820 Ang Patotoong Dapat Ibahagi ng Tao

I

Pagpapatotoo’y tungkol sa pagsasalita

ng gawain ng Diyos,

kung pa’no Niya nilulupig,

binabago’t ‘nililigtas ang tao,

kung pa’no Niya ginagabayan ang tao

sa pagpasok sa katotohanang realidad,

kaya sila’y pumapayag magpalupig

at tapos ay maperpekto’t mailigtas Niya.


Pagpapatotoo’y tungkol sa pagsasalita

ng gawain ng Diyos.

Ito’y pagsasalita sa lahat ng naranasan mo na.

Gawain Niya lang ang kayang

kumatawan sa Diyos Mismo’t

maghayag sa Kanya nang buo’t lantaran.

Ito at mga salita Niya’ng nagpapatotoo sa Kanya’t

direktang kumakatawan sa Espiritu.


Kahit mga ‘to’y ‘pinapahayag

sa katawang-taong Diyos,

ito’y pagpapahayag ng Espiritu.

Lahat ng mga ginagawa’t sinasabi Niya,

bawat isa’y kumakatawan sa diwa Niya.


‘Pag nagpapatotoo ka sa Diyos,

‘di mo lang dapat patotohanan

ang Kanyang normal na pagkatao,

kundi pati ang ginagawa Niya rin,

ang tinatahak Niya, kung pa’no ka nalupig,

at pa’no ka nagawang perpekto.

Mga ito ang dapat mong sinasabi

‘pag ika’y nagpapatotoo sa Diyos, sa Diyos.


II

Nakaranas ka na ng paghatol, pagpipino,

pati na’ng pagkabigo’t pagsubok, pagdurusa;

nalupig ka’t naisantabi’ng makasariling bagay,

kabilang ang personal mong motibo’t

inaasam-asam at matatalik na interes ng laman.

Nalupig ng lubos ang ‘yong puso

ng mga salita ng Diyos.


Kahit ‘di ka na lumago sa buhay

tulad ng inuutos ng Diyos,

alam mo’ng mga ito

at kumbinsido ka sa ginagawa Niya.

Kaya ito’y maaaring tawaging tunay na patotoo,

at ito ay patotoong tunay at totoo.


‘Pag nagpapatotoo ka sa Diyos,

‘di mo lang dapat patotohanan

ang Kanyang normal na pagkatao,

kundi pati ang ginagawa Niya rin,

ang tinatahak Niya, kung pa’no ka nalupig,

at pa’no ka nagawang perpekto.

Mga ito ang dapat mong sinasabi

‘pag ika’y nagpapatotoo sa Diyos.


III

Ang gawaing ‘pinarito ng Diyos na gawin,

ang paghahatol at pagkakastigo’y

gawain para lupigin ang tao,

ngunit gawain din ng pagtatapos.

Tinatapos Niya ang buong panahon,

pinalalaya’ng tao sa sala,

buong nakakamit ang tao na Kanyang nilikha.

Dapat kang magpatotoo sa lahat ng ‘to.


‘Pag nagpapatotoo ka sa Diyos,

‘di mo lang dapat patotohanan

ang Kanyang normal na pagkatao,

kundi pati ang ginagawa Niya rin,

ang tinatahak Niya, kung pa’no ka nalupig,

at pa’no ka nagawang perpekto.

Mga ito ang dapat mong sinasabi

‘pag ika’y nagpapatotoo sa Diyos, sa Diyos.


Sa hinaharap ‘pag ‘pinalalaganap

ang ebanghelyo,

dapat kang magsalita sa ‘yong kaalaman,

magpatotoo sa mga natamo sa puso mo,

sa lahat ng oras ay gawin mo ang lahat.

Ito ang dapat maabot ng isang nilikha.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7

Sinundan: 819 Alam Mo Ba ang Layunin at Kahulugan ng Gawain ng Diyos?

Sumunod: 821 Paano Patotohanan ang Diyos sa Iyong Pananampalataya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

74 O Minamahal Ko, Hinahanap Kita

INasa’n Ka, minamahal ko?Alam Mo bang hanap-hanap Kita?‘Pag walang liwanag, kay sakit mabuhay.Sa kadiliman, hinahanap Kita.Di ako nawawalan...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito