam, na nagsasalita at kumikilos lamang ayon sa sarili nilang mga intensyon, hangarin, at layunin, at hindi kailanman naisipang magsisi. Hindi ito ang saloobin ng mga taong matapat. Bakit ba hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat? Para ba mas madaling unawain ang mga tao? Siguradong hindi. Hinihingi ng Diyos na maging matapat ang mga tao dahil minamahal at pinagpapala ng Diyos ang matatapat na tao. Ang ibig sabihin ng pagiging matapat na tao ay pagiging isang taong may konsiyensiya at katwiran. Ang ibig sabihin nito ay pagiging isang taong mapagkakatiwalaan, isang taong mahal ng Diyos, at isang taong kayang magsagawa ng katotohanan at mahalin ang Diyos. Ang pagiging matapat na tao ang pinakapangunahing pagpapamalas ng pagtataglay ng normal na pagkatao at pagsasabuhay ng isang tunay na wangis ng tao. Kung ang isang tao ay hindi naging matapat kailanman, o hindi inisip na maging matapat, hindi niya mauunawaan ang katotohanan, lalong hindi niya makakamit ang katotohanan. Kung hindi ka naniniwala sa Akin, humayo ka at tingnan mo mismo, o kaya ay humayo ka at ikaw mismo ang makaranas nito. Sa pamamagitan lamang ng pagiging isang matapat na tao maaaring maging bukas ang puso mo sa Diyos, maaari mong matanggap ang katotohanan, maaaring maging iyong buhay ang katotohanan, at maaari mong maunawaan at makamit ang katotohanan. Kung palaging sarado ang puso mo, kung hindi ka nagtatapat o nagsasabi ng kung ano ang nasa puso mo sa sinuman, sa puntong walang nakakaunawa sa iyo, kung gayon ay masyadong matibay ang depensa mo, at ikaw ang pinakamapanlinlang sa mga tao. Kung nananalig ka sa Diyos ngunit hindi mo kayang tunay na buksan ang sarili mo sa Diyos, kung kaya mong magsinungaling sa Diyos o magpalabis upang linlangin ang Diyos, kung hindi mo kayang buksan ang puso mo sa Diyos, at kaya pa ring magpaliguy-ligoy sa pagsasalita at itago ang iyong mga layunin, mapipinsala mo lamang ang iyong sarili, at hindi ka papansinin ng Diyos at hindi gagawa sa iyo. Hindi mo mauunawaan ang alinman sa katotohanan, at hindi mo makakamit ang alinman sa katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). Ipinakita sa akin ng siping ito na ang pag-unawa sa katotohanan ay mas mahalaga kaysa sa anumang bagay, mas importante sa karangalan at kayabangan ko. Para makamit ang katotohanan, kailangan kong maging tapat. Ang isa ay isa, at ang dalawa ay dalawa—wala nang pagpapanggap o pandaraya. Sa loob ng ilang panahon, nagpapanggap ako, nililinlang ang iba. Isusulat ko kung anong gusto kong ibahagi para isipin nilang may maganda akong pagkaunawa at magaling akong mag-Ingles, tapos ay patuloy nila akong pupurihin at titingalain. Kahit na punong-puno ako ng pagkakonsensya at pagkabalisa, wala akong lakas ng loob para magtapat sa mga kapatid. Ayokong makita nila ang mga kakulangan ko at maliitin nila ako, na sabihin nilang sinungaling ako. Mas gusto ko pa ngang iwan ang grupo namin kaysa sabihin sa kanila ang katotohanan. Talagang maligoy ako. Napagtanto ko na ang labis na panlulumo ay ang kapahamakang ginagawa ni Satanas sa akin at ang pamumuhay sa ganitong paraan ay pinipigilan ako sa pagpasok ko sa buhay. Pwede pa nga akong sirain nito. Dapat mag-ipon ako ng lakas ng loob na sabihin sa iba kung ano talaga ang nasa puso ko para makapagsagawa talaga ako ng kaunting katapatan. Gaano man kanakakailang na magsabi ng katotohanan, alam kong kailangan kong lumayo mula sa paggawa ng mga bagay sa maling paraan. Gusto ng Diyos ang mga tapat na tao at namumuhi sa mga maligoy na tao. Kung patuloy akong magpapanggap, binibigyan ang iba ng huwad na impresyon at hindi nagiging tahasan, patuloy akong mamumuhay sa kadiliman at hindi magagawang makamit kailanman ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi ko kailanman makakamit ang katotohanan. Kailangan kong buksan nang husto ang sarili ko sa Diyos para matulungan Niya akong lutasin ang pagiging mapanlinlang na ito sa loob ko. Kaya umusal ako ng panalangin, hinihiling sa Diyos na gabayan akong isagawa ang katotohanan at maging isang tapat na tao.

