Ang Aking Nakamit Mula sa Pagtukoy sa Isang Masamang Tao

Disyembre 11, 2024

Ni Neil, Hapon

Noong Agosto 2015, nalaman ko na pinalitan si Sister Nicole, na pangunahing dahil sa hindi siya gumawa ng aktuwal na gawain at nakipagkompetensiya sa iba para sa reputasyon at katayuan, pati na rin ang paghusga sa kanyang partner sa harap ng iba pang mga kapatid, lahat ng iyon ay nakagambala sa gawain ng iglesia. Pagkatapos tanggalin si Nicole, nagkaroon siya ng kaunting pagkaunawa sa kanyang mga paglabag at mga tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng pagbabahagi at pagpupungos. Nagpakita siya ng matinding pagsisisi at binigyang-sala ang sarili, at handang magsisi. Dating naging partner ni Nicole ang isa sa mga partner ko na si Alina. Nang marinig niyang iklinasipika si Nicole bilang isang huwad na lider, sinabi niya, “Pagkatapos maging lider ni Nicole, itinuring niya ang kanyang sarili na nakahihigit sa lahat. Halos wala siyang malasakit sa akin, at mapanghamak, at napakayabang. Bumuo rin siya ng mga grupo at sumali sa mga away-inggitan para magkaroon ng katayuan. Tanging isang anticristo lang ang makagagawa ng gayong mga bagay. Hindi sapat na tawagin siyang isang huwad na lider; dapat siyang iklasipika bilang isang anticristo.” Nagplano rin siyang hilingin sa mga nakatataas na lider na muling iklasipika si Nicole. Sumang-ayon ang isa pang partner na si Rachel nang marinig ang sinabi ni Alina. Nang oras na iyon, naisip ko, “Si Nicole ay labis ang pagpapahalaga sa sarili at walang malasakit at may napakalalang mayabang na disposisyon, pero hindi siya gumawa ng anumang mabigat na kasamaan, ni hindi siya palaging nagiging sanhi ng mga pagkagambala at mga kaguluhan, at pagkatapos siyang palitan, nagawa niyang magsisi, magnilay, at magtamo ng kaalaman sa sarili. Hindi siya katulad ng iba na hindi talaga tumatanggap ng katotohanan. Kung ikaklasipika natin siya bilang isang anticristo batay lamang sa limitadong katiwalian na ipinakita niya at sa isa o dalawang mga nakalipas na paglabag, hindi ba’t sumusobra naman yata iyon? Ang maling pagklasipika sa kanya ay pagtrato nang hindi makatarungan sa isang mabuting tao.” Kaya, sinabi ko ang mga pananaw ko. Pero hindi lamang ito tinanggihan ni Alina, idinagdag pa niya: “Hindi mo nauunawaan ang ilan sa pag-uugali ni Nicole. Kailangan nating sumunod sa mga prinsipyo. Hindi natin puwedeng pabayaan ang sinuman sa mga anticristo.” Medyo nabalisa ako nang oras na iyon, pero mas ikinabigla ko ang sumunod na ginawa ni Alina.

Isang araw ay nagawang mapakolekta ni Alina si Rachel ng mga ebalwasyon kay Nicole, at pribado siyang nag-ayos ng isang pagtitipon ng mga kapatid para kilatisin at himayin si Nicole nang hindi kumukonsulta sa mga nakatataas na lider. Sa pagtitipon, mahabang inulit-ulit ni Alina kung paano kumilos nang may kayabangan si Nicole noon, at partikular na binigyang-diin na umakto si Nicole nang pabasta-basta, pero hindi niya sinabi kung ito ba ay nakagawiang pag-uugali o isang nakalipas na halimbawa ng katiwalian. Ni hindi niya binanggit kung natanggap ba ni Nicole ang katotohanan sa huli, at nagsisi pagkatapos. Naramdaman ng isang sister na ang pagtitipon ay tila tungkol sa pang-aapi at pagkondena kay Nicole, at sinabihan si Rachel pagkatapos: “Ano ba talaga ang sinusubukan ninyong makamit sa paggawa nito? Naaayon ba ito sa layunin ng Diyos? Hindi ninyo puwedeng basta na lang iklasipika ang iba nang walang sapat na ebidensya. Maaaring maging pagkakasala iyon sa Diyos.” Medyo natakot si Rachel matapos itong marinig, at naramdaman din niya na baka medyo sumusobra na ang pagtrato kay Nicole nang ganito, kaya kinausap niya ako at si Alina tungkol sa kanyang mga pag-aalinlangan. Galit na sumagot si Alina, “Sa tuwing gusto nating isagawa ang katotohanan, ginagambala ni Satanas ang mga bagay-bagay.” Sa huli, muli niyang hinimay ang pag-uugali ni Nicole, at binigyang-diin na dahil nagseselos si Nicole sa kanyang partner, bumuo ito ng isang grupo, hinusgahan, at inapi ang partner na iyon. Sinabi rin niya na kumilos si Nicole nang pabasta-basta at nang hindi kumokonsulta sa iba, at sinadyang magtanggal ng mga tao. Nahikayat si Rachel at muling pumanig kay Alina nang makita ang kabigatan ng pag-uugaling sinasabi ni Alina. Nang sandaling ito, medyo hindi na rin ako sigurado. Tama nga ba ang pananaw nina Alina at Rachel? Nang marinig ko ang matinding pagbabahagi ni Alina ng mga salita ng Diyos na naglalantad sa pagbubuo ng mga anticristo ng mga grupo, mas lalo akong nalito at naisip na baka tama nga ang kanyang pagsusuri. Maaari kayang hindi maayos na natukoy ng mga nakatataas na lider si Nicole, napagkamalang huwad na lider ang isang anticristo at pinahintulutan siyang manatili? At kung magkagayon man, hindi kaya naging isang tao na akong nagsasalita para sa isang anticristo nang hindi natutukoy ang anticristo? Kung saan maaring mawalan ako ng posisyon. Maaari akong maakusahan na ipinagtatanggol ang isang anticristo at ganap na masira ang pangalan sa huli. Mas makabubuti siguro na pumanig ako kina Alina at Rachel. Sa gayong paraan, kung mali man ako, hindi lang ako ang may kasalanan. Mas magiging mabuti iyon kaysa sa mabunyag na mali at akuin ang lahat ng sisi. Nang malapit na akong sumang-ayon sa kanilang pananaw, nakadama ako ng kaunting pagkabalisa. Naisip ko na dahil hindi pa malinaw ang mga bagay-bagay, hindi ko pwedeng basta-basta na lang tanggapin ang opinyon ng iba. Kung hindi isang anticristo si Nicole, at bulag-bulagan kong susundin ang iba sa pagklasipika sa kanya, basta-basta akong magkokondena ng isang tao, na isang pagkakasala sa Diyos. Ang gayong paglabag ay hindi na mabubura sa sandaling magawa na ito. Dahil nakonsensya ako, pinili kong hindi umayon kay Alina.

Pagkatapos niyon, hinanap ko ang katotohanan tungkol sa kung paano matutukoy ang mga anticristo. Nabasa ko sa salita ng Diyos: “Ang isang tao na mayroon lamang disposisyon ng isang anticristo ay hindi makaklasipika bilang, sa diwa, isang anticristo. Yaon lamang mga may kalikasang diwa ng mga anticristo ang tunay na mga anticristo. Para makatiyak, may mga pagkakaiba sa pagkatao ang dalawa, at sa ilalim ng pamamahala ng iba’t ibang uri ng pagkatao, ang mga saloobing kinikimkim ng mga tao patungkol sa katotohanan ay hindi rin magkakapareho—at kapag hindi magkakapareho ang mga saloobing kinikimkim ng mga tao patungkol sa katotohanan, magkaiba ang mga landas na pinipili nilang tahakin; at kapag magkaiba ang mga landas na pinipiling tahakin ng mga tao, ang ibinubungang mga prinsipyo at kahihinatnan ng kanilang mga kilos ay mayroon ding mga pagkakaiba. Dahil ang isang taong may disposisyon lang ng isang anticristo ay may konsensiya sa trabaho, at may katwiran, at may pagpapahalaga sa dangal, at, kahit papaano, ay nagmamahal sa katotohanan, kapag naibubunyag niya ang kanyang tiwaling disposisyon, sinusumbatan niya ang kanyang sarili hinggil dito. Sa gayong mga pagkakataon, maaari niyang pagnilayan ang kanyang sarili at kilalanin ang kanyang sarili, at maaari niyang aminin ang kanyang tiwaling disposisyon at ang pagbubunyag ng kanyang katiwalian, sa gayon ay nagagawa niyang maghimagsik laban sa laman at sa kanyang tiwaling disposisyon, at natututo siyang isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Gayunman, sa isang anticristo, hindi ganito ang nangyayari. Dahil wala siyang konsensiya sa trabaho o tapat na kamalayan, at lalong wala siyang pagpapahalaga sa dangal, kapag nagbubunyag siya ng kanyang tiwaling disposisyon, hindi niya sinusukat ayon sa mga salita ng Diyos kung tama ba o mali ang kanyang pagbubunyag, o kung tiwali ba ang kanyang disposisyon o normal ang kanyang pagkatao, o kung naaayon ba ito sa katotohanan. Hindi niya pinagninilayan ang mga bagay na ito kailanman. Kaya, paano siya kumikilos? Palagi niyang iginigiit na ang tiwaling disposisyong naibubunyag niya at ang landas na pinili niya ay ang tama. Iniisip niya na anumang gawin niya ay tama, na anumang sabihin niya ay tama; determinado siyang panghawakan ang sarili niyang mga pananaw. Kaya, gaano man kalaki ang kamaliang ginagawa niya, gaano man kalubha ang tiwaling disposisyon na naibunyag niya, hindi niya kikilalanin ang bigat ng bagay na iyon, at tiyak na hindi niya nauunawaan ang tiwaling disposisyon na naibunyag niya. Siyempre pa, hindi rin niya isasantabi ang kanyang mga hangarin, o hindi siya maghihimagsik laban sa kanyang ambisyon o sa kanyang tiwaling disposisyon para piliin ang landas ng pagpapasakop sa Diyos at sa katotohanan. Makikita mula sa dalawang magkaibang kalalabasang ito na kung ang isang taong may disposisyon ng isang anticristo ay nagmamahal sa katotohanan sa puso niya, may pagkakataon siyang maunawaan ito at isagawa ito, at magtamo ng kaligtasan, samantalang ang taong may diwa ng isang anticristo ay hindi mauunawaan ang katotohanan o maisasagawa ito, ni hindi siya magtatamo ng kaligtasan. Iyan ang pagkakaiba ng dalawa(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalimang Ekskorsus: Pagbubuod sa Katangian ng mga Anticristo at sa Kanilang Disposisyong Diwa (Ikalawang Bahagi)). “Noon, madalas na magbunyag ang ilang lider at manggagawa ng mga disposisyon ng isang anticristo: Matitigas ang ulo nila at sinusunod ang sarili nilang kagustuhan, at laging ang paraan nila ang gusto nilang masunod. Ngunit hindi sila gumawa ng anuman na halatang masama at hindi malubha ang kanilang pagkatao. Sa pamamagitan ng pagpupungos, sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila ng mga kapatid, sa pamamagitan ng paglipat o pagpapalit sa kanila, sa pamamagitan ng pagiging negatibo nang ilang panahon, sa wakas ay nalaman nila na ang ipinakita nila dati ay mga tiwaling disposisyon, naging handa silang magsisi, at iniisip na, ‘Ang pinakamahalaga ay magpursige sa paggawa ng aking tungkulin, anuman ang mangyari. Bagama’t tumatahak ako sa landas ng isang anticristo, hindi ako naklasipika bilang gayon. Ito ang habag ng Diyos, kaya kailangan kong magsikap sa aking pananampalataya at hangarin. Walang mali sa landas ng paghahanap sa katotohanan.’ Unti-unti, ibinabaling nila ang kanilang mga sarili, at sila ay nagsisisi. May mga mabubuting namamalas sa kanila, nagagawa nilang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kapag ginagawa nila ang kanilang tungkulin, at hinahanap din nila ang mga katotohanang prinsipyo kapag nakikisalamuha sa iba. Sa bawat bagay, pumapasok sila sa isang positibong direksiyon. Hindi pa ba sila nakapagbago? Pumihit na sila mula sa pagtahak sa landas ng mga anticristo tungo sa pagtahak sa landas ng pagsasagawa at paghahanap sa katotohanan. May pag-asa at pagkakataon pa para sa kanila na mailigtas. Maihahanay mo ba ang gayong mga tao bilang mga anticristo dahil sila ay nagpakita noon ng ilang pagpapamalas ng isang anticristo o nilakaran ang landas ng mga anticristo? Hindi. Mas gugustuhin pa ng mga anticristo na mamatay kaysa magsisi. Wala silang kahihiyan; bukod pa riyan, malulupit sila at buktot ang kanilang disposisyon, at tutol sila sa katotohanan sa sukdulan. Kaya ba ng isang taong tutol sa katotohanan na isagawa iyon, o magsisi? Imposible iyan. Ang ibig sabihin ng ganap silang tutol sa katotohanan ay hinding-hindi sila magsisisi(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem: Sa Kanila Lamang Nila Pinasusunod ang Iba, Hindi sa Katotohanan o sa Diyos (Unang Bahagi)). Ang mga totoong anticristo ay may mabagsik na disposisyon, malisyosong kalikasan at masasamang tao sila. Wala silang konsensiya at katwiran at kahihiyan, at gaano man karaming kasamaan ang gawin nila, o gaano karaming kapahamakan ang idulot nila sa gawain ng iglesia o sa buhay pagpasok ng mga kapatid, hindi sila nakokonsensya. Bukod pa rito, labis silang tutol sa katotohanan. Hindi sila tumatanggap ni katiting na katotohanan, at hindi kailanman inaamin ang kanilang mga pagkakamali o nagsisisi, gaano man karaming kasamaan ang gawin nila. Pero ang mga taong may mga anticristong disposisyon ay walang mga likas na kasamaan; hindi talaga sila masasamang tao. Kung minsan, nagpapakita sila ng anticristong pag-uugali, tulad ng pagiging suwail at walang ingat, kumikilos sa dominanteng paraan at ibinubukod ang mga hindi sumasang-ayon sa kanila, pero sa pamamagitan ng pagpupungos, pagtatanggal o pagsasaayos, maaari nilang hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang kanilang sarili, makadama ng pagsisisi sa kanilang masasamang gawa, at pagkatapos ay tunay na magsisi at magbago. Katulad ng ilang mga huwad na lider na, sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa sarili pagkatapos ng ilang pagkakatanggal, ay nagagawang tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan sa huli. Posible talagang mapagbintangan ang isang tao sa pagklasipika sa kanya bilang isang anticristo kung ang ilan sa kanyang pag-uugali ay kahawig ng sa isang anticristo. Pagkatapos niyon, muli kong binasa kung ano ang natipon nina Alina at ng iba pa hinggil sa pag-uugali ni Nicole, at nalaman kong karamihan ay pag-uugaling naglalantad ng katiwalian, katulad ng mayabang na disposisyon, panghahamak sa iba, pagkilos ng ayon sa sariling kagustuhan, pagsasaayos sa mga tao nang hindi kumokonsulta sa mga kapwa-manggagawa, at iba pa. Idinamay din niya ang iba pang mga kapatid na husgahan ang kanyang partner, na nakagambala sa buhay-iglesia. Tunay nga na isa itong masamang gawa, pero hindi isang bagay na nakagawian na niya. Sa nakaraan, hindi niya kailanman inapi o hinusgahan ang iba. Matapos ang pagkakatanggal sa kanya, nagawa niyang pagnilayan at kilalanin ang kanyang mga paglabag at tiwaling disposisyon, at kinamuhian niya ang kanyang sarili at nagsisi. Makikita mula rito na hindi siya isang taong tumatanggi sa katotohanan o hindi magsisisi kailanman. Kung titignan sa ganitong paraan, mayroon siyang ilang anticristong pag-uugali pero hindi talaga isang anticristo. Ang iklasipika siya bilang isang anticristo dahil sa gayong mga paglabag ay hindi magiging tugma, at hindi naaayon sa mga katotohanang prinsipyo. Magiging pang-aapi at pagkondena ito sa kanya, na isang masamang gawain.

Kalaunan, nagbahagi ang mga nakatataas na lider sa amin hinggil sa pagkakaiba sa pagitan ng tiwaling pag-uugali at mahahalagang kalikasang diwa. Naisip ko, “Dapat maunawaan na ni Alina ngayon, at hindi na ipagpatuloy pa ang usaping ito.” Hindi inaasahang sinabi sa amin ni Alina pagkatapos ng pulong, “Pinoprotektahan ng mga nakatataas na lider si Nicole. Hindi nila tinitingnan ang problema ayon sa diwa ng pag-uugali ni Nicole. Hindi ko alam kung siya ba ay pinoprotektahan nila dahil mayroon siyang kaunting kakayahan.” Naisip ko, “Bakit kaya pinanghahawakan ni Alina ang isang paglabag ni Nicole at hindi ito binibitawan? Hindi ba’t napakalinaw na ng pagbabahagi ng mga lider? Nagpapakita lang ng katiwalian ang pag-uugali ni Nicole. Pansamantalang paglabag lang ito. Hindi talaga siya maaaring iklasipika bilang isang anticristo.” Pero hindi ito tinatanggap nina Alina at ng iba pa at sinabing aakyat sila sa mas nakatataas kung hindi pangangasiwaan ng mga lider si Nicole. Napakatigas ng ulo ni Alina, at ang dalawa pa niyang partner ay panig din sa kanya. Ako lang ang hindi sumang-ayon sa kanya. Lubha akong naguluhan. Kung patuloy akong sasang-ayon kung paano pinangangasiwaan ng mga lider ang mga bagay-bagay, sasabihin ba nina Alina at ng iba pa na sumasamba ako sa katayuan, walang pagkilala, at binabanggit ang anumang sabihin ng mga lider? Pero kung sasang-ayon ako sa kanilang pananaw, hindi ba’t walang pamimili lang itong pagkondena sa isang tao? Dapat ko sigurong sabihin na hindi ko alam kung paano tumukoy. Sa gayong paraan, hindi nila malalaman ang aktwal kong pananaw, at hindi sasabihin na wala akong pagkilala o pumanig ako sa isang anticristo. Kaya’t sinabi ko nang may labis na pag-aatubili, “Hindi sapat ang alam ko tungkol sa pag-uugali ni Nicole, kaya hindi ko alam kung paano siya ikaklasipika.” Nagbago agad ang ekspresyon ni Alina nang makita niyang hindi ako umayon sa kanya. Pagkatapos, sinadya nilang iwasan ako kapag tinatalakay nila ang pagbibigay-alam kay Nicole. Pakiramdam ko ay ihinihiwalay ako, na ikinasasama ng loob ko, “May nagawa ba akong mali? Bakit nila ako tinatrato nang ganito?” Nakagagambala ito para sa akin, at hindi ako mapakali sa paggawa ng tungkulin ko. Sa palagay ko, sasabihin nila sa likuran ko na napakababaw ng pagkaunawa ko sa katotohanan at wala akong pagkilala. Patuloy na ba nila akong ibubukod simula ngayon? Mas lalo akong nalumbay, at naisip ko, “Sige, kung hindi sila makikinig sa mga payo ko at ayaw akong isangkot, kung gayon ay makaliligtas ako sa mga kaguluhan at maiiwasang mapasama ang loob nila para hindi sila gumawa ng mga akusasyon at ipatanggal ako. Gawin nila kung ano’ng gusto nilang gawin; wala rin naman akong pakialam.” Pero pagkatapos kong pagpasyahan iyon, sinumbatan ko ang sarili ko: “Hindi ba’t tumatakas ako? Hindi ko itinataguyod ang gawain ng iglesia.” Kalaunan, nagbukas at nagbahagi ako sa mga lider ng tungkol sa kalagayan ko, at pinaalalahanan nila ako na hanapin ang layunin ng Diyos at itaguyod ang gawain ng iglesia, idinagdag na kung magiging negatibo ako at aatras ako at nag-iisip na tumakas dahil ihinihiwalay ako nina Alina at ng iba pa, iniiwasan ko ang aking responsabilidad. Napagtanto kong isinasaalang-alang ko lamang ang sariling kong mga personal na interes nang marinig ko ang sinabi ng mga lider. Nakita ko na inaapi ang isa sa mga hinirang na tao ng Diyos, pero nagkukunwari ako na wala akong kinalaman dito. Gusto ko pa ngang tumakas para maiwasang maibukod. Masyado akong makasarili at kasuklam-suklam!

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, at noon ko lang nakita nang mas malinaw ang aking kalikasang diwa. Sabi ng Diyos: “Kapag hindi umaako ng responsabilidad ang mga tao sa kanilang mga tungkulin, kapag ginagawa nila ang mga ito nang pabasta-basta, kapag kumikilos sila na parang mga mapagpalugod ng mga tao, at hindi nila pinoprotektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, anong disposisyon ito? Ito ay katusuhan, ito ay disposisyon ni Satanas. Ang pinakakapansin-pansing aspekto sa mga pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo ay ang katusuhan. Iniisip ng mga tao na kung hindi sila tuso, malamang na masasaktan nila ang damdamin ng iba at hindi nila mapoprotektahan ang kanilang mga sarili; iniisip nila na kailangan nilang maging sapat na tuso upang hindi makapanakit o makapagpasama ng loob ninuman, nang sa gayon ay mapananatili nilang ligtas ang kanilang mga sarili, mapangangalagaan nila ang kanilang mga kabuhayan at magkakaroon sila ng matatag na katayuan sa ibang mga tao. Ang mga walang pananampalataya ay namumuhay lahat ayon sa mga pilosopiya ni Satanas. Silang lahat ay mga mapagpalugod ng mga tao at hindi nila pinapasama ang loob ng sinuman. Narito ka na sa sambahayan ng Diyos, nabasa mo na ang salita ng Diyos, at nakinig ka na sa mga sermon ng sambahayan ng Diyos, kaya bakit hindi mo maisagawa ang katotohanan, bakit hindi ka makapagsalita mula sa puso, at maging matapat na tao? Bakit lagi kang mapagpalugod ng mga tao? Pinoprotektahan lang ng mga mapagpalugod ng mga tao ang sarili nilang mga interes, at hindi ang mga interes ng iglesia. Kapag may nakikita silang isang taong gumagawa ng masama at pumipinsala sa mga interes ng iglesia, hindi nila ito pinapansin. Mahilig silang maging mapagpalugod ng mga tao, at ayaw nilang makapagpasama ng loob ng sinuman. Iresponsable ito, at ang ganoong uri ng tao ay masyadong tuso at hindi mapagkakatiwalaan. Para maprotektahan ang kanilang sariling banidad at pagpapahalaga sa sarili, at para mapanatili ang kanilang reputasyon at katayuan, masaya ang ilang tao na makatulong sa iba, at na magsakripisyo para sa kanilang mga kaibigan kahit ano pa ang maging kapalit. Pero kapag kailangan nilang protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ang katotohanan, at ang hustisya, nawawala ang kanilang mabubuting intensyon, ganap nang naglaho ang mga ito. Kapag dapat nilang isagawa ang katotohanan, hindi nila ito isinasagawa ni bahagya. Anong nangyayari? Para maprotektahan ang sarili nilang dignidad at pagpapahalaga sa sarili, magbabayad sila ng anumang halaga at magtitiis ng anumang pagdurusa. Pero kapag kailangan nilang gumawa ng totoong gawain at mag-asikaso ng mga praktikal na bagay, na protektahan ang gawain ng iglesia at ang mga positibong bagay, at protektahan at tustusan ang mga taong hinirang ng Diyos, bakit wala na silang lakas para magbayad ng anumang halaga at magtiis ng anumang pagdurusa? Hindi iyon kapani-paniwala. Ang totoo, mayroon silang isang uri ng disposisyon na tutol sa katotohanan. Bakit Ko sinasabing ang disposisyon nila ay tutol sa katotohanan? Dahil sa tuwing ang isang bagay ay nangangailangan ng pagpapatotoo sa Diyos, pagsasagawa ng katotohanan, pagprotekta sa mga taong hinirang ng Diyos, paglaban sa mga pakana ni Satanas, o pagprotekta sa gawain ng iglesia, tumatakas sila at nagtatago, at hindi sila nakikibahagi sa anumang nararapat na mga bagay. Nasaan ang kanilang kabayanihan at diwa na magtiis ng pagdurusa? Saan nila ginagamit ang mga iyon? Madali itong makita. Kahit pa pagsabihan sila, sabihan na hindi sila dapat maging masyadong makasarili at mababang-uri, at protektahan ang sarili nila, at na dapat nilang protektahan ang gawain ng iglesia, wala talaga silang pakialam. Sinasabi nila sa kanilang sarili, ‘Hindi ko ginagawa ang mga bagay na iyon, at walang kinalaman ang mga iyon sa akin. Ano ang magandang maidudulot ng pagkilos nang gayon sa aking paghahangad ng katanyagan, pakinabang, at katayuan?’ Hindi sila mga taong hinahangad ang katotohanan. Gusto lang nilang maghangad ng katanyagan, pakinabang, at katayuan, at hindi man lang nila ginagawa ang gawaing naipagkatiwala sa kanila ng Diyos. Kaya, kapag kinakailangan sila para gawin ang gawain ng iglesia, pinipili na lang nilang tumakas. Nangangahulugan ito na sa puso nila, ayaw nila sa mga positibong bagay, at hindi sila interesado sa katotohanan. Malinaw itong pagpapamalas ng pagiging tutol sa katotohanan. Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan at nagtataglay ng katotohanang realidad ang kayang tumulong kapag kinakailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos at ng mga taong hinirang ng Diyos, sila lamang ang kayang manindigan, nang buong tapang at nang nakatali sa tungkulin, upang magpatotoo sa Diyos at ibahagi ang katotohanan, inaakay ang hinirang na mga tao ng Diyos papunta sa tamang landas, binibigyang-kakayahan silang makamit ang pagpapasakop sa gawain ng Diyos. Ito lamang ang saloobin ng pagkakaroon ng responsabilidad at pagpapamalas ng pagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sa pamamagitan lamang ng paghahambing sa mga salita ng Diyos ko nakita na higit na tuso at mapanlinlang ako. Gusto ni Alina at ng iba pa na iklasipika si Nicole bilang isang anticristo. Malinaw na hindi ako sumang-ayon sa kanila, at alam ko rin na tinrato nila si Nicole nang hindi makatarungan sa pamamagitan ng pabasta-bastang pagkondena sa kanya, pero nag-alala ako na mapasama ang loob nila at kondenahin o tanggalin nila. Para maprotektahan ang katayuan at reputasyon ko, iniwasan kong ipahayag kung ano talaga ang palagay ko at nagsalita ng bagay na hindi maliwanag. Wala akong lakas ng loob na manatili sa tamang pananaw. Lagi kong isinasaalang-alang ang sarili kong mga interes at inuuna ang pangalagaan ang sarili, at wala man lang ginagawa para protektahan ang mga interes ng iglesia. Hindi ko rin isinaalang-alang kung gaano karaming gulo ang ihahatid nila sa gawain ng iglesia sa paggawa nito. Sa isang malaking usapin na sangkot ang gawaing iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga kapatid, nagmaang-maangan ako para walang sinuman ang mapasama ang loob o masaktan, at sumabay lang ako sa agos at nagsalita ng laban sa mga prinsipyo para mapanatili ang posisyon ko. Masyado nga talaga akong tuso. Hindi lamang ako tuso, bagkus ay tutol ako sa katotohanan. Nauunawaan ko na isang makatarungan at positibong bagay ang pagsasagawa ng katotohanan at pagprotekta sa gawain ng iglesia, pero kapag naiisip ko na maaaring masira ang sarili kong interes, hindi ko ito isinasagawa. Naisip ko pa na baka pagdusahan ko ang pagtatanggol sa kung ano ang tama. Hindi ba’t ipinakikita lamang nito na hindi ko gusto ang mga positibong bagay at tutol ako sa katotohanan? Nakonsensya ako at nakadama ng labis na pagsisisi.

Pagkatapos niyon, ipinaalaala sa akin ng mga nakatataas na lider na matapos matanggal si Nicole sa pagkakataong ito, ipinagpatuloy pa rin ni Alina ang pag-uulat sa kanya bilang isang anticristo, at hindi tumitigil hanggang sa itiwalag si Nicole. Hindi na lang ito isang ordinaryong pagpapamalas ng katiwalian. Kung ang hangarin talaga ni Alina ay matukoy ang isang anticristo at protektahan ang gawain ng iglesia, pero sadyang hindi nga lang tumpak ang pagkilala, dapat ay nakita sana niya ang kanyang mga pagkakamali at itrato nang tama ang paglabag ni Nicole pagkatapos magbahagi ng mga nakatataas na lider alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo. Pero hindi niya man lang tinanggap ang pagbabahagi, pinanghawakan niya pa rin nang mahigpit ang mga sariling paniniwala, na may bakas ng pang-aapi at pagpaparusa sa isang tao. Hiniling sa akin ng mga lider na imbestigahan si Alina at alamin ang katotohanan tungkol sa usapin, at pumayag ako. Pero nang tatanungin ko na ang iba tungkol dito, nagsimula na naman akong umurong. “Hindi na lang si Rachel ngayon ang hindi nakakikilala kay Alina. Pumapanig na rin sa kanya maging ang ilan sa mga kapatid sa iglesia. Kung susubukan kong alamin ang katotohanan tungkol sa usapin nang pribado, at sasabihin nila kay Alina ang tungkol dito, ipatatanggal kaya ako nina Alina at ng iba pa?” Kapag naiisip ko ang tungkol dito, nagsisimula na naman akong makadama ng pag-aalinlangan. Kalaunan, naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapahihintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba’y taong sumusunod sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Pinukaw ng mga salita ng Diyos ang aking puso. Sa harap ng mga katanungan ng Diyos, nakita kong nagiging kimi at duwag ako, natatakot sa gulo. Gusto kong palaging tumakas sa gulo. Hindi man lang ako nagpapahalaga sa pasanin ng Diyos. Hindi ko pinoprotektahan ang gawain ng iglesia sa takot na mapasama ang loob ng iba sa pagsasagawa nito at makasama sa akin. Masyado akong makasarili at kasuklam-suklam! Ginising ako ng mga salita ng Diyos. Ngayon ang pag-uugali ni Alina ay gumagambala sa buhay-iglesia. Kung hindi ako maninindigan ngayon, magiging huli na kung magdulot nang mas malaking pinsala si Alina sa gawain ng iglesia. Isang kawalan ng pananampalataya sa Diyos ang kahinaang loob at takot ko. Hindi ako nanalig na nasa mga kamay ng Diyos ang lahat, kaya lagi akong natatakot na maapi ng iba. Ang Diyos ay matuwid, naghahari ang katotohanan sa sambahayan ng Diyos. Sa huli, walang lugar dito ang mga negatibong tao at masasamang tao, pero napakaliit ng pananampalataya ko. Kaya naman lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko, mayroon akong takot at kahinaang loob sa aking puso. Pakiusap bigyan mo ako ng pananampalataya para manindigan at pangalagaan ang gawain ng iglesia.” Pagkatapos kong manalangin, naalala ko ang isang lider ng grupo na matuwid at medyo kayang kumilatis. Kaya hinanap ko siya at hiniling na makipagtulungan siya sa akin sa pagsiyasat sa usapin. Sa pagsusuri sa mga ulat ni Alina tungkol sa mga anticristong pag-uugali ni Nicole, nabigla kami. Nalaman namin na hindi totoo ang ilan sa mga akusasyon, at ang mga iba pang ikinababahalang pag-uugali ay pagbubunyag lamang ng katiwalian at hindi malalaking problema. Sa pamamagitan ng pagkondena kay Nicole bilang isang anticristo batay sa gayong mga pag-uugali, hindi ba’t binabaluktot ni Alina ang mga katotohanan para apihin si Nicole? Napansin din ng diyakono sa pangkalahatang usapin na nagiging malupit si Alina kay Nicole, at binalaan siya na huwag gumawa ng masama, pero hindi pa rin natinag si Alina at nag-ingay pa rin para kondenahin si Nicole bilang isang anticristo. Nakita namin na may partikular na pagkamuhi si Alina kay Nicole at determinadong ipatiwalag siya. Nalaman namin ang tungkol sa sitwasyon noong sina Alina at Nicole ay magka-partner, at natuklasan na maraming ibinigay na mahahalagang gawain ang mga nakatataas na lider kay Nicole noon dahil nakahihigit ang kanyang kahusayan at abilidad sa gawain kaysa kay Alina. Sa palagay ni Alina ay inaagawan siya ni Nicole ng katanyagan, at humantong sa pagseselos at sama ng loob. Madalas ding ituro ni Nicole ang mga problema sa kanyang gawain, kaya sa tingin ni Alina ay hinahamak siya ni Nicole. Nagtanim si Alina ng sama ng loob kay Nicole at palaging naghihintay ng pagkakataon para makaganti sa kanya. Sa pangyayaring ito, nang lumabag si Nicole sa mga prinsipyo at lumitaw bilang isang huwad na lider, ginusto ni Alina na samantalahin ang pagkakataon para iklasipika si Nicole bilang isang anticristo at itiwalag siya. Noong una, akala ko ay kinondena niya si Nicole dahil hindi niya maintindihan ang katotohanan. Ngayon, nakita kong napakatindi ng pag-aasam ni Alina sa paghihiganti na para makabawi siya, kaya binaluktot niya ang mga katotohanan para ilihis ang iba na sumama sa kanya sa pagkondena kay Nicole. Lubhang kasuklam-suklam ang kalikasan nito!

Isang araw, sa pamamagitan ng paghahayag sa salita ng Diyos, nakita ko pa nang mas malinaw ang diwa ni Alina. Sabi ng Diyos: “Ano ang isang hindi sumasang-ayon? Sino ang mga taong itinuturing ng anticristo na mga hindi sumasang-ayon? Sa pinakasimple, sila yaong hindi sineseryoso ang anticristo bilang isang lider, ibig sabihin, hindi nila tinitingala o sinasamba ang anticristo at sa halip ay itinuturing nila ito bilang ordinaryong tao. Isang uri iyon. Nariyan pa yaong mga nagmamahal sa katotohanan, naghahangad ng katotohanan, naghahangad ng pagbabago sa kanilang disposisyon, at naghahangad na mahalin ang Diyos; iba ang landas na tinatahak nila kaysa sa isang anticristo, at sila ay mga hindi sumasang-ayon sa mga mata ng anticristo. May iba pa ba? (Ang mga laging nagmumungkahi sa mga anticristo, at nangangahas na ilantad ang mga ito.) Ang sinumang nangangahas na magmungkahi sa anticristo at ilantad ang mga ito, o yaong ang mga pananaw ay naiiba rito, ay itinuturing nitong mga hindi sumasang-ayon. At may isa pang uri: yaong mga kapantay ng anticristo sa kakayahan at abilidad, na ang kakayahan sa pananalita at pagkilos ay katulad ng sa anticristo, o itinuturing ng anticristong nakatataas sa kanya at nakakakilatis sa kanya. Sa isang anticristo, hindi ito katanggap-tanggap, isang banta sa kanyang katayuan. Ang gayong mga tao ang pinaka-hindi sumasang-ayon para sa anticristo. Hindi nangangahas ang anticristo na kaligtaan o luwagan ang gayong mga tao kahit kaunti. Itinuturing niya ang mga ito na mga tinik sa kanyang tagiliran, palaging nagdudulot sa kanya ng pagkainis, at mapagbantay at maingat siya sa mga ito sa lahat ng pagkakataon at iniiwasan niya ang mga ito sa lahat ng ginagawa niya. Lalo na kapag nakikita ng anticristo na kikilatisin at ilalantad siya ng isang taong hindi sumasang-ayon, natataranta siya nang husto; desperado siyang palayasin at atakihin ang hindi sumasang-ayon na iyon, kaya hindi siya masisiyahan hangga’t hindi niya napapaalis sa iglesia ang taong iyon na hindi sumasang-ayon. … Para sa isang anticristo, ang hindi sumasang-ayon ay isang banta sa kanyang katayuan at kapangyarihan. Sa magbabanta sa kanilang katayuan at kapangyarihan, maging sinuman ito, gagawin ng mga anticristo ang lahat para ‘maasikaso’ siya. Kung talagang hindi mapapasunod o makukuha ang loob ng mga taong ito, pababagsakin o paaalisin siya ng mga anticristo. Sa huli, makakamit ng mga anticristo ang kanilang mithiin na magkaroon ng lubos na kapangyarihan, at maging ang mismong batas. Ito ang isa sa mga diskarte na madalas gamitin ng mga anticristo para mapanatili ang kanilang katayuan at kapangyarihan—binabatikos at ihinihiwalay nila ang mga hindi sumasang-ayon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Aytem: Binabatikos at Inihihiwalay Nila ang mga Hindi Sumasang-ayon). “Kapag naharap ang isang malupit na tao sa anumang uri ng pagpapayo, akusasyon, turo, o tulong na may mabuting layunin, ang saloobin nila ay hindi ang magpasalamat o tanggapin ito nang mapagpakumbaba, kundi, ang magalit nang husto dahil sa kahihiyan, at makaramdam ng matinding pagkamapanlaban, pagkamuhi, at maghiganti pa nga. … Siyempre, kapag gumaganti sila sa iba dahil sa pagkamuhi, hindi ito dahil may pagkamuhi sila o dating sama ng loob sa taong iyon, kundi dahil inilantad ng taong iyon ang mga pagkakamali nila. Ipinapakita nito na ang simpleng paglalantad sa isang anticristo, kahit sino pa ang gumawa nito, at kahit ano pa ang ugnayan nila sa anticristo, ay pwedeng makapukaw sa pagkamuhi nila at mag-udyok ng paghihiganti nila. Kahit sino pa ito, nauunawaan man ng taong ito ang katotohanan, o isa man itong lider o manggagawa, o isang ordinaryong miyembro ng hinirang na mga tao ng Diyos, hangga’t may naglalantad at nagpupungos sa anticristo, ituturing nila ang taong iyon bilang kaaway. Hayagan pa ngang sasabihin ng mga anticristo na, ‘Pahihirapan ko ang sinumang magpupungos sa akin. Ang sinumang nagpupungos sa akin, naglalantad sa mga kahiya-hiyang sikreto ko, nagpapatalsik sa akin sa sambahayan ng Diyos, o aagaw sa aking parte ng mga pagpapala, hinding-hindi ko siya tatantanan. Ganyan ako sa sekular na mundo: Walang nangangahas na bigyan ako ng problema. Hindi pa ipinapanganak ang taong mangangahas na abalahin ako!’ Ito ang mga uri ng walang awang salita na ibinubulalas ng mga anticristo kapag nahaharap sila sa pagpupungos. Kapag ibinubulalas nila ang mga walang awang salitang ito, hindi ito para takutin ang iba, at hindi rin sila nagbubulalas para protektahan ang sarili nila. Tunay na may kakayahan silang gumawa ng kasamaan, at magpapakababa sila para makuha ang gusto nila. Ito ang malupit na disposisyon ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Sa pamamagitan lamang ng paghahayag ng salita ng Diyos ko malinaw na nakita ang mga motibo ni Alina. Paulit-ulit niyang sinasabi na gusto niyang pangalagaan ang gawain ng iglesia at hindi maaaring pabayaan ang sinumang anticristo, pero sa katotohanan ay nagsasagawa siya ng isang personal na paghihiganti. Dahil lamang sa itinuro ni Nicole ang mga pagkakamali sa kanyang gagawin, nagtanim siya ng sama ng loob. Ginamit niya ang pagkakatanggal kay Nicole para gumawa ng isang malaking gulo, at pinanghawakan ang nakalipas na paglabag ni Nicole para iklasipika siya bilang isang anticristo. Matapos malinaw na magbahagi ng aming mga lider sa pagkakaiba sa pagitan ng katiwalian at masamang gawain, hindi niya ito binibitawan, at ipinagpatuloy niya ang lahat ng kanyang makakaya para maglahad ng lihis na impormasyon tungkol kay Nicole. Gumawa siya ng labis-labis na mga akusasyon at nilihis ang mga kapatid sa pagsali sa kanyang pagkondena kay Nicole, bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na alisin ang mga may ibang mga pananaw. Nang hindi pinangasiwaan ng mga lider si Nicole nang ayon sa kagustuhan niya, hindi siya nasiyahan at sinabi sa kanyang mga kapwa-manggagawa na pinoprotektahan ng mga lider si Nicole, kung saan nalihis silang pumanig sa kanya at kumampi sila laban sa mga lider. Nang magpahayag ako ng ibang pananaw sa mga usapin tungkol kay Nicole, ihiniwalay at ibinukod niya ako. Nang sinabihan siya ng ilang kapatid sa kanyang ginagawa, tumanggi siyang tanggapin ito at sinabing panggagambala ito ni Satanas. Mula sa mga katunayang ito, makikita natin na kinamuhian ni Alina ang katotohanan at nagkaroon ng napakasamang disposisyon. Kung may sinumang nakakilatis sa kanya o nagbanta sa kanyang katayuan, tinuturing niya silang kaaway na dapat tuligsain, ihiwalay at parusahan bilang ganti. Isang masamang tao si Alina. Pagkatapos niyon, inulat ko sa mga lider ang mga katotohanang nalaman ko. Pagkatapos ay tinanggal nila si Alina, ihiniwalay siya, at sinubaybayan ang kanyang pag-uugali para kung sakaling magdulot pa siya ng pagkagambala ay ititiwalag siya. Sa pamamagitan ng pagbabahagi, nagkaroon si Rachel ng pagkilala kay Alina. Nang makita niya na sumama siya kay Alina sa paggawa ng kasamaan, lubos ang kanyang pagsisisi at kinamuhian ang sarili.

Bagaman matagal nang nangyari ito, nahihiya akong isipin kung paanong sa sandaling panahon, at para sa sarili kong interes, hindi man lang ako nakialam kahit magdusa ang gawain ng iglesia. Kundi sa kaliwanagan at patnubay ng mga salita ng Diyos, hindi man lang sana ako magkakaroon ng lakas ng loob na pangalagaan ang gawain ng iglesia. Ang salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng mga prinsipyo ng pagsasagawa. Gaano ko man naiintindihan ang katotohanan, hangga’t sangkot ang mga interes ng iglesia, kailangan kong manindigan sa pagtatanggol sa mga ito. Isa itong hindi matitinag na responsibilidad.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman