10. Ang Paglaya ng Puso

Ni Zheng Xin, USA

Noong Oktubre ng 2016, nasa ibang bansa kami ng asawa ko noong tinanggap namin ang gawain. Makalipas ang ilang buwan, si Sister Wang na kasama kong tumanggap ng gawain ay mas mabilis na lumago. Tanda ko pa noon, pinupuri siya ng lahat dahil napakahusay niya. Pagkatapos ng isang pagtitipon, narinig kong sinabi ni Sister Lin na, “Lahat ng ibinahagi ni Sister Wang sa pag-unawa niya sa mga salita ng Diyos ay galing sa puso. Naliwanagan ako, at nakatulong talaga sa akin.” Sa totoo lang, noong unang narinig ko na sinabi iyon, medyo nainggit ako sa kanya. Pero noong nagtagal, nagsimula na ako na mainis. Bakit siya ang pinupuri ng lahat at hindi ako? Hindi ba ako lumago? May mali ba sa pagbabahagi ko? Ayokong tanggapin na mas magaling siya sa akin, at palihim ko na siyang kinalaban. Kung kaya niyang magbahagi ng mga salita ng Diyos, kaya ko rin. Malalampasan ko rin siya. Iipunin ko ang pang-unawa at kaalaman mula sa mga salita ng Diyos at ibabahagi ko lang tuwing may pagtitipon. Sa gayong paraan, makikita ng lahat na maganda at praktikal din ang pagbabahagi ko.

Mula nang sandaling iyon, isinulat ko sa isang kuwaderno ang lahat ng nakamit ko at naunawaan sa mga salita ng Diyos. Kapag oras na ng pagtitipon, kailangan ko iyong pag-isipang mabuti sa puso ko, para makita kung paano ko iyon ibabahagi sa pagbabahagi, sa paraang kasing-linaw, kasing-ayos, at kasing-sistematiko ng kay Sister Wang. Pero, hindi ko alam kung bakit, mas lalo kong ginagalingan sa harap ng mga kapatid natin, mas lalo akong nagmumukhang tanga. Sa tuwing ako na ang magbabahagi, nabablangko ang isip ko o nagkakabuhul-buhol ang mga salita ko. Hindi ko maipaliwanag ang pananaw na gusto kong sabihin. Napahiya lang ako noong natapos ang pagtitipon. Kinausap ko isang araw ang asawa ko, “Tuwing naririnig ko na may liwanag sa pagbabahagi ni Sister Wang ng mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, naaasiwa talaga ako—” Pero bago ko pa natapos ang sasabihin ko, pinandilatan ako ng asawa ko at sinabi niya sa akin nang buong diin, “May liwanag sa pagbabahagi ni Sister Wang, at nakakatulong iyon sa atin. Dapat natin iyong ipagpasalamat sa Diyos. Ang pagkaasiwa mo, inggit lang iyan, hindi ba?” Ang mga salita niya ay parang sampal sa mukha ko. Umiling ako agad sa pagtanggi. “Hindi, hindi gayon iyon. Hindi ako gayon.” Sinabi niya pa sa akin, “Naging masaya lahat ng mga kapatid natin sa pagbabahagi ni Sister Wang, pero nakaramdam ka ng pagkaasiwa. Ibig sabihin, naiinggit ka dahil mas magaling siya, tama?” Noongnarinig ko iyon, lalong sumama ang loob ko. “Puwede kayang isa talaga akong mainggiting tao?” Sabi ko sa kanya, “Tumahimik ka na. Hayaan mong huminahon ako, at pag-iisipan ko ito.” Matapos iyon, sinabi ng asawa ko kay Sister Liu sa iglesia kung ano ang nangyayari sa akin, umaasang matutulungan niya ako. Noong nalaman ko ang ginawa niya, sinisi ko siya: “Bakit mo siya kinausap nang hindi mo muna ipinaalam sa akin? Kapag may sinabihan siya tungkol dito, ano ang magiging tingin sa akin ng mga tao?” Mas iniisip ko ang tungkol doon, mas lalo akong naiinis. Tahimik akong nagdasal sa Diyos. “Diyos ko! Gabayan Niyo ako. Tulungan Niyo ako.”