Kalaunan, sa wakas ay nagtapat at nagbahagi ako sa aming lider na si Sister Connie. Sinabi ko sa kanya kung bakit ko iniwan ang grupo namin at isinara ang aking account. Matapos akong pakinggan, sabi ni Sister Connie, “Hindi kita kailanman mamaliitin para do’n, at talagang nagpapasalamat ako sa katapatan mo.” Gumaan ang loob ko nang magtapat at magbahagi ako sa kanya. Talagang naranasan ko kung gaano kasarap sa pakiramdam na maging tapat, dahil ang pagsasagawa sa katotohanan ay pinalaya ako mula sa lahat ng aking pagkabalisa. Binigyan din ako ni Sister Connie ng kaunting payo, na kapag nagbabahagi ako ng pagkaunawa ko sa mga salita ng Diyos, hindi naman talaga kailangang magsalita nang mahusay o magbahagi ng anumang uri ng mga teoryang matataas ang antas. Sapat na iyong magmula ito sa puso, na ito ang tunay kong nararamdaman at nalalaman. Sinunod ko ang mungkahi niya at pakiramdam ko’y handa na akong isagawa ito.

Kalaunan, isa pang kapatid ang nagpadala sa akin ng sipi ng mga salita ng Diyos na lubos na nakapagbibigay-liwanag. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Sa halip na hanapin ang katotohanan, karamihan sa mga tao ay may kani-kanilang sariling mga adyenda. Napakahalaga para sa kanila ng sarili nilang mga interes, reputasyon, at ang posisyon o katayuang pinanghahawakan nila sa isip ng ibang tao. Ang mga bagay na ito lamang ang pinakaiingat-ingatan nila. Napakahigpit ng pagkapit nila sa mga bagay na ito at itinuturing ang mga ito bilang kanilang sariling buhay. At hindi gaanong mahalaga sa kanila kung paano sila ituring o itrato ng Diyos; sa ngayon, binabalewala nila iyon; sa ngayon, isinasaalang-alang lamang nila kung sila ang namumuno sa grupo, kung mataas ba ang tingin sa kanila ng ibang tao, at kung matimbang ba ang kanilang mga salita. Ang una nilang inaalala ay ang pag-okupa sa posisyong iyon. Kapag sila ay nasa isang grupo, ang ganitong uri ng katayuan, at ganitong mga uri ng oportunidad ang hanap ng halos lahat ng tao. Kapag masyado silang talentado, siyempre gusto nilang maging pinakamataas sa grupo; kung medyo may abilidad naman sila, gugustuhin pa rin nilang humawak ng mas mataas na posisyon sa grupo; at kung mababa ang hawak nilang posisyon sa grupo, pangkaraniwan lamang ang kakayahan at mga abilidad, gugustuhin din nilang maging mataas ang tingin sa kanila ng iba, hindi nila gugustuhing maging mababa ang tingin sa kanila ng iba. Sa reputasyon at dignidad nagtatakda ng limitasyon ang mga taong ito: Kailangan nilang panghawakan ang mga bagay na ito. Maaaring wala silang integridad, at hindi nila taglay ang pagsang-ayon ni pagtanggap ng Diyos, pero hinding-hindi maaaring mawala sa kanila ang respeto, katayuan, o paggalang na hinahangad nila mula sa iba—na siyang disposisyon ni Satanas. Pero walang kamalayan ang mga tao tungkol dito. Ang paniniwala nila ay dapat silang kumapit sa kapirasong reputasyong ito hanggang sa pinakahuli. Wala silang kamalay-malay na kapag ganap na tinalikdan at isinantabi ang mga walang kabuluhan at mabababaw na bagay na ito saka lamang sila magiging totoong tao. Kung iniingatan ng isang tao ang mga bagay na ito na dapat iwaksi bilang buhay, mawawala ang kanyang buhay. Hindi nila alam kung ano ang nakataya. Kaya, kapag kumikilos sila, lagi silang may reserbasyon, lagi nilang sinusubukang protektahan ang sarili nilang reputasyon at katayuan, inuuna nila ang mga ito, nagsasalita lamang para sa kanilang sariling kapakinabangan, upang huwad na ipagtanggol ang kanilang sarili. Lahat ng ginagawa nila ay para sa kanilang sarili. Sumusugod sila agad sa anumang bagay na nagniningning, ipinapaalam sa lahat na naging kabahagi sila nito. Ang totoo, wala naman itong kinalaman sa kanila, subalit ayaw na ayaw nilang mapag-iwanan, lagi silang natatakot na hamakin ng ibang tao, lagi silang nangangamba na sabihin ng ibang tao na wala silang kuwenta, na wala silang anumang kayang gawin, na wala silang kasanayan. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay kontrolado ng kanilang mga satanikong disposisyon? Kapag nagagawa mong bitiwan ang mga bagay na gaya ng reputasyon at katayuan, higit na mas magiging panatag at malaya ka; matatahak mo ang landas ng pagiging tapat. Ngunit para sa marami, hindi ito madaling makamit. Kapag lumitaw ang kamera, halimbawa, hindi magkamayaw sa pagpunta sa harapan ang mga tao; gusto nilang nakikita ang kanilang mukha sa kamera, mas matagal na makuhanan, mas mabuti; takot silang hindi makuhanang mabuti, at magsasakripisyo nang husto para sa pagkakataong makuha ito. At hindi ba ito kontrolado lahat ng kanilang mga satanikong disposisyon? Ito ang mga sataniko nilang disposisyon. Nakuhanan ka na—ano na ngayon? Mataas na ang tingin sa iyo ng mga tao—ano naman ngayon? Iniidolo ka nila—ano naman ngayon? Pinatutunayan ba ng anuman dito na mayroon kang katotohanang realidad? Walang anumang halaga ang mga ito. Kapag kaya mong mapagtagumpayan ang mga bagay na ito—kapag wala ka nang pakialam sa mga ito, at hindi mo na nararamdamang mahalaga ang mga ito, kapag hindi na nakokontrol ng reputasyon, banidad, katayuan, at paghanga ng mga tao ang iyong mga saloobin at pag-uugali, lalong-lalo na kung paano mo gampanan ang iyong tungkulin—kung gayon, lalong magiging epektibo, at mas dalisay ang pagganap mo sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ibinubunyag ng Diyos kung paano pinapahalagahan ng mga tao ang kanilang karangalan at katayuan kaysa sa kanilang buhay, at ang pinakauna nilang iniisip sa tuwing nahaharap sa kung ano ay ang kanilang reputasyon, kayabangan, at posisyon, at hindi talaga ang kalooban ng Diyos. Ayaw ng Diyos na magpanggap tayo, at ayaw Niyang unahin natin ang ating reputasyon o hangarin ang ating katayuan sa mga tao. Hindi ang mga bagay na ito ang makakatulong sa’tin na makamit ang pagsang-ayon ng Diyos, at hindi tayo mahihikayat ng mga ito na baguhin ang ating mga disposisyon o mailigtas. Ang karangalan at katayuan ay mga pamamaraan na ginagamit ni Satanas para gawin tayong tiwali at igapos tayo, at ang paghahangad sa mga bagay na ito ay mas lalo tayong ginagawang mayabang at maligoy. Sa gayong paraan, tuluyan nating naiwawala ang kaligtasan ng Diyos. Ayaw ng Diyos sa mga maligoy na tao at ayaw Niyang gumawa ng mapanlinlang na mga bagay ang mga tao para makamit ang papuri o paghanga ng iba. Gusto Niyang bitiwan natin ang ating reputasyon at katayuan, para hangarin ang katotohanan at maging mga tapat na tao. Sa harap man ng Diyos o ng iba, hindi tayo maaaring maging mapanlinlang o hindi tapat. Palagi akong nabibigo na ipagtapat at ibahagi ang aking mga paghihirap sa iba dahil masyado kong inalala ang aking karangalan at kayabangan. Mahigpit na kontrolado ng aking satanikong disposisyon, hindi ko nagawang isagawa ang katotohanan. Sobrang tindi ng pagnanasa ko para sa karangalan at katayuan.

Kalaunan ay nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Masasabi mo ba na tamang tahakin ang landas ng paggamit ng maliliit na pabor upang suhulan ang mga tao at hikayatin ang mga tao, o pagpapakitang-gilas, o panlilinlang sa mga tao gamit ang mga ilusyon, sa kabila ng maraming kapakinabangan at malaking kasiyahang na tila maaaring matamo ng isang tao mula rito? Ito ba ay isang landas ng paghahanap sa katotohanan? Ito ba ay isang landas na maaaring maghatid ng kaligtasan sa tao? Napakalinaw na hindi. Ang mga pamamaraan at panlolokong ito, gaano man katalino ang pagkakabuo sa mga ito, ay hindi maloloko ang Diyos, at kinokondena at kinasusuklamang lahat ng Diyos sa huli, dahil nakatago sa likod ng mga kilos na iyon ang personal na ambisyon at ang isang uri ng saloobin at diwa ng paghahangad na labanan Siya. Sa kaibuturan, siguradong hindi kikilalanin ng Diyos ang taong iyon kailanman bilang taong tumutupad sa kanyang tungkulin, at sa halip ay tatawagin siyang isang masamang tao. Ano ang konklusyon ng Diyos kapag hinaharap Niya ang masasamang tao? ‘Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan!’ Nang sinabi ng Diyos na, ‘Magsilayo kayo sa Akin,’ saan Niya gustong magpunta ang gayong mga tao? Ipinapasa Niya sila kay Satanas, sa mga lugar na kinaroroonan ng napakaraming Satanas. Ano ang huling kinahihinatnan nila? Pinahihirapan sila ng masasamang espiritu hanggang sa mamatay, na ibig sabihin ay nilalamon sila ni Satanas. Ayaw na ng Diyos sa ganitong uri ng tao. Ang ibig sabihin ng ayaw na Niya sa kanila ay hindi na Niya sila ililigtas. Hindi sila kabilang sa kawan ng Diyos, lalo nang hindi isa sa Kanyang mga tagasunod, kaya hindi sila kasama sa mga ililigtas Niya. Ganito ang pagtukoy sa gayong tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Unang Aytem: Sinisikap Nilang Kumbinsihin ang mga Tao). Mula sa mga salita ng Diyos nakita kong ipokrito at huwad ang mga tao para manguha ng puwang sa puso ng ibang mga tao. Kahit na nakakamit nila ang respeto ng iba at ang kanilang mga ambisyon at pagnanasa ay natutugunan, anong nakukuha nila sa huli? Sa pagkilos sa ganitong paraan ay pwede nilang sandaling maloko ang mga tao, pero hindi nila maloloko ang Diyos. Sa huli ay itataboy at ititiwalag sila ng Diyos. Dahil banal ang Diyos, kinamumuhian Niya iyong mga hindi naghahanap sa katotohanan at nagkikimkim ng mga sarili nilang intensyon, na gustong sumakop ng puwang sa puso ng ibang tao. Nakikita Niya ang mga ito bilang mga gumagawa ng masama at hindi Niya kinikilala ang mga ginagawang tungkulin ng mga ito. Pinagnilayan ko ang pag-uugali ko at napagtantong talagang natahak ko ang landas ng pagsalungat sa Diyos, dahil lahat ng saloobin at kilos ko ay para purihin at hangaan ng iba. Kung magpapatuloy ako sa ganitong paraan, mapapahamak lang ako sa huli. Sa isiping ito’y nagkaroon ako ng ilang takot, natakot ako na tatalikuran ako ng Diyos, natakot ako na ibibigay ako ng Diyos kay Satanas, at natakot akong maiwawala ko ang kaligtasan ng Diyos. Totoong gusto kong magbago at takasan ang kalagayang iyon, na magpakatotoo, at hindi na kailanman magsinungaling o maging mapanlinlang.

Pero nang dumating ang oras para tunay na magsagawa, iniisip ko pa lang na magtapat sa mga kapatid tungkol sa aking katiwalian at mga pagkukulang, talagang nag-alinlangan ako. Tapos nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng lakas ng loob. Sinasabi ng salita ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi nakagapos o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag. Ang matutuhan kung paano maging bukas kapag nagbabahagi ay ang unang hakbang sa buhay pagpasok. Susunod, kailangan mong matutong suriin ang iyong mga saloobin at kilos para makita kung alin ang mali at kung alin ang hindi gusto ng Diyos, at kailangan mong baligtarin at ituwid kaagad ang mga iyon. Ano ang layunin ng pagtutuwid sa mga ito? Iyon ay para tanggapin at kilalanin ang katotohanan, habang inaalis ang mga bagay sa loob mo na nabibilang kay Satanas at pinapalitan ang mga ito ng katotohanan. Dati, ginawa mo ang lahat ayon sa iyong tusong disposisyon, na sinungaling at mapanlinlang; pakiramdam mo ay wala kang magagawa nang hindi nagsisinungaling. Ngayong nauunawaan mo na ang katotohanan, at kinamumuhian ang mga paraan ni Satanas sa paggawa ng mga bagay-bagay, hindi ka na kumikilos nang ganoon, kumikilos ka na nang may kaisipan ng katapatan, kadalisayan, at pagsunod. Kung wala kang itatago, kung hindi ka magpapanggap, magkukunwari, o magkukubli ng mga bagay-bagay, kung magpapakatotoo ka sa mga kapatid, hindi itatago ang iyong mga kaloob-loobang ideya at saloobin, sa halip ay hahayaang makita ng iba ang tapat mong saloobin, kung magkagayon ay unti-unting mag-uugat sa iyo ang katotohanan, sisibol at mamumunga ito, magbubunga ito ng mga resulta nang paunti-unti. Kung lalong nagiging tapat ang iyong puso, at lalong nakahilig sa Diyos, at kung alam mong protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at nababagabag ang iyong konsensiya kapag nabibigo kang maprotektahan ang mga interes na ito, ito ang katunayan na nagkaroon ng bisa sa iyo ang katotohanan, at ito ang siyang naging buhay mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa salita ng Diyos, naunawaan ko na kaya talagang baguhin ng mga salita ng Diyos ang mga tao. Kapag natutuhan natin kung paano ipagtapat ang ating tunay na katiwalian at hanapin ang katotohanan, ang mga mali nating ideya at tiwaling disposisyon ay maaaring unti-unting mabago. Inilantad ng Diyos ang mali kong pag-iisip at ibinunyag ang mali kong paghahanap ng pangalan at katayuan, tapos ay ginabayan ako sa pamamagitan ng Kanyang mga salita para hanapin ang tamang landas ng pagsasagawa. Kinailangan kong gawin ang unang hakbang para magtapat sa iba, para tigilan ang pag-iisip sa reputasyon at karangalan ko, para tumigil sa pagiging maligoy, mapanlinlang, at hindi tapat. Kailangan kong isagawa ang mga salita ng Diyos at hayaan ang mga ito na pangunahan ang landas sa loob ko.

Noong Linggo ng umagang iyon, sumama ako sa pagtitipon gaya ng dati at sinabi sa sarili kong kailangan kong magpakatooo. Nagdasal ako, “Mahal kong Diyos, sa pagkakataong ito, gusto kong isagawa ang katotohanan, para takasan ang mga gapos ni Satanas at ibunyag ang aking kaipokrituhan at panlilinlang. Kahit na maliitin nila ako, gusto ko lang maging tapat na tao para mapasaya Ka. Pakiusap tulungan Mo ako nang sa gayon ay maging bukas ako at tapat.” Mas gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng dasal na ito. Sa aming pagtitipon, talagang pinag-isipan ko ang mga salita ng Diyos at masusing pinakinggan ang pagbabahagi ng iba tungkol sa kanilang karanasan at pagkaunawa, at hindi ko ginagamit ang oras na iyon para isulat ang sarili kong pagbabahagi, at hindi ko inisip kung anong klaseng pagbabahagi ang magugustuhan ng lahat. Nang ginawa ko iyon, nagkamit ako ng bagong kaliwanagan mula sa pagbabahagi ng iba ng kanilang mga karanasan. Noong magbabahagi na ako, kahit na medyo kabado ako, hindi ko iniisip kung maganda o matatas ang pagbabahagi ko, at hindi ko inaalala kung anong sasabihin nila pagkatapos nilang malaman. Tinalakay ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nakaantig sa akin: “Ang katapatan ay nangangahulugang pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos, pagiging totoo sa Diyos sa lahat ng bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi pagtatago kailanman ng mga totoong impormasyon, hindi pagtatangkang manlinlang ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo, at hindi paggawa ng mga bagay para lamang magpalakas sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging tapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao. … Kung marami kang sekretong atubili kang ibahagi, kung lubos kang tutol na ilantad ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—sa harap ng iba upang hanapin ang daan ng liwanag, sinasabi Kong isa kang taong hindi madaling matatamo ang kaligtasan, at hindi madaling makakaalis sa kadiliman(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala). Iniugnay ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos sa sarili kong karanasan, ibinubunyag sa aking mga kapatid ang pinakatotoo kong pagkatao. Sabi ko sa kanila, “Sa buong panahong ito, nagpapanggap ako, nagkukunwaring magaling mag-Ingles. Ang totoo, isinusulat ko muna ang lahat ng pagbabahagi ko at inire-record pa ito para mag-ensayo para magmumukha itong natural, para iisipin ninyong lahat na nakapagbabahagi ako nang mabuti. Iyun ay para lang makamit ang inyong papuri at paghanga. Nililinlang ko kayo. …” Akala ko madidismaya sila sa akin, pero hindi ganoon ang nangyari, sinabi nila sa akin na hindi ko kailangang mag-alala tungkol sa hindi pagbabahagi nang maayos. Gusto ng Diyos na magpakatotoo tayo, hindi mabulaklak at hindi praktikal. Kung hindi ako nagbahagi nang mula sa puso, at ito ay mga salita at doktrina lamang, anong silbi noon? Naantig ako rito. Hindi nila ako minaliit, at sabi pa ng ilan sa kanila, nauunawaan nila kung bakit ko nagawa iyon, at ang karanasan ko ay nakatulong sa kanila. Ito’y isang magandang sorpresa para sa akin. Matapos ipagtapat sa lahat ang tungkol sa aking katiwalian, nakadama ako ng pagpapalaya. Sa wakas ay malaya na ako. Ginagamit ni Satanas ang kayabangan at reputasyon para igapos ako at pigilan akong isagawa ang katotohanan, pero nang nakilala ko ang sarili ko sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nagsasanay na maging isang tapat na tao at bukas na nagtatapat, pakiramdam ko’y napalapit ako sa Diyos at nawalan ng mga pagdududa at hadlang sa pagitan ko at ng mga kapatid. Sa loob ng matagal na panahon, pinili kong magbalatkayo para mapalugod ang aking kayabangan at magsaya sa papuri ng iba, pero hindi iyon ang gusto ng Diyos. Sa katunayan, matagal ko nang sinasaktan ang Diyos. Pero ang Diyos ay palaging mapagpatawad at matiyaga, hinihintay akong magbalik-loob. Lubos akong nagpapasalamat sa pagmamahal ng Diyos.

Itinuro sa akin ng karanasang ito ang pinakakahalagahan ng paghahanap sa katotohanan. Ang tanging paraan para matakasan ang mga kadena ng satanikong disposisyon ay maging isang tapat na tao at isagawa ang katotohanan. Ang tanging paraan para makamit ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ay isagawa ang katotohanan. Sobrang tuso ko dati, sobrang ipokrito, pero nagdesisyon ako ngayon na isagawa ang katotohanan at maging tapat. Ito ang pinakaimportante sa akin. Ang gusto ko lang ay patuloy akong gabayan ng Diyos para makapagsagawa ako ng mas maraming katotohanan.

Sinundan: 4. Ang Isang Lider ng Iglesia ay Hindi Isang Opisyal

Sumunod: 6. Ang Kwento ni Angel

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito