Ang Hirap ng Pagbabalatkayo

Disyembre 11, 2024

Ni Mu Chen, Tsina

Isang araw noong 2018, inatasan ako ng lider ko na suportahan ang isang bagong tatag na iglesia. Nang matanggap ko ang balitang ito, pareho kong nadama ang gulat at kaba. Para yatang masyadong mataas ang tingin sa akin ng lider ko; pero ano ang magiging tingin sa akin ng mga kapatid ko kung hindi ko kayang gumawa ng anumang totoong gawain? Iisipin ba nilang hindi ako ganoon kagaling na lider? Kung mangyayari iyon, ano na lang ang matitirang dangal sa akin? Nang maisip ko ang mga bagay na ito, namrublema ako at hindi ako mapalagay habang ginagawa ang mga tungkulin ko. Pagkalipas ng isang linggo, puno ng pag-aalinlangan ang puso ko, tumulak na ako papunta sa bagong iglesia. Noong una, kapag nagtatanong ang mga kapatid, nagagawa kong lutasin ang mga iyon sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita ng Diyos at mga prinsipyo sa sarili kong karanasan sa pagbabahagi. Pero kalaunan ay naharap sila sa ilang problemang hindi ko lubusang maunawaan. Hindi ko alam kung paano lutasin ang mga iyon, kaya nagsimula akong kabahan.

Natatandaan ko na sa isang partikular na pagtitipon, nagbanggit ang mga kapatid ng ilang katanungan at paghihirap na hinaharap nila sa gawain nila, at hindi ko talaga maisip kung aling aspeto ng katotohanan ang dapat kong ibahagi para malutas ang mga problemang ito. Nag-alala ako na bumaba ang tingin nila sa akin, at kabadong-kabado ako. Nag-isip akong mabuti, hinahangad na makaisip ng mga sipi ng mga salita ng Diyos o mga prinsipyong ibabahagi sa lalong madaling panahon, pero habang lalo akong natataranta, lalong nabablangko ang utak ko. Nakikitang tahimik na nakaupo roon ang mga kapatid at naghihintay ng sagot ko, lalo pa akong nataranta, naiisip na, “Kung hindi ko kayang lutasin ang mga problema nila, hindi ba’t ibig sabihin noon ay hindi ko nauunawaan ang katotohanan at wala akong kakayahang magsagawa ng totoong gawain? Ano na lang ang iisipin ng mga kapatid sa akin? Masyado iyong nakahihiya!” Sa huli, hinarap ko na lang ang mahirap na sitwasyon at pumili ng isang sipi ng mga salita ng Diyos para ibahagi. Ang totoo, alam ko nang maliwanag pa sa sikat ng araw na bumibigkas lang ako ng mga salita at doktrina at na hindi nito malulutas ang mga problema nila. Pero dahil nakikita kong nakikinig at tumatango ang mga kapatid ko, at hindi na sila nagkomento pa, hindi ko na inisip pa iyon. Minsan naman, nagtanong ang isang sister tungkol sa anak niya na sa sobrang abala sa trabaho kaya hindi na nakadadalo nang regular sa mga pagtitipon. Nag-aalala ang sister na dahil hindi hinahanap ng anak niya ang katotohanan ay mawawalan ito ng pagkakataong magtamo ng kaligtasan, kung kaya’t madalas niyang pinaaalalahanan ang anak niya na magbasa ng mga salita ng Diyos at dumalo sa mas maraming pagtitipon. Pero kasabay noon, nag-alala siya na sumama ang loob ng anak niya sa labis na pamimilit niya. Talagang napipigilan ang sister dahil sa problemang ito, at hindi niya alam kung paano siya dapat magpatuloy. Noong panahong iyon, hindi ako sigurado kung paano dapat magbahagi sa sister upang malutas ang problema niya. Naisip ko, “Walang paraan para mabigyang-katwiran ang hindi pagbibigay ng anumang pagbabahagi sa sister na ito sa harap ng lahat. Ito ang unang pagdalo ko sa nagtitipong grupo na ito. Kung hindi ko kayang ayusin ang anuman sa mga problema nila, hindi ba’t bababa ang tingin sa akin ng mga kapatid at sasabihin nilang wala akong kakayahang lumutas ng mga problema sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan? Anuman ang mangyari, kailangan kong isalba ang sitwasyong ito kahit papaano.” Kaya’t nagbahagi ako, sinasabing, “Tungkol sa problemang ito, kailangan nating hanapin ang katotohanan at kilatisin ang layunin ng Diyos. Inililigtas ng Diyos ang mga nagtataglay ng tunay na pananampalataya sa Kanya at ang mga nagmamahal sa katotohanan. Kahit kailan ay hindi Niya tayo pinipilit na magtipon o gumawa ng ating mga tungkulin, kaya kung hindi naghahanap ng katotohanan ang anak mo, hindi mo siya mapipilit na gawin iyon. Dapat kang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at tumigil sa pagkilos batay sa iyong mga damdamin.” Hindi nagsalita ng anuman ang sister pagkatapos ng aking pagbabahagi, pero nakakunot pa rin ang noo niya. Nakikitang hindi nalutas ang problema ng sister, nagbigay ang lider na si Sister Wang Lin ng sarili niyang pagbabahagi: “Dapat mo pa ring tulungan ang anak mo at magbahagi sa kanya nang may pagmamahal. Darating ang panahon na magiging malinaw kung ang anak mo ay isang taong naghahanap ng katotohanan. Kung isa siyang tunay na mananampalataya ng Diyos, kahit na sa umpisa ay mayroon siyang mga makamundong pagnanasa at hindi naghahanap ng katotohanan, dapat na maging matiyaga ka, bukas ang isip at may pagmamahal na sumusuporta. Tapos, sa sandaling magsimula siyang makaunawa sa ilan sa mga katotohanan, natural na magsisimula siyang bigyan iyon ng importansya. Kung hindi siya umiibig sa katotohanan, at sumasampalataya lang sa Diyos sa pangalan para sa layuning tumanggap ng mga pagpapala, kung ganoon ay walang dami ng tulong o panalangin para sa kanya ang magkakaroon ng saysay, dahil hindi inililigtas ng Diyos ang mga hindi mananampalataya. Kaya’t tulungan at suportahan muna natin siya nang may pagmamahal at pagkatapos, sa oras na matiyak natin kung anong klase ng tao siya, makapagpapasya na tayo kung paano siya pakikitunguhan alinsunod sa prinsipyo.” Tuluy-tuloy na tumango ang sister, at pati ako ay nagtamo ng mas malinaw na pag-unawa sa problema. Binalangkas ng pagbabahagi ni Wang Lin ang isang malinaw na landas ng pagsasagawa. Pero hindi ako nakahandang sabihin sa iba ang pagkilala sa anuman dito; kung kikilalanin ko iyon, naisip ko, mas malamang na matutukoy ng mga kapatid na nagbahagi lang ako tungkol sa kaalaman sa doktrina, at magiging isa akong malaking kahihiyan. Mula sa puntong iyon, pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko, natatakot na hindi ko magagawang lutasin ang mga problemang idudulog ng aking mga kapatid. Minsan kapag nakahaharap ako sa mga paghihirap, gusto kong makipagbahaginan sa mga kapatid para marinig ang mga ideya at opinyon nila. Pero bigla kong maaalala na nandoon ako para diligan at suportahan sila, at kung babaliktarin ko ang sitwasyon at lalapit ako sa kanila para humingi ng tulong, tiyak na bababa ang tingin nila sa akin. Paulit-ulit ko itong inisip, at sa mismong pagkakataon na magsasalita na ako, mag-aalinlangan ako at mananatiling tahimik. May mga pagkakataong magpapasintabi ako para pumunta sa banyo, o mag-iimbento ng dahilan para mag-asikaso ng ibang gawain kapag nagkakaroon ng mahirap na problema at hihilingin sa mga kapatid na talakayin muna nila iyon nang sila-sila. Sa ganitong paraan, walang nakakakita sa tunay kong pagkatao. Sa tuwing ginagawa ko ang ganito, pupunahin ko ang sarili ko, nalalamang hindi malinaw ang pag-unawa ko sa problema, at kung magtatapat lang ako sa pagbabahagi at manghihingi ng tulong sa mga kapatid ko ay magtatamo ako ng mas malalim na pag-unawa. Sa ganoong mga pagkakataon, lagi akong nagpapasya na hindi na ako iiwas sa ganoong mga sitwasyon sa hinaharap, pero sa tuwing magkakaroon ng ilang paghihirap, awtomatiko kong nanaising pag-ingatan ang katayuan at dangal ko. Tatapusin ko nang kahit paano lang ang isang talakayan sa pamamagitan ng pagbanggit sa ilang salita at doktrina, o iiwasan ko lang ang buong sitwasyon. Noong panahong iyon, unti-unting lumala ang kalagayan ko—wala akong kabatiran kapag nagbabahagi ako sa mga pagtitipon, palagi akong sa trabaho ko, at pahirap nang pahirap ang paggawa sa mga tungkulin ko. Labis akong napigilan at nahirapan dahil kailangan ko laging magpanggap at magbalatkayo. Naisip ko pa nga na baka masyado lang nakapapagod ang tungkuling ito para sa akin, at mas makabubuti pa sa aking bumalik sa dati kong tungkulin. Napagtanto kong nasa masamang kalagayan ako, kung kaya’t nagdasal ako sa Diyos, “Mahal kong Diyos! Nito pong huli ay hirap na hirap ako sa trabaho ko at wala po akong kalinawan sa pag-iisip. Para po bang tinalikuran Mo na po ako, pero hindi ko alam kung saan po ako nagkamali. O Diyos ko, hinihiling ko pong gabayan Mo ako para maunawaan ko po nang mas mabuti ang aking sarili.”

Pagkatapos niyon, nakita ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Lahat ng natiwaling tao ay nagdurusa mula sa isang magkakatulad na suliranin: Kapag wala silang katayuan, hindi sila nagmamalaki kapag nakikipag-ugnay o nakikipag-usap sa sinuman, o hindi sila gumagamit ng partikular na estilo o tono sa kanilang pananalita; sila ay karaniwan lamang at normal, at hindi na kailangang balutan ang kanilang mga sarili. Hindi sila nakararamdam ng anumang sikolohikal na presyon, at nakapagbabahagi nang bukas at mula sa puso. Madali silang lapitan at madaling makahalubilo; nararamdaman ng iba na napakabuti nilang mga tao. Sa sandaling magkamit sila ng katayuan, sila ay nagiging mapagmataas, hindi nila pinapansin ang mga karaniwang tao, walang sinumang nakakalapit sa kanila; pakiramdam nila ay mas mataas sila, at na sila ay iba sa mga karaniwang tao. Mababa ang tingin nila sa karaniwang tao, nagmamalaki sila kapag nagsasalita, at tumitigil sila sa hayagang pagbabahagi sa iba. Bakit hindi na sila nagbabahagi nang hayagan? Nararamdaman nilang may katayuan na sila ngayon, at sila ay mga pinuno. Iniisip nilang dapat magkaroon ng partikular na imahe ang mga pinuno, maging mataas nang bahagya kaysa sa ordinaryong tao, magkaroon ng higit na tayog at maging mas mahusay na tumupad ng responsabilidad; naniniwala sila na kung ihahambing sa mga karaniwang tao, dapat magtaglay ang mga pinuno ng higit na pasensya, magawang magdusa at gumugol nang higit, at mapaglabanan ang anumang tukso mula kay Satanas. Kahit na mamatay ang kanilang mga magulang o ibang kapamilya, pakiramdam nila ay dapat mayroon silang pagpipigil sa sarili na huwag maiyak, o na dapat man lang ay umiyak sila nang lihim, nang hindi nakikita ng iba, upang walang makakita ng anuman sa kanilang mga pagkukulang, kapintasan, o kahinaan. Nararamdaman pa nga nila na hindi maaaring ipaalam ng mga pinuno sa sinuman kung sila ay naging negatibo; sa halip, dapat nilang itago ang lahat ng ganoong mga bagay. Naniniwala silang ganito dapat kumilos ang isang may katayuan. Kapag pinipigilan nila ang kanilang sarili nang ganito, hindi ba ang katayuan ay nagiging kanilang diyos, kanilang panginoon? At dahil dito, nagtataglay pa rin ba sila ng normal na pagkatao? Kapag mayroon silang ganitong mga ideya—kapag ikinulong nila ang kanilang sarili rito, at ginawa nila ito—hindi ba sila nahumaling sa katayuan?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan). Sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na kaya masyadong nakapapagod at mahirap ang trabaho ko para sa akin ay dahil labis akong nahaling sa reputasyon at katayuan. Bago ako pumunta sa iglesiang iyon, napakalaya at walang pagpipigil ng pakiramdam ko sa mga pagtitipon kasama ng mga kapatid ko—walang hirap, at kung mayroon akong hindi nauunawaan, babanggitin ko iyon para sa pagbabahaginan. Pero magmula nang dumating ako para suportahan ang iglesiang iyon, inilagay ko ang sarili ko sa isang pedestal, iniisip na malamang ay mas magaling at mas may kasanayan ako sa mga taong naroroon dahil nandoon ako para suportahan sila. Inisip ko na makakikilos lang ako alinsunod sa aking katayuan sa pamamagitan ng paglutas sa bawat problemang idudulog ng aking mga kapatid. Para makuha ang paghanga at pagtanggap ng mga kapatid ko, nagbalatkayo at nagpanggap ako. Kahit malinaw na wala akong malalim na pag-unawa sa mga problema, hindi ako handang magtapat at maghanap, sa halip ay pinagpipilitan kong gumawa nang kahit paano lang gamit ang mga salita at doktrina, nililinlang ang mga kapatid ko, at minsan ay naghahanap pa ng mga dahilan para maiwasan ang buong sitwasyon. Wala akong kahit katiting na konsiderasyon kung nalutas ba ang mga problema ng mga kapatid o hindi, at ni hindi ko masabi ang isang bagay na kasing simple ng “hindi ko nauunawaan ang problemang ito.” Noon ko lang napagtantong masyadong malaking importansya ang inilagay ko sa katayuan, at lahat ng ginagawa ko ay para mapag-ingatan ang katayuang iyon. Isinaayos ng iglesia na magpunta ako roon para gawin ang tungkulin ko para makipagtulungan ako sa mga kapatid ko para lutasin ang mga problema at isyu na hinaharap ng iglesiang iyon, pero kahit kaunti ay hindi ko isinaalang-alang kung paano pinakamabuting gawin ang tungkulin ko at gumawa ng totoong gawain, sa halip ay inisip ko lang kung ano ang magiging tingin sa akin ng mga kapatid, at kung paano pinakamabuting protektahan ang katayuan at dangal ko. Naghanap pa nga ako ng mga paraan ng panlilinlang sa kanila para maingatan ang dangal at katayuan ko. Sa pagpapabaya sa mga tungkulin ko, hindi lang ako nagdudulot ng paghihirap sa sarili ko, pinipinsala ko rin ang mga kapatid ko at inaantala ang gawain ng iglesia. Malamang ay naging labis na kasuklam-suklam at kamuhi-muhi ang tingin sa akin ng Diyos dahil doon. Nasadlak ako sa kadiliman—ipinakita nito ang pagiging matuwid ng Diyos, at kailangang masunurin kong pagnilayan ang aking sarili at magsisi ako sa Diyos.

Kinabukasan, nagtapat ako sa mga kapatid ko tungkol sa kalagayan ko nitong huli, at nagdulog din ako ng ilang tanong na mahirap sa akin na pagbahaginan. Sa pagbabahaginan, at sa patnubay ng Diyos, nagtamo kami kalaunan ng mas mabuting pag-unawa sa mga problemang ito, at nakahanap ng landas ng pagsasagawa. Pagkatapos noon, dahil awtomatiko pa rin akong magbabalatkayo kapag nahaharap ako sa mga paghihirap o hindi ko maintindihan ang ilang problema, hindi ninanais na malantad ang mga kahinaan ko sa mga kapatid ko, nagdasal ako sa Diyos para humingi ng gabay. Pagkatapos ay nakakita ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng landas ng pagsasagawa. Almighty God says: “Upang mapalaya ang sarili mo mula sa kontrol ng katayuan, ano ang unang dapat mong gawin? Kailangan mo muna itong tanggalin sa iyong mga intensyon, iyong mga saloobin, at iyong puso. Paano ito nakakamit? Dati-rati, noong wala kang katayuan, hindi mo papansinin ang mga hindi kaakit-akit sa iyo. Ngayong mayroon ka nang katayuan, kung makakikita ka ng isang taong hindi kahanga-hanga, o mayroong mga isyu, pakiramdam mo ay responsabilidad mong tulungan siya, at kaya gumugugol ka ng mas maraming oras sa pakikipagbahaginan sa kanya, sinusubukang lutasin ang ilang praktikal na problemang mayroon siya. At ano ang nararamdaman ng puso mo kapag ginagawa mo ang mga bagay na ito? Nakararamdam ito ng kagalakan at kapayapaan. Gayundin, dapat kang magtapat sa mga tao at mas madalas na maging bukas sa kanila kapag nahihirapan ka o nakararanas ng kabiguan, magbahagi sa iyong mga problema at kahinaan, kung paano ka naghimagsik laban sa Diyos, at kung paano mo ito nalampasan, at nagawang matugunan ang mga layunin ng Diyos. At ano ang epekto ng pagtatapat sa kanila sa ganitong paraan? Walang duda na ito ay positibo. Hindi ka mamaliitin ng sinuman—at maaaring mainggit pa sila sa iyong abilidad na pagdaanan ang mga karanasang ito. Palaging iniisip ng ilang tao na kapag ang mga tao ay may katayuan, dapat silang mas kumilos na parang mga opisyal at magsalita sa isang partikular na paraan para seryosohin at igalang sila. Tama ba ang ganitong paraan ng pag-iisip? Kung mapagtatanto mo na mali ang ganitong paraan ng pag-iisip, dapat kang manalangin sa Diyos at maghihimagsik laban sa mga bagay ng laman. Huwag magmayabang, at huwag lumakad sa landas ng pagpapaimbabaw. Sa sandaling magkaroon ka ng gayong kaisipan, dapat mong tugunan ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan. Kung hindi mo hahanapin ang katotohanan, ang kaisipang ito, ang pananaw na ito, ay magkakaroon ng anyo at magkakaugat sa puso mo. Bilang resulta, mangingibabaw ito sa iyo at magbabalatkayo ka at gagawa ka ng iyong imahe hanggang sa puntong wala nang sinumang makakikita sa iyo o makauunawa sa iyong mga iniisip sa likod ng imaheng ito. Makikipag-usap ka sa iba sa likod ng isang maskara na nagtatago ng iyong tunay na puso mula sa kanila. Dapat kang matutong hayaan ang iba na makita ang puso mo, at matutong buksan ang iyong puso sa iba at maging malapit sa kanila. Dapat kang maghimagsik laban sa mga kagustuhan ng laman at umasal ayon sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ganitong paraan, makararamdam ang puso mo ng kapayapaan at kaligayahan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan). Tinulungan akong mapagtanto ng mga salita ng Diyos na para maiwaksi ang mga gapos ng reputasyon at katayuan, kailangan kong matutuhang bitiwan ang pagnanasa ko sa katayuan sa kaibuturan ng aking puso. Ang totoo, ano mang tungkulin ang isinasagawa ko o gaano man kataas ang katayuan ko, malalim pa rin ang pagkatiwaling ginawa ni Satanas sa akin at marami akong mga kakulangan at kapintasan. Normal na normal lang ito—ang pagiging lider at pagkakaroon ng katayuan ay hindi naman nangangahulugan na ang isang tao ay biglang magiging mas magaling sa iba, magtatamo ng tayog, mauunawaan ang katotohanan at makakayang unawain at lutasin ang bawat problema. Kailangan kong magkaroon ng tamang pag-unawa sa aking sarili. Kalaunan, sa tuwing gugustuhin kong pag-ingatan ang katayuan ko at itago ang sarili kong mga kakulangan, gagawin ko ang mismong kabaliktaran: magtatapat ako at ilalantad ang sarili ko sa harap ng lahat nang walang pagpapanggap, hinahayaang makita ng mga kapatid ko ang tunay kong tayog. Kapag nahaharap ako sa isang problemang hindi ko kayang lutasin, tapat kong inaamin na hindi ko iyon nauunawaan at hinahanap ang katotohanan kasama ng mga kapatid ko, pinupunan ang kalakasan at kahinaan ng isa’t isa. Sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan, naging higit na malaya at palagay ang pakiramdam ko, at parang hindi na masyadong nakakapagod ang tungkulin ko.

Gayunpaman, may mga pagkakataon pa rin na nabibigo akong isagawa ang katotohanan. Minsan, naunang dumating sa akin si Wang Lin sa isang pagtitipon. Naisip ko: “Alam na niya ang mga kakulangan at kapintasan ko mula sa huli kong pagbabahagi ng mga salita at doktrina. Kung mabibigo pa ulit akong lutasin ang mga problema ng mga kapatid ko, tiyak na bababa ang tingin niya sa akin. Paano ako magpapakumbaba kung nagkagayon?” Medyo namrublema ako matapos maisip ito at pakiramdam ko ay magiging mabigat ang obligasyon ko na pangunahan ang pagtitipon kasama niya. Sinabi ko kay Wang Lin, “Kung may iba ka pang tungkuling dapat gawin, huwag kang mag-alinlangang umalis, kaya ko na ang pagtitipong ito nang mag-isa.” Umalis siya nang hindi tumutugon. Nagulat ako, makalipas ang ilang araw, sinabi niya sa akin, “Noong araw na iyon, ang orihinal kong plano ay suriin ang ilang problema at paglihis sa gawain sa pagtatapos ng pagtitipon, pero pagkarating na pagkarating ko sa lugar ng pagtitipon, sinabi mong hindi ako kailangan doon. Pinag-isipan ko ito at napagpasyahan kong ipaalam sa iyo ang ilang problemang mayroon sa iyo. Magiging kapaki-pakinabang ito sa iyo at sa gawain ng iglesia.” Sinabi niya sa akin na pinag-iingatan ko ang katayuan at dangal ko sa lahat ng ginagawa ko, palaging itinatago ang mga kakulangan ko at nagbabalatkayo, at na nabigo akong makiisa sa anumang tunay na pakikipagtulungan sa mga kapatid ko. Mahihirapan akong magtamo ng gawain ng Banal na Espiritu at magkamit ng anumang resulta sa gawain ko yamang maling intensyon ang itinakda ko habang isinasagawa ang mga tungkulin ko. Namula ang mukha ko sa kahihiyan dahil sa mga komento ni Wang Lin. Nahiya ako sa sarili ko, at talagang ang sama ng naramdaman ko. Tama ang sinabi niya: Trabaho ko ang suportahan ang iglesia, pero dahil nag-aalala akong mabuko at mapahiya, nakahanap ako ng dahilan para paalisin siya gayong ginusto niyang makipagtrabaho sa akin para tukuyin at lutasin ang mga problema sa lalong madaling panahon. Mas pamilyar siya sa gawain ng iglesia, kaya paano ako magkakamit ng magagandang resulta nang hindi nakikipagtulungan sa kanya sa pagsasagawa ng mga tungkulin namin? Hindi lang napagtanto ni Wang Lin na wala akong katotohanang realidad at wala akong kakayahang lumutas ng mga problema, natuklasan din niya kung gaano ako kahaling sa katayuan at reputasyon. Noong oras na iyon, pahiyang-pahiya ako. Sa gitna ng pagdurusa ko, lumapit ako sa Diyos sa panalangin: “Mahal kong Diyos! Ngayong araw ay tinukoy ni Wang Lin ang mga problema at kakulangan ko. Dapat po akong matuto mula sa sitwasyong ito kung kaya’t nagsusumamo po ako sa Iyo na gabayan akong magtamo ng mas malalim na pag-unawa sa aking sarili upang maitama ko po ang aking tiwaling disposisyon at sumailalim ako sa isang tunay na pagbabago.” Matapos magdasal, nakakita ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na naglantad sa katayuan ko noong panahong iyon. Almighty God says: “Ang mga tao mismo ay mga nilikha. Kaya ba ng mga nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, makilatis ang lahat ng bagay, at makaya ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya. Gayunman, sa kalooban ng mga tao, mayroong mga tiwaling disposisyon, at isang malalang kahinaan: Sa sandaling matuto sila ng isang kasanayan o propesyon, pakiramdam ng mga tao ay may kakayahan sila, na sila ay mga taong may katayuan at may halaga, at na sila ay mga propesyonal. Gaano man sila kapangkaraniwan, nais nilang lahat na ipresenta ang kanilang sarili bilang sikat o katangi-tanging indibidwal, na gawing medyo tanyag na tao ang kanilang sarili, at ipaisip sa mga tao na perpekto sila at walang kapintasan, wala ni isang depekto; sa mga mata ng iba, nais nilang maging sikat, makapangyarihan, o dakilang tao, at gusto nilang maging napakalakas, kaya ang anumang bagay, nang walang hindi nila kayang gawin. Pakiramdam nila, kapag humingi sila ng tulong sa iba, magmumukha silang walang kakayahan, mahina, at mas mababa, at na hahamakin sila ng mga tao. Sa dahilang ito, palagi nilang nais na patuloy na magkunwari. … Anong klaseng disposisyon ito? Walang hangganan ang kayabangan ng gayong mga tao, nawalan na sila ng buong katwiran. Ayaw nilang maging katulad ng iba, ayaw nilang maging karaniwang mga tao, normal na mga tao, bagkus ay nais nilang maging superhuman, katangi-tanging indibidwal, o kahanga-hanga. Napakalaking problema nito! Patungkol sa mga kahinaan, mga pagkukulang, kamangmangan, kahangalan, at kawalan ng pang-unawa sa loob ng normal na pagkatao, babalutan nila ang lahat ng iyon, hindi ipapakita sa ibang mga tao, pagkatapos ay patuloy silang magpapanggap. … Hindi nila kilala kung sino sila mismo, ni hindi nila alam kung paano isabuhay ang normal na pagkatao. Ni minsan ay hindi sila kumilos na tulad ng praktikal na mga tao. Kung araw-araw ka na lang lutang mag-isip, iniraraos lang ang gawain, walang ginagawang anumang praktikal, at laging namumuhay nang ayon sa sarili mong imahinasyon, problema ito. Ang landas sa buhay na iyong pinili ay mali. Kung gagawin mo ito, paano ka man manalig sa Diyos, hindi mo mauunawaan ang katotohanan, ni hindi mo matatamo ang katotohanan. Sa totoo lang, hindi mo matatamo ang katotohanan, dahil mali ang simula mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Tinulungan ako ng paghahayag ng mga salita ng Diyos na mapagtantong ang dahilan kung bakit palagi akong awtomatikong nagbabalatkayo para makuha ang paghanga ng iba ay dahil kinokontrol ako ng mapagmataas kong disposisyon. Isa lang akong nilikha, kaya hindi ko magagawang unawain ang lahat at magiging lubos na may kalinawan sa bawat usapin. Normal lang naman talaga na maharap sa mga problema at paghihirap sa panahon ng paggawa sa aking tungkulin. Gayunman, sa sandaling magkamit ako ng partikular na katayuan, inisip ko nang “ekstraordinaryo” ako, at nabigo akong kilalanin ang tunay kong pagkatao at harapin ang mga kakulangan ko. Lagi kong sinusubukan na maging isang dakila at importanteng tao, isang modelo ng pagiging perpekto, kaya nagbalatkayo ako at nagpanggap sa bawat pagkakataon para pag-ingatan ang reputasyon at katayuan ko sa mga mata ng aking mga kapatid. Nagawa akong tiwali at malalim na naimpluwensyahan ng mga satanikong kasabihang tulad ng “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad” at “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.” Ano mang grupo ng tao ang makahalubilo ko, gusto ko palaging mag-iwan ng pinakamagandang impresyon at makuha ang paghanga at papuri ng lahat, iniisip na sa paggawa noon ay saka lang ako mamumuhay nang may dangal at karakter. Tapos, nang malantad ang mga kahinaan at kakulangan ko sa lahat, nagdusa ako nang matindi at naghanap ng mga paraan para itago at pagtakpan ang mga kakulangang iyon. Ang pinakahuling pangyayaring ito ang perpektong halimbawa: Dahil nag-aalala akong makikita ni Wang Lin ang totoo kong pagkatao, sadya ko siyang pinaalis para maitago ang katotohanang hindi ko nauunawaan ang katotohanan. Sa paghahangad kong pag-ingatan ang sarili kong katayuan at dangal, hindi ko binigyan ng ni katiting na konsiderasyon ang gawain ng iglesia, ni hindi ko rin isinaalang-alang ang sarili kong tungkulin. Masyado akong naging makasarili at kasuklam-suklam! Napagtanto kong napakarami pa ring aktuwal na problemang dapat harapin sa iglesia, at kung hindi ako makikipagtulungan kay Wang Lin, hindi malulutas ang mga problema. Maaantala noon ang gawain ng buong iglesia, at magdudulot ito ng pinsala sa buhay ng mga kapatid. Isinasakripisyo ko ang mga interes ng iglesia para maingatan ang reputasyon ko—hindi ba’t gumagawa ako ng kasamaan? Hinihingi ng Diyos na mamuhay tayo bilang mga normal na tao, sumamba at magpasakop sa Diyos, at taimtim na umasal at gawin ang ating mga tungkulin alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Ngunit ako, sa matindi kong kayabangan, ay nawalan ng katwirang dapat na taglay ng sinumang normal na tao, palaging naglalayong magpalabas ng isang perpektong imahe ng aking sarili para makuha ang paghanga ng iba. Tinatahak ko ang isang landas ng paglaban sa Diyos. Kung hindi ako magsisisi, sa huli ay maihuhulog ako sa impiyerno para tumanggap ng kaparusahan. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, nasuklam at nahiya ako sa sarili ko, at nagdasal ako sa Diyos, handang magsisi at matapat at praktikal na tumupad ng tungkulin ko bilang isang nilikha.

Napagtatanto ang mga ito, naghanap ako ng isang landas ng pagsasagawa para lutasin ang mga problema ko. Nakakita ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na ganito ang sinasabi: “Sa harap ng Diyos, gaano ka man magbalatkayo, gaano mo man ikubli ang iyong sarili, o anuman ang ikatha mo para sa sarili mo, malinaw na nauunawaan ng Diyos ang lahat ng pinakatotoo mong saloobin at ang mga bagay na nakatago sa pinakamalalalim, at kaloob-loobang parte mo; walang kahit isang taong may itinatagong saloobin ang makakatakas sa masusing pagsisiyasat ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga kamalian, iyong mga kakulangan, iyong mga kasalanan, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mapapalagpas mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi napipigilan o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sinusuri ng Diyos ang puso at isip ng tao—tungkol naman sa aking tiwaling disposisyon, sa mga layunin at mga karungisan ko, alam ng Diyos ang bawat aspeto ng mga bagay na ito. Paano man ako magbalatkayo at magpanggap, nanatili ang aking tiwaling disposisyon, hindi nagbago ang tayog ko, at hindi ko pa rin naunawaan ang katotohanan o tinaglay ang katotohanang realidad. Ang totoo, hindi lang nakita ng Diyos ang pagsubok kong magbalatkayo, makikita rin ng sinumang kapatid na nakauunawa ng katotohanan ang pagpapanggap ko. Ang pagsisikap kong magbalatkayo bilang isang perpektong tao ay isa lang uri ng pandaraya sa sarili at panlilinlang sa sarili. Noon ko lang napagtanto sa wakas na ang pagpapanggap at pagbabalatkayo sa ngalan ng katayuan at dangal ay isang walang kabuluhang gawain, at habang lalo kong itinatago ang sarili ko, lalo akong nalalantad. Isa itong walang kwentang paraan ng pamumuhay. Nang matanto ko ang mga bagay na ito, sadya kong tinanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, at kapag nararamdaman kong gusto kong pag-ingatan ang katayuan at dangal ko, aktibo akong nagtatapat at nagsasagawa ng katotohanan.

Isang araw bago ako umalis sa iglesiang iyon, gusto kong tanungin ang isang sister kung mayroon pa siyang anumang problema o paghihirap na kailangang talakayin, pero nag-alala rin ako na kung hindi ako makatutulong na lutasin ang mga problema niya, magmumukha akong katawa-tawa sa harapan niya. Naisip ko, “Aalis na rin naman ako rito bukas; sa susunod ko na lang isasagawa ang katotohanan.” Noon din, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung, kapag mangyari sa iyo ang ilang natatanging paghihirap o maharap ka sa ilang partikular na kapaligiran, ang iyong saloobin ay palaging iwasan ang mga iyon o takasan ang mga iyon, at desperadong subukan na tanggihan ang mga iyon at tanggalin ang mga iyon—kung ayaw mong ilagay ang iyong sarili sa kontrol ng mga pangangasiwa ng Diyos, kung ayaw mong magpasakop sa Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos, at kung ayaw mong hayaan ang katotohanan na pangunahan ka—kung palagi mong nais na ikaw ang masunod at kontrolin ang lahat ng bagay tungkol sa iyong sarili alinsunod sa iyong satanikong disposisyon, kung magkagayon, ang mga kahihinatnan ay, hindi magtatagal, tiyak na isasantabi ka ng Diyos o ihahatid ka kay Satanas. Kung nauunawaan ng mga tao ang bagay na ito, dapat silang bumalik agad at sundan ang kanilang daan sa buhay alinsunod sa tamang landas na hinihingi ng Diyos. Ang landas na ito ang tama, at kapag ang landas ay tama, nangangahulugan iyon na ang direksyon ay tama(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na matanto na kahit na mukhang hindi mahalaga ang pagtatanong sa sister ko kung mayroon siyang anumang mga problema o paghihirap, isa pa rin itong pagkakataong isuko ang pagnanasa ko sa katayuan at dangal at isagawa ang katotohanan. Kung ipinagpatuloy ko ang pagbabalatkayo at pagpapanggap para manlihis ng iba at pag-ingatan ang katayuan at dangal ko, kahit kailan ay hindi ko mapalalaya ang sarili ko mula sa mga gapos at pagpipigil ng aking tiwaling disposisyon. Hindi na ako pwedeng magpadala sa mga pagnanasa ko—kailangan kong isagawa ang katotohanan at mamuhay nang may wangis ng tao, para maipahiya si Satanas. Kaya, bago ako umalis, maagap kong tinanong ang sister ko kung mayroon siyang anumang mga problema o paghihirap. Nang pakiramdam ko ay naunawaan ko na ang sitwasyon niya ay nagbahagi ako, at nang wala akong kasagutan ay sinabi kong, “Hindi ko alam kung paano lulutasin ang problemang ito, hanapin natin ang sagot nang magkasama.” Matapos magsagawa sa ganitong paraan, naging napakatatag at napakapanatag ng pakiramdam ko.

Marami talaga akong nakamit sa karanasang ito. Kung hindi ako pumunta sa iglesiang iyon para gawin ang mga tungkulin ko, na nagreresulta sa paglalantad sa akin sa pamamagitan ng totoong sitwasyong ito, hindi ko kailanman mapagtatanto na mayroon akong matinding obsesyon sa katayuan, at na ang pag-iingat sa katayuan at dangal ng isang tao ay isang paraan ng paglaban sa Diyos. Tinulungan ako ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos na kumawala sa mga gapos ng katayuan at dangal at itigil ang pagbabalatkayo. Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa akin!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply