Maging Mahigpit sa Sarili Upang Madisiplina ang Iba

Mayo 17, 2018

Xiaoyan Lungsod ng Xinyang, Lalawigan ng Henan

Nagkaroon ako ng malapit na katuwang sa pangkalahatang mga gawain na isang may-edad nang kapatid. Pagkaraang siya ay makatrabaho sa loob ng ilang panahon, nakita kong may kapabayaan siya sa kanyang gawain at hindi niya tinanggap ang katotohanan. Sa gayon, nagkaroon ako ng isang palagay tungkol sa kanya. Unti-unti, ang karaniwan naming ugnayan ay nawala, hindi kami magkasundo nang maigi at hindi magkatugma sa aming paggawa. Sa pakiramdam ko ay kadalasang mali niya ang sanhi na umabot sa ganitong yugto ang relasyon namin, at kaya sinubukan ko ang lahat ng paraan upang makipag-usap sa kanya nang makilala niyang mabuti ang sarili niya. Nguni’t lahat ng pagsisikap kong makipag-usap sa kanya ay nawalan nang saysay o naging hindi maganda. Sa huli, naghiwalay kami na hindi nalulutas ang aming mga usapin. Lalong nagpatibay ito sa aking paniniwala na hindi siya isang taong marunong tumanggap ng katotohanan. Pagkaraan noon ay inayos ng iglesia na makituloy ako sa ibang pamilya. Di nagtagal pagkatapos, natuklasan kong marami ring suliranin sa magkapatid sa pamilyang maybahay, at muli akong nagsikap upang makausap sila, nguni’t lahat ng ginawa ko ay walang saysay, at nagsimula silang magkaroon ng masamang mga palagay laban sa akin. Sa harap ng ganitong mga kalagayan, ako’y lubhang naguluhan at nalito: Bakit ayaw tumanggap ng katotohanan ang mga taong nakikilala ko? Hanggang isang araw, natuklasan ko ang ugat ng suliranin nang bumangga ako sa isang pader sa gawain.

Isang araw, sinabi ng pinuno ko na ipadala ko sa kanya ang kaayusan ng gawain, at ipinagkatiwala ko sa may-edad nang kapatid na babae ang pagdadala nito sa kanya. Sino ang mag-aakala na pagkaraan ng isang linggo, ay ipababalik sa akin nang buo ang pakete. Sa harap ng ganitong lagay, nagulat ako at ibinuhos ang sisi sa may-edad nang kapatid sa kanyang di-maayos na paghawak ng bagay na iyon, na nagresulta sa hindi pagkakahatid ng pakete sa pinuno. Wala ring pakikipag-ugnayan mula sa pinuno sa loob ng ilang araw pagkaraan nito, at nagsisimula na akong mabalisa noon: Karaniwan kung may hindi naihatid o naipadala nang huli na, ang pinuno ay tatawag upang magtanong tungkol sa sitwasyon. Bakit hindi siya nakikipag-ugnayan sa akin sa ngayon? Pinipigilan ba niya akong tupdin ang aking tungkulin? Lalo akong natakot—ang isip ko ay napuno ng pag-aalala at pagsisisi. Hindi ko mapigilang magpatirapa sa harap ng Diyos: “Diyos ko, ang pakiramdam ko’y lubhang maysakit at may salungatan sa aking puso. Ipinabalik sa akin nang buo ang kaayusan ng gawain. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, at hindi ako makatiyak kung anong bahagi ng sarili ko ang magagawang perpekto sa pagharap sa kalagayang ito. Pakiusap, gabayan at liwanagan Mo ako at tulungang maunawaan ang Iyong kalooban.” Pagkatapos na pagkatapos ng dasal, isang salita ng Diyos ang patuloy na sumasagi sa aking isipan, “Tuwing may ginagawa kang anuman, lagi itong nagugulo, o hindi ka makausad. Pagdidisiplina ito ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Bigla kong napagtanto na ang mga usaping nakita ko sa gawain, ang di-magandang pakikisama sa may-edad nang kapatid, at ang mga pala-palagay ng magkapatid sa pamilyang tinuluyan ko; hindi ba mga paraan ito ng pakikitungo ng Diyos sa akin sa pamamagitan ng aking mga kalagayan? Tahimik akong tumawag sa Diyos, “Diyos ko, alam ko na nakikitungo Ka at dumidisiplina sa akin dahil mahal Mo ako, nguni’t hindi ko maunawaan kung anong mga bahagi ko ang nais Mong tutukan sa pagbigay ng ganitong mga kalagayan. Nagdadasal ako sa Iyo na gabayan at liwanagan Mo ako.” Pagkaraan, nang ako’y kumakain at umiinon ng salita ng Diyos, nakita ko itong dalawang mga sipi, “Kailangan mo munang lutasin ang lahat ng paghihirap sa iyong kalooban sa pamamagitan ng pag-asa sa Diyos. Wakasan ang iyong masamang disposisyon at kayanin na tunay na maunawaan ang iyong sariling kalagayan at alamin kung paano ka dapat kumilos; patuloy na makibahagi tungkol sa anumang bagay na hindi mo nauunawaan. Hindi katanggap-tanggap na hindi makilala ng isang tao ang kanyang sarili. Paghilumin mo muna ang sarili mong karamdaman, at, sa pagkain at pag-inom ng Aking mga salita nang mas madalas at pagbubulay-bulay tungkol sa mga ito, mabuhay at gawin ang iyong mga gawa batay sa Aking mga salita; nasa bahay ka man o nasa ibang lugar, dapat mong tulutan ang Diyos na gumamit ng kapangyarihan sa iyong kalooban(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 22). “Kapag nagkakaroon ka ng problema, kailangan mong kumalma at harapin ito nang tama, at kailangan mong magpasiya. Dapat mong matutuhang gamitin ang katotohanan para lutasin ang problema. Sa normal na mga panahon, ano ang silbi ng pag-unawa sa ilang katotohanan? Hindi iyon para busugin ka, at hindi lamang para mayroon kang masabi, ni hindi para lutasin ang mga problema ng iba. Ang mas mahalaga, ang silbi niyon ay para lutasin ang sarili mong mga problema, sarili mong mga paghihirap—pagkatapos mong lutasin ang sarili mong mga paghihirap, saka mo lamang malulutas ang mga paghihirap ng iba(“Ang Mga Taong Lito ay Hindi Naliligtas” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay tila isang kislap ng kidlat. Oo, kapag may mga bagay na nangyayari dapat alamin muna natin ang ating mga sarili, at gamitin ang katotohanan upang lutasin ang mga kaguluhan sa loob natin. Sa pagpapabuti ng ating kalagayan, nilulutas natin ang ating mga suliranin, at sa ganoon ay maaari nating lutasin ang mga suliranin ng ibang tao. Nguni’t hindi ko kailanman inalam ang sarili ko kapag may naganap, at itinutok ang mga mata ko sa iba, naghahanap ng kamalian sa kanila kung maaari. Kapag ang pakikipag-ugnayan ay hindi maayos, ibinibintang ko ito sa ibang tao, at sinisikap humanap ng mga paraan na makipag-usap sa kanila, upang ipaalam sa kanila ang kanilang mga aral at makilala ang kanilang mga sarili. Nang ayaw makinig sa akin ang magkapatid sa tinuluyan kong pamilya, naniwala akong ito’y dahil hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi nila kayang tanggapin ang katotohanan. Nang ipabalik sa akin ang kaayusan ng gawain nang buo, iniatang ko ang sisi at pananagutan sa iba. Nang mangyari lahat ito, nakaligtaan kong suriin kung anong kasamaan ang aking naibunyag, at aling mga katotohanan ang dapat kong pasukin. Tila ba ako’y walang kasamaan, at ginawa nang tama ang lahat. Sa halip, naghanap ako sa iba ayon sa aking mga pamantayan, at kung may hindi makaabot sa aking mga pamantayan o ayaw tanggapin ang aking pakikipag-usap, ipinapalagay ko agad na ang taong iyon ay hindi naghahanap ng katotohanan at tumatanggap ng katotohanan. Talagang ako’y napakapalalo at walang pagkakilala sa sarili. Wala akong alam sa kasamaang naibunyag ko, at hindi ko rin hinanap ang katotohanan upang lutasin ang sarili kong mga suliranin, subali’t laging naghahanap ng mali sa iba. Paano ako makikipagtulungan nang mahusay at makakabagay sa iba? Noon ko napagtanto na: Ang dahilan kung bakit hindi ako makabagay kaninuman ay hindi dahil hindi nila hinahanap ang katotohanan, o tinatanggap ang katotohanan, nguni’t dahil wala akong kaalaman sa aking sarili, at hindi nagbibigay-diin sa paggamit ng katotohanan upang lutasin ang aking sariling mga suliranin.

Pagkaraang matanto ko ang lahat ng ito, nagsimula akong magbigay-pansin sa aking sariling pagpasok at paglutas muna ng aking sariling mga suliranin kapag may mga bagay na nangyari. Sa pakikipag-usap sa mga kapatid pagkaraan, may mga bahagi na ng pagkilala sa sarili sa pakikipag-usap ko. Ito ay noong matuklasan kong nagbago na ang mga kapatid. Nagsimula na silang magpakita ng kaalaman tungkol sa sarili nilang kasamaan, at unti-unti ay nagkaroon kami ng mahusay na pagsasamahan. Sa harap ng mga katotohanang ito, sa wakas ay nakita ko na kapag may mga usaping nangingibabaw, lubhang mahalaga na kilalanin ang sarili at unang lutasin ang sariling mga suliranin. Pagkatapos lamang noon na maaari nating isabuhay ang ating normal na pagkatao, magawang makitungo sa iba nang mahusay, at makinabang sa ating mga karanasan sa buhay.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Leave a Reply