Paalam sa mga Araw ng Paghahabol sa Pera

Agosto 22, 2024

Ni Zheng Yi, Tsina

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya, kung saan itinaguyod ng mga taos-puso at masisipag kong magulang ang aming pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka. Noong bata ako, nakita ko ang mayayamang tao sa nayon na nasisiyahan sa masasarap na pagkain at magagandang damit, at nakakakuha ng paghanga at suporta mula sa iba. Nainggit ako sa kanila at naniwala akong ang pagkakaroon ng pera ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng lahat. Kahit sa aking mga panaginip, hinangad kong kumita ng maraming pera. Palihim akong nagpasya na maging mayaman at mamuhay ng maunlad na buhay sa hinaharap.

Pagkatapos ikasal, upang mabilis na matupad ang aking pangarap, mag-isa akong lumipat sa lungsod upang magtrabaho bilang manggagawa sa konstruksiyon. Sa kabila ng pagtatrabaho ng dagdag na oras sa loob ng ilang taon, nanatiling kakaunti ang aking ipon. Nagsimula akong magnilay-nilay sa aking puso na ang matinding pagsusumikap habambuhay ay hindi kailanman makatutupad sa aking mga pangarap. Matapos ang maraming pagsasaalang-alang, nagdesisyon akong maging kontraktor at nagsimula ako ng sarili kong negosyo sa konstruksiyon. Humiram ako ng pera mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan, bumili ng kapirasong lupa sa bayan, at nagtayo ng isang gusali. Para makakuha ng mga kontrata at mabilis na kumita ng pera, gumamit ako ng koneksiyon at mga regalo upang makakuha ng proyekto mula sa isang kompanya ng konstruksiyon. Para makatiyak na maayos ang pagkakagawa ng trabaho, maagang-maaga bawat araw ay sinisimulan ko nang pangasiwaan ang lugar ng konstruksiyon, madalas ay hindi na ako nag-aalmusal, at iniinspeksiyon ko ang gawain kapag tapos na ang mga manggagawa sa gabi. Ang anumang gawang mababa ang kalidad ay ginigiba at itinatayong muli sa pamamagitan ng dagdag na oras ng paggawa. Sa kalaunan, nakuha ko ang tiwala ng mga tagapamahala ng kompanya at nakakuha ako ng karagdagang mga proyekto. Pagkatapos ng dalawang taon, kumita ako ng kaunting pera, binayaran ko ang aking mga utang, at ipinaayos ang aking bahay. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na galak sa aking puso. Noong Lunar New Year, pumunta sa bahay ko ang mga kamag-anak at mga kaibigan ko upang magdiwang. Ang iba ay ngumiti at sinabi sa akin, “Boss, naparito kami upang batiin ka ng maligayang Bagong Taon! Nawa’y magtagumpay ka pa lalo at umunlad ang iyong negosyo!” Kinamayan ako ng iba at sinabihang, “Lahat kami ay umaasa sa iyo para kumita ng pera!” Sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay ako ang sentro ng atensiyon, napaliligiran ng paghanga. Naisip ko, “Ang sarap talagang magkaroon ng pera. Kapag may pera, hinahangaan at iginagalang ka ng mga tao, at puwede kang mamuhay ng maunlad na buhay.” Ang pag-iisip nito ay nagparamdam sa akin ng lubos na kasiyahan. Para kumita ng mas marami pang pera, tumanggap ako ng mas marami pang proyekto sa konstruksiyon at walang sawa akong nagtrabaho mula bukang-liwayway hanggang dapithapon bawat araw. Habang lumilipas ang panahon, hindi ako makatulog sa gabi, nag-aalala na baka mahulog ang mga manggagawa mula sa scaffolding at magdulot ng mga aksidente, na magreresulta sa malaking pagkalugi sa pananalapi. Nakaramdam ako ng hirap bawat araw at madalas akong dumaranas ng lagnat, sipon, at pagkahilo. Sa kabila ng pagiging 5’8”, tumimbang lamang ako nang mga isandaan at dalawampung libra, mahina ako magsalita at nakatutulog ako kahit habang nakatayo. Gusto ko talagang magpahinga. Ngunit kung hindi ako tatanggap ng mga proyekto sa konstruksiyon, hindi ako kikita ng pera o hahangaan ng iba. Wala na akong magagawa pa kundi ang tipunin ang lakas ko at magpatuloy sa pagtatrabaho. Habang kumikita ako ng parami nang paraming pera, pakiramdam ko ay sulit ang lahat ng paghihirap at pagod ko. Sa mismong panahong lumalago ang aking negosyo sa konstruksiyon, nagtatrabaho ang asawa ko sa scaffolding sa ikatlong palapag, inaayos ang isang pader, nang aksidente niyang naitumba ang isang tabla at nahulog siya sa unang palapag, at agad nawalan ng malay. Dali-dali siyang dinala sa ospital at sumailalim sa mahigit isang oras ng agarang gamutan bago sa wakas ay naging maayos ang kanyang lagay at nagkamalay siyang muli. Inabot ng mahigit isang buwan bago siya gumaling nang sapat para makalabas ng ospital.

Kalaunan, nalaman ng ate ko na nakalabas na sa ospital ang asawa ko at dumalaw siya sa amin. Ibinahagi niya sa amin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Naaalala ko na labis akong naantig ng ilan sa mga salita ng Diyos nang panahong iyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gampanan ang iyong tungkulin. Para sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon. Mula nang umiral ang tao, iyon na ang ginagawa ng Diyos, pinamamahalaan ang sansinukob, pinangangasiwaan ang mga panuntunan ng pagbabago para sa lahat ng bagay at kung paano gagalaw ang mga ito. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pangangasiwa ng kamay ng Diyos. Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang kapalaran ng bawat tao ay nasa kamay ng Diyos. Nang nahulog ang asawa ko mula sa ikatlong palapag at nakaligtas, hindi iyon dahil masuwerte siya kundi dahil sa proteksiyon ng Diyos. Naisip ko ang nangyaring mga aksidente sa mga lugar ng konstruksiyon ng ibang mga kontraktor. Nahulog ang ilang manggagawa mula sa scaffolding sa ikatlong palapag at hindi na nailigtas pa kahit na dinala pa sa ospital. Nahulog naman ang iba mula sa scaffolding sa ikalawa o unang palapag at namatay agad. Hinda ba’t ang lahat ng ito ay patunay sa sinabi ng Diyos: “Walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon”? Ngayon, ang pagbabahagi sa amin ng ebanghelyo ng ate ko ay isinaayos din ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi, natutuhan ko na ang mga tao at ang lahat ng bagay ay nilalang ng Diyos. Nagsagawa ang Diyos ng tatlong yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan, ginagabayan at tinutustusan ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyan. Ang gawaing ito sa mga huling araw ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan, at ito ay isang bihirang pagkakataon para maligtas ang mga tao. Magkakaroon lamang tayo ng magandang tadhana sa pamamagitan ng pananalig at pagsamba sa Diyos sa Kanyang harapan. Masaya naming tinanggap mag-asawa ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, at aktibo kaming dumalo sa mga pagtitipon mula noon. Sa mga pagtitipon, nagbabahagi ng mga salita ng Diyos ang mga kapatid, at naunawaan ko ang ilang katotohanang nagdulot ng kapanatagan at kapayapaan sa puso ko, na nag-alis ng pagkapigil na nararamdaman ko noon.

Kalaunan, nakita ng lider na aktibo akong dumadalo sa mga pagtitipon, at gusto niyang isaayos na maging lider ako ng isang grupo na nagdidilig sa tatlong bagong mananampalataya. Ngunit medyo nag-aalangan ako, dahil nangangasiwa ako ng konstruksiyon sa araw at kailangan kong magtala ng mga puntos sa trabaho at mag-bookkeeping sa gabi. Saan ako hahanap ng oras para diligan ang mga bagong mananampalataya? Ayaw ko sanang gawin ang tungkuling ito. Gayunpaman, nakadama ako ng kaunting pagsaway: Noong bago pa lang akong nananampalataya sa Diyos at abala ako sa gawain sa konstruksiyon, dumarating ang mga kapatid sa gabi para diligan at suportahan ako, tinutulungan nila akong maunawaan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga salita ng Diyos. Ngayong mas maraming bagong mananampalataya sa iglesia at kulang sa mga taong tutulong sa pagdidilig, dapat lang na mag-ambag ako ng aking bahagi. Habang iniisip ito, nanalangin ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na gabayan at bigyang-liwanag ako para makagawa ng tamang desisyon. Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Natulungan ako ng mga salita ng Diyos na maunawaan na bilang mga nilikha, ganap na likas at makatwiran ang pagtupad sa ating mga tungkulin dahil mula sa Diyos ang buhay natin, at lahat ng tinatamasa natin ay kaloob mula sa Kanya. Katulad ng pagiging masunurin natin sa ating mga magulang ang pagtupad natin sa ating mga tungkulin—isa itong di-matatawarang responsabilidad at obligasyon. Kung hindi ko tatanggapin ang tungkuling ito, talagang kawalan iyon ng konsensiya. Bukod dito, nangyayari lamang tuwing gabi dalawang beses sa isang linggo ang pagsuporta at pagdidilig sa mga bagong mananampalataya, kaya hindi ito gaanong makaaabala sa pamamahala ko sa aking gawain sa konstruksiyon. Nang mapagtanto ko ito, pumayag akong tanggapin ang tungkuling ito. Minsan, kapag hindi ko malutas ang mga kalagayan o mga kuru-kuro ng mga bagong mananampalataya, nananalangin ako sa Diyos at humihingi ng gabay. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang ilang katotohanan nang hindi ko namamalayan. Nalutas ang mga kalagayan at kuru-kuro ng mga bagong mananampalataya, at naging mas malinaw ang pagkaunawa ko sa katotohanan ng mga pangitain. Naging mas aktibo ako sa pagtupad ng tungkulin ko, dahil naramdaman kong sa pamamagitan ng pagtupad ng aking tungkulin ay matatanggap ko ang kaliwanagan at paggabay ng Banal na Espiritu, mauunawaan ko ang mas maraming katotohanan, at makadarama ako ng kapayapaan at katiyakan sa aking puso.

Kalaunan, nang nakita ng mga kapatid ang sigasig ko sa paghahangad sa katotohanan, inihalal nila ako bilang isang diyakono ng ebanghelyo. Lubos akong natuwa, nalalamang ang pagdating ng tungkuling ito sa akin ay pagpapahayag ng pagmamahal ng Diyos. Gusto kong pahalagahan at maayos na gampanan ang tungkuling ito. Gayunpaman, mayroon akong ilang alalahanin sa puso ko: Malaki ang inilago ng negosyo ko sa konstruksiyon, at malamang na patuloy na gaganda ang kita nito. Kung tatanggapin ko ang tungkulin ng diyakono ng ebanghelyo, tiyak na mababawasan ang kapasidad ko para pamahalaan ang negosyo sa konstruksiyon, na magdudulot ng mas kaunting kita. Nasa isang mahirap na kalagayan ako. Pagkatapos, naalala ko na ang gawain sa mga huling araw ay ang huling gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Kung magtutuon lamang ako sa pagkita ng pera at pababayaan ko ang tungkulin ko, paano ko makakamtan ang katotohanan? Kaya nanalangin ako sa Diyos, humihingi ng gabay sa paghahanap sa katotohanan at paglutas sa aking mga suliranin. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ngayon, kung ano ang kinakailangan sa inyo na kamtin ay hindi mga karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao, at ang kailangang gawin ng lahat ng tao. Kung kayo ay walang kakayahan na gampanan man lamang ang inyong tungkulin, o magawa ito nang mainam, hindi ba’t pinahihirapan ninyo lamang ang inyong mga sarili? Hindi ba’t sinusuyo ninyo ang kamatayan? Paano pa kayo makakaasa na magkaroon ng hinaharap at mga posibilidad? Ang gawain ng Diyos ay ginagawa para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang pakikipagtulungan ng tao ay ibinibigay para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos. Pagkatapos na nagawa ng Diyos ang lahat ng nararapat Niyang gawin, ang tao ay kinakailangang maging pursigido sa kanyang pagsasagawa, at makipagtulungan sa Diyos. Sa gawain ng Diyos, ang tao ay hindi dapat magkulang sa pagsisikap, nararapat mag-alay ng kanyang katapatan, at hindi dapat magpasasa sa napakaraming kuru-kuro, o maupo nang walang-kibo at maghintay ng kamatayan. Kayang isakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa tao, kaya bakit hindi maibigay ng tao ang kanyang katapatan sa Diyos? May iisang puso at isip ang Diyos tungo sa tao, kaya bakit hindi makapag-alok ng kaunting pakikipagtulungan ang tao? Gumagawa ang Diyos para sa sangkatauhan, kaya bakit hindi magampanan ng tao ang ilan sa mga tungkulin niya para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos? Nakarating na ang gawain ng Diyos nang ganito kalayo, gayunman kayo ay nakakakita pa rin ngunit hindi kumikilos, kayo ay nakakarinig ngunit hindi gumagalaw. Hindi ba’t ang mga taong ganyan ay ang mga layon ng kapahamakan? Nailaan na ng Diyos ang Kanyang lahat para sa tao, kaya bakit, ngayon, hindi pa rin magampanan ng tao nang masigasig ang kanyang tungkulin? Para sa Diyos, ang Kanyang gawain ay ang Kanyang uunahin, at ang gawain ng Kanyang pamamahala ay ang pinakamahalaga. Para sa tao, ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtupad sa mga kinakailangan Niya ay kanyang unang prayoridad. Ito ay dapat maunawaan ninyong lahat(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, lubos akong naantig. Ang Diyos, para matubos ang sangkatauhan, ay unang nagkatawang-tao at ipinako sa krus upang mapatawad ang mga kasalanan ng tao. Sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Diyos upang ipahayag ang lahat ng katotohanang kailangan para sa ganap na kaligtasan ng sangkatauhan, ibinabahagi nang malinaw at lubos ang mga katotohanang ito upang matulungan tayong mas maunawaan ang katotohanan, makamit ang katotohanan, at matamo ang kaligtasan. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa atin. Kaya bakit hindi ko magawa ang aking tungkulin para masuklian ang pagmamahal ng Diyos? Hindi ko man lamang isinaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at dahil sa pag-aalala na ang pagtanggap sa tungkuling ito ay makaaapekto sa kita ko, gusto kong tumanggi. Ang iniisip ko lamang ay kung paano kumita ng pera, at wala akong pakialam sa tungkulin ko—tunay akong makasarili at kasuklam-suklam! Nang piliin ako ng mga kapatid na maglingkod bilang diyakono ng ebanghelyo, isa itong tungkuling dumating sa akin mula sa Diyos—isang responsabilidad at obligasyon—at dapat ko itong tanggapin at dapat akong magpasakop. Kung tatanggi ako, hindi ako karapat-dapat na tawaging tao, at mawawala sa akin ang pagkakataong makamtan ang katotohanan at sa huli ay matitiwalag ako. Bagaman hindi ko kaagad mabitawan ang kapit ko sa kayamanan, handa akong kumilos ayon sa mga salita ng Diyos at tanggapin ang tungkuling ito, gawin ang aking makakaya para matupad ito.

Sa simula, nakaya kong maglaan ng oras para sa mga pagtitipon, pagsasanay na magpalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo kasama ng mga kapatid. Gayunpaman, habang tumatanggap ako ng mas maraming proyekto sa konstruksiyon, napagtanto kong isinasakripisyo ko na ang oras na nakalaan para sa tungkulin ko at sa mga pagtitipon. Minsan, isang may-ari ng ari-arian ang humiling na magtayo ako ng apat na tatlong-palapag na gusali, pati na ilan pang karagdagang proyekto. Nag-alinlangan ako: Malaki ang proyektong ito, at mayroon pa akong isa pang hindi tapos na proyekto na kailangan kong alalahanin ang pamamahala. Mangangahulugan ng mas kaunti pang oras para sa aking tungkulin at mga pagtitipon ang pagtanggap sa bagong proyekto. Sinubukan kong makipagkasundo sa may-ari ng ari-arian na ipagpaliban muna ang petsa ng pagsisimula, ngunit hindi siya pumayag. Na-pressure ako dahil kapag hindi nakapagsimula sa takdang oras, mawawalang-bisa ang mga pinirmahang kontrata, na magreresulta sa mga pagkalugi sa pananalapi at makasisira sa reputasyon ko. Sino na ang magtitiwala sa akin sa mga susunod na proyekto kung hindi ko matutupad ang aking mga obligasyon? Magagawa ko pa bang kumita ng pera kung walang mga proyekto? Sa kabila ng mga alalahanin ko, sa huli ay pumayag ako sa kahilingan ng may-ari ng ari-arian at naging abala ako sa bagong gawaing konstruksiyon. Minsan, kapag maraming isyu sa lugar ng konstruksiyon, titingin na lamang ako sa mga salita ng Diyos sa umaga bago umalis. Hindi lamang nito naaabala ang normal na espirituwal na buhay ko, nawalan pa ako ng oras upang makisali sa gawain ng ebanghelyo. Sa panahong iyon, dahil walang nakikitang resulta sa gawain ng ebanghelyo, nakaramdam ako ng kaunting paninisi. Sa puso ko, tahimik kong ipinangako: Kahit gaano pa kaabala ang konstruksiyon sa hinaharap, dapat kong unahin ang pagdalo sa mga pagtitipon at pagtupad sa tungkulin ko.

Isang araw, kung kailan katatapos ko lang isaayos na dumalo sa isang pagtitipon, biglang tumunog ang telepono ko. May problema sa lugar ng konstruksiyon na kailangan kong tugunan agad. Nag-alinlangan ako: Sa pagkakataong ito, orihinal na nais kong makipagtipon at makipagbahaginan tungkol sa gawain ng ebanghelyo, ngunit dumating ang problemang ito ngayon. Kung aalis ako para asikasuhin ang isyu sa lugar ng konstruksiyon, hindi ako makadadalo sa pagtitipon—hindi ba’t panlilinlang ito sa Diyos? Pero paano kaya kung hindi ko puntahan, at magreklamo ang may-ari ng ari-arian? Maaaring masira ang reputasyon at kalagayang pinansiyal ko. Kung magpapatuloy ito, paano ko mapamamahalaan ang aking mga proyekto sa konstruksiyon? Nagpasya akong unahin ang paglutas sa isyu sa konstruksiyon at ipinangako sa sarili ko na maglalaan ako ng oras para sa mga pagtitipon at tungkulin ko sa susunod. Kaya pumunta ako sa lugar ng konstruksiyon.

Pag-uwi ko sa bahay nang gabing iyon, habang iniisip ko ang mga nangyari sa buong araw, nakaramdam ako ng paninisi. Plano kong dumalo sa pagtitipon ngunit hinayaan kong hadlangan ng mga alalahanin ko tungkol sa pananalapi ang pagtupad ko sa tungkulin ko. Sa panahong ito, nakahahadlang sa pag-unlad ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ang pokus ko sa gawain sa konstruksiyon, at napagtanto kong hindi ko nagagampanan nang maayos ang tungkulin ko. Gayunpaman, kung isasantabi ko ang konstruksiyon at titigil ako sa pagkita ng pera, paano ako mabubuhay nang masagana at kagalang-galang? Naguguluhan, lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko, naguguluhan ang puso ko. Alam kong ang pananampalataya sa Iyo at ang pagtupad sa tungkulin ko ay ganap na likas at makatwiran, ngunit nahihirapan akong bitawan ang pera. Pakiusap, gabayan Mo akong makagawa ng tamang desisyon.” Pagkatapos manalangin, unti-unting kumalma ang puso ko. Sa paghahanap ko, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mababait sa inyo ay tatalikuran ang pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nag-aalangan ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na matapat kayo, ito ang pipiliin ninyong lahat, at magiging pareho pa rin ang ugali ninyo. Hindi ba ganoon? Hindi ba marami sa inyo ang pabagu-bago ng pagpili sa pagitan ng tama at mali? Sa mga paligsahan sa pagitan ng positibo at ng negatibo, ng itim at ng puti, siguradong alam ninyo ang mga pagpiling nagawa ninyo sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng kapayapaan at ng pagkagambala, ng kayamanan at ng kahirapan, ng katayuan at ng pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maipagtabuyan, at iba pa. … Mukhang walang anumang idinulot sa Akin ang maraming taon ng dedikasyon at pagsisikap kundi ang inyong pagpapabaya at kawalang-pag-asa, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit patuloy ninyong hinahanap ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kahihinatnan? Napag-isipan na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?). Ang inilantad ng Diyos ay ang kalagayan ko. Hindi ba’t isa akong taong humahawak ng pera sa isang kamay at ng katotohanan sa kabila? Ipinahayag ko ang kahandaan kong gampanan ang tungkulin ko para mapalugod ang Diyos, at nagpasya ako sa puso ko na maghimagsik laban sa laman at gampanan nang maayos ang tungkulin ko. Gayunpaman, kapag sumasalungat ang tungkulin ko sa mga interes sa pinansiyal, hindi ko mapigilan ang tukso ng pera at katanyagan. Hindi ko man sinasadya, sinusunod ko ang sarili kong kagustuhan at pinipili ang pera. Alam kong nangangailangan ng mas maraming oras at pagsisikap ang pagtanggap ng malaking proyektong ito sa konstruksiyon, kaya wala na akong oras para gampanan ang tungkulin ko. Gayunpaman, pinili ko pa rin itong tanggapin para kumita ng mas maraming pera at makuha ang paghanga ng iba, kahit na alam kong mali ito. Nakatuon ang puso ko sa pagkita ng pera, at napabayaan kong subaybayan ang gawain ng ebanghelyo nang mahigit isang buwan, na nagresulta sa pagbagal ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ganito ko tinrato ang tungkuling ibinigay ng Diyos, na talaga namang nagdulot ng malaking pagkakautang ko sa Diyos.

Pagkatapos, pinag-isipan ko kung bakit hindi ko mabitiwan ang pera kahit na alam kong sa paggawa ng aking tungkulin ay makakamit ko ang katotohanan. Kalaunan, sa aking paghahanap, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon ng mga kuru-kuro ng mga tao, na hindi naman radikal, kung saan ay nagiging sanhi na walang kamalayang tanggapin ng mga tao ang uri ng pamumuhay nito, ang mga patakaran nito upang mabuhay, at magtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at sa ganoon nagkakaroon din sila ng mga ambisyon sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pawang nauugnay sa ‘katanyagan’ at ‘pakinabang’. Sinumang dakila o tanyag na tao—lahat ng tao, sa katunayan—anumang bagay na sinusunod nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: ‘katanyagan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Iniisip nila na ang katanyagan at pakinabang ay mga uri ng puhunan na maaari nilang gamitin upang magkamit ng isang buhay na mapaghanap-ng-kaluguran at walang-pakundangan sa pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito na iniimbot ng sangkatauhan, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana, kay Satanas. Ginagawa nila ito nang wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi ang lahat ng naibigay na nila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas sa ganitong paraan at maging tapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nasadlak sa katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang maliwanag, ang makatarungan, o ang mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki; at ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay katanyagan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang layon ni Satanas sa pag-akit sa mga tao na maghangad ng pera, katanyagan, at pakinabang ay upang gawing tiwali at kontrolin sila, na lubhang naglalayo ng kanilang mga puso sa Diyos, at sa huli ay mahuhuli sila sa mga patibong ni Satanas na hindi na nila kayang makawala. Bawat araw, nagtatrabaho ako nang walang tigil mula bukang-liwayway hanggang dapithapon sa mga proyekto ng konstruksiyon para kumita ng pera. Nagmula ito sa impluwensiya ng mga lason ni Satanas simula pa pagkabata ko, tulad ng “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa.” Naniwala ako na ang pagkakaroon ng pera ay nangangahulugang pagkakaroon ng lahat, kabilang na ang paghanga ng iba at isang marangyang pamumuhay. Habang lumalaki ang mga proyekto ko sa konstruksiyon at labis na pinupuri ako ng mga kamag-anak at kaibigan, lalo akong nakumbinsi na makakukuha ng paghanga ng mga tao ang yaman. Ginawa kong mithiin sa buhay ang paghahangad ng pera, nagtatrabaho nang walang humpay para dito bawat araw, namumuhay na palaging balisa at takot, palaging nag-aalala tungkol sa mga aksidente sa lugar ng trabaho at sa mga kahihinatnan ng mga ito. Sa panlabas, tila kumikita ako ng pera at nakakamit ang katanyagan, ngunit sa loob, napipigilan ako. Nagdusa ang katawan ko, at muntik nang mamatay ang asawa ko. Ngunit, sa kabila ng mga karanasang ito, hindi ko pa rin mabitawan ang paghahangad ko ng yaman, katanyagan, at pakinabang. Pagkapasok sa sambahayan ng Diyos, naunawaan ko na ang pananampalataya sa Diyos ay dapat may kalakip na paghahangad sa katotohanan. Gayunpaman, hindi ko nahalata ang mga pakana ni Satanas at napagtanto kong nagsusumikap ako para sa katanyagan at pakinabang nang hindi ko sinasadya. Bilang isang diyakono ng ebanghelyo, tungkulin kong gawin nang maayos ang gawain ng ebanghelyo. Gayunpaman, para kumita ng mas maraming pera, napabayaan ko ang pagsubaybay sa gawain ng ebanghelyo sa loob ng isang buwan, isinantabi ko ang tungkulin ko. Ang kalikasan ng pag-uugaling ito ay katumbas ng pandaraya at pagtataksil sa Diyos. Bukod pa rito, abala ako sa pamamahala ng mga proyekto sa konstruksiyon araw-araw, napapabayaan ang mga espirituwal na debosyon at mga pagtitipon, na nagiging sanhi ng paglayo ng puso ko sa Diyos at pagdurusa ng buhay ko. Kung magpapatuloy ako nang ganito, kalaunan ay mawawala ang pagkakataon kong magampanan ang tungkulin ko at makamtan ang kaligtasan. Sa wakas ay napagtanto ko na hindi mabuting landas ang paghahangad ng yaman, katanyagan, at pakinabang; isang paraan ito kung paano ginagawang tiwali at pinipinsala ni Satanas ang mga tao, isang kasangkapan sa pang-aalipin na sa huli ay nagdudulot na mapaglaruan at mapinsala ni Satanas.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang kailangan ninyo ay hindi ang katotohanan at buhay; ni ang mga prinsipyo kung paano kayo kikilos, lalong hindi ang Aking maingat na paggawa. Sa halip, ang kailangan ninyo ay ang lahat na taglay ng inyong laman—kayamanan, katayuan, pamilya, buhay may-asawa, at iba pa. Lubos ninyong ipinagwawalang-bahala ang Aking mga salita at gawain, kung kaya’t malalagom Ko ang inyong pananampalataya sa iisang salita: padaskol. Gagawin ninyo ang kahit ano upang matamo lamang ang mga bagay na inyong pinipintuho nang labis, ngunit natuklasan Kong hindi ninyo ito gagawin alang-alang sa mga bagay na tungkol sa inyong paniniwala sa Diyos. Sa halip, kayo ay bahagyang nakatuon, at bahagyang masigasig. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang mga taong walang pusong may sukdulang katapatan ay mga bigo sa kanilang paniniwala sa Diyos. Pag-isipan ninyong mabuti—marami bang mga bigo sa inyong hanay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan). Nakatulong sa akin ang mga salita ng Diyos para maunawaan na ang pananampalataya sa Diyos ay nangangailangan ng paghahangad sa katotohanan at pagtupad sa ating mga tungkulin. Sa pagtupad natin ng ating mga tungkulin at pag-unawa sa katotohanan, unti-unti nating naiwawaksi ang ating tiwaling disposisyon at sa gayon ay maaari nating matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Sinuman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad Ko(Lucas 14:33). Sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi naghangad si Pedro ng yaman, katanyagan, o pakinabang. Nang tawagin siya ng Panginoong Jesus, nagawa niyang itigil ang kanyang pangingisda at sumunod sa Panginoon. Ang paghahangad niya ay para lamang sa katotohanan, pagtupad ng mga tungkulin ng isang nilikha, at pagkilala sa kanyang sarili sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, na iwinawaksi ang tiwaling disposisyon niya. Sa huli, nagbigay siya ng maganda at matunog na patotoo para sa Diyos, ginawa siyang perpekto ng Diyos, at namuhay siya ng makabuluhang buhay. Sa pagninilay sa karanasan ni Pedro, napagtanto ko kung gaano kamakabuluhan para sa atin na hangarin ang katotohanan at gampanan ang mga tungkulin natin. Ngayong dumating na ang malalaking sakuna, kung patuloy akong kakapit sa paghahangad ng yaman, katanyagan, at pakinabang, pababayaan ang katotohanan at ang mga tungkulin ko, magiging huli na ito. Sa huli, mahuhulog lamang ako sa mga sakuna, nang umiiyak at nagngangalit ang mga ngipin. Dapat kong tularan ang halimbawa ni Pedro at hangarin ang katotohanan. Hindi ko puwedeng unahin ang pagkita ng pera kaysa sa pagtupad ng aking mga tungkulin. Para makadalo nang regular sa mga pagtitipon at magampanan ang mga tungkulin ko, pinag-usapan naming mag-asawa ang ideya na ibenta sa ibang tao ang lahat ng aming kagamitan sa konstruksiyon at tumanggap ng samot-saring maliliit na trabaho para masuportahan ang kabuhayan namin. Sa umpisa, hindi pumayag ang asawa ko, ngunit ipinaliwanag ko sa kanya ang mga iniisip ko at ang pagkaunawa ko, at hindi na siya tumutol. Kalaunan, ipinagbili ko ang lahat ng kagamitan at iginugol ko ang sarili ko nang buong panahon sa pagtupad ng mga tungkulin ko. Sa pagtupad ko ng mga tungkulin ko, naranasan ko ang paggawa at paggabay ng Banal na Espiritu sa aking pakikipagtulungan sa mga kapatid, at naramdaman ko ang kalayaan at kaginhawahan. Sa tuwing nagpapakita ako ng aking katiwalian, hinahanap ko ang katotohanan, nagninilay ako at sinisikap kong malaman ang mga layunin ko at ang kalikasan at mga kahihinatnan ng mga aksiyon ko. Kapag nagawa kong maghimagsik laban sa sarili ko at magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, nakadarama ako ng kagalakan at kapayapaan ng kalooban. Sa karanasang ito, nagkaroon ako ng praktikal na pag-unawa sa kahalagahan ng paghahangad sa katotohanan at pagtupad sa mga tungkulin ko.

Pagkalipas ng ilang panahon, habang gumagawa ako ng samot-saring maliliit na trabaho, sinabi sa akin ng boss ko, “Alam kong kaya mong pamahalaan ang mga proyekto sa konstruksiyon. Maraming trabaho rito at malaki ang kita. Magsosyo tayo—paghatian natin. Hindi malayong kumita ng ilang daang libong piso bawat isa.” Pagkarinig ko sa sinabi ng aking boss, medyo nadala ako at naisip kong, “Isang bihirang pagkakataon ito para kumita ng malaking pera. Kung gagawin ko ito nang ilang taon, puwede akong kumita ng milyon-milyon. Mas gaganda ang buhay. Dapat ko bang tanggapin ang alok ng boss ko?” Pero pagkatapos ay may isa pa akong naisip, “Kung papasok ako sa pamamahala ng proyekto para sa pera, paano ako makadadalo sa mga pagtitipon at makagaganap sa mga tungkulin ko? Mawawala sa akin ang pagkakataong makamit ang katotohanan at ang pagliligtas ng Diyos. Hindi ba’t ito ay pakana ni Satanas? Sinusubukan akong akitin ni Satanas gamit ang pera, ngunit hindi ako dapat magpalinlang dito.” Kaya, tinanggihan ko ang boss ko. Nang makita niya ang matatag kong saloobin, umalis na dismayado ang boss ko.

Sa pamamagitan ng mga karanasang ito, napagtanto ko ang pinsala at mga kahihinatnan ng paghahangad ng yaman, katanyagan, at pakinabang. Nakita ko ang katunayang ginagamit ni Satanas ang pera para tuksuhin at gawing tiwali ang mga tao. Naunawaan ko rin na nais ng Diyos na hangarin natin ang katotohanan at bitawan ang kayamanan upang mapalaya tayo mula sa pinsala ni Satanas at upang makamit natin ang katotohanan at ang pagliligtas ng Diyos. Ito ang pinakamakabuluhan at pinakamahalagang bagay. Ngayon, kaya ko nang isantabi ang trabaho at pera at lubos na igugol ang sarili ko sa pagtupad ng mga tungkulin ko. Sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos kaya natamo ko ang lahat ng kaalaman at pagbabagong ito. Salamat sa Diyos!

Sumunod: Ang Pinili ng Guro

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Diyos Ay nasa Aking Tabi

Ni Guozi, Estados Unidos Ipinanganak ako sa isang Kristiyanong pamilya, at noong ako ay isang taong gulang, tinanggap ng aking ina ang...

Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot

Ang Diyos ay habambuhay na pinakamataas at marangal, habang ang tao ay habambuhay na mababa at walang kabuluhan. Ito ay dahil habambuhay na nagsasakripisyo ang Diyos at inilalaan ang Kanyang sarili sa sangkatauhan; ang tao, sa kabilang banda, ay habambuhay na kumikilos para lamang sa kanyang sarili.

Ang Pinili ng Guro

Ni Mo Wen, Tsina Habang lumulubog ang araw sa kanluran, sa oras ng takipsilim, bukas ang pinto ng isang maliit na bahay sa bukid, na may...