Nang sumunod na araw, pinagnilayan ko ang nabunyag sa akin noong panahong iyon. Napansin kong sa tuwing binabasa ko ang mga salita ng Diyos, sinasarili ko ang nalalaman ko, at ibinabahagi ko lang sa mga pagtitipon. Isa iyong pagnanasang magsalita tungkol sa mga bagay na hindi alam ng iba para tumaas ang tingin sa akin ng mga kapatid. Noong nakita kong may liwanag si Sister Wang sa pagbabahagi niya, lagi akong naasiwa, at gusto ko siyang mahigitan. Akala ko dati, madali talaga akong makasundo ng ibang tao at hindi ako naaapektuhan ng maliliit na bagay, na simpleng tao lang ako sa puso ko. Pero ngayon, lumabas na puwede pala akong mainggit, at kaya kong palihim na makipaglaban at makipagkumpitensya. Paano ako naging gayong klase ng tao? Tinawagan ko ang isang kapatid at tinanong ko siya, “Sister, nainggit ka na ba matapos makarinig ng liwanag sa pagbabahagi ng ibang kapatid sa mga salita ng Diyos?” Ang sagot niya, “Hindi. Kung may liwanag ang mga kapatid sa pagbabahagi nila, nakakatulong sa akin iyon. Natutuwa talaga ako at nasisiyahan.” Noong narinig ko ang sinabi niyang iyon, lalong sumakit ang loob ko. Naramdaman ko kung gaano katindi ang pagkamainggitin ko. Walang naiinggit kay Sister Wang, kundi ako lamang. Dahil nasa gayong sitwasyon, nagdasal ako sa Diyos. Ang sabi ko sa Kanya, “Diyos ko! Ayokong maging mainggitin, pero tuwing naririnig ko ang mahusay na pagbabahagi ng kapatid ko, naiinggit ako sa kanya. Diyos ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiusap, gabayan Niyo akong tanggalin itong gapos ng inggit.”

Hindi nagtagal, pinuntahan ako ni Sister Liu. Nagbahagi siya sa akin ayon sa kalagayan ko, at nagbasa rin ng mga salita ng Diyos: “Takot palagi ang ilang tao na maging mas sikat sa kanila ang iba at mahigitan sila, na nagtatamo ng pagkilala habang sila naman ay kinaliligtaan. Dahil dito, inaatake at ibinubukod nila ang iba. Hindi ba ito isang kaso ng pagkainggit sa mga taong mas may kakayahan kaysa sa kanila? Hindi ba makasarili at nakasusuklam ang ganitong pag-uugali? Anong klaseng disposisyon ito? Masama ito! Sarili lang ang iniisip, sariling mga hangarin lamang ang binibigyang-kasiyahan, walang konsiderasyon sa mga tungkulin ng iba, at iniisip lamang ang sariling mga interes at hindi ang mga interes ng bahay ng Diyos—ang ganitong klaseng mga tao ay may masamang disposisyon, at hindi sila mahal ng Diyos(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Noong narinig ko ang mga salita ng Diyos, ramdam kong ito mismo ang kalagayan ko. Nakakapagpaliwanag ang pagbabahagi ni Sister Wang, pero hindi ko inunawa ang katotohanan o hinanap ang landas ng pagsasagawa mula sa sinabi niya. Nainggit lang ako sa kanya. Kapag hindi maayos ang pagbabahagi ko at hindi ako makapagpasikat, at napapahiya ko lang ang sarili ko, umiikot ang isip ko, negatibo ako at galit. Takot akong bumaba ang tingin nila sa akin. Sobrang makasarili ko at kamuhi-muhi, at ang inisip ko lang ay ang umangat sa iba pero hindi ko kayang makitang may mas nakakahigit sa akin. Panibugho at inggit iyon, hindi ba? Wala iyong bahid man lang ng normal na pagkatao. Sa isip ko, gayon din ako dati bago ako naniwala sa Diyos. Kapag kasalamuha ko ang mga kaibigan, kamag-anak, at kapitbahay ko, gusto ko maganda ang sinasabi nila sa akin. Minsan, kapag pinupuri ng isang kasama ang gawain ng iba sa harap ko, hindi ako mapakali, at para purihin ako ng iba, pinagbubuti ko ang paggawa sa trabaho ko, at masaya akong gawin iyon kahit gaano pa kahirap o nakakapagod. Dati, wala akong malay roon, naisip kong pagnanasa lang iyon para umabante. Ngayon ko lang napagtanto na pagpapakita lang iyon ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Matapos iyon, madalas na akong lumapit sa Diyos at ipagdasal sa Kanya ang paghihirap ko. Sa mga pagtitipon, pinatatahimik ko ang puso ko at nakikinig ako sa pagbabahagi ng iba. Kapag ako na ang magbabahagi, hindi ko na iniisip na daigin si Sister Wang. Sa halip, pinag-iisipan ko ang mga salita ng Diyos at ibinahagi kung paano ko naunawaan. Sa pagsagawa ko sa ganitong paraan, naramdaman ko talaga na mas kalmado ako at malaya.

