Natututo sa mga Panahon ng Paghihirap

Enero 10, 2022

Ni Li Yang, Tsina

Naaresto ako pagkatapos na pagkatapos ng Chinese New Year noong 2020 dahil sa pananampalataya ko. Sa regular na pisikal na pagsusuri nang papasok ako, nakakita sila ng maiitim na batik sa mga baga ko. Iyon ay noong napakalubha ng pagkalat ng coronavirus, kaya hindi sila nangahas na tanggapin ako. Nakipag-ugnayan ang pulisya sa pamilya ko para maiuwi nila ako sa bahay. Habang pauwi na kami, sinabi ng kapatid kong babae sa akin, “Nagkasakit nang malubha si Dad noong nakaraang taon at nalamang may bladder cancer siya. Ang operasyon pa lang ay mahigit anim na oras. Tinanggal nila ang kalahati ng isa sa mga bato niya at kamuntik na siyang hindi makalabas nang buhay. Napapanatili nila siyang buhay sa ngayon, pero sa pamamagitan lang ng paghuhugas sa pantog niya nang chemo solution kada buwan. Hindi natin alam kung hanggang kailan siya magtatagal.” Umiiyak siya habang nagsasalita, at nagbahagi ng iba pang bagay na nangyari sa huling dalawang taon. Ang sama ng pakiramdam ko sa paraang hindi ko mailarawan at tahimik akong nagdasal: “Diyos ko, sigurado ako na ang kinakaharap ko ay naglalaman ng Iyong kalooban sa loob nito. Protektahan Mo sana ang puso ko at tulungan akong magpasakop, nang hindi Ka sinisisi.”

Nang makauwi na kami, nakita ko na mukhang mahina talaga ang tatay ko at namamaga ang mukha niya. Kung ihahambing noong umalis ako, para siyang ganap na ibang tao. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko dahil dito. Nakita ko rin na ang isang malaking pangkat ng punong namumunga sa taniman namin ay namatay dahil sa isang matinding tagtuyot, at halos lahat ng ipon ng pamilya ay nagastos na sa pagpapagamot ng tatay ko. Ang mga punong namumunga, na tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan, ay bahagya lang nagbubunga. Mahirap ang panahon. Talagang nakakabalisa para sa akin na makita ang lahat ng ito at hindi ko alam kung paano ito haharapin. Nagsimula akong sisihin kaagad ang Diyos. Ilang taon bago iyon, naaresto ako at ikinulong nang isang buwan dahil sa pananampalataya ko sa Diyos. Mula nang makalabas, ako’y nasa labas ng bayan, ginagawa ang tungkulin ko. Paanong nangyari ito sa pamilya ko pagkatapos ng lahat ng isinuko ko, lahat ng pinagdusahan ko? Nang maisip ko ito ay lalo akong nalungkot at hindi ko alam kung paano ito malalampasan. Hindi ako makakuha ng motibasyon kahit ano pang mangyari at abala lang ako sa paghahanap ng trabaho para madagdagan ang kita ng pamilya pagkatapos ng pandemya. Makalipas ang ilang panahon, nakakuha ako ng sulat mula sa mga kapatid na sinasabing hindi ako ligtas sa bahay at dapat akong magtago muna sa bahay ng isa pang miyembro ng iglesia. Alam kong ang pandemya lang ang dahilan kaya wala ako sa kustodiya, at puwede nila akong kuning muli anumang oras. Magiging mas ligtas na umalis sa bahay, puwede akong mamuhay ng isang buhay ng iglesia, at gawin ang tungkulin ko. Pero ayaw kong gawin ang tungkulin ko, matapos makita ang pamilya ko sa ganoong paghihirap. Tumugon ako sa sulat nila at sinabing hindi ako aalis. Nakonsiyensiya talaga ako matapos itong ipadala, pero hindi ko na ito masyadong inisip pa. Kinabukasan, sakay ng isang e-bike papunta sa bukid para magtrabaho, nabangga ako at tumama ang binti ko. Napagtanto kong pagpapadala ito ng Diyos ng mensahe sa akin. Lumapit ako sa harap ng Diyos at nagdasal, “O, Diyos ko, ayokong mamuhay sa loob ng aking satanikong katiwalian at labanan Ka. Gabayan Mo po sana ako na makilala ang sarili ko para makapagpasakop ako sa loob ng kapaligirang ito.” Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos pagkatapos kong magdasal: “Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? … Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi ka naghahabol ng anumang layunin; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na tumingin sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas nang ganito, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tamang daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahabol(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). “Ang relasyon ng tao sa Diyos ay para lamang sa sarili nilang interes. Isa itong relasyon sa pagitan ng isang tumatanggap at isang nagbibigay ng pagpapala. Sa madaling salita, katulad ito ng relasyon sa pagitan ng empleyado at ng amo. Nagtatrabaho lamang ang empleyado para matanggap ang mga gantimpalang ipinagkakaloob ng amo. Walang pagmamahal sa gayong relasyon, transaksyon lamang. Walang nagmamahal o minamahal, kawanggawa at awa lamang. Walang pag-unawa, pigil na galit at panlilinlang lamang. Walang pagiging matalik, isang pagitan lamang na hindi matatawid. Ngayong umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, sino ang makapagbabaligtad ng gayong takbo? At ilang tao ang may kakayahang tunay na maunawaan kung gaano na kagrabe ang relasyong ito? Naniniwala Ako na kapag ibinuhos ng mga tao ang kanilang sarili sa galak ng pagiging mapalad, walang sinumang makakaisip kung gaano kahiya-hiya at hindi magandang tingnan ang gayong relasyon sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Lahat ng inilantad ng Diyos ay ang tunay kong kalagayan. Nakadama ako ng hiya. Mula nang makita ko kung gaano kalubha ang sakit ng tatay ko at ang lahat ng patay na punong namumunga na iyon, at ang pamilya kong naghihirap, naging mali ang pagkakaintidi ko at sinisisi ang Diyos, nagdadahilan pa nga sa Kanya. Pakiramdam ko’y nagsasakripisyo ako at nagsisikap para sa Kanya, nakulong na ako at nagdusa nang husto nang hindi Siya pinagtataksilan, kaya dapat protektahan Niya ako at pagpalain ang pamilya ko. Nakita ko na sa tungkulin ko, hindi ko hinahanap ang katotohanan o na mabago ang aking disposisyon, kundi ay gusto kong gamitin ang mga sakripisyo ko bilang paraan para makipagpalitan sa Diyos para sa mga pagpapala. Hindi ba niyon ginagawa ang aking tungkulin na isang ganap na transaksiyon? Ang pagkakaroon ng pananampalataya at paggawa ng tungkulin ko sa ganoong paraan ay walang ipinagkaiba sa isang trabaho sa mundo sa labas. Ito ay kapalit ng pansariling pakinabang nang walang anumang tunay na damdamin.

Napagtanto ko na napakasuwerte ko na matanggap ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, na matamasa ang pagtustos at pagdidilig ng Kanyang mga salita, na magkaroon ng Kanyang paghatol at paglilinis, at ng pagkakataong maligtas sa huli. Napakakamangha-manghang pagpapala! Pero hindi ko inisip kung paano hahanapin ang katotohanan at gagawin nang maayos ang tungkulin ko para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Nang makita ko ang mga paghihirap ng pamilya ko, hindi ko inisip kung paano hahanapin ang katotohanan at tatayong saksi. Ang inisip ko lang ay pansariling pakinabang, at pagkalkula ng sarili kong mga pakinabang at kawalan. Sinisi ko pa nga at hindi naunawaan ang Diyos at ayaw ko nang gawin ang tungkulin ko. Pagtataksil iyon sa Diyos at ganap na kawalan ng pagkatao.

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos pagkatapos no’n: “Walang sinuman ang nagpapatuloy sa kanilang buong buhay nang walang paghihirap. Para sa ilang tao, may kinalaman ito sa pamilya, para sa ilan, sa trabaho, para sa ilan, sa pag-aasawa, at para sa ilan, sa pisikal na karamdaman. Lahat ay naghihirap. Sinasabi ng ilan, ‘Bakit kailangan maghirap ang mga tao? Napakagandang mabuhay ng buong buhay natin nang mapayapa at masaya. Hindi ba maaaring hindi tayo maghirap?’ Hindi—dapat maghirap ang lahat. Nagdudulot ang paghihirap na maranasan ng bawat tao ang napakaraming pakiramdam ng pisikal na buhay, positibo man, negatibo, aktibo o pasibo man ang mga pakiramdam na ito; nagbibigay sa iyo ng iba’t ibang damdamin at pagpapahalaga ang pagdurusa, na karanasang lahat sa buhay para sa iyo. Kung mahahanap mo ang katotohanan at masusumpungan ang kalooban ng Diyos mula sa mga ito, kung gayon ay mas malalapit ka sa mga layunin na ibinigay sa iyo ng Diyos. Iyon ay isang aspeto, at ito rin ay upang gawing mas may karanasan ang mga tao. Ang isa pang aspeto ay ang responsibilidad na ibinibigay ng Diyos sa tao. Anong responsibilidad? Ang makaranas ng paghihirap na ito. Dapat mong pasanin ang paghihirap na ito. Kung mapapasan mo ito, ito ay patotoo kung gayon(“Sa Pamamagitan Lamang ng Paglutas ng mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makapapasok sa Tamang Landas ng Paniniwala sa Diyos (1)” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita nito sa akin na ang mga mananampalataya at hindi mananampalataya ay parehong humaharap sa lahat ng uri ng pakikibaka at paghihirap sa kanilang buhay. Kung gaano karaming pagdurusa ang pinagdaraanan natin, kung gaano karaming dagok ang dinaranas natin sa buhay ay itinakda ng Diyos. Ipinapatikim sa atin ng Diyos ang matamis, ang maasim, ang mapait, para subukin tayo sa buhay, para bigyan tayo ng mas maraming karanasan at subukin ang ating paninindigan sa pamamagitan ng paghihirap. Ito rin ay pagbibigay Niya sa atin ng responsibilidad. Ang makita ang tatay ko na malubha ang sakit at ang pamilya ko na naghihirap ay talagang mahirap, pero hindi ako basta lang pinahihirapan ng Diyos. Inilalantad niya ang maling pananaw na mayroon ako sa mga taon ko ng pananampalataya, ng paghahanap ng mga pagpapala para makapagbago ako at matahak ang landas ng paghahanap sa katotohanan. Pero dahil hindi nauunawaan ang kalooban ng Diyos, sinubukan ko lang mangatwiran sa Diyos, at nilabanan Siya. Napakarebelde ko, at talagang binigo ko ang Diyos. Alam ko na dapat akong tumigil sa pagmamaktol, magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at tumayong saksi sa pamamagitan nito.

Pinagnilayan ko ang sarili ko. Ilang taon na akong nananampalataya sa Diyos. Alam ko na ang pagkakaroon ng pananampalataya ay natural at tama, at hindi ako dapat makipagtransaksiyon sa Diyos. Kung gayon bakit hindi ko maiwasang maghangad ng mga pagpapala at makipagpalitan sa Diyos? Ano ang ugat nito? Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; tinatalikuran nila ang mga bagay-bagay, ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Kanya, at tapat sa Kanya, nguni’t ang lahat ng mga bagay na ito ay ginagawa pa rin nila para sa kanilang sariling mga kapakanan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa layuning magkamit ng mga pagpapala para sa kanilang mga sarili. Sa lipunan, ang lahat ay ginagawa para sa pansariling pakinabang; ang paniniwala sa Diyos ay ginagawa para lamang magkamit ng mga pagpapala. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikuran ng mga tao ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa. Ang lahat ng ito ay katibayang batay sa karanasan ukol sa tiwaling kalikasan ng tao. Gayunman, iba yaong mga nagdaan na sa isang pagbabago sa disposisyon; naniniwala sila na ang paraan kung paano mabuhay nang makabuluhan, paano tuparin ang mga tungkulin ng isang tao upang maging karapat-dapat na matawag na tao, paano sambahin ang Diyos, at paano bigyang kaluguran at magpasakop sa Diyos—lahat ng ito—ay ang pundasyon ng kahulugan ng pagiging tao, at ito ay isang obligasyon na inorden ng Langit at kinilala ng lupa. Dahil kung hindi, hindi sila magiging karapat-dapat na matawag na tao; magiging hungkag at walang kabuluhan ang buhay nila. Pakiramdam nila ay dapat mabuhay ang mga tao upang palugurin ang Diyos, gampanan ang kanilang tungkulin nang maayos, at mabuhay nang makabuluhan, upang kapag oras na para mamatay sila, makukuntento sila at hindi magkakaroon ng kahit katiting na panghihinayang, at na hindi sila nabuhay nang walang saysay(“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos kung bakit naghahabol lang ako ng mga pagpapala kahit na pagkatapos ng ilang taon ng pananampalataya. Ang mga lason ni Satanas na tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba” ay gumapang na sa kaibuturan ng puso ko at ipinauna sa akin ang pansariling pakinabang sa lahat ng ginawa ko. Palagi kong isinaalang-alang ang sarili kong mga interes. Kaya kong ipagpatuloy na gawin ang tungkulin ko noong hinahabol ako ng CCP at hindi ako makauwi, pero hindi iyon totoong paggugol ng sarili ko para sa Diyos at paggawa ng tungkulin ko. Pag-asa iyon na pagpalain ng Diyos at magkaroon ng isang kamangha-manghang destinasyon. Nang magkaroon ng problema sa bahay at nahihirapan silang makaraos, nawasak ang pag-asa kong pagpalain, kaya naging negatibo ako at ayaw ko nang gawin ang tungkulin ko. Nakita ko sa aking pananampalataya at tungkulin, na gusto ko lang makatanggap ng napakalalaking pagpapala kapalit ng napakakaunting pagsisikap. Nagiging tuso ako, ginagamit ang Diyos. Napakamakasarili at kasuklam-suklam no’n!

Ang sinabi ng Diyos na, “Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos,” ay ganap na tama. Kahit na sa panlabas ay nagsakripisyo ako at ginugol ang sarili ko sa loob ng mga taon, at nagdusa sa aking tungkulin, hindi pa rin nagbago ang tiwaling disposisyon ko dahil hindi ko hinahanap ang katotohanan o tumuon sa pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos. Nang nangyari ang mga bagay na hindi tugma sa mga kuru-kuro ko, nagrebelde ako at nilabanan ang Diyos. Kinapootan ako ng Diyos. Ang pananaw ko sa pananampalataya ay kaparehong-kapareho ng sa mga relihiyosong tao na gusto lang malamanan ang tiyan nila at gamitin ang kanilang mga sakripisyo bilang tiket sa langit. Nasa isang landas ako na laban sa Diyos, tulad ni Pablo! Ang mga talagang hinahanap ang katotohanan at pagbabago ng disposisyon ay hindi dinudumihan ang kanilang tungkulin ng pakikipagpalitan, kundi ay hinahabol nila ang katotohanan at buong-pusong nagtatrabaho para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Hinahangad nilang mahalin at mapalugod ang Diyos, at mamuhay ng mga buhay na may kabuluhan. Katulad sila ni Pedro, na hinangad na magkaroon ng sukdulang pagmamahal sa Diyos at sumunod hanggang kamatayan. Ipinako sa krus para sa Diyos, nagbigay siya ng magandang patotoo. Nagkamit iyon ng pagsang-ayon ng Diyos at iyon lang ang paraan para mabuhay nang may kabuluhan at halaga.

Kalaunan, nakita ko ang isang video ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag. Yaong mga gumagawa para matapos na lamang ang kanilang tungkulin at hindi hinahanap ang katotohanan ay aalisin sa bandang huli, sapagkat ang gayong mga tao ay hindi ginagawa ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sila yaong mga nananatiling hindi nagbabago at isusumpa. Hindi lamang marumi ang kanilang mga pagpapahayag, kundi masama ang lahat ng kanilang ipinapahayag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Nang pag-isipan ko ito, nakita ko na ang tungkulin ay talagang isang bagay na dapat nating gawin bilang mga nilikha. Isa itong responsibilidad na hindi natin puwedeng iwasan. Hindi ito maaaring madumihan ng mga transaksiyon o masangkutan ng pansariling pakinabang. Katulad lang ito ng paggalang ng anak sa magulang—ito ang natural na ayos ng mga bagay at hindi na kailangang sabihin pa. Sumasailalim tayo sa paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tungkulin natin; ang katiwalian natin ay maaaring mabago at malinis. Iyon lang ang paraan para maligtas at magkaroon ng magandang destinasyon. Kung hindi natin hinahanap ang katotohanan, kung nananampalataya tayo nang maraming taon nang walang anumang pagbabago sa mga tiwaling disposisyon natin, kundi ay kumakapit tayo sa ating transaksiyonal na pag-iisip at labis na mga pagnanasa, gaano katagal man tayong nananampalataya o gaano katinding nagsasakripisyo, hindi natin makakamit kailanman ang pagsang-ayon ng Diyos, at aalisin Niya tayo. Naisip ko si Job na nawala ang lahat ng pag-aari, at maging ang mga anak niya, pero hindi niya sinisi ang Diyos. Alam niya na lahat ay ibinigay ng Diyos, at nang kunin ito ng Diyos, kailangan niyang sumunod nang walang kondisyon. Kaya’t sinabi ni Job, “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Alam niya sa puso niya na kung magkaloob man ang Diyos ng mga gantimpala o mag-alis, dapat niyang sambahin ang Diyos. Iyon ang kanyang tungkulin. Tinupad ni Job ang tungkulin niya sa Diyos at tumayong saksi para sa Kanya. Iyon ang dapat gawin ng isang tunay na nilikha ng Diyos. Kailangan kong sundin ang halimbawa ni Job. Hindi ko na puwedeng gamitin ang mga sakripisyo ko bilang pampalit para humingi ng mga bagay-bagay mula sa Diyos, kundi ay kailangan kong tingnan ang tungkulin ko bilang isang responsibilidad at obligasyon. Iyon lang ang pagkakaroon ng konsiyensiya at katwiran.

Nang maglaon, dahil aarestuhin na naman ako ng mga pulis, umalis ako ng bahay at pansamantalang tumuloy sa bahay ng isang matandang kapatid. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos pagkatapos no’n: “Kung kaya mong ilaan ang iyong puso, katawan, at lahat ng iyong tunay na pagmamahal sa Diyos, iharap ang mga iyon sa Kanya, maging ganap na masunurin sa Kanya, at maging lubos na mapagbigay sa Kanyang kalooban—hindi para sa laman, hindi para sa pamilya, at hindi para sa iyong sariling personal na mga hangarin, kundi para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, na itinuturing ang salita ng Diyos bilang prinsipyo at pundasyon sa lahat—sa paggawa niyon, ang iyong mga layunin at iyong mga pananaw ay malalagay na lahat sa tamang lugar, at magiging isa kang tao sa harap ng Diyos na tumatanggap ng Kanyang papuri(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng isang landas at isang direksiyon. Hindi ko lang dapat isipin ang pamilya ko at ang mga interes ng laman, kundi kailangan kong itama ang mga motibo ko at ilagay ang lakas at saloobin ko sa paggawa nang maayos sa tungkulin ko. Sa sandaling naunawaan ko ang kalooban ng Diyos, pinayapa ko ang puso ko at ginugol ang oras ko sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa bahay ng kapatid na iyon. Matapos lumipas ang ilang panahon, nabigyan ako ng isa pang tungkulin. Salamat sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, naitama ang aking maling pamamaraan sa pananampalataya ko at ngayon ay mayroon na akong tamang layunin sa paghahanap ko.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Isang Hindi Mabuburang Desisyon

Ni Bai Yang, TsinaNoong ako ay 15 taong gulang, namatay ang tatay ko dahil sa isang biglaang sakit. Hindi nakayanan ng nanay ko ang dagok...