Nabunyag Ako Habang Nagsasanay ng mga Baguhan

Setyembre 18, 2022

Ni Xiaocao, Greece

Habang lumalaganap ang ebanghelyo ng kaharian, parami nang paraming tao ang nagsisiyasat sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nangangailangan ito ng mas maraming tao na mangangaral ng ebanghelyo at magdidilig ng mga baguhan. Ang pinakamahalaga ay ang magsanay ng mahuhusay na tao mula sa mga baguhan para magampanan nilang lahat ang isang tungkulin. Pagkaraan ng maikling panahon, nalaman ko na hindi kasingdali ng inaakala ko ang magsanay ng mga baguhan. Ang mga baguhang ito ay parang mga bagong silang na sanggol na walang alam. Kailangan silang akayin habang natututo silang gawin ang kanilang tungkulin. Kailangan kong talakayin nang maaga sa kanila araw-araw ang nilalaman ng kanilang mga pagtitipon, at kailangan silang turuan kung paano mag-host ng mga pagtitipon. Kapag nagho-host sila ng mga pagtitipon, kailangan kong bantayan ang sitwasyon. Kung masyado silang mabilis magsalita, kailangan ko silang paalalahanang magdahan-dahan, kung hindi ay hindi maiintindihan ng ilang tao. Kung masyado silang mabagal magsalita, kailangan ko rin silang paalalahanan na gamitin nang maayos ang kanilang oras. Higit pa riyan, kinakailangan ko rin silang turuan kung paano lutasin ang mga problema at suliranin na kanilang kinakaharap, para ang mga kapatid na responsibilidad nilang diligan ay makapagtipon at makabasa ng salita ng Diyos nang normal, at mabilis na makapagtatag ng pundasyon sa tunay na daan. Kapag ang mga bagong nililinang na baguhang ito ay nagkakaroon ng iba’t ibang problema, kinakailangan kong subaybayan ang kanilang kalagayan at magbahagi sa kanila kung paano harapin ang mga paghihirap, para hindi maapektuhan ang kanilang kalagayan at magampanan nila nang normal ang kanilang mga tungkulin.

Pagkaraan ng ilang panahon, nadama ko na matrabaho at nakakapagod magsanay ng mga baguhan. Dahil ako ang lider ng grupo, hindi lamang ako responsable sa pangkalahatang gawain ng grupo, kailangan ko ring diligan ang ilang tao na katatanggap pa lang sa gawain ng Diyos. Ang mga gampaning ito ay nangangailangan ng maraming oras at pagsisikap. Pero ngayon, ginugugol ko ang karamihan ng aking oras at lakas sa pagsasanay ng mga baguhan, at habang lumilipas ang mga araw, ang ilan sa mga taong dinidiligan ko ay hindi na dumadalo sa mga pagtitipon, kaya kailangan ko silang mag-isang hanapin para bahaginan at suportahan. Labis akong nabalisa dahil dito, at nagreklamo ako na ang pagsasanay ng mga baguhan ay kumakain ng napakaraming oras at naaapektuhan nito ang epekto ng pagdidilig ko. Pagkatapos ng isang buwan, ako ang naging pinaka hindi epektibo sa grupo namin. Sobra itong nakakahiya. Minsan, sa isang pagtitipon, sinabi ng lider ko sa harap ng maraming tao na hindi epektibo ang gawain ko ng pagdidilig, at napahiya ako nang sobra na gusto kong tumakbo palayo. Bilang lider ng grupo, kung hindi gaanong epektibo ang pagdidilig ko kaysa sa iba na nasa grupo, ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin? Hindi ko matanggap ang katunayang ito, at lubha akong naging miserable. Nagsimula pa nga akong mapagod sa gawain ko ng paglilinang ng mga baguhan. Naisip ko na kung ibinuhos ko na lang sana ang lahat ng aking lakas sa mga kapatid na dinidiligan ko, hindi ako ang magiging pinakamalala sa grupo. Hindi natin makikita agad ang mga resulta ng paglilinang ng mga baguhan, at hindi nakikita ng mga lider, manggagawa, at iba pang mga kapatid ang sakripisyo ko. Nang maisip ko ang mga bagay na ‘to, para akong nasakal, at biglang nawala ang motibasyon ko na linangin ang mga baguhan. Pakiramdam ko pa nga’y isang pasanin ang pagsasanay ng mga baguhan. Nung panahong ‘yon, ang ilang baguhan na sinanay ko ay nakapagdidilig na sa iba nang mag-isa. Kung sila na ang magdidilig sa ilang kapatid na katatanggap pa lang sa gawain ng Diyos, bukod pa sa pagsubaybay sa gawain nila, kakailanganin ko rin silang tulungan sa pagdidilig. Dadami ang kailangan kong gawin, at hindi ko makukuha ang papuri sa mga resulta ng gawain. Nagsimula akong magkalkula, iniisip na, “Kung gano’n, hindi ko na lang sila hahayaang diligan ang iba nang mag-isa. Ipapa-partner ko sila sa’kin at padidiligan ang mga kapatid na responsibilidad ko. Hindi na ako nito mag-aalala, mapapabuti ang mga resulta ng gawain ko, at magmumukha akong mas mahusay.” Pero nung panahong ‘yon, inisip ko lang ang reputasyon at katayuan ko, at hindi ko napagtanto kung ano ang mali sa ideyang ito. Hanggang sa isang araw, sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunting kaalaman sa aking kalagayan. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ano ang pamantayan kung paano hinahatulan ang mga gawa ng isang tao bilang mabuti o masama? Depende ito sa kung taglay ba nila o hindi, sa kanilang mga iniisip, pagpapahayag, at kilos, ang patotoo tungkol sa pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng realidad ng katotohanan. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi mo ito isinasabuhay, walang duda, isa kang masamang tao. Ano ang tingin ng Diyos sa masasamang tao? Ang mga iniisip at ipinapakita mong mga kilos ay hindi nagpapatotoo sa Diyos, ni ipinapahiya si Satanas o tinatalo ito; sa halip, pinapahiya ng mga ito ang Diyos, at puno ng mga markang nagpapahiya sa Diyos. Hindi ka nagpapatotoo para sa Diyos, hindi mo ginugugol ang sarili mo para sa Diyos, ni hindi mo ginagampanan ang responsibilidad at mga obligasyon mo sa Diyos; sa halip, kumikilos ka para sa iyong sariling kapakanan. Ano ang kahulugan ng ‘para sa iyong sariling kapakanan’? Ang eksaktong ibig sabihin nito ay para sa kapakanan ni Satanas. Samakatuwid, sa bandang huli, sasabihin ng Diyos, ‘Magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.’ Sa mga mata ng Diyos, hindi ka nakagawa ng mabubuting gawa, sa halip ay naging masama ang iyong asal. Hindi lamang nito mabibigong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos—kokondenahin din ito. Ano ang hinahangad na makamit ng isang taong may gayong paniniwala sa Diyos? Hindi ba mabibigo sa huli ang gayong paniniwala?(Ang Salita, Vol. II, Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw, Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). “Para sa lahat ng tumutupad ng kanilang tungkulin, gaano man kalalim o kababaw ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan, ang pinakasimpleng paraan ng pagsasagawa upang makapasok sa realidad ng katotohanan ay ang isipin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng bagay, at bitiwan ang mga makasariling pagnanasa, mga personal na layunin, mga motibo, pagmamalaki, at katayuan. Unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos—ito man lang ay dapat gawin ng isang tao(Ang Salita, Vol. II, Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw, Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi sinusuri ng Diyos ang mga tao batay sa kung gaano sila nagdurusa, kung anong isinasakripisyo nila, o kung gaano sila kaepektibo sa kanilang tungkulin. Sinusuri ng Diyos kung isinasagawa ba ng mga tao ang katotohanan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin, kung ang kanilang motibo at pinagmumulan sa mga bagay-bagay ay ang pangalagaan ang mga interes ng iglesia, at kung sinusubukan nilang magpatotoo at palugurin ang Diyos. Kung ang layunin mo sa iyong tungkulin ay ang mamukod-tangi at pagmukhain kang mahusay, gaano ka man magdusa, hindi sasang-ayon ang Diyos, at kokondenahin ka Niya bilang isang masamang tao. Alam ko na ang paglilinang sa mga baguhan ay isang mahalagang gampanin sa iglesia. Malulutas nito ang kakulangan ng mga tagapagdilig, at mabibigyan-daan nito na magampanan ng mga baguhan ang kanilang mga tungkulin, masangkapan ang kanilang sarili ng katotohanan, at matutong danasin ang gawain ng Diyos. Sa ganoong paraan, mas mabilis silang lalago sa buhay. Pero hindi ko isinaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at naging iresponsable ako sa buhay ng mga baguhan. Isinaalang-alang ko lang ang epekto ng sarili kong gawain, sarili kong imahe, at sarili kong katayuan, at ayokong magsakripisyo para sanayin ang mga baguhan. Masyado akong makasarili at kasuklam-suklam. Paano ko masasabing ginagawa ko ang aking tungkulin? Ang ginagawa ko lang ay maghangad ng katanyagan at katayuan. Gumagawa ako ng kasamaan.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng salita ng Diyos, “Pinag-iisipang mabuti ng mga anticristo kung paano tatratuhin ang mga prinsipyo ng katotohanan, ang mga atas ng Diyos, at ang gawain ng sambahayan ng Diyos, o kung paano haharapin ang mga bagay na kaharap nila. Hindi nila isinasaalang-alang kung paano tuparin ang kalooban ng Diyos, kung paano iingatang huwag mapinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, kung paano mapapalugod ang Diyos, o kung paano makikinabang ang mga kapatid; hindi ang mga ito ang isinasaalang-alang nila. Ano ang isinasaalang-alang ng mga anticristo? Kung maaapektuhan ba ang sarili nilang katayuan at reputasyon, at kung bababa ba ang kanilang katanyagan. Kung ang paggawa ng isang bagay ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa mga kapatid, subalit magdurusa naman ang sarili nilang reputasyon at mapagtatanto sa maraming tao ang kanilang tunay na tayog at malalaman kung anong uri ng kalikasan at diwa ang mayroon sila, kung gayon, tiyak na hindi sila kikilos alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kung ang paggawa ng praktikal na gawain ay magiging sanhi para maging mataas ang tingin sa kanila, tingalain sila at hangaan sila ng mas maraming tao, o magkaroon ng awtoridad ang kanilang mga salita at mas maraming tao pa ang magpasakop sa kanila, kung gayon ay pipiliin nilang gawin ito sa ganoong paraan; kung hindi naman, hinding-hindi nila pipiliin na isantabi ang sarili nilang mga interes para ikonsidera ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o ng mga kapatid. Ganito ang kalikasan at diwa ng mga anticristo. Hindi ba makasarili at napakasama nito?(Ang Salita, Vol. III, Paglalantad sa mga Anticristo, Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikatlong Bahagi)). Inihayag ng salita ng Diyos na ang mga anticristo ay napakamakasarili at kasuklam-suklam. Inuuna nila sa lahat ang sarili nilang mga interes, nang walang anumang pagsasaalang-alang sa gawain ng iglesia o pagpasok sa buhay ng iba. Isinasaalang-alang lamang nila ang sarili nilang mga interes. Pinagnilayan ko ang ginawa ko at napagtanto ko na katulad ito ng sa isang anticristo. Alam ko na mahalaga ang paglilinang ng mga baguhan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, pero nang makita kong ang pagsasanay ng mga baguhan ay nangangailangan ng oras at pagsasakripisyo, ang mga personal kong interes lang ang nasa isip ko. Pakiramdam ko’y masyadong kumakain ng oras ang pagsasanay ng mga baguhan, at dahil dito, naaantala ang pagsubaybay ko sa iba ko pang gawain at hindi na ako gaanong epektibo, na nakasira sa reputasyon ko. Pakiramdam ko’y hindi ito patas, at ibinunton ko sa gawain ng paglilinang ng mga baguhan ang mga hinaing ko, at pinatulong ko pa sa akin ang mga baguhang kayang gawin ang kanilang tungkulin nang mag-isa para mapabuti ang mga resulta ng gawain ko at pagmukhain akong mas mahusay. Sa pamamagitan ng paghahayag at pagsusuri ng salita ng Diyos, nakita ko na makasarili ako at kasuklam-suklam. Nilinang ko ang mga baguhan hindi para palugurin ang Diyos o itaguyod ang gawain ng iglesia, kundi para mapanatili ang aking posisyon. Ito ang landas ng paglaban sa Diyos. Saka ko lang ito napagtanto matapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos. Pagkatapos nun, nanalangin ako para magsisi sa Diyos, sinasabing gusto kong sumunod at magsumikap sa paglilinang ng mga baguhan. Pagkatapos, sinabi ko sa ilang baguhan na magsimulang magdilig nang mag-isa. Masaya sila at nagpapasalamat sa Diyos. Sinabi nila na alam nilang maraming magiging paghihirap sa tungkuling ito, pero handa silang umasa sa Diyos para magawa ang kanilang tungkulin, at naniniwala silang tutulungan sila ng Diyos na malutas ang lahat ng kanilang paghihirap. Masiglang-masigla ako na makita ang saloobin ng mga baguhan na maging maagap sa kanilang tungkulin, at hindi ako nakuntento sa pagtuturo lang sa kanila na mag-host ng mga pagtitipon. Sa halip, gusto ko talagang tulungan silang gawin nang mas mabuti ang kanilang gawain ng pagdidilig. Sumulat ako ng ilang magagandang ideya sa pagdidilig at tinalakay ito sa kanila para turuan sila kung paano madiligan nang mas mabuti ang mga kakatanggap pa lang sa gawain ng Diyos. Pagkatapos ng bawat pagtitipon, nagbabahagi ako at nagbubuod ng mga problemang napapansin ko. Kung minsan, kapag nahihirapan sila sa kanilang gawain ng pagdidilig, tinutulungan ko rin silang lutasin ang mga problema. Pagdating sa paglilinang ng mga baguhan, hindi na ako masyadong lumalaban at nagrereklamo, at hindi ko na iniisip na napakahirap na tumulong sa kanila. Sa halip, nadama ko na responsibilidad ko ito at trabaho na dapat kong gawin nang maayos.

Pero sa mga baguhang ito, may isang sister na nagngangalang Anna na bihirang magdala ng pasanin sa kanyang tungkulin. Kung minsan, pagkatapos niyang mangako na gagawin ang isang trabaho, hindi siya nagsasakripisyo para magawa ito. Mahigit kalahating buwan ang lumipas, pero hindi pa rin nauunawaan ng mga baguhang responsibilidad niya ang mga pangunahing katotohanan gaya ng pagkakatawang-tao ng Diyos at ang tatlong yugto ng gawain, at ang ilan ay hindi pa nakakadalo sa mga pagtitipon, kaya hinimok ko si Anna na suportahan sila. Pero minsan hindi ko man lang makontak si Anna, at wala akong magawa kundi gawin ito mismo. Medyo nayamot ako kay Anna. Parang hindi siya gumagawa ng totoong gawain, pinipigilan niya ako. Abala na nga ako sa tungkulin ko, at ngayon ay kailangan ko pang lumutas ng mga problema para sa kanya. Para akong gumagawa ng dalawang tungkulin. Higit itong pag-aalala at pagsisikap. Mas mabuti pang hindi ko na lang siya sinanay, o naghanap na lang ako ng ibang mas mabuting sanayin. Hindi sana ako mababalisa kung nagkagano’n. Kung kailan iniisip kong sumuko na sa paglilinang kay Sister Anna, naalala ko ang sipi ng salita ng Diyos na nabasa ko ilang araw na ang nakalilipas, “Kapag nakikitaan ka ng pagkamakasarili at pananamantala, at natatanto mo iyon, dapat kang manalangin sa Diyos at hanapin ang katotohanan para lutasin ito. Ang unang bagay na dapat mong mabatid ay na kung tutuusin, ang pagkilos sa ganitong paraan ay isang paglabag sa mga prinsipyo ng katotohanan, nakakapinsala ito sa gawain ng iglesia, ito ay makasarili at kasuklam-suklam na pag-uugali, hindi ito ang nararapat gawin ng normal na mga tao. Dapat mong isantabi ang sarili mong mga interes at pagkamakasarili, at dapat mong isipin ang gawain ng iglesia—iyan ang kalooban ng Diyos. Matapos pagnilayan ang iyong sarili sa pamamagitan ng panalangin, kung tunay mong natatanto na ang pagkilos nang gayon ay makasarili at kasuklam-suklam, magiging madali nang isantabi ang sarili mong pagkamakasarili. Kapag isinantabi mo ang iyong pagkamakasarili at pananamantala, magiging matatag ka, magiging payapa, masaya, at madarama mo na dapat magkaroon ng konsensya at katuturan sa kung paano ka umasal, na dapat mong isipin ang gawain ng iglesia, na hindi ka dapat tumutok sa sarili mong mga interes, na napakamakasarili, kasuklam-suklam, at walang konsensya o katuturan. Ang hindi makasariling pagkilos, pag-iisip sa gawain ng iglesia, at paggawa ng kung ano lang ang nakakalugod sa Diyos ay matuwid at marangal, at magbibigay ng saysay sa iyong pag-iral. Sa pamumuhay nang ganito sa lupa, nagiging bukas ka at matapat, namumuhay ka nang may normal na pagkatao, at may tunay na wangis ng tao, at hindi lang malinis ang iyong konsensya, kundi karapat-dapat ka rin sa lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos. Habang lalo kang namumuhay nang ganito, lalo kang magiging matatag, lalo kang magiging payapa at masaya, at lalo kang sisigla. Sa gayon, hindi ba’t makakatapak ka na sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos?(Ang Salita, Vol. II, Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw, Sa Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Itinuro ng salita ng Diyos ang isang malinaw na landas ng pagsasagawa. Dapat nating bitawan ang ating pansariling mga interes para mapangalagaan ang mga interes ng iglesia, at kumilos sa mga paraang naaayon sa ating konsensya. Dalawang buwan pa lang mula nang matanggap ni Sister Anna ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi niya nauunawaan ang katotohanan, at wala siyang pasanin sa kanyang tungkulin, kaya dapat ko siyang mas bahaginan nang may pagmamahal para matulungan siyang maunawaan ang kahulugan ng paggawa ng kanyang tungkulin at magawa nang mabuti ang gawain ng pagdidilig. Ito ay aking responsibilidad. Pero nang makita ko ang kanyang mga pagkukulang, hindi lang ako walang pagmamahal o pasensya, itinuring ko pa siyang nakakaabala at gusto ko nang sukuan siya. Wala talaga akong pagkatao. Pagkatapos nun, nakahanap ako ng mga nauugnay na bahagi ng salita ng Diyos at nakipagbahaginan ako kay Anna, at sobrang nakakaantig ang isinulat niya tungkol sa kanyang pagkaunawa matapos basahin ang salita ng Diyos. Sabi niya, “Noon, ginagawa ko ang aking tungkulin nang walang pasanin o pagpapahalaga sa responsibilidad. Kailangan kong ituring ang mga katatanggap lang sa gawain ng Diyos sa mga huling araw bilang mga kaibigan ko, malinaw at mapagbigay na ipangaral ang salita ng Diyos sa kanila, at ipakita sa kanila na tinatanggap natin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw para matamo ang kaligtasan. Kailangan kong ilagay ang sarili ko sa kanilang kalagayan at unawain ang kanilang mga paghihirap. Dapat akong maging responsable at mahalin ang tungkuling ginagampanan ko.” Pagkatapos nun, nagdala ng mas maraming pasanin si Sister Anna para gampanan ang kanyang tungkulin. Isang gabi, pagkalagpas ng hatinggabi, tinanong ko siya kung bakit hindi pa siya natutulog, at sinabi niya sa akin na tinitingnan niya kung sino ang hindi dumalo sa pagtitipon para makapagbahaginan siya sa kanila bukas. Ikinuwento rin niya sa akin ang sitwasyon ng ibang mga kapatid. Sa pag-uusap namin, narinig ko ang kanyang pag-ubo at ang tunog ng tila baradong ilong, kaya tinanong ko siya kung may sipon siya. Sinabi niya sa’kin na may coronavirus sila ng pamilya niya at ginagamot pa rin. Kahit na minsan ay hindi komportable ang katawan niya, hindi niya isasantabi ang kanyang tungkulin, at aasa siya sa Diyos para madaig ang karamdaman. Umiiyak na sinabi niya sa akin na kung wala ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos para bigyan siya ng pananampalataya, baka bumagsak na siya. Kung hindi siya binigyang-sigla ng tungkuling ito, baka namatay na siya sa pagdurusa, pero pinrotektahan siya ng Diyos. Naiyak ako nang marinig ko ang pagbabahagi niya, at sobrang naantig ako sa karanasan niya. Lubos kong napagtanto na ang paglilinang ng mga baguhan ay napakamakabuluhan. Bagamat malubha ang karamdaman ni Sister Anna, hindi siya nagpatalo rito. Sa halip, nagkaroon siya ng higit na pagtitiwala na umasa sa Diyos para magampanan ang kanyang tungkulin. Alam kong ito ay resultang natamo ng mga salita ng Diyos. Pagkatapos ng isang linggo, ganap na siyang gumaling. Laking pasasalamat ko sa Diyos nang mabalitaan ko ito. Kasabay nun, nahiya ako sa pagiging makasarili at kasuklam-suklam ko. Dahil palagi kong isinasaalang-alang ang sarili kong mga interes, dahil sa akin ay muntik nang mawalan ng pagkakataon si Sister Anna na magampanan ang kanyang tungkulin.

Pagkaraan ng ilang panahon, isinaayos ng iglesia na sanayin ko ang dalawang baguhan. Nung una, maasikasong maasikaso ako sa pagtulong sa kanila, pero kalaunan, nakita ko na ang mga resulta ng gawaing responsibilidad ko ay hindi pa bumubuti. Naisip ko rin na para sanayin nang mabuti ang dalawang baguhang ito, marami pa ring trabahong dapat gawin, na mangangailangan ng maraming oras at pagsisikap, at hindi ko naiwasang isiping muli, “Ngayon ay nalinang ko na ang ilang baguhan. Kailangan kong magsumikap para diligan ang mga kapatid na responsibilidad ko sa ngayon. Kung hindi, hindi magiging epektibo ang gawain ko. Ano na lang ang iisipin ng mga kapatid ko sa’kin?” Kaya, inilipat ko ang dalawang baguhang ito sa iba para malinang. Sa hindi inaasahan, wala pang tatlong araw matapos mailipat ang dalawang baguhan, dahil sa ilang kadahilanan, hindi sila makapagpatuloy sa pagganap ng kanilang mga tungkulin. Ang mas ikinalungkot ko, ang nililinang kong si Sister Jenny na makapagdidilig na sana nang mag-isa, ay biglang umalis sa grupo at binlock ako. Nalaman ko kalaunan na umalis si Sister Jenny sa grupo dahil sa mga aktwal na problema sa bahay. May sakit ang anak niya, at gusto niyang dalhin ito sa doktor. Nung panahong iyon, napakahina niya, pero hindi ko naunawaan ang mga suliranin niya at hindi ko siya sinuportahan. Kahit nung gusto niya akong kausapin, hindi ko siya pinansin dahil abala ako sa trabaho. Dahil dito, hindi nalutas sa oras ang mga suliranin niya, kaya naging pasibo siya at umatras. Sa harap ng mga biglaang pangyayaring ito, nablangko ang isipan ko, at nasaktan ang puso ko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko at nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan ako sa pag-unawa ng Kanyang kalooban at pagkatuto ng mga aral.

Pagkatapos nun, pinadalhan ako ng lider ko ng isang sipi ng salita ng Diyos habang nag-uusap kami tungkol sa kalagayan ko. “Kung sabihin ng isang tao na mahal niya ang katotohanan at hinahanap niya ang katotohanan, subalit sa diwa, ang mithiing hinahangad niya ay gawing tanyag ang sarili, magpakitang-gilas, gawing mataas ang tingin ng mga tao sa kanya, makamit ang kanyang sariling mga interes, at ang pagganap ng kanyang tungkulin ay hindi upang sundin o bigyang-kaluguran ang Diyos, at sa halip ay upang magtamo ng katanyagan at katayuan, kung gayon ay hindi lehitimo ang kanyang paghahangad. At kung ganoon ang kaso, pagdating sa gawain ng iglesia, balakid ba ang kanilang mga kilos, o nakakatulong ba sila upang maisulong ito? Malinaw na hadlang sila; hindi nila ito napapasulong. Ang ilang tao ay nagsusulong ng paggawa ng gawain ng iglesia subalit naghahangad naman ng sarili nilang katanyagan at katayuan, nagpapatakbo ng sarili nilang operasyon, bumubuo ng sarili nilang maliit na grupo, ng sarili nilang munting kaharian—ginagampanan ba ng ganitong uri ng tao ang kanyang tungkulin? Lahat ng gawaing ginagawa nila, sa totoo lang, ay nakakagambala, nakakaantala, at nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Ano ang kahihinatnan ng paghahangad nila ng katayuan at katanyagan? Una, naaapektuhan nito kung paano kinakain at iniinom ng mga taong hinirang ng Diyos ang salita ng Diyos at paano nila nauunawaan ang katotohanan, hinahadlangan nito ang pagpasok nila sa buhay, pinipigilan sila nitong pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at inaakay sila patungo sa maling landas—na nakakapinsala sa mga taong hinirang, at dinadala sila sa kapahamakan. At ano ang ginagawa nito sa gawain ng iglesia sa huli? Ito ay pagbuwag, paggambala at pagpinsala. Ito ang kahihinatnang idinudulot ng paghahangad ng mga tao sa katanyagan at katayuan. Kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin sa ganitong paraan, hindi ba ito masasabing pagtahak sa landas ng isang anticristo? Kapag hinihingi ng Diyos na isantabi ng mga tao ang katayuan at katanyagan, hindi naman sa pinagkakaitan Niya ang mga tao ng karapatang mamili; bagkus, ito ay dahil habang hinahangad ang katanyagan at katayuan, nagagambala at nagugulo ng mga tao ang gawain ng iglesia at ang pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos, at maaari pa ngang makaimpluwensiya sa pagkain at pag-inom ng iba ng mga salita ng Diyos, sa pag-unawa nila sa katotohanan, at sa pagkamit nila ng kaligtasan ng Diyos. Ito ay isang katunayang hindi mapag-aalinlanganan. Kapag hinahangad ng mga tao ang sarili nilang katanyagan at katayuan, siguradong hindi nila hahangarin ang katotohanan at hindi nila matapat na gagampanan ang kanilang tungkulin. Magsasalita at kikilos lamang sila alang-alang sa katanyagan at katayuan, at lahat ng gawaing ginagawa nila, na wala ni katiting na eksepsyon, ay alang-alang sa mga bagay na iyon. Ang umasal at kumilos sa gayong paraan ay walang pagdududang pagtahak sa landas ng mga anticristo; ito ay isang paggambala at panggugulo sa gawain ng Diyos, at lahat ng iba’t ibang kahihinatnan nito ay nakakahadlang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian at sa malayang pagdaloy ng kalooban ng Diyos sa loob ng iglesia. Kaya, maaaring sabihin ng isang tao nang may katiyakan na ang landas na tinatahak ng mga naghahangad ng katanyagan at katayuan ay ang landas ng paglaban sa Diyos. Ito ay sadyang paglaban sa Kanya, pagkontra sa Kanya—ito ay ang makipagtulungan kay Satanas sa paglaban sa Diyos at pagsalungat sa Kanya. Ito ang likas na katangian ng paghahangad ng mga tao sa katayuan at katanyagan. Ang problema sa mga taong naghahangad ng pansarili nilang mga interes ay ang hinahangad nila ang mga hangarin ni Satanas—ang mga ito ay mga hangarin na masasama at hindi makatarungan(Ang Salita, Vol. III, Paglalantad sa mga Anticristo, Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)). Kapag hinahangad natin ang katanyagan at katayuan, pawang laban sa Diyos at nagmumula kay Satanas ang ating mga motibo at pinagmulan, at ang ginagawa natin ay para hadlangan at guluhin ang gawain ng iglesia. Lahat ng ito ay kasamaan. Napagtanto kong paulit-ulit akong gumagamit ng mga panlilinlang sa paglinang ng mga baguhan. Sa tuwing nangangailangan ng oras at pagsisikap ang mga bagay-bagay, palagi kong pinipili ang gawaing makakapagpamukod-tangi sa akin, at maging ang mga baguhang nililinang ko ay kaya kong ipaubaya sa iba. Alam kong maraming negatibong bagay sa paggawa nito. Ang paglilipat ng mga baguhan ay nangangahulugang kailangan ng isa pang tagapagsanay na kilalanin sila at ang kanilang mga kalagayan, at kung ang mga baguhan ay may bagong tagapagsanay, baka hindi nila madaling mabagayan o masabayan ang mga pagbabago. Pero hindi ko inisip ang kanilang aktwal na mga sitwasyon, at hindi ko man lang isinaalang-alang ang kanilang damdamin. Para sa aking katanyagan at katayuan, upang magbakante ng oras para mapabuti ang pagiging epektibo ng aking gawain, pinilit kong itulak palayo ang mga baguhan. Napakawalang-awa ko! Lalo na sa kaso ni Sister Jenny, nung ang sister ko ay nagkaproblema, negatibo, mahina, at gustong humingi ng tulong sa akin, wala man lang akong pakialam sa kanya. Nasaktan nang husto ang sister ko dahil sa pag-uugali ko. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo kong kinamumuhian ang sarili ko, at gusto kong sampalin ang aking sarili. Matapos mabunyag ng mga katunayan, nakita ko na isinasaalang-alang ko ang mga personal na interes kahit saan, at hinahangad ang katanyagan at katayuan. Hindi ko lang naantala ang gawain ng paglilinang sa mga baguhan, dahil din sa’kin, umatras ang isang baguhan at nasira ang kanyang pagkakataong maligtas. Gumagawa ako ng kasamaan, at ito ay isang paglabag! Lubha akong nakonsensya. Ilang araw kong paulit-ulit na tinawagan at tinext ang baguhan. Gusto ko talagang mahanap siyang muli at humingi ng tawad, pero hindi na mababawi ang naging pinsala. Nakaramdam ako ng matinding pagsisisi, at nakita ko na ang mga pananaw ko sa paghahangad ay kasuklam-suklam.

Para malutas ang aking tiwaling disposisyon at hindi na ako bumalik sa mga dati kong gawi, naghanap ako ng mga nauugnay na bahagi ng salita ng Diyos para kainin at inumin. Sa salita ng Diyos, nabasa ko, “Bagamat karamihan sa mga tao ay sinasabing kusang-loob silang naghahangad ng katotohanan, pagdating sa pagsasagawa nito o pagbabayad ng halaga para dito, sumusuko na lang ang ilang tao. Sa diwa, ito ay pagtataksil. Kapag mas kritikal ang sandali, mas kailangan mong isuko ang mga interes ng laman at isantabi ang banidad at pagpapahalaga sa sarili; kung hindi mo ito magawa, hindi mo makakamit ang katotohanan, at maipapakita nito na hindi ka masunurin sa Diyos. Kung mas kritikal ang sandali, mas nakapagpapasakop ang mga tao at tinatalikuran nila ang sarili nilang mga interes, kahambugan, at pagpapahalaga sa sarili, at ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang wasto, saka lamang sila maaalala ng Diyos. Mabubuting gawa ang lahat ng iyan! Anuman ang tungkulin na ginagampanan ng mga tao, o anuman ang ginagawa nila, alin ang mas mahalaga—ang kanilang banidad at pagpapahalaga sa sarili, o ang kaluwalhatian ng Diyos? Alin ang dapat piliin ng mga tao? (Kaluwalhatian ng Diyos.) Alin ang mas mahalaga—ang iyong mga responsibilidad, o ang sarili mong mga interes? Ang pagtupad sa iyong mga responsibilidad ang pinakamahalaga, at nakatali ka sa mga tungkuling iyon. … Kapag nagsasagawa ka ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan, magkakaroon ng positibong epekto, at magpapatotoo ka sa Diyos, na isang paraan para magdala ng kahihiyan kay Satanas at magpatotoo sa Diyos. Paggamit ng iba’t ibang pamamaraan para patotohanan ang Diyos at ipakita kay Satanas ang determinasyon mong talikdan at tanggihan si Satanas: Ito ang panghihiya kay Satanas at pagpapatotoo sa Diyos—ito ay isang bagay na positibo at naaayon sa kalooban ng Diyos(Ang Salita, Vol. II, Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw, Ang Pagkakamit Lamang sa Katotohanan ang Tunay na Pagkakamit sa Diyos). “Kapag hinahangad ng isang tao ang katotohanan, nagagawa niyang isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at isaisip ang pasanin ng Diyos. Kapag ginagampanan niya ang kanyang tungkulin, itinataguyod niya ang gawain ng iglesia sa lahat ng aspeto. Nagagawa niyang dakilain ang Diyos at magpatotoo sa Diyos, pakinabang ang dulot niya sa mga kapatid, at sinusuportahan at tinutustusan niya ang mga ito, at nakakamit ng Diyos ang kaluwalhatian at patotoo, na nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Bilang resulta ng kanyang paghahangad, nagkakamit ang Diyos ng isang nilalang na tunay ngang may kakayahang matakot sa Diyos at tumalikod sa kasamaan, na nagagawang sambahin ang Diyos. Bilang resulta rin ng kanyang paghahangad, naisasakatuparan ang kalooban ng Diyos, at ang gawain ng Diyos ay umuunlad. Sa mga mata ng Diyos, positibo ang gayong paghahangad, ito ay matuwid. Ang gayong paghahangad ay napakalaking pakinabang para sa mga hinirang ng Diyos, at lubos ding kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia, nakakatulong ito upang mapausad ang mga bagay-bagay, at pinupuri ito ng Diyos(Ang Salita, Vol. III, Paglalantad sa mga Anticristo, Ikasiyam na Aytem: Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Unang Bahagi)). Habang pinagninilayan ko ang salita ng Diyos, naantig ang puso ko. Bilang isang nilikha, hindi ako dapat maghangad ng katanyagan at katayuan, dapat kong gampanan ang sarili kong tungkulin. Habang mas kritikal ang isang sandali, mas dapat kong bitawan ang sarili kong mga interes at banidad at gawin nang maayos ang tungkulin ko. Isa itong mabuting gawa. Ngayon, lumalaganap ang ebanghelyo ng kaharian, at umaasa ang Diyos na mas maraming tao ang babangon para ipangaral ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, para marinig ng mga nabubuhay sa kadiliman ang tinig ng Diyos, lumapit sila sa harap ng Diyos, at tanggapin ang pagliligtas Niya. Kasabay nito, umaasa Siya na mas maraming baguhan ang makapagsisimula ng sarili nilang mga tungkulin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kaya, ang paglilinang ng mga baguhan ang pinakamahalaga kong gawain. Hindi na ako pwedeng mamuhay nang napakamakasarili at kasuklam-suklam para sa sarili ko. Kailangan kong baguhin ang aking mga maling hangarin at ideya at mamuhay sa harap ng Diyos nang may dalisay at matapat na puso. Anuman ang isipin sa’kin ng mga lider at manggagawa o ng aking mga kapatid, nais ko lang magsanay ng mga baguhan sa praktikal na paraan at gawin nang mabuti ang aking tungkulin.

Pagkatapos nun, nagtapat ako at nakipagbahaginan sa mga kapatid, sinuri ko ang katiwalian at mga maling pananaw sa paghahangad na ipinakita ko sa paglilinang ng mga baguhan, at maagap na inako ang pagsasanay ng mga baguhan na may potensyal na malinang. Sa mga baguhang ito, isang brother ang sobrang abala sa trabaho araw-araw na hindi siya nakakapag-host sa bawat pagtitipon. Alam kong kakailanganin ng mas maraming oras at lakas para linangin ang baguhang ito, pero hindi na ako tumutol gaya ng dati. Sa pagkakataong ito, mas marami akong pasensya sa mga baguhang nililinang ko. Anuman ang kanilang mga paghihirap, ginagawa ko ang aking makakaya para tumulong. Sa katapusan ng buwan, naging mas maganda ang mga resulta ng kanilang pagdidilig kaysa sa’kin, at tuwang-tuwa ako. Nang makita ko ang resultang ito, nakaramdam ako ng labis na katiwasayan at kaginhawahan. Naunawaan ko rin na ang nais ng Diyos ay hindi lamang kung gaano karami ang natatamo ko sa aking gawain. Mas umaasa pa Siya na magagawa kong isaalang-alang ang Kanyang kalooban sa aking tungkulin, hindi magpakana para sa mga pansarili kong interes, at tuparin ang aking mga responsibilidad, at sanayin ang mga baguhan para magawa nila ang kanilang mga tungkulin. Bagamat hindi kasingganda ng sa iba sa grupo ang mga resulta ng pagdidilig ko sa buwang iyon, hindi na ako kasingmiserable ng dati, hindi na ganoon katindi ang pagnanais ko ng katanyagan at katayuan, at nagdadala na ako ng higit na pasanin sa gawain ng paglilinang ng mga baguhan. Alam ko na ito ang resulta ng gawain ng Diyos sa akin. Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Pagharap sa Isang Maling Ulat

Ni Liu Na, TsinaIsang araw ay nakatanggap ako ng isang liham-ulat kung saan sinabi ng mga kapatid na ang isang lider ng iglesia na si...