Ang Pagiging Huwad ng Isang Mapagpalugod ng mga Tao

Enero 10, 2022

Ni Chuncui, Tsina

Noong 2020, nakipagtipon ako sa isang grupo kasama ni Sister Liu Yang, ang diyakono ng ebanghelyo. Anumang naging paghihirap ko, matiyaga niya akong binahaginan at tinulungan. Napakabait niya sa akin. Pagkalipas ng dalawang buwan, natuklasan kong hindi lang siya responsable sa kanyang mga tungkulin, kundi napakamapagmahal din niya. Kung may anumang mga problema o paghihirap ang mga kapatid, palagi siyang aktibong naghahanap ng mga salita ng Diyos para ipagbahaginan sa kanila, at matiyaga niya silang tinutulungan at sinusuportahan. Naramdaman kong masigasig siya sa kanyang paghahangad; maganda ang naging impresyon ko sa kanya.

Matapos ko siyang makilala nang maikling panahon, napagtanto kong sa mga pagtitipon, hilig niyang talakayin ang tungkol sa kung paano siya nagsagawa at nakapasok noong may nangyari sa kanya, pero palaging parang pahapyaw lang niyang tinatalakay ang mga tiwaling disposisyong naibunyag niya at kung paano siya nagnilay, nagkaroon ng pagkakilala sa sarili, at nalutas ang usapin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Ang dating ay para bang mayroon siyang tayog, na dedikado siya sa kanyang paghahangad, at wala siyang katiwalian. Naisip ko, “Ang ganitong klase ng pagbabahagi ay hindi totoong pagkakilala sa sarili. Malamang na makuha nito ang paghanga ng mga tao, na hindi kapaki-pakinabang o nagpapakita ng magandang halimbawa kaninuman. Responsable siya para sa ilang lugar ng pagtitipon, at kung walang pagkakilala ang mga kapatid sa sinasabi niya, sasambahin nila siya. Kung magpapatuloy ito, madadala sila sa harap niya. Higit pa roon, ang mga pagtitipon ay para sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagbabahaginan tungkol sa ating mga personal na karanasan at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at para tulungan natin ang isa’t isa sa ating pagpasok sa buhay. Pero kinakain ng pagbabahagi ni Liu Yang ang karamihan ng oras sa mga pagtitipon, at malubha itong nakaaapekto sa buhay-iglesia. Dapat ko itong banggitin sa kanya. Kung magpapatuloy siya nang ganito, kakailanganin siyang limitahan.” Pero naisip ko, “Mas matagal nang nasa pananampalataya si Liu Yang kaysa sa akin, kaya kung direkta kong pupunahin ang mga isyu niya, sasabihin kaya niyang hindi ko alam ang lugar ko at sinasadya kong makipagtalo sa kanya? Sasama ba ang tingin niya sa akin?” Kaya, hindi na lang ako nagsalita.

Isang araw, nagdaos ng isang pagtitipon si Liu Yang kasama namin, at nagbasa kami ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos tungkol sa kung paano pababayaan at palalayasin ng Diyos ang mga hindi kayang magsagawa ng katotohanan o baguhin ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Tumagos sa puso ko ang mabasa ito, at ganoon din ang naramdaman ng ilan kong mga kapatid. Pero walang naramdaman si Liu Yang matapos mabasa ang mga siping ito, at hindi siya nagbahagi tungkol sa pagkaunawa niya sa mga salita ng Diyos. Tinalakay niya lang ulit ang matatagumpay niyang karanasan, sunod-sunod na sinabi sa amin ang mga bagay-bagay, hindi kailanman binanggit kung aling mga aspeto ng sarili niyang katiwalian ang kanyang nabunyag o kung paano siya nagnilay at kung ano ang kanyang natutunan. Nang makita ko siyang patuloy na nagpapasikat, gusto ko talagang direktang punahin ang kanyang problema, pero nakita ko ang sister sa tabi ko na hindi nagsasalita, habang sabik na tumatango ang isa pang sister bilang pagsang-ayon. Nag-alala ako na kung may sabihin akong diretsahan tungkol kay Liu Yang, baka maramdaman niyang sinusubukan ko lang siyang ipahiya. Kung kaming dalawa lang sana, puwede ko siyang banayad na paalalahanan, pero naroon ang dalawa pang sister. Kung magsasalita ako ngayon, baka mapahiya siya, o masira ang relasyon namin. Pero gusto ng Diyos ang matatapat na tao na makatarungan, kaya kung may nakikita akong problema pero hindi ako magsasalita, paglabag iyon sa kalooban ng Diyos. Nakaramdam ako ng labis na pagtatalo sa loob ko, at hindi ko matagalan ang pagtitipong iyon. Sa sandaling iyon, nakita ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos. “Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahin kang nagsasalita tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat din kayong magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibunyag sa inyong karanasan, kung gaano na ang inyong natiis, kung gaano karaming bagay ang ginawa ninyo upang labanan ang Diyos, at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos; magsalita kung gaanong tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat magpatotoo para sa Diyos at suklian Siya para sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng diwa ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag pag-usapan ang mga walang kabuluhang teorya. Magsalita kayo nang mas praktikal; magsalita kayo na mula sa puso. Ganito ang dapat ninyong maranasan. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at hungkag na teorya para magpakitang-gilas; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan, at mas magsalita nang mula sa puso; ito ay pinakakapaki-pakinabang sa iba, at pinakanararapat na makita nila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Makakagawa ng Pagbabago sa Disposisyon ang Isang Tao). Sinasabi ng mga salita ng Diyos na para makapagpatotoo, dapat maunawaan ng isang tao, batay sa mga salita ng Diyos, ang mga tiwaling disposisyon na nabunyag niya, at dapat naglalaman din ang kanyang patotoo ng kanyang pagkaunawa sa gawain ng Diyos, at kung saan sa mga salita ng Diyos siya nakakahanap ng isang landas ng pagsasagawa. Direktang tinatalakay ng siping ito ang kalagayan ni Liu Yang. Dahil iisang computer lang ang tinitingnan namin ni Liu Yang, nilagyan ko ng highlight na may kapansin-pansing kulay ang siping ito sa dokumento, umaasang sa ganitong paraan ay makukuha nito ang atensyon niya, para magkaroon siya ng kamalayan sa kanyang pagkakamali sa pagbabahagi niya ng karanasan. Sa ganoong paraan, hindi ko na kailangan pang direktang punahin ang problema niya, at maiiwasan kong mapasama ang loob niya. Pero hindi man lang napagtanto ni Liu Yang ang gusto kong sabihin, at nagpatuloy siya sa kanyang pagbabahagi. Gusto ko itong banggitin, pero nag-aalala akong hindi niya ito tatanggapin, kaya napakaingat kong sinabing, “Hindi pa rin natin nakikilala ang sarili natin sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at hindi natin natatalakay kung paano maranasan ang mga salita ng Diyos o isagawa ang mga ito….” Pero kahit noon, hindi pa rin niya naunawaan ang ipinahihiwatig ko. Naisip ko na maituturing na iyong pagtuturo nito sa kanya—kung hindi pa rin niya nakikita ang sarili niyang problema, wala na itong kinalaman sa akin.

Pagkatapos noon, hiniling ng mga lider ng iglesia sa mga kapatid na magsulat ng mga pagsusuri tungkol sa mga diyakono ng iglesia at isinaayos nila na ako ang mangolekta ng lahat ng iyon. Gusto kong isulat ang tunay kong opinyon tungkol kay Liu Yang, pero nakita ko na karamihan sa mga kapatid ay may lubos na positibong opinyon tungkol sa kanya. May isa pa ngang sister na kakakilala lang sa kanya na nagsulat ng puro magagandang katangian lang ni Liu Yang. Naisip ko, “Kung ako lang ang pumupuna sa kanya, iisipin kaya ng mga lider na may kung anong samaan ng loob sa pagitan namin, na sinasadya kong puntiryahin siya? Paano kung malaman ni Liu Yang na sinabi ko ang mga bagay na ito sa likuran niya? Mapopoot kaya siya sa akin kung magkaganoon? Kung oo, hindi ba’t magiging hindi kami magkasundong dalawa?” Pagkatapos noon, kahit na nagsulat ako tungkol sa ilang pag-uugali niya, malinaw ko ring sinabi na ang sarili kong tayog ay mababa, at maaaring mali ang pagkaunawa ko.

Sa isang pagtitipon, ipinagtapat ko ang nailantad ko noong panahong ito. Pinaalalahanan ako ng isa sa mga sister doon na ito ay pag-uugali ng isang mapagpalugod ng mga tao, at sinabi niyang, “Masasama ang mga mapagpalugod ng mga tao!” Masakit at nakababagabag na marinig siyang sabihin ang salitang “masasama.” Matagal ko nang alam ang tungkol sa pagpapasikat ni Liu Yang sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga pagtitipon, pero ipinagpapaliban ko ang pagsasabi ng anuman para maprotektahan ang relasyon ko sa kanya. Hindi ko tinulungan ang aking sister na makilala ang sarili niyang katiwalian at malutas ang problema niya, at nalinlang ang mga kapatid ko dahil wala silang pagkakilala. Sa halip na isagawa ang katotohanan, pinipinsala ko ang iba. Hindi ba ginagawa ako nito na isang masamang tao? Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi, at binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Kung malinaw mong nakikita na may problema ang isang tao, ngunit hindi mo sinasabi nang tahasan upang maiwasan ang komprontasyon, at nagdadahilan ka pa nga, sinasabing, ‘Maliit ang tayog ko ngayon at hindi ko lubos na nauunawaan ang mga problema mo. Kapag nauunawaan ko na, sasabihin ko sa iyo,’ ano kung gayon ang isyu? Kinasasangkutan ito ng isang pilosopiya para sa pamumuhay. Hindi ba ito pagtatangkang lokohin ang iba? Dapat kang magsalita ayon sa nakikita mo nang malinaw; at kung hindi malinaw sa iyo ang isang bagay, sabihin mo. Ito ay pagsasabi ng nasa puso mo. Kung mayroon kang ilang ideya at ilang bagay na malinaw sa iyo, ngunit natatakot kang mapasama ang loob ng mga tao, natatakot na masaktan ang kanilang damdamin, kaya pinipili mong manahimik, ito ay pamumuhay ayon sa makamundong pilosopiya(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa Katotohanan Malulutas ng Tao ang Kanilang mga Kuru-kuro at Maling Pagkaunawa sa Diyos). Sa pagbabasa sa mga salita ng Diyos, nakadama ako ng paninisi sa aking sarili. Matagal ko nang natuklasan na palaging itinataas ni Liu Yang ang kanyang sarili at nagpapakitang-gilas sa mga pagtitipon, dahilan kaya tinitingala siya ng iba, at hindi talaga nakatutulong ang ganoong klase ng pagbabahagi sa pagpasok sa buhay ng mga kapatid. Marami rin iyong nakakain na oras sa mga pagtitipon, at nakaapekto na ito sa wastong buhay-iglesia. Sa kabila noon, pinanatili kong tikom ang bibig ko tungkol sa problema niya para maprotektahan ang relasyon namin. Habang sinusulat ko ang pagsusuri ko, gusto kong ibunyag ang ugali niyang pagtataas ng sarili at pagpapasikat, pero nang makita ko kung paanong nagsasabi ng magagandang bagay tungkol sa kanya ang lahat, gumaya na lang din ako sa takot na makapagpasama ako ng loob. Kahit na nagsulat ako tungkol sa ilang pag-uugali niya, ipinahiwatig ko rin na mababa ang sarili kong tayog at wala akong kabatiran. Sa katunayan, mayroon akong kabatiran. Malinaw kong nakikita ang problema, at alam kong mali ang ginagawa niya, pero natatakot akong mapasama ang loob niya, patuloy akong nag-aalinlangan, at hindi ako nangangahas na magsabi ng ni isang patas na salita. Ginagamit ko ang makamundong pilosopiya ng isang hindi mananampalataya sa interaksyon ko sa iba. Anong klaseng mananampalataya ako?

Pagkatapos noon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Karamihan sa mga tao ay nais hanapin at isagawa ang katotohanan, ngunit kadalasan ay may pagpapasya at hangarin lamang sila na gawin iyon; hindi nila naging buhay ang katotohanan. Dahil dito, kapag nakahaharap sila ng masasamang puwersa o nakatatagpo ng mga taong buktot at masasamang tao na gumagawa ng masasamang gawa, o ng mga huwad na pinuno at anticristo na gumagawa ng mga bagay sa isang paraang lumalabag sa mga prinsipyo—sa gayon ay nagugulo ang gawain ng iglesia at napapahamak ang mga hinirang ng Diyos—nawawalan sila ng lakas ng loob na manindigan at magsalita. Ano ang ibig sabihin kapag wala kang lakas ng loob? Ibig bang sabihin niyan ay kimi ka o hindi makapagsalita? O hindi mo ito lubos na nauunawaan, at sa gayon ay wala kang tiwalang magsalita? Walang isa man dito; ito una sa lahat ang ibinubunga ng mapigilan ng mga tiwaling disposisyon. Ang isa sa mga tiwaling disposisyong ito na inilalantad mo ay ang tusong disposisyon; kapag may nangyayari sa iyo, ang una mong iniisip ay ang sarili mong mga interes, ang una mong isinasaalang-alang ay ang mga ibubunga, kung ito ba ay kapaki-pakinabang sa iyo. Ito ay isang tusong disposisyon, hindi ba? Ang isa pa ay makasarili at masamang disposisyon. Iniisip mo, ‘Ano ang kinalaman sa akin ng kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos? Hindi ako isang lider, kaya bakit ako mag-aalala? Wala itong kinalaman sa akin. Hindi ko responsibilidad ito.’ Ang gayong mga saloobin at salita ay hindi mga bagay na sadya mong iniisip, kundi inilalabas ng iyong isip nang hindi mo namamalayan—na tumutukoy sa tiwaling disposisyong nabubunyag kapag ang mga tao ay nahaharap sa isyu. Pinamamahalaan ng mga tiwaling disposisyon na tulad nito ang paraan ng iyong pag-iisip, itinatali ng mga ito ang iyong mga kamay at paa, at kinokontrol kung ano ang sinasabi mo. May mga bagay kang nais sabihin, ngunit mayroon kang mga pag-aalinlangan, at kahit na magsalita ka pa, nagpapaliguy-ligoy ka, at nag-iiwan ka ng puwang upang makakambiyo, o kaya naman ay nagsisinungaling ka at hindi nagsasabi ng katotohanan. Nakikita ito ng mga taong malinaw ang mga mata; ang totoo, alam mo sa puso mo na hindi mo sinabi ang lahat ng dapat mong sabihin, na ang sinabi mo ay walang bisa, na iniraraos mo lamang ang lahat, at na hindi nalutas ang problema. Hindi mo natupad ang iyong responsibilidad, ngunit lantaran mong sinasabi na natupad mo ang iyong responsibilidad, o hindi sa iyo malinaw ang nangyayari. Totoo ba ito? At ito ba talaga ang iniisip mo? Hindi ba ganap ka nang kontrolado ng iyong satanikong disposisyon? Kahit naaayon sa katotohanan ang ilan sa sinasabi mo, sa mahahalagang sitwasyon at isyu, nagsisinungaling ka at sinusubukan mong linlangin ang mga tao, na nagpapatunay na isa kang taong sinungaling, at nabubuhay ayon sa iyong satanikong disposisyon. Lahat ng sinasabi at iniisip mo ay naiproseso ng utak mo, na humahantong sa pagiging huwad, hungkag, kasinungalingan ng bawat pahayag mo; sa totoo lang, lahat ng sinasabi mo ay salungat sa mga katotohanan, para bigyang-katwiran ang iyong sarili, para sa sarili mong kapakinabangan, at pakiramdam mo ay nakamtan mo na ang iyong mga layon kapag nalinlang mo ang mga tao at napaniwala mo sila. Ganyan kang magsalita; kumakatawan din iyan sa iyong disposisyon. Ganap kang kontrolado ng sarili mong satanikong disposisyon. Wala kang kapangyarihan sa mga sinasabi at ginagawa mo. Gustuhin mo man, hindi mo masabi ang katotohanan o masabi kung ano talaga ang iniisip mo; gustuhin mo man, hindi mo maisagawa ang katotohanan; gustuhin mo man, hindi mo matupad ang iyong mga responsibilidad. Kasinungalingan ang lahat ng sinasabi, ginagawa, at isinasabuhay mo, at wala kang ingat at malasakit. Ganap kang bihag at nakokontrol ng sataniko mong disposisyon. Maaaring gusto mong tanggapin at isagawa ang katotohanan, ngunit hindi ikaw ang magpapasya nito. Kapag kinokontrol ka ng iyong mga satanikong disposisyon, sinasabi at ginagawa mo ang anumang ipagawa sa iyo ng iyong satanikong disposisyon. Isa ka lamang tau-tauhan ng tiwaling laman, naging kasangkapan ka ni Satanas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Inilarawan ng salita ng Diyos ang tunay kong kalagayan. Nakita ko na walang ibang ginagawa si Liu Yang kundi itaas ang kanyang sarili at magpasikat sa pagbabahagi niya sa mga pagtitipon, na malubhang gumagambala sa buhay-iglesia, at malinaw na nagsalita dapat ako, pero sa takot kong mapasama ang loob niya, napigilan ako, pinag-isipan ko ito nang husto, at hindi ako nangahas na bumigkas ng ni isang tapat na salita. Ganap akong kinontrol ng tiwali kong disposisyon at hinayaan ko itong takpan ang bibig ko. Iniwan ako nito sa punto na kahit na alam ko kung ano ang tama, kung ano ang positibo, hindi ako naglakas-loob na magsalita. Iniba ko ang gusto ko talagang sabihin, binago ko ito, ginawang malabnaw, kaya nang magalang ko itong sabihin kay Liu Yang, ni hindi ito nakatulong at hindi ko nalutas ang problema. Sa panlabas, ikinubli ko ang aking sarili sa imahe ng isang mabuting tao, pero sa loob, ginugol ko ang bawat sandali sa pag-iisip kung paano ko mapoprotektahan ang mga ugnayan ko sa iba para maganda ang masabi nila tungkol sa akin. Handa akong makitang magdusa ang buhay ng mga kapatid para lang maprotektahan ang sarili kong katayuan at imahe. Nakita ko na makasarili ako, mapanlinlang, at walang anumang pagkatao at katwiran.

Labis akong nakokonsensya habang nagbabalik-tanaw sa lahat ng aking pag-uugaling mapagpalugod ng mga tao noong panahong iyon. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Lahat kayo’y nagsasabi na isinasaalang-alang ninyo ang pasanin ng Diyos at ipagtatanggol ang patotoo ng iglesia, ngunit sino ba sa inyo ang talagang nagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos? Itanong sa iyong sarili: Ikaw ba’y isang tao na nagpakita ng pagsasaalang-alang para sa pasanin Niya? Magagawa mo bang maging matuwid para sa Kanya? Makakapanindigan ka ba at makakapagsalita para sa Akin? Maisasagawa mo ba nang matatag ang katotohanan? Ikaw ba’y may sapat na lakas ng loob na labanan ang lahat ng gawa ni Satanas? Makakaya mo bang isantabi ang iyong mga damdamin at ilantad si Satanas para sa kapakanan ng Aking katotohanan? Mapapahintulutan mo ba ang Aking mga layunin na matupad sa iyo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 13). “Ang mga kabataan ay hindi dapat mawalan ng katotohanan, ni hindi sila dapat maging mapagpaimbabaw at makasalanan—dapat silang maging matatag sa wastong paninindigan. Hindi sila dapat magpatangay na lamang, kundi dapat silang magkaroon ng espiritung may tapang na magsakripisyo at makibaka para sa katarungan at katotohanan. Ang mga kabataan ay dapat magkaroon ng katapangang huwag sumuko sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at baguhin ang kabuluhan ng kanilang pag-iral. Hindi dapat isuko ng mga kabataan ang kanilang sarili sa paghihirap, kundi dapat silang maging bukas at prangka, at mapagpatawad sa kanilang mga kapatid. Siyempre, ito ang mga hinihingi Ko sa lahat, at ang Aking payo sa lahat. Ngunit higit pa riyan, ito ang Aking mga salitang magpapaginhawa sa lahat ng kabataan. Dapat kayong magsagawa ayon sa Aking mga salita. Lalo na, hindi dapat mawalan ng paninindigan ang mga kabataan na gamitin ang pagkakilala sa mga isyu at maghanap ng katarungan at katotohanan. Dapat ninyong hangarin ang lahat ng bagay na maganda at mabuti, at dapat ninyong matamo ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Dapat kayong maging responsable sa inyong buhay, at huwag ninyong maliitin ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda). Gusto ng Diyos na malaman natin ang mali sa tama, pumanig tayo sa naaayon, hindi pikit-matang gumaya sa iba, at mangahas tayong itaguyod ang katarungan at ang mga prinsipyo. Ako naman, nakita ko ang problema kay Liu Yang, pero hindi ako isang tapat na tao. Hindi ko tahasang tinukoy ang problema niya, at hindi ko rin sinubukan na tulungan siya nang may pagmamahal. Sa halip, isa akong taong mapagpalugod ng iba at mapanlinlang. Inabandona ko ang mga prinsipyo ng katotohanan, at sa huli, nabigo pa rin akong matulungan siya na talagang malaman ang sarili niyang problema. Hindi ba’t napipinsala ko lang siya? Paano ako kumikilos na gaya ng dapat gawin ng isang mananampalataya ng Diyos? Habang lalo ko itong pinagninilayan, lalo akong nakokonsensya. Hindi ko na mahahayaan ang sarili kong maging mapagpalugod pa ng mga tao. Kailangan ko nang isagawa agad ang katotohanan at maging tapat na tao.

Nakita ko sa isang pagtitipon si Liu Yang at direkta kong sinabi sa kanya ang problema niya sa kanyang pagbabahagi. Binabanggit ang mga salita ng Diyos na nabasa namin kamakailan, sinabi ko sa kanya na ang isang tao ay dapat na magkwento tungkol sa nahayag niyang tiwaling disposisyon kapag nagbabahagi siya tungkol sa katotohanan at nagpapatotoo sa Diyos, at gamitin ang mga salita ng Diyos upang himayin at kilalanin ang kanyang sarili, at talakayin kung paanong nagbabago ang isang tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, matutulungan natin ang mga taong magkaroon ng kaalaman at makilala ang mga satanikong disposisyong ito at makita kung paanong tunay na nakapaglilinis at nakapagpapabago ng mga tao ang mga salita ng Diyos. Ito lang ang pagpupuri at pagpapatotoo sa Diyos. Nang matapos ako, inamin ni Liu Yang na mayroon nga siya ng mga problemang ito, sinabi niyang mabuti na tinukoy ko ang mga iyon at na nakatulong ito sa buhay niya, at hiniling niyang mas madalas ko siyang paalalahanan. Nang marinig ko iyon sa kanya, nakaramdam ako ng hiya. Nag-alala akong baka mapasama ko ang loob niya kapag naging prangka ako sa kanya at na baka masama ang maging tingin niya sa akin. Iyon pala, kaya naman pala niyang tanggapin ang katotohanan, hindi gaya ng iniisip ko. Ang problema ay masyado akong naging duwag, tuso, at mapanlinlang. Pagkatapos ko magsagawa sa ganitong paraan, natutunan ko na ang pagsasagawa ng katotohanan at ang pagsasalita nang matapat ay isang mabuting bagay. Hindi lang ito nakatutulong sa iba, kundi pinagiginhawa rin nito ang puso mo.

Matapos iyon, nagpatuloy ako sa paghahanap sa mga salita ng Diyos. Nabasa ko ang mga salitang ito ng Makapangyarihang Diyos, “Maaaring naniniwala ka na sa Diyos sa loob ng tatlo, lima, walo, o sampung taon, subalit hindi mo pa rin alam kung paano sundin ang Diyos o isagawa ang mga salita ng Diyos. Anuman ang mangyari, gumagamit ka pa rin ng mga satanikong salita bilang batayan ng iyong mga kilos, naghahanap ka pa rin ng batayan para sa mga bagay-bagay sa tradisyunal na kultura. Kapag ganito, naniniwala ka ba sa Diyos? Hindi mo ba sinusunod si Satanas? Namumuhay ka ayon sa mga satanikong salita at disposisyon, kaya hindi mo ba nilalabanan ang Diyos? Dahil hindi ka nagsasagawa o namumuhay ayon sa salita ng Diyos, hindi sumusunod sa mga yapak ng Diyos, hindi nakikinig sa anumang sinasabi ng Diyos, at hindi nakakasunod sa anumang pangangasiwa o inuutos ng Diyos sa iyo, hindi mo sinusunod ang Diyos. Sumusunod ka pa rin kay Satanas. Nasaan si Satanas? Si Satanas ay nasa puso ng mga tao. Ang mga pilosopiya, lohika at patakaran, at iba’t ibang kasinungalingan ni Satanas ay matagal nang nag-ugat sa puso ng mga tao. Ito ang pinakaseryosong problema. Kung hindi mo malulutas ang problemang ito sa paniniwala mo sa Diyos, hindi ka maliligtas ng Diyos. Samakatuwid, dapat ninyong suriin palagi ang ginagawa niyo, ang inyong mga iniisip at pananaw, at ang inyong batayan sa paggawa ng mga bagay-bagay gamit ang mga salita ng Diyos, at pag-aralan ang mga bagay-bagay sa inyong isipan. Kailangan ninyong malaman kung alin sa mga bagay na nasa inyong kalooban ang mga pilosopiya sa pamumuhay, alin ang mga sikat na kasabihan, alin ang tradisyonal na kultura, at alin ang nagmula sa kaalamang intelektuwal. Kailangan ninyong malaman kung alin sa mga ito ang lagi ninyong pinaniniwalaang tama at alinsunod sa katotohanan, alin ang sinusunod niyo na para bang iyon ang katotohanan, at alin ang pinapayagan niyong pumalit sa katotohanan. Ito ang mga bagay na kailangan ninyong suriing mabuti. Partikular na, tinatrato mo ang mga bagay na sa tingin mo ay tama at mahalaga bilang katotohanan; hindi madaling matukoy ang gayong mga bagay. Ngunit kapag nagawa mo ito, nalagpasan mo na ang isang malaking balakid. Ang mga bagay na ito ay pumipigil sa mga tao na unawain ang mga salita ng Diyos, isagawa ang katotohanan, at sundin ang Diyos. Kung gugugulin mo ang maghapon na naguguluhan at hindi alam ang gagawin, kung hindi mo bibigyan ng anumang konsiderasyon ang mga bagay na ito, at hindi bibigyang-pansin ang paglutas sa mga problemang ito, ito ang ugat ng iyong karamdaman, ito ang lason. Kung hindi maaalis ang mga ito, mawawalan ka ng kakayahang tunay na sundin ang Diyos, at hindi mo maisasagawa ang katotohanan, masusunod ang Diyos, at matatamo ang kaligtasan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Hindi Maliligtas ang Isang Tao sa Pamamagitan ng Pagsampalataya sa Relihiyon o Pagsali sa Seremonyang Panrelihiyon). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong naging mapagpalugod ako ng mga tao dahil namuhay ako ayon sa mga satanikong pilosopiya, gaya ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan,” at “Sumambit ng mabubuting salita na umaayon sa mga damdamin at katwiran ng iba, dahil naiinis ang iba sa pagiging prangka.” Matindi na akong nalason ng mga satanikong pilosopiyang ito. Dahil sa pamumuhay ko ayon sa mga ito, naging labis akong sakim, makasarili, tuso, at mapanlinlang. Sa lahat ng sinabi at ginawa ko, inisip ko kung may magiging pakinabang ba ito sa akin. Malinaw kong nakita na may problema kay Liu Yang, pero dahil labis kong pinoprotektahan ang sarili kong reputasyon at mga interes, dilat kong pinanood na mapahamak ang buhay-iglesia, at hindi ako nangahas na sabihin ang katotohanan at maging matapat na tao. Hindi ako nanindigan paano man at ayaw kong mapasama ang loob ninuman. Nakita ko na kung mamumuhay ako ayon sa mga satanikong makamundong pilosopiyang ito, hindi ko kailanman maisasagawa ang katotohanan, dahil maling-mali ang pamamaraan ko. Kalooban ng Diyos na maging matatapat tayong tao, na magtulungan ang magkakapatid, punahin ang pagkakamali ng isa’t isa, at sama-samang hanapin ang katotohanan. Pero palagi kong tiningnan ang mga bagay-bagay gamit ang mga satanikong pilosopiya at pananaw, palagi akong naniwala na “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan” at “Sumambit ng mabubuting salita na umaayon sa mga damdamin at katwiran ng iba, dahil naiinis ang iba sa pagiging prangka.” Itinaguyod ko ang mga ito na para bang ang mga ito ang katotohanan. Ang akala ko, makakasundo ko ang iba kung hindi ko ituturo o tatalakayin ang problema ng ibang tao kapag nakita ko ang mga iyon, na isa akong mabuting tao. Talagang wala ako sa katwiran! Kung hinanap ko lang sana ang katotohanan, isinagawa ang pagiging tapat na tao ayon sa mga salita ng Diyos, at pinuna ang problema ni Liu Yang nang mas maaga, baka mas maaga niyang namalayan iyon at nabago ang mga bagay-bagay, na nakatulong sana sa buhay niya at naging kapaki-pakinabang sa buhay-iglesia. Sa ganitong paraan ko lamang matutupad ang aking mga responsibilidad, at magiging isang mabuting tao. Pero para maprotektahan ang sarili kong mga interes, hindi ko isinagawa ang katotohanan. Nang makita kong nagagambala ang buhay-iglesia, hindi ako nanindigan para protektahan ito. Nang makita kong namumuhay si Liu Yang sa isang tiwaling disposisyon, hindi ko ito sinabi at hindi ko siya tinulungan. Makasarili ako, mapanlinlang, at walang pagkatao. Malinaw ko na talagang nakikita ngayon na magiging isang mabuting tao lamang ang isang tao sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan at pagsasagawa ng katapatan ayon sa mga salita ng Diyos.

Nagpapasalamat ako sa kaliwanagan at gabay ng mga salita ng Diyos na tumulong sa aking maunawaan na ang mga mapagpalugod ng mga tao ay hindi talaga mabubuting tao, at medyo ipinaunawa sa akin nito ang mga sarili kong satanikong disposisyon ng pagiging makasarili at mapanlinlang. Personal kong naranasan na tanging ang pagsasagawa ng katotohanan at pagiging tapat na tao ang paraan para maging payapa at maginhawa ang isang tao. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Kung Bakit Napakayabang Ko Noon

Ni Joanne, Timog KoreaIsang araw, binanggit sa akin ng dalawang lider ng iglesia ang isang isyu. Sinabi nila na si Isabella, na siyang...