Pagsisiwalat sa Palaisipan ng Trinidad

Pebrero 5, 2022

Ni Qiuzhi, Singapore

Nagawa akong sumampalataya sa Kristiyanismo ng isang elder dalawam pung taon na ang nakalilipas. Sinabi niya sa akin na sa lahat ng bagay sa sanlibutan, mayroong nag-iisang tunay na Diyos, na lumikha ng sangkatauhan, langit, lupa at lahat ng bagay. Nakamamangha ito para sa akin. Sinabi niya sa akin kalaunan na ang Panginoong Jesus ang Anak ng Diyos at maaari tayong maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya. Sa puntong ito, medyo naguluhan ako. Hindi ba mayroon lang isang Diyos? Paano Siya magkakaroon ng Anak? Hindi ko lang talaga maunawaan kung ilan ba talaga ang Diyos. Pagkatapos noon, sa tuwing nakikita ko ang aming pastor na nagbabautismo ng isang tao, napansin kong sinasabi niya, “Binabautismuhan ka sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.” Dahil naguguluhan ako, tinanong ko siya, “Ilang Diyos ang mayroon? Bakit palagi mong binabautismuhan ang mga tao sa napakaraming pangalan ng Diyos?” Ang sagot niya ay, “Iisa lang ang Diyos, pero mayroong Trinidad, na binubuo ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay magkakaibang persona, pero umiiral nang magkakasama sa isang nilalang.” Nang makitang hindi ko pa rin naintindihan, nagpatuloy siya, “Isa itong bagay na talagang dapat mong pakasaliksikin para maunawaan. Ayos lang kung hindi mo ito naiintindihan ngayon. Basta tratuhin mo na lang Silang lahat bilang Diyos. Ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay magkakasamang gumagawa lahat.” Naiwan pa rin akong nalilito ng kanyang paliwanag. Kung Siya ay nag-iisang Diyos, paano magkakaroon ng tatlong persona? Pero naisip ko na hindi ito maaaring maging mali dahil isa itong saligang doktrina ng Kristiyanismo, kaya baka isa itong malalim na misteryo ng Diyos.

Pumasok ako sa divinity school kalaunan para mas mapaglingkuran ko ang Diyos. Pinag-isipan ko rin nang husto ang kahulugan ng Trinidad habang naroon ako. Sa pagsisikap na linawin ang aking pagkalito, nagsimula kong tingnan nang masinsinan ang maraming materyal at Kasulatan at nagtanong ako sa ilang pastor, pero hindi ako kailanman nakahanap ng sagot. Pagkatapos ko sa aking pag-aaral, nagboluntaryo ako para sa Sunday School sa simbahan. Hiniling sa akin ng ilang brother at sister na ipaliwanag ang Trinidad. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, kaya sinabi ko na lang sa kanila ang sinabi ng pastor. Nang makita ko silang mukhang nalilito pa rin, talagang sumama ang pakiramdam ko. Alam ko na dapat ay naglilingkod ako sa Panginoon, kaya talagang hiyang-hiya ako na hindi ko kayang ipaliwanag ang isang bagay na napakabatayan sa pananampalatayang Kristiyano.

Noong 2007, sumali ako sa World Chinese Pastor and Elder Training Conference. Ang makakita ng mga sikat na pastor at mangangaral mula sa iba’t ibang panig ng mundo na nagkatipon-tipon ay sobrang nakasasabik para sa akin. Gusto kong gamitin ang pagkakataong iyon para maghanap at lutasin ang pagkalitong nasa puso ko. Lumapit ako sa isang kilalang pastor tungkol dito pagkatapos ng pagpupulong. Tinanong ko siya tungkol sa kanyang pagkaunawa sa Trinidad at sinabi niya sa akin, “Ang Ama ang nagtatakda ng lahat, ang Anak ang nagsasagawa ng mga plano ng Ama, at ang Banal na Espiritu ang nangangasiwa sa plano.” Hiniling ko sa kanyang maging mas detalyado, pero mabilis niyang iniwasan ang tanong. Tinanong ko ang isa pang pastor tungkol dito, at sinabi niya, “Si Jehova ay ang Diyos, ang Panginoong Jesus ay ang Diyos, at ang Banal na Espiritu ay ang Diyos. Lahat Sila ay ang Diyos. Magdasal ka sa alinmang Isa na gusto mo. Gayunpaman, iminumungkahi ko na magdasal ka sa Panginoong Jesus dahil Siya ang Anak ng tao. Mayroon Siyang normal na emosyon ng tao at kaya Niyang makita ang nasa puso ng tao. Nagsagawa rin Siya ng maraming himala. Isang Espiritu si Jehova at gayon din ang Banal na Espiritu. Hindi sila maaaring makita o mahawakan. Iyon ang dahilan kaya mas mabuting makipag-usap sa makalupang Diyos.” Lalo pa akong naguluhan dito, at naisip ko, “Yamang wala sa tatlong persona ang mas higit o mas mababa, paanong mas mabuti ang pagdarasal sa isa? Hindi ba maaaring makita rin ng Diyos na si Jehova ang nasa ating puso at gumawa ng lahat ng uri ng himala?” Pagkakita sa pagkalito ko, dinagdag niya, “Ang Diyos ay isang Espiritu at Siya ay di-maarok. Maraming pastor na may deka-dekadang karanasan sa pagpapakahulugan ng mga Kasulatan ang hindi pa rin lubos na maipaliwanag ito at nagsasaliksik pa rin ako tungkol dito.” Wala na akong anumang maitanong matapos iyon. Ang pag-iisip tungkol sa kung paanong kinilala ng pastor ang kahalagahan para sa pagdarasal ay iniwan akong talagang nababagabag. Pakiramdam ko hindi iyon isang magalang na pagtingin sa Diyos, pero hindi ko alam kung paano ko ito dapat maunawaan. Pinanatili ko ang pananampalataya ko sa Trinidad, kahit na nalilito ako. Sa tuwing nababanggit ang Trinidad sa mga klase sa Sunday School, pahapyaw ko lang itong tinatalakay, sa takot na magkasala sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakamali rito, pero hindi ko ito kailanman naintindihan talaga sa aking puso.

Mahigit isang dekada ang lumipas sa isang iglap. Nakilala ko si Sister Su noong 2017. Talagang nagbibigay ng kaliwanagan ang pagbabahagi niya ng Biblia at mayroon talaga siyang maliwanag na pagkaunawa. Marami akong natutunan mula rito. Inimbitahan niya ako kalaunan na sumali sa mga online na pagtitipon ng maliliit na grupo. Sa isa sa mga iyon, nagbahagi si Brother Li sa tunay na pananampalataya sa Diyos at ang kuwento sa likod ng Biblia. Nakapagpapamulat ito. Binanggit din niya ang mga propesiya mula sa Pahayag, at sinabing, “Nangyayari sa tatlong kapanahunan ang gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Ang Lumang Tipan ay ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Bagong Tipan ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ipinropesiya ng Pahayag ang gawain sa mga huling araw. Gumagamit ang Diyos ng isang bagong pangalan at gumagawa ng ibang gawain sa bawat kapanahunan. Jehova ang pangalan ng Diyos sa Lumang Tipan noong Kapanahunan ng Kautusan, at itinuro Niya sa mga tao ang tungkol sa kasalanan sa pamamagitan ng paglalabas ng batas at mga kautusan sa pamamagitan ni Moises, na pinamunuan ang sinaunang tao sa kanilang mga buhay sa lupa. Sa dulo ng Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang sumusunod sa batas, bagkus ay nagkakasala pa nang nagkakasala. Naharap ang lahat sa pagkondena at kamatayan sa ilalim ng batas. Naging tao ang Diyos bilang ang Panginoong Jesus para iligtas ang mga tao mula sa pagkondena. Personal Siyang ipinako sa krus para matubos tayo sa ating mga kasalanan. Hangga’t tinatanggap natin ang Panginoong Jesus at nagtatapat at nagsisisi tayo sa Kanya, maaaring mapatawad ang mga kasalanan natin. Pero mayroon pa rin tayong makasalanang kalikasan, kaya patuloy tayong nagkakasala at nagtatapat. Hindi tayo nalinis o napalaya mula sa mga gapos ng kasalanan. Hindi tayo karapat-dapat sa kaharian ng langit kung ganoon. Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan alinsunod sa pangangailangan ng sangkatauhan. Gumagawa Siya para hatulan at linisin ang sangkatauhan, para lutasin ang ating makasalanang kalikasan at ganap tayong iligtas mula sa sakop ni Satanas. Ang mga ito ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Ang bawat yugto ng Kanyang gawain ay nakabase sa kung ano ang mga pangangailangan ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng tatlong yugtong ito ng gawain, alam natin ang kasalanan, tinubos tayo sa kasalanan, at napalaya tayo mula sa kasalanan. Ang pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw para mapalaya tayo mula sa kasalanan ang tanging paraan para lubos tayong maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos.”

Ibinahagi ni Brother Li na mahigpit na magkakaugnay ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos, at iniugnay niya ito sa Biblia. Naakit talaga ako nito. Maraming beses ko nang binasa ang Biblia at napakaraming sermon na ang narinig ko, pero hindi ko pa narinig ang sinuman na nagbahagi nang napakalinaw sa gawain ng Diyos. Nagpatuloy si Brother Li na magpadala ng isang sipi. “Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa gawain sa kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ay gawain ng isang Espiritu. Mula nang likhain ang mundo, lagi nang pinamamahalaan ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Wakas, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang nagpapasimula ng kapanahunan at Siyang naghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na gawain ng isang Espiritu. Ang lahat ng naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, dapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng isang Diyos, ang gawain ng isang Espiritu. Ito ay hindi mapag-aalinlanganan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagbahagi si Brother Li, “Iisa lang ang Diyos. Nilikha ng Diyos ang buong sangkatauhan at ang Diyos Mismo ang namamahala at nagliligtas sa tao. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, gumagawa Siya para iligtas ang sangkatauhan, at kahit na iba-iba ang Kanyang pangalan sa bawat yugto ng gawain at ang gawain, mga panahon at lugar ay magkakaiba, lahat ng ito ay ginawa ng nag-iisang Diyos. Ang bawat yugto ng gawain ay itinatatag base sa nakaraang yugto, mas mataas at mas malalim sa bawat yugto.” Nagulat talaga ako nang marinig ito at naisip ko, “Sinasabi niya na ang bawat yugto ng gawain ay ginagawa ng iisang Espiritu, kaya si Jehova at ang Panginoong Jesus ay iisang Espiritu. Iisa lang ang Diyos, hindi tatlong Espiritu! Ganap na may katuturan ang pagbabahagi ni Brother Li at wala akong makitang anumang pagdududahan o pabubulaanan. Pero base sa sinabi niya, hindi ba nangangahulugan iyon na hindi makatatayo ang Trinidad na pinaniniwalaan natin? Kahit na mayroong debate sa mundo ng relihiyon tungkol sa pagiging isa o pagiging marami ng Diyos, naniniwala sa Trinidad ang karamihan sa mga tao. Hindi maaaring mali silang lahat. Hindi ko pa narinig ang ganitong klase ng pagbabahagi noon. Mayroon bang bagong pagkaunawa sa pamayanang pangrelihiyon?” Nang hindi ko magawang pakalmahin ang damdamin ko, maaga akong umalis para mapag-isipan ko ito.

Sa pagtatangkang makakuha ng kaunting kalinawan, sinimulan kong mabilisang buklatin uli ang Biblia at tingnan ang maraming gamit sa pangangaral. Maraming araw akong naghanap nang walang nakukuhang anuman mula rito. Nagsimula akong makaramdam ng pagkabalisa sa puntong iyon at naisip ko sa sarili ko, “Naiiba ang pagbabahagi ni Brother Li sa sinasabi ng mundo ng relihiyon, pero ito ay bago at tumpak sa Biblia. Dapat ba akong dumalo sa susunod na pagtitipon? Kung magpapatuloy ako at tatanggihan ko ang ideya ng Trinidad, sigurado akong itutulak ako palabas ng pamayanang pangrelihiyon. Sa kabilang banda, nagkamit ako ng kaliwanagan mula sa pagbabahagi niya na hindi ko nakamit sa simbahan. Ayokong basta na lang lumayo rito.” Hindi ako makapagdesisyon, kaya hinanap ko ang sipi ng mga salita ng Diyos na ipinadala ni Brother Li noong pagtitipon. Pinagmuni-munihan ko ito habang nagbabasa ako, at habang lalo akong nag-iisip, mas nararamdaman ko na walang ordinaryong tao ang makakaisip nito. At walang taong espirituwal ang mangangahas na pag-usapan ang gawain ng pamamahala ng Diyos nang may ganoong klase ng tono. Maaari kayang mga salita talaga ito ng Diyos? Matapos ang matagal na pag-iisip, nagdesisyon ako na anuman ang isipin ng mundo ng relihiyon, kailangan kong makinig sa pagbabahagi ni Brother Li at tingnan kung malilinaw nito ang pagkalito ko.

Sa sumunod na pagtitipon ibinahagi ko ang alinlangan ko tungkol sa Trinidad at ito ang pagbabahagi niya: “Maraming relihiyosong tao ang kumakapit sa ideya ng Trinidad. Iniisip nila na mayroong iisang Diyos pero tatlong persona, ang Ama, ang Anak at ang Banal na Espiritu, na umaako ng iba’t ibang parte ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Pero naisip ba natin kung saan nagmumula ang ideyang ito? Kahit minsan ba ay may sinabing anuman ang Diyos tungkol sa Trinidad? Nagpatotoo ba rito ang Banal na Espiritu? Pinag-usapan ba ito ng mga propeta? Malinaw na hindi! Sa katunayan, ang ideya ng Trinidad ay unang lumabas sa Konseho ng Nicaea mahigit tatlong daang taon pagkatapos ng panahon ng Panginoon, at naitatag ito matapos ang malupit na debate sa pagitan ng mga pinuno ng relihiyon. Mula noon, karamihan sa mga relihiyosong tao ay nagsimulang maniwala na ang ating nag-iisang Diyos na lumikha ng lahat ng bagay ay ang Trinidad. Iniisip nila na bukod sa Panginoong Jesus, mayroon ding ang Ama at ang Banal na Espiritu sa langit, na tatlo Silang Diyos, tatlong Espiritu. Kung susundin natin ang lohika nila, ang Diyos ba ay magiging ang nag-iisang tunay na Diyos? Nag-iikot silang sumisigaw na mayroon lang nag-iisang Diyos pero naniniwala sila sa Trinidad. Hindi ba iyon magkasalungat? Hindi ba iyon kakatwa? Walang anumang bagay tungkol sa anumang Trinidad sa Lumang Tipan, at sa tatlo at kalahating taon ng Panginoong Jesus na gumagawa sa lupa, kailanman ay wala Siyang sinabing anuman tungkol sa pagkakaroon ng Trinidad. Bakit lilitaw ang ideya na iyon pagkatapos matapos ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain? Ito ay dahil hindi naunawaan ng mga tao ang diwa ng pagkakatawang-tao. Pinatotohanan ng Banal na Espiritu na ang Panginoong Jesus ang minamahal na Anak ng Diyos at nakita nila Siya na nagdarasal sa Kanyang Ama sa langit kaya bumuo sila ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Inisip nila na mayroong tatlong Diyos, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Naghaka-haka sila mula sa kung ano ang inakala nila at ginawa ang hindi kapani-paniwalang pagtatangkang iyon na limitahan ang Diyos. Gawin nating halimbawa si Felipe. Hindi niya alam na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao kaya hiniling niya sa Panginoon na ipakita sa kanya ang Ama. Malinaw na sumagot ang Panginoong Jesus, ‘Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa(Juan 14:9–10). Sinabi rin ng Panginoong Jesus, ‘Ako at ang Ama ay iisa(Juan 10:30). Napakalinaw ng Panginoong Jesus na Sila ay iisa, na Sila ay iisang Diyos, iisang Espiritu.”

Pagkatapos nag-play si Brother Li ng isang video reading ng ilang salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung may sinuman sa inyo na nagsasabi na talagang mayroong Trinidad, ipaliwanag ninyo kung ano talaga itong isang Diyos sa tatlong persona. Ano ang Banal na Ama? Ano ang Anak? Ano ang Banal na Espiritu? Si Jehova ba ang Banal na Ama? Si Jesus ba ang Anak? Ano naman ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Ama ay isang Espiritu? Hindi ba ang diwa ng Anak ay isa ring Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jesus ay ang gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jehova sa panahong iyon ay isinagawa ng isang Espiritu na katulad ng kay Jesus? Ilang Espiritu ba ang maaaring taglayin ng Diyos? Ayon sa iyong paliwanag, ang tatlong persona ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay iisa; kung gayon, mayroon ngang tatlong Espiritu, ngunit ang ibig sabihin ng magkaroon ng tatlong Espiritu ay mayroong tatlong Diyos. Ibig sabihin, walang kaisa-isang tunay na Diyos; paano pa magkakaroon ng likas na diwa ng Diyos ang ganitong uri ng Diyos? Kung tinatanggap mo na iisa lamang ang Diyos, paano Siya magkakaroon ng isang anak at magiging isang ama? Hindi ba mga kuru-kuro mo lamang ang lahat ng ito? Iisa lamang ang Diyos, iisa lamang ang persona sa Diyos na ito, at iisa lamang ang Espiritu ng Diyos, dahil nakasulat sa Biblia na ‘Iisa lamang ang Banal na Espiritu at iisa lamang ang Diyos.’ Mayroon mang Ama at Anak na binabanggit mo, iisa lamang naman pala ang Diyos, at ang diwa ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu na iyong pinaniniwalaan ay ang diwa ng Banal na Espiritu. Sa madaling salita, ang Diyos ay isang Espiritu, ngunit kaya Niyang maging tao at mamuhay sa piling ng mga tao, at mangibabaw rin sa lahat ng bagay. Ang Kanyang Espiritu ay sakop ang lahat at nasa lahat ng dako. Kaya Niyang sabay na nasa katawang-tao at nasa loob at ibabaw ng sansinukob. Dahil sinasabi ng lahat ng tao na ang Diyos lamang ang nag-iisang tunay na Diyos, iisa ang Diyos, na hindi maaaring paghati-hatiin ninuman kung kailan niya gusto! Ang Diyos ay iisang Espiritu lamang, at iisang persona lamang; at iyon ang Espiritu ng Diyos.” “Maaari pa ring sabihin ng ilan: ‘Ang Ama ang Ama; ang Anak ang Anak; ang Banal na Espiritu ang Banal na Espiritu, at sa huli, pag-iisahin Sila.’ Kung gayon paano mo Sila dapat pag-isahin? Paano mapag-iisa ang Ama at ang Banal na Espiritu? Kung Sila ay likas nang dalawa, paano man Sila pagsamahin, hindi ba Sila mananatiling dalawang bahagi? Kapag tinatalakay mo ang pag-iisa sa Kanila, hindi ba pagsasama lamang iyan ng dalawang magkahiwalay na bahagi para makabuo ng isa? Ngunit hindi ba dalawang bahagi Sila dati na ginagawang buo? Bawat espiritu ay may naiibang diwa, at ang dalawang espiritu ay hindi magagawang iisa. Ang isang espiritu ay hindi isang materyal na bagay at hindi katulad ng anupamang iba sa materyal na mundo. Sa paningin ng tao, ang Ama ay isang Espiritu, ang Anak ay isa pa, at ang Banal na Espiritu ay isa pa rin, kung gayon ay naghahalo ang tatlong Espiritu na parang tatlong baso ng tubig sa isang buo. Hindi ba iyan ang tatlo na pinag-isa? Ganap na mali at katawa-tawa ang paliwanag na iyan! Hindi ba nito pinaghahati-hati ang Diyos? Paano mapag-iisang lahat ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu? Hindi ba sila tatlong bahagi na bawat isa ay magkakaiba ang likas na katangian?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?). Pagkatapos ay nagbahagi siya, “Lubusan at malinaw na sinusuri ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang maling paniniwala na Trinidad. Maaari nating makita na ang Diyos ay ang nag-iisang tunay na Diyos, na Siya ang Banal na Espiritu, na mayroon lang isa, may magkakaiba lang na pangalan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Banal na Espiritu sa katawang-tao, at ang diwa ng Kanyang katawang-tao ay ang Banal na Espiritu. Anuman ang tawag natin sa Kanya sa panalangin, ang Diyos, ang Banal na Espiritu, at ang Diyos na nagkatawang-tao ay iisa lahat, iisang Espiritu. Walang sinuman ang maaaring ipagkaila ang katotohanang ito. Ang Diyos ang Maestro ng lahat ng bagay sa sanlibutan. Siya ang Espiritung makapangyarihan sa lahat, nakakaalam ng lahat, at sumasaklaw sa lahat. Siya ay nasa lahat ng lugar at makapangyarihan sa lahat. Kaya Niyang likhain ang kalangitan, lupa, at lahat ng bagay, at kaya Niyang gabayan ang mga buhay ng tao sa lupa. Kaya Niya ring maging tao bilang ang Anak ng tao para tubusin at iligtas ang mga tao, ayon sa kung anong kailangan nila. May kontrol din ang Espiritu ng Diyos sa lahat ng bagay sa sanlibutan. Kung aayunan natin ang sinasabi ng mundo ng relihiyon, na ang Diyos na si Jehova ay ang Ama na lumikha sa sanlibutan at Siya ay nasa langit na gumagawa ng gawain ng pamamahala at pagpaplano, habang ang Panginoong Jesus ay ang Anak, na isinugo ng Ama para tubusin ang sangkatauhan, kung gayon sa sandaling muling nabuhay ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, wala na Siyang gagawin. Kakailanganin Niyang umasa sa Banal na Espiritu. Ang bawa’t isa sa mga persona ng Trinidad ay may sariling papel. Mayroong responsibilidad para sa langit at para sa lupa, at para sa gawaing ginagawa sa sangkatauhan. Hindi ba iyon paghahati-hati sa Diyos sa tatlong bahagi? Kung gayon ang Diyos ba ay magiging makapangyarihan pa rin, nakakaalam ng lahat, makapangyarihan sa lahat, nag-iisa at tanging Diyos? Hindi ba iyon magkakasalungat? Iisa lang ang Diyos, at Siya Mismo ang namamahala at nagliligtas sa sangkatauhan. Ang paghahati-hati sa Kanya sa tatlong bahagi ay pagpipira-piraso sa Kanya. Paglaban at paglapastangan iyon sa Diyos!”

Nakakaantig talaga para sa akin ang mga salita ng Diyos. Nakita ko na ang Trinidad na kinipkip ko sa puso ko sa loob ng maraming taon ay hindi talaga umiiral! Nanampalataya kami sa Panginoon sa loob ng maraming taon, palaging iginigiit na ang Diyos ang nag-iisa at tangi, pero hinati namin Siya sa tatlong persona at pagkatapos ay hindi namin alam kung paano gagawing isa uli ang tatlong Diyos na iyon. Hindi ba iyon kahangalan? Naisip ko ang mga sikat na pastor na iyon at ang kanilang magkakasalungat na paliwanag tungkol sa Trinidad. Kapag nahihirapan silang linawin, sinasabi nila na ang Diyos ay di-maarok at mahiwaga. Nililinlang nila kami. Nakita ko na ang pananampalataya sa Diyos nang hindi Siya nakikilala, at ang paghahati-hati sa Kanya, ay talagang paglaban sa Diyos at kawalang-respeto sa Kanya. Sa pag-iisip na ito, naramdaman kong may utang talaga ako sa Diyos. Pero naguluhan pa rin ako, dahil sinasabi sa Biblia, “At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan(Mateo 3:16–17). Ang Diyos ay iisang Espiritu, iisang Diyos. Binautismuhan ang Panginoong Jesus sa Ilog Jordan at nagpatotoo ang Banal na Espiritu na Siya ang Anak ng Diyos, at nariyan ang lahat ng pagkakataon na nagdasal ang Panginoong Jesus sa Kanyang Ama sa langit. Paano natin mapapakahulugan iyon? Gusto ko talagang maunawaan ito, kaya tinanong ko si Brother Li.

Sabi niya, “Oo, nagdasal ang Panginoong Jesus sa Diyos at tinawag Siyang Kanyang Ama sa langit. May misteryo sa loob nito. Bago sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, hindi Niya alam na Siya ang Diyos sa katawang-tao dahil kapag gumagawa ang Espiritu sa katawang-tao Siya ay normal, hindi higit sa karaniwan. Para lang Siyang regular na tao. Kaya siyempre magdarasal Siya sa Kanyang Ama sa langit. Ito ay pagdarasal ng Panginoong Jesus sa Espiritu ng Diyos bilang isang tao. Natural na natural iyon. Nang sinimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang ministeryo, nagsalita ang Banal na Espiritu, nagpapatotoo na Siya ang Diyos sa katawang-tao. Noon lang Niya nalaman ang Kanyang tunay na pagkakakilanlan. Pero nagdasal pa rin Siya sa Ama, na nagpapakita na mapagpakumbaba at tago si Cristo, at ang Kanyang diwa ay ganap na nagpapasakop sa Diyos.” Panoorin natin ang isang video reading ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na naglilinaw nito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Nang tawagin ni Jesus ang Diyos sa langit sa pangalang Ama nang Siya ay manalangin, ginawa lamang ito mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa nakadamit ang Espiritu ng Diyos ng isang ordinaryo at normal na katawan at may panlabas na panakip ng isang nilalang. Kahit nasa loob Niya ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay sa isang normal na tao pa rin; sa madaling salita, Siya ay naging ‘Anak ng tao’ na binanggit ng lahat ng tao, maging ni Jesus Mismo. Dahil Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay isang tao (lalaki man o babae, ano’t anuman ay isang may panlabas na balat ng isang tao) na isinilang sa isang normal na pamilya ng mga ordinaryong tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad ng pagtawag ninyong Ama sa Kanya noong una; ginawa Niya iyon mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Naaalala pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus na isaulo ninyo? ‘Ama namin na nasa langit….’ Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, ginawa Niya iyon mula sa pananaw ng isang nasa isang katayuang kapantay ninyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, nakita ni Jesus ang Kanyang Sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na hinirang ng Diyos (ibig sabihin, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyong ‘Ama’ ang Diyos, hindi ba dahil kayo ay isang nilalang? Gaano man kadakila ang awtoridad ni Jesus sa lupa, bago Siya ipinako sa krus, isa lamang Siyang Anak ng tao, na pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (ibig sabihin, ng Diyos), at isa sa mga nilalang sa lupa, sapagkat hindi pa Niya natatapos ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya sa Diyos sa langit na Ama ay dahil lamang sa Kanyang pagpapakumbaba at pagsunod. Gayunman, ang Kanyang pagtawag sa Diyos (ibig sabihin, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan ay hindi nagpapatunay na Siya ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, iba lamang talaga ang Kanyang pananaw, hindi dahil iba Siyang persona. Ang pag-iral ng magkakaibang mga persona ay isang kamalian! Bago Siya ipinako sa krus, si Jesus ay isang Anak ng tao na nakatali sa mga limitasyon ng katawang-tao, at hindi Niya lubos na taglay ang awtoridad ng Espiritu. Kaya nga maaari lamang Niyang hangarin ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilalang. Katulad iyon ng tatlong beses Niyang ipinanalangin sa Getsemani: ‘Huwag ang ayon sa ibig Ko, kundi ang ayon sa ibig Mo.’ Bago Siya inilagay sa krus, isa lamang Siyang Hari ng mga Judio; Siya si Cristo, ang Anak ng tao, at hindi isang niluwalhating katawan. Kaya nga, mula sa pananaw ng isang nilalang, tinawag Niyang Ama ang Diyos.” “May mga iba na nagsasabi na, ‘Hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak?’ Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na lubos Niyang kinalulugdan—tiyak na sinambit ito ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Kanyang Sarili, ngunit mula lamang sa ibang pananaw, yaong sa Espiritu sa langit na nagpapatotoo sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Nauunawaan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus na, ‘Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin,’ ay nagpapahiwatig na Sila ay iisang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao kaya Sila nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Ang totoo, Sila ay iisa pa rin; kahit ano pa, ito ay ang Diyos lamang na nagpapatotoo sa Kanyang Sarili. Dahil sa pagbabago sa mga kapanahunan, sa mga kinakailangan ng gawain, at sa magkakaibang yugto ng Kanyang plano ng pamamahala, ang pangalang itinatawag sa Kanya ng tao ay nag-iiba rin. Nang Siya ay pumarito upang isagawa ang unang yugto ng gawain, maaari lamang Siyang tawaging Jehova, na Siyang pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang Diyos na nagkatawang-tao ay maaari lamang tawaging Panginoon, at Cristo. Ngunit noon, sinabi lamang ng Espiritu sa langit na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos at hindi binanggit ang Kanyang pagiging bugtong na Anak ng Diyos. Hindi ito talaga nangyari. Paano magkakaroon ng kaisa-isang anak ang Diyos? Kung gayon ay hindi ba naging tao ang Diyos? Dahil Siya ang pagkakatawang-tao, tinawag Siyang sinisintang Anak ng Diyos, at, dito nagmula ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Dahil lamang iyon sa pagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa. Nanalangin si Jesus mula sa pananaw ng katawang-tao. Yamang nakabihis Siya ng isang katawang-tao ng gayong normal na pagkatao, sinabi Niya mula sa pananaw ng katawang-tao: ‘Ang Aking balat ay yaong sa isang nilalang. Yamang nakabihis Ako ng katawang-tao upang makaparito sa lupa, napakalayo Ko ngayon mula sa langit.’ Dahil dito, maaari lamang Siyang manalangin sa Diyos Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ang Kanyang tungkulin, at ito yaong dapat ipagkaloob sa Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi masasabi na hindi Siya Diyos dahil lamang sa nanalangin Siya sa Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Bagama’t tinawag Siyang sinisintang Anak ng Diyos, Diyos pa rin Siya Mismo, sapagkat Siya ay pagkakatawang-tao lamang ng Espiritu, at ang Kanyang diwa ay Espiritu pa rin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?).

Nagpatuloy sa pagbabahagi si Brother Li, sinasabing, “Ang Panginoong Jesus ang Diyos sa katawang-tao. Siya ang Espiritu ng Diyos sa loob ng katawan ng Anak ng tao, na nagtataglay ng normal na pagkatao. Hindi Siya nagmukhang anumang bagay na pambihira, pero taglay Niya ang sariling diwa ng Diyos. Matapos Siyang mabautismuhan at simulan ang Kanyang ministeryo, nagpatotoo ang Diyos na ang Panginoong Jesus ay ang Kanyang minamahal na Anak. Iyon ay pagpapatotoo ng Diyos sa pagkakatawang-tao mula sa perspektibo ng Espiritu para sumunod at maniwala ang mga tao sa Panginoong Jesus, at malaman na Siya ay mula sa Diyos. Kung direktang nagpatotoo ang Banal na Espiritu na ang Panginoong Jesus ay ang Diyos sa katawang-tao, mahirap sana iyong tanggapin para sa mga tao dahil wala silang nalalaman tungkol sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Bago sa kanila ang pagkakatawang-tao at wala silang nalalaman tungkol sa pagiging tao ng Diyos. Hindi nila kailanman inakala na ang Anak ng tao, ang regular na taong ito, ay ang sagisag ng Espiritu ng Diyos sa katawang-tao. Sa Kanyang gawain, nagpahayag ang Panginoong Jesus ng maraming salita, nagdala ng daan ng pagsisisi, nagpakita ng mga palatandaan at kababalaghan, at ganap na ibinunyag ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos. Pero hindi kayang makita ng mga tao mula sa Kanyang gawain at mga salita na ang Panginoong Jesus ang Diyos Mismo, ang pagpapakita ng Diyos. Base sa tayog ng mga tao noong panahong iyon, nagpatotoo ang Diyos na ang Panginoong Jesus ay ang Kanyang minamahal na Anak at pansamantala Niyang pinahintulutan ang mga tao na ituring ang Panginoong Jesus bilang Anak Niya. Bumagay iyon sa mga kuru-kuro ng mga tao at madali para sa kanilang tanggapin ito. Ginagawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, kaya anuman ang itawag sa Kanya ng mga tao, kailangan lang nilang tanggapin Siya bilang kanilang Tagapagligtas, mapatawad ang kanilang mga kasalanan, at maging karapat-dapat na tamasahin ang biyaya ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagdarasal sa Diyos sa langit bilang Kanyang Ama, tinatawag ng Panginoong Jesus ang Diyos mula sa perspektibo ng isang nilikhang tao. Ipinakita nito kung gaano kamapagpakumbaba at katago ang Diyos. Ang Panginoong Jesus ay ang Diyos Mismo, pero hindi Niya ipinagbigay alam ang sarili Niya bilang ang Diyos. Sa halip, tinuruan Niya ang mga tao na magdasal at ginabayan sila na makilala ang Diyos, lahat mula sa perspektibo ng isang nilikha. Sa ganoong paraan hindi mararamdaman ng mga tao na napakataas at hindi maabot ng Diyos, kundi mas mapaglalapit nito ang tao at ang Diyos. Ito ang karunungan sa gawain ng Diyos. Ito ang kinailangan natin bilang mga tao, at ang kinailangan ng gawain ng pagliligtas ng Diyos.”

Naghatid ito sa akin ng silakbo ng kaliwanagan. Nakita ko na sa likod ng Kasulatang ito ay naroon ang karunungan ng gawain ng Diyos at ang pagmamahal Niya para sa sangkatauhan. Pero dahil sa kawalan ng pagkaunawa, nakikita natin ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu na binabanggit sa Biblia at hinahati natin ang Diyos sa tatlong persona, sa tatlong Diyos base sa ating mga kuru-kuro. Tunay na paglapastangan iyon sa Diyos! Sa isang iglap ay gumuho sa loob ko ang maling paniniwala na ang Diyos ay isang Trinidad. Napalaya ako. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang Espiritu sa loob ni Jesus, ang Espiritu sa langit, at ang Espiritu ni Jehova ay iisa lahat. Tinatawag itong Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang Espiritung pinatindi nang makapitong beses, at ang Espiritung sumasalahat. Maisasagawa ng Espiritu ng Diyos ang maraming gawain. Nagagawa Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at bukod pa riyan, kaya Niyang lupigin at lipulin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay isinasagawang lahat ng Diyos Mismo at hindi magagawa ng alinman sa mga persona ng Diyos para sa Kanya. Ang Kanyang Espiritu ay maaaring tawagin sa pangalang Jehova at Jesus, at maaari ring tawaging Makapangyarihan sa lahat. Siya ang Panginoon, at Cristo. Maaari rin Siyang maging Anak ng tao. Siya ay nasa kalangitan at nasa lupa rin; Siya ay nasa kaitaasan sa ibabaw ng mga sansinukob at nasa piling ng maraming tao. Siya ang tanging Panginoon ng kalangitan at ng lupa! Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ang gawaing ito ay naisagawa na ng Espiritu ng Diyos Mismo. Gawain man ito sa kalangitan o sa katawang-tao, lahat ay isinasagawa ng Kanyang sariling Espiritu. Lahat ng nilalang, sa langit man o sa lupa, ay nasa palad ng Kanyang makapangyarihang kamay; lahat ng ito ay ang gawain ng Diyos Mismo at hindi magagawa ng sinuman para sa Kanya. Sa kalangitan, Siya ang Espiritu ngunit ang Diyos din Mismo; sa piling ng mga tao, Siya ay katawang-tao ngunit nananatiling Diyos Mismo. Bagama’t maaari Siyang tawagin sa libu-libong pangalan, Siya pa rin iyon Mismo, ang tuwirang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu. Ang pagtubos sa buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapako sa Kanya sa krus ay tuwirang gawain ng Kanyang Espiritu, at gayundin ang pagpapahayag sa lahat ng bansa at lahat ng lupain sa mga huling araw. Sa lahat ng oras, matatawag lamang ang Diyos na ang makapangyarihan sa lahat at nag-iisang tunay na Diyos, ang Diyos Mismo na sumasalahat. Walang magkakaibang persona, lalo nang wala itong ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Iisa lamang ang Diyos sa langit at sa lupa!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?). Matapos itong basahin ni Brother Li, nagbahagi siya, “Ang Diyos ang Lumikha, ang Isa na lumikha sa sangkatauhan. Siya ang Diyos na si Jehova na naglabas ng mga batas at kautusan alang-alang sa sangkatauhan, para gabayan ang kanilang buhay sa lupa. Siya rin ang ating Tagapagligtas, ang Panginoong Jesus, na tumubos sa atin mula sa kasalanan. Higit pa riyan, Siya ang Makapangyarihang Diyos, na nagbalik sa mga huling araw para hatulan ang buong sangkatauhan. Ang Panginoong Jesus na pinakaaasam natin ay nagbalik na. Siya ang Makapangyarihang Diyos. Gumagawa na Siya sa lupa sa loob ng mahigit dalawang dekada, nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Binuksan na Niya ang balumbon. Ibinigay na Niya sa atin ang lahat ng katotohanang kinakailangan para dalisayin at lubusan tayong mailigtas. Tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoon: ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). ‘Kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48).”

Sobrang nakasasabik para sa akin na marinig ito. Nagbalik na ang Panginoong Jesus at nagpahayag ng mga katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Hindi nakapagtatakang naramdaman kong ang mga salitang iyon ay napakamakapangyarihan at may awtoridad, na para bang ang mga ito ay tinig ng Diyos. Ang mga ito ay talagang mga salita ng Diyos! Tuwang-tuwa kong sinabi kay Brother Li, “Ngayon nauunawaan ko na. Kung ito man ay Espiritu ng Diyos o Kanyang pagkakatawang-tao, Siya ay ang Diyos Mismo. Walang Trinidad. Kung wala ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, walang sinuman ang magagawang lubusang pabulaanan at ilantad ang maling paniniwalang ito na pinagdedebatehan na sa loob ng halos dalawang libong taon. Ang Diyos Mismo lang ang kayang magbunyag ng katotohanang ito. Sigurado ako na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik! Ngayon ay handa na akong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw! Nagpapasalamat ako sa Makapangyarihang Diyos para sa ganap na paglutas sa pagkalitong ito na gumambala sa akin nang mahigit dalawampung taon!”

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply