Pagtakas sa mga Usap-usapan

Nobyembre 9, 2020

Ni William, USA

Noong Oktubre ng 2016, dumating ako sa New York, at kalaunan ay bininyagan sa ngalan ng Panginoong Jesus sa isang simbahang Chinese, kaya naging Kristiyano ako. Pero pagkaraan ng mahigit isang taon sa iglesia, ang tanging natutuhan ko lang ay kung paano magdasal at kumanta ng mga himno, pero ang kaalaman ko tungkol sa Panginoon at ang pagkaunawa ko sa Bibliya ay mababaw, na ikinadismaya ko. Kaya, madalas akong naghahanap ng mga sermon sa YouTube nang mag-isa para maunawaan ko ang kalooban ng Panginoon.

Noong Marso ng 2018, may nakilala akong ilang kapatid sa New York at marami akong natutunang katotohanan at hiwaga na noon ko lang nalaman sa pamamagitan ng pakikipagtipon at pakikipagbahaginan sa kanila, tulad ng kuwento sa likod ng Bibliya, ano ang pagkakatawang-tao, ano ang kaligtasan, ang kaibhan sa pagitan ng tunay at mga huwad na Cristo, ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos at gawain ng tao, at iba pa. Nagbigay-liwanag iyon sa akin at marami akong natutuhan. Talagang nasiyahan ako sa mga pagtitipong iyon. Sa isang pagtitipon, maraming salitang binasa si Brother Bryce na wala sa Bibliya. Talagang nagulat ako roon at itinanong ko kung kaninong mga salita iyon. Sinabi niya na ang mga salitang iyon ay mga pahayag ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Nang marinig ko ang pangalang “Makapangyarihang Diyos,” nabigla ako. Paulit-ulit na kaming binalaan ng pastor at mga elder na huwag magkaroon ng anumang kontak sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sabi nila, sa isang tao sila naniwala, hindi kay Jesucristo. Naguluhan ako, at nagsimulang mabalisa nang husto kaya hindi ako napalagay sa upuan. Hindi ko inunawa ang mga bagay na sinabi ni Bryce pagkatapos niyon, at nagdahilan ako at umalis ng pagtitipon.

Pagkauwi ko, pabiling-biling ako sa kama, hindi ako nakatulog, dahil sumasagi sa isipan ko ang mga tagpo sa mga pakikipagtipon ko sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang pagbabahagi nila ay lubhang nagbibigay-liwanag at praktikal, at lubhang kapaki-pakinabang para sa akin. Pero umalingawngaw sa mga tainga ko ang sinabi ng pastor at mga elder tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Naguluhan ako, at hindi ko alam kung sino ang pakikinggan ko. Inilabas ko ang cellphone ko at pinuntahan ko ang website na lubos kong pinagkakatiwalaan, ang Wikipedia, para makita kung paano nito inilarawan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nang mabasa ko sa Wikipedia na ang Iglesia ay itinatag ng isang tao, na isa itong organisasyon ng tao sa halip na iglesia ng Diyos, pati na ang ilang nakababahalang negatibong ulat mula sa CCP, agad akong kinabahan at hindi na ako nangahas pang makinig sa kanilang pagbabahagi. Tatanggalin ko na sana ang lahat ng contact information nila, pero nang akmang buburahin ko na iyon, naalala ko kung paano nila ako pinakisamahan. Sila ay matuwid, mapagmahal, at mapagpasensya sa iba, at nagkaroon ako ng malaking paghanga sa ugali nila, sa isinabuhay nila, at sa paraan ng pagsasalita nila. Puro magagandang impresyon ang nakuha ko mula sa kanila. Hindi sila katulad ng nabasa ko online. Natigilan ako dahil dito. Pero malaki ang tiwala ko sa Wikipedia, kaya matapos ko itong pag-isipan, nagdesisyon pa rin akong burahin ang lahat ng kontak ko sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sinabi ko kay Brother Peter, na kasama kong nagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang natutuhan ko. Sinabi ni Peter na ang pagsalubong sa Panginoon ay isang mahalagang bagay na kailangan nating seryosohin, at hinikayat ako na huwag itong husgahan nang basta-basta, kundi magdasal pa at hangarin ang patnubay ng Panginoon. Naguluhan ako nang husto, iniisip ko na, “May katuturan ang sinasabi niya. Ang pagsalubong sa Panginoon ay isang mahalagang bagay na kailangan nating seryosohin. Kung ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at hindi ko siniyasat iyon, hindi ko ba mapapalagpas ang pagkakataong salubungin ang Panginoon?” Kaya nagdasal ako sa Panginoon, “Panginoon! Labis akong naguguluhan ngayon. Ang mga sermon ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay talagang nagpapalago at marami akong natutuhan. Pero sinasabi sa Wikipedia na isa itong organisasyon ng tao sa halip na iglesia ng Diyos. Panginoon! Wala akong pagkakilala. Natatakot ako na nalihis na ako, at hinihiling ko ang patnubay Mo.”

Isang araw, sa daan papuntang iglesia, may ikinuwento sa akin ang isang sister: “Isang mananampalataya sa Panginoon ang humiling sa Diyos na iligtas siya sa oras ng krisis, kaya nagsaayos ang Diyos ng tatlong pagkakataon para maligtas siya, pero pinalagpas niya lahat iyon. Sabi niya, ‘Hindi. Nagdasal na ako sa Panginoon. Darating ang Panginoon para iligtas ako.’ Pagkamatay niya, natanto niya na isinaayos na ng Diyos ang tatlong pagkakataong ito, at nawalan siya ng buhay dahil nabigo siyang sunggaban ang mga pagkakataong ito.” Sa iglesia, nagulat akong makita na iyon din ang ikinukuwento ng pastor ko. Nabigla ako, at naisip ko, “Hindi ito kapani-paniwala! Dalawang tao na ang nagsalaysay sa akin ng iisang kuwento sa loob ng isang araw, na ipinapaalala sa akin na sunggaban ang pagkakataon kong maligtas ng Diyos. Sinasabi ba sa akin ng Panginoon na patuloy kong siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos?” Kaya, nagpasya akong ituloy ang pagsisiyasat sa Kidlat ng Silanganan.

Kinausap ko si Bryce at ibinahagi ko sa kanya ang aking kalituhan. Sabi ko, “Alam kong may katotohanan sa iyong pagbabahagi at taglay nito ang gawain ng Banal na Espiritu. Talagang nakatulong iyon sa akin. Pero nakita ko sa Wikipedia na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang lalaking nagngangalang Zhao, na isa itong organisasyon ng tao sa halip na iglesia ng Diyos. Marami ring negatibong ulat mula sa pamahalaang CCP sa internet, kaya nagkaroon ako ng ilang pagdududa dahil doon at gusto kong pag-usapan natin ito.” Sumagot si Bryce, “Kapag nagsisiyasat ng tunay na daan, hindi tayo maaaring umasa sa mga website ng mga hindi nananalig, ilang grupo, mga partidong pulitikal, o sa maaaring sabihin ng mga tao. Kailangan nating tingnan kung ang daang ito ay naglalaman ng katotohanan, kung ito ba ay gawain ng Diyos. Ito ang pinakapundasyon, ang pinakamahalagang prinsipyo. Nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa, nag-imbento ng lahat ng uri ng tsismis ang mga Pariseo tungkol sa Kanya at nagsabi ng maraming lapastangang bagay, na sinasabi na hindi Siya ipinaglihi ng Banal na Espiritu, na kalapastanganan ang Kanyang mga salita, at na nagpalayas ng mga demonyo ang Panginoong Jesus sa paggamit sa hari ng mga diyablo. Sinabi pa nila na hindi pa Siya nabuhay na mag-uli, at iba pa. Maraming Hudyong nakinig sa mga punong saserdote, eskriba, at Pariseo at hindi nangahas na sundan ang Panginoon. Pero nakita nina Pedro, Juan, at ng iba pa na ang daan na ipinangaral Niya, ang Kanyang mga himala at Kanyang gawain ay nanggaling na lahat sa Diyos at may taglay na awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, kaya sinundan nila ang Panginoong Jesus at nakamit ang Kanyang pagliligtas. Ipinapakita ng lahat ng ito na ang mahalaga sa pagsisiyasat sa tunay na daan ay ang tingnan kung taglay ba nito ang katotohanan at ang gawain ng Banal na Espiritu. Iyon lang ang prinsipyo.” Pagkatapos ay binasa ni Bryce ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang pinakasaligang prinsipyo sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu sa daang ito, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag o hindi ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam ng pagkakaiba sa pagitan ng tunay na daan at huwad na daan ay nangangailangan ng ilang aspeto ng batayang kaalaman, na ang pinakasaligan dito ay ang pag-alam kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu. Sapagkat ang diwa ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala nila sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugang ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pagitan ng Espiritu at ng katawang-tao, ngunit dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at siyang Salita na naging tao, sa gayon ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na diwa pa rin ng Diyos. Kaya’t sa pagkilala kung ito ay ang tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon o wala ang gawain ng Banal na Espiritu, at pagkaraan ay dapat mong tingnan kung mayroon o walang katotohanan sa daang ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang mga Nakakikilala sa Diyos at Nakaaalam sa Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-lugod sa Diyos). Nagpatuloy si Bryce sa kanyang pagbabahagi, “Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos. Ipinapahayag Niya ang lahat ng katotohanan na naglilinis at nagliligtas sa sangkatauhan, tulad ng mga layon ng gawain ng pamamahala ng Diyos, mga kuwento sa likod ng gawain ng mga Kapanahunan ng Kautusan, Biyaya, at Kaharian at kung ano ang nakamit ng gawaing iyon, ang mga hiwaga ng pagkakatawang-tao at pangalan ng Diyos, at iba pa. Hinahatulan at inilalantad ng Makapangyarihang Diyos ang satanikong kalikasan ng mga tao at ang katotohanan ng kanilang katiwalian sa pagsuway sa Diyos, at ang ugat ng kasamaan at kadiliman sa mundo. Sinasabi Niya sa atin kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao at kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan. Binibigyan din Niya tayo ng daan upang maalis ang katiwalian at matamo ang pagliligtas ng Diyos at ibinubunyag ang mga kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Ang mga katotohanang ipinapahayag Niya at ang Kanyang gawain ng paghatol ay ganap na isinasakatuparan ang propesiya ng Panginoong Jesus: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Isinasakatuparan din nito ang propesiyang ito sa 1 Pedro: ‘Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). Nakita na ng maraming tunay na mananampalataya mula sa lahat ng denominasyon na umaasam sa pagpapakita at gawain ng Diyos na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at ang tinig ng Diyos. Natukoy na nila na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagbalik at naunang naparito bago ang Diyos. Lahat ng nagmumula sa Diyos ay lalago. Sa loob lang ng 20 taon, lumaganap na ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa buong Tsina at ngayon ay umaabot na sa buong mundo. Ito ang kakaibang kapangyarihan at awtoridad ng Diyos at ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu. Isa itong pagpapamalas ng karunungan at pagiging makapangyarihan sa lahat ng Diyos. Ang mga katunayang ito ay nagpapatunay na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, na ang Kanyang gawain ang tunay na daan at ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw.”

Nang marinig ko ang pagbabahagi ni Bryce, nadama ko na isang bagay lang na nagmumula sa Diyos ang lalago nang lalago. Katotohanan talaga ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at maraming hiwaga at katotohanan talaga ang ibinubunyag ng mga ito. Sino pa ba kundi ang Diyos ang maaaring magpahayag ng katotohanan? Kung hindi ko binasa ang mga katotohanan ng Makapangyarihang Diyos sa aking pagsasaliksik sa tunay na daan kundi pikit-mata kong pinaniwalaan ang mga kasinungalingang naka-post sa ilang website at ikinakalat ng CCP, malaking kahangalan sana iyon. Hiniling ni Bryce na panoorin ko ang pelikulang Red Re-Education sa Bahay. Ang ama ng bida ay namumuno sa isang United Front Work Department sa bayan at ang sinasabi niya ay katulad lang ng nakita ko sa Wikipedia. Sabi niya, ang Iglesia ay itinayo ng isang tao na may apelyidong Zhao, na ang tawag sa kanya ng lahat ng miyembro nito ay ang taong ginamit ng Banal na Espiritu, at palagi silang nakikinig sa kanyang mga sermon, kaya ibig sabihin niyan ay isa itong organisasyon ng tao, at hindi iglesia ng Diyos. Ito ang sinabi ng bida bilang tugon: “Sino ang nagtatag ng Kristiyanismo? Sino ang nagtatag ng Katolisismo? Maaari kayang si Pablo o si Pedro ang nagtatag? Sino ang nagtatag ng Hudaismo? Si Moises kaya? Hindi ba kahangalan ang lahat ng ito? Hindi kinilala kailanman ng ateistang CCP na mayroong isang Diyos, lalo nang hindi nila kinilala na naging tao ang Diyos. Gaano man karaming katotohanan ang ipinapahayag ni Cristo na nagkatawang-tao, gaano man kadakila ang Kanyang gawain, o gaano man kahalaga ang Kanyang pagliligtas, gagawin nila ang lahat para itanggi, itago, at kondenahin ito. Iniisip nila na ang Kristiyanismo at ang Katolisismo ay itinatag din ng mga tao at ito ay ganap na walang katotohanan. Kung hindi dahil sa pagpapakita at gawain ng Panginoong Jesus, hindi magkakaroon ng sinumang mga mananampalataya at alagad ng Panginoon at walang paraan para umiral ang Kristiyanismo. Totoo iyan. Gaano man katalino ang mga apostol noon, paano sila nakapagtatag ng isang iglesia? Dahil lang sa tinanggap ng mga tao ang pamumuno at paggabay ng mga apostol, ibig bang sabihin niyon ay mga tao ang nagtatag ng Kristiyanismo? Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil lang sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos. Dahil nagpapahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan, at dahil alam ng mga tao na tinig ito ng Diyos at unang dumarating kaysa sa Diyos, nabuo ang Iglesia. Matapos simulan ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain, nagpatotoo Siya sa taong ginamit ng Banal na Espiritu bilang pinuno ng Iglesia. Para siyang si Moises sa Kapanahunan ng Kautusan, o ang mga apostol sa Kapanahunan ng Biyaya. Ginamit siya ng Diyos para diligan, gabayan, at pamunuan ang mga taong hinirang ng Diyos. Ginagawa niya ang tungkulin ng isang tao. Nagdarasal ang mga taong hinirang ng Diyos sa ngalan ng Makapangyarihang Diyos at binabasa at pinagbabahaginan nila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga pagtitipon. Tinatanggap ng mga taong hinirang ng Diyos ang pamumuno ng taong ito at nagpapasakop sila sa pamumuno nito alinsunod sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Lantaran ang sinasabing mga kasinungalingan ng CCP, na nagpapahayag na sumasampalataya kami sa taong ito. Itinatatwa nila ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, at ang mga katotohanang Kanyang ipinapahayag. Mayroon silang mga lihim na motibo. Kung hindi dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos hindi iiral ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Hindi maikakaila ang katotohanang iyan.” Pakiramdam ko tama ang sinabi ng bida. Nabuo ang Iglesia dahil sa pagpapakita at gawain ng Diyos, pero dahil lang sa gumagamit ang Diyos ng isang tao para pamunuan ang Iglesia, sinasabi ng CCP na ang Iglesia ay itinatag ng isang tao. Hindi ba kahangalan iyon? Alam ng CCP na naniniwala ang mga Kristiyano sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Makapangyarihang Diyos kaya bakit nila sasabihin na isang organisasyon ito ng tao, na itinatag ng isang tao? Habang pinagtatakhan ko ito, nagpatuloy ang bida, “Kaya bakit sinasabi ng pamahalaang CCP na ang Iglesia ay isang organisasyon ng tao? Bakit hindi nila binabanggit ang Diyos na nasa katawang-tao? Bakit ayaw nilang banggitin kailanman ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang higit na kinatatakutan ng CCP, dahil alam nila na lahat ng nananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay tinanggap Siya dahil binasa nila ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Kaya sinusubukan nilang gambalain ang mga tao sa pagsasabi na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng isang tao para pagtakpan ang katotohanan na ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ay nagpakita na at gumagawa. Ang tunay nilang layon sa paggawa nito ay para patigilin ang mga tao sa pagsunod sa Diyos. Binabaluktot nila ang katotohanan, na iginigiit na ang iglesia ng pagpapakita at gawain ng Diyos ay isang organisasyon ng tao. Ito ang dahilan na natuklasan nila upang apihin ang iglesia ng Diyos.” Noon ko lang natanto na ang sinasabi ng CCP na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang organisasyon ng tao ay isang sadyang pagbabaluktot ng mga katotohanan at isang dahilan para sugpuin at pahirapan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Higit pa rito, sinasabi nila ito para iligaw ang mga tao, para pigilan ang mga tao na magkaroon ng pananampalataya at sumunod sa Diyos. Iyan ang masamang motibo ng CCP!

Matapos kong panoorin ang clip na iyon, ibinahagi ni Bryce, “Ang gawa-gawang mga tsismis at pagkondena ng CCP sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi maihihiwalay sa likas na kademonyohang kamuhian ang katotohanan at labanan ang Diyos. Alam nating lahat na ang CCP ay ateista at naniniwala ito sa Marxism-Leninism. Kinamumuhian nito ang katotohanan at ang pagpapakita at gawain ng Diyos higit sa anupaman, at mula nang buuin ang bansa noong 1949, matindi na nitong pinagmalupitan at pinahirapan ang mga paniniwala sa relihiyon. Kinondena na nito ang mga bahay-iglesia bilang masasamang kulto, at sinunog at sinira na ang napakaraming kopya ng Bibliya. Inaresto, pinahirapan, at ikinulong na nito ang napakaraming Kristiyano at Katoliko. Ang pag-uusig sa relihiyon ay naging mas malupit pa simula nang mamuno si Xi Jinping. Isinara at giniba na ang The Three-Self Church, at napakaraming krus na ang sinira. Plano pa ng CCP na muling isulat ang Bibliya at ang Koran para lubusang sugpuin ang mga paniniwala sa relihiyon. Mula nang magpakita ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, sa Tsina, tinutugis na Siya ng CCP, nililibot ang lahat ng lugar, baliw na inaaresto at pinahihirapan ang mga Kristiyano. Marami nang nakulong at malupit na pinahirapan hanggang sa mabaldado o mamatay sila, at mahigit isang milyong katao na ang napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan. Ginagamit ng CCP ang media para ipakalat ang mga tsismis at magpasimula ng gulo para akusahan at dungisan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ito’y para udyukan at iligaw ang mga tao ng Tsina at ang mundo para kalabanin at kondenahin din nila ang Iglesia. Sinusubukan nitong puksain ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Makikita natin mula sa mga katunayang ito na ang CCP ay isang masamang demonyo na kumakalaban sa Diyos, at inililigaw at ipinapahamak ang mga tao. Ito ang halimaw, ang malaking dragon mula sa Pahayag! Lubusang isinasakatuparan nito ang mga propesiyang ito sa Bibliya: ‘At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diyablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanlibutan(Pahayag 12:9). ‘At binuka ng hayop ang kanyang bibig sa mga paglapastangan laban sa Diyos, upang lapastanganin ang Kanyang pangalan, at ang Kanyang tabernakulo, gayon din naman silang mga nananahan sa langit(Pahayag 13:6). Ang pakikinig sa mga kasinungalingan ng CCP kapag sinisiyasat ang tunay na daan at hinahangad ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay katawa-tawa! At binabasa ng ilang tao ang nasa Wikipedia habang sinisiyasat ang tunay na daan, na sinasabi na nagtitiwala sila sa site na iyon at maniniwala lang sila roon kung sinasabi sa Wikipedia na iyon ang tunay na daan. Ginagamit nila ang Wikipedia para matukoy kung ito ba ang tunay na daan. Naaayon ba iyan sa katotohanan? Naglalaman ba ng katotohanan ang Wikipedia? Website ito ng mga hindi nananalig. Nagtitipon sila ng mga materyal at isinusulat nila ang lahat mula sa pananaw ng mga hindi nananalig. Lahat ng hindi nananalig ay labis nang nagawang tiwali ni Satanas at nagtaksil na sa Diyos. Sila ay mga taong walang pananampalataya. Sumusunod lang sila sa maraming tao at palaging nagsisinungaling. Inuulit lang nila ang anumang sabihin ng CCP. Bakit hindi nila kapanayamin ang Iglesia mismo? Bakit hindi sila mag-ulat tungkol doon nang patas at walang personal na opinyon? Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng napakaraming katotohanan at nayanig nila ang buong mundo ng mga relihiyon, pati na ang mundo mismo. Bakit hindi sila mag-ulat tungkol sa katunayng ito? Lahat ng uri ng patotoo mula sa mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos tungkol sa kanilang mga karanasan sa gawain ng Diyos ay matagal-tagal na ring nasa online. Bakit hindi man lang nababanggit ang mga iyon? Ang pamahalaang CCP ay malupit na inuusig ang Iglesia at nailathala iyon sa mga website ng mga internasyonal na organisasyon sa mga karapatang pantao. Bakit hindi sila tumutukoy roon? Bakit mga kasinungalingan lang ng mga tsismis at paninira sa Iglesia ng pamahalaang CCP at ng mundo ng mga relihiyon ang inilalathala nila? Hindi ba nila sadyang itinatago ang katotohanan at ikinakalat ang mga kasinungalingan ng satanikong pamahalaan? Anong isyu ang binibigyang-diin nito? Na ang mga ito ay mga propagandang ginagamit ni Satanas para iligaw ang mga tao. Kung maniniwala tayo sa Wikipedia habang sinisiyasat natin ang tunay na daan, kung maniniwala tayo sa mga kasinungalingan nito, hindi ba kahangalan iyon? Maraming taong nakagawa ng pagkakamaling ito sa pagsisiyasat nila sa tunay na daan. Kung makita nila na kinokondena ng mga pamahalaan at ng mundo ng mga relihiyon na ang isang bagay ay hindi ang tunay na daan, hindi nila paniniwalaan iyon. Mga tunay na mananampalataya nga ba sila? Ang ibig sabihin ng hindi paghahanap sa mga salita ng Diyos o pakikinig sa tinig ng Diyos sa kanilang paghahanap, pero naniniwala sa mga salita ni Satanas, at naniniwala sa CCP at sa mga pari ng relihiyon ay naniniwala at sumusunod sila kay Satanas, na nailigaw at nakuha na sila ng halimaw, na may tatak sila ng halimaw.”

Lubos akong nakumbinsi sa ibinahagi ni Bryce. Noon ko pa iniisip na ang Wikipedia ang pinakamalaking online encyclopedia na sumasaklaw sa lahat. Nagtiwala talaga ako roon, pero natanto ko noon na website iyon ng mga hindi nananalig. Hindi iyon naglalaman ng katotohanan, ni hindi iyon pinatotohanan ng Diyos. Isang kasangkapan iyon na nagsisilbi kay Satanas. Anumang baluktot na mga maling paniniwalang maaaring ilabas ng pamahalaang CCP, inuulit ng Wikipedia ang mga kamaliang ito. Paanong mapagkakatiwalaan ang sinasabi roon? Ang pagsisiyasat ko sa tunay na daan ay dapat na nakabatay sa mga salita ng Diyos. Dapat ay natingnan ko kung nasa daang ito ba ang katotohanan, kung ipinahayag ba ito ng Diyos, at kung taglay ba nito ang gawain ng Banal na Espiritu, dahil Diyos lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at Diyos lang ang maaaring magpahayag ng katotohanan at magpakita sa atin ng landas para maitakwil ang kasalanan at lubos na maligtas. Pero kahit nakita ko na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at na nagmumula iyon sa Diyos, kinokontrol pa rin ako ng mga tsismis ng CCP at ng mga salitang nasa isang website na dapat ay kapani-paniwala, at hindi ako nangahas na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Talagang nalito ako! Pero dahil sa mga kapatid na patuloy na tumutulong sa akin at nagbabahagi sa akin ng katotohanan, hindi ako nalinlang. Kung hindi, napalagpas ko sana ang pagkakataon kong sumalubong sa pagbabalik ng Panginoon.

Pagkatapos ay ipinagpatuloy ni Bryce ang kanyang pagbabahagi: “Yamang lahat ng ito ay mga kasinungalingang ginagamit ng CCP para iligaw ang mga tao at pigilan silang siyasatin ang tunay na daan, bakit pinapayagan ng Diyos na umiral ang mga gawa-gawang ito? Ang magagandang layunin at karunungan ng Diyos ang nasa likod nito. Mauunawaan natin ito kapag tiningnan natin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Sa Aking plano, palagiang nakasunod si Satanas sa bawat hakbang at, bilang mapaghahambingan ng Aking karunungan, ay laging sinusubukang makahanap ng mga paraan upang gambalain ang Aking orihinal na plano. Subalit maaari ba Akong sumuko sa mapanlinlang na mga pakana nito? Lahat ng nasa langit at nasa lupa ay naglilingkod sa Akin; maaari pa bang maiba ang mapanlinlang na mga pakana ni Satanas? Dito mismo nagsasalikop ang Aking karunungan; ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang prinsipyo ng pagpapatakbo para sa Aking buong plano ng pamamahala. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mapanlinlang na mga pakana ni Satanas, kundi patuloy Kong ginagawa ang gawaing kailangan Kong gawin. Sa sansinukob at sa lahat ng bagay, napili Ko na ang mga gawa ni Satanas bilang Aking paghahambingan. Hindi ba ito pagpapakita ng Aking karunungan? Hindi ba ito mismo ang kamangha-mangha tungkol sa Aking gawain?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 8). Ipinapakita sa atin ng mga salita ng Diyos na sa Kanyang gawain, hindi Niya iniiwasan ang mga pakana ni Satanas kundi ginagamit Niya ang mga iyon para gumawa ng serbisyo upang matukoy ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ang huling yugto ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan. Ipinapahayag Niya ang katotohanan para hatulan at linisin ang mga tao, habang pinagbubukud-bukod ang mga tao ayon sa kanilang uri, at sa huli ay ginagantimpalaan ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama, at tinatapos ang gawain ng buong kapanahunan. Gagawin ng Diyos na mga mananagumpay ang lahat ng taos-pusong naniniwala sa Kanya at nagmamahal sa katotohanan at dadalhin sila sa Kanyang kaharian. Ilalantad Niya at aalisin ang mga walang pananampalataya na naghahangad lang na kainin ang kanilang tinapay hanggang sa mabusog gayundin ang lahat ng masasamang tao at ang mga anticristong lumalaban sa Diyos. Ang mga kasinungalingang ito na ikinakalat ng CCP ay mga kasangkapang ginagamit ng Diyos para isakatuparan ang Kanyang gawain. Ang tunay at huwad na mga mananampalataya, ang trigo at mga panirang damo, ang mga tupa at kambing ay mabubunyag na lahat sa pagdagsang ito ng mga kasinungalingan. Ito ay isang pagsubok na kailangang pagdaanan ng lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin … at hindi sila aagawin ng sinoman sa Aking kamay(Juan 10:27–28). Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, at walang pakialam ang lahat ng tunay na mananampalataya na nagmamahal sa katotohanan sa sinasabi ng CCP o ng mundo ng mga relihiyon, o ang isinulat ng media o ang nasa mga website. Tinitingnan lang nila kung iyon ba ang katotohanan, kung iyon ba ang tinig ng Diyos. Kapag nakumpirma nila na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, sumusunod sila sa Kanya, nang walang nakakahadlang na tao, bagay, o kaganapan. Desidido silang sumunod sa Diyos. Sila ang matatalinong dalaga. Ang mga walang pananampalataya, ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan at hangad lang na kainin ang kanilang tinapay hanggang sa mabusog ay hindi naghahanap ng katotohanan, kundi pikit-matang tinatanggap ang mga kasinungalingan ni Satanas at sumasama pa sa CCP at sa mga pari ng mundo ng mga relihiyon sa pagkakalat ng mga kasinungalingan, na baliw na hinuhusgahan at kinokondena ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Lahat sila’y nalantad bilang mga panirang damo, bilang masasamang lingkod at mga anticristo. Sila ay aalisin at tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa mga kalamidad. Ang mga kasinungalingan ng CCP at ng mundo ng mga relihiyon ay ibinubunyag ang trigo at mga panirang damo, ang mga tupa at kambing, ang mabubuti at masasamang lingkod. Sa huli, tutukuyin ng Diyos ang mga kahihinatnan ng mga tao ayon sa pag-unawa nila sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ayon sa kanilang nagawa. Ang mga kasinungalingan at pakana ni Satanas ay malinaw na nagsisilbi sa gawain ng Diyos.”

Lubhang mapanganib iyan! Muntik na akong makandaduhan sa labas ng pintuan ng kaharian dahil sa mga tsismis at kasinungalingang ito. Natakot ako sa ideyang ito. Totoong mapanganib ang manampalataya pero walang pagkakilala, at hindi naghahanap sa katotohanan. Ngayon ay alam ko nang ang susi sa pagsisiyasat sa tunay na daan ay ang pakinggan ang tinig ng Diyos at tingnan kung iyon ang katotohanan, kung iyon ang gawain ng Diyos. Talagang hindi tayo maaaring maniwala sa mga kasinungalingan ng mga demonyo ng CCP at kailangang magkaroon din tayo ng pagkakilala sa sinasabi ng mga pastor, elder, at website. Hindi tayo maaaring pikit-matang maniwala sa sinasabi nila, o maaari tayong mahuli sa bitag ni Satanas anumang sandali at makalagpas ang pagkakataon nating salubungin ang Panginoon at maiakyat sa kaharian ng langit. Ang pagtakas sa kumakalat na mga tsismis at pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon ay awa at pagliligtas sa akin ng Diyos! Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman