Ako’y Pininsala ng Pagmamarangya at Reputasyon

Enero 10, 2022

Noong 2017, nahalal ako sa pagka-lider at inatasang mangasiwa sa gawain ng ilang iglesia. Napansin ko na ang mga lider ng lahat ng iglesiang iyon ay mas matatagal nang mananampalataya kaysa sa akin. Si Sister Gao at Sister Sun ay naglingkod bilang mga lider nang maraming taon at nagkasama kami sa mga pagtitipon ng kapwa-manggagawa dati, kaya medyo alam nila kung ano ang aasahan sa akin. Si Sister Yuan, isang lider mula sa isa pang iglesia, ang nagdilig sa akin pagkatapos na pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos. Lubos akong walang kaalam-alam nang panahong iyon, pero sa tuwing mayroon akong anumang isyu, palagi niya akong tinutulungan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng katotohanan. Kaya’t maging karanasan sa trabaho o panahon sa pananampalataya, natalo nila ako sa bawat aspeto. Sa akin ay para bang kung susubukan kong pangasiwaan ang kanilang gawain at tulungan silang malutas ang kanilang mga isyu, ay hahantong lang akong ipinapahiya ang sarili ko. Pero alam ko rin na ang atas na ito ay pagtataas ng Diyos. Hindi ko puwedeng tanggihan ang tungkuling ito para lang maiwasan ang kahihiyan at mapanatili ang aking katayuan. Kailangan kong tanggapin at magpasakop.

Kaya’t sumulat ako sa mga lider ng iglesia para sa isang pagtitipon upang maging pamilyar ako sa mga iglesia sa lalong madaling panahon. Kadalasan ay mabilis akong sumulat ng mga liham, pero hindi nang sumulat ako kay Sister Gao. Makailang beses kong isinulat ang ilang linya na iyon, paulit-ulit na binabago ang mga ito. Nag-aalala ako na mabibigo akong ipahayag ito nang malinaw at mamaliitin niya ako. Nang dumating ang oras para sa pagtitipon, mas lalo akong nabalisa. Maraming tumatakbo sa aking isipan: Magkakasama kami dating nagdaraos ng mga pagtitipon bilang kapwa-manggagawa, at kung hindi ako makapagbahagi nang maayos o hindi malutas ang kanilang mga isyu, ano ang iisipin nila sa akin? Sasabihin ba nilang, “Sino ka para magdaos ng mga pagpupulong at subukang lutasin ang mga problema namin sa tayog na tulad ng sa iyo?” Hindi puwede, kailangan kong magbigay ng pagbabahagi na may kalidad upang ipakita sa kanila na may kakayahan akong gawin ang trabahong ito. Sinusubukan kong magmukhang kalmado, sinimulan kong makisangkot sa kanilang gawain. Itinala ko ang anumang problema na lumitaw at naghanap ng mga salita ng Diyos upang malutas ang mga ito. Pero dahil sobrang kabado, naubusan ako ng sasabihin matapos ang ilang sandaling pagbabahagian. Sa sandaling iyon, napansin kong medyo seryoso ang ekspresyon ni Sister Gao. Naisip ko sa sarili ko: “Dahil ba hindi ko nalutas ang mga problema nila sa aking pagbabahagi?” Sinusubukang maiwasan ang kahihiyan kahit papaano, pinilit kong ipagpatuloy ang pagbabahagi. Habang nagsasalita ako, patuloy kong binabantayan ang kanilang mga ekspresyon, para makita kung naiinip na sila. Kumakabog ang puso ko sa kaunting pagbabago lang sa kilos nila. Nang bandang patapos na ang pagtitipon, natahimik ang lahat at ako lang ang nagsasalita. Pakiramdam ko parang tumigil ang oras—usad-suso sa bagal ang pagtitipon. Sa wakas, natapos din ang pagtitipon at umuwi na ako, pagod na pagod. Para bang katatapos ko lang gumawa ng isang araw nang napakabigat na trabaho, at ang gusto ko lang gawin ay magpahinga, pero naalala ko na nagtakda ako ng pagtitipon kinabukasan kasama si Sister Yuan at ilan pang mga kapatid. Kung sakaling mayroon silang ilang problema na hindi ko kayang lutasin, ano kaya ang iisipin nila sa akin? Hindi, kailangan kong maghanda nang maaga. Kinuha ko ang ulat sa trabaho ng kanilang iglesia at sinimulang basahin, pero nakatulog ako kaagad nang ’di namamalayan. Bigla lang akong nagising pagdating ng 9:00 ng gabi. Naisip ko sa sarili ko: “Kakaiba naman iyon. Kadalasan ay hindi ako inaantok nang ganito kaaga.” Kaya’t lumapit ako sa harap ng Diyos at nanalangin ako sa Kanya, sinasabing: “O Diyos ko, ang pagtupad sa tungkuling ito ay labis na nagpapahirap sa akin. Labis akong nag-aalala na mamaliitin ako ng mga lider ng iglesia kung hindi ako magbibigay ng magandang pagbabahagi. Pakiramdam ko ay labis akong napipigilan at hindi ko alam kung paano ko mailulusot ang sarili ko mula sa sitwasyong ito. Nawa’y bigyan Mo ako ng kaliwanagan at gabayan Mo ako para makilala ko ang sarili ko.”

Pagkatapos ay binasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Lahat ng natiwaling tao ay nagdurusa mula sa isang magkakatulad na suliranin: Kapag wala silang katayuan, kapag sila’y ordinaryong mga kapatid, hindi sila nagmamalaki kapag nakikipag-ugnay o nakikipag-usap sa sinuman, o hindi sila gumagamit ng partikular na estilo o tono sa kanilang pananalita; sila ay karaniwan lamang at normal, at hindi na kailangang ialok ang kanilang mga sarili. Hindi sila nakararamdam ng anumang sikolohikal na presyon, at nakapagbabahagi nang bukas at mula sa puso. Madali silang lapitan at madaling makahalubilo; nararamdaman ng iba na napakabuti nilang mga tao. Gayunman, sa sandaling magkamit sila ng katayuan, sila ay nagiging mapagmataas at makapangyarihan, na parang walang sinumang makakaabot sa kanila; nararamdaman nila na nararapat silang igalang, at na sila ay iba sa mga karaniwang tao. Mababa ang tingin nila sa karaniwang tao at tumitigil sila sa hayagang pagbabahagi sa iba. Bakit hindi na sila nagbabahagi nang hayagan? Nararamdaman nilang may katayuan na sila ngayon, at sila’y mga pinuno. Iniisip nilang dapat magkaroon ng partikular na imahen ang mga pinuno, maging mataas nang bahagya kaysa sa ordinaryong tao, at magkaroon ng higit na tayog at magawang tumupad ng higit na maraming tungkulin; naniniwala sila na kung ihahambing sa mga ordinaryong tao, dapat magtaglay ang mga pinuno ng higit na tiyaga, magawang magdusa at gumugol nang higit, at mapaglabanan ang anumang tukso. Iniisip pa nga nilang hindi maaaring umiyak ang mga pinuno, gaano man karaming kasapi ng kanilang pamilya ang maaaring mamatay, at kung kailangan nilang umiyak, dapat nila itong gawin nang lihim, upang walang makakikita ng anumang mga pagkukulang, kapintasan, o kahinaan sa kanila. Nararamdaman pa nga nila na hindi maaaring ipaalam ng mga pinuno sa sinuman kung sila ay naging negatibo; sa halip, dapat nilang itago ang lahat ng ganoong mga bagay. Naniniwala silang ganito dapat kumilos ang isang may katayuan. Kapag pinipigilan nila ang kanilang sarili nang ganito, hindi ba ang katayuan ay nagiging kanilang Diyos, kanilang Panginoon? At dahil dito, nagtataglay pa rin ba sila ng normal na pagkatao? Kapag mayroon silang ganitong mga ideya—kapag ikinulong nila ang kanilang sarili rito, at ginawa nila ito—hindi ba sila nahumaling sa katayuan?(“Para Malutas ang Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao, Dapat na Mayroon Siyang Tiyak na Landas ng Pagsasagawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Malinaw na ibinunyag ng mga salita ng Diyos ang kalagayan ko nang panahong iyon. Sobrang nakakapagod at napakahirap para sa akin na idaos ang mga pagtitipong ito dahil masyado kong inalala ang dignidad at katayuan. Nang gunitain ko noong bago ako nahalal bilang lider, hindi ako nagpipigil sa mga pagtitipon ko kasama si Sister Gao at ang iba pang mga kapatid. Nagbahagi ako nang eksaktong kung ano ang naunawaan ko, at nagtiwalang walang mangmamaliit sa akin para sa mababaw na pagbabahagi dahil bago pa lang akong mananampalataya noon. Gayunpaman, matapos kong tuparin ang mga tungkulin bilang isang lider, naramdaman ko na dahil mayroon akong mas mataas na posisyon kaysa sa kanila, magiging mababa ang tingin nila sa akin kung hindi ako magbabahagi nang maayos at hindi malulutas ang kanilang mga problema. Nagsikap ako nang husto na magpakitang-gilas at ipahayag ang sarili ko sa mga pagtitipon para tumaas ang tingin sa akin ng iba at sabihing karapat-dapat ako sa posisyon. Wala akong gaanong praktikal na karanasan, pero ayaw kong magtapat ng tungkol sa aking mga pagkukulang. Patuloy lang ako sa ginagawa ko. Inilagay ko ang aking sarili sa isang pedestal, iniisip na ang mga lider ay dapat magkaroon ng partikular na tayog at maging mas mahusay kaysa sa iba sa lahat ng paraan. Itinago ko ang lahat ng aking mga kapintasan at kakulangan, hindi hayagang hinanap ang hindi ko naunawaan at nagkunwaring naunawaan ko, lahat ay dahil sa takot na maliitin ng mga kapatid. Ako ang nagdulot ng lahat ng paghihirap na ito sa aking sarili dahil masyado akong nahumaling sa katayuan. Binigyan ako ng Diyos ng pagkakataong sanayin ang aking sarili sa pamamagitan ng pagtataas sa akin sa posisyong ito ng pagiging lider, na pinahihintulutan akong matutunan kung paano magbahagi sa katotohanan at lumutas ng mga problema. Gayunpaman, hindi ko pinag-isipan kahit kaunti kung paano ko matutupad nang maayos ang aking mga tungkulin at matutulungan ang iba na malutas ang kanilang mga problema at isyu. Sa halip, ginamit ko ang aking tungkulin bilang isang pagkakataon para itaguyod ang aking sarili at pataasin ang tingin ng mga tao sa akin. Nagpanggap pa ako at nilinlang ang aking mga kapatid. Wala ako ni katiting na katwiran—lubos akong walang kahihiyan. Lumapit ako sa harap ng Diyos at nanalangin sa Kanya sa pagsisisi, hinihiling na patnubayan Niya ako para maalis ang pagkakatali sa akin ng reputasyon at katayuan.

Matapos magdasal, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Laging iniisip ng ilang tao na kapag may katayuan ang mga tao, lalo silang dapat umasta na parang mga opisyal, na seseryosohin at igagalang lamang sila ng iba kung magsasalita sila sa isang partikular na paraan. Kung matatanto mong mali ang ganitong paraan ng pag-iisip, dapat kang manalangin sa Diyos at talikuran ang mga bagay na makalaman. Huwag mong tahakin ang landas na iyon. Kapag may saloobin kang kagaya ng mga ito, dapat kang kumawala sa kalagayang iyon, at huwag pahintulutan ang iyong sarili na maipit dito. Sa sandaling maipit ka rito, at magkaanyo ang mga saloobin at pananaw na iyon sa loob mo, magbabalatkayo ka, babalutin mo ang iyong sarili, gagawin pa ito nang napakahigpit, upang walang sinuman ang makakakita pa sa iyo, o magkakaroon ng pandama sa iyong puso at isip. Makikipag-usap ka sa iba na para bang nasa likod ng isang maskara. Hindi nila magagawang makita ang iyong puso. Dapat matuto kang hayaan ang ibang tao na makita ang laman ng iyong puso, magtapat ng saloobin sa mga tao at maging mas malapit sa kanila. Dapat mong layuan ang mga hilig ng laman—at talagang wala namang mali rito; pwede rin naman itong maging landas. Anuman ang mangyari sa iyo, dapat mo munang pagnilay-nilayan ang mga problema sa sarili mong pag-iisip. Kung ang hilig mo pa rin ay magpanggap o magkunwari, dapat kang manalangin sa Diyos agad-agad: ‘O Diyos! Nais kong muling magbalatkayo, at muli na naman akong makagagawa ng mga pakana at panlilinlang. Tunay akong isang diyablo! Ginagawa Kitang mamuhi sa akin nang labis! Nasusuklam ako sa aking sarili sa kasalukuyan. Mangyaring disiplinahin ako, sisihin ako, at parusahan ako.’ Dapat kang manalangin at ilabas sa liwanag ang iyong saloobin. Sangkot dito kung paano ka nagsasagawa. Anong aspeto ng mga tao ang pinupuntirya ng pagsasagawang ito? Pinupuntirya nito ang mga kaisipan at ideya, at ang mga layunin na ibinunyag ng mga tao hinggil sa isang usapin, pati na ang landas na kanilang nilalakaran at ang direksiyon na kanilang tinatahak. Ibig sabihin, kapag may saloobin kang magkunwari, umasa ka sa Diyos na mailantad ang mga ito, at masuri ang mga ito nang husto, at makontrol ang mga ito. Kapag sinusuri mo nang husto at kinokontrol ang mga ito sa ganitong paraan, hindi na magkakaroon ng anumang isyu sa ginagawa mo, dahil mabibigo at hindi na magiging kapuna-puna pa ang tiwali mong disposisyon(“Para Malutas ang Tiwaling Disposisyon ng Isang Tao, Dapat na Mayroon Siyang Tiyak na Landas ng Pagsasagawa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ang pagbabasa ng mga salitang ito mula sa Diyos ay nagbigay din sa akin ng isang landas ng pagsasagawa. Maaaring nahalal ako bilang isang lider, pero hindi nagbago ang tayog ko. Hindi naman ibig sabihing dahil tinutupad ko ang tungkuling ito ay bigla ko na lang naunawaan ang lahat ng mga katotohanan, at kaya ko nang maarok ang lahat at malutas ang lahat ng isyu. Kailangan kong harapin ang aking mga pagkukulang—kung hindi ko kayang lutasin ang isang problema, dapat na matapat ko na lang na aminin na hindi ko ito naunawaan. Pagkatapos ay maaari kong hanapin ang katotohanan kasama ang iba para malutas ang problema. Sa isang pagtitipon kalaunan, nagsabi ang mga lider ng iglesia ng mga problemang hindi sila makausad para sa pagbabahagi. Medyo nag-alala ako sa mga oras na iyon. Kung hindi ko malutas ang kanilang mga problema, bababa ba ang tingin nila sa akin? Kaya’t tahimik akong nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanya na iwasto ang aking saloobin at pahintulutan akong kalmadong harapin ang sarili kong mga kakulangan. Kahit na makita nila ang aking totoong kakayahan at bumaba ang tingin sa akin, kailangan ko pa ring isagawa ang katotohanan. Mabuti iyon basta malutas lang namin ang lahat ng aming isyu at ang aming trabaho ay maayos na magpatuloy. Pagkatapos nito, nagbahagi lang ako nang kung ano ang naunawaan ko, at kung nagkakaproblema man ako sa paglutas ng mga ito, sasabihin ko ito sa aking mga kapatid, at sama-sama kaming maghahanap ng kapasiyahan. Naramdaman kong gumaan ang pakiramdam ko mula sa pagsasagawa na tulad nito. Unti-unti, tumigil na ako sa pagkakaroon ng labis na interes sa karangalan at katayuan, at naramdaman kong mas mahinahon ako sa mga pagtitipon. Madalas kong nadarama na binibigyang-liwanag at ginagabayan ako ng Diyos, at nakilala ko ang ilang problema sa gawain at nakahanap ng mga paraan upang malutas ang mga ito sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Naging mapagpakumbaba at mapayapa ang pakiramdam ko sa pamamagitan ng paggawa ng aking tungkulin sa ganitong paraan.

Nang maglaon, ilang iba pang bagay ang nangyari, na nagpanilay-nilay sa akin sa sarili ko sa mas malalim na paraan. Noong 2019, ginampanan ko ang tungkulin ng pag-eedit sa iglesia. Kailangan naming mag-organisa ng isang study group tungkol sa mga nauugnay na prinsipyo na binubuo ng mga kapatid mula sa ilang iglesia. Hindi pa ako nakapag-organisa dati ng gayon kalaking study group, at naramdaman kong matinding pasanin ito—literal na pakiramdam ko may isang malaking bato na nakapatong sa aking dibdib. Nag-alala ako na mapapahiya ako kung hindi ako makapagbibigay ng malinaw na pagbabahagi. Minsan, hiniling sa akin ng lider ng grupo na aktibo akong lumahok sa pagbabahagi para sa isang nalalapit na study group. Kinabahan ako—ito ay hindi isang maliit na pagtitipon ng ilang mga tao. Paano kung hindi ako makapagbigay ng malinaw na pagbabahagi sa harap ng napakaraming mga kapatid? Ano kaya ang iisipin nila sa akin? Magtataka ba sila kung paanong ang isang taong may kakayahan ko ay pinahintulutang tuparin ang mga tungkulin ng pag-eedit? Habang lalo kong iniisip ito, mas nabahala ako. Bago ang pagtitipon, binabasa ko nang paulit-ulit ang mga prinsipyo. Pinagod ko ang utak ko, sinusubukang mag-isip ng pinakamalinaw at pinakamaayos na paraan upang magbahagi sa kanila. Walang tigil akong nagdasal sa Diyos sa aking puso, hinihiling sa Kanya na magdala ng kapayapaan at katahimikan sa aking puso. Ngunit nang oras na para sa pagtitipon, kinakabahan pa rin ako. Patuloy ko lang binibilang ang mga minuto hanggang sa ako naman ang magbabahagi. Wala ako sa anumang lugar upang pagnilayan ang mga prinsipyo. Hindi ko talaga alam kung paano ko nalampasan ang pagtitipong iyon. Nakaramdam ako ng napakabigat na pasanin—hindi ko talaga gustong mag-organisa ng ganoong klase ng study group. Naisip ko sa sarili ko: “Siguro dapat kanselahin ko na lang nang lubusan ang study group at hayaan ang lahat na sila-sila ang mag-aral. Sa ganoong paraan hindi ako mag-aalala tungkol sa pagbibigay ng hindi magandang pagbabahagi at ipahiya ang aking sarili sa harap ng lahat.” Nagpunta ako sa lider at sinabi sa kanya na ang study group sa kasalukuyan nitong kalagayan ay hindi epektibo. Ang nangyari’y nakansela ito. Walang ibang may alam sa aking mga kasuklam-suklam na layunin, ngunit ang Diyos ay nanonood. Kalaunan ang Diyos ay nagbalangkas ng isang sitwasyon para sa akin. Ilang beses akong tinanong ng isang kapatid na babae: “Bakit hindi ka mag-organisa ng isang study group para masuri ng mga kapatid ang mga prinsipyo?” Sinabi din niya na gusto talaga niyang dumalo sa ganoong uri ng study group. Medyo nakonsiyensiya ako nang marinig siyang sabihin ito. Ako ang namamahala sa gawain ng pag-eedit ng iglesia. Tungkulin kong pamunuan ang aking mga kapatid sa pag-aaral ng mga prinsipyo. Ngunit kinansela ko ang study group upang hindi ako mapahiya at mapanatili ang aking katayuan, nang wala ni katiting na pag-aalala sa mga pangangailangan ng iba, o kung ano ang pinakamakakabuti para sa gawain ng iglesia. Hindi ko ba pinipinsala ang aking mga kapatid? Napakamakasarili at napakababa ko!

Kalaunan ay nakita ko ang isang nakakaantig na sipi ng mga salita ng Diyos kung saan inilalantad Niya ang mga anticristo. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng labis na kahalagahan sa katayuan at reputasyon, tunay na ibinubunyag ko ang aking sariling anticristong disposisyon. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang pagmamahal ng mga anticristo sa kanilang katayuan at reputasyon ay higit pa sa mga normal na tao, at nasa loob ng kanilang disposisyon at kakanyahan; hindi ito isang pansamantalang interes, o lumilipas na epekto ng kanilang paligid—ito ay isang bagay na nasa kanilang buhay, nasa kanilang mga buto, kaya ito ay kanilang kakanyahan. Masasabing sa lahat ng ginagawa ng isang anticristo, ang una nilang isinasaalang-alang ay ang kanilang sariling katayuan at reputasyon, at wala nang iba. Para sa isang anticristo, ang katayuan at reputasyon ang kanilang buhay, at ang kanilang panghabambuhay na layunin. Sa lahat ng kanilang ginagawa, ang una nilang isinasaalang-alang ay: ‘Ano ang mangyayari sa aking katayuan? At sa aking reputasyon? Ang paggawa ba nito ay magbibigay sa akin ng reputasyon? Itataas ba nito ang aking katayuan sa isipan ng mga tao?’ Iyon ang unang bagay na kanilang iniisip, na sapat na patunay na mayroon silang disposisyon at kakanyahan ng mga anticristo; kung hindi, hindi sila magsusumikap nang ganoon(“Ginagawa Nila ang Kanilang Tungkulin para Lamang Maging Tanyag Sila at Maisakatuparan ang Kanilang Sariling mga Interes at Ambisyon; Hindi Nila Iniisip Kailanman ang mga Interes ng Sambahayan ng Diyos, at Ipinagpapalit pa ang mga Interes na Iyon para sa Kanilang Personal na Kaluwalhatian (Ikalawang Bahagi)” sa Paglalantad sa mga Anticristo). Sinusuri ang aking sarili salungat sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang aking pagkahumaling sa reputasyon at katayuan nitong huli ay isang pagpapakita ng aking anticristong disposisyon. Habang ino-organisa ang study group, nag-alala ako na wala akong mahusay na pag-unawa sa mga prinsipyo at na hahamakin ako ng iba kung hindi ako makapagbahagi nang maayos. Bago ang pagpupulong, binasa ko nang paulit-ulit ang mga prinsipyo, pinoproblema ang pinakamabuting posibleng paraan upang maipahayag ang aking sarili. Gayunpaman lahat ng pagsusumikap na iyon ay hindi upang maunawaan ang katotohanan at mga prinsipyo, o upang matulungan ang aking mga kapatid na may matutunang praktikal at kapaki-pakinabang, sa halip ay upang gumawa ng isang imahe ng aking sarili bilang isang “magaling na propesyonal,” at upang makuha ang paghanga ng iba. Binigyan ko ng labis na kahalagahan ang reputasyon at katayuan, at inisip ko lang ang mga pagtitipon bilang pagkakataon upang maitaguyod ang aking reputasyon. Lubos kong alam na iyon ay isang mabisang paraan para mag-aral, ngunit natatakot akong mapahiya sa pamamagitan ng hindi pagbabahagi nang maayos, kung kaya’t pinabayaan ko ang mga tungkulin ko, at gumawa pa ng mga dahilan para kanselahin ang study group. Ginugol ko ang buong araw at araw-araw sa pag-iisip kung paano ako hindi mapapahiya at kung paano makamit ang paghanga ng iba. Inuna ko ang aking pansariling pakinabang kaysa sa lahat ng iba pa. Walang anumang puwang sa puso ko ang atas ng Diyos, at hindi ko isinaalang-alang kung aling hakbang ng pagkilos ang pinakamabuti para sa aking mga kapatid, kung alin ang magiging pinakamabuti para sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Napakamakasarili at napakababa ko! Maaaring hindi ako gumagawa ng anumang halatang kasamaan bilang isang anticristo sa panlabas, ngunit sa diwa ang aking disposisyon ay hindi naiiba. Tinatahak ko ang landas ng isang anticristo. Kung mayroon akong totoong katayuan, tiyak na kikilos ako tulad ng isang anticristo, hinahadlangan at inaantala ang gawain ng sambahayan ng Diyos upang mapalugod ang aking mga pansariling interes. Hahantong ako sa paggawa ng lahat ng uri ng kasamaan at maaalis ng Diyos. Sa sandaling napagtanto ko ang lahat ng ito, nakaramdam talaga ako ng takot at pagsisisi. Kaya’t nanalangin ako sa Diyos: “Mahal kong Diyos, malubha akong nagawang tiwali ni satanas. Palagi kong sinusubukang mapanatili ang reputasyon at katayuan, at hindi ako naging tapat o responsable sa aking tungkulin. O Diyos, ayaw ko nang magrebelde pa sa Iyo—nais kong magsisi. Bigyang-liwanag at gabayan mo sana ako!”

Sa aking paghahanap, nakita ko ang isang video reading ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dapat ninyong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang inyong mga kamalian, inyong mga kakulangan, inyong mga kasalanan, inyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at magbahagi tungkol sa lahat ng ito. Huwag ninyong ilihim ang mga ito. Ang pagkatutong buksan ang inyong sarili ang unang hakbang tungo sa pagpasok sa katotohanan, at ito ang unang sagabal, na siyang pinakamahirap daigin. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ang paggawa sa hakbang na ito ay nagpapahiwatig na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang ikinukubling anuman, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at tapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang susuriing mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang pagtakpan ang anumang bagay, gumawa ng anumang mga modipikasyon, o gumamit ng anumang panlalansi alang-alang sa iyong reputasyon, paggalang sa sarili, at katayuan, at tumutukoy rin ito sa anumang mga pagkakamaling nagawa mo; hindi kinakailangan ang gayong walang kabuluhang gawain. Kapag ginawa mo ito, mabubuhay kang walang hirap at walang pagod, at ganap na nasa liwanag. Ang gayong mga tao lamang ang maaaring makatamo ng papuri ng Diyos(“Yaon Lamang mga Nagsasagawa ng Katotohanan ang May Takot sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Nakita ko kung paanong inaasahan ng Diyos na lahat tayo ay maaaring magsagawa ng katotohanan at maging matatapat na tao. Alinman sa ating mga pagkukulang, kakulangan o pagpapahayag ng katiwalian, dapat maging bukas tayo tungkol sa lahat ng ito. Hindi natin dapat kimkimin sa loob natin ang mga bagay o magbalatkayo para sa iba o para sa Diyos. Dapat ay handa tayong ipasakop ang lahat ng ating salita at kilos sa pagsusuri ng Diyos. Sa gayon lang natin maaaring makuha ang papuri ng Diyos. Sa totoo lang, paano man ako magbalatkayo, hindi ko kayang baguhin ang aking tayog. Kahit na maloko ko ang aking mga kapatid na mapataas ang tingin nila sa akin, hindi ko maloloko ang Diyos. Dapat kong lantaran at dalisay na ipasakop ang aking sarili sa pagsusuri ng Diyos, at maging isang matapat na tao.

Nang maglaon, nag-organisa kami ng maraming pagtitipon upang mag-aral kasama ang mga kapatid mula sa ilang iglesia. Nais ko na ang mga pagtitipong ito ay maging epektibo at maging tunay at praktikal na makatulong sa aking mga kapatid, kaya’t sa tuwing nagsisimula akong maghanda ng mga materyal sa pag-aaral, taimtim akong nananalangin sa Diyos at humihingi ng Kanyang patnubay. Binabanggit ko ang anumang katanungan na hindi ako sigurado para talakayin ng grupo nang magkakasama. Sa mga nakaraang pagtitipon, pinagod ko ang utak ko sa pag-iisip ng mga paraan upang matiyak na tataas ang tingin sa akin ng iba, na humantong lang sa pakiramdam ng matinding kaba at pagod. Ngayon, hindi na ako naghahangad ng katayuan o sinusubukang maiwasan ang kahihiyan, at higit na mas mahinahon at malaya na ako. Napagtanto ko rin na upang maging epektibo ang isang pagtitipon, kailangan natin ang pakikipagtulungan ng bawat isa, at na ang susi talaga ay ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Nang harapin ko ang bawat pagtitipon na may tamang saloobin, naramdaman ko ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos. Minsan kapag ang lahat ay nagdaragdag sa mga ideya ng bawat isa habang nagbabahagian, nararamdaman kong napakarami kong nakukuha sa pagtitipon. Sa pamamagitan ng karanasang ito, tunay kong naramdaman kung gaano kahangal ang paghahangad sa katayuan at dignidad. Pinahirapan ko lang ang aking sarili at, bukod doon, kinasuklaman ako ng Diyos sa hindi ko pagtupad sa aking mga tungkulin. Sa pamamagitan lang ng pagsasagawa ayon sa salita ng Diyos, paghahangad na maging isang nilikha ng Diyos, at matapat at taimtim na pagtupad sa aking tungkulin, ako maaaring mabuhay nang masaya at walang pag-aalala.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Katanyagan ay Isang Sumpa

Ni Xiaoen, Spain Noong nakaraan, isang superbisor na namamahala sa iglesia ay inilipat dahil sa pangangailangan sa gawain at kailangang...

Kung Bakit Napakayabang Ko Noon

Ni Joanne, Timog KoreaIsang araw, binanggit sa akin ng dalawang lider ng iglesia ang isang isyu. Sinabi nila na si Isabella, na siyang...

Leave a Reply