Ginagabayan Ako Ng Tanglaw ng Diyos Sa Gitna ng Paghihirap

Disyembre 10, 2019

Ni Zhao Xin, Probinsiya ng Sichuan

Nang bata pa ako, nakatira kami sa kabundukan. Wala akong ibang napuntahan o gaanong alam tungkol sa mundo at wala akong matatayog na pangarap. Nag-asawa ako at nagkaanak, lumaki ang dalawang anak kong lalaki na maayos at masunurin, at masipag magtrabaho ang asawa ko. Bagaman wala kaming gaanong pera, nabuhay kami na masaya ang samahan bilang isang pamilya, at lubos akong naging masaya at kuntento. Noong 1996, bigla akong nagkaroon ng malubhang sakit na nagdala sa akin sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Panginoong Jesus. Mula noon, palagi akong nagbabasa ng Bibliya at dumadalo sa mga pagtitipon ng iglesia. Sa ikinagulat ko, unti-unting bumuti ang kalagayan ko, at kaya rin lumakas at tumibay ang pananalig kong sumunod sa Panginoong Jesus.

Gayunpaman, noong 1999, may nangyaring hinding-hindi ko inaasahan, nang arestuhin ako ng mga pulis dahil sa pananampalatay ko sa Panginoong Jesus. Ikinulong ako ng isang buong araw at pinagmulta ng 240 yuan. Bagaman parang hindi ito kalakihang halaga ng pera, para sa aming mahihirap ng magsasakang nakatira sa mahirap na lugar sa kabundukan, hindi iyon maliit na halaga! Para makalap ang sapat na pera, ibinenta ko ang lahat ng mga mani na pinaghirapan kong itanim sa aking tanimang lupa. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ako binansagan ng pamahalaang CCP na isang kriminal na “nakibahagi sa mga organisasyong kumokontra sa rebolusyon.” Inusig din nila ang buong pamilya ko, at sinabing maski makatapos man ang mga anak ko sa kolehiyo, hindi pa rin makakahanap ng trabaho ang mga ito. Kaya tuloy, diniinan ako ng aking asawa, mga magulang, mga kamag-anak at kaibigan, at sinubukan nilang hadlangan ang pananampalataya ko. Ako ang pinagawa nila ng lahat ng pinakamahirap at nakakapagod na gawain, at wala akong magawa kundi tiisin ito nang walang imik.

Noong 2003, pinalad akong matanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Diyos, natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Lubos akong natuwa, at nadama ko na para makaisa muli ang Diyos sa panahon ng buhay ko ay siya nang pinakamalaking pagpapala kailanman! Kaya lang, magmula noon, nagsimula nang lumala at tumindi ang panggigipit ng gobyernong CCP sa akin at sa aking pamilya. Sa harap ng ganitong sitwasyon, nanindigan ako sa Diyos: “Maging gaano man kahirap, o gaano man ako magdusa, susunod ako sa Iyo hanggang sa kadulu-duluhan!” Pagkatapos ay pinuntahan ako ng mga pulis ng CCP sa bahay at tinakot ako’t sinabi sa akin, “Alam mo bang bawal at iligal ang pananampalatay mo sa Diyos, na hindi ito pinapayagan sa bayang ito? Kung hahawakan mo ang iyong paniniwala, makukulong ka!” Nang narinig ito ng asawa ko, lalo niya akong diniinan at pinilit kumbinsihin. Madalas sinasaktan at pinagagalitan niya ako, at ayaw niya man lang akong tumira sa bahay naming. Dahil wala akong ibang magawa, kinimkim ko lahat ng sakit na nadama ko sa loob ko at umalis ako sa bahay naming para umiwas sa pag-uusig at pag-aresto ng pamahalaang CCP. Nang panahon na iyon, bagamat napilitan akong umalis sa bayang kinalakihan ko at maging isang palaboy dahil nga sa pag-uusig ng pamahalaang CCP, hindi ko pa alam talaga ang masama at nakakatakot na kamay sa likod ng mga pangyayaring naging dahilan ng pagkakahiwa-hiwalay ng pamilya ko. Saka lang nang naranasan ko mismo ang buhay sa bilangguan at ang walang-habas na pananakit at huwad na akusasyon laban sa akin ng pamahalaang CCP, saka lang ako nagkaroon ng mas malinaw na pag-intindi sa kung gaano ito kabaluktot at paurong, at nakita ko na ang pamahalaang CCP ang pangunahing maysala na sumisira sa masasayang pamilya ng mga tao at nagdadala ng masasamang sakuna sa mga tao.

Noong ika-16 ng Disyembre, 2012, nangangaral ako at limang kapatid sa iglesia ng ebanghelyo nang biglang hinabol kami ng apat na pulis na nakasakay sa kotse at inaresto kami. Dinali nila kami sa presinto, at, pagkatapos nila akong posasan, sumigaw ang isa sa kanila, “Hayaan niyong sabihin ko sa inyong mga tao kayo, pwede kayong magnakaw o mangholdap, pwede kayong pumatay o manunog, at pwede ninyong ibenta ang inyong mga laman, wala kaming pakialam. Pero ang pananampalatay sa Diyos ang isang bagay na hindi niyo pwedeng gawin! Sa pamamagitan ng pananampalatay ninyo sa Diyos, inilalagay ninyo ang inyong sarili laban sa Partido Komunista, at kailangan kayong parusahan!” Sinampal niya ako nang malakas at marahas na sinipa habang nagsasalita siya. Nadama ko na hindi ko na kakayaning tumanggap pa ng pagpapahirap pagkatapos ng panggugulpi na iyon, kaya nanawagan ako sa Diyos sa kalooban ng puso ko nang paulit-ulit: “O Diyos! Hindi ko alam kung gaano katagal ako pahihirapan nitong masasamang pulis, at pakiramdam ko’y hindi na ako makatatagal pa. Ngunit mas gugustuhin kong mamatay kaysa maging isang Judas—hindi Kita pagtataksilan. Pangalagaan Niyo po ako, protektahan Niyo ako at patnubayan Niyo ako.” Pagkatapos kong magdasal, tahimik akong nanindigan sa aking puso: “Magiging tapat ako sa Diyos hanggang sa huling hininga, lalabanan ko si Satanas hanggang sa pinakadulo, at tatayo akong saksi’t magpapatotoo para sa ikasisiya ng Diyos!” Pagkatapos, kinapkapan ako ng isa sa mga pulis at nahanap ang aking perang nagkakahalagang 230 yuan. Ngumisi na parang aso ang pulis, at sinabi niya, “Nakaw ang perang ito, at kailangang kumpiskahin.” Habang nagsasalita siya, inilagay niya ang pera sa sarili niyang bulsa at itinago para sa sarili niya. Pagkatapos ay nagsimula nila kaming tanungin. “Taga-saan ba kayo? Anong mga pangalan niyo? Sinong nagpadala sa inyo ditto?” Pagkatapos kong sabihin sa kanila ang aking pangalan at tirahan, mabilis nilang nahanap ang mga detalye ng aming buong pamilya sa computer. Ibinigay ko lamang sa kanila ang aking batayang personal na impormasyon, ngunit tumanggi akong sumagot sa kahit isa sa kanilang mga tanong tungkol sa iglesia.

Pagkatapos ay ginamitan kami ng mga pulis ng isa sa mga gimik nila. Humanap sila ng mahigit sampung tao sa kalye na hindi naniniwala sa Diyos at pinatestigo nila ang mga ito na nangangaral ako ng ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos ay pinuno nila ang mga taong iyon ng kasinungalingan at pekeng akusasyon tungkol sa akin. Inalipusta, binastos at ininsulto ako ng lahat ng mga taong iyon; pakiramdam ko’y ginawan ako ng malaking kamalian. Hindi ko alam paano ako makakaraos sa sitwasyon na ito, kaya nagpatuloy na lang akong manawagan sa Diyos sa aking puso na bigyan ako ng pananalig at lakas. Nang sandaling iyon, lumutang sa isip ko ang isang kanta ng salita ng Diyos: “Diyos sa katawang-tao’y hinatula’t tinuya. Mga demonyo tinutugis Siya. Mga relihiyoso tinatanggihan Siya. Walang makaaliw sa pasakit Niya. Matiyagang inililigtas ng Diyos ang tiwali tao’y mahal Niya na may pusong sawi. Ito ang gawaing pinakamasakit. Paglaban ng sangkatauhan, paninira’t maling paratang sa panganib nahaharap Siya. Kirot, sino’ng makakaunawa?(“Mahal ng Sugatang Diyos ang Tao” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Dati, naintindihan ko lang sa teorya ang sakit at hirap na dinaranas ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan, at noon lamang, nang naro’n ako sa aktwal na sitwasyon na iyon, noon ko lang nasimulang makita’t magpasalamat sa kung gaano kadakila ang paghihirap ng Diyos! Ang Diyos, matuwid at banal, ay nagkatawang-tao upang mabuhay kasama’t kasabay nating marurumi’t masasamang tao; tiniis niya ang lahat ng klase ng panlalait at insult, pagkondena at pambabastos, pag-uusig at paghahabol, para iligtas tayo. Kahit ang mga naniniwala sa Diyos ay madalas hindi Siya naiintindihan, at nagkakamali sa pag-intindi sa Kanya at sinisi Siya. Ang lahat ng ito ay hagupit na napakasakit sa Diyos, at gayunpaman dala Niya ang mga sugat at peklat at mahal Niya ang sangkatauhan—napakadakila at kagalang-galang ng Kanyang kalooban at disposisyon! Bagaman nabasa ko ito sa Bibliya noong nakaraan: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Ngayong araw na ito ko lang nakita na nangyari na nga ang mga salitang ito! Lubos kong ikinalungkot ito, at nagsisi ako na dati’y hindi ko binigyan ng tamang pagsasaalang-alang ang kagustuhan ng Diyos….Bago ko pa naibalik ang aking kahinahunan, nagsabit ang mga pulis na karatula sa aking leeg na nagsasabing: “MIYEMBRO NG XIE JIAO” at kinunan ako ng ritrato. Pagkatapos ay inutusan nila akong maglupasay at tumuro sa ilang materyales ng ebanghelyo habang kinunan pa ako ng maraming ritrato. Napakasakit na ng aking mga binti kung kaya’t halos hindi na ako makapanatiling nakalupasay. Nang sandaling iyon mismo, biglang tumunog ang cellphone ko, at nagulat ako, at inisip ko: “Siguro’y isa ito sa mga kapatid mula iglesia na tumatawag. Hinding-hindi ko sila maaaring idamay!” Dalian kong kinuha ang aking cellphone at hinampas ito sa sahig hanggang nagkapira-piraso ito. Agad na lalong ikinagalit ito ng mga pulis. Parang nawala sila sa kanilang sarili—kinwelyuhan nila ako at iniangat mula sa kwelyo, at pagkatapos ay ilang beses akong sinampal nang malakas sa mukha. Agad na humapdi at uminit ang mukha ko na parang sunog at sobrang umugong ang mga tainga ko na wala na akong marinig. Pagkatapos ay buong-lakas nilang sinipa ang mga binti ko, at, hindi pa sila tapos na ilabas lahat ng galit nila, kinaladkad ako ng masasamang pulis sa isang madilim na kwarto at pinatayo nang nakasandal sa pader habang sinusuntok sa mukha. Pagkatapos ay ginulpi pa nila ulit ako. Kinayanan kong hindi umiyak habang nangyayari ito, at tahimik akong nanalangin sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, naniniwala ako na ang Iyong mabuting kagustuhan ay nasa likod ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Kahit na anong pagpapahirap ng masasamang pulis na ito sa akin, lagi pa rin akong titindig na saksi para sa Iyo at hindi ako susuko kay Satanas!” Sa gulat ko, nang sabihin ko ang dasal na ito, biglang bumalik ang pandinig sa aking mga tainga, at ang tanging narinig ko ay ang isa sa masasamang pulis na nagsasabing, “Matigas talaga ang ulo ng babaeng ito. Ni hindi siya naluluha o sumisigaw. Siguro ay kulang pa ang ginagawa natin sa kanya. Kunin ang de-kuryenteng batuta at tingnan natin kung mag-iingay na siya!” Kinuha ng isang pulis ang de-kuryenteng batuta at sinalaksak ito sa hita ko. Agad na nadama ko sa buong katawan ang matinding sakit, at sa sobrang sakit ay napatumba agad ako sa sahig. Tumama ang ulo ko sa pader at nagsimulang dumaloy ang dugo mula rito. Dinuro ako ng pulis at sinigawan, “Huwag ka nang magkunwari. Tumayo ka! Bibigyan ka naming ng tatlong minute. Pag di ka tumayo, gugulpihin ka ulit namin. Huwag kang magpapatay-patayan!” Pero maski anong sigaw nila, hindi talaga ako makagalaw, kaya nang huli, pinagsisipa nanaman nila ako bago sila tumigil.

Hindi ko na talaga kayang tiisin ang malupit at di-makataong pagpapahirap ng mga pulis sa akin. Taos-puso akong nagdasal sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos! Hindi ko na kayang tumagal at magtiis. Pakiusap na bigyan Mo ako ng pananalig at lakas!” Sa gitna ng aking matinding paghihirap, napasaisip ko ang isang kanta ng mga salita ng Diyos: “Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung ihahandog at ilalatag mo ang iyong puso sa harap ng Diyos, sa panahon ng pagpipino ay magiging imposible para sa iyo na ikaila ang Diyos, o iwan ang Diyos. … Kapag dumating ang araw na ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, ngunit magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at maiaalay mo nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at magiging pinakaiibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nakaranas na ng pagpipino ay matatag, hindi mahina. Kailan man o paano ka man isinasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong ilatag ang iyong mga pag-aalala kung mabubuhay ka ba o mamamatay, isantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos, at masayang tiisin ang anuman para sa Diyos—samakatuwid ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay, at ang iyong pananampalataya ay magiging totoo. Sa gayon ka lamang magiging isang tunay na iniibig ng Diyos, at isang tunay na nagawang perpekto na ng Diyos(“Ialay ang Puso sa Diyos Kung Naniniwala Ka sa Kanya” sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Ipinaintindi sa akin ng pagkalinaw ng Diyos ang Kanyang kagustuhan, at binigyan din ako nito ng walang-katapusang pananalig at lakas. Nagdasal ako muli sa Diyos: “O Diyos! Naniniwala akong ang lahat ng nangyayari sa akin sa araw na ito ay nangyayari nang may pahintulot Mo, at nasa likod ng lahat ng ito ang mabuti Mong kagustuhan. Sa palabas ng mga demonyong ito, nakikita ko na rin sa wakas na ang mga ahensya para sa pagsasakatuparan ng batas na nasa ilalim ng pamahalaang CCP ay bayolenteng mga organisasyon at hindi ako maaaring sumuko sa kanila. Gusto ko lang ibigay sa Iyo ang puso ko at tumindig sa Iyong tabi. O Diyos! Alam kong sa pamamagitan lang ng pagdanas ng matinding pagsubok at paglilinis maaaring mapatibay ang pagmamahal ko para sa Iyo. Kung kukunin ni Satanas ang buhay ko ngayong araw na ito, hindi pa rin ako maaaring bumigkas ng anumang reklamo. Ang magpatotoo para sa Iyo ay isang karangalan ko bilang nilikhang nilalang. Sa nakalipas hindi ko natupad nang husto ang aking tungkulin at malaki ang utang ko sa Iyo. Ang pagkakataong mamatay para sa Iyo ngayong araw na ito ang pinakamakabuluhang bagay. Nais kong sumunod sa Iyo.” Napukaw ako pagkatapos ng dasal na ito, at nadama ko na ang dumanas ng ganitong hirap alang-alang sa pagsunod sa Diyos ay isang labis na makabuluhang bagay, at sulit ito maski ako’y mamatay!

Siguro pagkatapos ng higit sampung minute nang may babaeng pulis na dumating at tinulang akong makabangon, nagkukunwaring mabait, at sabi, “Tingnan mo ang sarili mo, sa edad mong iyan, at nasa kolehiyo ang pareho mong anak. Kasinghalaga ba talaga na danasin mo ang lahat ng paghihirap na ito? Sabihin mo lang sa amin ang gusto naming malaman, at pwede ka nang umalis agad.” Nakita niyang hindi ako sumasagot, kaya nagpatuloy siya, “Isa kang ina, kaya dapat isipin mo ang mga anak mo. Nabubuhay tayo ngayon sa ilalim ng Partido Komunista, at nilalabanan at sinusupil ng pamahalaang CCP ang lahat ng paniniwalang pangrelihiyon. Lalong kinamumuhian nito higit sa lahat ang mga katulad mo na naniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Kung magmamatigas ka’t lalabag sa gobyerno, hindi ka ba natatakot na madadawit ang buong pamilya mo? Darating ang punto na pati mga magulang at asawa mo ay madadawit, at kalimutan na ng mga anak at mga apo ang pagsali sa hukbo, o pagiging kadre o manilbihan sa pamahalaan. Walang kukuha sa kanila maski para maging gwardiya. Gusto mo bang maging manggagawa na lamang ang mga anak mo paglaki nila, at tumanggap ng kung anu-anong trabaho tulad mo at maging mahirap habambuhay?” Habang isinasagawa ni Satanas ang tusong plano nito laban sa akin, lumitaw sa isip ko ang mga salita ng Diyos: “Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay? Anumang Aking sinasabi ay nangyayari, at sino sa mga tao ang makapagpapabago sa Aking isipan?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 1). Dahil sa mga salita ng Diyos nakita ko ang tusong plano ni Satanas, at nakita kong pinipilit nila akong magsalita sa pamamagitan ng pananakot tungkol sa hinaharap ng mga anak ko. Gayunpaman, alam ko na ang mga kapalaran nating mga tao ay wala sa ating mga kamay, at wala rin sa mga kamay ng mga pulis, kundi nasa mga kamay ng Diyos. Kung anuman ang magigin trabaho ng mga anak ko sa hinaharap, kung magiging mayaman o mahirap sila ay lahat nakasalalay sa Diyos. Sa pag-iisip nito nang mabuti, hindi ako nakaramdam ng pagkasakal sa mga pulis ni katiting. Dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos, tunay kong nakita na ang Diyos ay nasa tabi ko, pinoprotektahan ako, at nagsimulang lalo pang tumibay ang tiwala ko sa Diyos. Kaya, ibinaling ko sa isang banda ang aking ulo at nanatili akong tahimik. Pinagalitan pa ako nang husto ng opisyal bago ito umalis.

Gumagabi na. Nang makita nilang wala silang makukuha sa akin o sa mga kapatid ko sa iglesia, ang tanging nagawa nila ay ipadala kami sa County Detention Center. Pero sinabi ng mga pulis doon na napakabigat ng kaso naming, at kailangan kaming pumunta sa Municipal Detention House. Nang makarating kami doon, pasado ala una na ng madaling araw at ang nakita ko lamang ay magkakasunod na hanay ng malalaking tarangkahan na may mga rehas na bakal—ang lahat ng ito ay mukhang malagim at nakakatakot. Sa unang tarangkahan, kinailangan naming humarin ang lahat ng damit naming at magpakapkap ng katawan. Pagkatapos ay ginupit nila lahat ng butones at zipper ng mga damit ko at ipinasuot sa akin ang gula-gulanit na damit; pakiramdam ko ay para akong isang pulubi. Sa pangalawang tarangkahan, kinailangan naming sumailalim sa pagsusuring pisikal. Nakita nila ang mga sugat ko sa binti dahil sa pagkakabugbog sa akin ng mga pulis at nahihirapan akong lumakad, ngunit tumitig lang sila at nagsinungaling, sinabing, “Pangkaraniwan lang ang lahat ng ito. Walang dapat ikabahala.” Malinaw na nakasaad sa mga alituntunin para sa mga bilangguan na ang kung matuklasan ang anumang sakit o sugat sa pagsusuring pisikial, dapat itong gamutin, ngunit sa katotohanan, wala silang pakialam kung ang mga bilanggo ay mabuhay o mamatay. Nanunuya nilang sinabi sa akin, “Kayong mga naniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay may Diyos para protektahan kayo. Kaya niyo ito.” Dinala ako sa isang selda, at may isang bilanggo na dumungaw mula sa ilalim ng kumot niya at sumigaw sa akin, “Hubarin mo ang lahat ng damit mo!” Nagmakaawa ako sa kanya na huwag akong pagtanggalin ng panloob, ngunit malisyosong nginitian niya lang ako at sinabing, “Kapag nandito ka sa lugar na ito, kailangang sumunod ka sa mga batas.” Pagkatapos ay nagsidungaw ang lahat ng mga ibang bilanggo mula sa ilalim ng kanilang mga kumot at nagsimulang gumawa ng kung anu-anong nakakatakot na ingay. May labingwalong bilanggo sa selda na iyon na ang sukat lamang ay 20 metro kuwadrado: Ang mga ito ay mga tulak ng droga, mamamatay-tao, mandarambong at magnanakaw. Ang gawain ng “pinuno” ng lugar, ang nagsasabi anong pwede o hindi, ay parusahan ang mga tao sa lahat ng paraan araw-araw—katuwaan lang niyang pinahihirapan ang mga tao. Nang kinaumagahan, itinuro sa akin ng alalay niya ano ang mga batas at sinabi sa aking kailangan kong lampasuhin ang sahig dalawang beses araw-araw. Palagi siyang humahanap ng ipagagawa sa akin, at sinabi niya sa akin na kailangan kong makamit ang kota ng gawain, na kailangan kong bilisan dahil kung hindi parurusahan ako. Parang asal mabangis na hayop ang mga guwardya at madalas ay pinarurusahan ang mga bilanggo maski walang dahilan. Tinakot ako ng isa sa kinal at sinabing, “Kung ano ang sabihin ko, yun ang masusunod. Wala akong pakialam kung isumbong mo ako. Magsumbong ka kung gusto mo, at pahihirapan kita higit sa akala mo! …” Walang tigil at walang habas ang masasamang pulis na ito. Sa loob, pera ang nagpapaikot sa mundo, at basta’t binigyan mo ng pera ang mga opisyal ng bilangguan, hindi na pumapailalim sa “batas.” Ang isa sa bilanggo ay asawa ng opsiyal na nangurakot ng malaking halaga ng pera. Madalas nitong bigyan ng pera ang mga bantay ng bilangguan, at araw-araw, ibinibili niya ang “pinuno” ng mga piniritong meryenda. Sa ganoong paraan, hindi siya kailangang magtrabaho buong araw, at pinagagawa niya sa iba ang paghuhugas ng plato niya at pagtupi ng kanyang kubrekama. Bagaman nabubuhay ako sa ganitong impiyernong seldang kulungan, nang walang pera at walang karapatan, at kailangan kong tiisin ang mga kalupitan at pang-aapi araw-araw, ang tanging ginhawa ko ay ang dalawang kapatid ko sa iglesia na kasama ko doon sa loob. Para kaming magkapamilya. Sa gitna ng mahirap na panahon na ito, nagbabahaginan kami sa isa’t isa sa tuwing may pagkakataon; sinuportahan at tinulungan naming ang isa’t isa. Umasa kami sa Diyos sa lahat ng pagkakataon, hinihingi sa Kanya na bigyan kami ng pananalig at lakas. Bawat isa sa amin ay tumulong at sumuporta sa bawat isang kasama, at magkakasama kaming nabuhay at nakaraos sa napakalagim na panahong iyon.

Apat na beses pa akong tinanong ng mga pulis habang nasa bahay ng detensyon ako. Nang minsan sa mga pagkakataon na iyon, ang mga lalaking dumating para tanungin ako ay nagpakilala na mula sa Municipal Public Security Bureau at mula sa National Security Team. Inisip ko sa sarili ko: “Malamang na ang isang galing sa Municipal Public Security Bureau ay tiyak na may mas mataas na antas at mas may pinag-aralan kaysa sa pulis sa lokal na presinto. Malamang ay ipinatutupad nila ang batas sa makatarungang paraan.” Ngunit ang totoo ay hindi tulad ng inakala ko. Hindi pa man at kapapasok lang ng lalaki mula sa Municipal Public Security Bureau sa kwarto nang sumalampak ito sa upuan at itinaas ang kanyang paa sa mesa. Sa buong pangangatawan niya’y may asta ng kayabangan, at kinilatis niya ako nang may paghamak. Pagkatapos ay tumayo siya at lumakad papunta sa akin. Humithit siya nang malalim sa sigarilyo niya at ibinuga ang usok sa mukha ko. Sa nakita kong ito, namulat ako na ang lahat ng pulis ng CCP ay magkakapareho, at hindi ko naiwasang tumawa sa sarili ko sa pag-iisip na maiiba ang lalaking ito. Hindi ko na alam kung ano pa ang kanilang planong gawin sa akin, kaya tahimik akong nagdasal sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos. Pakiusap na bigyan Niyo ako ng talino upang talunin si Satanas at magkaroon ako ng kakayanang bigyan Ka ng kaluwalhatian at magpatotoo para sa Iyo!” Noon mismo ay sinabi ng pulis mula sa National Security Team na, “Alam na naming ang lahat tungkol sa iyo. Makipagtulungan ka sa amin at pakakawalan ka naming.” Sumulyap ako sa kanya at napatawa nang may lungkot. Sa pag-aakalang nakahanda akong pumayag sa kompromiso, sabi nila, “Handa ka na bang makipagtulungan ngayon?” Sumagot ako, “Matagal ko nang nasabi ang lahat ng kailangan kong sabihin.” Agad na ikinagalit nang husto ito ng masamang pulis, at nagsimula silang sumigaw sa akin ng kung anu-anong pambabastos. “Sinubukan ka naming bigyan ng paraang makalusot nang may dignidad, ngunit ayaw mo! Kung hindi ka magsasalita ngayong araw na ito, nasa akin ang lahat ng oras sa mundo para samahan ka. Tatanggalin ko ang mga anak mo sa paaralan at sisiguraduhin kong hindi nila matapos ang kanilang edukasyon.” Pagkatapos ay inilabas nila ang cellphone ko at tinakot ako, at sinabing, “Kanino ang mga numero sa SIM card mo? Kung hindi mo sasabihin sa amin ngayong araw na ito, makakatanggap ka sentensyang pito hanggang walong taong pagkakakulong. Uudyukin namin ang ibang bilanggo na palagi kang pahirapan, at mas gugustuhin mo pang mamatay ka na!” Kahit na anong pag-uusig nila para magbigay ng mga sagot, hindi ako sumagot. Ni hindi ako natakot, dahil sa pinaglilinaw ako sa kaibuturan ng kalooban ko ng mga salita ng Diyos: “Sapagkat dapat mong matagalan ang gayong pagdurusa upang maligtas at makaraos; bukod pa riyan, ito ay itinadhana ng Diyos. Kaya para sumapit sa iyo ang pagdurusang ito ay pagpapala sa iyo. … Ang kahulugan sa likod nito ay napakalalim, at lubos na makabuluhan(“Yaong mga Nawalan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang Pinaka-nasa Panganib” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Tumagal ng dalawa’t kalahating oras ang pagtatanong na iyon. Nang makita nilang wala silang makuha sa akin, tinakot pa nila ako nang tinakot at pagkatapos ay umalis din na parang nalugi.

Noong ika-6 ng Enero, 2013, nag-iba ng diskarte ang mga pulis at sinabi nilang iuuwi na nila ako. Pinagsuot nila ako ng uniporme ng bilanggo at pinosasan, at ibinalik nila ako sa lokal na presinto ng pulis sa isang malaking sasakayan ng bilangguan. Nang makarating ako doon, sinabi sa akin ng masasamang pulis na nahanap nila ang mga anak ko at ang mga biyenan ko, na hinalughog nila ang bahay naming, at nakapagtanung-tanong sila sa paligid at nakakuha sila ng mabuting pag-intindi ng kung anong ginagawa ko noong mga nakaraang taon. Sabi ng isang pulis doon, “Ilang taon na naming pinaghahanap ang babaeng ito ngunit hindi naming siya mahuli. Nang namatay ang asawa niya, isang gabi lang siyang tumigil sa bahay niya. Nagsayang kami ng mga araw sa paghihintay sa kanya sa bahay niya. Nang maoperahan sa puso ang anak niya, pumunta kami sa ospital para hulihin siya, pero hindi siya lumitaw. Sobrang lakas ng pananampalataya niya sa Diyos na tinalikuran niya na ang buong pamilya niya. Ngayong nasa amin na siya, kailangan naming siyang ituwid nang husto!” Nang narinig koi to, nagsusumigaw ang puso ko: “Kailan ko hindi ginustong umuwi? Nakakawasak ng kalooban ang pagkamatay ng asawa ko, at labis akong nag-alala nang operahan sa puso ang anak ko. Gustung-gusto ko sanang naroon ako sa tabi ng anak ko. Hindi sa tinalikuran ko sila, kundi walang-tigil akong inuusig at pinaghahanap ng pamahalaang CCP, kaya imposible para sa akin ang umuwi!” Matulin na tumakbo ang sinasakyan naming sa lansangan papunta sa bahay ko, at tahimik akong umiiyak sa puso ko. Walang tigil akong nagdasal sa Diyos: “O Diyos! Ilang taon akong nalayo sa tahanan ko dahil sa pag-uusig ng pamahalaang CCP. Malapit ko nang makita ang pamilya ko, at natatakot ako na baka manghina ako pag nakita ko sila at baka mahulog ako sa tusong bitag ni Satanas. Tulungan Niyo ako at hayaang mabuhay nang may dignidad at matibay na paninindigan bilang isang nananalig sa Diyos kahit nasa harap ni Satanas. Huwag Niyo hayaang malinlang nila ako. Hinihiling ko lang na ako’y makapagpatotoo para sa Iyo upang pasiyahin Ka!” Nang matapos ang dasal ko, mas naging kalmado ang pakiramdam ko at parang nakabitiw ako. Alam kong ito ay ang Diyos na sinasamahan ako at binibigyan ako ng lakas. Nang malapit na kami sa bahay, pumara ang pulis sa tabi ng kalsada. Habang suot ko ang uniporme ng bilanggo at nakaposas, pinaglakad nila ako para dalhin sila sa bahay ko. Nakatayo ang lahat ng mga kapit-bahay ko sa malayo, nakatitig sa akin at nagmumwestra sa direksyon ko; naririnig kong iniinsulto at hinahamak nila ako sa likod ko. Nang pumasok kami sa tarangkahan papasok sa hardin, agad kong nakita na naroon ang anak ko naglalaba. Narinig niya akong dumating ngunit hindi siya tumingala’t humarap, at alam ko na noon na kinamumuhian niya ako. Maputi na ang buhok ng mga biyenan ko, at ang biyenan kong babae ay lumabas at bumati sa masasamang pulis, ngunit pagkatapos ay tumahimik. Itinanong ng masamang pulis, “Manugang niyo ba ang babaeng ito?” Bahagya siyang tumango. Pagkatapos ay tinakot ng pulis ang mga biyenan ko at sinabing, “Kung hindi pa siya makikipagtulugnan sa amin, mapipilitan kaming tawagan ang paaralan at hindi magtatagal ay sisipain paalis ang mga anak niya. Kakanselahin din naming ang inyong pension na social security pati na ang anumang benepisyong natatanggap niyo.” Nagdilim ang mga mukha ng mga biyenan kong matatanda sa pananakot niyang ito, at nanginginig ang mga boses nila nang magsalita sila. Agad nilang inamin na mga anim hanggang pitong taon na akong lumayo sa kanila at isinasabuhay ko sa ibang lugar ang pananampalataya ko. Sinigawan sila ng pulis, “Inalagaan kayong mabuti ng Partido at ng mamamayan nang maraming taong nakaraan. Sabihin niyo sa amin, mabuti ba ang Partido Komunista?” Sobrang natatakot ang biyenan kong babae, agad siyang sumagot, “Oo, mabuti nga.” Pagkatapos, tinanong ng pulis, “At hindi ba mabuti ng mga patakaran nito?” Sumagot siya, “Oo, mabuti.” “At ang mga trahedyang nangyari sa pamilya niyo,” patuloy ng pulis, “at ang pagkamatay ng anak niyo, hindi ba’t ang lahat ng ito ay dahil sa inyong manugang na babae? Hindi ba’t siya ang nagdala ng kamalasan sa pamilya niyo?” Yumukod ang biyenan kong babae at bahagyang tumango. Nang nakita nilang umuubra ang kanilang plano, kinaladkad nila ako sa loob at pinilit akong tingnan ang lahat ng mga award na natanggap ng anak ko na nakakabit sa pader. Nagyayabang na nagsalita ang isa sa pulis at dinuro ako, pinagalitan ako at sinabi, “Ni minsan ay hindi pa ako nakakilala ng taong kasing kulang mo sa pagkatao. Ganyan kabuting anak at basta mo na lang tatalikuran at layasan para maniwala sa Diyos! Anong napala mo sa ginawa mong iyon?” Sa pagkakita ko sa mga award ng anak ko na nakalantad sa pader, naisip kong naapektuhan na ng pananmpalataya ko ang kanyang pag-aaral, at paano pa ang mga biyenan kong sinisindak at tinatakot—nasisira na ang pamilya ko! Ngunit sino ang sanhi ng lahat ng ito? Dahil lang ba ito sa pananampalatay ko? Ang pananampalatay ko sa Diyos ay paghahanap sa katotohanan at paglakad sa tamang daan ng buhay. Anong mali doon? Kung hindi ako inuusig at tinutugis ng pamahalaang CCP, kakailanganin ko bang lumayo sa sarili kong tahanan at magtago noong lahat ng mga taon na iyon? At pagkatapos ay walang-katotohanang inaakusa nila ako na wala akong malasakit sa pamilya ko at hindi ako nabubuhay nang maayos. Sa ginagawa nilang iyon, hindi ba’t malinaw na binabaluktot nila ang katotohanan at binabaligtad ang katotohanan? Nang mga sandaling iyon mismo, umibabaw ang malalim na pagkamuhi sa puso ko sa mga diyablong ito ni Satanas, at halos sumabog na parang bulkan—gusto kong sumigaw: “Mga diyablo ni Satanas! Kinamumuhian ko kayo! Kinasusuklaman ko kayo mula sa pinakailalim ng mga buto ko! Hindi ba’t ang pag-uusig ng gobyernong CCP ang naglayo sa akin sa sarili kong tahanan sa lahat ng mga taong nakalipas? Hindi ko ba ginustong makasama ang anak ko at maibigay sa kanya ang pagmamahal at init ng isang ina? Hindi ko ba ginusto na mabuhay nang payapa at masaya kasama ang sarili kong pamilya? Ngunit ngayon kayong mga diyablo ni Satanas ay biglang nag-ibang anyo at nagkukunwaring mabubuting tao, pinagagalitan kami at ipinapataw ang lahat ng sisi sa lahat ng masamang nangyari sa pamilya namin sa pinto ng Diyos, at pilit ipinapakarga sa aking mga balikat ang lahat ng responsibilidad sa mga nangyari. Talagang binabaligtad niyo ang katotohanan at nagsasalita kayo nang walang katuturan! Napakatampalasan ninyo, kayong masasamang espiritu, at nagpapanggap kayong inosente kayo samantalang kayo ang pinakamasasamang kriminal sa lahat. Kayo ang totoong malas, ang masamang pangitain, ang nagdadala ng kasamaang-palad! Ang pamahalaang CCP ang pangunahing salaring maysala sa pagkasira ng pamilya ko! Anong kasiyahan ang pwedeng pag-usapan para sa mga mamamayang nabubuhay sa bayang ito?” Nang natapos na ang kanilang palabas, sumigaw sila sa akin, “Lakad na!” at inutusan akong lumabas sa bahay. Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos dahil pinangalagaan ako’t hinayaang makita ko ang tusong plano ni Satanas, na makita ko nang malinaw ang reaksiyonaryong kabuktutan ng masamang CCP, at tumindig nang matatag sa aking pagsasaksi!

Noong ika-12 ng Enero, tinanong ako ng pulis sa huling pagkakataon. Dalawang pulis ang muling sumubok na pilitin akong ibenta ang mga kapatid ko, ngunit kahit na anong pananakot at pamimilit nila sa akin, sinabi ko lang na hindi ko alam. Nang marinig nilang sabihin ko na wala akong alam, agad silang nagalit at sinimulan akong sampalin nang malakas sa mukha, at sinabunutan nila ako na parang nabaliw sila. Tumayo sila sa magkabilang tagiliran ko, itinulak ako nang paroo’t parito at sinipa nang napakalakas ang mga binti ko. Pagkatapos ay pinalo ako sa ulo gamit ang bakal na tubo, at sumisigaw, “Akala mo ba hindi ka namin hahatawin? At ano naman ang magagawa mo pagkatapos? Tingnan natin kung gaano ka katigas!” Salamat sa Makapangyarihang Diyos sa pag-aalaga sa akin. Bagaman pinahirapan nila ako nang husto, ang naramdaman ko lang ay ang pagmamanhid ng buong katawan ko; kakaunti ang nadama kong sakit. Apat na oras akong pinahirapan ng dalawang masasamang pulis hanggang sa pagod na pagod at pawis na pawis na sila, at saka lang sila tumigil. Naupo sila sa isang sopa, hinihingal at sabi, “Sige, hintayin mo na lang na habambuhay kang nakakulong sa bilangguan. Sa gayon, hindi ka na lalaya uli kailanman, maski mamatay ka!” Wala akong naramdaman nang marinig ko silang sabihin ito, dahil pinatigas ko na ang puso ko at nangako ako na hinding-hindi ako bibigay sa mga diyablong ito maski sariling buhay ko pa ang ibuwis ko. Tahimik akong nagdasal sa Diyos: “O Diyos, nais kong ibigay ang sarili ko sa Iyo. Kahit na ikulong ako habambuhay ng mga masasamang pulis, susunod pa rin ako sa Iyo hanggang sa kadulu-duluhan. SasambahinKita maski ilagay nila ako sa impiyerno!” Nang makabalik ako sa selda ko, ang buong akala’t inaasahan ko ay ikukulong nga ako nang habambuhay, kaya nagulat ako ng binuksa ng Diyos ang daan palabas para sa akin. Sa hapon ng ika-16 ng Enero, bigla na lang akong pinakawalan ng mga pulis nang walang asunto.

Ang makabagbag-damdaming karanasan na ito ay parang isang masamang panaginip na hindi ko na kayang balikan pa. Ni minsan sa pinakamalikhaing imahinasyon ko ay hindi ko naisip na ang isang pangkaraniwang babae tulad ko ay magiging “bagay na kauukulan nang pansin” ng mga pulis dahil lamang sa pananampalataya sa Diyos, o na ituturing akong isang kalaban ng pamahalaang CCP at malalantad sa nakamamatay na panganib. Nang minsan, habang tinatanong ako, itinanong ko sa kanila, “Anong nagawa kong kasalanan? Anong batas ang nilabag ko? Ano ang mga bagay na nasabi ko laban sa Partido o sa taumbayan? Bakit ako inaresto?” Hindi nasagot ng mga pulis ang mga tanong ko, at sa halip ay sinigawan na lang ako, “Pwede kang magnakaw at mangholdap, pwede kang pumatay at manunog, at pwede mong ibenta ang iyong laman, wala kaming pakialam. Pero sa pananampalatay mo sa Diyos, inilalagay mo ang sarili mo laban sa Partido Komunista, at kailangan kang parusahan!” Ang ganitong palalo, makahari, mapang-api, kabaluktutan-ng-katotohanang mga salita ay namula diretso sa bibig ng diyablo! Ang pananampalataya at pagsamba sa Diyos ay prinsipyong di-mababago; ito ay kalinya ng kagustuhan ng Langit at ayon sa mga puso ng mga tao. Nilalabanan ng pamahalaang CCP ang Diyos at pinagbabawalan ang mga tao sa pagsunod sa tamang landas. Sa halip, sinisisi nito ang mga biktima nito at walang-hiyang pinahahayag na kami ang kalaban, at sa gayon ay lalong nalalantad ang esesyang diyablo nito! Ang gobyernong CCP ay hindi lang galit nag alit na lumalaban sa gawain ng Diyos at nang-aaresto ng mga nananalig, kundi nag-iimbento rin ng pekeng balita para linlangin ang mga tao para ang lahat ay maniwala sa mga kasinungalingan nito at itakwil ang Diyos, labanan ang Diyos; sinisira rin nito ang pagkakataon ng mga tao na makamit ang totoong pagkaligtas. Ang masasamang bagay na nagawa ng pamahalaang CCP ay sobrang dami para ilista, at inaani nito ang matinding poot ng tao at ng Diyos! Pagkatapos ko maranasan ang matinding pagpapahirap dahil sa mga diyablo, nakita ko nang lubos na malinaw na ang laban-sa-Diyos, reaksiyunaryong diwa ng pamahalaang CCP na sumasalungat sa kagustuhan ng Diyos, at lubos akong nagpasalamat sa pamamahal at malasakit ng Diyos. Nakita ko na ang diwa ng Diyos ay kagandahan at kabutihan; sa bawat pagkakataon na ako ay nakadama ng pinakamasakit o nasa gitna ng paghihirap na pinakamahirap tiisin, naroon ang mga salita ng Diyos sa loob ko, ginagabayan ako at nililiwanagan ako, binibigyan ako ng lakat at binibigyan ako ng pananalig, at hinayaan ako ng mga ito na makita nang malinaw ang mga tusong plano ni Satanas at maging matatag sa aking paninindigan. Tunay kong nadama ang presensya at patnubay ng Diyos, at noon ko lang naalpasan ang bawat paghihirap at nakatayo ako nang matatag sa aking pagpapatotoo—dakila ang pagmamahal ng Diyos! Mula sa araw na ito, iaalay ko ang aking lahat upang ibalik ang pagmamahal ng Diyos, at sisikapin kong makamit ang katotohanan at isabuhay ang makabuluhang buhay.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mahabang mga Taon sa Bilangguan

Ni Anning, Tsina Isang araw noong Disyembre, 2012, halos isang taon na akong mananampalataya, at nasa daan kami ng isang nakababatang...

Leave a Reply