Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?

Mayo 29, 2019

Ni Meng’ai, Malaysia

Nang taon na namatay ang aking asawa, matindi ang aking kalungkutan, at higit pa riyan nagkaroon ako ng dagdag na pasanin na pagpapalaki sa aking mga anak. Ang kahirapan ay biglang sumapit sa buhay ko, nguni’t nasa akin na noon pa ang pagmamahal ng Panginoon at, sa tulong ng aking mga kapatid, nalampasan ko ang mahirap na panahong ito. Upang suklian ang pagmamahal ng Panginoon, nagpatuloy ako sa pagdodonasyon at paglilingkod sa iglesia, at nagagawa ko na ang gayon sa loob ng mahigit sa tatlumpung taon. Sa panahong ito, nararanasan ko ang pag-unlad ng iglesia at nakita ang maluwalhating kaganapan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Nasasaksihan ko rin ang kapanglawan at kawalang-pag-asa sa iglesia. Nagunita ko nang unang nagsimula ang Banal na Espiritu ng dakilang gawain sa iglesia, kung kailan naranasan namin ang kasiyahan at maraming natamo sa pakikinig sa pangangaral ng pastor. Naroroon ang pag-iibigan sa isa’t isa ng mga kapatid na para bang kaming lahat ay iisang pamilya, at ang lahat ay nagkakaisa sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagsaksi sa Panginoon. Kinalaunan, nang hindi namamalayan kung ano ang nangyari, hindi na nagkaroon ng anumang liwanag sa ipinangangaral ng pastor. Para bang ang lahat ay kagaya lang ng lumang kuwento na inuulit-ulit, at ang mga mananampalataya ay hindi na makakuha ng anumang pagkain o panustos. Ang kanilang pananampalataya at pag-ibig ay unti-unting kumupas at paunti nang paunti ang nagsisidalo sa mga pagtitipon. Kaming mga may tungkulin sa pagsambang gawain ay sumasama na rin lamang sa agos. Lahat kami ay kumikilos ayon sa mga kagustuhan ng mga tao sa ministeryo at hindi kailanman sa paglilingkod sa Diyos, bagkus ay nagsisikap na lamang kami sa harap ng ibang mga tao at sinusubukang bigyan sila ng kasiyahan. Nalalaman ko na ang ganitong uri ng paglilingkod ay hindi ayon sa kalooban ng Diyos, kaya napakasakit nito para sa akin. Wala rin akong magawa, ni walang ideya kung paano lalakad sa landas na nasa aking harapan. Ako samakatwid ay lalo pang umasa na bumalik na ang Panginoon sa lalong madaling panahon, upang ang lahat ng mga suliraning ito ay malutas.

Nang ako ay litung-lito na, noong 2016 masusi kong tiningnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nagbasa ako ng napakaraming salita ng Makapangyarihang Diyos at nakinig ako sa ibinabahagi ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sa kanilang sinasaksihan, at sa huli naunawaan ko na ang Panginoong Jesus ay matagal nang nagkatawang-tao at dumating sa lupa upang ipahayag ang Kanyang mga salita at gampanan ang gawain ng paghatol sa mga huling araw simula sa tahanan ng Diyos, at ginagawa Niya ang lahat ng ito upang lubos na dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at upang dalhin ang sangkatauhan tungo sa makalangit na kaharian. Nilinaw sa akin ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang misteryo ng pagbabalik ng Panginoon na aking napag-isipan sa loob ng maraming taon. Naunawaan ko na ang pagbabalik ng Panginoon ay hinati sa dalawang anyo ng lihim na pagdating at ng pagparito nang hayagan. Ang Panginoon ay nagkakatawang-tao muna bilang ang Anak ng tao sa lihim na pagparito upang ipahayag ang Kanyang mga salita at upang hatulan at linisin ang tao, at upang gumawa ng isang grupo ng mga mananagumpay bago sumapit ang mga sakúnâ. Kapag bumaba na ang malalaking sakúnâ, gagantimpalaan Niya ang mabuti at parurusahan ang masama, at siya ay hayagang darating, magpapakita sa lahat ng mga bansa at sa lahat ng mga tao. Sa panahong iyon, ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa lihim na pagparito ay nagtapos na, at daranasin ng lahat ng mga lumalaban at kumukondena sa gawain ng Diyos sa mga huling araw ang mga sakúnâ nang may matinding pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin. Ibinahagi rin sa akin ng mga kapatid ang gayong mga katotohanan bilang ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at kung paano ginagampanan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Naunawaan ko pagkatapos kung bakit noong una, sa paglilingkod sa iglesia, hindi kami nagkaroon ng paggabay ng Diyos, at kung bakit wala kaming pinatunguhan sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan, sa pananalangin, at sa pag-aaral ng Biblia. Naunawaan ko kung bakit hindi namin naramdaman ang presensya ng Banal na Espiritu. Nagampanan na ng Diyos ang bagong gawain, tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya at pinasapit ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa loob ng mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya, kung kaya ang mga espiritu ng mga tao ay namanglaw at nagdilim, walang anumang kagalakan o kapanatagan, at hindi sila makakuha ng anumang panustos sa kanilang mga espirituwal na buhay. Salamat sa paggabay at pagpatnubay ng Diyos na nakilala ko ang tinig ng Diyos sa salita ng Makapangyarihang Diyos, at masaya kong tinanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos, madalas na ibinabahagi ng mga kapatid ang salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin sa online. Ang panonood sa mga pelikula, mga video ng mga sayaw pangkoro, at mga video na pangmusika na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagdulot ng malaking panustos sa akin, at nagpasalamat ako sa Diyos nang buung-puso sa pag-aakay sa akin sa harap ng Kanyang luklukan. Ikinagalak ko ang mapastol at mapakain ng salita ng Diyos, at pumasok ako sa isang maligayang buhay ng pamumuhay na harapang kasama ang Diyos.

Isang araw, ang asawa ng isa sa mga pastor sa iglesia ay bigla na lamang nagpadala ng mensahe sa akin, na nagsasabing: “Bakit ka nag-like sa isang paskil ng Kidlat ng Silanganan? Hinayaan mo ring maipaskil ito sa timeline mo, at labag sa kalooban ng Panginoon na gawin ang gayon. Kung makita ng mga mananambahan natin ang paskil tungkol sa Kidlat ng Silanganan, at maging interesado sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, magbabasa silang lahat sa Kidlat ng Silanganan, at pagkatapos ano ang gagawin natin? Hindi ka na dapat makipag-ugnayang muli sa mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan. Dapat mong burahin kaagad ang kanilang contact information….” Ang sagot ko: “Ang mga pelikula tungkol sa ebanghelyo, mga awit, at ang mga music video ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay napakainam lahat, at marami akong natutuhan sa mga ito. Dapat ko itong i-like!” Nais kong magpadala ng mas marami pang mensahe sa asawa ng pastor, nguni’t bago ko pa man matapos ang aking mensahe, nagsabi siya ng maraming bagay na tumutuligsa at kumukondena sa Makapangyarihang Diyos, at naninirang-puri sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nakita ko na wala siyang anupamang pagnanais na siyasatin itong malaking usapin ng pagbabalik ng Panginoon, kundi basta na lamang gumawa ng anupamang mga panghuhusga at mga mapanghatol na pangungusap na sa tingin niya ay akma. Ayaw ko nang makipag-usap sa kanya tungkol dito, kaya iniba ko na lamang ang paksa.

Ilang araw pagkatapos na ito ay nangyari, dumating si Pastor Yang upang kausapin ako. Pagkatapos magbatian, tinanong ako ni Pastor Yang, “Nagsuri ka ba sa alinmang pangkating panrelihiyon sa online?” Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tanong sa akin ni Pastor Yang, at sinabi ko, “Ang aking mga kaibigan sa Facebook ay nabibilang sa maraming magkakaibang denominasyon, at kung ang mga artikulo na kanilang ipinapaskil ay tama at mabuti sa tingin ko, palagi kong sinusubukang unawain ang mga ito at tinitingnan kung mayroong anumang bagong liwanag sa mga ito. Sinasabi mo ba na maling gawin ito?” Muli akong tinanong ni Pastor Yang, “Umanib ka ba sa Kidlat ng Silanganan dalawang taon na ang nakakaraan? Bakit mo gustong siyasatin ang Kidlat ng Silanganan? Saka madalas mo bang hanapin si ganito at si ganoon (isang kapatid na babae na tumanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, na ang mga larawan ay naipaskil at kinondena at tinalikuran ng pastor ng kanyang dating iglesia)? …” Pagkarinig sa sunud-sunod na mga tanong mula kay Pastor Yang, nagsimula akong mainis, at sinabi, “Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay mabuti, at sa loob nito ay naroroon ang katotohanan at ang gawain ng Banal na Espiritu. Susunod ako kung saan man naroroon ang katotohanan at ang gawain ng Banal na Espiritu, at ito ay tama lamang. Walang bagong liwanag sa ating iglesia, at ang aking espiritu ay nagdidilim at wala akong makita na anumang panustos doon. Gusto kong makakita ng isang iglesia na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu, kung saan ang aking buhay ay nakatatanggap ng pagkain ng katotohanan. Ang mga aral ng Kidlat ng Silanganan ay nakakaakit sa akin, at ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pawang ang katotohanan. Hinahayaan ako ng mga ito na makakuha ng panustos. Hindi ako nagkamali sa pagsisiyasat sa Kidlat ng Silanganan, at malaya akong gawin ang ganoon.” Sinabi ni Pastor Yang, “Ang ipinangangaral ng mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan ay lampas sa Biblia, at wala nang iba pang mga salita ng Diyos maliban doon sa mga nakapaloob sa Biblia. Kung ang kanilang ipinangangaral ay lihis sa Biblia, ito kung gayon ay mali.” Aking sinabi, “Narinig ko minsan ang isang mangangaral na gayon din ang sinasabi, at ganoon din ang pananaw ko dati. Nguni’t pagkatapos mabasa ang salita ng Makapangyarihang Diyos, at pagkarinig sa ibinahagi ng mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na ang pananaw na ito ay sariling mga pagkaunawa at kathang-isip lamang natin. Hindi ito ayon sa katotohanan sa anumang paraan at hindi ito tumutugma sa mga katunayan. Ang Diyos ay sumasaklaw sa lahat, at ang Diyos ay mayaman sa karunungan. Paano natin malilimitahan ang mga salita at gawain ng Diyos sa Biblia lamang? Sinasabi ng Biblia: ‘At mayroon ding iba’t ibang bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay sa palagay ko kahit sa sanlibutan ay hindi magkakasya ang mga aklat na susulatin’ (Juan 21:25). Makikita natin dito na ang mga salita at gawain ng Diyos na nakatala sa Biblia ay masyadong limitado ang saklaw. Hindi lahat ng sinabi ng Panginoong Jesus sa panahong iyon ay naisulat sa Biblia, lalo na ang mga salitang sinambit ng nagbalik na Panginoon. Higit pa rito, ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag sa saligang inilatag ng Panginoong Jesus. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at ng sa Panginoong Jesus ay ang gawain ng isang Diyos….” Hindi pinakinggan ni Pastor Yang ni isa mang salita na aking sinabi at walang anupamang interes sa paghahanap at pagsisiyasat. Nagpatuloy lamang siya sa pagsasabi ng mga bagay na tumututol at kumukondena sa Makapangyarihang Diyos at sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at tinanong niya ako, “Paano mo nalaman ang tungkol sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? May mga aklat ka ba nila? Naipapangaral mo na ba ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa kaninuman? Naipapangaral mo na ba ito sa iyong mga anak? Ibigay mo sa akin ang mga pangalan ng mga tao sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos….” Hiningi rin niya na huwag na akong muling dadalo kailanman sa isang pagtitipon kasama ng mga tao mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi ako makinig sa kanya at magpatuloy sa pakikipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ititiwalag niya ako kung gayon sa iglesia, hindi na niya ako kailanman muling papayagan na magpunta sa anumang iglesia at lubos na sisirain ang aking dangal. Natulala ako sa Pastor Yang na aking nakita sa mismong harapan ko. Paanong si Pastor Yang, na palaging napakabait at mababa-ang-loob, at palaging nagsasalita nang mahinahon, ay nagbagong-anyo tungo sa gayong kalupit at di-makatuwirang tao? Sinabi ko sa kanya, “Karapatan ko ang siyasatin ang katotohanan, at walang sinuman ang may karapatang makialam dito. At pagdating sa kung ang mga aral ng Kidlat ng Silanganan ay ang tunay na daan o hindi, hindi mo muna dapat basta na lamang hatulan at kondenahin ito. Maaari kang magsiyasat mismo sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan ay mayroon silang napakaraming nilalaman. Naroroon ang lahat ng uri ng mga aklat ng mga salita ng Diyos. Tingnan mo mismo kung ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang tinig ng nagbalik na Panginoong Jesus….” Talagang ayaw makinig ni Pastor Yang sa aking sinasabi, kundi nagpatuloy lamang sa pagtutol at pagkondena. Binantaan niya ako, sinasabing dapat kong lisanin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang lalo siyang nagsasalita, mas lalong lumalampas si Pastor Yang sa hangganan. Nagalit ako nang husto at sinabi sa kanya, “Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Huwag kayong magsihatol, upang huwag kayong hatulan. Sapagka’t sa hatol na inyong ihahatol, ay hahatulan kayo(Mateo 7:1–2). Kung hndi mo kailanman nasisiyasat ang mga salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, paano ka kung gayon basta nakagagawa ng anupamang mga paghatol at mapagkundenang mga pangungusap na nais mo? Kapag kumikilos ka nang ganito, ito ba ay sa isang paraang nagpipitagan sa Panginoon?” Nakita ni Pastor Yang na hindi ako nakikinig sa kanya at napasinungalingan ko siya, kaya’t hindi na siya nagsalita pa ng anuman.

Sa mga sumunod na araw, nagsimula na si Pastor Yang na matyagan ako. Nangamba ako rito, at nawalan na rin ako ng kalayaan ng pananampalataya. Sa iglesia, pasilyo lamang ang naghihiwalay sa opisina ni Pastor Yang mula sa akin. Palagi siyang sumusulpot sa aking opisina upang tingnan kung ano ang ginagawa ko, at minsan sasabihin niya na papunta siya sa palikuran at pagkatapos ay panonoorin ako mula sa pasilyo. Isang araw, dumating sa opisina ko ang dalawang kapatid-na-babae mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang kausapin ako. Pagkaalis na pagkaalis ng mga kapatid, nagpunta si Pastor Yang upang hanapin ang aking katulong sa trabaho. Sinabi sa akin kalaunan ng aking katulong sa trabaho na tinanong siya ni Pastor Yang kung sino ang dalawang taong ito, at kung bakit sila nagpunta…. Maghapon akong binantayan ni Pastor Yang na parang nagmamatyag siya sa isang kriminal. Pakiramdam ko ay masyado akong siniil at lubos na walang kalayaan. Isang araw, hindi ako nagpunta sa iglesia, at nakikibahagi ako sa isang pagtitipon sa online kasama ng ilang kapatid. Habang masigasig akong nagtatala ng mga binabanggit sa pagtitipon sa aking sala, basta na lamang biglang sumulpot si Pastor Yang sa likuran ko (ang pintuan ay nakaawang, at ang sinumang dumating ay makapapasok) at sinabi, “Anong ginagawa mo? Anong isinusulat mo?” Napatalon ako sa takot sa bigla at hindi-inaaasahang tinig. Lingid akong naasiwa sa paggambala niya nang ganoon, at anumang gawin ko ay hindi na ako muling mapanatag. Nagalit ako sa kanya nang husto, at inisip: “Ang pagsisiyasat sa tunay na daan sa paniniwala ng isang tao sa Diyos ay tama at wasto, at ito ay isang karapatan na dapat mayroon ang isang Kristiyano.” Ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa sa loob ng aming iglesia, at ang mga mananambahan ay pawang negatibo, mahina, at nanlulupaypay sa espiritu. Sila ay nabubuhay sa isang kapaligiran na nakalubog na sa kadiliman, at naghahanap ako ng isang iglesia kung saan ang Banal na Espiritu ay gumagawa. Paano naging mali ang maghanap sa mga yapak ng Diyos? Bakit nais niya akong bantayan? Bakit hindi niya ako pabayaan?

Hindi lamang sa sinusubaybayan at ginagambala ako ng pastor, kundi tinawagan pa ako ng isang nakatatanda upang takutin ako. Sinabi niya sa akin, “Ang ipinangangaral ng mga tao sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay lampas sa Biblia. Kung ikaw ay naniniwala sa Panginoon, hindi mo mapagtataksilan ang Panginoon, na nagbibigay sa iyo ng napakalaking kagandahang-loob. Hindi maaaring wala kang konsensya….” Pabalang kong sinabi, “Ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus ay iisang Diyos, at tiyak na hindi ko pinagtaksilan ang Panginoong Jesus sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Sinasabayan ko lamang ang mga yapak ng Kordero….” Subali’t, gaano ko man subuking ipaliwanag ito, ang nakatatanda ay kagaya lamang ng pastor. Bukod sa pagsasabi ng mga bagay na mapangkondena at kalapastanganan, at paghadlang sa akin mula sa pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi siya nakinig sa isa mang salita na aking ibinahagi o ipinayo. Ayaw ko nang makipag-usap pa sa kanya, kaya nag-isip na lamang ako ng ilang dahilan upang matigil ang usapan. Nguni’t hindi ako tinigilan ng nakatatanda. Lagi siyang tumatawag upang takutin ako at sinabing, sa aking paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, nakalimutan ko ang biyaya ng Panginoon at nagtaksil sa Kanya. Naalala ko kung ano ang sinabi sa Pahayag: “At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saanman Siya pumaroon(Pahayag 14:4). Sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ginagampanan ng Makapangyarihang Diyos ang yugto ng gawain ng paghatol at pagdadalisay sa mga tao sa pamamagitan ng mga salita, at malinaw na ipinakita ng aking pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na sinasabayan ko ang mga yapak ng Kordero. Paano masasabi ng sinuman na pinagtataksilan ko ang Panginoong Jesus? Noong una, nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, iniwanan ng mga taong naniwala kay Jehova ang kautusan at tinanggap nila ang ebanghelyo ng kaharian ng langit na ipinangangaral ng Panginoong Jesus. Sumunod sila sa Panginoong Jesus, nguni’t nakalimutan ba nila ang pagliligtas ni Jehova? Isa ba itong pagtataksil kay Jehova? Hindi ba ito isang kamalian? Pagkatapos na ito ay maganap, muli na naman akong pinadalhan ng pastor ng ilang mensahe sa online na lumalapastangan, tumututol, at kumukondena sa Makapangyarihang Diyos. Muli akong nainis at nagalit sa pagbabasa sa gayong mga nakakatakot na salita. Si Satanas lamang ang may kakayahang bigkasin ang gayong mga kalapastanganan, at sa kanilang kapasidad bilang mga lider sa iglesia, paanong wala silang anupamang takot sa Diyos at nangahas na sabihin ang lahat ng uri ng mga kalapastanganan? Ipinaalala nito sa akin ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu, ay hindi ipatatawad sa kanya, kahit sa sanlibutang ito, o maging sa darating(Mateo 12:32). Ang paglapastangan sa Diyos ay isang napakalaki at nakakatakot na kasalanan! Nakadama ako ng matinding takot para sa kanila, nguni’t kahit anong sabihin ko, tinatakpan lamang nila ang kanilang mga tainga at tumatangging pakinggan ang anumang bagay. Nagpatuloy lamang sila sa pagkondena, pagtutol, at paglapastangan. Hindi ko ito maunawaan: Ang nakatatanda at ang pastor ay kapwa may kaalaman sa Biblia at nag-aral ng teolohiya, at ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay sinalita nang napakalinaw, kaya bakit hindi sila maghahanap o magsisiyasat ng Kanyang mga salita? Bakit talagang nagpipilit silang kondenahin at tutulan ang Makapangyarihang Diyos?

Iniisip ang tanong na ito, hinanap ko ang mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang kapatid na Lin ay nagbahagi sa akin, na nagsasabing, “Tungkol sa kung bakit hindi naghahanap o nagsisiyasat ang nakatatanda at ang pastor sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, bagkus ay agad-agad na kinukondena at nilalabanan Siya, matagal na panahon nang nilinaw ng Makapangyarihang Diyos ang esensya at pinagmulan ng suliraning ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Fariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). ‘Masdan mo ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ginagabayan ng kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y wala talagang kakayahang mangaral, susunod ba sa kanila ang mga tao? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam nila kung paano makaakit ng iba at kung paano gumamit ng ilang pakana. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, ngunit sa realidad, sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng isang taong nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming lider tungkol sa aming pananampalataya.” Isang tao ang daanan ng kanilang pananampalataya sa Diyos; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga lider na iyon? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?(“Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nang unang dumating ang Panginoong Jesus upang gawin ang Kanyang gawain, Siya ay dinagsa ng agad-agad na pagkondena at pagtutol ng mga lider ng mga Hudyo—mga pinunong pari, mga escriba, at mga Fariseo. Sa bandang huli, ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus. Ang mga ninuno ng mga Fariseo ay naniniwala sa Diyos at mga bihasa sa kautusan. Kaya bakit nila tututulan at kokondenahin ang Panginoong Jesus, at ipapako Siya sa krus? Nakikita natin mula sa salita ng Diyos na ito ay dulot ng kanilang mala-satanas na kalikasan ng pagiging mayabang, palalo at hindi nagpapasakop sa katotohanan. Nagpahayag ang Panginoong Jesus ng napakaraming katotohanan, subali’t hindi nila ito hinangad o siniyasat, bagkus ay kumapit sa kanilang sariling mga pananaw. Ang kanilang paniniwala sa Diyos ay nakaasa lamang sa kanilang sariling pagkaunawa at mga kathang-isip, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia sa pamamagitan ng paggamit ng maling konteksto sa mga talata. Naging sanhi ito upang sila ay maging bulag, at hindi makakuha ng anumang pagliliwanag mula sa Diyos. Hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi naunawaan ang katotohanan, ni mauunawaan nila ang tinig ng Diyos. Tunay na naging sanhi ito upang ang mga salita sa Biblia ay magkatotoo: ‘Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anumang paraa’y hindi ninyo mapag-uunawa; at sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anumang paraa’y hindi ninyo mamamalas: Sapagka’t kumapal ang puso ng bayang ito, at mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, at kanilang ipinikit ang kanilang mga mata(Mateo 13:14–15). Ang mga pastor at ang mga nakatatanda sa kalipunan ng mga relihiyon sa mga huling araw ay kagaya ng mga Fariseo sa mga panahong iyon, dahil ang pinahahalagahan nila ay ang kaalaman sa Biblia at ang teoryang panteolohiya. Umaasa sila sa kanilang sariling pag-iisip at mga kathang-isip upang bigyang-kahulugan ang salita ng Panginoon, at upang limitahan ang paraan ng pagbabalik ng Panginoon. Buong-kasutilan silang kumakapit sa kanilang sariling mga pagkaunawa at kathang-isip, at hindi nila hinahanap ang katotohanan o anupaman. Hindi lamang sa hindi nila sinisiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kundi basta na lamang nila tinututulan at kinukondena Siya, sa gayon ay inilalantad ang kanilang katigasan-ng-ulo at kanilang mala-satanas na kalikasan ng kayabangan at pagkapoot sa katotohanan. Nag-aaral sila ng teolohiya, sinasangkapan ang kanilang mga sarili ng kaalaman sa Biblia, nguni’t hindi iyon nangangahulugan na mayroon silang anumang pagmamahal para sa katotohanan, ni nangangahulugan ito na nagagawa nilang tanggapin at sundin ang katotohanan. Ipinaliliwanag nila ang kaalaman ng Biblia at teoryang panteolohiya, na ang kanilang tanging mithiin ay higit pa silang matanyag at maging marangal. Ginagawa nila ang gayon upang maingatan ang kanilang sariling katayuan, at tingalain sila ng mga mananampalataya nang buong-pagpipitagan, hangaan sila, at sundin sila. Nakikita nila na ang mga salita na ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at nagagawa ng mga ito na lupigin at iligtas ang mga tao, at na maraming mga tao na mayroong pag-ibig para sa katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos ang nakakabasa sa salita ng Makapangyarihang Diyos at nakakabaling sa Makapangyarihang Diyos. Naniniwala sila na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay banta sa kanilang katayuan at kabuhayan, kaya agad silang gumaganti at ginagawa ang kanilang makakaya upang kondenahin at tutulan ang Makapangyarihang Diyos. Ginagamit nila ang lahat ng mga kinakailangang pamamaraan upang hadlangan at gambalain ang mga mananampalataya mula sa pagbabalik sa Makapangyarihang Diyos sa pagtatangka na pangibabawan ang mga hinirang ng Diyos sa lahat ng pagkakataon. Ito ang pinakaugat kung bakit hindi hinahanap o sinisiyasat ng mga nakatatanda at mga mangangaral ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at kung bakit kaagad nilang tinututulan at kinukondena ang Makapangyarihang Diyos. Makikita sa masasamang gawa ng mga mangangaral at mga nakatatanda na tumututol sa Diyos na sila ang mga Fariseo ng ating panahon, at sila ang mga hadlang at mga katitisuran na humahadlang upang matanggap ng mga mananampalataya ang tunay na daan at maibangon tungo sa makalangit na kaharian. Sila ang mga anticristo, na lumalaban sa Diyos at ginagawang kanilang kaaway ang Diyos, at siyang naihahayag ng gawain ng Diyos sa mga huling araw.”

Pagkarinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos at sa ibinahagi ng mga kapatid-na-babae, ikinumpara ko ito sa nasabi at nagawa ng pastor at ng nakatatanda. Nakita ko na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay binigkas sa isang lubos na pratikal na paraan at na, bagama’t ang pastor at ang nakatatanda ay mahusay sa Biblia at makapagpapaliwanag sa Biblia, hindi pa rin ito nangangahulugan na mayroon silang anumang pagkakilala sa Diyos. Umaasa sila sa kanilang likas na talento at kaalaman sa kanilang gawain upang itaas ang kanilang mga sarili nang sa gayon ay masamba sila ng iba at sundin sila. Kung wawariin, parang naglilingkod sila sa Diyos, nguni’t ang totoo, ang pinaglilingkuran nila ay ang kanilang sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip, ang sariling katayuan nila at ikinabubuhay. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pananakot at paghadlang sa akin ng pastor at ng nakatatanda, nagawa kong aninagin kung sino talaga sila. Sila ay mga anticristo na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang katotohanan, at naglilingkod sa Diyos gayunma’y nilalabanan Siya. Bagama’t ang pastor at ang nakatatanda ay hindi pa naglulubay sa pananakot sa akin hanggang sa kasalukuyan, nakita ko na nang malinaw ang kanilang tunay na anticristong esensya ng pagkapoot sa katotohanan at paglaban sa Diyos. Hindi ko na hahayaan ang sarili ko na matakot o makontrol nila, at lubos kong natitiyak na ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay tunay. Nais kong sundan ang Makapangyarihang Diyos hanggang sa katapus-tapusan, at hindi kailanman susuko! Amen!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Nawala at Natagpuang Muli

Ni Xieli, Estados Unidos Nagpunta ako sa U.S.A. upang magtrabaho nang husto hanggang sa abot ng makakaya ko sa paghahangad ng isang...

Nasa Bingit ng Kapahamakan

Ni Zhang Hui, Tsina Noong 2005, kakatanggap ko pa lang no’n ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, nag-ebanghelyo ako sa kapatid sa dati...