Isang Di-Malilimutang Karanasan sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Enero 25, 2023

Ni Kira, Italya

Ang karanasan sa ebanghelyo na pinakatumatak sa akin ay nangyari noong Abril ng 2021, noong nakilala ko online ang isang Katolikong kapatid na nagngangalang Rafael. Nagpatotoo ako sa gawain ng Diyos sa mga huling araw sa kanya, at habang nakikipagbahaginan ay nalaman kong mahusay ang kakayahan niya at mabilis niyang naunawaan ang katotohanan. Nang mabasa ang salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama niya na iyon ang tinig ng Diyos kaya naging handa siyang hanapin at siyasatin ang tunay na daan, at aktibong lumahok sa mga pagtitipon. Pero sa gulat ko, isang araw ay isang kapatid ang nagpadala sa akin ng mensahe na nagsasabing nakatagpo ni Rafael ang dati nilang paring Katoliko, at na hindi na siya pumupunta sa mga pagtitipon. Nang marinig ito, naisip ko na malamang na maraming kuru-kuro at maling paniniwala ang naitanim sa isip niya. Agad ko siyang kinontak at nalaman kong nalito siya sa mga pinagsasabi namin, pero hindi niya sinabi kung saan siya nalilito. Noong oras na iyon, hindi ko alam kung paano ako dapat magbahagi sa kanya, nablangko ang isip ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Paulit-ulit kong tinawag ang Diyos, hinihiling sa Diyos na gabayan si Raphael kung ito ay tupa ng Diyos, at sinabi kong handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya sa pakikipagbahaginan dito.

Kalaunan, inanyayahan namin ni Sister Anila si Rafael na makipagbahaginan kasama namin. Hindi siya mapakali nang sumama sa pagtitipon namin, naglilitanya ng napakaraming doktrina ng relihiyon, nagsasalita tungkol sa debosyon niya sa Panginoong Jesus, at kung gaano katatag ang kanyang pananampalataya. Inisip niya na dahil nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus bilang lalaki at tinawag Niya ang Diyos sa langit na “Ama,” at dahil nakasanayan na ng mga nasa mundo ng relihiyon na tawagin ang Diyos sa langit na “Diyos Ama,” ang Panginoon ay dapat bumalik sa anyo ng isang lalaki. Hindi katanggap-tanggap ang pagpapakita at paggawa ng Makapangyarihang Diyos sa anyo ng isang babae para sa kanya. Nang marinig ko ang tindi ng kanyang mga salita, hindi ako sigurado kung paano ako dapat magsimulang makipag-usap sa kanya. Nanalangin akong patnubayan ako ng Diyos. Pagkatapos, sinabi ko kay Rafael, “Naniniwala akong matatag talaga ang pananalig mo sa Panginoong Jesus, pero pag-isipan lang natin sandali. Madalas tayong manalangin sa Panginoong Jesus, pero tunay ba natin Siyang kilala? Talaga bang alam natin na ang Panginoong Jesus ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos Mismo? Talaga bang alam natin na Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay? Lakas-loob ba nating masasabi na alam natin ang banal na diwa ng Panginoong Jesus? Lakas-loob ba nating magagarantiya na pagbalik ng Panginoong Jesus, tunay nating magagawang malaman na Siya nga ito? Bakit nga ba tayo nananalig sa Kanya? Dahil ba sa pamilya kung saan Siya isinilang o sa Kanyang itsura?” Walang sinabi si Rafael bilang tugon dito. Pagkatapos ay binasa ko sa kanya ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang diwa ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala nila sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugang ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, ngunit dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at siyang Salita na naging tao, sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na diwa pa rin ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos). “Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging laman, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging katawang-tao; ang gawaing ginagawa ng katawang-tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng katawang-tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; ibig sabihin, tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ng Katawang-taong Tinatahanan ng Diyos). Pagkabasa ko sa kanya ng salita ng Diyos, nagbahagi ako, “Alam nating lahat na ang Panginoong Jesus ay isinilang sa pamilya ng isang karpintero. Siya ay mukhang normal, walang pinagkaiba sa isang ordinaryong tao sa panlabas, ngunit Siya ang katawan na isinuot ng Espiritu ng Diyos, at Siya ang Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Hindi dahil sa Siya ay Hudyo kung kaya’t nananalig tayo sa Kanya, ni dahil sa ipinanganak Siya ni Maria, at lalong hindi dahil sa Kanyang kasarian o Kanyang itsura. Nananalig tayo sa Kanya dahil taglay Niya ang diwa ng Espiritu ng Diyos, dahil Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Siya lang ang makapagpapahayag ng katotohanan at makapagsasagawa ng banal na gawain. Kaya, bakit din tayo nananalig sa Makapangyarihang Diyos ngayon? Nananalig tayo dahil ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, Siya ang Espiritu ng Panginoong Jesus na nadadamitang muli ng laman ng isang ordinaryong tao, naninirahan sa piling natin, nagpapahayag ng mga katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis sa mga huling araw. Ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay kapwa galing sa iisang pinagmulan, at parehong may diwa ng Espiritu ng Diyos. Saanmang pamilya isilang itong pagkakatawang-tao ng Diyos, anuman ang itsura Niya, anuman ang kasarian Niya, wala sa mga bagay na ito ang makapagpapabago sa Kanyang diwa. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng napakaraming katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sapat na ito para patunayan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos at na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus.”