Nang magtagal, naramdaman ko talaga na nabawasan ang pagkamainggitin ko kumpara dati, pero talagang malalim ang ugat ng tiwaling disposisyon ni Satanas, at isinisiwalat nito ang sarili kapag may pagkakataon. Sa mga sumunod na pagtitipon, kapag nakikita ko na pinupuri ng ibang mga kapatid sa iglesia ang pagbabahagi ni Sister Wang, nagsimula na naman akong makaramdam ng kaunting inggit. Pagkatapos, naramdaman kong may agwat sa pagitan namin. Pero dahil nabubuhay ako sa gayong kalagayan, hindi ako nangahas magsabi sa iba. Natakot akong bumaba ang tingin nila sa akin. Kaya sa ilang pagtitipon, hindi ako makakilos nang maayos.

Isang gabi, tinawagan ako ni Sister Liu. Nag-alalang tinanong niya ako kung may pinagdadaanan akong problema. Hindi malinaw ang naging sagot ko, “Sister, napakatiwali ko na bang tao ngayon? Hindi na ba ako ililigtas ng Diyos?” Sa takot kong bumaba ang tingin niya sa akin, hindi na ako nagsalita pa sa kanya. Binasahan ako ni Sister Liu ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag naririnig ng ibang tao na para maging isang tapat na tao, dapat maging bukas ang isa at ilantad ang sarili niya, sinasabi nila, ‘Mahirap maging tapat. Kailangan ko bang sabihin ang lahat ng iniisip ko sa iba? Hindi ba sapat nang ipagniig ko ang mga positibong bagay? Hindi ko kailangang sabihin sa iba ang aking madilim o tiwaling bahagi, hindi ba?’ Kung hindi mo sinasabi sa ibang tao ang mga bagay na ito, at hindi sinusuri ang iyong sarili, sa gayon hindi mo kailanman makikilala ang iyong sarili; hindi mo kailanman makikilala kung anong uri ka ng bagay, at hindi magagawa kailanman ng ibang tao na magtiwala sa iyo. Ito ay katunayan. Kung gusto mo na magtiwala sa iyo ang iba, dapat munang ikaw ay maging tapat. Bilang isang tapat na tao, dapat mo munang ilantad ang iyong puso upang matingnan ito ng lahat, makita ang lahat ng iniisip mo, at masilayan ang iyong totoong mukha; hindi mo dapat subukang magpanggap o ipakete ang iyong sarili para magmukhang maganda. Saka lamang magtitiwala ang mga tao sa iyo at ipapalagay na matapat ka. Ito ay ang pinakasaligang pagsasagawa, at ang pang-unang kailangan, ng pagiging isang tapat na tao(“Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Matapos basahin iyon, nagbahagi siya sa akin, “Dapat makipagbahagi upang hanapin ang katotohanan; ito ang isang paraan upang makamit ang kalayaang espirituwal. Paraan iyon para isagawa ang katotohanan at maging tapat. Nang sa ganoon, matutulungan tayo ng ating mga kapatid. Tinutulutan nitong malutas nang mas mabilis ang ating mga tiwaling disposisyon, at pinalalaya tayo. Kung hindi tayo handang ihayag ang ating mga paghihirap, madali tayong mahuhulog sa panlilinlang ni Satanas, at malamang magkaroon ng kawalan sa ating buhay.” Matapos kong makinig kay Sister Liu, humugot ako ng tapang at sinabi ko sa kanya ang pinagdaraanan ko. Binasahan niya ako ng mga salita ng Diyos: “Ang mga taong inililigtas ng Diyos ay yaong mga taong may tiwaling disposisyon dahil ginawang tiwali ni Satanas; hindi sila mga perpektong tao na wala ni katiting na bahid-dungis, ni mga taong hungkag ang pamumuhay. Para sa ilan, sa sandaling mahayag ang kanilang katiwalian, iniisip nila, ‘Nalabanan ko na naman ang Diyos; nanalig na ako sa Kanya nang maraming taon, pero hindi pa rin ako nagbabago. Tiyak na ayaw na sa akin ng Diyos!’ Anong klaseng saloobin ito? Sumuko na sila sa sarili nila, at iniisip nila na ayaw na sa kanila ng Diyos. Hindi ba ito maling pagkaunawa sa Diyos? Kapag napakanegatibo mo, napakadali para kay Satanas na makahanap ng mga kahinaan sa iyo, at kapag nagtagumpay ito, mahirap nang isipin ang mga ibubunga nito. Samakatuwid, gaano ka man nahihirapan o gaano man kanegatibo ang damdamin mo, huwag kang sumuko kailanman! Sa proseso ng paglago sa buhay at habang naliligtas, kung minsa’y mali ang landas na tinatahak ng mga tao o naliligaw sila ng landas. Sumandaling nakikita sa kanila na medyo isip-bata sila sa kanilang buhay, o kung minsa’y nanghihina at nagiging negatibo sila, nagsasalita ng mga maling bagay, nadudulas at nadadapa, o nagdaranas ng kabiguan. Sa paningin ng Diyos, normal lahat ang gayong mga bagay, at hindi Siya magrereklamo tungkol doon(“Pagpasok sa Buhay ang Pinakamahalaga sa Pananalig sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Ito ang ibinahagi sa akin ng kapatid: “Lahat tayo ay lubos na ginawang tiwali ni Satanas. Mapagmataas tayo, tuso, masama, at karimarimarim. Ang mga disposisyong ito ni Satanas ay nakababaon nang lubusan sa kaloob-looban natin at naging likas na natin. Dahil dito, ang ugali natin at asal ay nagbubunyag ng katiwalian. Naiinis ako doon dati: Medyo nauunawaan ko naman ang tiwali kong disposisyon at nagsisi ako matapos kong ibunyag iyon, kaya bakit gagawin ko na naman ulit? Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na malubha ang tiwali kong disposisyon, at malinaw sa akin na hindi kayang mabago ang disposisyon ko nang magdamagan. Hindi basta magbabago ang tao kapag may kaunting kamalayan sa sarili. Kung wala ang pangmatagalang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, pagtabas at pakikitungo, at pagsubok at pagpipino, imposibleng tunay na magbago. Ang layunin ng pagdating ng Diyos para humatol at magparusa ay para linisin at baguhin tayo. Alam Niya kung gaano katindi ang pagtiwali sa atin ni Satanas, at alam Niya ang tayog natin at ang hirap natin kapag binabago natin ang ating mga disposisyon, kaya, mapagpatawad Siya at matiyaga sa mga taong hinahanap ang katotohanan. Umaasa ang Diyos na hanapin natin ang katotohanan, at buong pusong hangarin na baguhin ang ating disposisyon. Kaya tratuhin natin ang ating mga sarili nang tama. Kumain at uminom tayo ng mga salita ng Diyos, tanggapin ang paghatol at parusa, talikuran ang laman, at isagawa ang katotohanan. Darating ang araw, nakatakda nang magbago ang mga tiwali nating disposisyon.”

Nagbasa pa kami ng mga salita ng Diyos: “Sa sandaling pumasok na sa usapan ang posisyon, mukha, o reputasyon, lumulukso sa pag-asam ang puso ng lahat, at gusto palagi ng bawat isa sa inyo na mamukod-tangi, maging tanyag, at makilala. Lahat ay ayaw sumuko, sa halip ay palaging nagnanais na makipagtalo—kahit nakakahiya at hindi tinutulutan ang pagtatalo sa sambahayan ng Diyos. Gayunman, kung walang pagtatalo, hindi ka pa rin kuntento. Kapag nakikita mong may ibang namumukod-tangi, naiinggit ka, namumuhi, at na hindi iyon patas. ‘Bakit hindi ako namumukod-tangi? Bakit palagi na lang ang taong iyon ang namumukod-tangi, at hindi ako kahit kailan?’ Sa gayo’y naghihinanakit ka. Sinusubukan mo itong pigilin, ngunit hindi mo magawa. Nagdarasal ka sa Diyos at gumaganda ang pakiramdam mo sandali, ngunit kapag naharap kang muli sa ganitong sitwasyon, hindi mo ito madaig. Hindi ba iyan tayog na kulang pa sa gulang? Hindi ba isang patibong ang pagkahulog ng isang tao sa gayong katayuan? Ito ang mga kadena ng likas na katiwalian ni Satanas na gumagapos sa mga tao. … Kailangan mong matuto na hayaan at isantabi ang mga bagay na ito, na irekomenda ang iba, at tulutan silang mamukod-tangi. Huwag kang magpumilit o magmadaling manamantala sa sandaling magkaroon ka ng pagkakataong mamukod-tangi o mapuri. Kailangan mong matuto na pagbigyan ang iba, ngunit huwag mong ipagpaliban ang pagsasagawa ng iyong tungkulin. Maging isang taong nagtatrabaho nang patago, at hindi nagpapasikat sa iba habang matapat mong ginagampanan ang iyong tungkulin. Kapag lalo mong binitiwan ang iyong kasikatan at katayuan, lalo mong bibitiwan ang sarili mong mga interes, mas mapapayapa ka, at magkakaroon ng mas malaking puwang sa iyong puso at bubuti ang lagay mo. Kapag lalo kang nagpumilit at nakipagkumpitensya, lalong didilim ang lagay mo. Kung hindi mo ito pinaniniwalaan, subukan mo at makikita mo! Kung gusto mong baligtarin ang ganitong klaseng kalagayan, at hindi ka makontrol ng mga bagay na ito, kailangan mo munang isantabi at isuko ang mga ito. Kung hindi, habang nagpupumilit ka, lalong magdidilim ang paligid mo, at lalo kang maiinggit at mamumuhi, at lalong titindi ang hangarin mong magtamo. Habang mas tumitindi ang hangarin mong magtamo, lalo mo itong di matatamo, at habang mas kaunti ang natatamo, mas namumuhi ka. Habang mas namumuhi ka, lalong nagdidilim ang kalooban mo. Kapag lalong nagdilim ang iyong kalooban, lalo mong hindi magagampanan ang iyong tungkulin; kapag lalo mong hindi nagagampanan ang iyong tungkulin, lalo kang mawawalan ng silbi. Ito ay magkakaugnay at masamang bagay na paulit-ulit na nangyayari. Kung hindi mo magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin kailanman, kung gayon ay unti-unti kang aalisin(“Ipagkaloob ang Iyong Tunay na Puso sa Diyos, at Makakamit Mo ang Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw).

Napagtanto ko dahil sa pagbabahagi ni Sister Liu ng mga salita ng Diyos na nagsimula ang inggit ko sa matinding pagnanasang magkapangalan at magkaposisyon, at naging mapagmataas ang disposisyon ko. Itinanim sa isipan ko ang edukasyon ng CCP at lahat ng uri ng pilosopiya sa buhay at lason ni Satanas mula pa pagkabata, tulad ng, “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa,” at “Mamukod-tangi at magdala ng parangal sa kanyang mga ninuno.” Ang mga lasong ito ay itinanim sa kaibuturan ng puso ko, na sanhi para maging mapagmataas ako, mapagmalaki, makasarili, at masama. Lumaki akong ambisyosa at agresibo; kahit anong gawin ko, dapat mahigitan ko ang iba. Naging gayon na ako sa lipunan, at naging gayon din ako sa iglesia. Kahit habang nagbabahagi at nagdarasal sa pagtitipon, gusto ko pa ring mahigitan ang ibang tao, at masaya lang ako kapag pinuri ako. Sa oras na napatunayang may ibang mas magaling sa akin, hindi ko iyon matanggap, at naninibugho ako. Sa loob ko, pipigilan ko at lalabanan ang taong iyon. Kapag hindi ko nahigitan, magpapakanegatibo ako at hindi aayusin ang sarili ko. Hindi ko uunawain ang Diyos, at iisiping hindi ako ililigtas ng Diyos. Nakita kong ginawa akong mapagmataas, maramdamin, makasarili, at kamuhi-muhi ng katiwalian ni Satanas, at naging napaka-miserable ko. Nang magtagal, nakita ko ang landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos. Dapat matuto akong pakawalan, isantabi ang mga bagay, at magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos. Dapat matutunan kong talikuran ang laman at isantabi ang katayuan ko, at matuto sa lakas ni Sister Wang, at matutong bumawi para sa aking kahinaan. Ito lang ang paraan upang maunawaan at magkamit ng katotohanan.

Tapos, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Hindi magkapareho ang mga tungkulin. May isang katawan. Bawat isa’y ginagawa ang kanyang tungkulin, bawat isa’y nasa kanyang lugar at ginagawa ang kanyang buong makakaya—para sa bawat siklab may isang kislap ng liwanag—at naghahangad na lumago sa buhay. Sa gayon Ako ay masisiyahan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 21). Noong nabasa ko iyon, naunawaan ko na dahil iba-iba ang kakayahan at mga kaloob ng Diyos sa bawat tao, iba-iba rin ang hinihingi niya mula sa bawat tao. Sa totoo lang, hangga’t ginagawa natin ang lahat para magampanan ang mga tungkulin natin, mapapanatag ang puso ng Diyos. Dahil sa biyaya ng Diyos kaya mahusay si Sister Wang at madali niyang maunawaan ang katotohanan. Pinagtipon tayo ng Diyos para matuto sa ating lakas, punan ang ating kahinaan upang maunawaan natin ang katotohanan at makapasok nang magkakasama sa realidad ng mga salita ng Diyos. Dapat hawak ko nang maayos ang mga lakas ko at pagkukulang. Kahit anong kakayahan pa ang italaga sa akin ng Diyos, dapat akong magpasakop sa Kanyang patakaran at pagsasaayos, ituwid ang motibo ko, at hanapin ang katotohanan nang buong puso. Dapat kong ibahagi lahat ng nauunawaan ko, at isagawa lahat ng nalalaman ko. Dapat kong gawin ang makakaya ko upang liwanagan at gabayan ako ng Diyos. Dahil dito, ginawa ko ang resolusyong ito sa harap ng Diyos: Mula ngayon, handa na akong magsikap sa paghahanap ng katotohanan, itigil ang pagiging makitid ang isip at mainggitin, at isakabuhayan ang pagkakatulad sa tunay na tao upang tuparin ang kalooban ng Diyos.

Nagkaroon agad ng pagtitipon sa iglesia. Gusto kong ipaalam sa mga kapatid kung gaano ako kainggit kay Sister Wang, at kung anong mga aspeto ng tiwali kong disposisyon ang ibinunyag ko, pero sa sandaling naisip ko iyon, nakaramdam ako ng takot kung ano ang magiging tingin nila sa akin at kung ano ang iisipin ni Sister Wang kapag nalaman niyang naiinggit ako sa kanya. Medyo nag-atubili akong harapin ang sitwasyon. Sa loob ko, tahimik akong nanalangin sa Diyos. Sabi ko, “Diyos ko! Bigyan Niyo ako ng pananampalataya at tapang. Handa akong isantabi ang sarili at katayuan ko, magbahagi sa aking mga kapatid, at alisin ang mga hadlang sa pagitan namin. Kayo nawa, Diyos ko, ang maging gabay ko.” Pagkatapos magdasal, mas nakaramdam ako ng kapayapaan, at nagsalita ako tungkol sa kalagayan at pinagdadaanan ko. Matapos nila akong pakinggan, ni hindi bumaba ang tingin nila sa akin, sa halip, hinangaan nila ang lakas ng loob ko dahil nagawa kong maging matapat. Sabi nila, ang karanasan ko ang nagmulat sa kanila na sa pagsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos matatanggal ang mga tiwali nilang disposisyon, at magtatamo sila ng kalayaan. Sinabi rin nilang alam na nila ang gagawin kapag naharap sila sa gayong sitwasyon. Sa mga sumunod na pagtitipon, natuklasan ko pa ang maraming kalakasan ni Sister Wang: Kapag kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, isinasama niya ang sitwasyon niya sa pagbabahagi. Kapag may problema siya, nakatuon siya sa pagharap sa Diyos at paghanap sa Kanyang hangarin, at sa landas upang magsagawa mula sa Kanyang mga salita. Pagkatapos kong makita ang kalakasan niya saka ko lang naunawaan na hindi ko siya karibal, kundi isang taong makakatulong sa akin. Nakita ko, pinagsasama tayo ng Diyos para matuto tayo sa lakas ng isa’t isa upang punan ang kahinaan ng bawat isa. Kapag gayon ko iyon inisip, ramdam kong ganap akong nakalaya. Ngayon, bawat pagtitipon ay parang isang kasiyahan. Hindi na ako natatangay ng inggit o panibugho, kaya ko nang kumuha ng lakas sa iba upang punan ang kahinaan ko at mapalaya ang espiritu.

Sinundan: 9. Sa Pananalig Lang sa Diyos Magtatamo ng Pananampalataya

Sumunod: 11. Ang Tanging Paraan Para Mamuhay Nang Tulad ng Isang Tunay na Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Gamot Para sa Inggit

Ni Xunqiu, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang laman ng tao ay kay Satanas, ito ay puno ng mga masuwaying disposisyon, nakakahiya ang...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito