Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

Mayo 16, 2018

Xinyi    Lungsod ng Xi’an, Lalawigan ng Shaanxi

Sa aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang pagkagipit at hindi komportable. … Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan—sa tuwing nagkaroon ako ng pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at, upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang aking mga pagsisikap ay nagbunga ng magagandang resulta. Hindi ko naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malalaman ang aking mga pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong kaliwanagan.”

Nang matapos ang aking panalangin, sinimulan ko ang pagbubulay pabalik sa pagbabahagi sa aking mga kapatid: Nang nagpahayag sila ng mga suliranin sa mga kaayusan ng gawain ay susuriin ko ang kanilang mapagmataas na kalikasan at ipaliliwanag ang mga kahihinatnan ng pagmamataas, na nagsasabing ang lahat ng pagmamataas ay tiyak na magbabayad ng kaparusahan. Kapag nakita ko na ang mga suliranin ay nagmumula sa proseso ng halalan, magsasalita ako kung papaanong ang pagpili sa mga maling tao ay hahadlang sa gawain ng iglesia at sisira sa buhay ng aming mga kapatid. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay magagalit sa amin at kami ay aalisin. Pag nakita ko ang mga kapatid na nagmamakupad sa gawain, babanggitin ko ang ilang taong inalis bilang mga halimbawa. Sasabihin ko sa kanila na sila ay mapanlinlang at ito ay katumbas ng pagkakanulo sa Diyos. Kapag hindi nila binago ang kanilang mga paraan, ang kanilang kapalaran ay magiging katulad ng mga taong nabigo. Pag hindi nila gustong ipalaganap ang ebanghelyo, tatalakayin ko kung paanong ang mga pagkilos na iyon ay pagrebelde at paglaban sa Diyos. … O Diyos! Sa anong diwa ko nagagamit ang katotohanan upang lutasin ang kanilang mga problema? Gumagamit ako ng purong pananakot! Sa ilalim ng patnubay ng Diyos, naisip ko ang mga sumusunod na sipi mula sa sermon, “Ang paglilingkod na ayon sa kalooban ng Diyos ay nangangailangan na sa lahat ng mga bagay at tungkol sa lahat ng mga suliranin ay dapat nating itampok ang Diyos, magpatotoo sa Diyos, makipagniig tungkol sa kalooban ng Diyos, makipagniig tungkol sa mga kahilingan ng Diyos, at pahintulutan ang iba na kumilos alinsunod sa salita ng Diyos. Hindi natin dapat pakilusin ang mga tao nang alinsunod sa mga prinsipyo, alituntunin, at kasabihan ng tao. Ang iyong pakikipag-isa ay dapat na magpahintulot sa mga tao na lumapit sa Diyos at sundin ang Kanyang kalooban, kumilos alinsunod sa salita ng Diyos at, sa huli, makilala ang Diyos at masunod Siya” (“Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Sa sandaling ito, nakaranas ako ng isang biglaang pagbubunyag. Ipinagkakatiwala ng Diyos sa mga lider ang gawain ng pagtatampok sa Diyos, pagpapatotoo sa Diyos, pakikipagniig tungkol sa kalooban at mga kahilingan ng Diyos, na nagpapahintulot sa mga iba na kumilos alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos at, sa huli, maunawaan at masunod ang Diyos. Sa paglutas sa mga suliranin ng aking mga kapatid ako, gayunman, ay bihirang nagsalita tungkol sa mga hinihingi ng Diyos, sa Kanyang kalooban o sa Kanyang mga inaasahan. Bihira ko ring ginamit ang katotohanan upang makipagniig tungkol sa mga kalagayan ng aking mga kapatid. Sa halip, walang humpay kong sinuri ang kanilang kalikasan at ang paraan ng kanilang pagkilos. Magmumungkahi ako ng mga maaaring kahihinatnan ng kanilang mga aksyon upang takutin sila sa pagkilala sa kanilang mga sarili. Nagdulot ito sa mga kapatid na hindi maunawaan ang kalooban ng Diyos, walang tunay na pagkaunawa sa kanilang mga sarili at maging mas lalo pang walang kakayahang makita ang lubos na layunin ng pagliligtas at pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Bilang resulta, namuhay sila sa lahat ng uri ng mga hindi normal na sitwasyon. Sa punto lamang na ito ko napagtanto na kumilos ako sa bulag na pagsunod sa aking mga sariling kagustuhan. Ako ay lumaban na sa Diyos! Sa pangunguna sa aking mga kapatid sa ganitong paraan, hindi lamang sa hindi ako nakapagbigay ng tulong sa kanila sa pag-unawa at pagsunod sa Diyos, sa katotohanan ay nagdulot ako sa kanila na hindi maunawaan at tumungo sa lalo’t lalong pagsalungat sa Diyos. Sa ganitong paraan, napalayo nang napalayo sila sa Diyos at gumawa ng higit at higit pang mga paglabag. Sa kabila ng katotohanan na nalutas ko ang mga suliranin ng aking mga kapatid nang ayon sa salita ng Diyos at ang lahat ng sinabi ko ay totoo, sa katotohanan, hindi ako gumawa sa isang nakatutulong na paraan. Sa katunayan, ang ginawa ko ay ganap na walang silbi. Ang ganitong paraan ng paggawa ay magiging lubhang nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Noon ko lamang napagtanto na ang pinakamagandang paraan ng pagsuporta sa mga kapatid ay ang payagan silang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng salita ng Diyos, mapagtanto ang maalab na layunin ng pagliligtas ng Diyos, malaman ang diwa ng kanilang sariling kalikasan at, sa paggawa nito, matutong kapootan ang kanilang mga sarili, kumilos ayon sa mga hinihingi ng Diyos at, sa huli, makilala at masunod ang Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng paglilingkod na alinsunod sa kalooban ng Diyos at tanging ang ganitong uri ng paglilingkod ang may konsiderasyon sa kalooban ng Diyos.

Naghahandog ako ng pasasalamat sa Diyos sa pagpapakita sa akin ng tunay na dahilan kung bakit hindi naging epektibo ang aking gawain. Pagkatapos nito, sinadya kong magsikap na makipagniig tungkol sa kalooban at mga kahilingan ng Diyos ayon sa mga kalagayan ng aking mga kapatid. Tinalakay ko kung bakit gusto ng Diyos na kikilos sila sa paraang hiningi Niya, kung paanong ang Kanyang masisigasig na hangarin ay nahayag sa kanilang mga buhay at kung anong uri ng resulta ang inasahan Niyang maganap. Tinalakay ko rin kung paano sila makikipagtulungan sa Diyos upang maging alinsunod sa Kanyang kalooban. … Pagkatapos makipagniig sa ganitong paraan, totoong nakita ko ang mga pagpapala ng Diyos: Ang aking mga kapatid ay nagsimulang maunawaan ang kalooban ng Diyos at masaksihan ang pagliligtas ng Diyos. Naunawaan nila na ang halaga na binayaran ng Diyos para sa lahat ng tao ay hindi abot ng pang-unawa. Sinimulan nilang unawain ang kanilang mapaghimagsik na kalikasan, handa na hanapin ang katotohanan at naganyak upang matupad ang kanilang mga tungkulin.

Sa pagbubunyag ng mga katotohanan sa kanilang sarili, nagkaroon ako ng malalim na pakiramdam sa talagang tunay na kalikasan ng pag-ibig ng Diyos. Pag gumawa ako ng ayon sa aking sariling kalooban, na nilalabanan ang Diyos sa aking paglilingkod sa Kanya, ibinunyag agad ng Diyos ang aking mga kamalian at kakulangan at itinuwid ang lahat ng mga pagkakamali sa aking gawain. Kung hindi, talagang hindi ko alam kung saan maihahatid ng aking mga pagkilos ang aking mga kapatid o kung gaano katagal ko silang malilinlang. Makapangyarihang Diyos, salamat sa Iyong tunay at totoong gawain, na nagpahintulot sa akin na makita ang Iyong kamangha-manghang mga pagkilos at sa kaligtasan na pinarating mo sa akin. Mula ngayon, namamanata ako na magpupunyagi sa katotohanan at gagawa ng mas mabuti upang matupad ang Iyong mga hinihingi, maging ang hanapin at maunawaan ang Iyong kalooban at makamit ang kakayahang gumawa ayon sa Iyong kagustuhan sa lahat ng bagay, na naglilingkod nang alinsunod sa Iyong kalooban.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagbangon sa Harap ng Kabiguan

Ni Fenqi, South KoreaBago ako naniwala sa Diyos, pinaaral ako ng Partido Komunista ng Tsina, at wala akong inisip kundi ang kung paano...