Hindi na Ako Nag-aalala o Nababahala Tungkol sa Karamdaman
Ni Xu Hui, TsinaNoong 2010, sa isang medikal na pagsusuri, na-diagnose ako na may chronic hepatitis B na may positibong mga antigen. Noong...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Nitong mga nakaraang taon, ginagawa ko ang gawain ng pag-aalis sa iglesia, at nakita ko ang ilang superbisor na sunod-sunod na tinatanggal, at ang ilan naman ay pinapaalis. Partikular na, ang dalawang dating superbisor na naging responsable sa gawain ng pag-aalis ang mayroong mahusay na kakayahan at kapabilidad sa gawain, at malawak ang saklaw ng mga responsabilidad nila. Naging superbisor sila sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon pero tinanggal sila dahil hindi sila gumawa ng tunay na gawain at hindi nila tinanggap ang katotohanan. Dahil dito, naisip kong masyadong mapanganib ang maging isang superbisor. Ang pagiging superbisor ay nangangahulugang malawak ang saklaw ng mga responsabilidad mo at marami kang problemang haharapin. Kung hindi mo ito gagawin nang maayos, magdudulot ka ng pagkagambala at kaguluhan sa gawain ng iglesia at makakagawa ka ng mga pagsalangsang, kaya may posibilidad na matanggal ka o mabunyag at matiwalag. Naisip kong mas mabuting maging miyembro na lang ng pangkat, dahil mas kaunti ang panganib at hindi gaanong maraming iisipin, pero may pag-asa ka pa ring maligtas. Noong unang bahagi ng Agosto 2023, kinailangang pumunta sa ibang lugar ng superbisor para gawin ang kanyang tungkulin, at hiniling niya sa akin na ako na ang pumalit sa kanyang gawain. Naisip ko, “Bilang miyembro ng pangkat, may isang taong namamahala para tumulong sa huling pagsusuri at paggabay sa gawain, kaya hindi ako makakagawa ng anumang malaking kasamaan at pagkatapos ay mabubunyag at matitiwalag. Iba kapag superbisor. Kailangan mong maging responsable para sa pangkalahatang gawain, at marami kang problemang kinakaharap at malalaking responsabilidad na inaako. Kung hindi ko mapapangasiwaan nang maayos ang mga bagay-bagay at magdudulot ako ng paggambala sa gawain ng iglesia, makakagawa ako ng mga pagsalangsang. Kung marami akong maging masasamang gawa, hindi ba’t mabubunyag at matitiwalag ako, at mawawala ang pagkakataon kong maligtas? Mas mabuting maging miyembro na lang ng pangkat, para hindi ko kailangang pasanin ang anumang malalaking responsabilidad. Ligtas at panatag, at may pag-asa akong maligtas.” Nang maisip ko ito, tumanggi ako, idinahilan kong karaniwan lang ang kakayahan ko, limitado ang kapabilidad ko sa gawain, at hindi ako karapat-dapat na linangin. Pagkatapos niyon, dalawang beses pang sumulat sa akin ang superbisor at hiniling na pag-isipan ko ito. Naipit ako sa isang masuliraning kalagayan, “Ang hindi pagtanggap ay pagsuway, pero kung tatanggapin ko naman, dahil sa bawat pagkakataon ay sangkot sa gawain ng pag-aalis ang mga prinsipyo, kapag hindi ko ito napangasiwaan nang maayos at lumabag ako sa mga prinsipyo, makakagawa ako ng mga pagsalangsang at masasamang gawa. Kung mababaw lang, matatanggal ako, pero kung malubha, mapapatalsik pa nga ako. Hindi lang masisira ang reputasyon at katayuan ko, kundi baka hindi rin ako magkakaroon ng magandang kinalabasan o hantungan.” Pagkatapos ng matagal na pag-iisip, tumanggi ako. Nang magkita kami ng superbisor, sinabi niya sa akin, “Ikaw ang may pinakamaraming boto mula sa mga kapatid. Kailangan mong hanapin ang layunin ng Diyos.” Wala akong masabi. Sa puso ko, pakiramdam ko ay nahahati ako sa dalawa, at paulit-ulit akong nanalangin sa Diyos, “O Diyos, alam ko na dapat akong magpasakop sa usaping ito na sumasapit sa akin, pero talagang nahihirapan akong magpasakop. Natatakot ako na hindi ko magagawa nang maayos ang tungkulin ko bilang superbisor, na magagambala at magugulo ko ang gawain ng iglesia, at mabubunyag at matitiwalag ako. Hindi ko alam kung anong mga katotohanan ang dapat kong pasukin para makatakas sa mahirap na kalagayang ito. Nakikiusap po ako sa Iyo, akayin Mo ako!”
Isang beses, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang umantig sa puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Paano ka dapat kumilos nang ayon sa konsensiya? Kumilos ka nang may sinseridad, maging karapat-dapat sa kabaitan ng Diyos, sa buhay na ito na bigay ng Diyos, at sa pagkakataong ito na ibinigay ng Diyos upang matamo ang kaligtasan. Epekto ba iyon ng iyong konsensiya? Sa sandaling mayroon ka nitong pinakamababang pamantayan—isang konsensiya—mapoprotektahan ka at hindi ka makagagawa ng matitinding pagkakamali. Hindi ka malamang na makagagawa ng mga bagay para maghimagsik laban sa Diyos o bibitiw sa tungkulin mo, ni malamang na kikilos ka nang pabasta-basta. Hindi ka rin masyadong magbabalak ng pakana para sa iyong sariling katayuan, kasikatan, pakinabang, at daan palabas. Ito ang papel na ginagampanan ng konsensiya. Ang konsensiya at katwiran ay dapat kapwa maging bahagi ng pagkatao ng isang tao. Ang mga ito ang kapwa pinakapundamental at pinakamahalagang mga bagay. Anong uri ng tao ang isang taong walang konsensiya at walang katwiran ng normal na pagkatao? Sa pangkalahatan, siya ay isang taong walang pagkatao, at isang taong talagang napakasama ng pagkatao. Sa mas partikular, anong mga katangian ang matatagpuan sa gayong mga tao? Anong mga partikular na pagpapamalas ng kawalan ng pagkatao ang taglay nila? (Makasarili sila at mababang-uri.) Ang mga taong makasarili at mababang-uri ay pabasta-basta sa kanilang mga kilos at hinahayaang mangyari ang mga bagay kung hindi personal na nakakaapekto sa kanila ang mga ito. Hindi nila iniisip ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, ni hindi sila nagpapakita ng pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos. Wala silang pakiramdam ng pasanin o responsabilidad pagdating sa paggampan ng kanilang mga tungkulin o pagpapatotoo sa Diyos. … May konsensiya at katwiran ba ang ganitong klaseng tao? (Wala.) Nakadarama ba ng paninisi sa sarili ang isang taong walang konsensiya at katwiran dahil sa pagkilos nang ganito? Hindi siya nakadarama ng paninisi sa sarili; walang silbi ang konsensiya ng ganitong klaseng tao. Hindi sila kailanman nakaramdam ng paninisi ng kanilang konsensiya, kaya mararamdaman ba nila ang paninisi o disiplina ng Banal na Espiritu? Hindi, hindi nila ito mararamdaman” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan). Sinasabi ng Diyos na ang mga walang konsensiya o katwiran ay partikular na makasarili at mababang-uri. Ang sarili lang nilang mga interes ang isinasaalang-alang nila, hindi ang gawain ng iglesia, at hindi nagdadala ng anumang pasanin o pagpapahalaga sa responsabilidad para sa gawain ng iglesia. Sa pagninilay, napagtanto kong ganitong klase nga mismo ako ng tao. Noong ihalal ako ng mga kapatid, dapat sana ay tinanggap ko ang tungkuling ito. Gayumpaman, natakot ako na masyadong malaki ang responsabilidad sa paggawa ng tungkuling ito, na kung hindi ko ito gagawin nang maayos, mag-iiwan ako ng mga pagsalangsang, at na kung gagawa ako ng kasamaan, matatanggal at matitiwalag ako: Hindi lang masisira ang reputasyon at katayuan ko, nanganganib na mawala pa nga ang aking magandang kinalabasan at hantungan. Kaya, tumanggi ako, idinahilan kong karaniwan lang ang kakayahan ko, mahina ang kapabilidad ko sa gawain, at hindi ako karapat-dapat na linangin. Ilang beses akong sinulatan ng superbisor para makipagbahaginan, pero palagi akong naghahanap ng mga dahilan para tumanggi. Ang sarili ko lang na mga interes ang isinaalang-alang ko at tumanggi akong tanggapin ang tungkuling ito. Talagang wala akong konsensiya at katwiran! Ayaw ko nang mamuhay sa ganito kamakasarili at mababang-uring paraan, kaya tinanggap ko ang tungkuling ito.
Makalipas ang ilang buwan, binago ang pagkakatalaga ng aking tungkulin bilang miyembro ng pangkat dahil sa mahina kong kakayahan, na nangangahulugang hindi ko kaya ang trabaho. Kalaunan, sumulat ang mga lider para sabihing may isang pangkat na kulang sa mga tao para mag-organisa ng mga materyales para sa pag-aalis ng mga tao, at hindi lubos na naaarok ng mga ito ang mga prinsipyo. Hiniling nila sa akin na pumunta roon at maging lider ng pangkat para tulungan ang mga ito. Naisip ko, “Kung hindi ko maoorganisa nang maayos ang mga materyales sa pag-aalis ng mga tao at kung magkakamali ako ng paglalarawan sa isang tao, kakailanganin kong panagutan iyon. Kung mabibigo akong makita ang anumang bagay nang malinaw at kumilos sa isang paraan na lumalabag sa mga prinsipyo, nag-iiwan ng mga pagsalangsang at masasamang gawa, kung gayon, magiging malapit ako sa pagkakatanggal at pagkakatiwalag. Mas ligtas na maging miyembro na lang ng pangkat.” Kaya, iniwasan ko na naman ito, idinahilan kong mahina ang kakayahan ko, mahina ang kapabilidad ko sa gawain, at hindi ako karapat-dapat na linangin. Pagkatapos, sumulat ang mga lider para makipagbahaginan sa akin at tinukoy na ang kalikasan ng paulit-ulit kong pagtanggi sa aking tungkulin ay pagtanggi na tanggapin ang katotohanan. Malinaw kong napagtanto na ang pakikipagbahaginan ng mga lider ay isang paalala at babala mula sa Diyos, at sumama ang loob ko at nakonsensiya ako, “Maraming taon na akong nananampalataya sa Diyos, kaya bakit wala man lang akong pagbabago? Bakit napakatigas ng kalooban ko?” Napagtanto kong magiging napakadelikado ng kalagayang ito kung hindi ko hahanapin ang katotohanan para malutas ito kaagad, kaya naghanap ako ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa kalagayan ko. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Natatakot ang ilang tao na umako ng responsabilidad habang ginagampanan ang kanilang tungkulin. Kung binibigyan sila ng iglesia ng isang trabahong gagawin, iisipin muna nila kung hinihingi ng trabaho na umako sila ng responsabilidad, at kung oo, hindi nila tatanggapin ang trabaho. Ang mga kondisyon nila sa paggampan ng isang tungkulin ay, una, na ito ay dapat na isang maginhawang trabaho; pangalawa, na hindi ito matrabaho o nakakapagod; at pangatlo, na kahit anong gawin nila, wala silang aakuing anumang responsabilidad. Ito lang ang uri ng tungkuling tinatanggap nila. Anong uri ng tao ito? Hindi ba’t isa itong tuso at mapanlinlang na tao? Ayaw niyang pasanin kahit ang pinakamaliit na responsabilidad. Kinatatakutan pa nga niya na mababasag ng mga dahon ang kanyang bungo kapag nahulog ang mga ito mula sa mga puno. Anong tungkulin ang magagampanan ng taong tulad nito? Ano ang pakinabang niya sa sambahayan ng Diyos? Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay may kinalaman sa gawain ng pakikipaglaban kay Satanas, gayundin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian. Anong tungkulin ang walang mga kaakibat na responsabilidad? Masasabi ba ninyong may kaakibat na responsabilidad ang pagiging lider? Hindi ba’t mas mabigat ang kanilang mga responsabilidad, at hindi ba’t mas lalo silang dapat na umako ng responsabilidad? Nangangaral ka man ng ebanghelyo, nagpapatotoo, gumagawa ng mga video, at iba pa—anuman ang iyong gawain—hangga’t nauukol ang mga ito sa mga katotohanang prinsipyo, may mga kaakibat itong responsabilidad. Kung walang prinsipyo ang paggampan mo ng iyong tungkulin, makakaapekto ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos, at kung natatakot kang umako ng responsabilidad, hindi mo magagampanan ang anumang tungkulin. Duwag ba ang uri ng taong natatakot na umako ng responsabilidad sa paggampan ng kanyang tungkulin, o may problema sa kanyang disposisyon? Dapat ay masabi mo ang pagkakaiba. Sa realidad, hindi ito isyu ng karuwagan. Paanong napakamapangahas niya pagdating sa pagiging mayaman, o kapag gumagawa siya ng isang bagay para sa sarili niyang kapakinabangan? Haharapin niya ang anumang panganib. Subalit kapag gumagawa siya ng mga bagay-bagay para sa iglesia, para sa sambahayan ng Diyos, wala siyang inaako na anumang mga panganib. Ang gayong mga tao ay makasarili at kasuklam-suklam, ang pinakataksil sa lahat. Ang sinumang hindi umaako ng responsabilidad sa paggampan ng isang tungkulin ay walang ni katiting na sinseridad sa Diyos, lalong wala siyang katapatan. Anong uri ng tao ang nangangahas na pumasan ng responsabilidad? Anong uri ng tao ang may tapang na magbuhat ng mabigat na pasanin? Ang sinumang nangunguna at buong-tapang na sumusulong sa pinakamahalagang sandali sa gawain ng sambahayan ng Diyos, na buong-tapang na umaako ng mabigat na pasanin at hindi takot na magtiis ng mga paghihirap at panganib kapag nakita niya ang gawain na pinaka-importante at pinakamahalaga. Iyon ay isang taong tapat sa Diyos, isang mabuting sundalo ni Cristo. Ito ba ay ang kaso kung saan ang lahat ng natatakot na umako ng responsabilidad sa kanilang tungkulin ay ginagawa iyon dahil hindi sila nakakaunawa sa katotohanan? Hindi; may problema sa kanilang pagkatao. Wala silang pagpapahalaga sa katarungan o responsabilidad, sila ay mga taong makasarili at kasuklam-suklam, sila ay hindi mga sinserong mananampalataya sa Diyos, at hindi nila tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti. Dahil lang sa dahilan na ito, hindi sila maliligtas. … Kung palagi mong pinoprotektahan ang iyong sarili sa tuwing may nangyayari sa iyo, at iniiwanan mong bukas ang isang pinto o lusutan para sa iyong sarili, isinasagawa mo ba ang katotohanan? Hindi ito pagsasagawa sa katotohanan—pagiging tuso ito. Gumagampan ka ngayon ng iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Ano ang unang prinsipyo sa pagtupad ng isang tungkulin? Ito ay na kailangan mo munang gampanan ang tungkuling iyon nang buong puso, lubos na pagsikapan, at protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ito ay isang katotohanang prinsipyo, isa na dapat mong isagawa. Ang pagprotekta sa sarili sa pamamagitan ng pag-iiwan para sa sarili ng isang bukas na pinto o lusutan ay ang prinsipyo ng pagsasagawa na sinusunod ng mga walang pananampalataya, at ang kanilang pinakamataas na pilosopiya. Sa lahat ng bagay, ang pagsasaalang-alang muna sa sarili, paglalagay sa sariling interes bago ang lahat, at hindi pag-iisip sa iba, naniniwala na ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at mga interes ng iba ay walang kinalaman sa sarili, iniisip muna ang mga sariling interes at pagkatapos ay nag-iisip ng isang ruta sa pagtakas—hindi ba’t iyon ay kung ano ang isang walang pananampalataya? Ito eksakto ang isang walang pananampalataya. Ang ganitong uri ng tao ay hindi karapat-dapat na gumampan ng isang tungkulin” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Unang Bahagi)). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, para akong sinasaksak sa puso. Inilantad ng Diyos na ang klase ng mga taong makasarili, mababang-uri, at tuso ay takot na managot. Kapag may dumarating sa kanilang mga sitwasyon, palagi nilang inuuna ang sarili nilang mga interes, at palagi nilang iniisip kung paano mag-iwan ng daan palabas para sa kanilang sarili, sa halip na protektahan ang mga interes ng iglesia. Ayaw nilang umako ng kahit anong responsabilidad. Ang ganitong uri ng tao ay hindi tumatanggap ng katotohanan at walang pagkatao. Sila ay mga walang pananampalataya sa mga mata ng Diyos, at hindi sila karapat-dapat na gumawa ng mga tungkulin. Ganoon nga mismo akong klase ng tao. Ilang taon na akong nililinang ng sambahayan ng Diyos para gawin ang gawain ng pag-aalis, at natutunan ko na ang ilang kaugnay na prinsipyo at naunawaan ko na ang ilang landas para harapin ang mga problema. Nang italaga ako ng mga lider na maging lider ng pangkat, nag-alala ako na papanagutin ako kapag hindi ko nagawa nang maayos ang gawain. Para protektahan ang sarili kong mga interes, naghanap ako ng iba’t ibang dahilan at palusot, tulad ng mahina ang kakayahan ko at mahina ang kapabilidad ko sa gawain, para magpaligoy-ligoy at umiwas. Alam na alam ko kung ano ang kailangan ng gawain ng iglesia, at na ako ay isang angkop na kandidato, pero nagpakatuso ako at ayaw kong maging lider ng pangkat o umako ng anumang responsabilidad dahil isinasaalang-alang ko ang sarili kong kinalabasan at hantungan. Iyong mga walang pananampalataya na pakinabang ang inuuna ay palaging nagkakalkula at nagpapakana para sa sarili nilang mga interes sa lahat ng kanilang ginagawa; ginagawa nila kung ano ang kapaki-pakinabang sa kanila. Lahat ng iniisip at ideya ko ay para din sa sarili kong kapakinabangan, at kapag dumarating ang gawaing may kaakibat na responsabilidad, nagiging tuso ako at umaatras. Wala akong kahit katiting na katapatan o pagpapasakop sa Diyos, at walang ipinagkaiba sa isang walang pananampalataya o hindi mananampalataya. Talagang hindi ako karapat-dapat na gumawa ng mga tungkulin! Nang maunawaan ko ito, napuno ako ng pagsisisi at sinisi ko ang sarili ko.
Kalaunan, pinagnilayan ko ang aking sarili: Bakit, sa kabila ng maraming taon kong pananampalataya sa Diyos, palagi kong gustong tanggihan ang aking tungkulin? Ano ang pinakaugat ng problema? Isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi kailanman sinusunod ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at palagi nilang mahigpit na iniuugnay ang kanilang tungkulin, kasikatan, pakinabang, at katayuan sa inaasam nilang pagkamit ng mga pagpapala at sa kanilang hantungan sa hinaharap, na para bang sa sandaling mawala ang kanilang reputasyon at katayuan, wala na silang pag-asang magkamit ng mga pagpapala at gantimpala, at pakiramdam nila ay katulad ito ng mawalan ng buhay. Iniisip nila, ‘Kailangan kong mag-ingat, hindi ako dapat maging pabaya! Ang sambahayan ng diyos, ang mga kapatid, ang mga lider at manggagawa, at maging ang diyos ay hindi maaasahan. Hindi ko mapagkakatiwalaan ang sinuman sa kanila. Ang taong pinakamaaasahan mo at ang pinakakarapat-dapat mong pagkatiwalaan ay ang iyong sarili. Kung hindi ka nagpaplano para sa iyong sarili, sino ang magmamalasakit sa iyo? Sino ang mag-iisip sa kinabukasan mo? Sino ang mag-iisip kung makatatanggap ka ba ng mga pagpapala o hindi? Kaya, kailangan kong magplano at magkalkula nang maingat para sa sarili kong kapakanan. Hindi ako puwedeng magkamali o maging pabaya kahit kaunti, kung hindi, ano ang gagawin ko kung may sumubok na manamantala sa akin?’ Kaya, nagiging mapagbantay sila laban sa mga lider at manggagawa ng sambahayan ng Diyos, natatakot na may makakilatis o makahalata sa kanila, at na pagkatapos ay matatanggal sila at masisira ang mga pinapangarap nilang pagpapala. Iniisip nila na dapat nilang panatilihin ang kanilang reputasyon at katayuan para magkaroon sila ng pag-asang magkamit ng mga pagpapala. Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na pasok sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na pasok sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin o pagkomentuhan pa, samantalang ang pagkakamit ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Inilantad ng Diyos na hindi kayang magpasakop ng mga anticristo sa tungkuling isinaayos para sa kanila ng iglesia dahil labis nilang pinahahalagahan ang pagtanggap ng mga pagpapala. Walang pinagkakatiwalaan ang mga anticristo kundi ang kanilang mga sarili. Naniniwala sila na puwede lang silang umasa sa sarili nila, na sila lang ang tunay na mangangalaga sa kanilang sarili, at na kailangan nilang maging maingat at mapagmatyag sa bawat pagkakataon, takot na takot na ang pagpapasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos ay makasasama sa mga pagpapala nila at makasisira sa kanilang mga pangarap na magkamit ng mga pagpapala. Sa pagninilay-nilay sa aking sarili, hindi ba’t pareho lang ang pag-uugali ko sa isang anticristo? Labis kong pinahalagahan ang pagkakamit ng mga pagpapala. Isinaayos ng iglesia na maging superbisor ako at pagkatapos ay lider ng pangkat, pero hindi ko mapigilang isaalang-alang ang sarili kong kinalabasan at hantungan, nagiging maingat at mapagkalkula. Naisip kong ang paggawa ng mga tungkulin ng isang superbisor o lider ng pangkat ay may kaakibat na malalaking responsabilidad, at na kapag hindi ko nagawa nang maayos ang gawain, makakagawa ako ng mga pagsalangsang. Kung malubha ang mga ito, maaari pa akong mabunyag at matiwalag. Sa isang banda, ang mga ordinaryong miyembro ng pangkat ay may maliit na responsabilidad, at kahit na hindi ko makakamit ang anumang natatanging merito, hindi naman ako makakagawa ng mga pagsalangsang at mabubunyag at matitiwalag. Ang inisip ko lang ay ang kumilos sa kung ano ang makabubuti sa akin, at hindi ko man lang isinaalang-alang ang mga interes ng iglesia. Lubos akong namumuhay na umaasa sa mga satanikong lason tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Huwag humanap ng biyaya, kundi umiwas na masisi,” at “Sa pag-iingat nagmumula ang kaligtasan.” Inakala kong ganap na likas na isaalang-alang ang sarili kong mga interes—kahangalan kung hindi. Ang layunin ng Diyos ay hayaan akong magtamo ng higit na pagsasanay sa pamamagitan ng pagiging isang superbisor at lider ng pangkat, at magawang hanapin ang katotohanan upang kumilos ayon sa prinsipyo. Gayumpaman, pinaghinalaan ko ang Diyos batay sa baluktot kong pananaw. Pakiramdam ko, ang pagiging superbisor ko ay isang paraan para ibunyag at itiwalag ako. Itinuring ko ang Diyos na katulad ng lahat ng tao sa mundo na may katayuan at kapangyarihan, na hindi naman tiyak na patas at matuwid sa mga tao; at na ang mga taong nakagawa ng pinakamaliit na pagkakamali ay ititiwalag. Hindi ba’t kalapastanganan ito laban sa Diyos? Napakamapanlinlang at napakabuktot ko! Ganap na likas at may katwiran na manampalataya sa Diyos at gawin ang tungkulin ng isang nilikha, na isang responsabilidad na sa ngalan ng dangal ay hindi ko dapat iwasan. Gayumpaman, napinsala ako ng mga satanikong lason, at naging makasarili, buktot, at mapanlinlang. Tinanggihan ko ang aking tungkulin nang paulit-ulit para pangalagaan ang aking mga interes, at hindi ako nagpakita ng kahit katiting na pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Ang pamumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiyang ito ay magdudulot lang sa akin na lalo pang labanan ang Diyos, at sa huli ay itataboy at ititiwalag ako ng Diyos. Nang maunawaan ko ito, napuno ako ng pagsisisi at sinisi ko ang sarili ko, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, napakamakasarili ko, mababang-uri, buktot, at mapanlinlang. Mula nang magsimula akong manampalataya sa Iyo, mga pagpapala lang ang hinangad ko at hindi ko isinaalang-alang ang Iyong mga layunin o inisip ang gawain ng iglesia. Mahal na Diyos, handa akong magsisi, at tumigil sa paglakad sa maling landas.”
Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos, at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa mga prinsipyo ng pagtrato ng sambahayan ng Diyos sa mga tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi naniniwala ang ilang tao na tinatrato nang patas ng sambahayan ng Diyos ang mga tao. Hindi sila naniniwala na naghahari ang Diyos sa Kanyang sambahayan, at na naghahari doon ang katotohanan. Naniniwala sila na anumang tungkulin ang ginagawa ng isang tao, kung magkakaroon ng problema roon, pangangasiwaan kaagad ng sambahayan ng Diyos ang taong iyon, tatanggalin ang kanyang karapatan na gumawa ng tungkulin, palalayasin siya, o papaalisin pa nga siya sa iglesia. Ganoon ba talaga ang kaso? Siguradong hindi. Pinakikitunguhan ng sambahayan ng Diyos ang bawat tao ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ang Diyos ay matuwid sa Kanyang pagtrato sa bawat tao. Hindi lamang Niya tinitingnan kung paano kumilos ang isang tao sa isang pagkakataon; tinitingnan Niya ang kalikasang diwa ng isang tao, ang mga intensyon nito, at ang saloobin nito. Sa partikular, kapag nagkakamali ang isang tao, tinitingnan Niya kung kaya ba nitong pagnilayan ang sarili nito, kung nagsisisi ba ito, at kung kaya ba nitong matarok ang diwa ng problema batay sa Kanyang mga salita, nang sa gayon ay nagagawa nitong maunawaan ang katotohanan, kamuhian ang sarili nito, at tunay na magsisi. Kung walang tamang saloobin ang isang tao, at ganap na siyang nabahiran ng mga personal na intensyon, kung puno siya ng mga tusong pakana at walang ibang ibinubunyag kundi mga tiwaling disposisyon, at kung, kapag may mga lumilitaw na problema, nauuwi pa nga siya sa pagkukunwari, mapanlinlang na pangangatwiran, at pagpapalusot, at nagmamatigas na tumatangging aminin ang kanyang mga pagkakamali, kung gayon, ang ganoong tao ay hindi maliligtas. Hindi talaga niya tinatanggap ang katotohanan, at hindi siya tamang tao; ganap na siyang nabunyag. Iyong mga hindi kayang tanggapin ang katotohanan kahit kaunti ay mga hindi mananampalataya sa diwa at maaari lamang na itiwalag. … Sabihin ninyo sa Akin, kung nakagawa ng pagkakamali ang isang tao, ngunit naaabot niya ang isang tunay na pagkaunawa at handa siyang magsisi, hindi ba’t bibigyan siya ng pagkakataon ng sambahayan ng Diyos? Habang papatapos na ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, napakaraming tungkuling kailangang magawa. Pero kung wala kang konsensiya o katwiran, at hindi mo inaasikaso ang iyong nararapat na gawain, kung nagkaroon ka ng pagkakataong gawin ang isang tungkulin ngunit hindi mo alam kung paano iyon pahahalagahan, kung hindi mo hinahangad ang katotohanan kahit kaunti, nang hinahayaan mong makalampas ang pinakamagandang pagkakataon, kung gayon ay mabubunyag ka” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan at katuwiran ang naghahari. Nagtatanggal at nagtitiwalag ng mga tao ang sambahayan ng Diyos ayon sa mga prinsipyo, at walang sinumang basta-basta na lang pakikitunguhan dahil sa kanilang pag-uugali sa isang partikular na oras o sa isang partikular na bagay. Lahat ito ay nakabatay sa palagiang pag-uugali ng mga tao, sa kanilang saloobin sa pagtanggap ng katotohanan, at kung tunay ba silang nagsisi. Kung ang isang tao ay palaging nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia, at hindi nagsisisi o nagbabago gaano man siya tulungan ng iba, ang gayong tao ay tatanggalin at ititiwalag. Gayumpaman, kung ang isang tao ay nagbubunyag ng tiwaling disposisyon kapag ginagawa ang kanyang tungkulin o nagdudulot ng paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia, ngunit kaya niyang agad na magnilay sa sarili, makaunawa, magsisi, at magbago, bibigyan pa rin siya ng sambahayan ng Diyos ng ibang mga pagkakataon na gumawa ng mga tungkulin. Naisip ko rin kung paanong mula nang magsimula akong gumawa ng gawain ng pag-aalis, nagdulot ako ng pagkagambala at kaguluhan sa gawain dahil hindi ko naunawaan ang mga prinsipyo, at nakagawa ako ng pagsalangsang dahil doon. Gayumpaman, hindi ako tinanggal o itiniwalag ng sambahayan ng Diyos dahil sa aking mga pagsalangsang, bagkus ay nakipagbahaginan sila at tinulungan ako. Pagkatapos, dahil handa akong magsisi, pinayagan akong magpatuloy na gumawa ng mga tungkulin. Tungkol naman sa mga tinanggal at itiniwalag, hindi ito dahil sa paggawa nila ng mga tungkulin bilang mga lider ng pangkat o superbisor, kundi dahil mali ang landas na tinatahak nila. Nakagawa sila ng pagsalangsang, pero hindi nila tinanggap ang pagpupungos, at hindi sila nagsisi. Saka lang sila tinanggal at itiniwalag. Naisip ko ang isang sister sa pangkat na hindi superbisor. Habang ginagawa niya ang kanyang tungkulin, nakipagkompetensiya siya para sa kasikatan at pakinabang laban sa mga sister na katrabaho niya at sinabotahe sila nang hindi nila nalalaman. Ginambala at ginulo nito ang gawain ng iglesia, at hindi siya nagsisi pagkatapos ng pagbabahaginan. Sa huli, tinanggal siya. Isa pa, tinanggal ang dating dalawang superbisor hindi dahil sa malalaking responsabilidad na pinasan nila, kundi dahil palagi nilang hindi hinahangad ang katotohanan at hindi gumagawa ng tunay na gawain. Nang pinungusan sila o nang nakipagbahaginan sa kanila ang kanilang mga kapatid para tumulong sa kanila, hindi sila tunay na nagsisi o nagbago. Ang pagkakatanggal nila ay ganap na walang kaugnayan sa kung anong mga tungkulin ang ginawa nila o kung gaano kalaki ang kanilang mga responsabilidad. Napagtanto kong ang paniniwala ko na delikado ang pagiging lider ng pangkat dahil sa malaking responsabilidad na kaakibat nito, at na ang pagiging miyembro ng pangkat ay medyo ligtas at panatag ay walang-katotohanan at kakatwa, at hindi umaayon sa katotohanang prinsipyo. Binigyan ako ng sambahayan ng Diyos ng pagkakataon para gumawa ng mga tungkulin, at ang layunin ng Diyos ay para hanapin ko ang katotohanan sa mga tao, pangyayari, at bagay na dumarating sa akin, at na maaarok at mauunawaan ko ang mas maraming katotohanang prinsipyo. Dapat sana ay pinahalagahan ko itong pambihirang pagkakataon at tinanggap ang aking tungkulin.
Kalaunan, nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos, at nakahanap ako ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat siyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging deboto sa tungkulin na dapat niyang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi kulang sa dedikasyon dito, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng pagkamatapat. Ang isa pa ay ang paggampan nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa nang maayos sa mga gampaning ipinagkatiwala sa iyo ng sambahayan ng Diyos, at pagbubuhos ng iyong puso at pagmamahal sa iyong tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o napupunta sa aba. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang bokasyong mula sa langit, at dapat niya itong gampanan nang hindi naghahanap ng gantimpala, at nang walang mga kondisyon o dahilan. Ito lang ang matatawag na paggampan sa tungkulin ng isang tao. … Hindi mo dapat gampanan ang iyong tungkulin alang-alang sa pagtanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging gampanan ang tungkulin mo dahil sa takot na mapunta sa aba. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang paggampan ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya ginagampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Sinasabi ng Diyos na ang matatapat na tao ay kayang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, at magbuhos ng kanilang puso at lakas sa paggawa nang maayos ng kanilang tungkulin. Hindi sila nagpapakana para sa kanilang sarili, o isinasaalang-alang ang mga pakinabang at pagkalugi sa sarili nilang mga interes. Bukod dito, ang tungkulin ay isang responsabilidad na sa ngalan ng dangal ay hindi natin maiiwasan, at wala itong anumang kinalaman sa kung anong mga pagpapala ang natatanggap natin o kung anong mga kasawian ang dinaranas natin. Hindi tayo dapat tumanggi sa tungkulin dahil takot tayo sa kasawian, ni hindi dapat tanggapin ang tungkulin alang-alang sa mga pagpapala. Ganap na likas at may katwiran na tuparin ng mga tao ang kanilang mga tungkulin. Matapos maunawaan ito, alam ko na kung paano pakikitunguhan ang aking tungkulin. Bagama’t katamtaman lang ang kakayahan at kapabilidad ko sa gawain, bilang isang nilikha, kailangan kong gawin ang nararapat kong gawin. Puwede akong mas maghanap tungkol sa mga bagay na hindi ko naiintindihan habang ginagawa ang tungkulin ko, at, sa abot ng aking kakayahan at mga abilidad, gagawin ko ang lahat para tuparin nang maayos ang tungkuling dapat kong tuparin. Ito ang saloobing dapat mayroon ako. Para mabayaran ang mga utang ko noon, aktibo akong nag-alok na tulungan ang aking mga kapatid na mag-organisa ng mga materyal sa pag-aalis, at pumayag ang mga lider. Bagama’t wala pa akong gaanong natatamo na pagpasok o mga pagbabago, sa pamamagitan ng pagkakabunyag sa pagkakataong ito, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa mga maling perspektiba sa likod ng aking paghahangad sa pananalig ko, natutunan ko kung paano gawin nang maayos ang aking tungkulin para magpakita ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos, at handa akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Xu Hui, TsinaNoong 2010, sa isang medikal na pagsusuri, na-diagnose ako na may chronic hepatitis B na may positibong mga antigen. Noong...
Ni Li Jie, TsinaSa pagtatapos ng 2022, isang umaga, nang bumangon ako, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Akala ko kasi ay bigla-bigla...
Ni Zi Cheng, TsinaNoong Abril 2024, lumala ang mga sakit ng ulo ko, at pagkagising ko sa umaga, nagsisimula kong maramdamang namamaga at...
Ni Zhuanyi, TsinaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Lahat ng gawaing ginagawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa...