Ang Ipalaganap ang Ebanghelyo ang Aking Hindi Matitinag na Tungkulin
Lumaki ako at ang aking walong kapatid sa probinsya. Mahina ang katawan ng nanay ko at hindi siya makapagtrabaho, habang hindi nag-aasikaso sa bahay ang tatay ko at wala siyang pinagkakakitaan. Pagsasaka lang ang ikinabubuhay namin. Pinagtatawanan ng lahat ng tao sa paligid namin ang nanay at tatay ko dahil wala silang mga kasanayan, at hinahamak kami maging ng mga kamag-anak namin at ayaw nilang maiugnay sa amin. Habang lumilipas ang panahon, nadama kong dahil kasama ako sa pamilyang ito, mababa ang katayuan ko sa lipunan at mababang uri ako ng tao. Hindi ako nangangahas na makipag-usap sa ibang tao kahit kapag lumalabas ako. Nang magpakasal ako, isang ordinaryong trabahador ang napangasawa ko—mas may potensyal ang lahat ng kasamahan niya kaysa sa kanya, at tuwing nakikita nila kami nagyayabang sila; minsan ay kinukutya o pinagsasabihan pa nila kami. Napakabigat niyon sa akin, at ang liit ng tingin ko sa sarili ko. Pero nang simula akong manalig sa Diyos at magbasa ng mga salita Niya—nabatid ko ang mga maling pananaw ko at gumaan na ang puso ko.
Noong 2021, sinimulan kong ipalaganap ang ebanghelyo. Kalaunan, nakakilala ako ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na mga boss o politiko: Lahat sila ay may katayuan at posisyon. Nakaramdam ako ng pagpipigil, naisip ko na mahirap ang pamilya ko, na wala akong kaalaman o katayuan, at na hindi ako bagay na makitungo sa mga taong ito na may mataas na katayuan at posisyon. Subalit napagtanto kong tungkulin ko ito, na hindi ko ito pwedeng ipagpaliban, kaya nagdasal ako sa Diyos at sinabi kong handa akong gawin ito.
Isang beses, naghahanda ako para ipalaganap ang ebanghelyo sa isang babaeng boss. Nang malaman niyang trabahador ako, tumanggi siya, sinabi niyang, “Huwag mo na siyang papuntahin dito—nakikipagkita lang ako sa mga taong may katayuan at marangal.” Nang marinig ko ang mga salitang ito, sobra ko itong dinamdam, inisip ko, “Mababa ang katayuan at posisyon ko; ni hindi ako nararapat na kitain ang isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Paano ko maipalalaganap ang ebanghelyo? Kung may katayuan at posisyon ako, at kung mas maayos lang nang kaunti ang pamilyang pinanggalingan ko, siguro ay hindi ako hahamakin ng ibang tao nang ganito.” Nang maisip ko ito, hindi ko na masyadong gustong ipalaganap ang ebanghelyo sa kanya. Gusto ko nang bumalik kung saan ako nakatira dati. Maraming tao roon ay mga kontraktuwal na trabahador, at halos kapareho ko lang sila ng katayuan at posisyon—hindi nila ako hahamakin. Sinabi ko sa lider na mahirap ipalaganap ang ebanghelyo rito, na mapera at maimpluwensiya ang mga tao rito, pero kontraktuwal na trabahador lang ako, kaya mahirap para sa aking makipag-ugnayan sa kanila, dagdag pa, malubha ang pandemya at walang paraan na makatulong ako. Sumang-ayon ang lider. Pagkabalik ko, hindi ako nagnilay-nilay sa sarili, kaya hindi pa naayos ang usapin.
Noong tag-init ng 2022, may isang pinaalis na nagbigay sa akin ng isang potensyal na tatanggap ng ebangheyo mula sa isang denominasyon ng relihiyon. Nang nakipagkita ako sa taong pinaalis, inisip niyang hindi ako pino kung kumilos at simple ang pananamit ko, kaya tinanong niya ako, “Kaya mo bang ipalaganap ang ebanghelyo? Nauunawaan mo ba ang Bibliya?” Hindi ko pa nababatid noon ang kahulugan ng sinabi niya, kaya tapat kong sinabi sa kanya, “Nagpalaganap na ako ng ebanghelyo sa mga relihiyosong tao, at nauunawaan ko nang kaunti ang Bibliya.” Nagpatuloy siya, “Hindi naman sa hinahamak kita; ang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ang gagawa niyon—may-kaya ang pamilya niya at mataas ang katayuan at posisyon niya!” Sobra kong dinamdam iyon noon, iniisip ko, “Angkop at maayos ang suot ko; hindi nga lang ako nakasuot ng marangyang damit, kaya niya ako hinahamak. Kung ganito ang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, tiyak na hahamakin niya ako. Walang binatbat ang katayuan at posisyon ko, at magiging mahirap ipalaganap ang ebanghelyo!” Inisip ko na kung maganda lang sana ang pinanggalingan ko, kung mas mataas lang sana nang kaunti ang katayuan at posisyon ko, at kung mapera at maimpluwensiya lang sana ako, hindi magiging ganito kahirap ipalaganap ang ebanghelyo. Talagang nalungkot ako, kaya nagdasal at naghanap ako sa Diyos, hiniling ko sa Kanya na gabayan ako para may matutunan akong aral. Habang naghahanap ako, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Habang ipinalalaganap ang ebanghelyo, madalas na kahaharapin ng isang tao ang gayong mga pangungutya, panlilibak, panunuya, at paninirang-puri, o nalalagay pa nga siya sa mga mapanganib na sitwasyon. Ang ilang kapatid, halimbawa, ay tinutuligsa o dinudukot ng masasamang tao, at ang iba ay isinusumbong sa mga pulis, na siya namang ipinapasa sa pamahalaan. Ang ilan ay maaaring arestuhin at ikulong, samantalang ang iba naman ay maaari pa ngang bugbugin hanggang sa mamatay. Nangyayari ang lahat ng bagay na ito. Ngunit ngayong alam na natin ang mga bagay na ito, dapat ba nating baguhin ang ating saloobin tungkol sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo? (Hindi.) Ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay tungkulin at obligasyon ng lahat. Anumang oras, anuman ang ating marinig, o makita, o anumang klase ang pagtrato sa atin, kailangang palagi nating panindigan ang responsabilidad na ito ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Anuman ang sitwasyon, hindi natin dapat isuko ang tungkuling ito dahil sa pagiging negatibo o sa kahinaan. Ang tungkuling ipalaganap ang ebanghelyo ay hindi mapayapang paglalayag, kundi puno ng panganib. Kapag nagpalaganap ka ng ebanghelyo, hindi ka haharap sa mga anghel, o mga taga-ibang planeta, o mga robot. Haharap ka lamang sa masama at tiwaling sangkatauhan, sa buhay na mga demonyo, sa mga halimaw—lahat sila ay mga taong nabubuhay sa masamang lugar na ito, sa masamang mundong ito, sila ay lubhang nagawang tiwali ni Satanas, at lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, sa proseso ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, tiyak na naroon ang lahat ng uri ng panganib, maliban pa sa walang-katuturang paninirang-puri, panunuya, at mga di-pagkakaunawaan, na madalas nang mangyari. Kung talagang itinuturing mo ang pagpapalaganap ng ebanghelyo na isang responsabilidad, isang obligasyon, at bilang tungkulin mo, magagawa mong ituring nang tama ang mga bagay na ito at mapamahalaan pa nang tama ang mga ito. Hindi mo susukuan ang iyong responsabilidad at ang iyong obligasyon, ni hindi ka lilihis mula sa iyong orihinal na layunin na ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos dahil sa mga bagay na ito, at hinding-hindi mo isasantabi ang responsabilidad na ito, sapagkat ito ang tungkulin mo. Paano dapat unawain ang tungkuling ito? Ito ang halaga at pangunahing obligasyon ng buhay ng tao. Ang pagpapalaganap ng mabuting balita ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang ebanghelyo ng gawain ng Diyos ay ang halaga ng buhay ng tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ay Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, normal na makaranas ng pangungutya, panunuya, panghahamak, at pamamahiya, dahil lahat ng mga nakakaharap natin habang nagpapalaganap ng ebanghelyo ay mga taong ginawang tiwali ni Satanas. Subalit kahit ano pang sitwasyon o paghihirap ang harapin natin, kailangan nating itaguyod ang responsabilidad na ipalaganap ang ebanghelyo. Noon, nang malaman kong ayaw akong makita ng potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, pakiramdam ko na dahil walang binatbat sa kanya ang katayuan at posisyon ko, at hahamakin at ipapahiya niya ako, mas mabuti pang huwag ko nang ipalaganap ang ebanghelyo sa kanya, para maiwasan kong mapahiya. Pareho rin sa nangyari ngayong araw. Ordinaryo ang pananamit ko, at wala akong katayuan o posisyon; hinahamak ako ng ibang tao, at pakiramdam ko, kung ipapalaganap ko ang ebanghelyo sa potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, hahamakin at ipapahiya niya ako. Kaya umatras na ako, dahil sa takot na maapektuhan ang dangal at pagpapahalaga ko sa sarili—sinisi ko ito sa mahirap kong pinagmulan. Hindi ko napagtanto na labis na pagpapahalaga ito sa sarili, na ang dahilan ng problema ay ang pagnanais ko sa reputasyon at katayuan. Naisip ko ang mga kapatid na inaresto at pinahirapan ng satanikong rehimen dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Marami silang tiniis na paghihirap, at halos mamatay na ang ilan, subalit nagtitiwala sila sa Diyos at nakapaninindigan sa kanilang patotoo. Nang pinalaya sila sa bilangguan, ipinalaganap pa rin nila ang ebanghelyo at nagpatotoo sa Diyos. Kumpara sa kanila, walang sinabi itong mga pagdurusa ko. Nawalan na ako ng ganang ipalaganap ang ebanghelyo dahil lang sa kaunting pagkapahiya. Napagtanto kong hindi ko tapat na ginagawa ang tungkulin ko—wala talaga akong patotoo. Milyung-milyong salita na ang ipinahayag ng Diyos sa Kanyang gawain sa mga huling araw para iligtas ang mga nananalig nang tapat sa Kanya at naghahanap sa Kanyang pagpapakita. Bilang isang nilikha, dapat magmalasakit ako sa kalooban ng Diyos, ipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, hinahayaan ang mga taong marinig ang tinig ng Diyos at makita ang pagpapakita Niya. Ito ang pinakamakatarungang bagay, at ito ang misyon at responsabilidad ko. Bagama’t maaaring magdusa tayo ng kaunting paghihirap at mapahiya sa panahong ito, mahalaga at makabuluhan ang lahat ng ito. Ngayong nauunawaan ko na ang kalooban ng Diyos, ayaw ko nang tumakas o umatras. Paano man ako hamakin o ipahiya ng potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, dapat kong bitiwan ang dangal ko at tuparin ang tungkulin ko. Kasabay nito, napagtanto ko rin na pagkatapos gawing tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, tinitingnan lamang nila ang panlabas na anyo ng tao, kung may katayuan at posisyon ba ito: Kung may katayuan at posisyon ito, titingalain at irerespeto ito ng mga tao, pero kung wala itong katayuan at posisyon, pera at impluwensiya, hahamakin ang taong ito. Lahat ng ito ay dahil ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Hinamak ako ng taong pinaalis at ng potensyal na tatanggap ng ebanghelyo dahil sa katayuan at posisyon ko—normal ito. Nang mapagtanto ko ito, nagbago na ang aking kalagayan. At kalaunan, nakausap kong muli ang taong pinaalis at handa na siyang makipagtulungan. Nakausap ko siya at natuklasan kong may mga kakatwa siyang pagkaunawa at pinanghahawakan niya ang mga kuru-kuro at imahinasyon niya. Kinailangan naming tumigil. Pero nakilala ko ang sarili ko dahil sa mga sitwasyong ito–pagmamahal ito ng Diyos.
Pagkatapos nito, binasa ko ang ilang sipi sa mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng ilang kaalaman tungkol sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anuman ang iyong pagkakakilanlan o katayuan, lahat ito ay pauna nang itinakda ng Diyos. Anuman ang uri ng pamilya o pinagmulan na pamilya ang pauna nang itinakda ng Diyos para sa iyo, ang pagkakakilanlang namamana mo mula rito ay hindi nakakahiya at hindi rin marangal. Ang prinsipyo ng kung paano mo itinuturing ang iyong pagkakakilanlan ay hindi dapat nakabatay sa prinsipyo ng karangalan at kahihiyan. Sa anumang uri ng pamilya ka inilalagay ng Diyos, sa anumang uri ng pamilya ka Niya tinutulutan na manggagaling, isa lamang ang pagkakakilanlan mo sa harap ng Diyos, at iyon ay ang pagkakakilanlan ng isang nilikha. Sa harap ng Diyos, isa kang nilikha, kaya sa mga mata ng Diyos, kapantay ka ng sinuman sa lipunan na may naiibang pagkakakilanlan at katayuan sa lipunan. Lahat kayo ay miyembro ng tiwaling sangkatauhan, at lahat kayo ay mga taong nais na iligtas ng Diyos. At siyempre, sa harap ng Diyos, lahat kayo ay may parehong pagkakataon na gampanan ang inyong mga tungkulin bilang mga nilikha, at lahat kayo ay may parehong pagkakataon na mahangad ang katotohanan at makamit ang kaligtasan. Sa antas na ito, batay sa pagkakakilanlan ng isang nilikha na ibinigay sa iyo ng Diyos, hindi mo dapat pahalagahan ang sarili mong pagkakakilanlan, at hindi mo rin ito dapat maliitin. Sa halip, dapat mong ituring nang tama ang iyong pagkakakilanlan bilang isang nilikha ng Diyos, at magawang makisama nang maayos at patas sa sinumang tao, at ayon sa mga prinsipyong itinuturo at ipinapayo ng Diyos sa mga tao. Anuman ang katayuan o pagkakakilanlan ng ibang tao sa lipunan, at anuman ang iyong sariling katayuan o pagkakakilanlan sa lipunan, ang sinumang pumapasok sa sambahayan ng Diyos at humaharap sa Diyos ay may iisang pagkakakilanlan lamang—ang pagiging isang nilikha. Samakatuwid, iyong mga may mababang katayuan at pagkakakilanlan sa lipunan ay hindi dapat makaramdam ng pagiging mas mababa. Mayroon ka mang talento o wala, gaano man kahusay ang iyong kakayahan, at mayroon ka mang abilidad o wala, dapat mong bitiwan ang iyong katayuan sa lipunan. Dapat mo ring bitiwan ang mga ideya o pananaw tungkol sa pagraranggo at pagmamarka ng mga tao o pag-uuri sa kanila bilang respetado o mababa batay sa kanilang pinagmulang pamilya at kasaysayan ng pamilya. Hindi ka dapat makaramdam ng pagiging mas mababa dahil sa mababa mong pagkakakilanlan at katayuan sa lipunan. Dapat kang matuwa na bagamat hindi gaanong makapangyarihan at kamangha-mangha ang pinagmulan ng iyong pamilya, at mababa ang katayuan na minana mo, hindi ka tinalikdan ng Diyos. Mula sa dumi at alikabok ay itinataas ng Diyos ang mga taong may mababang-loob, at binibigyan ka Niya ng parehong pagkakakilanlan—ang pagkakakilanlan ng isang nilikha, katulad ng sa ibang tao. Sa sambahayan ng Diyos at sa harap ng Diyos, ang iyong pagkakakilanlan at katayuan ay kapantay ng sa lahat ng ibang taong hinirang ng Diyos. Sa sandaling mapagtanto mo ito, dapat mong bitiwan ang pakiramdam ng pagiging mas mababa at itigil na ang pagkapit dito” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 13). Pagkatapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, talagang naantig ako. Dati, inakala ko na marangal ang mga taong may mataas na katayuan sa lipunan at may-kaya ang pamilya, na nabibilang sila sa mga taong matataas ang uri, at na ang mga walang katayuan at posisyon ay mga mababang-uri at hamak. Hindi naaayon sa katotohanan ang pananaw na ito. Mula pagkabata ko, mahirap na ang pamilya ko. Hindi ako nakapag-aral sa magagandang paaralan at hindi ako natuto ng mga kasanayan, at hinahamak ako ng ibang tao mula pagkabata hanggang pagtanda ko. Nang magpakasal ako, mahirap din ang napangasawa ko at walang katayuan sa lipunan, pakiramdam ko ay napakababa ng katayuan at posisyon ko, at pakiramdam ko ay sobrang hamak ako. At kinainggitan at iginalang ko ang mga may katayuan at posisyon. Pagkatapos kong manalig sa Diyos, dahil trabahador ako, ayaw ng potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na ipalaganap ko sa kanya ang ebanghelyo, kaya mas lalo akong napigilan. Naniwala akong dukha ang pinagmulan ko, mababa ang katayuan ko, at ipapahiya lang ako ng iba, at magiging mahirap na ipalaganap ang ebanghelyo, kaya ginusto kong tumakas at umatras. Sa katunayan, sa mga mata ng Diyos lahat ng tao ay nilikha, mayroon silang pare-parehong katayuan at posisyon, at walang itinuturing na matataas o mabababa. Inuuri ng mga tao ang sarili nila batay sa pinagmulang pamilya at katayuan sa lipunan, pero tinatrato ng Diyos nang pantay ang lahat ng tao. Kailangan lamang tanggapin ng mga tao ang katotohanan para iligtas sila ng Diyos. Isa akong nilikha, kaya dapat kong tuparin ang tungkulin ko, huwag magpapigil sa katayuan at posisyon.
Pagkatapos, ipinakita sa akin ng isang brother ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, at naantig ako nito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Isipin kung paano ninyo dapat tingnan ang halaga ng isang tao sa lipunan, ang kanyang katayuan sa lipunan, o pinagmulang pamilya. Ano ang pinakaangkop na saloobing dapat taglayin? Sa simula, dapat umasa ang mga tao sa mga salita ng Diyos upang makita kung ano ang tingin Niya sa kanila. Sa ganitong paraan lamang magkakaroon ang isang tao ng pagkaunawa sa katotohanan, at saka lamang maiiwasan ng isang tao na gumawa ng mga bagay na salungat sa katotohanan. Kung gayon, paano tinitingnan ng Diyos ang pinagmulan ng pamilya, katayuan sa lipunan, at taas ng pinag-aralan o kayamanan na nakakamit ng isang tao sa lipunan? Kung hindi mo ginagamit ang mga salita ng Diyos bilang batayan para sa lahat ng bagay, at hindi ka makakatayo sa Kanyang panig upang tumanggap ng anumang bagay mula sa Kanya, tiyak na magkakaroon ng agwat sa pagitan ng iyong mga pananaw sa mga bagay-bagay at sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi malaki ang agwat at maliit lang ang lihis, hindi ito magiging problema, ngunit kung lubos na salungat ang mga ito sa mga layunin ng Diyos, hindi nakaayon ang mga ito sa katotohanan. Mula sa pananaw ng Diyos, sa Kanya ang huling salita kung gaano karami ang ibinibigay Niya sa isang tao, at Siya ang nagpapasiya sa iyong lugar sa lipunan, hindi ang mga tao. Kung ginawa Niyang maralita ang isang tao, nangangahulugan ba iyon na ang taong iyon ay walang pag-asang maligtas? Kung mababa ang halaga o katayuan nila sa lipunan, hindi ba sila ililigtas ng Diyos? Kung mababa ang katayuan nila sa lipunan, mababa ba ang pagtingin sa kanila ng Diyos? Hindi naman ganoon. Kung gayon ay ano talaga ang mahalaga? Ang mahalaga ay ang landas na sinusundan ng taong iyon, ang kanilang mga hangarin, at ang kanilang saloobin sa katotohanan at sa Diyos. Kung napakababa ng katayuan ng isang tao sa lipunan at siya ay maralita at kulang sa pinag-aralan, ngunit napakatino at napakapraktikal sa kanyang pananampalataya sa Diyos, nagmamahal sa katotohanan, at mahilig sa positibong mga bagay, mababa ba o mataas ang halaga ng taong iyon sa Diyos? Sila ba ay marangal o aba? Sila ay mahalaga. Kung gayon, mula sa pananaw na ito, ano ang nagpapasiya sa halaga o karangalan ng isang tao? Depende iyon sa kung paano ka nakikita ng Diyos. Kung ang tingin Niya sa iyo ay karapat-dapat ka at mahalaga, magiging isa kang sisidlan na magagamit nang marangal, na gawa sa ginto o pilak. Gayunman, kung ang tingin sa iyo ng Diyos ay hindi ka karapat-dapat at aba, gaano man kataas ang iyong pinag-aralan, katayuan sa lipunan, o etnikong katayuan, hindi pa rin magiging mataas ang iyong katayuan. Kahit maraming taong sumusuporta, pumupuri, at humahanga sa iyo, magiging isa ka pa ring abang tao. Kung gayon, paano nangyari na ang isang taong ‘marangal’ na mataas ang katayuan sa lipunan—na pinupuri at tinitingala ng maraming tao, at nagtatamasa ng marangal na reputasyon—ay itinuturing ng Diyos na aba? Dahil ba sa kinokontra lamang ng Diyos ang sangkatauhan? Hinding-hindi. May sariling mga pamantayan ng pagsusuri ang Diyos, at ang Kanyang mga pamantayan ng pagsusuri ay ang katotohanan” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na ang mga lugar at pamilyang kinagisnan ng isang tao ay pawang inorden ng Diyos, hindi mapipili ng mga tao ang mga ito, kaya dapat magpasakop ang mga tao sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Hindi tinitingnan ng Diyos ang katayuan sa lipunan o ang pinag-aralan ng mga tao, kung mataas ba o mababa ang mga ito; tinitingnan Niya kung maisasagawa ba ng mga tao ang Kanyang mga salita at magagawa ang kanilang tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung may mataas na katayuan sa lipunan ang isang tao at maayos ang pinagmulan niyang pamilya, pero hindi niya hinahangad o tinatanggap ang katotohanan, hindi siya ililigtas ng Diyos. Kung walang kaalaman o katayuan ang isang tao, pero minamahal niya ang mga positibong bagay, tinatanggap ang katotohanan, at kumikilos nang ayon sa mga salita ng Diyos, papahalagahan siya ng Diyos kung ganoon. Tinitingnan ng Diyos ang puso ng mga tao at ang saloobin nila sa katotohanan. Gaano man kataas ang katayuan ng isang tao sa lipunan, kung magagawa niyang harapin ang Diyos, basahin ng Kanyang mga salita, hangaring makilala ang Diyos, at tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, marangal siya sa mga mata ng Diyos. Lahat ng hindi humaharap sa Diyos ay hamak at walang halaga. Dahil maitataas ako ng Diyos at matatanggap ko ang biyaya Niya, at tinutupad ko ang tungkulin ng isang nilikha, dapat kong pahalagahan ang pagkakataong ibinigay ng Diyos sa akin na tuparin ang aking tungkulin.
Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hindi mahalaga kung ang iyong pamilya ay naghahatid sa iyo ng kaluwalhatian o kahihiyan, o kung ang katayuan sa lipunan na iyong namana mula sa iyong pamilya ay marangal o mababa, sa iyong pananaw, hanggang ganito lang ang pamilyang ito. Hindi ito ang nagtatakda kung mauunawaan mo ba ang katotohanan, kung magagawa mo bang hangarin ang katotohanan, o kung magagawa mo bang tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan. Samakatuwid, hindi ito dapat ituring ng mga tao bilang isang napakahalagang bagay, dahil hindi ito ang nagtatakda sa kapalaran ng isang tao, ni sa kinabukasan ng isang tao, at lalo namang hindi ito ang nagtatakda sa landas na tatahakin ng isang tao. Ang sarili mong damdamin at pananaw sa iba ang kaya lamang itakda ng pagkakakilanlan na iyong namana mula sa iyong pamilya. Hindi mahalaga kung ang pagkakakilanlang namana mo mula sa iyong pamilya ay isang bagay na kinasusuklaman mo o isang bagay karapat-dapat na ipagmalaki, hindi nito maitatakda kung magagawa mo bang tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan o hindi. Kaya, pagdating sa paghahangad sa katotohanan, hindi mahalaga kung anong uri ng pagkakakilanlan o katayuan sa lipunan ang namamana mo mula sa iyong pamilya. Kahit na ipinararamdam sa iyo ng pagkakakilanlang namana mo na ikaw ay nakatataas at mapalad, wala itong kabuluhan. O, kung nagbibigay ito sa iyo ng kahihiyan, kababaan, at kawalan ng kumpiyansa sa sarili, hindi ito makakaapekto sa iyong paghahangad sa katotohanan. Hindi ba’t totoo ito? (Oo.) Hindi ito makakaapekto sa iyong paghahangad sa katotohanan ni katiting, ni hindi ito makakaapekto sa iyong pagkakakilanlan bilang isang nilikha sa harap ng Diyos. Bagkus, anuman ang pagkakakilanlan at katayuan sa lipunan ang namana mo mula sa iyong pamilya, mula sa pananaw ng Diyos, ang lahat ay may parehong pagkakataon na mailigtas, at ginagampanan nila ang kanilang tungkulin at hinahangad ang katotohanan nang may parehong katayuan at pagkakakilanlan. Ang pagkakakilanlang namana mo mula sa iyong pamilya, marangal man ito o nakakahiya, ay hindi nagtatakda sa iyong pagkatao o sa landas na iyong tatahakin. Gayunpaman, kung masyado mo itong binibigyan ng pagpapahalaga, at ituturing ito bilang isang mahalagang bahagi ng iyong buhay at pagkatao, kung gayon, mahigpit mo itong panghahawakan, hinding-hindi ito bibitiwan, at ipagmamalaki pa ito. Kung ang iyong namanang pagkakakilanlan mula sa iyong pamilya ay marangal, ituturing mo itong isang puhunan, samantalang kung mababa ang pagkakakilanlang namana mo mula sa iyong pamilya, ituturing mo itong isang kahiya-hiyang bagay. Marangal, dakila, o kahiya-hiya man ang pagkakakilanlang namamana mo mula sa iyong pamilya, iyon ay personal mo lang na pang-unawa, at resulta lamang ng pagtingin sa isyu mula sa perspektiba ng iyong tiwaling pagkatao. Sariling pakiramdam, pandama, at pang-unawa mo lang ito, na hindi naaayon sa katotohanan at walang kinalaman sa katotohanan. Hindi ito puhunan sa iyong paghahangad sa katotohanan at, siyempre, hindi ito hadlang sa iyong paghahangad ng katotohanan. Kung marangal at nakatataas ang iyong katayuan sa lipunan, hindi ito nangangahulugan na puhunan ito para sa iyong kaligtasan. Kung mababa at hamak ang iyong katayuan sa lipunan, hindi ito nangangahulugan na ito ay isang hadlang sa iyong paghahangad sa katotohanan, lalong hindi ito isang hadlang sa iyong paghahangad sa kaligtasan” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 12). Pagkatapos kong basahin ang salita ng Diyos, napagtanto ko na ang katayuan ng pamilya at sa lipunan ay walang kinalaman sa pananalig sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, at pagtanggap sa kaligtasan ng mga tao. Dagdag pa rito, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ay walang kinalaman sa katayuan at posisyon ng isang tao, kundi may kinalaman ito sa saloobin niya sa kanyang tungkulin, pati na rin kung malinaw niyang maibabahagi at mapatototohanan ang gawain ng Diyos habang ipinalalaganap ang ebanghelyo, at kung tapat bang nananampalataya sa Diyos ang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, dahil ang mga tapat lang na nananampalataya sa Diyos ang tupa ng Diyos, at sila lang ang didinig at makauunawa sa tinig ng Diyos. Naalala ko ang isang brother sa isang pelikula ng ebanghelyo na isang paring Katoliko na may mataas na katayuan at posisyon. Nang ipalaganap ng mga kapatid ang ebanghelyo sa kanya, hindi niya tiningnan ang katayuan at posisyon nila, bagkus ay pinakinggan niya ang mga salita ng Diyos at naging handa siyang maghanap at magsiyasat. Natukoy niyang tinig ito ng Diyos at tinanggap niya ito. Nalaman kong ang gustong marinig ng mga tapat na mananampalataya ay ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan. Ang dahilan kung bakit madalas akong napipigilan ng mababa kong katayuan at posisyon ay dahil walang lugar sa puso ko ang Diyos, at hindi ko tiningnan ang mga bagay batay sa mga salita ng Diyos. Sa puntong ito, naunawaan ko na isa akong nilikha, at responsabilidad at obligasyon ko ang ipalaganap ang ebanghelyo. Mataas man o mababa ang katayuan at posisyon ng isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, lahat sila ay mga taong ginawang tiwali na kailangan ng pagliligtas ng Diyos Ang responsabilidad ko ay ang patotohanan ang sinasabi at ginagawa ng Diyos; pagdating sa kung tatanggapin ba nila ito o hindi, nakadepende na iyon sa kung sila ba ay mga tupa ng Diyos. Kung mga tupa sila ng Diyos, likas nilang maririnig at mauunawaan ang tinig ng Diyos.
Noong Agosto ng 2023, hiniling sa akin ng isang sister na ipalaganap ang ebanghelyo sa isang potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Nang malaman kong mayaman at maimpluwensiya ang pamilya ng tatanggap ng ebanghelyo, at na opisyal ng militar ang isang kapamilya nito, ang una kong naisip ay na mababa ang katayuan at posisyon ko, na napakalayo ng agwat namin, at hindi ko kayang makipagtulungan. Paano kung hamakin niya ako at ayaw niyang makinig sa pagpapatotoo ko? Naisip ko ang pakiramdam noong kinutya at hinamak ako noon, kaya ayaw ko talagang makiugnay sa mga may mataas na katayuan. Pagkatapos ay naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung gayon, paano tinitingnan ng Diyos ang pinagmulan ng pamilya, katayuan sa lipunan, at taas ng pinag-aralan o kayamanan na nakakamit ng isang tao sa lipunan? Kung hindi mo ginagamit ang mga salita ng Diyos bilang batayan para sa lahat ng bagay, at hindi ka makakatayo sa Kanyang panig upang tumanggap ng anumang bagay mula sa Kanya, tiyak na magkakaroon ng agwat sa pagitan ng iyong mga pananaw sa mga bagay-bagay at sa mga layunin ng Diyos” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Traydor, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)). Napagtanto kong napipigilan pa rin ako dahil sa katayuan at posisyon, na dapat kong tingnan ang mga bagay batay sa mga salita ng Diyos. Kahit na gaano pa kataas ang katayuan at posisyon ng potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, sa mga mata ng Diyos, lahat tayo ay mga nilikha, pare-pareho ang tiwaling disposisyon nating lahat, at kailangan nating lahat ang pagliligtas ng Diyos. Kailangan ko lang magtiwala sa Diyos at gawin ang makakaya ko para makipagtulungan. Kung tatanggapin ba ang ebanghelyo ng potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, nasa mga kamay na iyon ng Diyos. Nang maisip ko ito, hindi na ako napigilan. Kalaunan, nang ipinalaganap ko ang ebanghelyo sa tatanggap ng ebanghelyo, nakadama ako ng labis na kapayapaan, inisip ko lang kung paano siya matatamo. Sinong mag-aakalang buong lugod niya kaming patutuluyin. Binasa ko sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ibinahagi at pinatotohanan ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nakinig siya at nakaunawa. Nang magbahagi ako nang pang-apat na beses, sinabi niya, “Sister, nasisiyahan akong makinig sa pangangaral mo; bukas ang bahay ko para sa iyo araw-araw. Kung magsasama ka ng mga tao para sa pagtitipon, pumunta ka sa bahay ko sa ikalimang palapag. Dadalhin kita roon ngayon.” Nang makita kong maliban sa hindi niya ako binalewala, bagkus ay handa pa siyang siyasatin ang gawain ng Diyos, naantig ako nang sobra. Nakita kong pinakikinggan ng mga tapat na nananalig sa Diyos ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan, at kailangan lang nating magbahagi nang malinaw at patotohanan ang gawain ng Diyos para magkamit ng mga resulta. Kung mga tupa sila ng Diyos, maririnig at mauunawaan nila ang tinig ng Diyos, at makakalapit sila sa Diyos. Hindi mahalaga kung ano ang katayuan at posisyon nila sa lipunan. Kalaunan, habang ipinalalaganap ang ebanghelyo, kapag nakakaharap ko ang mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo na may mataas na katayuan at posisyon, sinusuri ko, batay sa mga salita ng Diyos at prinsipyo, kung maaari bang ipalaganap ang ebanghelyo sa kanila. Kung tapat silang nananampalataya sa Diyos, nakikipagtulungan ako nang buong puso, nagbabahagi at nagpapatotoo sa gawain ng Diyos. Hindi na ako napipigil ng katayuan at posisyon, at gumaan na ang puso ko. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.