Mga Kahihinatnan ng Pag-iwas sa Responsibilidad

Pebrero 7, 2022

Ni Molly, Espanya

Isang araw noong Pebrero 2021, isang lider ang nagsabi sa akin na pamamahalaan ko ang ilang bagong tatag na iglesia. Nagulat ako nang marinig ko ito. Naisip ko, “Palagi akong gumagawa ng gawaing pang-ebanghelyo at hindi kailanman naging responsable sa gawain ng iglesia. Wala akong karanasan sa pagdidilig ng mga baguhan at hindi rin ako nakakapagsalita ng Espanyol. Sigurado akong haharap ako sa maraming problema at paghihirap at hindi ko alam kung paano lulutasin ang mga iyon. Para lang mga bagong silang na sanggol ang mga bagong mananampalataya. Kung hindi sila madidiligan sa oras, hindi nila mauunawaan ang katotohanan at hindi sila magiging matatag sa tunay na daan. Kung iiwan nila ang pananampalataya, hindi ba kasamaan ang ginagawa ko? Puwede akong matanggal o mapalayas pa nga. Ang taong may ganoong papel noon ay pinaalis dahil sa hindi mahusay na pagganap. Ngayon, katatatag pa lang sa mga iglesiang ito, at marami rito ay nasa yugtong nag-eeksperimento pa lang. Hindi madali ang gawain. Sigurado akong hindi ko iyon magagawa.” Pero naisip ko ring ibinigay sa akin ang tungkuling iyon, at hindi ko iyon puwedeng tanggihan, kaya tinanggap ko ito. Pero hindi ko talaga magawang kumalma. Naisip ko kung gaano kaayos ang takbo ng aking gawaing pang-ebanghelyo noon. Nakapagpabalik-loob ako ng maraming tao. Pero magiging mahirap ang kasalukuyang gawain ng iglesia, at puwede akong mapalayas kung hindi maganda ang trabaho ko. Marami akong alalahanin at hindi ako kumpiyansang magiging mahusay ang trabaho ko. Palagi kong ninanais na bumalik sa pangangaral ng ebanghelyo. Kaya nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na patnubayan ako na maunawaan ang Kanyang kalooban at magpasakop.

Isang araw, nag-ulat sa akin ang isang brother ng ilang mga problema. Sabi niya, “Parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nang hinati-hati ang mga iglesia, iresponsable ang ilang mga lider ng iglesia at hindi isinama ang ilang baguhan. Wala silang mga pagtitipon sa grupo at hindi sila makakain at makainom ng mga salita ng Diyos. Tingnan mo ang mga mensahe mula sa ilang baguhan.” Nang buksan ko ang mga mensaheng ipinadala niya sa akin, nakita kong sinabi ng isang baguhan, “Brother, kasapi ka ba ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Hindi ako kasali sa nagtitipon na grupo ng iglesia. Gusto kong makipagbahaginan ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos online. Pwede mo ba akong tulungan? Nalulungkot akong hindi ako ngayon makakain at makainom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.” Sinabi ng isa pang baguhan, “Brother, hindi ako makakain at makainom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Wala ako sa iglesia, at talagang hindi ako masaya. Maaari mo ba akong tulungang maghanap ng mga pagtitipon?” At ang ilang baguhan ay sabik na sabik na naghihintay ng mga pagtitipon araw-araw, pero hindi sila iniiskedyul ng mga lider. Balisa ang brother na ito, at sabi niya, “Hindi ko alam kung paano mo sila dinidiligan. Gaano man karami o kahirap ang gawain mo, hindi ba nakakabalisa sa iyo kapag nakikita mo ang mga kapatid na tumanggap sa ebanghelyo na hindi makadalo sa mga pagtitipon o makakain at makainom ng mga salita ng Diyos? Hindi ka ba nagagalit na makita ito? Kung aalagaan lang natin sila nang kaunti, hindi mapag-iiwanan ang mga baguhang ito sa iglesia.” Masakit para sa akin na marinig ito mula sa kanya at makita ang mga mensahe ng mga baguhan, at hindi ko napigilan ang mga luha ko. Dahil sa kapabayaan namin sa tungkulin, napag-iiwanan sa iglesia ang mga bagong mananampalataya. Hindi sila makapamuhay ng buhay-iglesia o makakain at makainom ng mga salita ng Diyos, na nakapinsala sa kanilang mga buhay. Pero sa akin naman, nakita ko ang lahat ng problemang iyon sa mga iglesia, pero hindi ko pinasan ang responsibilidad. Hindi ako naging responsable sa mga buhay ng mga baguhan. Hindi ko inisip kung paano maitutuwid agad ang kanilang buhay-iglesia, o kung paano sila didiligan. Natakot akong gawin ang mga responsibilidad ko at gusto ko lang tumakas. Napakamakasarili ko! Naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? … Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo? Naihandog mo na ba ang iyong puso sa pinakamahahalagang sandali? Ikaw ba’y taong gumagawa sa Aking kalooban? Itanong mo sa iyong sarili ang mga katanungang ito at madalas mong isipin ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). Pakiramdam ko’y ako ang puntirya ng bawat salita ng Diyos. Lubha akong nakonsensya. Biyaya ng Diyos na ako ang pinamahala sa gawain ng mga iglesia na ito, kaya dapat kong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, maging kaisa ako sa puso at isip ng mga kapatid sa pagdidilig ng mga baguhan, para makapagtipon sila nang regular, makakain at makainom ng mga salita ng Diyos, at maging matatag sa tunay na daan sa lalong madaling panahon. Sa panahong ito, katatatag pa lamang ng mga iglesia na ito at marami pa ring problema at paghihirap na kailangan ng agarang atensyon at solusyon, pero hindi ko talaga isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos. Mula nang tanggapin ang tungkuling iyon, inisip ko lang ang sarili kong hinaharap at ang tungkol sa mga paraan ng pagtakas, takot na malalantad ako at mapapalayas kung hindi ko magagawa nang mahusay ang trabaho. Wala akong pasanin o pagkaunawa sa responsibilidad sa aking tungkulin. Napakakasuklam-suklam ko at walang pagkatao! Noong araw na iyon, sa likod ng pagpapadala sa akin ng brother na iyon ng mga mensaheng iyon ng mga baguhan ay ang kalooban ng Diyos. Iyon ay para gisingin ang manhid kong puso para makita ko ang responsibilidad na inako ko at magkaroon ng tunay na pananagutan sa gawain. Habang iniisip ito, nagdasal ako sa Diyos, ayaw nang isipin ang tungkol sa sarili kong kinabukasan o ang mga paraan ng pagtakas, kundi ang sumandal sa Kanya, akuin ang aking tungkulin, hanapin ang katotohanan kasama ng mga kapatid, at lutasin ang mga problema ng mga iglesia sa lalong madaling panahon.

Tapos, isinaayos ko ang ilang taong hahayo at kokontak sa mga baguhang iyon na walang mga pagtitipon, at nagsaayos ng buhay-iglesia para sa kanila. Sinubukan ko ring magkaroon ng tunay na pag-unawa sa lahat ng aspeto ng gawain ng mga iglesia. Nakita ko sa maraming iglesia na ang ilan sa mga tagapamahala ay bago sa kanilang gawain at hindi nila alam kung paano iyon gawin, at bukod pa rito, ang ilan sa kanila ay basta-basta lang gumagawa ng kanilang tungkulin, hindi kaagad inaasikaso ang mga problema at paghihirap ng mga bagong mananampalataya, at na kailangan nilang matulungan sa pamamagitan ng pagbabahagi o mapatalsik. Halimbawa, nakita kong ang ilan sa mga baguhan ay inililigaw ng mga pastor, at hindi pinadadalo ng mga pagtitipon. Nakita ko rin na ang ganitong mga uri ng mga baguhan ay karaniwan. Hindi ko mapigilang mag-alala nang makita ko ang mga isyu at paghihirap na ito. Naisip ko, “Kung ako ang mamamahala sa gawain ng iglesia at pagkaraan ng ilang panahon ay hindi bumubuti ang mga bagay-bagay sa gawain namin, mayroon akong hindi maitatangging responsibilidad at tiyak na mailalantad ako at mapapalayas kalaunan.” Mas lalo akong nakaramdam ng labis na lungkot habang iniisip ko ito. Bagama’t para akong palaging abala at nagmamadali, pero sa puso ko, labis ang pressure na naramdaman ko. Sa katapusan ng buwan, nakita kong lumaki ang bilang ng mga baguhan na hindi na dumadalo sa mga pagtitipon nang regular. Bigla akong nanghina at nanlata. Naisip ko: “Katatanggap ko pa lang sa tungkuling ito at hindi pa ako masyadong matagal dito, kaya kung dagli akong magbibitiw, mas hindi ko maaantala ang gawain. Kung magpapatuloy ako rito at hindi malulutas ang mga problema ng mga bagong mananampalataya at iwan nila ang iglesia, malaking kasamaan ang magagawa ko. Tapos ay maaaring hindi lang ako matanggal, malamang din na hindi ako magkaroon ng magandang destinasyon at kahihinatnan.” Habang lalo ko itong iniisip, lalo kong ginugustong sumuko, at sa huli’y nagdesisyon ako na kailangan ko itong gawin. Nang tumayo ako, bigla akong nakaramdam ng matinding pagkahilo at halos himatayin ako. Hindi pa ako nakaramdam ng anumang gaya noon, at inisip ko kung dahil ba iyon sa labis na stress kamakailan, pero hindi ko na ito masyadong inisip. Matapos itong malaman ng isang sister na kasama ko, nagbahagi siya sa akin, at sinabi niya na ang kalooban ng Diyos ang nasa likod ng bigla kong pagkakasakit, at isang aral ang dapat matutunan mula roon. Matapos marinig ang sister na sabihin iyon, kumalma ako, naghahanap at nagninilay, at nagdasal ako sa Diyos, hinihiling ang Kanyang kaliwanagan para maunawaan ang aking katiwalian.

Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos kalaunan: “Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pananalangin, pagtanggap ng pasanin ng Diyos, at pagtanggap ng mga gawaing ipinagkakatiwala Niya sa iyo—lahat ng ito ay para mayroong landas sa iyong harapan. Kapag mas mabigat ang pasaning ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, mas madali ka Niyang mapeperpekto. Ayaw makipagtulungan ng ilan sa iba sa paglilingkod sa Diyos, kahit natawag sila; tamad ang mga taong ito na nais lamang magsaya sa kaginhawahan. Kapag mas pinaglilingkod ka sa pakikipagtulungan sa iba, mas marami kang mararanasan. Dahil mas marami kang pasanin at karanasan, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataong maperpekto. Samakatuwid, kung kaya mong paglingkuran nang tapat ang Diyos, isasaisip mo ang pasanin ng Diyos; dahil diyan, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataong maperpekto ng Diyos. Ang gayong grupo lamang ng mga tao ang kasalukuyang pineperpekto. Kapag mas inaantig ka ng Banal na Espiritu, mas maraming panahon kang iuukol sa pagsasaisip sa pasanin ng Diyos, mas mapeperpekto ka ng Diyos, at mas makakamit ka Niya—hanggang, sa bandang huli, magiging isang tao ka na kinakasangkapan ng Diyos. Sa kasalukuyan, may ilan na walang dinadalang pasanin para sa iglesia. Ang mga taong ito ay maluwag at pabaya, at ang tanging pinahahalagahan nila ay ang sarili nilang laman. Ang gayong mga tao ay masyadong makasarili, at bulag din sila. Kung hindi malinaw sa iyo ang bagay na ito, hindi ka magdadala ng anumang pasanin. Kapag mas isinasaisip mo ang kalooban ng Diyos, mas mabigat ang pasaning ipagkakatiwala Niya sa iyo. Ang mga makasarili ay ayaw magtiis ng gayong mga bagay; ayaw nilang bayaran ang halaga, at, dahil dito, mawawalan sila ng mga pagkakataong maperpekto ng Diyos. Hindi ba nila sinasaktan ang kanilang sarili? Kung ikaw ay isang tao na isinasaisip ang kalooban ng Diyos, magkakaroon ka ng tunay na pasanin para sa iglesia. Sa katunayan, sa halip na tawagin itong pasanin na dinadala mo para sa iglesia, mas mainam na tawagin itong pasanin na dinadala mo para sa iyong sariling buhay, dahil ang layunin ng pasaning ito na binubuo mo para sa iglesia ay para magamit mo ang gayong mga karanasan upang maperpekto ka ng Diyos. Samakatuwid, sinuman ang nagdadala ng pinakamabigat na pasanin para sa iglesia, at sinuman ang nagdadala ng isang pasanin para makapasok sa buhay—sila ang magiging mga taong pineperpekto ng Diyos. Malinaw na ba ito sa iyo? Kung ang iglesiang kinabibilangan mo ay nakakalat na parang buhangin, ngunit hindi ka nag-aalala ni nababahala, at nagbubulag-bulagan ka pa kapag hindi normal na kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ang iyong mga kapatid, hindi ka nagdadala ng anumang mga pasanin. Ang gayong mga tao ay hindi ang klaseng kinatutuwaan ng Diyos. Ang klase ng mga taong kinatutuwaan ng Diyos ay nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran at isinasaisip ang kalooban ng Diyos. Sa gayon, dapat ninyong isaisip ang pasanin ng Diyos, ngayon mismo; hindi ninyo dapat hintaying ihayag ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa buong sangkatauhan bago ninyo isaisip ang pasanin ng Diyos. Hindi ba magiging huli na ang lahat sa oras na iyon? Ngayon ang magandang pagkakataon upang maperpekto ng Diyos. Kung hahayaan mong makalagpas ang pagkakataong ito, pagsisisihan mo iyon habambuhay, gaya noong hindi nagawang pumasok ni Moises sa magandang lupain ng Canaan at pinagsisihan niya ito habambuhay, at namatay nang may taos na pagsisisi. Kapag naihayag na ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa lahat ng bayan, mapupuspos ka ng pagsisisi. Kahit hindi ka kastiguhin ng Diyos, kakastiguhin mo ang iyong sarili dahil sa sarili mong taos na pagsisisi(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isaisip ang Kalooban ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto). Nang mabasa ang mga salita ng Diyos, nakita ko na kapag mas isinasaisip ng isang tao ang pasanin ng Diyos, mas lalo siyang makatatanggap ng mga pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, ang mga ganap na walang pagkaunawa sa responsibilidad sa gawaing pang-iglesia at sa kanilang tungkulin, at ang mga iniingatan lang ang kanilang sarili at hindi talaga pinoprotektahan ang mga interes ng iglesia ay makasariling lahat at kasuklam-suklam na mga tao na hindi maaaring gawing perpekto ng Diyos. Pinagnilayan ko kung gaano kalala ang pagiging sakim ko, na ayaw umako sa tunay na pasanin o isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, iniisip lang ang sarili kong kinabukasan at kahahantungan. Nang mas marami pang baguhan ang hindi regular na nagtitipon, hindi ako madaliang naghanap ng solusyon sa problema o nag-alok ng suporta, kundi nag-alala akong malantad at mapalayas nang mas mabilis kung nanatili ako sa tungkulin. Inisip kong kung lilisanin ng mga baguhan ang pananampalataya, ako ang mananagot. Kaya para protektahan ang aking sarili, ginusto kong magbitiw mula sa tungkuling iyon. Hindi talaga ako tapat sa Diyos. Iniisip ko lang ang sarili kong mga interes sa aking tungkulin. Nang makita kong hindi ako makikinabang sa isang bagay, at kailangan kong maghirap at umako ng responsibilidad, ginusto kong lumayo, at palaging bigyan ang sarili ko ng pagkakataong makatakas. Lubos akong masaya na gawin ang gawain noong maayos ang takbo ng mga bagay-bagay, pero nang lumitaw ang mga problema at hindi maganda ang takbo ng mga bagay-bagay, nanganib ang kinabukasan ko, gusto kong sumuko. Hindi ako tapat sa Diyos at bukod dito ay walang isang matapat na puso. Hindi ako mapagkakatiwalaan, tuso ako, makasarili, at kasuklam-suklam na tao na hindi maaasahan. Hindi gagawing perpekto ng Diyos ang isang taong kasing sakim at tuso ko. Habang lalo ko iyong iniisip, lalo kong kinamuhian ang sarili ko dahil sa kawalan ng pagkatao at konsiyensya. Hindi ako karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos. Napuno ako ng pagkakonsiyensya at pagsisisi.

Kalaunan, patuloy kong inisip, “Bakit palagi kong isinasaalang-alang ang sarili kong mga interes at kinabukasan sa ating tungkulin? Bakit napakatuso at napakamakasarili ko?” Nang mabasa kong inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga anticristo sa aking mga debosyonal, nakita ko ito nang mas malinaw nang kaunti. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag may ginagawang mga pag-aakma sa kanilang mga tungkulin, kahit papaano, dapat magpasakop ang mga tao, makinabang sa pagninilay sa kanilang sarili, pati na rin magkaroon ng tumpak na pagsusuri kung kuwalipikado ba ang pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Subalit hindi ganito para sa mga anticristo. Iba sila sa mga normal na tao, kahit ano pa ang mangyari sa kanila. Ano ang ipinagkaiba nila? Hindi sila sumusunod, hindi sila maagap na nakikipagtulungan, ni hindi sila naghahanap ng katotohanan kahit katiting. Sa halip, inaayawan nila ito, at tinututulan ito, sinusuri ito, pinagninilay-nilayan ito, at nagsasapantaha nang husto ukol dito: ‘Bakit hindi ako pinapayagang gawin ang tungkuling ito? Bakit ako inililipat sa isang hindi mahalagang tungkulin? Paraan ba ito para ibunyag ako at palayasin ako?’ Paulit-ulit nilang iniisip ang mga nangyari, walang tigil na sinusuri ito at pinag-iisipan itong mabuti. … Kapag may ginawang maliit na pagbabago sa kanilang tungkulin, dapat tumugon ang mga tao nang may saloobin ng pagsunod, gawin ang ipinagagawa sa kanila ng sambahayan ng Diyos, at gawin ang makakaya nila, at, anuman ang gawin nila, gawin ito nang maayos sa abot ng makakaya nila, nang buong puso nila at buong lakas nila. Ang nagawa ng Diyos ay hindi mali. Ang ganoon kasimpleng katotohanan ay maaaring isagawa ng mga tao nang may kaunting konsensya at pagiging makatwiran, ngunit lampas ito sa mga kakayahan ng mga anticristo. Pagdating sa pag-aakma ng mga tungkulin, agad magbibigay ang mga anticristo ng katwiran, panlilinlang, at paglaban, at sa kanilang kaibuturan ay ayaw nilang tanggapin iyon. Ano ba talaga ang nasa puso nila? Paghihinala at pagdududa, pagkatapos ay sinusuri nilang mabuti ang iba gamit ang lahat ng uri ng pamamaraan. Sinusubukan nilang alamin ang reaksyon ng iba sa kanilang mga salita at kilos, at pinipilit at hinihimok pa nila ang mga tao na sabihin ang katotohanan at magsalita nang tapat sa pamamagitan ng imoral na kaparaanan. Sinisikap nilang pag-isipan iyon: Bakit nga ba sila inilipat? Bakit hindi sila pinayagang gampanan ang kanilang tungkulin? Sino ba talaga ang nagmamando? Sino ang nagtatangkang guluhin ang mga bagay-bagay para sa kanila? Sa kanilang puso, tanong sila nang tanong kung bakit, patuloy silang nagsisikap na alamin kung ano talaga ang nangyayari, para malaman nila kung kanino sila makikipagtalo o makikipagtuos. Hindi nila alam kung paano lumapit sa harap ng Diyos para pagnilayan ang kanilang sarili, para tingnan kung ano ang problema sa kanilang kalooban, hindi nila hinahanap ang dahilan sa kanilang sarili…. Bakit kaya nila gagawing napakakumplikado ang isang simpleng bagay? Iisa lang ang dahilan: Kailanman ay hindi sinusunod ng mga anticristo ang mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at lagi nilang ikinakabit nang husto ang kanilang tungkulin, katanyagan, at katayuan sa kanilang pag-asam sa mga pagpapala at sa kanilang hantungan sa hinaharap, na para bang sa sandaling mawala ang kanilang reputasyon at katayuan, wala na silang pag-asang magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at para sa kanila iyon ay parang pagkawala ng buhay nila. Kaya naman, iniingatan nila ang sarili nila laban sa mga lider at manggagawa ng sambahayan ng Diyos upang hindi masira ang kanilang pangarap na mga pagpapala. Kumakapit sila sa kanilang reputasyon at katayuan, dahil sa tingin nila ay ito ang kanilang tanging pag-asa na magtamo ng mga pagpapala. Itinuturing ng isang anticristo ang pagiging pinagpala na higit pa kaysa sa kalangitan mismo, higit pa kaysa sa buhay, mas mahalaga pa kaysa sa paghahangad ng katotohanan, pagbabago ng disposisyon, o personal na kaligtasan, at mas mahalaga pa kaysa sa maayos na paggawa sa kanilang tungkulin, at pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan. Iniisip niya na ang pagiging isang nilikha na nakaabot sa pamantayan, ang paggawa nang mabuti sa kanyang tungkulin at pagkaligtas ay pawang mumunting mga bagay na hindi na kailangang banggitin pa, samantalang ang pagtatamo ng mga pagpapala ay ang tanging bagay sa buong buhay niya na hindi kailanman malilimutan. Sa anumang masagupa niya, gaano man kalaki o kaliit, inuugnay niya ito sa pagiging pinagpala ng Diyos, at napakaingat at napakaalisto niya, at lagi siyang may nakahandang malulusutan para sa kanyang sarili(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Nang pag-isipan ko ang mga salitang ito ng Diyos, nakita kong ang pagprotekta sa aking sarili sa aking tungkulin at pag-iisip sa aking sariling mga interes ay pagpapakita ko ng katulad na disposisyon ng mga anticristo na inihahayag ng Diyos, na inisip ko lang ang tungkol sa mga pagpapala at personal na pakinabang, at na ang motibo ko sa pagkakaroon ng pananampalataya ay ang pagpalain ng Diyos. Kapag may nangyaring isang bagay, una kong iniisip ang sarili kong kahihinatnan at destinasyon, pinahahalagahan ang mga pagpapala gaya ng buhay. Isinaalang-alang ko ang lahat ng anggulo sa aking mga tungkulin, palagi akong nagbabantay laban sa Diyos, nag-iiwan sa sarili ko ng daang matatakasan, takot na malantad at mapalayas kung hindi ako mag-iingat. Wala akong tunay na pananalig sa Diyos. Mula nang pamahalaan ko ang gawain ng iglesia, sa sandaling nakakita ako ng napakaraming paghihirap, gusto ko nang bumalik sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Pakiramdam ko’y naging mahusay naman ako sa pangangaral ng ebanghelyo at kaya kong isagawa ang mga bagay-bagay, kaya tatanggapin ko ang pangako ng Diyos at magkakaroon ng isang magandang destinasyon. Pagkakita sa lahat ng problemang iyon sa gawain ng mga iglesia, natakot akong aalis ang mga baguhan kung hindi magagawa nang mabuti ang pagdidilig, at na mananagot ako at mapalalayas. Nang makita kong maaapektuhan ang katayuan at kinabukasan ko at hindi ako pagpapalain, gusto ko nang umatras at tumakas, at ayaw ko na talagang gawin ang tungkuling iyon. Ginagawa ko lang ang tungkulin ko para magkamit ng mga pagpapala, sinusubukang makipagtawaran sa Diyos. Hindi iyon para magpasakop sa Diyos at gawin ang tungkulin ng isang nilalang. Naisip ko si Pablo na umikot sa Europa para ipalaganap ang ebanghelyo, labis na naghirap at nagtayo ng maraming iglesia, pero ang lahat ng pagsisikap na iyon ay para lang pagpalain. Gusto niyang gamitin ang gawain niya bilang isang kapital sa pakikipagtawaran sa Diyos. Iyon ang dahilan kaya niya sinabing, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Nakita ko na kumilos ako na kagaya ni Pablo, nang walang anumang katapatan sa aking tungkulin. Gusto ko ng kabayaran at mga pagpapala mula sa Diyos para sa aking mababaw na mga pagsisikap, lubos na namumuhay sa lason ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.” Sa anong paraan ito paggawa ng tungkulin? Isa lang akong oportunista, na pumuslit sa iglesia. Nakita kong isa akong tunay na mababang uri. Napakaraming praktikal na problemang kailangang lutasin sa mga iglesia at hindi ako nakatuon sa mga iyon. Ang kahihinatnan at destinasyon ko lang ang iniisip ko, at kung pagpalain ako o hindi. Wala akong pagkatao! Labis akong nakonsiyensya nang maisip ko ito, kaya nanalangin ako sa Diyos. Ayaw ko nang isaalang-alang ang aking kahihinatnan, kundi sa halip ay gawing panatag ang puso ko at gawin nang mabuti ang tungkulin ko.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos kalaunan na talagang nakakapagbigay-liwanag. Sinasabi ng salita ng Diyos: “Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa kalooban ng tao, na ibig sabihin ay, yaong posible para sa tao. Noon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga depekto ng tao sa kanyang paglilingkod ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapailalim niya sa paghatol; hindi ito nakapipigil o nakakaapekto sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga sagabal sa kanilang paglilingkod ang pinakamatinding karuwagan sa lahat. Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay nagbibiru-biruan at gumagawa lamang para matapos na, naiwala na nila ang tungkuling dapat taglayin ng isang nilalang. Ang gayong mga tao ay kilala bilang ‘mga walang-kabuluhan’; sila ay mga walang-silbing yagit. Paano matatawag nang wasto na mga nilalang ang gayong mga tao? Hindi ba mga tiwali silang nilalang na maningning sa labas ngunit bulok sa loob? … Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Sa pagbasa ng salita ng Diyos, naunawaan ko na ang isang tungkulin ay walang kinalaman sa pagiging pinagpala o sinumpa. Bilang isang nilalang, obligasyon kong gampanan ang isang tungkulin nang hindi iniuugnay iyon sa mga pagpapala. Anumang mga paghihirap ang mayroon ako sa isang tungkulin, kailangan kong ibigay rito ang aking buong puso at akuin ang responsibilidad. Kahit malipat man ako o maalis dahil sa pagiging hindi mahusay, magkakaroon pa rin ako ng isang bagay na matututunan at pagninilayan. Hindi ko ito dapat sukuan dahil sa takot na mailantad at mapalayas. May mga prinsipyo sa pagtatanggal at pagpapalayas ng mga tao ang sambahayan ng Diyos at hindi ito dahil sa isang partikular na tungkuling ginawa nila o dahil sa nakagawa lang sila ng isang pagkakamali sa kanilang tungkulin. Sa mga natanggal at napalayas, ito ay palaging dahil sa loob ng maraming taon ng paniniwala sa Diyos, hindi nila hinahanap ang katotohanan, wala sila sa tamang landas, at dahil kapag lumitaw ang mga problema, hindi sila nagninilay sa kanilang sarili, at palagi silang tumatangging magsisi. Ang mga kapatid na naghahanap ng katotohanan ay bibigyan pa rin ng iglesia ng isang pagkakataon kahit pa matapos na makagawa sila ng mga paglabag, at tutulungan sila sa pamamagitan ng pagbabahaginan at pagwawasto sa kanila. Kung ang isang taong may nalaman tungkol sa kanyang sarili ay nagsisi at nagbago, maaari siyang manatili sa iglesia. Nalaman ko rin na kapag itinuring ng Diyos na maayos ang pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin, hindi iyon tungkol sa kung gaano niya tila ginugugol ang kanyang sarili o kung gaano karami ang kanyang mga naisagawa, kundi kung nakatuon ba siya sa paghahanap ng katotohanan at pagsunod sa mga prinsipyo sa kanyang gawain, at kung inilalagay niya ang buong puso niya at lahat ng pagsisikap niya sa kanyang tungkulin. Gaano man karaming paghihirap ang harapin ng isang tao, hangga’t isinasaalang-alang niya ang kalooban ng Diyos at hinahanap ang katotohanan, bibigyang-liwanag siya ng Diyos, at pagkatapos ay malulutas ang kahit na anong paghihirap. Kung hindi hinahanap ng isang tao ang katotohanan, kundi ang sarili lang niyang pakinabang at kawalan ang iniisip niya, ginagawa nang basta-basta ang kanyang tungkulin at hindi kailanman nagsisisi, tiyak na ilalantad at palalayasin siya sa malao’t madali. Nang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos, nagdasal ako ng isa pa, nagnanais nang tumigil sa pag-iisip tungkol sa sarili kong mga pakinabang at kawalan, at ibigay lang ang lahat ko sa aking tungkulin.

Matapos niyon, talagang isinubsob ko ang sarili ko sa aking tungkulin at maingat na sinuyod ang mga detalye ng gawain sa mga iglesia, inililista ang lahat ng tunay na problema at paghihirap na mayroon. Kinonsulta ko ang lider ko para sa mga hindi ko malutas, at hinangad na makipagbahaginan at makipagtalakayan kasama ng ibang lider ng mga iglesia at kasamang manggagawa. Habang dahan-dahan kong nauunawaan ang mga nauugnay na prinsipyo at landas ng pagsasagawa, nagawa kong harapin ang maraming problema at paghihirap. Binago ko ang aking saloobin at itinigil ang pag-iisip sa sarili kong kinabukasan at destinasyon, at inisip ko lang kung paano gumawa kasama ang mga kapatid nang may nagkakaisang puso’t isipan para lutasin ang mga problema at paghihirap ng mga baguhan. Makalipas ang ilang panahon, unti-unting bumalik sa tamang direksyon ang buhay-iglesia. Unti-unting nabawi ng mga baguhang hindi nagtitipon ang buhay-iglesia nila at nakakakain at nakakainom na sila ng mga salita ng Diyos nang normal. Isa pa, marami-raming baguhan ang nagsimulang magpalaganap ng ebanghelyo at gumanap ng kanilang mga tungkulin. Nakita ko ang patnubay ng Diyos, at nagkaroon ng tunay na karanasan sa pahayag ng Diyos na “Ang paghahangad na aktibong gampanan ang tungkulin ng isang tao bilang isang nilalang ng Diyos ang landas tungo sa tagumpay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao).

Habang naalala ko ang lahat ng ito, mula noong mayroong maraming problema ang mga iglesiang iyon hanggang sa noong unti-unti silang nakabalik sa tamang direksyon kalaunan at namuhay ng normal na buhay-iglesia ang mga bagong mananampalataya, natanto kong ang lahat ng iyon ay bunga ng gawain ng Diyos. Nakikita kong talagang ginagawa ng Diyos Mismo ang gawain ng Diyos, at tumutulong lang ang mga tao. Anuman ang ating tungkulin o mga paghihirap, kailangan nating magpasakop at huwag isipin ang ating mga pakinabang o kawalan. Kailangan nating hanapin ang katotohanan, isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at ibigay ang lahat sa ating tungkulin. Sa ganitong paraan lamang natin makikita ang mga pagpapala ng Diyos.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply