Hinadlangan Ako ng Aking Pastor sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos

Pebrero 14, 2022

Ni Donald, Vietnam

Noong Nobyembre 2020, inimbitahan ako ng isang brother na sumali sa isang pagtitipon online. Naisip ko na pare-pareho palagi ang naririnig kong mga sermon na hindi nagbigay ng espirituwal na panustos sa aking iglesia, kaya baka sakaling makapagbigay ng higit na panustos ang isang banyagang pastor na nagdaraos ng samba online. Agad akong pumayag. Sa loob ng ilang araw na pagbabahaginan, natanto ko na kamangha-mangha ang mga sermon, at tungkol sa mga bagay na noon ko lang narinig, na maraming bagong kaliwanagan na talagang nagpalakas sa akin. Nalaman ko na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at na nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Pumarito Siya para padalisayin at iligtas ang sangkatauhan upang tayo ay lubos na makaalpas sa mga gapos ng kasalanan, maging mga taong tunay na nagpapasakop at sumasamba sa Diyos, at madala sa kaharian ng Diyos. Tuwang-tuwa ako at ibinahagi ko ang lahat ng ito sa isang brother na malayo kong kamag-anak, pero ang nakakagulat, hindi lang siya tumangging makinig, sinabi pa niya sa pastor ko ang lahat tungkol sa mga pagtitipon online na dinadaluhan ko.

Tapos ay isinugo ng pastor ang tatlong lider ng iglesia sa bahay ko para alamin kung sino ang naghikayat sa akin na dumalo sa mga pagtitipong ito online, anong denominasyon ang mga pagtitipong ito, at tagasaan ang mangangaral. Sabi ko sa kanila, “Hindi ito anumang partikular na denominasyon. Nagbalik na ang Panginoong Jesus at gumagawa ng gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos. Marami na akong nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Malinaw Niyang sinasabi sa atin ang ugat ng pagiging makasalanan ng tao, kung paano matakasan ang mga gapos ng kasalanan at malinis, at talagang nagbibigay rin ng kaliwanagan ang pagbabahagi ng mga kapatid.” Pero sabi ng mga lider, “Hindi mahalaga kung gaano sila kagaling magsalita. Anumang balita ng pagbabalik ng Panginoon ay hindi totoo, dahil ang sabi ng Panginoong Jesus sa Bibliya, ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Lumilitaw ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw para iligaw ang mga tao, kaya anumang pananampalatayang nagsasabi na nagbalik na ang Panginoon ay siguradong hindi totoo. Paano mo nagawang makinig sa kanila?” Nang sabihin nila ito, naisip ko na sinabi iyon ng Panginoong Jesus para magkaroon tayo ng pagkakilala sa mga huwad na Cristo, hindi para maging masyado tayong maingat na ni hindi pa natin sasalubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Sa mga pagtitipon online, naibahagi ni Brother Isaac ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan ukol sa pagkilala sa pagitan ng tunay na Cristo at ng mga huwad na Cristo at binasa ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga haka-haka ng tao; halimbawa, ipinropesiya sa Lumang Tipan ang pagparito ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagparito ni Jesus. Dahil nangyari na ito, magiging mali na muling may pumaritong isa pang Mesiyas. Pumarito nang minsan si Jesus, at magiging mali kung paparitong muli si Jesus sa pagkakataong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at bawat pangalan ay may paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon). Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang pagbabahagi ni Isaac ay nagpaunawa sa akin na nang sabihin ng Panginoong Jesus na “May magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan,” sinasabi Niya sa atin na inililigaw ng mga huwad na Cristo ang mga tao gamit ang mga tanda at kababalaghan. Kaya sinumang nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan at tinatawag ang kanyang sarili na Diyos ay tiyak na isang huwad na Cristo, isang masamang espiritu. Sapagkat ang Diyos ay palaging bago, hindi kailanman luma, at hindi Niya inuulit kailanman ang Kanyang gawain. Kapag nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw, hindi Niya gagawin ang gawaing kapareho ng sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang Makapangyarihang Diyos ay hindi nagpapakita ng mga tanda at kababalaghan sa mga huling araw, kundi nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, upang linisin at iligtas ang tao. Napakarami nang katotohanang naipahayag ang Makapangyarihang Diyos. Siya si Cristo, ang nagbalik na Panginoong Jesus. Sa ideyang ito’y kumontra ako, na nagsasabing, “Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na maglilitawan ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw, pero hindi iyon para pigilan tayong sumalubong sa Panginoon! Dahil lang sa may mga huwad na Cristo sa mga huling araw, naghuhusga ka nang mali ang lahat ng patotoo tungkol sa pagdating ng Panginoon. Hindi ba pagtanggi at pagkondena rin iyan sa pagbabalik ng Panginoon? Kakatwa iyan! Si Cristo ang Isa na maaaring magpahayag ng katotohanan at gumawa ng gawaing iligtas ang sangkatauhan, pero ang mga huwad na Cristo una sa lahat ay masasamang espiritu at hindi kayang magpahayag ng katotohanan. Ginagaya lang nila ang dating gawain ng Diyos at nagpapakita sila ng ilang simpleng tanda at kababalaghan para linlangin ang mga tao. Ito ang paraan na makikilala natin ang mga huwad na Cristo sa tunay na Cristo. Hind ba ang paggawa ng mga bagay sa sarili mong paraan ay mauuwi sa pagsasara ng pintuan sa Panginoong Jesus?” Hindi nila alam kung ano ang isasagot doon, kaya binantaan lang nila ako, na sinasabing kung patuloy akong dadalo sa mga pagtitipong iyon online, walang matatanggap na tulong ang pamilya ko mula sa kanila sa hinaharap. Sa Vietnam, hinihiling namin ang mga panalangin ng aming mga pastor para sa lahat ng bagay, malaki at maliit. Kapag may namatay o may iba pang pangyayari sa buhay, lagi naming pinatutulong ang mga pastor. Kung hindi sila dumating, wala ring mga brother o sister na darating para tumulong. Kaya medyo nag-alala ako nang sabihin ng mga lider na hindi na sila tutulong. Paano namin aasikasuhin ang mga usapin ng aming pamilya? Kahit alam kong mali ang mga pastor ng iglesia, nabalisa pa rin ako dahil kakaunti lang ang katotohanang naunawaan ko. Nag-alala rin ako tungkol sa pagharap sa mga problema sa buhay nang walang tulong ng pastor. Pero inisip ko kung paanong lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at kung paano nagmumula ang lahat ng iyon sa Diyos. Pakiramdam ko ay malamang na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Paano kung nakinig ako sa mga lider, tumigil sa pagdalo sa mga sermon online, at nalagpasan ng pagliligtas ng Panginoon sa mga huling araw? Nagtalo talaga ang kalooban ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nakita ko na binabantaan ako ng mga lider, at alam ko na kung patuloy akong dadalo sa mga pagtitipon online at makikinig sa mga sermon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, hindi sila susuko. Naisip ko na puwede akong magkunwaring sumasang-ayon, tapos ay dadalo akong muli nang palihim pag-alis nila. Pero hindi sila tumigil doon. Iginiit nila na ilabas ko ang cellphone ko at i-delete ang mga online group na may kaugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinumang may kontak doon noon mismo. Ayaw kong gawin iyon, kaya sinadya kong ipagpaliban iyon, iniisip na baka umalis na sila kung patuloy kong hindi ibibigay sa kanila ang cellphone ko. Pero hinimok ako ng asawa ko na makinig sa kanila, na sinasabi na ginagawa nila iyon dahil sa pagmamahal. Pinag-isipan ko kung paanong kung talagang mahal nila kami, dapat nila kaming gabayan na siyasatin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa halip, hinusgahan at kinondena nila ang bagong gawain ng Diyos at hinadlangan akong basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hinahadlangan nila akong salubungin ang Panginoon. Pagmamahal ba iyon? Maghahatinggabi na, at ayaw pa rin nilang umalis, na ipinipilit na ibigay ko sa kanila ang cellphone ko. Sa huli, dahil wala na akong ibang magagawa, ibinigay ko iyon sa kanila, at binura nila ang mga detalye ng kontak para sa lahat ng grupo ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ibinlock silang lahat. Binalaan nila ako na kapag sinuway ko sila at patuloy akong nakinig sa mga sermon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos online, patatalsikin nila ako sa iglesia. Natakot talaga ako nang marinig ko iyon. Kung patuloy akong dadalo sa mga pagtitipong iyon at may nangyari sa pamilya ko, ano ang gagawin namin kung hindi kami tutulungan at susuportahan ng mga pastor? Ano ang gagawin ng mga anak namin kapag diniborsyo ako ng asawa ko? Naging miserable ako sa mga ideyang ito, kaya nagkasya na lang ako sa pagsasabing, “Titigil na ako sa pagdalo.” Nang marinig ito ng isang lider, ngumiti siya at sinabing, “Ganyan. Patuloy ka na lang dumalo sa mga samba sa iglesia natin.”

Matapos kong lisanin ang grupo sa online, wala na akong ibang nagawa kundi bumalik sa dating iglesia. Doon sa iglesia, laging binabanggit ng pastor ang biyaya o kaya’y mga handog, at basta na lang siya pumipili ng ilang talatang tatalakayin. Paulit-ulit ang mga sinasabi niya nang walang anumang bagong kaliwanagan. Kung minsan kapag hindi niya alam ang sasabihin ay nagbibiro na lang siya. Malayong maging kapaki-pakinabang iyon sa buhay, at nakakatulog pa ang ilang mananampalataya sa oras ng samba. Bukod pa riyan, ipinagdarasal lang ng pastor ang mga tagaparokya na nagbigay ng mas maraming handog, at binabalewala ang mga walang gaanong maibigay. Sa nakikita kong ito ay naisip ko ang pagbabahagi ng mga kapatid mula sa mga pagtitipon online. Sinabi nila na mapanglaw ang mundo ng mga relihiyon, dahil gumagawa ng bagong gawain ang Diyos, hindi gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga iglesia mula sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung wala ang gawain ng Banal na Espiritu, ang mga sermon ng mga pastor ay paulit-ulit lang, at hindi makatutustos para sa mga tao. Nang pag-isipan ito, alam ko sa puso ko na talagang hindi taglay ng iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu. Dati-rati, lagi ang sigla namin sa mga samba namin sa iglesia, pero ngayon ay ayaw na naming magsimba, kahit katabi lang ng bahay namin ang iglesia. Inalala ko kung gaano katindi ang liwanag na taglay ng pagbabahagi ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at kung gaano ako napangalagaan niyon. Maraming taon na akong nakikinig sa mga sermon ng pastor, pero hindi pa rin malinaw sa akin ang mga katotohanan gaya ng plano ng pamamahala ng Diyos para sa kaligtasan, kung paano Siya gumawa sa mga Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya, ano ang mga bunga ng Kanyang gawain, o paano hinahatulan ng Diyos ang mga tao sa mga huling araw. Alam ko lang na kailangan kong manampalataya. Mula nang mabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naging malinaw sa akin ang lahat. Natuklasan ko ang lahat ng hiwaga ng gawain ng Diyos, at mas lalong naipaunawa sa akin ng pakikitipon ko sa mga kapatid ang gawain ng Diyos. Nakita ko na talaga ngang taglay ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng Banal na Espiritu, na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at na ang Makapangyarihang Diyos ay malamang na ang nagbalik na Panginoong Jesus. Tuwing maaalala ko ang lahat ng natutuhan ko mula sa mga pagtitipon online, napupuno ng saya at galak ang puso ko. Naisip ko sa sarili ko na malinaw kong alam na nagbalik na ang Diyos para gumawa ng bagong gawain, at na kung hindi ako sumali sa mga pagtitipong iyon at nagbasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, baka lumagpas ang pagkakataon kong maligtas. Gustung-gusto kong sumali sa mga kapatid na iyon sa iba pang mga pagtitipon, pero hindi ko magawa, dahil binura na ng mga pastor ang lahat ng impormasyon para makontak sila. Nagugutom ang aking espiritu, at pakiramdam ko’y nawala na sa akin ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Naging miserable ako, hungkag, at nasasaktan. Nagdasal ako bawat araw, na hinihiling sa Diyos na magpakita sa akin ng isang daan palabas.

Salamat sa Diyos, dininig nga Niya ang aking mga dalangin. Hindi nagtagal, isang sister at isang brother mula sa Laos ang nakipag-ugnayan sa akin sa Facebook. Sinabi nila sa akin na sa ilang araw na iyon na hindi kami nagkausap, alalang-alala sila sa akin, at sinubukan nilang hanapin ako. Talagang naantig ako at labis akong nagpasalamat sa Diyos. Nadama ko ang pagmamahal ng Diyos, na ginagawa Niya talaga ang lahat sa pagliligtas sa atin, at hindi Niya tayo pinababayaan kailanman! Nag-aalala na baka nalulungkot ako at nanghihina, pinadalhan nila ako ng ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis akong naapektuhan ng isang sipi. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag ang Diyos ay gumagawa, nagmamalasakit sa isang tao, at nagmamasid sa taong ito, at kapag pinapaboran at sinasang-ayunan Niya ang taong ito, nakabuntot din nang malapitan si Satanas, tinatangkang linlangin ang taong ito at ilagay sa kapahamakan. Kung nais ng Diyos na makamit ang taong ito, gagawin ni Satanas ang lahat ng makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at pinsalain ang gawain ng Diyos, upang makamit ang natatagong layon nito. Ano ang layon nito? Ayaw nito na makamit ng Diyos ang sinuman; nais nitong agawin ang pagmamay-ari sa mga taong nais makamit ng Diyos, gusto nitong kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito nang sa gayon ay samahan nila ito sa paggawa ng mga kasamaan, at labanan ang Diyos. Hindi ba ito ang masamang layunin ni Satanas? … Sa pakikipagdigma sa Diyos at pagsunud-sunod sa likuran Niya, ang layunin ni Satanas ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, ang sakupin at kontrolin ang mga nais na makuha ng Diyos, ang ganap na puksain ang mga nais na makuha ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa, sila kung gayon ay aangkinin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV). Ibinahagi ng sister, “Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na kahit mga tao ang gumagambala sa atin, nang-aapi sa atin, at humahadlang sa ating daan, sa likod niyon ay naroon ang mga pagmamanipula at paggambala ni Satanas. Gumagawa ang Diyos para iligtas tayo samantalang ginagamit ni Satanas ang lahat ng uri ng tao para apihin at harangan tayo upang tanggihan at pagtaksilan natin ang Diyos, at mawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Ito ang masamang intensyon ni Satanas. Ito ang panahon na kailangan nating manindigan, at makilala ang mga tao at bagay na ito, at piliin ang sarili nating landas ng pananampalataya. Yamang narinig na natin ang tinig ng Diyos, kailangan nating sundang maigi ang Kanyang mga yapak. Ito lang ang paraan para manindigan sa tunay na daan.” Naliwanagan ako sa kanyang pagbabahagi. Hindi ako pinayagan ng mga lider na dumalo sa mga pagtitipon online at puwersahang binura ang grupo mula sa cellphone ko para hindi raw ako mailigaw, at nagmukha itong nanggaling sa isang lugar na may pagmamahal at pagtulong. Pero ang totoo, ginugulo nila ako, hinahadlangan sa aking daan, pinipigilan akong salubungin ang Panginoon, pinipilit akong hatakin pabalik sa mundo ng mga relihiyon para ganap na mawala sa akin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Inihayag din ng mga paghadlang ng mga pastor kung gaano kababaw ang aking pananampalataya, gaano kahina ang loob ko. Basta ko na lang inabot ang cellphone ko sa pastor, kaya naputol ang kontak ko sa mga kapatid, at sa puwersahang pagbalik ko sa dating iglesia, kaya nawala ang pagtustos ng Diyos at nabuhay ako sa kadiliman. Kung hindi sa paggamit ng mga kapatid ng lahat ng posibleng paraan para mahanap ako, muntik ko nang sundin ang pastor at isuko ang tunay na daan—napakadelikado! Hindi na ako maaaring sumukong muli kay Satanas. Nagpasya akong patuloy na basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, anuman ang gawin ng pastor para hadlangan ako. Pinadalhan ako ng isang brother ng ilang video ng patotoo pagkatapos niyon tungkol sa mga bagay na tulad ng pag-aresto at pang-uusig ng pamahalaan ng Tsino sa mga kapatid, at kung paano sila tumayong saksi para sa Diyos sa gitna ng matinding pagpapahirap. Tunay ang kanilang pananampalataya! Kung ikukumpara, hindi ako nanindigan at bumigay ako sa kakaunting paggambala lang ng pastor. Kumpara sa mga kapatid na iyon napakalayo pa ng tatahakin ko. Alam ko na kailangan kong sumandig sa Diyos para malampasan ang lahat ng ito, at na kailangan kong tumatag paano man ako itakwil ng pamilya ko o paano man ako apihin o hadlangan ng pastor. Nagpasya akong patuloy na sumunod sa Makapangyarihang Diyos at mag-online para sa mga sermon at pagtitipon.

Sinubukan ng mga pastor at lider ang iba pang mga bagay pagkatapos nito para pigilan akong sumali sa mga pagtitipon online. Iniligaw pa nila ako, na sinasabing, “Hinirang ng Diyos ang pastor, gusto ng Diyos na bantayan ang Kanyang mga tupa, kaya pananagutan ka namin. Kaya nga kailangan naming subaybayan ang mga dinadaluhan mong pagtitipon online, at burahin ang mga kontak na iyon ay para sa sarili mong kabutihan. Kung hindi namin babantayan ang mga tupa ng Diyos, hahatulan kami ng Panginoon pagbalik Niya.” May naalala akong ibinahagi ng isang brother sa isang pagtitipon online tungkol sa kung talaga bang hinirang ng Diyos ang mga pastor. Sabi niya, “May mga salita mula sa Diyos na magsisilbing batayan para sa sinumang itinalaga o kinasangkapan Niya. Sa Kapanahunan ng Kautusan, nang italaga ng Diyos na si Jehova si Moises para sa mga Israelita, personal Niyang sinabi kay Moises, ‘Tunay na Ako’y sasaiyo; at ito’y magiging tanda sa iyo, na ikaw ay Aking sinugo: Kapag iyong nailabas na sa Ehipto ang bayan ay maglilingkod kayo sa Diyos sa bundok na ito(Exodo 3:12). Sa Kapanahunan ng Biyaya, nangusap ang Panginoong Jesus bilang katibayan ng pag-aatas Niya kay Pedro na gabayan ang mga iglesia: ‘At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay si Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesia; at ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi magsisipanaig laban dito. At ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit(Mateo 16:18–19). ‘Alagaan mo ang Aking mga tupa(Juan 21:16). Makikita natin na personal na nagpapatotoo ang Diyos doon sa mga hinihirang at kinakasangkapan Niya. Taglay nito ang mga salita ng Diyos bilang katibayan. Kung wala ang katibayan ng salita ng Diyos, kahit paano ay kailangang may katibayan ng gawain ng Banal na Espiritu. Mayroon bang anumang katibayan ang mga pastor mula sa mga salita ng Diyos na itinalaga Niya sila? Ang gawain naman ng Banal na Espiritu?” Binigyan ako nito ng kaunting kumpiyansa. Alam ko na hindi sinabi ng Diyos kailanman na itinalaga Niya ang mga pastor, at kahit sinabi ni Pablo na “ginawa kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapangasiwa,” ang mga salita ni Pablo ay hindi mga salita ng Diyos, kaya hindi maaaring gamiting batayan ang mga iyon. Sadyang hindi totoo ang sinasabi nila! Natanto ko rin kamakailan na hindi taglay ng mga pastor at lider ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu sa mga sermon nila. Hindi nila ibinabahagi ang kalooban ng Diyos o ginagabayan kaming isagawa ang mga salita ng Panginoon. Ganap na wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Nagpahayag na ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, pero hindi nila hinahanap o tinatanggap ang anuman dito. Lubos pa rin nilang nilalabanan at kinokondena ito. Ipinakita nito na hindi sila hinirang ng Diyos, kundi ng tao. Hindi sila talaga kinikilala ng Diyos. Sa aking pananampalataya, kinailangan kong makinig sa mga salita ng Diyos at sumunod sa Kanya, hindi makinig o sumunod sa sinumang tao. Nakikitang hindi ako sumasagot, nagalit ang pastor at pinagalitan ako: “Sinumang gustong magbahagi ng ebanghelyo ay kailangang dumaan muna sa amin. Kung hindi namin sinang-ayunan, maling daan iyon. Hindi ka maaaring makinig doon nang walang pahintulot namin!” Sumagot ako, “Ang Diyos ang Panginoon ng Paglikha at ginagawa Niya Mismo ang sarili Niyang gawain. Hindi Niya kailangan ang pagsang-ayon ng sinumang tao. Nagbalik na ang Panginoong Jesus. Nakikinig kami sa tinig ng Diyos at sumusunod sa Kanya—bakit namin kakailanganin ang pagsang-ayon ninyo?” Naisip ko na talagang akala nila ay mas mataas sila kaysa sa Diyos, na napakayabang nila! Ayaw nilang makinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos o siyasatin ang Kanyang gawain sa mga huling araw. Nanghuhusga lang sila ayon sa gusto nila tulad ng asal ng mga Pariseo sa gawain ng Panginoong Jesus. Wala silang anumang pagpipitagan sa Diyos at walang anumang pagmamahal sa katotohanan.

Nakikitang hindi ako makikinig sa kanila, nagsinungaling ang mga pastor at lider sa asawa ko, na sinasabi sa kanya na nailigaw ako sa maling daan. Wala siyang anumang pagkakilala sa kanilang mga salita, kaya mula noon, tuwing sasali ako sa isang pagtitipon online ay talagang galit na galit siya at sinasabi na magkaiba ang landas namin, na didiborsyohin niya ako kung patuloy akong dadalo sa mga pagtitipong iyon online. Talagang hinang-hina ako at miserable noong panahong iyon. Naisip ko, kung nakompromiso at tumigil ako sa pagdalo sa mga pagtitipon, mawawala sa akin ang pagliligtas ng Diyos magpakailanman. Pero kung patuloy akong dadalo, didiborsyohin niya ako. Bata pa ang mga anak namin, ano ang mangyayari sa kanila kapag nagkagayon? Sa kawalan ko ng magagawa, humarap ako sa Diyos at nagdasal, “Diyos ko, patatagin Mo sana ang pananampalataya ko. Tulungan Mo akong malagpasan ang mga tuksong ito at akayin ako sa landas na nasa harapan ko.” Tapos ay naalala kong sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; at ang umiibig sa anak na lalaki o anak na babae nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin(Mateo 10:37). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Panginoon na ang pagmamahal ko sa aking asawa’t mga anak ay higit pa sa pagmamahal ko sa Diyos, at na hindi ako karapat-dapat na sumunod sa Kanya. Tahimik akong nagpasya na kahit na diborsyohin nga ako ng asawa ko, patuloy kong susundin ang Makapangyarihang Diyos. Nang subukan ng asawa ko na hadlangan ako pagkatapos niyon, hindi na siya nagkaroon ng anumang epekto sa akin.

Kalauna’y isinangkot at iniligaw ng pastor ang biyenan kong lalaki sa mga pagtatangka niyang pigilan ako sa pagdalo sa mga pagtitipon online. Lasenggero ang biyenan ko at madalang talagang magsimba. Sinabihan siya ng pastor na pagkatapos maniwala sa Makapangyarihang Diyos, babalian ka nila ng mga binti kapag sinubukan mong lisanin ang iglesia. Nang marinig ang mga tsismis na iyon mula sa tatay niya, umuwi ang asawa ko at nagsimulang makipagtalo ulit sa akin. Sinabi ko sa kanya, “Walang tunay na batayan ang sinabi ng mga pastor. Walang sinuman sa buong mundo ang nabalian na ng binti dahil sa hindi pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagsimula ang mga tsismis na ito sa pamahalaang Komunista ng Tsina, na kumokontra at nang-aapi sa Diyos. Sinabing minsan sa akin ng isang pastor na mag-uuwi ang isa pang pastor ng mga Bibliya mula sa US, at kinumpiska ng pulisya ang mga iyon sa hangganan ng Tsina. Hindi pinahihintulutan ng CCP ang pananampalataya sa Diyos. Ngayong nagbalik na ang Panginoong Jesus at nagpakita at gumagawa na Siya sa Tsina, tinutugis at inuusig nila ang mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos. Paano mo mapapaniwalaan ang anumang sinasabi ng isang pamahalaang lubhang laban sa Diyos at ateista? Kailan lang ay dumadalo ako sa mga pagtitipon online at nagbabasa ng maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, na pawang katotohanan, mayaman at sagana, at naghahayag ng mga hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, pati na ang likas na pagiging makasalanan ng tao upang makilala natin ang ating sarili. Habang lalo kong binabasa ang mga salitang ito, lalo akong naliliwanagan at lalo kong nararamdaman na tinig ng Diyos ang mga iyon. Tiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Nagbalik na ang Panginoong Jesus, at kailangan nating makasabay sa mga yapak ng Diyos. Bakit pa ako babalik sa dating iglesia?” Wala nang masabi ang asawa ko roon, pero sa sandaling dumalo siya sa mga samba at nakinig sa mga tsismis at maling palagay ng pastor, makikipagtalo siya sa akin pag-uwi niya sa bahay. Lagi kong inakala dati na ang mga pastor ay mga taong may pagmamahal sa Diyos at may pagmamahal din sa atin, pero mula nang matuklasan nila ang paghahanap ko sa bagong gawain ng Diyos, ginagawa na nila ang lahat ng makakaya nila para hadlangan ako, ginagamit ang lahat ng uri ng kasuklam-suklam na pamamaraan para guluhin ako, sa pagsisikap lang na hatakin ako pabalik sa relihiyon nila. Sa wakas ay nakita ko na ang tunay nilang mukha na lumalaban sa Diyos at nananakit sa mga tao. Naalala ko ang mga salita ng Panginoong Jesus na isinusumpa ang mga Pariseo: “Datapuwat sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Inakit ng mga Pariseo ang mga tao na sumapi sa relihiyon para mahawakan sila sa leeg, at nang pumarito ang Panginoong Jesus para gumawa, nakita nila nang malinaw kung gaano kalaki ang kapangyarihan at awtoridad ng Kanyang gawain at mga salita, pero hindi nila talaga hinanap ang katotohanan. Inuna nila ang karangalan, mga pakinabang at katayuan, at natakot silang manganib ang kanilang katayuan at mga pamumuhay kapag sumunod ang mga tao sa Panginoong Jesus. Kaya nagpakalat sila ng mga tsismis na sinisiraang-puri at kinokondena ang Panginoong Jesus upang iligaw ang mga mananampalataya at pigilan sila sa pagsunod sa Panginoon. Sa huli, maraming mananampalataya ang nailigaw nila at sumunod sa kanila sa pagpapako sa Panginoong Jesus. Isinumpa sila at pinarusahan ng Diyos. Hindi ba ang mga kilos at pag-uugali ng mga pastor sa ngayon ay kaparehong-kapareho ng mga Pariseong iyon? Ikinukulong din nila ang mga mananampalataya sa kanilang mga iglesia, pinananatili sila sa ilalim ng kanilang kontrol, hindi sila hinahayaang marinig ang tinig ng Diyos at salubungin ang Panginoon. Napakasama niyon! Ipinaalala niyon sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nabasa ko sa isang pagtitipon online. “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘magagandang konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Ipinapakita ng mga salita ng Diyos ang tunay na mukha ng mga pastor na lumalaban sa Diyos. Naparito ang Diyos sa mga huling araw upang iligtas ang sangkatauhan, at hindi lang tumatanggi ang mga pastor na maghanap at magsiyasat, kundi nilalabanan at kinokondena pa nila Siya, nagpapakalat ng mga tsismis at kasinungalingan, isinasara ang mga iglesia, pinipigilan ang mga mananampalataya na hanapin o siyasatin ang tunay na daan. Hindi sila sumasalubong sa Panginoon at hinahadlangan nila kaming tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, sinisira ang mga pagkakataon naming makapasok sa kaharian ng langit. Talagang sila ang mga demonyong inihayag sa mga salita ng Diyos na kumakain ng laman ng tao at umiinom ng dugo ng tao, ang mga diyablong gumagambala sa mga tao mula sa pagtahak sa tunay na daan. Pinatalsik ako ng mga pastor sa iglesia dahil ayaw kong sumunod sa kanila. Sinabi sa akin ng mga lider ng relihiyon na hindi nila ako tutulungan kapag nagkaroon ako ng anumang mga problema. Nang sabihin nila ito nakita ko nang mas malinaw ang tunay at paimbabaw na mga mukha nila. Ang mga pastor na iyon ay hindi nagmamahal sa katotohanan o nakikilala ang tinig ng Diyos. Hindi sila mga tupa ng Diyos. Ang pagsunod sa kanila sa aking pananampalataya ay magiging ang bulag na umaakay sa bulag, at mapapahamak kaming lahat. Napakasuwerte ko na puwede akong mapalaya mula sa mga huwad na pastol na iyon at sumunod sa mga yapak ng Diyos.

Binasa ko ang iba pang mga salita ng Makapangyarihang Diyos nang sumunod na mga araw at pinakinggan ang iba pang mga patotoo mula sa mga kapatid ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nadama ko na labis akong natustusan at napatibay, at nakaunawa ako nang higit kaysa noon sa 10 taon kong pagsampalataya. Nadama ko na ang maisilang sa mga huling araw at magawang salubungin ang pagbalik ng Panginoon ay napakalaking biyaya mula sa Diyos! Gusto kong ibahagi ang dakila at kamangha-manghang balitang ito sa mas maraming taong hindi pa nakakaharap sa Diyos, pero binalaan ako ng mga pastor at lider na huwag ibahagi ang ebanghelyo sa ibang miyembro ng iglesia, kung hindi ay isusumbong nila ako sa mga awtoridad at ipaaaresto ako. Sabi ko, “Hindi ba kayo natatakot na labanan ang Diyos?” Sa gulat ko, sumagot nang walang damdamin ang isa sa mga lider na si Asher, “Kung talagang ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, magiging mga Pariseo kami sa panahong ito at hahayaan naming parusahan kami ng Diyos sa loob ng maraming henerasyon.” Sa pagsasabi talaga ng ganitong klaseng bagay ng mga pastor at lider, hindi ba nila sinasadyang labanan ang Diyos at labagin ang Kanyang disposisyon? Ang kanilang kayabangan at ganap na kawalan ng takot sa Diyos ay nagpakita pa nga sa akin nang malinaw kung gaano nila kinamumuhian ang katotohanan at kung paano sila naging mga kaaway ng Diyos dahil sa diwa ng kanilang likas na pagkatao. Sa paglaban sa Diyos sa gayong paraan, sa huli ay parurusahan sila ng Diyos na tulad ng mga Pariseo!

Nagtamo ako ng talagang malinaw na pagkakilala sa mga pastor pagkatapos niyon. Hindi na nila ako magugulo o mahahadlangan, at mas determinado akong sumunod sa Makapangyarihang Diyos. Ngayo’y tumanggap na ako ng isang tungkulin sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naging mausisa ang asawa ko nang makita niya kung gaano ako katibay sa aking pananampalataya at nagsimulang magsiyasat nang mag-isa. Nakilala rin niya ang tinig ng Diyos at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw matapos mabasa ang Kanyang mga salita, at ngayo’y nagpapalaganap na siya ng ebanghelyo at nagpapatotoo tungkol sa Diyos. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos at gusto kong ibigay ang lahat sa paggawa ng tungkulin ko at pagsusukli sa pagmamahal ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag

Naniniwala ang mga Protestante at Katoliko sa iisang Diyos. Pareho silang naniniwala sa Panginoong Jesus. Bilang resulta, tinanggap ko ang imbitasyon ng pinuno ng maliit na grupo na sumama sa kanya sa iglesia. Matapos pakinggan ang pangangaral ng mga pastor at marinig ang pananalita tungkol sa Biblia ng ilang kapatid, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa tungkol sa buhay ng Panginoong Jesus. Ginawa nitong magkaroon ako ng higit na pananampalataya sa Panginoon.