Paghinto sa Pagiging Mapagbantay

Pebrero 13, 2023

Ni Zhuanyi, Timog Korea

Kamakailan, kinailangan naming gumuhit ng ilang larawan para sa gawaing pelikula ng iglesia. Ang kapareha ko, si Brother Simon, ay nagdisenyo ng isang larawan at isinumite ito para sa pagsusuri. Sinabi ng lider na walang masyadong detalye ang larawan at may mali sa komposisyon nito, at na malinaw na dahil ito sa pagiging pabasta-basta at pabaya ni Simon. Maya-maya, tinanong ko si Simon tungkol dito. Sinabi niya na dahil sa gipit na iskedyul, wala na siyang oras para trabahuhin ang mga detalye. Hindi ko iyon sinagot, at pinaalalahanan ko lang siya na mas mag-ingat sa susunod, at na napakahalaga ng gawaing pelikula, hindi kami pwedeng maging pabaya at mag-aksaya ng oras sa mga rebisyon. Hindi nagtagal, lumitaw ang malilinaw na pagkakamali sa prinsipyo sa isa pa sa mga larawan ni Simon. Iwinasto siya ng lider dahil sa paggawa ng mga payak na pagkakamali pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsasanay, at sa pagiging pabaya sa kanyang tungkulin, at dahil dito ay tinanggal siya sa kanyang tungkulin. Kinatakutan ko ang kinalabasang iyon. Hindi ko ito lubos na naintindihan. Tinanggal ng lider si Simon dahil lang sa nakagawa siya ng dalawang pagkakamali, hindi ba medyo malupit iyon? Bago ko pa namalayan, nagkaroon ng maling pagkaunawa at pagbabantay sa puso ko. Pakiramdam ko ay hindi ako pwedeng makagawa ng anumang malalaking pagkakamali sa tungkulin ko, na iwawasto ako para sa maliliit na pagkakamali at marahil ay tatanggalin para sa mga malulubha, at na mawawalan ako ng pag-asa na maligtas kung hindi ko magagawa ang tungkulin ko. Kailangan kong mas mag-ingat.

Pagtagal-tagal, labis akong kinabahan sa pagpapadala ng mga larawan ko sa lider para sa pagsusuri. Naisip ko kung paanong natanggal si Simon dahil lang sa dalawang pagkakamali, at na kung lilitaw rin sa mga larawan ko ang mga pagkakamali sa prinsipyo, baka sabihin ng lider na dahil hindi ko magawa nang maayos ang gawaing iyon, hindi ako dapat maging lider ng grupo. Matatanggal ba ako kagaya ni Simon? Lalong sumama ang loob ko habang mas iniisip ito. Hindi ako mapalagay habang ginagawa ang tungkulin ko, at wala ako sa mood na gawin ang gawaing kailangan kong harapin. Napagtanto ko na mali ang kalagayan ko, at nagmadali akong manalangin sa Diyos at humiling sa Kanya na gabayan ako para malutas ang problema ko. Pagkatapos, nakita ko ang isang video ng pagbasa ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Paminsan-minsan, gumagamit ang Diyos ng isang partikular na bagay upang ilantad ka o disiplinahin ka. Kung gayon ba ay nangangahulugan ito na pinalayas ka na? Nangangahulugan ba ito na dumating na ang katapusan mo? Hindi. Para itong kapag sumuway at nagkamali ang isang bata; maaari siyang kagalitan at parusahan ng kanyang mga magulang, ngunit kung hindi niya maarok ang intensyon ng kanyang mga magulang o maunawaan kung bakit nila ginagawa ito, magkakamali siya ng pag-unawa sa kanilang layon. Halimbawa, maaaring sabihin ng mga magulang sa kanilang anak, ‘Huwag kang aalis ng bahay nang mag-isa, at huwag kang lalabas nang mag-isa,’ ngunit pumasok lamang ito sa isang tainga at lumabas sa kabila, at tumakas pa ring mag-isa ang bata. Sa sandaling malaman iyon ng mga magulang, pagagalitan nila ang kanilang anak at bilang parusa, patatayuin nila siya sa sulok para pag-isipan ang kanyang inasal. Hindi nauunawaan ng bata ang mga intensyon ng kanyang mga magulang at nagsisimulang magduda: ‘Ayaw na ba sa akin ng mga magulang ko? Talaga bang anak nila ako? Ampon ba ako?’ Pinagninilayan niya ang mga bagay na ito. Ano ang mga tunay na intensyon ng mga magulang? Sinabi ng mga magulang na masyadong mapanganib na gawin iyon at sinabihan ang anak nila na huwag gawin iyon. Ngunit hindi nakinig ang anak, at pumasok iyon sa isang tainga at lumabas sa kabila. Samakatuwid, kinailangang gumamit ng mga magulang ng isang anyo ng kaparusahan para maturuan nang wasto ang kanilang anak at turuan siya ng leksyon mula rito. Ano ang nais makamit ng mga magulang sa paggawa nito? Para lamang ba may matutuhan ang bata? Hindi ang matuto ang nais nilang makamtan sa huli. Ang layunin ng mga magulang sa paggawa nito ay para sundin ng bata ang sinabi sa kanya, kumilos alinsunod sa kanilang payo, at hindi gumawa ng anumang sumusuway sa kanila o ipag-aalala nila, ito ang epektong hinahangad nilang makamtan. Kung nakinig ang anak sa kanyang mga magulang, ipinapakita nito na nauunawaan niya ang bagay-bagay, at maaaring hindi na mag-alala ang kanyang mga magulang. Hindi ba’t masisiyahan na sila sa kanya kung gayon? Kakailanganin pa rin ba nilang parusahan siya nang ganoon? Hindi na nila kailangang gawin iyon. Katulad lang nito ang paniniwala sa Diyos. Dapat matutuhan ng mga tao na pakinggan ang mga salita ng Diyos at unawain ang Kanyang puso. Hindi sila dapat magkamali ng pagkaunawa sa Diyos. Sa katunayan, sa maraming pagkakataon, ang pag-aalala ng mga tao ay nagmumula sa sarili nilang mga interes. Sa pangkalahatan, natatakot sila na baka wala silang kahinatnan. Palagi nilang iniisip sa kanilang sarili, ‘Paano kung ilantad ako ng Diyos, palayasin ako, at tanggihan ako?’ Ito ang maling interpretasyon mo sa Diyos; mga isipin mo lamang ito. Kailangan mong alamin kung ano ang layunin ng Diyos. Inilalantad Niya ang mga tao hindi para palayasin sila. Inilalantad ang mga tao para ibunyag ang kanilang mga pagkukulang, pagkakamali, at diwa ng kanilang likas na pagkatao, para makilala nila ang kanilang sarili, at makaya nilang tunay na magsisi; kung kaya, ang paglalantad sa mga tao ay para tulungan ang buhay nilang lumago. Kung walang dalisay na pagkaunawa, malamang na magkamali ng pag-unawa ang mga tao sa Diyos at maging negatibo at mahina. Maaari pa nga silang magpatangay sa kawalan ng pag-asa. Sa katunayan, ang mailantad ng Diyos ay hindi naman nangangahulugan na palalayasin ang mga tao. Ito ay para tulungan kang malaman ang sarili mong katiwalian, at pagsisihin ka. Kadalasan, dahil suwail ang mga tao, at hindi naghahanap ng katotohanan para makakita ng solusyon kapag may mga pagbuhos sila ng katiwalian, kailangang magdisiplina ng Diyos. Kaya nga kung minsan, inilalantad Niya ang mga tao, ibinubunyag ang kanilang kapangitan at pagiging kaawa-awa, tinutulutan silang makilala ang kanilang sarili, na nakakatulong para lumago ang kanilang buhay. Ang paglalantad sa mga tao ay may dalawang magkaibang implikasyon: Para sa masasamang tao, ang mailantad ay nangangahulugan na pinalalayas sila. Para sa mga nagagawang tanggapin ang katotohanan, ito ay isang paalala at isang babala; pinagninilay sila tungkol sa kanilang sarili, para makita ang kanilang tunay na kalagayan, at para hindi na sila maging suwail at walang ingat, sapagkat magiging mapanganib ang magpatuloy nang ganito. Ang paglalantad sa mga tao sa ganitong paraan ay para paalalahanan sila, upang kapag ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, hindi sila naguguluhan at walang ingat, hindi nila binabalewala ang kanilang tungkulin, at hindi sila nasisiyahan sa pagiging epektibo lang nang kaunti, na iniisip na katanggap-tanggap ang pagganap nila sa kanilang tungkulin ayon sa pamantayan—samantalang ang totoo, kapag sinukat ayon sa hinihingi ng Diyos, nagkulang silang masyado, subalit kampante pa rin sila, at iniisip nila na ayos lang ang ginagawa nila. Sa gayong mga sitwasyon, didisiplinahin, babalaan, at paaalalahanan ng Diyos ang mga tao. Kung minsan, inilalantad ng Diyos ang kanilang kapangitan—na malinaw na para magsilbing isang paalala. Sa gayong mga pagkakataon dapat mong pagnilayan ang iyong sarili: Hindi sapat ang gampanan nang ganito ang iyong tungkulin, may sangkot na paghihimagsik, naglalaman ito ng