Ang Tunay na Kulay ng Aking “Espirituwal na Magulang”

Setyembre 28, 2020

Ni Li Xianghe, South Korea

Pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, pinanood ko ang pelikulang may pamagat na Ang Hiwaga ng Kabanalan: Ang Karugtong sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi tinanggap ng ilan sa mga pastor at elder ng pelikula ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at ginawa nila ang makakaya nila upang pigilan ang mga mananampalataya na hanapin ang totoong daan. Nabagabag ako rito, dahil inisip ko ang mga pastor at elder bilang mga relihiyosong lider na naglilingkod sa Panginoon. Parati nilang tinuturo sa akin na mag-abang para sa Panginoon, at matiyagang maghintay, upang hindi makaligtaan ang pagdating ng Panginoon. Kung nalaman nilang nagbalik na ang Panginoong Jesus, dapat nila Siyang tanggapin nang may galak. Bakit nila kami pipigilan? Inisip ko si Pastor Jin na lider sa aking dating iglesia. Siya ay mapagmalasakit na espirituwal na gabay at nananabik na bumalik ang Panginoon. Kung alam niya na talagang nagbalik na ang Panginoon, magiging lubos siyang masaya at tatanggapin niya ito agad. Nagpasya akong panghawakan ang katotohanan upang maibahagi ko ang ebanghelyo sa kanya. Ngunit hindi nangyari ang inakala ko, at nakita mismo ng mga mata ko ang kuwento ng pelikula, pero sa oras na iyon ay totoo na.

Isang araw, dumating si Pastor Jin sa aming tindahan ng prutas para makita ako at tinanong ako mismo roon, “Nagpupunta ka ba sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?” Pagkatapos ay nagsabi siya ng ilang katakot-takot at maling bagay tungkol sa iglesia, at ika n’ya, “Sinasabi ng iglesiang iyon na nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao. Imposible ‘yon!” Gulat na gulat ako at dismayadong marinig siya na sinasabi ito. Naisip ko, “Tinuturo sa atin ng Panginoon na huwag husgahan ang iba. Wala kang nalalaman na kahit ano tungkol sa iglesiang iyon, at hindi mo pa siniyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Paano mo ito nagagawang tuligsain agad-agad?” Pero pagkatapos ay naisip ko sa sarili ko, “Palagay ko, hindi pa niya narinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos kaya hindi niya malalaman na ito ang katotohanan Kung alam niyang ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus na nagdadala sa atin ng lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa tao, alam ko lang na tatanggapin niya ito.” Kaya sinabi ko kay Pastor Jin, “Pastor, sinasabi mong hindi maaaring magbalik muli ang Panginoon sa katawang-tao. Batay ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sinabi ba Niya iyon kailanman sa Kasulatan?”

May kumpiyansa niyang sinagot ang tanong ko, “Sa katunayan ay sinasabi ito sa Ebanghelyo ayon kay Mateo, ‘At sa gayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kaya magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at makikita nila ang Anak ng tao na napaparitong nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). Sa dakilang kaluwalhatian, darating muli ang Panginoon, magbabalik sa isang ulap para makita ng lahat. Kinikilala ng buong relihiyosong mundo ang katotohanang ito. Bawat Kristiyano ay naghihintay para sa Kanya na dumating sa isang ulap, kaya paano Siya makakabalik sa katawang-tao?” Matiyaga ko siyang pinakinggan at pagkatapos ay sinabi, “Pastor, maraming propesiya sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Saradong pag-iisip at maling kumapit sa iisang berso. Oo, may mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon sa isang ulap, ngunit marami rin ang tungkol sa Kanyang lihim na pagbabalik, tulad ng, ‘Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan Akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan Ako sa iyo(Pahayag 3:3), ‘Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15), ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya(Mateo 25:6). Pinopropesiya ng mga bersong ito ang pagbabalik ng Panginoon na katulad ng isang magnanakaw, pagbabalik nang lihim sa gabi, na kakaunti lang ang may nakakaalam tungkol dito. Kung hayagang bumalik ang Panginoon sa isang ulap, hindi ba’t makikita Siya ng lahat? Hindi na kakailanganing managhoy o magpatotoo kung gayon. Kung talagang hayagang bumalik ang Panginoon sa isang ulap tulad ng pinaniwalaan natin sa umpisa, paano mo maipapaliwanag ang mga propesiya ng Kanyang pagdating nang lihim? Matapat ang Panginoon, at hindi hungkag ang Kanyang mga salita. Laging mangyayari kung ano ang Kanyang sinasabi. Kaya sinasabi natin na tiyak na mangyayari ang Kanyang pagbabalik sa dalawang yugto. Una, darating Siya nang lihim, at pagkatapos ay ihahayag Niya ang Kanyang sarili sa lahat ng sangkatauhan. Matagal na ang nakalipas, nagkatawang-tao ang Diyos upang gumawa nang lihim sa mga tao—Siya ay ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw. Ginagampanan Niya ang Kanyang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos, ipinapahayag ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa tao, at gagawa ng pangkat ng mga mananagumpay. Kapag tapos na ang lihim na gawain ng Diyos, magpapakawala Siya ng maraming sakuna, gagantimpalaan ang mabubuting tao, at parurusahan ang lahat ng masamang tao. Sa isang ulap, babalik Siya at hayagang magpapakita sa lahat ng bayan. Sa oras na iyon, ang lahat ng lumalaban sa Makapangyarihang Diyos ay lilipulin ng mga sakuna, at tatangis at mananaghoy. Sa wakas ay tutuparin nito ang sinasabi sa Pahayag 1:7, ‘Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya.’ Ang mga nakakakilala sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos bilang tunay na tinig ng Diyos lumalapit sa Kanya at tinatanggap ang paghatol ng Diyos, at nililinis ay poprotektahan ng Diyos mula sa mga sakuna at tunay na makakapasok sa kaharian ng Diyos. Ang gawain ng Diyos nang lihim ay ang gawain para iligtas ang sangkatauhan. Kapag hayagan Siyang magpapakita sa tao, magiging huling-huli na para tanggapin Siya. Iyon ang oras kung kailan parurusahan ang masasama. Naunawaan ko ang lahat ng ito mula sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Napagtanto ko na Diyos lamang ang makapaghahayag ng katotohanan at ng hiwagang ito at ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik.” Pagkatapos ay sinabi ko kay Pastor Jin na nanalangin ako na siyasatin niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.

Tiningnan niya lang ako nang masama, at pagkatapos ay sinabi niya sa akin, “Hindi lubos na marami ang nalalaman mo tungkol sa Biblia pero nangangaral ka sa akin? Hindi ba’t ang nalalaman mo tungkol sa Biblia ay itinuro ko?” Talagang nakakadismaya na pagsalitaan niya nang ganoon. Ito ba ang Pastor Jin na kilala ko? Mukha naman siyang mapagkumbabang tao, kung para sa akin lang. Sinasabi niya sa aming lahat na maging katulad ng mga marunong na birhen at maghandang salubungin ang Panginoon kapag nagbalik Siya. Ngunit ngayon, hindi na niya hinahanap ang pagbabalik ng Panginoon at kinukutya pa niya ito. Hindi ko lang talaga maintindihan at gusto kong tulungan siya, kaya sinabi ko, “Lubos na marami ang alam mo tungkol sa Biblia kaysa sa akin, kaya dapat ay mapagkumbaba ang puso mo, at hinahanap mo ang pagbabalik ng Panginoon. Dapat mo itong abangan! Alam ng bawat isa sa mga Fariseo sa kanilang puso ang mga Kasulatan at inakalang ang pagkilala sa Diyos ay katulad ng pagkilala sa mga Kasulatan. Ngunit nang dumating ang Panginoong Jesus upang gumawa, hindi nila ito siniyasat. Kumapit lang sila sa mga Kasulatan, sa pag-iisip na Siya lamang na tinatawag na ‘Mesiyas’ ang maaaring maging Diyos at ang tao lamang na makapagpapalaya sa kanila mula sa mga Romano ang maaaring maging Diyos. Dahil sa kanilang mga pagkaunawa, tinuligsa nila ang gawain ng Panginoong Jesus at pagkatapos ay ipinako Siya sa huli. Nagkasala sila sa Diyos at nagtamo ng Kanyang kaparusahan. Sa palagay mo ba na kung maraming alam ang isang tao tungkol sa Biblia, ibig sabihin ay kilala nila ang Diyos at sila mismo ay hindi lalaban sa Panginoon? Dapat tayong matuto mula sa mga Fariseo at kanilang mga pagkakamali, at huwag agad-agad tuligsain ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Dapat maging bukas ang ating isip at lagi tayong makinig para sa tinig ng Diyos. Tsaka lamang natin masasalubong ang Panginoon!” Nang makitang hindi ko pinapakinggan ang payo niya, galit niyang sinabi, “Dahil naging lubos kang relihiyosa sa lahat ng iyong taon bilang mananampalataya, ipagdadasal kita. Iwan mo na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos!” At pagkatapos ay nagdabog siya paalis.

Nang nakaalis na siya, naisip ko, “Bakit hindi niya higit na sineseryoso ang pagbabalik ng Panginoon? Parati niyang sinasabi sa amin na maghanap nang may mapagkumbabang puso, kaya bakit wala sa pagkatao niya ang inaasal niya?” Ang tingin ko dati pa kay Pastor Jin ay aking espirituwal na magulang sa pananampalataya. Nagagawa ko siyang tanungin ng kahit ano, at matiyaga siyang sumasagot, at laging may kasamang berso mula sa Biblia. Tatanungin niya kung kumusta na ang pamilya ko, ano ang kalagayan nilang lahat, at ipinagdadasal kami kapag mayroon kaming mga problema. Matagal na siyang naniniwala sa Panginoon, nagtatrabaho at ibinibigay nang buo ang kanyang sarili—hindi ba’t para sa pagbabalik ng Panginoon ang lahat ng ito? Maghihintay ako. Ang kailangan ko lang gawin ay kausapin siyang muli tungkol sa gawain ng Diyos ng mga huling araw.

Makalipas ang ilang araw, bumalik si Pastor Jin sa aming tindahan ng prutas. Inisip ko na baka tumingin siya sa Biblia at napagtanto na ngayon kung paano bumabalik at kumikilos ang Panginoon. Ngunit hindi, at sa gulat ko ay sinabi niya, “Deacon Li, sinasabi ng Biblia na, ‘Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo’y nakatayong nakatingala sa langit? Ang kaparehong Jesus na ito, na kinuha mula sa inyo patungong langit, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon Niya sa langit’ (Mga Gawa 1:11). Napakalinaw at napakasimple nito. Umakyat ang Panginoong Jesus sa langit sa isang puting ulap sa anyo ng isang Hudyong tao, kaya babalik Siya sa isang puting ulap sa anyo ng isang Hudyong tao. Napagsinungalingan ka. Dapat ka nang tumalikod.” Kumakapit siya sa ideya ng pagbabalik ng Panginoon sa atin sa isang ulap, at hinahatulan at tinutuligsa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko maunawaan, at naisip ko, “Napakaraming propesiya ang umiiral sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Bakit hindi niya sinisiyasat ang mga ito?” Noon din, naisip ko ang isang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Binasa ko ito sa pastor. “Sinasabi Ko sa inyo, yaong mga naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda ay tiyak na nasa kategorya ng mga pupuksain. Yaong mga walang kakayahang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategoryang isasailalim sa walang-hanggang pagkalipol. Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Galit na galit siya at sinabi sa akin, “Napakalinaw ng Biblia tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon sa atin. Bakit kakailanganin mo pang magbasa ng ibang libro? Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nag-iisang tunay na Diyos, bakit tinutuligsa Siya ng bawat lider ng relihiyon? Dapat mong talikuran iyan agad! Hiniling ko sa asawa mo na si Deacon Piao na kausapin ka, pero napakatigas ng ulo mo.” Matapos niyang sabihin ang lahat ng ito, tinanong ko siya, “Pastor, nabasa mo na ba ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao? Nasa librong ito ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Ang mga salita na nasa librong ito, ang mga ito ang lahat ng katotohanan. Dapat mong basahin ito. Huwag mo lang basta tuligsain—” Ngunit hindi niya ako pinatapos, at sinabi ang mga salitang ito sa akin, “Matagal ko nang nabasa ito. Ang mga ito ay hindi mga salita ng Diyos, at hindi mo dapat basahin ang mga ito.” Nang marinig ko siyang sabihin ang lahat ng ito, talagang nayamot ako. Talagang wala siyang galang! Talagang walang katuturan iyon! Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tanging katotohanan. May kapangyarihan at awtoridad ang mga ito. Hindi niya lang talaga naiintindihan. Siya’y hindi isa sa mga kordero ng Diyos. Pagkatapos, naiinis niyang sinabi sa akin, “Kung magpapatuloy ka sa landas na ito, huwag mo akong sisihin kung maging masama ang mga bagay. Sasabihin ko sa iglesia na naniniwala ka sa maling katuruan at paaalisin kita. Lalayuan ka. Itatakwil ka habambuhay.”

Talagang natigilan ako. Inisip ko, “Iniiba mo ang katotohanan! Sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, sinalubong ko ang Panginoon. Paano mo nasasabing naniniwala ako sa maling katuruan? Hindi mo lang hindi tinatanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, pinaparatangan at pinapaalis mo pa ako. Hindi ito dapat ginagawa ng matagal nang mananampalataya!” Ilang araw bago iyon, sinigawan ako ng asawa ko at sinabing, “Sinasabi ni Pastor Jin na habambuhay nang ititiwalag ang mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos mula sa iglesia. Hindi ka ba natatakot na mangyayari sa iyo ito? Ano ang gagawin natin kung itatakwil tayo ng ating mga kapatid? Ang ilan sa kanila ay alam na ang tungkol sa iyong bagong paniniwala at basta na lang tayong hindi pinapansin kapag napapadaan sila sa ating tindahan. Hindi ka na puwedeng pumunta sa iglesiang iyon kahit kailan!” Napagtanto kong si Pastor Jin ang nagsabi sa asawa ko na pigilan ako. Hindi ko inakala na babantaan niyang paaalisin ang mga tao para pigilan silang siyasatin ang totoong daan. Napakabuktot at napakasama niyon! Akala ko dati ay mapagkumbaba at mapagmahal siya, sa lahat ng taon na iyon na pinaglingkuran niya ang Panginoon, pero pakitang-tao lang ang lahat ng iyon para linlangin ang mga tao. Inisip ko ang tungkol sa mga ministro sa pelikulang iyon na banal kung kumilos sa paligid ng lahat ng mananampalataya, pero palihim na binabantaan lahat sila, at sinusubukang pigilan sila na siyasatin ang totoong daan. Katulad ng ministro sa pelikula ang ginagawa ni Pastor Jin. Inis na inis ako sa kanya. Agad na nasira ang mga nakatutuwang alaala ko sa kanya. Nang makita niyang hindi ko siya pinansin, umalis siyang dismayado.

Ngunit sa sumunod na dalawang linggo, ilang beses siyang dumaan sa tindahan para makita ako, at sinusubukang kumbinsihin ako na isuko ang paniniwala ko at pagtaksilan ang Makapangyarihang Diyos. At isang araw kalaunan, nagngingitngit sa galit niyang sinugod ang aming tindahan, at hindi na ako tinawag na deacon, ngunit agad niyang sinabi, na ikinagulat ko, “Hindi ka puwedeng maniwala sa Makapangyarihang Diyos o ipasok doon ang dalawang anak mo! Ang pamilya ng asawa mo ay pawang mga relihiyosong mananampalataya lahat. Parehong lubos na maka-Diyos ang mga lolo at lola ng mga batang iyon, hindi kita hahayaang mag-isang sirain ang pamilyang iyon!” Nagalit ako sa paratang niya. Nangangahulugan ang paniniwala ko sa Makapangyarihang Diyos na nairapture ako sa harap ng trono ng Diyos—kamangha-manghang bagay iyon. Paano niya nagawang magparatang ng ganoon kasama? Ang mas ikinagalit ko pa ay hindi lang niya ako pinagbabawalan, sinusubukan din niyang kontrolin ang karapatan ng mga anak ko sa pananampalataya. Paano niya nagawang pigilan ang iba sa paghahanap ng totoong daan? Sinabi ko nang makatarungan, mahigpit, at may tapang, “Naririnig ng mga kordero ng Diyos ang Kanyang tinig at hindi mo maaaring pigilan ang iba sa paniniwala sa Diyos. Binabasa ng mga anak ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakilala nila ang tinig ng Diyos. Iyon ang gabay ng Diyos! Noong siniyasat ko ang iba pang denominasyon dati, ayaw ng mga anak ko na pumunta. Ngayon, gusto nilang maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Malaya silang maniwala sa Kanya at hindi ko sila pipigilan. Ano ang karapatan mo para alisin ang kalayaang iyon mula sa kanila?” Tumigil siya at hindi makapagsalita nang ilang sandali, at pagkatapos ay sinumpa ako sa galit at nagdabog paalis. Gulat na gulat ako sa ginawa ni Pastor Jin. Noon pa’y sinusuportahan niya ako at pinagdarasal ang pamilya ko. Bakit siya nagiging napakalupit? Pinarurusahan, minumura, at sinusumpa ba niya ako dahil lang tinanggap ko ang gawain ng Diyos ng mga huling araw? Lampas-lampas ang aking pagkalito.

Ilang panahon ang nakalipas, ibinahagi ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa dalawang kapatid mula sa dati kong iglesia. Masaya sila na marinig ang mga salita ng Diyos at lagi kaming nag-uusap. Hindi nagtagal, nalaman ni Pastor Jin na nakinig sila sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko alam kung paano niya sila binantaan, o kung ano ang ginawa niya pero hindi na nila ako kinausap at nagsimula silang iwasan ako. Sobrang nalungkot at nagalit ako. Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo: “Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Tumanggi si Pastor Jin na tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at ginawa niya ang lahat ng kaya niya upang pigilan ang iba sa pagtanggap nito. Ginagamit niya ang lahat ng uri ng pagbabanta sa mga kapatid. Hindi ba’t nagiging katulad niya ang mga Fariseo noong dati pa? Tinalikuran niya ang kaharian ng Diyos, at sinubukan din niyang pigilan ang iba. Hinihila niya ang iba pababa sa impiyerno kasama niya. Napakasama nito at parurusahan siya ng Diyos!

Kalaunan, ako ay nasa isang pagtitipon, at sinabi ko sa mga kapatid ko kung ano ang nangyari. Pagkatapos ay nagbasa si Sister Li ng ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Fariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). “Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘mahuhusay na konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos).

Pagkatapos ay ibinahagi niya ito sa amin: “Malinaw na ipinapaliwanag ng mga salita ng Diyos ang pinakadahilan ng paglaban ng mga Fariseo at ministro sa Diyos. Pangunahing dahilan ay napakatigas ng ulo nila at mapagmataas sila, talagang hindi sila natatakot sa Diyos, at kinamumuhian nila ang katotohanan higit sa kahit anuman. Sa mga araw ng Panginoong Jesus, ang mga Fariseo ay laging nangangaral tungkol sa mga Kasulatan sa mga sinagoga at mukhang napakarelihiyoso. Ngunit noong dumating ang Panginoon upang gampanan ang Kanyang gawin, bagaman alam nilang puno ng awtoridad at kapangyarihan ang Kanyang mga salita, tumanggi pa rin silang pakinggan ang mga ito. Pakiramdam nila’y may banta sa kanila at takot silang susundan ng kanilang mga mananampalataya ang Panginoong Jesus at mawawala ang kanilang yaman at katayuan, kaya nag-imbento sila ng mga kuwento at naghanda ng huwad na patotoo, at ginawa ang kung anumang kaya nila upang tuligsain ang Panginoong Jesus. Ginawa nila ang lahat ng kaya nila upang pigilan ang mga tao na sundan Siya, at ipinako Siya sa krus sa huli, at nakagawa ng napakalupit na kasalanan. Sa naging reaksiyon nila sa Panginoong Jesus at ang mismong katotohanan, at kung paano nila nilabanan ang Diyos para makontrol ang mga puso at isip ng mga tao, malinaw na hindi pinaglingkuran ng mga Fariseo ang Diyos. Sila ay mga anticristo lamang na kinamumuhian ang katotohanan at ang Diyos. Ang mga pastor at elder na nangangaral sa relihiyosong mundo ngayon, ay alam na alam ang Biblia, kaya nilang ipangaral ang Biblia at kanilang mga teorya sa teolohiya, mukha silang mapagkumbaba at relihiyoso. Ngunit ngayong nagkatawang-tao ang Diyos upang gampanan ang Kanyang gawain, alam nilang maraming taon nang nagpapatotoo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoon, na ipinapahayag Niya ang katotohanan at gumagawa ng paghatol, ngunit tumatanggi silang siyasatin ito, at nilalabanan at tinutuligsa ang Makapangyarihang Diyos. Kumakapit sila sa mga salita ng Biblia at sa kanilang maraming maling ideya. Iniisip nilang makakabalik lamang ang Panginoon sa isang ulap, nagsasabi sila ng lahat ng uri ng maling katuruan at nagsisinungaling sila at binibitag nila ang mga mananampalataya, at inilalayo sila sa totoong daan. Mahigpit nilang kinokontrol ang mga kordero ng Diyos at nilalabanan ang Diyos para sa kanila. Ginawa nila ang eksaktong ginawa ng mga Fariseo maraming taon na ang nakalipas. Kinamumuhian nila ang lahat ng gawain ng Diyos, ang katotohanan, at sinasalungat nila ang Cristo ng mga huling araw. Sila ay mga masasamang lingkod at anticristo na inilantad ng gawain ng Diyos.”

Nakaramdam ako ng kaliwanagan nang marinig ang pagbabahagi niya. Talagang napakarunong ng gawain ng Diyos! Inilalantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ang mga Fariseo na ito at ang kanilang pagbabalatkayo. Ang mga pastor at elder na ito, ang mga huwad na lingkod na ito, ay nilalabanan lang talaga ang Diyos. Sila’y mga anticristo na tinatanggi at nilalabanan si Cristo, mga diyablo na nilalamon ang ating mga kaluluwa! Sa panlilinlang ni Pastor Jin, hindi ko kailanman nagawang makita ang kanyang huwad na pagbabalatkayo. Iniisip ko noon pa na pinaglilingkuran niya ang Panginoon, na siya’y tapat na lingkod, kaya nakita ko siya bilang aking espirituwal na magulang. Noong nakita ko ang mga pastor at elder sa pelikulang iyon na ginagawa ang lahat ng kaya nila upang ilayo ang mga tao sa totoong daan, nagpatuloy ako sa aking mga huwad na paniniwala, iniisip na iba si Pastor Jin. Sa sandaling tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at sinubukan ni Pastor Jin na pigilan ako sa bawat pagkakataon, sa wakas ay nagawa kong makita ang tunay niyang kulay na mapagkunwari, at napagtanto kong isa siyang anticristo na kinamumuhian ang katotohanan at nilalabanan ang Diyos. Sa wakas ay malaya na ako sa mga gapos ng mga Fariseo at anticristo ng relihiyosong mundo. Nagbalik ako sa Diyos at dumalo sa piging ng kasal ng Kordero.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...

Isang Pambihirang Tagumpay

Ni Fangfang, Tsina Nananalig ang buong pamilya namin sa Panginoong Jesus, at samantalang isa lang akong karaniwang mananampalataya sa...