Espirituwal na Pakikidigma: Dalawang Buwang “Pagkakabilanggo” Sa Akin ng Aking Asawa

Pebrero 17, 2019

Gawa ni Baituo, South Korea

“Mahal, buti pa itago mo yung mga bank card. Kasalanan ko na bulag kong pinaniwalaan ang mga tsismis ng CCP at sinubukan kong hadlangan ang paniniwala mo sa Diyos, at kinuha ko pa sa ‘yo ang mga bank card. Hay, huwag na nga natin ‘yong pag-usapan. Mabuting bagay ang paniniwala sa Diyos. Ituloy mo lang ang paniniwala sa Diyos, at hindi na kita aabalahin pa.” Nang marinig kong sabihin ‘to sa ‘kin ng asawa ko, patuloy akong nag-alay ng pasasalamat at papuri sa Diyos sa puso ko. Kung iisipin yung nakalipas na dalawang buwan, kung hindi dahil sa paggabay ng Diyos, baka namumuhay pa rin ako ngayon bilang “ibinilanggo” ng aking asawa …

Pinaniniwalaan ng Pamilya ko ang mga Tsismis at Sinubukan Akong Pigilin sa Pagdalo sa mga Pagtitipon

Noong May 2017, tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Matapos akong sumali sa buhay-iglesia, nakita kong tinatanggap ng mga kapatid ko ang mga salita ng Diyos bilang mga prinsipyo nila sa pagkilos, at hinahangad nilang maging mga tapat na tao. Sa tuwing meron silang paghihirap o problema o kasamaan, bubuksan nila ang mga puso nila sa isa’t isa, maghahanap at magbabahaginan tungkol do’n, at tutulungan at susuportahan nila ang isa’t isa. Kapag kasama ko ang aking mga kapatid, palagay ang loob ko ramdam kong malaya ako. Habang dinidiligan ako ng mga salita ng Diyos, mas lalo ko pang naiintindihan ang mga katotohanan, at talagang gusto kong gawin ang parte ko sa pagpapakalat sa ebanghelyo ng kaharian para makabawi sa pagmamahal ng Diyos. At kaya, nagsimula akong kumilos nang masigasig para sa Diyos. Pero nung panahong ‘yon, nabasa ng pamilya ko yung mga tsismis ng pamahalaang Tsina online na kumokondena at naninira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at nagsimula silang tumutol sa aking pananampalataya sa Diyos.

Isang araw, sinabi sa ‘kin ng anak ko: “Mama, sinasabi online na tinatali ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga tao sa iglesia at kinukuha ang pera nila. Huwag n aka uling pupunta sa isa sa mga pagpupulong nila!” Ang asawa ko, na nando’n din, ay sumabat din at pinayuhan akong huwag nang pumunta sa simbahan. Nang marinig kong sabihin nila ‘yon, nagalit ako, at naisip ko sa sarili ko: “Hindi lumapit kalian man ang iglesia sa mga tao para humingi ng mga donasyon. Libre ang lahat ng mga libro ng mga salita ng Diyos na pinamimigay nila, at may prinsipyo ang mga kapatid sa kanilang pangangaral ng ebanghelyo. Hindi naman talaga totoo yung mga sinasabi online.” At kaya, sinabi ko sa asawa at anak ko, “Lahat ng mga bagay na nabasa niyo online ay mga tsismis na inimbento ng CCP at salungat sa mga katotohanan! Hindi niyo pa nasisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at hindi niyo naiintindihan ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Bakit sa panig ng CCP lang kayo nakikinig? Malinaw na nasasaad sa ‘Ang Sampung Administratibong Kautusan na Dapat Sundin ng mga Piniling Tao ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian’ gaya ng ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang mga kamag-anak na hindi kabilang sa pananampalataya (ang iyong mga anak, ang iyong asawang-lalaki o asawang-babae, ang iyong mga kapatid-na-babae o ang iyong mga magulang, at iba pa) ay hindi dapat pilitin tungo sa iglesia. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi kulang sa mga kasapi, at hindi kailangang paramihin ang bilang nito ng mga taong walang paggagamitan. Lahat ng mga taong hindi masayang naniniwala ay hindi dapat akayin tungo sa iglesia’ (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinangangaral lang ng iglesia namin ang ebanghelyo sa mga may mabuting pagkatao, at tapat na naniniwalang merong Diyos. Ang sino mang gustong sumali ay pinasasailalim at pinapapasa ng iglesia sa isang mahigpit na eksaminasyon, at kailangan nilang magsulat ng letter of application tungkol sa kung bakit nila gustong sumali sa iglesia. Ito lang ang paraan para matanggap sa iglesia ang isang tao. Hindi lang namin basta pinapangarap ang ebanghelyo sa mga tao na hindi naman tapat na naniniwala sa Diyos at may masamang pagkatao. Kahit gusto man nila na makiisa sa iglesia, hindi sila tatanggapin ng iglesia, kahit pa mga kamag-anak sila ng isang miyembro. Gayon pa man gumagawa ng hindi totoong paratang ang CCP na tinatali namin ang mga tao sa iglesia—isa itong lantarang kasinungalingan at isang panlilinlang! At ang pagsasabing nagmamakaawa ang iglesia sa mga tao para magsagawa ng mga pag-aalay ay lalong hindi totoo. Sa mga Pag-aayos ng Gawain ng iglesia, malinaw na sinasabing: “Hindi pinapayagan ng iglesia ang sino man na humiling sa iba na magsagawa ng mga paghahandog sa pamamagitan ng pangangaral o ano mang iba pang dahilan. Lahat ng mga masigasig sa pakikipag-usap tungkol sa paggawa ng mga handog ay mga lihim na motibo. Ang usapin ng paggawa ng mga paghahandog ay depende sa konsensya at katwiran ng bawat indibidwal, pati na sa kanilang pag-unawa sa mga katotohanan (‘Ang mga Prinsipyo ng Pagtatatag ng Isang Simbahan at ang Pamamahala ng Buhay-Iglesia’ sa Mga Napiling Salaysay sa Pag-aayos ng Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos’). Kahit minsan hindi pa hiniling sa amin ng iglesia na magsagawa ng pag-aalay at, bukod do’n, ang mga libro ng mga salita ng Diyos na binabasa ng mga nagsisiyasat sa tunay na daan at ng mga kapatid ay libre. Pero sinasabi ng CCP na kinukuha ng iglesia ang pera ng mga tao! Mga walang basehang pag-imbento ang lahat ng ‘yon, pagkakalat ng tsismis at paninira, pagsasagawa ng mga maling paratang laban sa iglesia at panglalapastangan laban sa Diyos! Lahat ng mga tsismis online ay ganap na nakakapanglinlang, at hindi niyo dapat paniwalaan ang tahasang mga kasinungalingang ‘yon!”

Matapos akong magsalita, sandali silang nanahimik, at sinabi ng anak kong, “Nag-aalala pa rin kami ni papa para sa inyo. Pakiusap huwag na kayong pumunta sa iglesia! Ikukuha ko kayo ng fitness card. Kung pupunta kayo sa gym para mag-work out, hindi lang kayo magkakaro’n ng bagong mga kaibigan, makakapag-ehersisyo rin kayo. Ano sa tingin niyo?” Pagkatapos niyang magsalita, sinabi ko sa kanya, “Nabuhay na ‘ko nang ganito katagal, at masasabi ko ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama. Simula nang manalig ako sa Diyos, lumuwag at naging malaya ang pakiramdam ko, at pag nakikipagkita ako sa mga kapatid at nagbabahaginan kami tungkol sa mga salita ng Diyos nang sama-sama, masaya ako. Nasasabi ko ang ano mang gusto ko, at napakaginhawa ng pakiramdam ko, at tinatamasa ko ‘yon. Hindi ‘yon kagaya ng pag nakikipagkilala ang mga makamundong tao, kung saan nag-iingat sila laban sa isa’t isa o sinusubukang higitan ang isa’t isa at dayain ang isa’t isa, namumuhay ng nakakapagod at masakit na buhay! Gusto mong pumunta ako sa gym para mag-ehersisyo at makipagkaibigan, pero maibabalik ba no’n ang kalayaan sa aking ispiritu? Alam ko sa puso ko na ang paniniwala sa Diyos ay ang tamang landas, at gusto kong masugid na sundin ang Diyos. Bakit hindi niyo ako hayaang gawing ‘yon?”

Nang marinig niya akong magsalita, malungkot ang mukha ng asawa ko nang sabihin niyang, “Kung talagang kailangan mong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, kung gano’n hindi ka namin susubukang pigilin. Pero hindi mo na itatago ang mga bank card ng pamilya, kaya ibigay mo ‘yong lahat sa akin!” Nang sabihin ‘yon ng asawa ko, naramdaman kong nabuo sa puso ko ang hindi maipahayag na emosyon, at naisip ko: “Mahigit 30 taon na kaming kasal, at ako lagi ang nagtatago ng mga bank card ng pamilya. Hindi ko inakalang titigil ang asawa ko sa pagtitiwala sa ‘kin dahil naniwala siya sa mga tsismis ng CCP. Nasaktan ako! Ah, napakasama ng pamahalaan ng China. Dati suportado ako ng pamilya ko sa paniniwala ko, pero dahil gumagawa ng mga tsismis ang CCP at sinisiraan ang iglesia, nasadlak sa gano’ng kaguluhan ang pamilya ko!” Pagkatapos no’n, para iwaksi ang mga pag-aalala ng asawa ko at pigilin siya sa pagtatangkang hadlangan ang pananampalataya ko sa Diyos, binigay ko sa kanya ang lahat ng mga bank card namin.

Nadagdagan ang Pang-aapi: “Nakabilanggo” Ako at Pinagbantaan ng Diborsyo

Nang makalipas ang ilang panahon, nakita ng asawa ko na patuloy pa rin akong pumupunta sa mga pagpupulong, kaya nag-isip siya ng isang bagong pakana para pigilin ako—nagsimula siyang sundan ako kahit saan ako pumunta. Dahil buong maghapon akong sinusundan ng asawa ko, hindi ako makapunta sa mga pagpupulong at hindi ako makasagot ng tawag sa telepono mula sa mga kapatid ko. Ang nagagawa ko lang ay mag-isang magbasa ng mga salita ng Diyos sa bahay. Pero imposibleng mabasa ko ‘yon kapag nasa bahay ang asawa ko, kaya pakiramdam ko nakakulong ako sa bahay ko, walang ano mang sariling kalayaan. Isang araw, hindi ko na matiis ang nangyayari at nakipagtalo ako sa asawa ko. Hindi ko inaasahang galit niyang sasabihin sa ‘kin na, “Kung ipagpapatuloy mo ang pagpunta sa iglesiang ‘yon, magdidiborsyo tayo! Ikaw ang mamili!” Nang marinig kong sabihin ng asawa ko na gusto niyang makipagdiborsyo, labis akong nasaktan. Mahigit 30 taon na kaming kasal at hindi niya pa nababanggit ang diborsyo kahit minsan, pero ngayon ginagamit niya ang diborsyo para pwersahin ako na bitawan ang pananampalataya ko sa Diyos. Masyadong sumama ang loob ko. Pero alam kong ang paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Diyos ay batas ng langit, at hindi ko pwedeng iwan ang Diyos ano man ang mangyari. Pero hindi ko rin gustong bitawan ang pamilya ko. Kung talagang magdiborsyo kami, sa’n ako titira? Habang iniisip ‘yon, magkasalungat ang nararamdaman ko, at hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko sa kanya. Nung oras na ‘yon, pinayuhan din ako ng anak kong lalake at ng asawa niya na huwag na akong pumunta sa mga pagpupulong. Habang nakikitang tinututulan ng buong pamilya ko ang paniniwala ko sa Diyos, bahagyang nanghina ang puso ko at inisip ko kung bakit gano’n kahirap na maniwala sa Diyos, at kung magiging gano’n na lang lagi ang buhay ko simula no’n. Pero ano man ang mangyari, kailangan kong maniwala sa Diyos. Kaya pinag-isipan ko ‘yon at nagdesisyong patuloy na lang na magbasa ng mga salita ng Diyos sa bahay, at huwag na munang pumunta sa mga pagpupulong pansamantala.

Matapos ‘yon, kahit hindi na ‘ko dumadalo sa mga pagpupulong, hindi pa rin inalis ng asawa ko ang pagbabantay niya. Sa tuwing nakikita niya akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos, titingnan niya ako, at lalabas sa bibig niya ang mga salitang “kung naniniwala ka sa Diyos, kailangan nating magdiborsyo.” Pakiramdam ko naging napakahigpit at napakahirap ng buhay ko. Kapag naiisip ko na ginugugol ng mga kapatid ko ang sarili nila para ipalaganap ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos, habang para naman akong isang ibon sa hawla na walang magawa, pinipigil kahit binabasa ko lang ang mga salita ng Diyos, pakiramdam ko may utang ako sa Diyos, at napuno ng kalungkutan ang puso ko. Habang umiiyak, patuloy akong nanalangin sa Diyos: “O Diyos ko! Hindi ko alam kung papa’no lalagpasan ang ganitong sitwasyon, at hinihiling ko sa ‘Yong liwanagan at gabayan Mo ako …” Matapos akong magdasal, pumasok sa isip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Tanging ang salita ng Diyos ang nakapagtutustos ng buhay ng tao, at tanging ang salita ng Diyos ang makapagbibigay sa tao ng liwanag at ng daan ng pagsasagawa, lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita). Nagbigay ng liwanag sa puso ko ang mga salita ng Diyos, at naisip ko, “Oo! Sa Kapanahunan ng Kaharian, nagsasagawa ang Diyos ng gawain ng paggabay at pagtutustos ng Kanyang salita sa buhay ng tao. Tanging ang salita ng Diyos ang katotohanan, at sa pagbabasa lang ng Kanyang salita at paghahanap ng katotohanan sa loob ng Kanyang salita ko makikita ang lakas at magkakaro’n ng daan na susundin. Nung panahong ‘yon, dahil sa mga pagtatangka ng asawa ko na hadlangan ako, hindi ko nagawang patahimikin ang puso ko at masigasig na basahin ang mga salita ng Diyos. Kung mawala sa akin ang paggabay ng mga salita ng Diyos, papa’no ako magiging malakas at makakapanindigan? Simula ngayon, kailangan kong umasa sa Diyos at kontrolin ang nararamdaman ko, at kailangan kong gawin ang makakaya ko para makapagbasa ng mga salita ng Diyos.”

Matapos ‘yon, palagi akong nagdarasal sa Diyos tungkol sa mga paghihirap ko, hinihiling sa Kanyang gabayan ako sa sitwasyong ito. Palaging nagpapadala ang aking mga kapatid ng mga salita ng Diyos at pati na rin ng mga video, kaya araw-araw kong iniiwasan ang asawa ko at nagbabasa ng mga salita ng Diyos at nanonood ng mga video sa cell phone ko. Habang lalo kong binabasa ang mga salita at pinapanood ang mga video, mas naging masaya ako. Lalo na nang mapanood ko ang mga kapatid na kumakanta at nagsasayaw sa pagpupuri sa Diyos, labis akong napupukaw na tumutulo ang mga luha sa mukha ko—labis kong hinahangad na maging isa sa kanila. Hindi nagtagal, nanood ako ng ilang mga video tungkol sa pag-aresto at pang-uusig ng CCP sa mga kapatid, at nakita ko ang napakaraming mga kapatid sa kulungan na nagdurusa sa malulupit na pagpapahirap ng pulisyang CCP. Pero umasa pa rin sila sa Diyos at nanalig sa Kanya, at ang mga karanasang ito ng matibay na paninindigan sa kanilang pagsaksi sa Diyos kahit buhay nila ang maging kabayaran ang labis na pumukaw sa akin. Kumpara sa malulupit na pagpapahirap at pagdurusa na pinagdaraanan ng mga kapatid ko, ang nangyari lang sa ‘kin ay ang pagtutol at paghadlang sa ‘kin ng pamilya ko. Matapos ang kaunting paghihirap, naging mahina ako at negatibo at nagreklamo tungkol sa mga kasawian ko at huminto ako sa pagpunta sa iglesia. Hiyang-hiya ako, at labis na pinalakas ang loob ko ng mga karanasan ng aking mga kapatid. Sa isa sa mga video, may isang sipi ng mga salita ng Diyos na nagsabing: “Kaya, sa panahon ng mga huling araw dapat kayong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, dapat pa rin kayong maging tapat sa Diyos, at sa habag ng Diyos; tanging ito ang pag-ibig sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos). Sa isang iglap, binigyan ako ng pananalig ng mga salita ng Diyos, at naunawaan ko na ang mga masaklap na karanasang dumating sa akin ay ang Diyos talaga na sumusubok sa aking debosyon at pagsunod sa Kanya. Kailangan kong umasa sa Diyos gaya ng ginawa ng aking mga kapatid, kaya humiling ako sa Diyos ng pananalig at kalakasan para hindi na ako mapigilan ng pamilya ko, at para matatag akong makapanindigan sa aking patotoo sa Diyos.

Ang Kamangha-manghang mga Pagsasaayos ng Diyos ang Nagpahintulot na Madiligan Ako ng Katotohanan

Espirituwal na Pakikidigma: Dalawang Buwang “Pagkakabilanggo” Sa Akin ng Aking Asawa

Isang araw, naglakad-lakad ako sa tabig-ilog, at sa ilang kadahilanan, hindi ako sinundan ng asawa ko noong araw na ‘yon. Hindi sinasadyang nasalubong ko si Sister Jin mula sa iglesia, at tinanong niya agad ako kung bakit matagal na akong hindi pumupunta sa mga pagpupulong at kung bakit hindi niya na ako nakakausap. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa kasalukuyan kong sitwasyon, at sinama niya ako sa bahay niya at binasahan ako ng mga salita ng Diyos: “Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumupusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawa’t hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pakikipagtawaran ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos).

Pagkatapos binahaginan ako ni Sister Jin, sabi niya, “Sister, yung mga sitwasyong nakakaharap natin araw-araw, kung titingnan sa pablabas ay mga tao lang na nakikipag-ugnayan sa isa’t isa, pero sa likod ng lahat ng ‘yon isang espirituwal na digmaan ang nagaganap! Dumating ang Diyos para isagawa ang Kanyang gawain at iligtas tayo, pero ayaw ni Satanas na makamit natin ang kaligtasan ng Diyos, kaya ginagamit niya ang lahat ng uri ng mga tao, mga kaganapan at mga bagay para hadlangan at pahirapan tayo. Kagaya halimbawa ng pinagdaraanan mo. Unang ginamit ni Satanas ang asawa mo at ang anak mo para guluhin at hadlangan ka, at mas gusto pa nilang mag-ehersisyo ka sa gym kesa dumalo sa mga pagpupulong o magbasa ng mga salita ng Diyos. Nang makitang nagpupumilit ka pa ring pumunta sa mga pagpupulong, ginamit ni Satanas ang asawa mo para sundan ka kahit saan ka magpunta, at pinagbantaan ka pa na makikipag-diborsyo. Sa pamamagitan nito, nagiging negatibo ka at mahina dahil hindi mo matiis ang paghihirap, nawawalan ka ng pananalig na tahakin ang landas ng pananampalataya sa Diyos, at sa huli lumalayo ka sa Diyos at pinagtataksilan Siya. Nawawalan ka ng pagkakataon na makamit ang kaligtasan ng Diyos, at bumabalik ka uli sa ilalim ng pananakop ni Satanas para patuloy na malinlang at mapinsala no’n. Ito ang kasuklam-suklam na layunin at masamang hangarin ni Satanas, at dapat natin ‘yong makita sa kabila ng mga tuso niyang pamamaraan!”

Matapos makinig sa pagbabahagi niya, biglang napuno ng liwanag ang puso ko, at naisip ko: “Lumalabas na yung nakalipas na dalawang buwan na paghadlang at pagpapahirap sa ‘kin ng pamilya ko ay isang uri pala ng espirituwal na pakikidigma, at sa pamamagitan ng digmaang ito ginulo ako ni Satanas at sinubukan niya akong piliting lumayo at magtaksil sa Diyos, at mawala ang pagkakataon kong magkamit ng kaligtasan. Hindi ko naintindihan ang katotohanan at hindi ko nakita ang mga tusong pakana ni Satanas, at kaya naloko ako ni Satanas. Unti-unting nagsimulang lumayo ang puso ko sa Diyos, madalas akong nakakaramdam ng pagiging negatibo at mahina at namumuhay ako sa pandaraya ni Satanas.”

Ipinagpatuloy no’n ni Sister Jin ang kanyang pagbabahagi: “Gayunpaman, ang karunungan ng Diyos ay itinatag sa mga tusong pakana ni Satanas, at kahit gaano pa kabagsik si Satanas, hawak pa rin ng Diyos si Satanas sa palad ng Kanyang kamay. Ginagamit ng Diyos si Satanas para maglingkod sa Kanya habang pineperketo Niya ang mga taong Kanyang pinili. Isang aspeto ng panggugulo at paghadlang ni Satanas ay nakikita natin ang masamang diwa ni Satanas na namumuhi sa katotohanan at namumuhi sa Diyos, at nakikita natin na ang gobyerno ng China ang sagisag ni Satanas. Nakikita natin na, hindi lang nagsasagawa ng mga malawakang pag-aresto at pang-uusig ang gobyernong Chinese sa mga nananampalataya sa Diyos at binabawalan ang mga Tsino na sumamba sa Diyos, pero inuunat din nito ang masama nitong kamay sa lahat ng mga bansa sa mundo, nagkakalat ng lahat ng uri ng mga inimbentong tsismis at lantarang kasinungalingan sa lahat ng mga pangunahing website ng mundo, at sinisiraan, inaatake at nagbibigay ng mga maling paratang laban sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pamamagitan ng pagsasagawa nito, nililinlang nito ang mga tao, umaasa sa wala na lalabanan at kamumuhian ng mga tao sa mundo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at makikisama na lang sa pagsuway nito sa Diyos. Tunay ngang mapanira ang CCP, nakakalason at hibang sa ambisyon—ito ang diyablong lumalaban sa Diyos at nagtatakda sa sarili laban sa Diyos. Isa pang aspeto ng panggugulo at paghadlang ni Satanas ay, sa pamamagitan nito, sinusubok ng Diyos kung meron o wala tayong pananalig sa Kanya at kung matibay ba tayong makakapanindigan sa ating patotoo sa Diyos o hindi. Nakatala sa Biblia na, nang makaharap ni Job ang mga panunukso ni Satanas, kinuha sa kanya ang lahat ng yaman niya at ang kanyang mga anak ay nagkaro’n ng malungkot na wakas. Si Job mismo ay nabalot ng mga pigsa, pero hindi niya sinisi ang Diyos, at hindi rin siya nagsalita ng masama. Sa halip, hinanap niya ang kalooban ng Diyos nang may pusong may takot sa Diyos at hinangad na mapasaya ang Diyos. Nanatili siya sa daan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama at, sa kanyang paggalang, pagsunod at katapatan sa Diyos, nilabanan niya ang tusong pamamaraan ni Satanas at matibay siyang nanindigan sa kanyang pagsaksi sa Diyos. Niluwalhati ni Job ang Diyos, at lubos na napahiya at natalo si Satanas, at hindi na nito muling tinangkang tuksuhin si Job. Kahit anong mga sistema o palihim na paraan ang ginagamit ni Satanas para guluhin o hadlangan tayo, dapat tayong magkaro’n ng pananalig sa Diyos, umasa sa Diyos at talikuran si Satanas, matibay na manindigan sa ating patotoo sa Diyos. At pag napahiya at natalo si Satanas, malaya na nating masasamba ang Diyos.”

Tinapos ng sister ang pagbabahagi at tinangu-tango ko ang ulo, at naisip ko “Oo, dahil nalinlang ang pamilya ko ng mga tsismis ng CCP, paulit-ulit nilang sinubukang hadlangan ang pananampalataya ko sa Diyos at sinubukan akong piliting magtaksil sa Diyos. Pero, sa pamamagitan nito, hinayaan ng Diyos na makita ko ang kasuklam-suklam na kasamaan ni Satanas, at sa wakas nakikita ko na na ang kalayaan sa relihiyon na ipinapahayag ng CCP sa labas ay pangtakip lang para dito, ginagawa ang lahat ng posibleng pagtatangka na mag-imbento at magkalat ng lahat ng uri ng tsismis at lantarang kasinungalingan sa pag-asang makapanlinlang ng mas maraming tao, para pasunurin dito ang tao, labanan ang Diyos kasabay no’n at sa huli ay maparusahan ng Diyos. Lubos na masama ang CCP, at ito ang diablo na lumalaban sa Diyos! Hindi na ako pwedeng mahuli uli ng mga tusong pakana ni Satanas. Tutularan ko si Job at magdarasal sa Diyos at aasa sa Diyos, aasa sa pananalig ko at matibay na naninindigan sa aking patotoo sa Diyos, at magiging sanhi ng pagkapahiya at pagkatalo ni Satanas.”

Tapos ay binasahan uli ako ng sister ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang katotohanan na kailangang taglayin ng tao ay matatagpuan sa salita ng Diyos, isang katotohanan na pinakakapaki-pakinabang at nakatutulong sa sangkatauhan. Ito ang pampalakas at panustos na kinakailangan ng inyong katawan, isang bagay na makatutulong sa inyong mapanumbalik ang inyong normal na pagkatao, isang katotohanan na dapat mailakip sa inyo. Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. Habang lumalago ang inyong katayuan, makikita ninyo ang mga bagay sa espirituwal na mundo nang mas malinaw, at kayo ay lalong magiging mas makapangyarihan upang magtagumpay kay Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Sandaling Maunawaan Ninyo ang Katotohanan, Dapat Ninyo Itong Isagawa). Tapos ay nagbahagi siya, sinabing, “Ang salita ng Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay, at ito ang pagkain na kailangan para umunlad ang ating espiritwal na buhay. Sagana at mayaman ang salita ng Diyos, at nagpapahayag siya ng mga katotohanan na kailangan natin para magkamit ng kaligtasan, gaya ng kung pa’no pinasasama ni Satanas ang tao, pa’no mapagtatagumpayan ang mga panunukso ni Satanas, ang kahulugan ng paggamit ng Diyos sa malaking pulang dragon bilang kabaligtaran, pa’no nililigtas at pineperpekto ng Diyos ang mga tao, at iba pa. Ang mga katotohanang ito ang mga prinsipyo ng pagsasabuhay para sa ating mga kilos at pag-uugali, at higit pa rito mga instrumento ‘yon kung saan pwede nating matalo si Satanas. Tinatala ng Biblia na tatlong beses sinubukan ni Satanas na tuksuhin ang Panginoong Jesus sa ilang, pero ginamit ng Panginoon sa bawat oras na ‘yon ang katotohanan para labanan ang mga pandaraya ni Satanas, at lumayo si Satanas dahil sa pagkatalo. Samakatuwid, ano man ang oras, dapat huwag tayong tumigil sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pag mas ginugulo at hinahadlangan tayo ni Satanas, mas lalong dapat nating basahin ang mga salita ng Diyos. Pag naiintindihan natin ang maraming mga katotohanan, magiging mas malakas ang ating mga espiritu, at patuloy na lalago ang karunungan natin sa Diyos. Pagkatapos ay mauunawaan natin ang mga tusong pakana ni Satanas, at hindi na uli tayo magagawang guluhin ni Satanas.”

Matapos marinig ang pagbabahagi ng aking kapatid, naunawaan ko na nagkamali ako dahil sa tusong pamamaraan ni Satanas dahil hindi pa sapat ang katotohanang nauunawaan ko, at dapat akong magkusang lumapit sa Diyos at mas armasan pa ang aking sarili ng katotohanan. Tanging sa pag-unawa lang sa katotohanan ko malalaman ang iba’t ibang tusong pamamaraan ni Satanas at matibay na manindigan sa aking patotoo sa gitna ng mga tukso. Kaya, nanalangin ako sa Diyos: “O Diyos ko! Dati, hindi sapat ang katotohanang nauunawaan ko, at pag nahaharap ako sa mga banta ng asawa ko, hindi ko nakita ang tusong pakana ni Satanas, at nakaramdam ako ng hindi matiis na sakit dahil sa mga pandaraya ni Satanas. Gusto ko ngayong palakasin ang pananalig ko at sumunod sa ‘Yo. Hinihiling kong bigyan Mo ako ng pananalig at lakas, at gabayan mo akong makalaya mula sa mga pagpigil ng aking asawa at aking anak.”

Pinatitibay Ko ang Aking Pananampalataya at Sumusunod sa Diyos

Sa mga araw na sumunod, araw-araw akong nag-ehersisyo sa gym, naghahangad ng pagkakataong makadalo sa pagpupulong. Nung una akong magsimulang pumunta sa gym, sinusundan pa rin ako ng asawa ko. Pero sa paglipas ng panahon, nakita niyang hindi na ako pumupunta sa iglesia, at linuwagan niya na ang pagbabantay niya. Sa ganitong paraan, pumupunta ako sa mga pagpupulong sa tuwing kaya ko, at nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos at nangangaral ng ebanghelyo kasama ang aking mga kapatid. Mas guminhawa ang pakiramdam ng puso ko, pero pinipigil pa rin ako ng asawa ko minsan.

Sa isang pagpupulong isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos na ito: “Kapag nalulungkot ang mga tao, dumarating Ako upang aliwin sila, at kapag mahina sila, dumarating Ako upang tulungan sila. Binibigyan Ko sila ng direksyon kapag nawawala sila. Kapag sila’y umiiyak, pinupunasan Ko ang kanilang mga luha. Gayunman, kapag nalulungkot Ako, sino ang nakaaaliw sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga puso? Kapag nag-aalala Ako nang labis, sino ang nagsasaalang-alang sa Aking mga damdamin? Kapag nalulungkot Ako, sino ang nakakapawi sa sakit na nararamdaman Ko? Kapag kailangan Ko ang isang tao, sino ang kusang mag-aalok upang makipagtulungan sa Akin?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 27). Labis na pinukaw ng mga salita ng Diyos ang puso ko, at naramdaman kong parang harapang tinatanong sa akin ng Diyos ang tanong na ito. Hindi ko mapigil na isipin ang dalawang buwan kung saan ako “binilanggo” ng asawa ko. Kahit hindi ako nakadalo sa mga pagtitipon at nakaramdam ako ng sakit at kahinaan sa loob ko, sa pamamagitan ng patuloy na pagpapadala ng mga kapatid ko ng mga salita ng Diyos at mga video ng ebanghelyo, hinayaan ng Diyos na tamasain ko ang pagtustos ng Kanyang mga salita at pinakita Niya sa akin ang daan ng pagsasabuhay. Ang nakamamanghang mga pagsasaayos ng Diyos ang nagpahintulot sa ‘kin na makipagkita sa aking mga kapatid at, sa pamamagitan ng sister na nagbahagi ng mga salita ng Diyos, pinayagan niya ako na maunawaan ang espirituwal na pakikidigma at magkaro’n ng pagkilala sa mga tusong pakana ni Satanas pati na ang malademonyong kakanyahan ni Satanas na pumipinsala at nagpapasama sa sangkatauhan, at naramdaman ko ang pag-ibig ng Diyos para sa akin. Sa tuwing nararamdaman kong pinakamahina ako at pinakanasasaktan, hindi ako iniiwan ng Diyos, sa halip lagi Niyang ginagamit ang Kanyang mga salita para gabayan ako at palakasin ang aking espiritu para magkaro’n ako ng pananampalataya na makawala sa alyansa ni Satanas, sundin ang Diyos at hanapin ang katotohanan. Sa pag-iisip sa pagmamahal ng Diyos para sa akin, napagtanto kong natamasa ko ang napakaraming biyaya ng Diyos, pero wala pa akong nagagawang ano man para sa Diyos. Bagkos, nang kinailangan ng Diyos na manindigan ako sa aking patotoo, ang inisip ko lang ay ang sarili kong mga interes, natakot akong hindi ako mabubuhay kapag diniborsyo ako ng asawa ko at patuloy akong pinigil ng aking asawa. Sa pag-iisip nito, naramdaman kong may utang ako sa Diyos, at kasabay no’n nakita ko ang determinasyon na matatag na mapanindiganan ang aking patotoo sa Diyos. “Ngayon,” naisip ko, “sinusunod ko ang Diyos at nasa tamang daan ako sa buhay, at dapat maniwala ako sa Diyos nang lantaran at tapat. Hindi ako dapat maging duwag at mahina gaya ng kung ano ako noon, na isang bagay lang na kinukutya ni Satanas.”

Nang tapos na ang pagpupulong at bumalik na ako sa bahay, nakita kong nasa bahay ang anak at asawa ko, at nagdesisyon akong magkaro’n ng isang diretsahan, at bukas na pakikipag-usap sa kanila. Pero nang magsisimula na akong magsalita, nag-atubili ako, nag-aalalang susubukan uli nila akong piliting isuko ang pananampalataya ko. Napagtanto ko noon na kulang pa rin ako ng pananalig sa Diyos, kaya mabilis akong nanalangin sa Diyos at hiniling sa Kanyang bigyan ako ng pananalig at lakas. Matapos akong magdasal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos na ito: “Dapat mong malaman na lahat ng mga bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos ng lahat nang ito. Tingnan mo nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko sa iyo. Huwag matakot, Ang Makapangyarihan-sa-lahat na Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong Sanggalang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). Binigyan ako ng pananalig ng mga salita ng Diyos, at naisip ko, “Oo, kung ang Diyos ang matatag kong sandigan, ano’ng katatakutan ko? Tatayo ako sa panig ng katotohanan at matapang na pipiliin ang sarili kong daan.” Tapos, sinabi ko sa asawa at anak ko nang buong katatagan, “Dumadalo uli ako sa mga pagtitipon kamakailan, at dahil napagtibay ko na ang paniniwala sa Diyos ang tamang daan na dapat sundin sa buhay, dapat ituloy ko ang pagsunod do’n. Nagsikap ako para sa pamilyang ito nang mahigit tatlumpung taon, at ang gusto ko na lang gawin ngayon ay gugulin ang natitira kong oras sa tapat na pananampalataya sa Diyos. Kung tutol pa rin kayo sa pananalig ko sa Diyos at pipilitin akong mamili sa pagitan ng pamilya ko at pananampalataya ko sa Diyos, mas gugustuhin ko nang makipag-diborsyo kesa isuko ang paniniwala ko.” Matapos akong magsalita, gulat akong tiningnan ng asawa at anak ko, at pareho silang walang sinabi. Matapos ang ilang sandali, pareho silang umalis at ginawa ang kanya-kanyang gawain. Kahit hindi nagsalita ang sino man sa kanila, base sa itsura nila, malinaw kong napagtanto na hindi na nila susubukang hadlangan ang paniniwala ko sa Diyos. Ilang sandali pa, binigay sa akin ng asawa ko ang lahat ng mga bank card ng pamilya para itago ko. Wala na uli siyang sinabing ano man, maski ang anak ko, na laban sa paniniwala ko sa Diyos, at bumalik sa pamilya ko ang kapayapaang tinamasa nito noon.

Panghuling Salita

Ngayon, malaya ko nang nababasa ang mga salita ng Diyos, napapanood ang mga video at napapakinggan ang mga awit ng pagpupuri sa Diyos sa bawat araw. Sa espirituwal na pakikidigmang ito, dahil nilinlang ang pamilya ko ng mga tsismis ng CCP, sinubukan nilang hadlangan ang pananampalataya ko sa Diyos. Nakaramdam ako ng sakit at kahinaan, pero nalagpasan ko ito. Ang naramdaman ko higit sa lahat ay ang pagmamahal at kaligtasan ng Diyos para sa akin, at napahalagahan ko ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos. Kasabay nito, nagkaro’n ako ng pagkilala sa pagiging tuso at lason ni Satanas. Sa karanasang ito, mas may pananalig na ako ngayon para sumunod sa Diyos! Salamat sa Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Bilanggo ng Sarili Kong Pamilya

Ni Jingxun, Thailand Tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 2019. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos, nakita ko kung paano...