napakaraming bagay na negatibo, lubos na pabasta-basta ito, at kung hindi ka magsisisi, parurusahan ka. Kapag dinidisiplina ka ng Diyos, at inilalantad ka, hindi naman ito nangangahulugan na palalayasin ka. Dapat harapin ang bagay na ito nang tama. Kahit palayasin ka pa, dapat mo itong tanggapin at magpasakop ka rito, at magmadaling magnilay-nilay at magsisi(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan at Pagsunod sa Diyos Maaaring Matamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Disposisyon). Pagkatapos niyon, naunawaan ko na ang pagkakalantad ay hindi nangangahulugang pinalalayas ka. Tulad ng kapag gumawa ng mali ang isang bata, pinagsasabihan sila ng kanilang mga magulang para makinig sila rito, matuto ng leksyon, at tumigil sa pagiging masuwayin. Kung ang bata ay masunurin, napapanatag nito ang isipan ng mga magulang nito, at natural, hindi nila parurusahan ang bata. Hindi natin nauunawaan ang katotohanan at kumikilos tayo nang walang prinsipyo, mayroon din tayong mga tiwaling disposisyon, kaya hindi maiiwasan na magkamali sa ating mga tungkulin. Kung minsan, hindi natin malinaw na nakikita ang mga bagay-bagay dahil wala tayong kakayahan at hindi natin nauunawaan ang katotohanan; kung minsan, mapagmatigas tayo at pabasta-basta, nilalabag ang mga prinsipyo sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa ating mayayabang na disposisyon, at ginagambala ang gawain ng iglesia; kung minsan, hindi nagagawa nang maayos ang trabaho dahil tayo ay pabasta-basta at pabaya; at iba pa. Sa pagkakalantad lang natin makikita ang ating katiwalian at mga pagkukulang, mahahanap ang katotohanan, mapupunan ang ating sarili, at mapangangasiwaan ang mga bagay-bagay nang may prinsipyo. Nasa likod nito ang mabubuting layunin ng Diyos. Hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos. Nang makita kong natanggal si Simon, nag-alala ako at natakot. Natakot ako na baka matanggal din ako dahil sa isang panandaliang pagkakamali, at na kung malubha ang aking pagkakamali, palalayasin ako at hindi maliligtas. Naging mapagbantay ako sa Diyos at mali ang naging pagkaunawa ko sa Kanya. Labis akong nakonsensya. Sinimulan kong isipin kung bakit natanggal si Simon. Naalala ko na dalawang beses na tinukoy ng lider ang mga pagkakamali niya. Sa unang pagkakataon, sinabi ng lider na luma na ang kanyang mga ideya at hindi masyadong detalyado ang kanyang disenyo, na hindi napangasiwaan nang maayos ang ilang simpleng teknikal na isyu, at na malinaw na ito ay dahil sa pagiging pabasta-basta ni Simon. Sinabi ito ng lider sa pag-asang magiging mas maingat at detalyado si Simon, at magtatamo ng magagandang resulta sa kanyang tungkulin. Pero hindi ito sineryoso ni Simon at gumawa siya ng mga dahilan, sinasabing dahil ito sa mga kakulangan sa oras, at hindi na niya pinagnilayan o sinuri ang bagay na ito pagkatapos niyon. Ang pangalawang pagkakataon ay dahil pa rin sa pagiging iresponsable at pabaya niya sa kanyang mga disenyo. Hindi niya siniyasat nang maayos ang gawain niya at hindi niya ito pinatingnan sa amin, idineretso niya lang ito sa lider para masuri. Dahil doon, hindi naitama ang ilang malinaw na paglabag sa prinsipyo at kinailangan itong baguhin, na nakaantala sa pag-usad ng mahalagang gawaing ito. Nangyari ang lahat ng mga kabiguang ito dahil hindi sineryoso ni Simon ang kanyang tungkulin at naging pabasta-basta. Mahigpit na iwinasto ng lider si Simon at tinanggal siya para makapagnilay siya sa kanyang saloobin sa tungkulin niya, mabilis na ayusin ang kanyang mga gawi, gawin nang maingat at detalyado ang kanyang tungkulin, at kumilos ayon sa mga prinsipyo ng katotohanan. Kung ang pagkakawasto at pagkakatanggal ay nakatulong sa kanya na magnilay-nilay at matuto ng aral, makakabuti ito para sa kanyang tungkulin at sa kanyang pagpasok sa buhay! Nang maunawaan ko iyon, mas naging kalmado ako.

Noong panahong iyon, may isa pang bigat sa puso ko. Pakiramdam ko ay napakalupit ng lider para tanggalin si Simon dahil lang sa paggawa ng dalawang pagkakamali sa kanyang mga disenyo. Iniisip ko kung matatanggal din ba ako kung makakagawa ako ng parehong mga pagkakamali. Alam kong mali pa rin ang pagkakaunawa ko at nagiging mapagbantay pa rin sa bagay na ito, kaya’t naghanap ako ng ilang nauugnay na salita ng Diyos para basahin. Sinasabi ng salita ng Diyos: “Sa panlabas, tila walang anumang mga seryosong problema ang ilang tao sa buong panahon na ginagampanan nila ang kanilang tungkulin. Wala silang ginagawang lantarang kasamaan; hindi sila nagdudulot ng mga pagkagambala o pagkakagulo, o tumatahak sa landas ng mga anticristo. Sa pagganap ng kanilang tungkulin, wala silang anumang malalaking pagkakamali o problema ng prinsipyo na dumarating, gayunman, nang hindi nila namamalayan, sa loob ng ilang maiikling taon ay nailalantad sila bilang mga hindi talaga tumatanggap ng katotohanan, bilang isa sa mga walang pananampalataya. Bakit ganito? Hindi makakita ng isyu ang iba, subalit sinusuri ng Diyos ang kaloob-looban ng puso ng mga taong ito, at nakikita Niya ang problema. Noon pa man ay pabasta-basta na sila at walang pagsisisi sa pagganap nila sa kanilang tungkulin. Habang lumilipas ang panahon, natural silang nalalantad. Ano ang ibig sabihin ng manatiling hindi nagsisisi? Nangangahulugan ito na kahit na nagampanan nila ang tungkulin nila hanggang sa matapos, palagi silang may maling saloobin dito, isang pag-uugali ng pagiging pabaya at kawalang sigla, isang kaswal na pag-uugali, at hindi sila kailanman matapat, lalong hindi maalalahanin. Maaari silang magsikap nang kaunti, ngunit gumagawa lamang sila nang wala sa loob. Hindi nila ibinibigay ang lahat nila, at walang katapusan ang kanilang mga paglabag. Mula sa magandang posisyon ng Diyos, hindi sila kailanman nagsisi; noon pa man ay mapagwalang-bahala na sila, at kailanman ay walang anumang pagbabago sa kanila—ibig sabihin, hindi sila tumatalikod sa kasamaang nasa kanilang mga kamay at nagsisisi sa Kanya. Hindi nakikita ng Diyos sa kanila ang saloobing nagsisisi, at hindi Niya nakikita ang pagbaligtad sa kanilang pag-uugali. Patuloy sila sa pagturing sa kanilang tungkulin at sa atas ng Diyos nang may gayong pag-uugali at gayong pamamaraan. Sa buong panahong ito, walang pagbabago sa sutil at hindi mabaling disposisyon na ito, at, higit pa rito, hindi nila kailanman nadama na may pagkakautang sila sa Diyos, hindi kailanman nadama na ang kanilang pagiging pabaya at kawalang sigla ay isang paglabag, isang masamang gawain. Sa kanilang puso, walang pagkakautang, walang pagkakonsensya, walang panunumbat sa sarili, at mas lalong walang pagbibintang sa sarili. At, sa pagdaan ng panahon, nakikita ng Diyos na wala nang lunas ang taong ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nalaman ko mula sa salita ng Diyos na kung palaging hindi sineseryoso ng isang tao ang kanyang tungkulin, hindi kailanman hinahanap ang mga prinsipyo ng katotohanan sa anumang ginagawa niya, hindi kailanman maasikaso o masipag, at iniraraos lang ang kanyang tungkulin, siya ay nagiging lubhang pabasta-basta. Kahit na mukhang hindi siya nagdudulot ng mga halatang panggagambala o panggugulo, o tumatahak sa landas ng isang anticristo, kung hindi siya magsisisi sa kanyang pabasta-bastang ugali, kung palaging may mga paglihis sa kanyang tungkulin, sa huli ay ilalantad at palalayasin siya ng Diyos. Sa pagninilay-nilay sa salita ng Diyos, nagsimula kong maalala ang ilang pag-uugali ni Simon sa kanyang tungkulin. Matagal na siyang nagtatrabaho sa grupo at mahusay sa lahat ng teknikal na bahagi, pero madalas siyang nakakagawa ng mga simpleng pagkakamali. Kung minsan, kahit ang mga payak na disenyo ay kailangan pang baguhin nang maraming beses. Madalas siyang nagkakamali kahit na sa pagba-back up at paglalagay ng label sa mga file. Maraming beses ko itong tinukoy sa kanya, at madalas din siyang paalalahanan ng iba, pero kahit kailan ay hindi niya ito sineryoso o pinagnilayan ang kanyang mga problema at saloobin niya sa kanyang tungkulin. Noong una siyang iwinasto ng lider, hindi siya nagnilay sa kanyang mga problema at patuloy na ipinagtatanggol ang kanyang sarili, sinisisi ang lahat sa kakulangan ng oras, kaya hindi siya nagbago kailanman at patuloy na nagkakamali. Nakita ko kung gaano kasutil si Simon. Bagamat may kaunting pagkaunawa ako sa pag-uugali ni Simon noon, hindi ako nag-alala tungkol dito dahil kahit kailan ay hindi nito lubhang napinsala ang gawain. Pero sa pagkakataong ito ay naging pabasta-basta siya at inantala ang mahalagang gawain; ang pagtanggal sa kanya ng lider ay naaayon sa mga prinsipyo at hindi kalabisan. Mula sa salita ng Diyos, nakita ko na hindi maliit na problema ang pagiging pabasta-basta. Kung ang isang tao ay laging pabaya sa kanyang tungkulin, sa malao’t madali, magagambala niya ang gawain ng iglesia at malalantad siya. Kung iisipin si Simon, parang dalawang pagkakamali lang ang nagawa niya, pero kung titingnan nang mas mabuti, natanggal siya higit dahil sa kanyang pabayang pag-uugali sa kanyang tungkulin. Pabasta-basta siya sa gayong mahalagang tungkulin at naantala ang gawain—ibinunyag ng kanyang pagkakatanggal ang matuwid na disposisyon ng Diyos!

Pagkatapos niyon, napaisip ako kung ano ang naging dahilan para hindi ko hanapin ang katotohanan, maging mapagbantay at maging mali ang pagkaunawa sa Diyos nang matanggal ang iba. Sa isang debosyonal, nabasa ko ang salita ng Diyos. “Sabihin mo sa Akin, kung kaya ng isang taong nakagawa ng pagkakamali na tunay na makaunawa at handa siyang magsisi, hindi ba ibibigay sa kanya ng sambahayan ng Diyos ang pagkakataong iyon? Habang papatapos na ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, napakaraming tungkuling kailangang gampanan. Pero kapag walang konsiyensiya o katwiran ang mga tao, at pabaya sa kanilang gawain, kung nagkamit na sila ng oportunidad na gampanan ang isang tungkulin ngunit hindi alam kung paano iyon pahahalagahan, hindi hinahangad ang katotohanan kahit paano, hinahayaang makalampas ang pinakamagandang pagkakataon, kung gayon ay malalantad sila. Kung palagi kang walang ingat at pabasta-basta sa pagganap sa iyong tungkulin, at hindi ka man lang nagpapasakop kapag nahaharap ka sa pagpupungos at pagwawasto, gagamitin ka pa rin ba ng sambahayan ng Diyos para gumanap sa isang tungkulin? Sa sambahayan ng Diyos, ang katotohanan ang naghahari, hindi si Satanas. Ang Diyos ang may huling pasya sa lahat ng bagay. Siya ang gumagawa ng gawain ng pagliligtas sa tao, Siya ang naghahari sa lahat ng bagay. Hindi mo kailangang suriin kung ano ang tama at mali; ang kailangan mo lang gawin ay makinig at sumunod, at kapag nahaharap ka sa pagpupungos at pagwawasto, dapat mong tanggapin ang katotohanan at magawang itama ang iyong mga pagkakamali. Kung gagawin mo ito, hindi ka aalisan ng sambahayan ng Diyos ng karapatang gampanan ang isang tungkulin. Kung natatakot ka palagi na mapalayas, laging nagdadahilan, lagi mong pinangangatwiranan ang sarili mo, problema iyan. Kung hinahayaan mong makita ng iba na hindi mo tinatanggap ang katotohanan kahit katiting, at na hindi ka tinatablan ng katwiran, may problema ka. Magiging obligado ang iglesia na harapin ka. Kung hindi mo man lamang tinatanggap ang katotohanan sa pagganap sa iyong tungkulin at lagi kang natatakot na malantad at mapalayas, ang takot mong ito ay nababahiran ng intensyon ng tao at ng tiwaling satanikong disposisyon, at ng paghihinala, pag-iingat, at maling pagkaunawa. Walang isa man dito ang dapat maging saloobin ng isang tao. Dapat kang magsimula sa pamamagitan ng paglutas sa iyong takot, gayundin sa iyong mga maling pagkaunawa sa Diyos. Paano umuusbong ang mga maling pagkaunawa ng isang tao sa Diyos? Kapag maayos ang takbo ng mga bagay-bagay para sa isang tao, talagang hindi siya nagkakamali ng pag-unawa sa Kanya. Naniniwala siyang ang Diyos ay mabuti, na ang Diyos ay kagalang-galang, na ang Diyos ay matuwid, na ang Diyos ay maawain at mapagmahal, na ang Diyos ay tama sa lahat ng bagay na ginagawa Niya. Gayunman, kapag naharap siya sa isang bagay na hindi umaayon sa kanyang mga kuru-kuro, iniisip niya, ‘Mukhang hindi masyadong matuwid ang Diyos, kahit paano ay hindi sa bagay na ito.’ Maling pagkaunawa ba ito? Paanong hindi na matuwid ang Diyos? Ano ang nagpausbong sa maling pagkaunawa mong ito? Ano ang bumuo ng opinyon at pagkaunawa mo na hindi matuwid ang Diyos? Masasabi mo ba kung ano iyon? Aling pangungusap iyon? Aling bagay? Aling sitwasyon? Sabihin mo, para mapag-isipan ng lahat at makita kung may katwiran ka. At kapag nagkakamali ng pagkaunawa ang isang tao sa Diyos o nahaharap sa isang bagay na hindi umaayon sa kanyang mga kuru-kuro, ano ang saloobing dapat niyang taglayin? (Yaong naghahanap ng katotohanan at pagsunod.) Kailangan niyang sumunod muna at isipin: ‘Hindi ko maunawaan, pero susunod ako dahil ito ang ginawa ng Diyos at hindi ito isang bagay na dapat suriin ng tao. Dagdag pa riyan, hindi ko maaaring pagdudahan ang mga salita ng Diyos o ang Kanyang gawain dahil ang salita ng Diyos ay ang katotohanan.’ Hindi ba’t ganito ang saloobing dapat taglayin ng isang tao? Kapag may ganitong saloobin, magdudulot pa rin ba ng problema ang iyong maling pagkaunawa? (Hindi na.) Hindi ito makasisira o makagagambala sa pagsasagawa mo ng iyong tungkulin. Palagay ba ninyo maaaring maging tapat ang isang taong nagkikimkim ng mga maling pagkaunawa habang gumaganap sa kanyang tungkulin? O ang isang tao kayang walang mga maling pagkaunawa ang maaaring maging tapat? (Ang isang taong hindi nagkikimkim ng mga maling pagkaunawa sa pagganap sa kanyang tungkulin ay maaaring maging tapat.) Nangangahulugan ito na una, kailangan mong magkaroon ng masunuring saloobin. Bukod pa riyan, kailangan mong maniwala man lang na ang Diyos ay ang katotohanan, na ang Diyos ay matuwid, at na lahat ng ginagawa ng Diyos ay tama. Ito ang paunang kundisyon na nagpapasya kung maaari kang maging tapat sa pagganap sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Naging malinaw sa akin ang mga bagay-bagay sa pagbabasa ng salita ng Diyos. Hindi ako nakaunawa at naging mapagbantay laban sa Diyos dahil wala akong tunay na pananalig sa Kanya at pagkaunawa sa Kanyang pagiging matuwid. Naging mapagduda at mapagbantay ako laban sa Diyos nang makitang natanggal si Simon dahil sa mga pagkakamali. Inakala ko na kapag nagkamali ako, papalitan ako o palalayasin pa nga. Inakala kong pareho sa panlabas na mundo ang sambahayan ng Diyos, at na tatanggalin at palalayasin ang mga nagkakamali, na para bang inilantad ng Diyos ang mga tao para lang palayasin sila. May mga prinsipyo sa kung paano tinatanggal at pinalalayas ng iglesia ang mga tao. Komprehensibong kinikilatis ang mga tao batay sa saloobin nila sa kanilang tungkulin, sa kanilang pagkatao, kakayahan, kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan, at iba pa. Hindi sila tinatanggal o pinalalayas dahil sa paminsan-minsang mga paglabag o mga pagbubunyag ng katiwalian. Sa paggunita sa mga lider at manggagawa sa paligid ko, natanggal ang ilan dahil mahina ang kakayahan nila at hindi nakagawa ng praktikal na gawain, ang ilan ay dahil kulang sila sa kadalubhasaan at hindi nababagay sa kanilang mga tungkulin, at ang ilan ay dahil malalim ang kanilang tiwaling disposisyon at hindi hinanap ang katotohanan para malutas ang mga ito. Pero hangga’t hindi sila masasamang tao at hindi nanggugulo, hindi sila palalayasin o ititiwalag ng sambahayan ng Diyos. Sa halip, bibigyan sila ng mga tungkulin na angkop sa kanilang kakayahan at mga kalakasan at bibigyan ng pagkakataong magnilay at magsisi. Kung, sa kanilang pagkakatanggal, kaya nilang tanggapin ang katotohanan, magnilay-nilay, at tunay na magsisi at magbago, ipo-promote at gagamitin silang muli ng iglesia. Tanging ang mga anticristo at masasamang taong hindi tumatanggap sa katotohanan, hindi nagninilay-nilay kapag natatanggal sila o nailalantad, at patuloy na gumagawa ng masama at nanggugulo, ang tuluyang ititiwalag ng iglesia. Nakita ko na tinatrato ng sambahayan ng Diyos ang lahat nang patas at matuwid at na tunay na naghahari doon ang katotohanan. Halimbawa, natanggal si Simon dahil masyado siyang pabaya sa kanyang tungkulin, at inantala ang gawain sa pagiging palaging pabasta-basta. Iyon ang pagdating sa kanya ng pagiging matuwid ng Diyos. Kung kaya niya itong harapin nang tama, hanapin ang katotohanan at magnilay, magiging magandang pagkakataon ito para sa kanya na makilala ang sarili niya, magsisi, at magbago. Namulat din ako sa pagkakatanggal ni Simon. Pareho ang mga problema ko sa kanya. Madalas akong pabasta-basta at pabaya sa tungkulin ko. Kung minsan, alam na alam ko na may mga isyu sa mga disenyo ko, pero pagkatapos ay naiisip ko ang oras at pagsisikap na kakailanganin para maayos ang mga ito at ipinapadala ko na lang ang mga ito sa lider para sa pagsusuri, iniisip na hindi ganoon kalaki ang mga problema, na kung may nakitang isyu ang lider, maaayos ko ito lahat. Dahil dito, ang gawaing magagawa sana nang isang beses ay kinailangang baguhin, na nakaantala sa pag-usad ng gawain. Kung minsan, alam kong luma na ang mga ideya ko sa disenyo, pero nangangailangan ng maraming rekurso, pag-iisip at pananaliksik ang pagiging makabago. Naisip ko na masyadong nakakaabala iyon at na sapat na ang pangkaraniwang gawain, kaya walang naging pag-usad sa mga disenyo ko sa loob ng ilang taon. Ang kabiguan ni Simon ay nagturo sa akin ng importanteng aral. Hindi ako naghahanap ng katotohanan o natututo ng mga aral mula sa bagay na ito, hindi ko naunawaan ang kalooban ng Diyos, at nagkamali rin ako ng pagkaunawa at naging mapagbantay laban sa Kanya. Napakamapanlinlang ko. Napuno ako ng pagsisisi at pagkakonsensya sa isiping ito. Kailangan kong hanapin nang tama ang katotohanan, hanapin ang tamang landas ng pagsasagawa, at huminto sa maling pagkaunawa at pagiging mapagbantay laban sa Diyos.

Kalaunan, nabasa ko ang salita ng Diyos. “Kung ang isang tao ay nagpapakita ng taos na kabutihan, siya ay isang matapat na tao. Ang ibig sabihin nito ay ganap na niyang binuksan ang kanyang puso at kaluluwa sa Diyos, na walang itinatago at walang pinagtataguan. Naibigay at naipakita na niya nang lubusan ang kanyang puso sa Diyos, na nangangahulugang naibigay na niya ang buong pagkatao niya sa Diyos. Mawawalay pa ba siya sa Diyos? Hindi na. Sa ganitong paraan madali na para sa kanya ang magpasakop sa Diyos. Kung sinasabi ng Diyos na mapanlinlang siya, aaminin niya iyon. Kung sinasabi ng Diyos na mayabang siya at mapagmagaling, aaminin din niya iyon. At hindi lang niya basta aaminin ang mga bagay na ito at titigil na lang doon—nagagawa niyang magsisi, magpunyagi para sa mga prinsipyo ng katotohanan, at kilalanin ang kanyang mga pagkakamali at ituwid ang mga iyon. Bago pa niya malaman, naitama na niya ang marami sa kanyang mga maling gawi, at unti-unting mababawasan ang kanyang pagiging mapanlinlang, mapanloko, pabaya at pabasta-basta. Habang namumuhay siya nang mas matagal sa ganitong paraan, magiging mas tapat at kagalang-galang siya at mas mapapalapit siya sa mithiing maging matapat na tao. Iyon ang kahulugan ng mamuhay sa liwanag. Lahat ng kaluwalhatiang ito ay sa Diyos! Kapag namumuhay ang mga tao sa liwanag kagagawan iyon ng Diyos—hindi iyon isang bagay na dapat nilang ipagyabang. Kapag namumuhay sila sa liwanag, nauunawaan nila ang iba’t ibang katotohanan, mayroon silang pusong may takot sa Diyos, alam nila kung paano hanapin at isagawa ang katotohanan sa bawat suliraning hinaharap nila, at namumuhay sila nang may konsiyensiya at katwiran. Bagama’t hindi sila matatawag na matutuwid na tao, sa mga mata ng Diyos ay mayroon silang kaunting wangis ng tao, at kahit paano, hindi sila nakikipagtunggali sa Diyos sa kanilang mga salita o gawa, kaya nilang hanapin ang katotohanan kapag nangyayari sa kanila ang mga bagay-bagay, at nakapagpapasakop sila sa Diyos. Sa ganitong paraan ay medyo ligtas at nakasisiguro sila, at hindi posibleng pagtaksilan nila ang Diyos. Bagaman hindi napakalalim ang pagkaunawa nila sa katotohanan, nagagawa nilang sumunod at magpasakop, at magkaroon ng takot sa Diyos sa kanilang puso, at ilayo ang kanilang sarili sa kasamaan. Kapag binigyan sila ng gawain o tungkulin, nagagawa nilang gamitin ang kanilang buong puso at isip, at gawin iyon sa abot ng kanilang makakaya. Ang ganitong klase ng tao ay mapagkakatiwalaan at may kumpiyansa ang Diyos sa kanila—ang mga taong tulad nito ay nabubuhay sa liwanag. Ang mga nabubuhay ba sa liwanag ay nagagawang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos? Maikukubli pa rin ba nila ang kanilang mga puso sa Diyos? Mayroon pa ba silang mga lihim na hindi nila masabi sa Diyos? Mayroon pa ba silang anumang itinatagong kahina-hinala at munting mga panloloko? Wala na. Lubos na nilang binuksan ang kanilang puso sa Diyos, at wala nang anumang itinatago. Maaari silang magtapat sa Diyos, makipagbahaginan sa Kanya tungkol sa anumang bagay, at ipaalam sa Kanya ang lahat ng bagay. Wala silang hindi sasabihin sa Diyos at wala silang hindi ipapakita sa Kanya. Kapag nagagawang matamo ng mga tao ang antas na ito ng katapatan, nagiging madali, malaya at maluwag ang kanilang buhay(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Sumigla nang husto ang puso ko matapos basahin ang salita ng Diyos. Umaasa ang Diyos na kaya nating maging matapat na tao at bukas-puso sa Kanya. Inilantad, o tinabasan, iwinasto at tinanggal man tayo ng Diyos, kailangan muna nating magpasakop, huwag labanan ang Diyos sa ating mga puso, maniwalang mabuti ang lahat ng Kanyang ginagawa, at pagkatapos ay pagnilayan at hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan. Kapag bukas ang mga puso natin sa Diyos, kapag mahal natin ang katotohanan, at handang magpasakop sa Diyos, madaling makamit ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu, matamo ang tunay na pagkaunawa sa katotohanan, malaman ang ating mga problema, maitama ang ating mga pagkakamali, magsisi, magbago, at magawa ang ating mga tungkulin ayon sa salita at mga hinihingi ng Diyos. At saka, dapat tayong maniwala sa pagiging matuwid ng Diyos. Hindi hinuhusgahan ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang panlabas, tinitingnan Niya kung ang intensyon nila ay palugurin Siya at hanapin ang mga prinsipyo ng katotohanan. Kung kaya nating itama ang ating ugali, at gawin ang ating makakaya, kung gayon, kahit na kapusin tayo sa proseso, kaya nating harapin ito nang tama, matuto mula sa ating mga kabiguan at suriin ang mga paglihis. Nang itama ko ang saloobin ko, kusang napawi ang mga alalahanin ko.

Pagkatapos niyon, nang ipadala ko ang mga larawan ko sa lider para sa pagsusuri, hindi na ako gaanong natatakot o tumututol. Handa na akong itama ang aking intensyon, hanapin ang mga prinsipyo, at italaga ang aking sarili sa aking tungkulin. Magmula noon, nagsusumikap na ako sa pagsasaliksik ng mga pamamaraan at paghahanap ng magagandang sangguniang materyal na mapag-aaralan bilang tugon sa mga isyung binabanggit ng lider habang sinusuri ang mga larawan. Gumagawa rin ako ayon sa mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos at patuloy na nag-eeksperimento. Pagkaraan ng ilang panahon, humusay ang aking mga teknikal na kasanayan at tumaas nang husto ang kalidad ng gawain ko. Talagang gumaan ang pakiramdam ko. Pagkalipas ng ilang araw, nang magpadala ako ng isang larawan para suriin ng lider, nagulat ako nang marinig kong sinabi niya: “Ang ganda talaga ng disenyong ito, pwede nating gamitin!” Nang marinig ito, masayang-masaya ako at naantig ako nang hindi maipaliwanag. Kalaunan, nagkaroon ng pakaunawa si Simon sa kanyang tiwaling disposisyon at ginustong magsisi at magbago, kaya’t patuloy na nagsaayos ang iglesia ng tungkulin para sa kanya. Ang pagkakatanggal ni Simon ay nagpabago rin sa pabasta-basta kong pag-uugali sa aking tungkulin. Mas detalyado na ako ngayon, at hindi na gaanong pabasta-basta kumpara dati. Mula sa karanasang ito, natutunan ko na hindi pinahihintulutan ng Diyos na tabasan, iwasto, o tanggalin ang mga tao para palayasin sila. Kung kaya nating magpasakop at hanapin ang katotohanan, sa pamamagitan ng ganitong uri ng karanasan, magkakaroon tayo ng kaalaman sa ating mga tiwaling disposisyon, at makakahanap ng mga problema at paglihis sa kung paano natin ginagampanan ang ating mga tungkulin, na nagbibigay-daan sa atin na kaagad mabago at malutas ang mga ito, at makausad sa ating pagpasok sa buhay at sa mga tungkulin. Ito ay napakagandang bagay! Sa pag-iisantabi sa aking mga maling pagkaunawa at pagiging mapagbantay laban sa Diyos, sa pagiging maingat at detalyado sa aking tungkulin, at pagtupad sa aking mga responsibilidad sa lahat ng bagay, naging kalmado at magaan ang pakiramdam ko.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Desidido Ako sa Landas na Ito

Ni Han Chen, TsinaIlang taon na ang nakararaan, inaresto ako ng mga pulis dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Sinentensyahan ako ng Partido...