Unti-unting naging handa si Rafael na hanapin ang katotohanan. Sinabi niyang sang-ayon siya sa lahat ng sinabi ko, pero hindi pa rin niya maunawaan kung bakit pinili ng Diyos na magkatawang-tao sa anyo ng isang babae sa panahong ito. Nang makitang medyo huminahon na siya, tinanong ko siya, “Ang anyo ba o kasarian na pinili ng Diyos upang gumawa sa katawang-tao ay mga bagay na puwede nating pagpasyahan? Kapag ipinapanganak tayo ng ating ina, hindi natin mapipili ang kanyang itsura, at kahit ano pang itsura niya, kailangan lang natin itong tanggapin. Ito ang katwiran na dapat taglay ng mga anak. Hindi ba?” Tumango si Rafael at sinabing, “Siyempre, wala tayong karapatang mamili.” Nagpatuloy ako, “Gayundin, ang uri ng laman ba na pinili ngayon ng Diyos para magkatawang-tao, bilang isang lalaki o isang babae, ay isang bagay na mapagpapasyahan natin? Kung sasabihin natin na kung paparito ang Diyos bilang isang lalaki ay tatanggapin ko ito, ngunit kung Siya ay paparito bilang isang babae, hindi ko matatanggap, hindi ba’t di-makatwiran iyon? Ang kasarian ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang bagay na bahala na ang Diyos Mismo at ito ay kapasyahan ng Diyos. Bilang tao, hindi tayo kuwalipikadong magkomento, hindi ba? Ang Diyos ang Panginoon ng sangnilikha. Ang karunungan ng Diyos ay mas mataas kaysa sa langit at ang Kanyang pag-iisip ay mas mataas kaysa sa tao. Tayo ay mga hamak lang na tao; paano natin maaarok ang karunungan ng Diyos sa Kanyang gawain? Tungkol sa itsura at gawain ng Diyos, wala talaga tayong karapatang pumili. Naging tao ang Diyos, at hangga’t nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng Diyos, anuman ang Kanyang kasarian, Siya ang Diyos Mismo, at dapat tayong tumanggap at magpasakop. Ito lamang ang pagiging makatwiran, at ito lamang ang pagiging isang matalinong tao.” Taimtim na nakikinig si Rafael at hindi niya ako pinabulaanan.

Pagkatapos ay binasa ko sa kanya ang ilang talata sa Bibliya: “Nang pasimula Siya ang Salita, at ang Salita ay sumasa Diyos, at ang Salita ay Diyos(Juan 1:1). “At ang lupa ay walang anyo, at walang laman; at kadiliman ang bumabalot sa kalaliman. At ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng mga tubig” (Genesis 1:2). “At nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya’y nilalang; nilalang Niya sila na lalaki at babae” (Genesis 1:27). “Ingatan ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagkat wala kayong nakitang anumang anyo noong araw na nagsalita si Jehova sa inyo sa Horeb sa gitna ng apoy: Baka kayo ay matiwali, at makagawa ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alinmang larawan, na kawangis ng lalaki o babae, na kawangis ng anumang hayop na nasa lupa, na kawangis ng anumang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid, na kawangis ng anumang bagay na umuusad sa lupa, na kawangis ng anumang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa” (Deuteronomio 4:15–18). Nagbahagi ako, “Mula sa mga talatang ito ng Bibliya, makikita natin na ang Diyos ay espiritu sa diwa, na Siya ay walang tiyak na anyo, at na hindi Niya pinahihintulutan ang mga tao na iukit Siya sa anumang imahe upang sambahin. Sa Genesis, nakasulat na sa simula, unang nilikha ng Diyos ang lalaki, at pagkatapos ay ang babae sa Kanyang sariling imahe. Kaya masasabi mo bang ang Diyos ay lalaki o babae? Maaari mong sabihing lalaki, ngunit nilikha rin ng Diyos ang babae ayon sa Kanyang sariling imahe. Maaari mong sabihing babae, ngunit nilikha rin ng Diyos ang lalaki ayon sa Kanyang sariling imahe. Kayo anong nangyayari rito? Ang Diyos ay isang matuwid na Diyos, at nilikha Niya ang lalaki at babae ayon sa Kanyang imahe. Nung una Siyang nagkatawang-tao, iyon ay bilang isang lalaki, at sa mga huling araw ay nagkatawang-tao Siya bilang isang babae, ibig sabihin, patas ang pagturing niya sa dalawang kasarian. Kung ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang lalaki sa parehong pagkakataon, hindi magiging patas iyon sa kababaihan. Ang pagsasabi na ang Diyos ay lalaki o babae ay paglilimita sa Diyos, na siyang pinakaayaw Niya. Sa tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos, ito ay para iligtas ang sangkatauhan, at ang magkatawang-tao ay nangangahulugan ng pag-aanyo na isang tao, lalaki man o babae. Gayunpaman, anuman ang kasarian ng Diyos na nagkatawang-tao, ang diwa Niya ay hindi nagbabago magpakailanman.” Mukhang naintindihan na ito ni Rafael, at tunay siyang sumang-ayon sa sinabi ko. Tapos, pinadalhan ko siya ng ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Bawat yugto ng gawaing ginawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noon, nang pumarito si Jesus, dumating Siya sa anyong lalaki, at nang dumating ang Diyos sa pagkakataong ito, ang anyo Niya ay babae. Mula rito, makikita mo na ang paglikha ng Diyos sa kapwa lalaki at babae ay magagamit sa Kanyang gawain, at para sa Kanya ay walang pagkakaiba ng kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Siyang magbihis ng anumang katawang-taong gusto Niya, at maaari Siyang katawanin ng katawang-taong iyon; lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos basta’t ito ang Kanyang nagkatawang-taong laman. Kung nagpakita si Jesus bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, naipaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, makukumpleto pa rin ang yugtong iyon ng gawain. Kung nagkagayon, kakailanganing kumpletuhin ng isang lalaki ang kasalukuyang yugto ng gawain, ngunit makukumpleto pa rin ang gawain. Ang gawaing ginagawa sa bawat yugto ay mayroong sarili nitong kabuluhan; hindi naulit ang alinmang yugto ng gawain, ni hindi ito magkasalungat(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao). “Kung ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang bilang isang lalaki, ituturing Siya ng mga tao bilang isang lalaki, bilang Diyos ng mga kalalakihan, at hindi Siya kailanman paniniwalaan bilang Diyos ng mga kababaihan. Paniniwalaan ng mga kalalakihan na ang kasarian ng Diyos ay katulad ng kanilang kasarian, na ang Diyos ay ang pinuno ng mga kalalakihan—subalit paano naman ang mga kababaihan? Ito ay hindi makatarungan; hindi ba ito pagtratong may pagtatangi? Kung magkagayunman, lahat silang ililigtas ng Diyos ay mga lalaki na kagaya Niya, at wala ni isang babae ang maliligtas. Nang nilalang ng Diyos ang sangkatauhan, nilikha Niya si Adan at nilikha Niya si Eba. Hindi lamang Niya nilikha si Adan, kundi kapwa ginawa ang lalaki at babae sa Kanyang wangis. Ang Diyos ay hindi lamang Diyos ng mga kalalakihan—Siya ay Diyos din ng mga kababaihan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “Ang Diyos ay hindi lamang ang Banal na Espiritu, ang Espiritung iyon, ang Espiritung pinatindi nang pitong beses, o ang Espiritung sumasaklaw sa lahat, kundi isang tao rin—isang ordinaryong tao, isang lubhang karaniwang tao. Hindi lamang Siya lalaki, kundi babae rin. Magkapareho sila dahil kapwa Sila isinilang sa mga tao, at magkaiba dahil ipinaglihi ang isa sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ang isa naman ay isinilang sa isang tao, bagama’t nagmula mismo sa Espiritu. Magkatulad Sila dahil pareho Silang Diyos na nagkatawang-tao na nagsasagawa ng gawain ng Diyos Ama, at magkaiba dahil ginagawa ng isa ang gawain ng pagtubos samantalang ang isa naman ay ang gawain ng panlulupig. Parehong kumakatawan sa Diyos Ama, ngunit ang isa ay ang Manunubos, na puno ng kagandahang-loob at awa, at ang isa naman ay ang Diyos ng katuwiran, na puno ng poot at paghatol. Ang isa ay ang Kataas-taasang Pinuno na naglunsad ng gawain ng pagtubos, samantalang ang isa naman ay ang matuwid na Diyos na nagsasakatuparan ng gawain ng panlulupig. Ang isa ay ang Simula, at ang isa naman ay ang Wakas. Ang isa ay walang-kasalanang katawan, samantalang ang isa naman ay katawan na tumatapos sa pagtubos, nagpapatuloy ng gawain, at hindi nagkakasala kailanman. Pareho Silang iisang Espiritu, ngunit nananahan Sila sa magkaibang katawang-tao at isinilang sa magkaibang lugar, at magkahiwalay Sila nang ilang libong taon. Gayunman, lahat ng Kanilang gawain ay nagpupuno sa isa’t isa, hindi kailanman nagkakasalungat, at maaaring banggitin nang sabay. Pareho Silang tao, ngunit ang isa ay isang batang lalaki at ang isa naman ay isang batang babae(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?). Pagkabasa ng salita ng Diyos, nagbahagi si Anila, “Ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma, at hindi Niya inuulit kailanman ang Kanyang gawain. Ang gawain ng Diyos ay palaging nagpapanibago, nagbabago, at patuloy na nagtataas. Kung gagawa ang Diyos ng paulit-ulit na gawain, malamang na lilimitahan Siya ng mga tao at hindi tayo magkakaroon ng tunay na pagkakilala sa Kanya. Nung unang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay isang lalaki, kaya ano ang magiging kahihinatnan ng muling pagbabalik ng Panginoon sa katawang-tao bilang lalaki? Lilimitahan ng mga tao ang Diyos bilang lalaki, at iisipin na ang Diyos ay kinikilala at pinapaboran lang ang mga lalaki. Iisipin nila na hindi Niya mahal ang mga babae at tinatanggihan ang mga babae, kaya madidiskrimina ang kababaihan magpakailanman. Tamang pagkaunawa ba iyon? Patas ba ito sa kababaihan? Naaayon ba ito sa layunin ng Diyos? Hindi ba’t ang mga bagay na ito ay mga kuru-kuro at imahinasyon lang ng tao? Ang Diyos ay matuwid, at pantay ang pakikitungo Niya sa mga lalaki at babae. Ang Diyos ay minsang nagkatawang-tao bilang isang lalaki at minsan bilang isang babae. Napakamakabuluhan nito! Ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang babae sa mga huling araw ay binaligtad ang mga kuru-kuro ng lahat, binago ang mapanlinlang na pagkaunawa ng tao sa Diyos, binasag ang mga limitasyon ng tao sa Diyos, at ipinakita sa mga tao na ang Diyos ay hindi lang Diyos ng mga lalaki, kundi ng mga babae rin. Ang Diyos ay ang Diyos ng buong sangkatauhan. Walang sinuman ang puwedeng gumamit ng kanilang mga kuru-kuro para limitahan ang Diyos bilang lalaki o babae.”

Nang matapos na si Anila, nagpatuloy pa ako, “Sa katunayan, anuman ang anyo ng Diyos sa Kanyang pagkakatawang-tao, ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago. Ang mga anyong ito ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao. Kumakatawan ang mga ito sa Diyos Mismo, at may kakayahang magsagawa ng banal na gawain. Nung Kapanahunan ng Biyaya, naging tao ang Diyos at ipinako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Ang Panginoong Jesus ay isang lalaki at nagawang ipako sa krus upang tubusin ang sangkatauhan. Kung ang Diyos ay nagkatawang-tao bilang isang babae nung unang pagkakataong iyon, matatapos pa rin Niya ang gawain ng pagtubos, at maipapahayag ang katotohanan para mabigyan ang sangkatuhan ng daan tungo sa pagsisisi. Kaya, ang kasarian at itsura ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay hindi mahalaga, at hindi mahalaga kung Siya ay may anyo ng kadakilaan o wala. Ang mahalaga ay mayroon Siyang diwa ng Diyos, nagpapahayag ng katotohanan, at ginagawa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang mga ito lang ang dapat nating pagtuunan ng pansin habang nagsisiyasat sa tunay na daan.” Pagkatapos ay binasahan ko siya ng isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, dadalhin Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspekto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Nagpatuloy ako sa pagbabahagi, “Napakalinaw ng salita ng Diyos. Upang matiyak kung ito ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pangunahing bagay na dapat hanapin ay kung ay naipapahayag Niya ang katotohanan at nakagagawa ng gawain ng Diyos. Kung hindi ka tutuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat ang tunay na daan, at sa halip ay manghuhusga batay sa itsura at kasarian ng isang pagkakatawang-tao, hindi ba’t ginagawa mo ang parehong pagkakamali ng mga Pariseo na lumalaban sa Panginoong Jesus? Nakita ng mga Pariseo na ang pamilyang pinagmulan at hitsura Niya ay ganap na hindi tumutugma sa kanilang mga kuru-kuro at mga maling akala tungkol sa Mesiyas, kaya hinusgahan nila at kinondena ang Panginoong Jesus nang hindi man lang hinahanap o sinisiyasat ang Kanyang mga salita o gawain. Sa huli, ipinapako nila si Jesus sa krus, nilalabag ang disposisyon ng Diyos, at kaya sila ay pinarusahan at isinumpa. Kung ang mga tao ay hindi nagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos o tumutuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, at nagtatatwa at lumalaban sila sa Makapangyarihang Diyos dahil ang pagkakatawang-tao ng Diyos bilang isang babae ay hindi umaayon sa kanilang mga kuru-kuro, hindi ba ito muling pagpapako sa Diyos sa krus?”

Pagkatapos makipagbahaginan kay Rafael, sinabi niya na patuloy niyang hahanapin ang katotohanan, at nang anyayahan namin siya sa isang pagtitipon kinabukasan ng gabi, agad siyang pumayag. Pero, sa gulat ko, hindi siya dumating kinabukasan ng gabi at hindi sumagot nang tawagan ko siya sa telepono. Labis akong nag-alala. Kaya, tuwing gigising ako sa umaga ay pinapadalhan ko siya ng ilang salita ng Diyos, umaasa na isang araw ay sasagot siya. Pero hindi niya binasa ang mga mensahe ko, at talagang nawawalan na ako ng pag-asa. Kalaunan, sinubukan kong ipakontak siya sa iba pang mga kapatid, pero hindi talaga siya makontak. Muli akong nasadlak sa kawalan ng pag-asa, iniisip na ganoon naman talaga ang dapat mangyari. Noong tuluyan na sana akong susuko sa kanya, nakita ko ang isang artikulo tungkol sa karanasan ng isang kapatid sa pangangaral ng ebanghelyo sa isang Italyano. Nagkataong kilala ko itong kapatid na pinangaralan niya, dahil ito ang kapareha ko ngayon sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. May mabuting pagkatao at dalisay na pagkaunawa sa katotohanan ang kapatid na ito, kaya hindi ko kailanman inakala na mayroon itong napakaraming kuru-kuro habang tinatanggap ang ebanghelyo, o na hindi siya makontak ng kapatid na iyon sa loob ng dalawang buwan. Gayunpaman, hindi sumuko ang kapatid. Patuloy siyang naghintay at naghanap ng mga pagkakataon na makapagbahagi rito tungkol sa salita ng Diyos, hanggang isa-isang nalutas ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga kuru-kuro nito, at tinanggap nito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Naantig talaga ako sa karanasan ng kapatid na iyon, pero napahiya rin ako rito. Ang dami nang nagawang gawain ng Diyos, nagbayad na Siya ng malaking halaga, at nagsaayos ng maraming tao, pangyayari, at mga bagay para sa lahat na lumalapit sa Kanya. Kung nauunawaan ko ang maaalalahaning pagsasaalang-alang ng Diyos na iligtas ang tao, dapat ay isinasaalang-alang ko ang mga layunin Niya. Pero sa katiting na paghihirap lang, handa na akong umatras at sumuko. Walang-wala talaga akong tiyaga. Nasaan ang katapatan at patotoo ko? Pagkatapos, nabasa ko ang salita ng Diyos: “Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat mo munang tuparin ang mga responsabilidad mo. Dapat mong sundin ang iyong konsensiya at katwiran sa paggawa ng lahat ng kaya at dapat mong gawin. Dapat kang magbigay ng mga solusyon sa mapagmahal na paraan sa anumang kuru-kuro na maaaring mayroon ang taong nagsisiyasat sa tunay na daan o sa anumang mga tanong na sabihin niya. Kung hindi ka talaga makapagbigay ng solusyon, maaari kang maghanap ng ilang nauugnay na sipi ng mga salita ng Diyos na mababasa sa kanya, o nauugnay na mga video patotoong baty sa karanasan, o ilang nauugnay na pelikula ng patotoo sa ebanghelyo na maipapakita sa kanya. Posible talaga na maging epektibo ito; kahit papaano ay matutupad mo ang responsabilidad mo, at hindi ka makakaramdam na inuusig ka ng iyong konsiyensiya. Pero kung ikaw ay pabasta-basta at iniraraos lang ang gawain, malamang na maaantala ang mga bagay-bagay, at hindi magiging madali na mahikayat ang taong iyon. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa iba, dapat tuparin ng isang tao ang kanyang responsabilidad. Paano dapat unawain ang salitang ‘responsabilidad’? Paano ito talaga dapat isagawa at gamitin? Dapat mong maunawaan na matapos salubungin ang Panginoon at maranasan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, may obligasyon ka na magpatotoo para sa Kanyang gawain sa mga nauuhaw sa Kanyang pagpapakita. Kaya, paano mo ipapalaganap ang ebanghelyo sa kanila? Online man o sa tunay na buhay, dapat mo itong ipalaganap sa anumang paraan na makakahikayat sa mga tao at na epektibo. Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay hindi isang bagay na ginagawa mo kapag gusto mo lamang, hindi ito isang bagay na ginagawa mo kapag maganda ang timpla mo at hindi ginagawa kapag masama ang timpla mo. Hindi rin ito isang bagay na ginagawa ayon sa mga kagustuhan mo, kung saan pinipili mo kung sino ang tatratuhin nang espesyal, ipinapalaganap ang ebanghelyo sa mga gusto mo at hindi ito ipinapalaganap sa mga hindi mo gusto. Dapat ipalaganap ang ebanghelyo ayon sa mga hinihingi ng Diyos at sa mga prinsipyo ng Kanyang sambahayan. Dapat mong tuparin ang responsabilidad at tungkulin ng isang nilikha, ginagawa ang lahat ng makakaya mo para mapatotohanan sa mga nagsisiyasat sa tunay na daan ang mga katotohanang nauunawaan mo, ang mga salita ng Diyos, at ang gawain ng Diyos. Ganyan mo matutupad ang responsabilidad at tungkulin ng isang nilikha. Ano ang dapat gawin ng isang tao habang nagpapalaganap siya ng ebanghelyo? Dapat niyang tuparin ang kanyang responsabilidad, gawin ang lahat ng kanyang makakaya, at maging handang magbayad ng lahat ng halaga(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). “Kaya, paano ba dapat pakitunguhan ang isang taong nagsisiyasat sa tunay na daan? Hangga’t umaayon siya sa mga prinsipyo ng sambahayan ng Diyos para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, may obligasyon tayong ipangaral ito sa kanya; at kahit pa ang kasalukuyan niyang saloobin ay hindi mabuti at hindi tumatanggap, dapat tayong maging matiyaga. Gaano katagal at hanggang saan tayo dapat magtiyaga? Hanggang sa tanggihan ka niya at hindi ka niya papasukin sa bahay niya, at kahit anong pakikipag-usap ay hindi umuubra, ni ang tawagan siya, o ang ipaimbita siya sa ibang tao, at hindi ka niya pinapansin. Kung magkaganito ay wala nang paraan para ipalaganap pa ang ebanghelyo sa kanya. Natupad mo na ang iyong responsabilidad sa kanya kung magkagayon. Iyon ang ibig sabihin ng pagganap sa iyong tungkulin. Gayunpaman, hangga’t may kaunting pag-asa, dapat isipin mo ang lahat ng paraan at gawin ang lahat ng makakaya mo para basahin ang mga salita ng Diyos at patotohanan ang gawain ng Diyos sa kanya. Halimbawa, sabihin nang dalawa o tatlong taon mo nang nakakaugnayan ang isang tao. Maraming beses mo nang sinubukan na ipalaganap ang ebanghelyo at patotohanan ang Diyos sa kanya, pero wala siyang intensiyong tanggapin ito. Pero medyo maganda ang pagkaunawa niya, at talagang isa siyang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Ano ang dapat mong gawin? Una sa lahat, hinding-hindi mo siya dapat sukuan, sa halip, panatilihin mo ang normal na pakikipag-ugnayan sa kanya, at patuloy siyang basahan ng mga salita ng Diyos at patotohanan ang gawain ng Diyos. Huwag mo siyang sukuan; maging matiyaga ka hanggang sa huli. Balang araw, magigising siya at mararamdamang panahon na para siyasatin niya ang tunay na daan. Kaya ang pagtitiyaga at pagpupursigi ay isang napakahalagang aspekto sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. At bakit dapat gawin ito? Dahil ito ang tungkulin ng isang nilikha. Dahil nakikipag-ugnayan ka sa kanya, may obligasyon at responsabilidad kang ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos sa kanya. Maraming proseso mula nang una niyang marinig ang mga salita ng Diyos at ang ebanghelyo hanggang sa oras na magbago na siya, at matagal ito. Ang yugtong ito ay nangangailangan na ikaw ay maging matiyaga at maghintay, hanggang sa araw na iyon na magbago na siya at madala mo siya sa harap ng Diyos, pabalik sa sambahayan ng Diyos. Ito ang obligasyon mo. Ano ba ang isang obligasyon? Ito ay isang responsabilidad na hindi maaaring iwasan, nakatali ang isang tao sa tungkuling ito. Kagaya ito ng pagtrato ng ina sa kanyang anak. Gaano man kapasaway o kapilyo ang bata, o kung may sakit ito at ayaw kumain, ano ang obligasyon ng ina? Dahil alam niyang anak niya ito, binibigyang-layaw niya ito, at minamahal ito, at inaalagaan itong mabuti. Hindi mahalaga kung kinikilala siya ng anak bilang ina nito o hindi, at hindi mahalaga kung paano siya tratuhin nito—nananatili pa rin siya sa tabi nito anuman ang mangyari, pinoprotektahan ito, hindi umaalis kahit saglit, palaging naghihintay na maniwala ito na siya ang ina nito at na magbalik na ito sa kanyang mga bisig. Sa ganitong paraan, palagi siyang nakabantay at nagmamalasakit sa kanyang anak. Ito ang ibig sabihin ng responsabilidad; ito ang ibig sabihin ng nakatali sa tungkulin. Kung ang mga nagpapalaganap ng ebanghelyo ay magsasagawa sa ganitong paraan, nang may kinikimkim na ganitong uri ng mapagmahal na puso para sa mga tao, maitataguyod nila ang mga prinsipyo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ganap nilang makakaya na magkamit ng mga resulta(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Pagkabasa sa salita ng Diyos, napahiya ako. Ginawang napakalinaw ng Diyos ang mga responsabilidad na dapat gampanan ng mga manggagawa ng ebanghelyo. Ang sitwasyon ng bawat potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ay iba-iba at kailangang tratuhin nang magkakaiba. Hindi ka puwedeng umasa sa sarili mong mga kuru-kuro, imahinasyon, o masamang palagay para iwasan at limitahan sila, lalong hindi ka puwedeng sumuko sa kanila nang padalus-dalos. Kung, alinsunod sa mga prinsipyo, natukoy mong angkop ang isang tao na tumanggap ng ebanghelyo, kailangan mong gawin ang lahat ng makakaya mo at gamitin ang anumang paraan para patotohanan sa kanila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at akayin sila papunta sa harap ng Diyos. Ito ang mga prinsipyong dapat taglayin ng isang tao sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Subalit, makalipas lang ang maikling panahon na hindi ko makontak si Brother Rafael, naubusan na ako ng pasensya at simpatiya. Nahihirapan ako at ayokong patuloy na subukang magbahagi sa kanya. Naramdaman ko na sa hindi niya pagpansin sa amin, hindi pagsagot sa tawag, at hindi pagbasa sa aming mga mensahe, wala na akong magagawa pa. Nakapagbahagi na ako ng dapat kong ibahagi, si Rafael lang ang ayaw tumanggap nito. Hindi ko na kayang magsikap pa, kaya pansamantala ko muna siyang isinantabi. Gayunpaman, hindi pa rin ako mapalagay. Palagi kong iniisip na may tunay na pananalig ang brother na ito, at may mahusay na kakayahan at kapasidad na unawain ang katotohanan, pero nasakop ng mga relihiyosong kuru-kuro dahil sa panggugulo at panlilihis ng isang pari. Kailangan ko siyang tulungan sa kritikal na sandaling ito, hindi ako puwedeng maghintay lang at walang gagawin. Kailangan kong tuparin ang mga responsabilidad ng isang manggagawa ng ebanghelyo. Kaya pinadalhan ko siya ng isang patotoong batay sa karanasan, umaasang matulungan siya. Mabasa man niya ito o hindi, kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko.

Pagkalipas ng ilang araw, nagpadala siya sa akin ng mensahe na nagsasabing, “Nagdarasal ako sa buong panahong ito. Kahit wala akong sinabing anuman, alam kong hinahanap ng Diyos ang mga puso natin. Tumatawag ang puso ko sa Makapangyarihang Diyos para liwanagan at gabayan ako, kundi ay baka magkamali ako at magkasala sa Diyos.” Labis akong naantig. Pagkatapos, sa kanyang tugon, nakita kong sinabi niyang: “Ang mundong ito ay napakatiwali at napakasama. Napakahirap para sa mga tao na mapalapit sa Diyos. Ang tanging mga sandata laban sa kasamaan ay ang salita ng Makapangyarihang Diyos at ang Bibliya.” Kinilala niya ang salita ng Makapangyarihang Diyos, at pinatunayan nito na nauunawaan niya ang tinig ng Diyos at may pag-asa na maibalik siya. Pero alam kong dumaranas siya ng isang matinding labanan sa loob niya, at nag-alala ako na maaaring itigil niya ang pagbabasa sa mga mensahe ko anumang oras. Balisang-balisa ako, kaya pinakalma ko ang sarili ko at nanalangin sa Diyos. Habang nananalangin, naalala ko ang isang parirala mula sa salita ng Diyos: “Hinding-hindi sila iiwanan ng Diyos nang gayon-gayon lamang, o sa huling posibleng sandali.” Dahil napukaw ako, nagmadali akong basahin ang ilang sipi ng salita ng Diyos: “Ang sumusunod na talata ay nakatala sa Aklat ni Jonas 4:10–11: ‘At sinabi ni Jehova, “Ikaw ay nanghinayang sa kikayon na hindi mo pinagpagalan o pinatubo man; na sumampa sa isang gabi, at nawala sa isang gabi: At hindi baga Ako mahahabag sa Ninive, sa malaking bayang yaon, na mahigit sa isang daan at dalawampung libong katao na hindi marunong makakilala ng kanilang kanang kamay at ng kanilang kaliwang kamay; at marami ring hayop?”’ Ang mga ito ang aktwal na sinabi ng Diyos na si Jehova, naitala mula sa pag-uusap sa pagitan ng Diyos at ni Jonas. Bagaman ang pag-uusap na ito ay maigsi lamang, ito ay puno ng pagkalinga ng Lumikha sa sangkatauhan at ng Kanyang pag-aatubili na bitiwan ang sangkatauhan(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). “Bagaman ipinagkatiwala kay Jonas ang pagpapahayag ng salita ng Diyos na si Jehova sa mga taga-Ninive, hindi niya naunawaan ang mga layunin ng Diyos na si Jehova, ni naunawaan ang Kanyang mga pag-aalala at mga inaasahan para sa mga mamamayan ng lungsod. Sa pamamagitan ng mahigpit na pangangaral na ito, nais ng Diyos na sabihin sa kanya na ang sangkatauhan ay produkto ng sariling mga kamay ng Diyos, at ang Diyos ay naglaan ng maingat na paggawa sa bawat isang tao, na nasa balikat ng bawat isang tao ang mga inaasahan ng Diyos, at na tinamasa ng bawat isang tao ang panustos ng buhay ng Diyos; para sa bawat isang tao, binayaran ng Diyos ang halaga ng maingat na paggawa. Ang mahigpit na pangangaral na ito ay nagsabi rin kay Jonas na kinahahabagan ng Diyos ang sangkatauhan, na gawa ng Kanyang sariling mga kamay, tulad din ng panghihinayang ni Jonas sa kikayon. Hinding-hindi sila iiwanan ng Diyos nang gayon-gayon lamang, o sa huling posibleng sandali; lalo na’t napakaraming bata at mga inosenteng hayop sa loob ng lungsod(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Pagkabasa ng salita ng Diyos, naantig ako, kaya sinabi ko kay Rafael, “Brother, matalino kang tao na nakauunawa sa tinig ng Diyos. Nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at nagpahayag ng milyun-milyong salita ng katotohanan para tustusan tayo, iligtas tayo sa gapos ng kasalanan, at dalisayin tayo para sa pagpasok sa Kanyang kaharian. Umaasa akong ganap mong maisasaalang-alang ang bagay na ito tungkol sa ating mga kapalaran at kalalabasan. Ipagdarasal kita. Nawa’y buksan ng Diyos ang puso mo at pahintulutan kang makabalik sa Kanyang sambahayan sa lalong madaling panahon.” Pagkatapos ay pinadalhan ko siya ng mga pagbasa ng tatlong sipi ng salita ng Diyos. Sa tatlong ito, may isang sipi ng salita ng Diyos na nagpanilay sa kanya, at nagpabago sa kanyang isip. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang tanda ng pagkondena. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas na tao, kundi isang nagpapasakop sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang patapos; bukod pa riyan, huwag kayong maging kaswal at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat ninyong malaman na, kahit paano, yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat magtaglay ng mapagpakumbaba at may takot sa Diyos na puso. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minamaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang patapos o kinokondena ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang kwalipikadong sumpain o kondenahin ang iba. Lahat kayo ay dapat maging makatwiran at maging mga taong tumatanggap sa katotohanan. Marahil, matapos marinig ang daan ng katotohanan at marinig ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Bibliya, sa gayon ay dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag kang masyadong tiwala sa sarili, at huwag mong masyadong itaas ang sarili. Sa munting may takot sa Diyos na pusong taglay mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung katotohanan ang mga ito o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil iilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang kokondenahin ng ilang tao ang mga salitang ito, na sinasabing, ‘Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,’ o, ‘Huwad na cristo ito na naparito upang ilihis ang mga tao.’ Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Napakakaunti ng nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimulang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang kondenahin ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na cristo sa mga huling araw, at huwag kayong maging isang taong lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil natatakot kayong malihis. Hindi ba kaawa-awa naman iyon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi pagpapahayag ng Diyos, sa huli ay parurusahan ka, at mawawalan ka ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang katotohanang iyon na sinambit nang napakaliwanag at napakalinaw, hindi ba hindi ka akma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba isa kang taong hindi sapat na pinagpalang makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag kang padalus-dalos at mapusok, at huwag mong ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip ka alang-alang sa iyong patutunguhan, alang-alang sa iyong mga inaasam, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang sarili mo. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Noong araw na iyon, binasa ni Rafael ang siping ito ng salita ng Diyos at pinadalhan ako ng mahabang mensahe tungkol sa nararamdaman at nauunawaan niya sa sipi. Nakikita ko na nagtatalo ang loob niya at nag-aalala siya na matatahak niya ang maling landas, at na natatakot siya na ang pananalig sa Makapangyarihang Diyos ay nangangahulugang pagsunod sa isa pang denominasyon at pagtataksil sa Panginoong Jesus. Nakakita ako ng isang sipi ng salita ng Diyos para ipadala sa kanya, at nagbahagi, “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang sa anumang grupo ng relihiyon. Nabuo ito dahil sa pagpapakita at gawain ng nagbalik na Panginoong Jesus, hindi dahil may isang nagtatag ng bagong denominasyon. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng mga katotohanan upang gawin ang gawain ng paghatol, na sinisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian at winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya. Maliban sa nagkatawang-taong Diyos Mismo, walang lider, o dakila o sikat na tao sa mundo ang makapagpapahayag ng mga katotohanan, makapamumuno o makapagliligtas ng sangkatauhan. Bagaman ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay iba sa gawain ng Panginoong Jesus o ni Jehova, Sila ay iisang Diyos sa diwa. Si Jehova, si Jesus, at ang Makapangyarihang Diyos ay iba’t ibang pangalan lang na ginamit ng Diyos sa iba’t ibang kapanahunan. Ngunit paano man magbago ang pangalan o gawain ng Diyos, ang diwa Niya ay hindi nagbabago. Ang Diyos ay ang Diyos magpasawalang hanggan. Sabi ng Diyos: ‘Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at kumatawan ito sa Kapanahunan ng Biyaya; para naman sa gawain na isinagawa ni Jehova, ito ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang kapanahunan. … Kahit na Sila ay tinatawag sa dalawang magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain na isinagawa ay tuluy-tuloy. Dahil iba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay iba, ang kapanahunan ay iba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang kapanahunan ni Jehova, at nang dumating si Jesus, iyon ang kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagdating, ang Diyos ay tinatawag sa isang pangalan, kumakatawan ito sa isang kapanahunan, at nagbubukas ng isang bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma, at na ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang marating ng Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala ang katapusan nito, kailangan nitong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong daan, magbukas ng mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at mas malaking gawain, at kasabay nito, magdala ng mga bagong pangalan at gawain. … Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ay gawain ng isang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, lagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, dapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Napakalinaw ng salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong yugto. Ang unang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, kung saan naglabas si Jehova ng mga batas para akayin ang mga Israelita na mamuhay sa lupa. Ang ikalawang yugto ay ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang unang pagkakataon na nagkatawang-tao ang Diyos upang gumanap bilang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Ang ikatlong yugto ng gawain ay ang gawain ng paghatol sa mga huling araw gaya ng ipinropesiya sa aklat ng Pahayag. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay ang kompletong plano ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Iba’t ibang gawain ang ginagawa ng Diyos sa bawat kapanahunan, pero ang gawain ng lahat ng tatlong yugto ay ginagawa ng iisang Diyos. Magbibigay ako ng isang simpleng halimbawa. Ang gawain ng pamamahala ng Diyos ay maihahalintulad sa pagtatayo ng isang bahay. Ang Kapanahunan ng Kautusan ay kumakatawan sa pundasyon ng bahay, dahil kung walang pundasyon, ni hindi maitatayo ang bahay. Ang Kapanahunan ng Biyaya ay kumakatawan sa estruktura ng bahay, dahil kung walang estruktura, hindi mabubuo ang bahay. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay parang bubong. Kung wala ang huling hakbang na ito, mananatiling hindi kompleto ang bahay at hindi mapoprotektahan sa hangin o ulan. Kung kaya’t ang bawat isa sa tatlong hakbang na ito ay kailangang-kailangan. Ang pananalig natin sa Makapangyarihang Diyos ay hindi nangangahulugan na ipinagkanulo na natin ang Panginoong Jesus, lalo na na nananalig tayo sa ibang Diyos. Sumasabay lang tayo sa mga yapak ng Kordero. Sa kasalukuyan ay may ilang malalaking relihiyon sa mundo, at ang mga mananampalataya sa Diyos ay nahahati sa mahigit dalawang libong denominasyon. Anuman ang kanilang mga dating denominasyon, parami nang parami ang mga kapatid na may tunay na pananalig at pagkauhaw sa pagpapakita ng Diyos ang natanggap na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at natanggap na ang pagdidilig at pagtustos ng Kanyang salita. Napakalinaw ng katunayang ito. Tinutupad din nito ang propesiya sa Bibliya na, ‘Bilang katiwala ng kaganapan ng panahon maaari Niyang tipunin ang lahat ng bagay kay Cristo, kapwa ang mga nasa kalangitan, at ang mga nasa lupa; pati na ang sa Kanya’ (Efeso 1:10). ‘At ito’y mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ni Jehova ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon(Isaias 2:2).” Matapos marinig ang sinabi ko, nagpadala si Rafael ng isang prayer emoji at sinabing, “Tama ka, ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos, dapat lahat tayo ay sumailalim sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Tinatawag ako ng Makapangyarihang Diyos. Kilala Niya ang puso ko, alam Niya ang mga alalahanin ko, at ang mga takot ko.” Pagkatapos ay pinadalhan ko siya ng ilang pelikula ng ebanghelyo at ilang salita ng Diyos. Nanalangin din ako sa Diyos, sinasabing kung sa huli ay pumunta man si Rafael o hindi sa mga pagtitipon, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at matututong maghintay, maghanap, at magpasakop.

Makalipas ang apat na araw, nakatanggap ako ng hindi inaasahang mensahe mula sa kanya na nagtatanong kung puwede siyang magpatuloy sa pagdalo sa mga pagtitipon. Sinabi rin niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakahalaga sa kanya at hindi siya mabubuhay nang wala ito. Mula sa salita ng Diyos, naunawaan niya ang maraming katotohanan at misteryo ng Bibliya. Nahikayat siya ng salita ng Diyos. Sa sandaling iyon, napaluha ako. Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos! Kalaunan, sinabi niya na nabasa niya ang mga salita ng Diyos na ipinadala ko, at na labis siyang nakonsensiya sa mga katanungang binanggit dito. Sinabi niya, “Hindi ako puwedeng maging walang ingat sa aking pananampalataya o tratuhin itong parang isang laro, kaya nagpasya na akong magpatuloy sa pagsisiyasat ng tunay na daan. Napakahalaga sa akin ng pagbabalik ng Panginoon at ayokong mawalan ng pagkakataong salubungin Siya. Ayaw kong magkasala sa Kanya o ipagkanulo Siya sa huli.” Tuwang-tuwa ako! Nakita ko ang awtoridad at kapangyarihan ng salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos ang nagpabago kay Rafael at naghikayat sa kanyang magpasya na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

Talagang naantig ako ng karanasang ito at napagtanto ko rito na kahit anong uri ng potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ang makaharap ko, hangga’t kaya nilang maunawaan ang tinig ng Diyos, dapat kong tuparin ang aking tungkulin at obligasyon sa pag-akay sa kanila papunta sa sambahayan ng Diyos. Sa paggawa lang ng ating tungkulin sa ganitong paraan tayo hindi mag-iiwan ng mga pagkakautang at pagsisisi. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Espiritu Ko’y Pinalaya

Ni Mibu, Spain“Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na...