Nakapagpapasaya Ba Talaga Ang Pera?

Setyembre 29, 2024

Ni Michael, New Zealand

Noong walong taong gulang ako, nakaranas ang pamilya ko ng hindi inaasahang pangyayari. Mula noon, inasahan na namin ng aking ina ang isa’t isa upang mabuhay, at inuwi niya ako sa aming bahay sa probinsya. Noong panahon na iyon, kami ay lubos na naghihikahos. Ang ibang mga tao ay nakatira sa maraming palapag na mga bahay, samantalang kami ay nasa isang kubo na may baldosang bubong; sobrang hirap namin. Nainggit ako sa iba at nangarap ako na kikita ako nang malaki paglaki ko para magkaroon kami ng nanay ko ng seguridad sa pananalapi. Upang kumita ng pera, huminto ako sa pag-aaral pagkatapos ko ng high school. Noon, gusto ng mga kapatid na umanib ako sa iglesia at isabuhay ang buhay-iglesia. Gayunpaman, nag-alala ako na ang pagtitipon ay hahadlang sa pagkita ko ng pera. Medyo bata pa ako, at kailangan kong magpakasal at maghanapbuhay sa hinaharap. Kakailanganin ko ng pera para sa lahat ng gagawin ko. Kaya, tinanggihan ko ang mababait na salita at ang payo ng mga kapatid at determinadong tinahak ang landas ng paghahangad ng pera, katanyagan, at pakinabang.

Nagtrabaho ako sa konstruksyon at naging kargador din. Kalaunan, nag-aral ako ng marketing at nagnegosyo kasama ang ilang kamag-anak. Hindi naglaon, tuluy-tuloy ang paglago ng negosyo, at ang maliit na tindahan na aming sinimulan ay lumago at naging isang maliit na kompanya na may isang dosena o higit pang mga empleyado sa loob lamang ng ilang taon. Sa murang edad na iyon, naging amo ako at kumita ng pera. Bumuti ang kalagayang pinansyal ng aking pamilya, bumili ako ng bahay, at natutugunan ko ang lahat ng pangunahing gastusin sa buhay. Bagama’t palaki nang palaki ang kinikita ko at nasiyahan ang buhay kong makalaman, pero lalo akong naging malungkot. Para kumita ng pera, kinailangan kong magpakita ng kagalakan sa mga kliyente, binobola at pinupuri sila, at naging pang-araw-araw na gawain ko na ang pagsisinungaling at panloloko. Gagawin ko kahit ano upang pagsilbihan ang aking sariling mga interes at hindi talaga ako namuhay na parang tao. Dati, nakita ko na ang mga salita ng Diyos ay nagsasabi sa atin na maging mga tapat na tao. Sa tuwing naiisip ko ito, lubos akong nakokonsensiya. Higit pa rito, araw-araw ay inilalaan ko ang lahat ng aking oras at lakas sa negosyo, palagi kong pinapanatili ang magandang kalooban at saloobin sa mga kliyente. Kapag tinawag nila ako para ayusin ang isang bagay, aasikasuhin ko ito kaagad, na para bang sumusunod ako sa utos ng hari. Gayunpaman, kapag gusto ng aking ina na tulungan ko siya sa gawaing-bahay o makipagkuwentuhan sa kanya, palagi kong sinasabi sa kanya na abala ako at hinihiling ko na huwag niya akong istorbohin. Hindi ako dumalo sa mga pagtitipon, at halos hindi ako nanalangin. Ang aking kondisyon ay ganap na tulad ng isang hindi nananalig na walang pananampalataya. Dahil napakahalaga sa negosyo ang mga koneksyon, araw-araw kong iniisip kung paano mapanatili ang mga pakikipag-ugnayan sa mga kliyente. Kahit sino pa ang kaharap ko, hangga’t maaari silang magdala sa akin ng mga interes, pupurihin ko sila at magsasalita ng hindi tapat na mga salita upang pasayahin sila. Nainis ako sa pag-uugali kong ito. Lalo akong naging mapagkunwari at mapanlinlang, at talagang umabot na sa puntong nagiging mapanlinlang na ako. Lalo kong kinasuklaman ang aking sarili, at kinasusuklaman ko din ang paraang ito para mabuhay.

Makalipas ang ilang taon, nang kumakalat ang COVID sa buong bansa, nahawa ako, at sobrang sakit ng buo kong katawan. Ilang oras bago magsimula ang aking mga sintomas, puno ako ng lakas, abala sa iba’t ibang bagay sa negosyo, nang bigla, nawalan ako ng lakas para tumayo. Nakahiga ako sa kama, lahat ng kalamnan ko ay masakit, at parang sasabog ang ulo ko. Dahil mataas ang lagnat ko na hindi bumababa, nagbitak-bitak ang mga labi ko. Nagsusuka at nagtatae ako; masama ang pakiramdam ko, na parang mamamatay na ako. Doon ko naramdaman kung gaano karupok at kaliit ang tao. Sa oras na iyon, nagsimula akong magnilay, naisip ko, “Para saan ba ako nabubuhay nang ganito?” Ang mga nakaraang kaganapan ay lumitaw sa bawat eksena sa aking isipan tulad ng sa isang pelikula, at naisip ko, “Araw-araw, nag-iisip ako ng mga paraan para kumita ng mas maraming pera, nagsasalita ng kasinungalingan at nanlilinlang ng mga tao. Nabubuhay lang ba talaga ako para lang kumita ng pera at magtrabaho nang ganito? Ang lahat ba ay para lamang matugunan ang aking banidad at respeto sa sarili, upang maging mataas ang tingin sa akin ng mga tao? Para lang magpakasawa sa pagkain, inumin, at kasiyahan? Ito ba ang layunin ko sa buhay? Ito lang ba ang bumubuo sa buhay ko? Mamamatay na ba talaga ako nang ganito?” Sa pag-iisip nito, napuno ako ng matinding pagsisisi. Nagsisi ako na hindi ako nanampalataya nang maayos sa Diyos at hindi nagkaroon ng buhay-iglesia sa simula pa lang. Ako ay labis na nagsisi, at hindi ako papayag na mamatay nang ganito. Naisip ko ang mga salita ng Diyos na nabasa ko noon: “Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65). “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan nila ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito ay maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kapag malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at tila walang-kakayahan, at walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makapagpapahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo. Habang mas lalong ganito ang nararamdaman ng mga tao, lalo nilang ninanais na patuloy na mabuhay; habang mas nararamdaman ito ng mga tao, mas kinatatakutan nila ang pagsapit ng kamatayan. Tanging sa punto lang na ito nila tunay na napagtatanto na ang kanilang mga buhay ay hindi sa kanila, hindi sa kanila para kontrolin, at walang sinuman ang makapagsasabi kung siya ay mabubuhay o mamamatay—ang lahat ng ito ay wala sa kanyang kontrol(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Sa totoo lang, ilang beses ko nang nabasa ang mga salitang ito. Kahit na natatakot ako sa mga kalamidad, hangga’t hindi nangyayari ang mga ito sa akin, palagi kong nararamdaman na nasa malayo ang mga ito at nagpatuloy ako sa paghahangad ng kayamanan at paghahangad ng buhay na gusto ko tulad ng ginawa ko noon. Ngayon, nakahiga ako sa kama habang masakit ang aking buong katawan, walang magawa, at noon ko lang naunawaan na bagaman ang kayamanan ay maaaring magdulot sa mga tao ng ilang materyal na kasiyahan, ito ay tunay na walang silbi kapag nahaharap sa COVID. Sa wakas ay napagtanto ko na ako ay tunay na mangmang at bulag. Napakamapagmatigas ko talaga! Habang tinitingnan ito sa malapit, kahit na nananampalataya ako sa Diyos, lubos kong binalewala ang Kanyang mga salita at hindi ako kailanman tumigil sa aking paghahangad sa kayamanan, katanyagan, at pakinabang; ito ang naging tunay kong saloobin sa Diyos at sa Kanyang mga salita. Noong nahawaan ako ng COVID saka ko lang sinimulang pagnilayan ang sarili ko. Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26). Sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting direktang pang-unawa sa kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang ito. Ang isang tao ay talagang hindi maaaring gumamit ng pera upang bumili ng buhay! Nagawa kong bumangon sa kama at lumuhod para magdasal, “Makapangyarihang Diyos, ako ay napakamangmang at bulag. Sarili ko lang ang dapat sisihin kung bakit ako umabot sa puntong ito ng buhay ko. Iniligtas mo ako sa lahat ng oras na ito, gamit ang mga kapatid na paulit-ulit akong inanyayahan na makibahagi sa buhay-iglesia, ngunit hindi ko kailanman nais na tanggapin ito at tinanggihan ko ang Iyong pagliligtas. Diyos ko, sobra akong nagsisisi. Ngayon, nauunawaan ko nang hindi kayang bilhin ng pera ang kalusugan o ang buhay. Palagi kong hinahangad ang pera, at ginusto kong gamitin ito para mapabuti ang buhay ko, ngunit para kumita ng pera, nabuhay ako sa pisikal at emosyonal na pagkahapo, at muntik ko na itong ikamatay. Ayokong ipagpatuloy ang pamumuhay sa ganoong masakit na paraan. Ayokong ipagpatuloy ang pamumuhay na tulad ng isang ipokrito sa kapaligirang ito ng paglilinlangan na puno ng panloloko at kasinungalingan. Diyos ko, patawarin Mo sana ako at bigyan Mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Pakiusap ay iligtas Mo ako!” Ganyan ako nanalangin at nagsisi. Kahit na ang sakit sa katawan ko ay hindi nabawasan kahit kaunti, sa pagkakataong iyon, kasing-init ng puso ko ang isang bata na niyayakap ng kanyang magulang.

Kinabukasan, nabalitaan ng nanay ko na nahawa ako at pumunta siya para alagaan ako. Binasahan niya ako maraming salita ng Makapangyarihang Diyos, at ang ilan sa mga ito ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang tanging maisip ng mga tao ay katanyagan at pakinabang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at maghuhusga o magpapasya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang mga tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at hirap na hirap silang sumulong. Alang-alang sa katanyagan at pakinabang na ito, lumalayo ang sangkatauhan sa Diyos at nagtataksil sa Kanya at lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng katanyagan at pakinabang ni Satanas(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). “Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Nangingibabaw ito sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng hayagang pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? Marahil hindi nauunawaan ng mga tao ang kasabihang ito sa parehas na antas, ngunit ang lahat ay mayroong magkakaibang mga antas ng interpretasyon at pagkilala sa kasabihang ito batay sa mga bagay na nangyari sa kanilang paligid at sa kanilang mga sariling karanasan. Hindi ba’t ganito ang sitwasyon? Gaano man karami ang karanasan ng isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na maaaring maidulot nito sa puso ng isang tao? Nabubunyag ang isang bagay sa pamamagitan ng disposisyon ng mga tao sa mundong ito, kasama na ang bawat isa sa inyo. Ano ito? Ito ay pagsamba sa salapi. Mahirap bang alisin ito mula sa puso ng isang tao? Napakahirap nito! Tila sadyang napakalalim ng pagtitiwali ni Satanas sa mga tao! Ginagamit ni Satanas ang salapi upang tuksuhin ang mga tao, at tiwaliin silang sumamba sa salapi at ipagpitagan ang mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa salapi? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang manatiling buhay sa mundong ito nang walang salapi, na ang kahit isang araw na walang salapi ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para sa salapi? Hindi ba isinasakripisyo ng maraming tao ang kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming salapi? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para lamang sa salapi? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas? Hindi ba ito malisyosong pandaraya?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama ko na ang bawat pangungusap ay totoo. Ang mga salitang binigkas Niya ay tama, at tumama ito sa kaibuturan ng aking puso. Kapareho ako ng isiniwalat ng Diyos: laging sumasamba sa pera, kumikilos ayon sa ideya ng “pera ang pinakamataas sa lahat.” Naniniwala ako na kung may pera ako, makukuha ko ang lahat at magkakaroon ako ng mas mataas na antas ng pamumuhay, upang mamuhay ayon sa gusto ko at labis akong hahangaan ng iba, samantalang kung wala akong pera, wala akong magagawa. Sa pamamagitan ng isiniwalat ng mga salita ng Diyos, nakita ko ang kasamaan at kasuklam-suklam na mga motibo ni Satanas. Ginamit ni Satanas ang pera, katanyagan, at pakinabang upang kontrolin ang aking isip, na naging dahilan upang mawala ako sa kaibuturan ng mga bagay na ito at ginawa kong layunin at direksyon ng buhay ko ang paghahabol ng pera, sa gayo’y nagdulot sa akin na iwasan at ipagkanulo ang Diyos at lalo akong naging mapanlinlang, masama, at sakim, upang maisama ako kay Satanas na malipol sa huli. Sa nakaraan, palagi akong namumuhay ayon sa mga ideyang ikinintal sa akin ni Satanas, ang aking isip ay nakatuon lang sa pera, katanyagan, at pakinabang. Naniwala ako na walang magagawa ang mga tao kapag walang pera, at na ang mga may pera ay maaaring magtamasa ng isang mas magandang buhay at makakuha ng mas mataas na paghanga ng iba. Ang tila simpleng paniniwalang ito ay nagtali sa akin gamit ang hindi nakikitang mga tanikala, pinapanatili akong matatag na napapailalim sa kontrol ni Satanas, na walang bahid ng lakas ng loob para lumaban. Ganito ako nilinlang at ginawang tiwali ni Satanas. Alang-alang sa kapakanan ng pera, katanyagan, at pakinabang, ako ay naging hiwalay at walang puso, ginagawa ko ang mga bagay sa paano mang paraan, puno ng kasinungalingan at panloloko. Hindi na talaga ako nabubuhay na parang tao. Pagkatapos kumita ng kaunting pera, naglakbay ako sa iba’t ibang lugar, dahil gusto kong maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Sa totoo lang, ito ay pansamantalang paraan lamang para gawing manhid ang aking sarili. Kahit na ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas at oras sa trabaho, ninanais na pagyamanin ang aking buhay, hindi ko na maialis ang kalungkutan na nararamdaman ko sa loob ko. Ang mga salita ng Diyos ang gumising sa aking puso. Sinimulan kong suriing mabuti ang aking mga hinahangad, at hindi ko nais na patuloy na hangarin ang pera, katanyagan, at pakinabang. Ang mga bagay na ito ay hindi kasing-makapangyarihan kumpara sa aking inisip. Nang nakahiga ako sa kama, hindi na ako makabangon, ang mga materyal na kasiyahan at pera ay tila walang halaga. Hindi maililigtas ng pera ang buhay ng tao, at hindi ito ang ugat ng pag-iral ng tao. Hindi nito pinapalaya ang mga tao mula sa pasakit.

Pagkatapos, nagsimula akong maghanap kung paano ako dapat maghangad upang mabuhay ng isang buhay na may halaga at kahulugan. Noong panahong iyon, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Bilang isang normal na tao, na naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa mga tao ng Diyos ang inyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupo lamang ng mga taong ito, na pinili ng Diyos, ang magagawang isabuhay ang isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). “Anuman ang tungkuling ginagampanan ng isang tao, ito ang pinakanararapat na bagay na magagawa nila, ang pinakamaganda at pinakamakatarungang bagay sa gitna ng sangkatauhan. Bilang mga nilikha, dapat gampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin, at saka lamang sila makatatanggap ng pagsang-ayon ng Lumikha. Namumuhay ang mga nilalang sa ilalim ng kapangyarihan ng Lumikha, at tinatanggap nila ang lahat ng ibinibigay ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsibilidad at obligasyon. Ito ay ganap na natural at may katwiran, at inorden ng Diyos. Mula rito ay makikita na, ang paggampan ng mga tao sa tungkulin ng isang nilikha ay mas makatarungan, maganda, at marangal kaysa sa anumang iba pang bagay na nagawa habang namumuhay sa lupa; wala sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang nagdudulot ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilikhang tao, kaysa sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa lupa, tanging ang grupo ng mga taong tunay at taos-pusong gumaganap ng tungkulin ng isang nilikha ang siyang mga nagpapasakop sa Lumikha. Hindi sumusunod sa mga makamundong kalakaran ang grupong ito; nagpapasakop sila sa pamumuno at pagpatnubay ng Diyos, nakikinig lamang sa mga salita ng Lumikha, tumatanggap sa mga katotohanang ipinapahayag ng Lumikha, at namumuhay ayon sa mga salita ng Lumikha. Ito ang pinakatunay, pinakamatunog na patotoo, at ito ang pinakamagandang patotoo ng pananalig sa Diyos. Ang matupad ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap bilang isang kuwento na pupuriin ng lahat ng tao. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng tumutupad sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat sa pagpaparangal—ito ay isang positibong bagay(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng direksyon sa buhay. Naunawaan ko na bilang isang nilikha, dapat mabuhay ang tao upang hangarin ang katotohanan, upang matugunan ang mga layunin ng Diyos, at upang matamo ang pagsang-ayon ng Lumikha. Bilang isang nilikha, dapat gampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin at gampanan ang kanyang responsabilidad; wala nang mas mahalaga o mas makabuluhan pa kaysa rito. Sa pagsunod kay Satanas at sa paghahangad ng pera, katanyagan, at pakinabang, hindi lamang hindi makakamit ng isang tao ang tunay na kaligayahan, lalo rin siyang magiging makasarili at gahaman. Sa huli, sila ay ganap na masisilo ni Satanas at mahuhulog sa walang katapusang pasakit. Ngayon, ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay malapit nang matapos; kung hindi ko pa rin kayang samantalahin ang pagkakataong ito na manampalataya sa Diyos nang maayos, ako ay tunay na napakamangmang. Ayaw kong patuloy na mapahamak ng mga ideyang itinanim sa akin ni Satanas, at nagpasya akong humiwalay sa buhay na ito ng pasakit. Sa ikatlong araw ko ng pagkaratay sa kama, nilalagnat pa rin ako, pero hindi naman na ako gaanong nakararamdam ng sakit. Sinabi ko sa aking ina, “Gusto kong dumalo sa mga pagtitipon.” Hindi nagtagal, nagsimula akong ipamuhay ang buhay-iglesia, at nagpasalamat ako sa Diyos sa aking puso. Binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataon para makabalik sa Kanyang sambahayan, at kinailangan kong pahalagahan ito nang maayos; hindi ko maaaring biguin ang Kanyang mga layunin.

Gayunpaman, may isang problema pa rin akong kinaharap. Mayroon akong ilang matagal nang kliyente sa aking negosyo, at kahit na hindi na ako desperadong nagsisikap na palawakin ang negosyo, ibinuhos ko pa rin ang aking lakas dito. Hindi ako mapakali sa mga pagtitipon, at hindi ko mapakalma ang aking puso sa harap ng Diyos. Pagkatapos ng mga pagtitipon, kukunin ko ang aking telepono at walang ibang makikita kundi mga hindi nasagot na tawag at mensahe mula sa mga kliyente. Sa bawat pagtitipon, naranasan ko ang lahat ng uri ng pang-iistorbo. Naalala ko na minsan, papunta ako sa isang pagtitipon nang kinailangan kong sagutin ang isang biglaang tawag mula sa isang kliyente na nangangailangan ng ilang mga produkto. Malapit na akong makarating sa lugar kung saan kami nagtitipon, ngunit, dahil sa pagpupumilit ng kliyente, pumunta ako sa lugar ng pagtitipon at ipinaalam sa mga kapatid na may nangyari, at saka nagmamadaling umalis. Naramdaman ko na masyado itong nakakasagabal sa mga pagtitipon, at ginusto kong bitawan na ang negosyo, ngunit lubos akong naguguluhan. Dati, nakikipagkita ako sa mga kliyente buong araw, gustong mapanatili ang aking mga ugnayan sa kanila sa anumang paraan na kinakailangan. Kapag huminto ako ngayon at sayangin ko ang lahat ng aking mga pagsisikap noon, talagang nakapanghihinayang ito. Nais kong dumalo sa mga pagtitipon, ngunit hindi ko mabitiwan ang pera, kaya’t nanalangin ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na ipakita sa akin kung paano ito malalampasan.

Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mababait sa inyo ay tatalikuran ang pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nag-aalangan ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na matapat kayo, ito ang pipiliin ninyong lahat, at magiging pareho pa rin ang ugali ninyo. Hindi ba ganoon? Hindi ba marami sa inyo ang pabagu-bago ng pagpili sa pagitan ng tama at mali? Sa mga paligsahan sa pagitan ng positibo at ng negatibo, ng itim at ng puti, siguradong alam ninyo ang mga pagpiling nagawa ninyo sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng kapayapaan at ng pagkagambala, ng kayamanan at ng kahirapan, ng katayuan at ng pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maipagtabuyan, at iba pa. Sa pagitan ng tahimik na pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang una, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang una, at ayaw pa nga ninyong magbago ng isip; sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang una; sa pagpili sa pagitan ng inyong mga anak at asawa at sa Akin, pinili ninyo ang una; at sa pagitan ng kuru-kuro at ng katotohanan, muli ninyong pinili ang una. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo. Talagang manghang-mangha Ako sa katigasan ng puso ninyo. Mukhang walang anumang idinulot sa Akin ang maraming taon ng dedikasyon at pagsisikap kundi ang inyong pagpapabaya at kawalang-pag-asa, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit patuloy ninyong hinahanap ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kahihinatnan? Napag-isipan na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang una pa rin kaya? Bibiguin at palulungkutin pa rin kaya ninyo Ako nang husto? May kaunting pag-aalab pa rin kaya sa puso ninyo? Hindi pa rin kaya ninyo malalaman kung paano aaliwin ang puso Ko? Sa sandaling ito, ano ang pipiliin ninyo? Magpapasakop ba kayo sa Aking mga salita o tututol sa mga ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakilala ko na tulad ng sinabi ng Diyos, ako ay isang tao na kumukuha ng pera sa isang kamay at ng katotohanan naman sa kabila. Bagama’t malinaw kong nakita na hindi maililigtas ng pera ang buhay ng tao, na hindi ito ang ugat ng pag-iral ng tao, at hindi nito kayang palayain ang mga tao mula sa pasakit, hindi ko pa rin nakayanan ang tukso nito. Kapag may negosyo akong naghihintay na gawin na sumabay sa oras ng pagtitipon, inuuna ko ang pera at hindi ako nakagawa ng tamang pagpili. Hindi ba’t naging matigas ang ulo ko at wala akong katwiran? Ako ay tulad ng isiniwalat ng mga salita ng Diyos: “Ngunit patuloy ninyong hinahanap ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito.” Ang puso ko ay mapagmatigas at sutil, kahit kaunti ay hindi ko naunawaan ang pagiging maalalahanin ng Diyos, at hindi ko lubos na naunawaan kung paano nagtiyaga ang Diyos sa paghihintay sa tao. Nais kong maniwala sa Diyos nang maayos; hindi ko na kayang mabigong mamuhay ayon sa Kanyang mga layunin. Gayunpaman, alam kong maliit ang tayog ko at hindi ko ito malalampasan nang mag-isa. Agad akong nanalangin sa Diyos, “Diyos ko! Gusto kong kumawala sa buhay na ito. Abala ako sa pagtatrabaho at pagkita ng pera sa buong araw, at hindi ko mabasa nang mahinahon ang Iyong mga salita at makipagtipon. Ang pamumuhay nang ganito ay seryosong nakaapekto sa aking buhay-iglesia. Diyos ko, pakiusap bigyan Mo ako ng paraan. Gusto ko talagang magbago; mangyaring bigyan Mo ako ng pananalig at lakas upang makawala sa buhay na ito ng pasakit.”

Kalaunan, sa isang pagtitipon, nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos na nakaantig nang malalim sa aking puso. Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang mga matang puno ng panlilinlang at pagkiling sa iba ay mga bagay na hindi dapat taglayin ng mga kabataan, at hindi dapat magsagawa ang mga kabataan ng mapanira at kasuklam-suklam na mga gawain. Hindi sila dapat mawalan ng mithiin, hangarin, at masigasig na pagnanasang pagbutihin ang sarili nila; hindi sila dapat panghinaan ng loob tungkol sa kanilang mga pag-asam, at ni hindi sila dapat mawalan ng pag-asa sa buhay o ng tiwala sa hinaharap; dapat silang magtiyagang magpatuloy sa daan ng katotohanan na pinili na nila ngayon—upang matanto ang kanilang naising gugulin ang kanilang buong buhay para sa Akin. Hindi sila dapat mawalan ng katotohanan, ni hindi sila dapat maging mapagpaimbabaw at makasalanan—dapat silang maging matatag sa wastong paninindigan. Hindi sila dapat magpatangay na lamang, kundi dapat silang magkaroon ng espiritung may tapang na magsakripisyo at makibaka para sa katarungan at katotohanan. Ang mga kabataan ay dapat magkaroon ng katapangang huwag sumuko sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at baguhin ang kabuluhan ng kanilang pag-iral. Hindi dapat isuko ng mga kabataan ang kanilang sarili sa paghihirap, kundi dapat silang maging bukas at prangka, at mapagpatawad sa kanilang mga kapatid. … Hindi dapat mawalan ng paninindigan ang mga kabataan na gamitin ang pagkakilala sa mga isyu at maghanap ng katarungan at katotohanan. Dapat ninyong hangarin ang lahat ng bagay na maganda at mabuti, at dapat ninyong matamo ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Dapat kayong maging responsable sa inyong buhay, at huwag ninyong maliitin ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda). “Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay buhay, at ang samantalahin ang panahon ay nakapagliligtas ng buhay! Hindi na malayo ang oras! Kung hindi kayo makapasa sa pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo, maaari kayong mag-aral at kumuha muli ng pagsusulit kahit ilang ulit ninyo naisin. Gayunman, ang Aking araw ay hindi na maaantala. Tandaan! Tandaan! Hinihimok Ko kayo sa pamamagitan ng mabubuting salitang ito. Nagaganap ang katapusan ng mundo sa harap mismo ng inyong mga mata, at matuling nagsisilapit ang malalaking sakuna. Ano ang mas mahalaga: ang buhay ninyo, o ang inyong pagtulog, ang pagkain, inumin, at kasuotan? Dumating na ang oras para timbangin ninyo ang mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 30). Nang mabasa ang mga salitang ito ng Diyos, naantig ang puso ko, at naisip ko, “Ilang beses ko na itong napalampas, at hindi ko na maibabalik ang panahong iyon. Sa panahon ngayon, magulo ang sitwasyon sa lahat ng mga bansa, na may mga walang tigil na lindol, digmaan, pandemya, at iba pang mga sakuna na natural o kaya gawa ng tao. Hindi na ako magkakaroon ng maraming pagkakataon para hanapin ang katotohanan at sundan ang Diyos. Kung patuloy kong mapapalampas ito, baka mapalampas ko na ito habambuhay; baka hindi na ako magkaroon ng isa pang pagkakataon kahit kailan. Maghihintay ba talaga ako hanggang sa maharap ako sa kamatayan para manampalataya sa Diyos? Hindi ba ito magiging huli na? Ano ang mas mahalaga, ang pagkita ng pera o ang aking buhay? Oras na para timbangin ko ang lahat ng ito.” Nadama ko ang mga layunin at hinihingi ng Diyos para sa mga kabataan mula sa Kanyang mga salita na nagsasabing: “Ang mga kabataan ay dapat magkaroon ng katapangang huwag sumuko sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at baguhin ang kabuluhan ng kanilang pag-iral(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita para sa mga Kabataan at Matatanda). Ang mga salita ng Diyos ay nagbigay sa akin ng pananalig at lakas. Hindi ko na maaaring ipagpatuloy ang ganitong pagiging matigas ang ulo at walang katwiran. Hindi ako dapat mabuhay para sa pera, katanyagan, at pakinabang; ang dapat kong gawin ay lumakad sa landas ng pananampalataya sa Diyos at paghahangad ng katotohanan. Kailangan ko nang ihinto ang nakaraan kong buhay, kaya nagpasya akong bitawan ang negosyong ito.

Pagkatapos niyon, nabanggit ko ang ideyang ito sa aking mga kamag-anak. Ginawa nila ang lahat para hikayatin akong huwag itong gawin, sinasabi nilang itataas nila ang bayad sa akin sa pagtatapos ng taon at ang buwanang sahod ko. Sa ganoong paraan, kikita ako ng higit sa 10,000 yuan bawat buwan, at kapag idinagdag ang bayad sa pagtatapos ng taon, kikita ako ng halos 200,000 yuan sa isang taon. Medyo malaki na ito para sa isang tao na nasa isang maliit na bayan. Sobra akong natutukso, at kahit na ito ay isang kaakit-akit na alok, nakapagdesisyon na ako. Hindi ko na gustong mabuhay sa ganitong buhay ng pagkuha ng pera sa isang kamay at ng katotohanan sa kabila. Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Kung ikaw ay may mataas na katayuan, may marangal na reputasyon, may saganang kaalaman, nagmamay-ari ng napakaraming ari-arian, at suportado ng maraming tao, subalit hindi ka napipigilan ng mga bagay na ito na lumapit sa Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagtawag at ang Kanyang atas, at gawin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo, ang lahat ng iyong ginagawa ay magiging pinakamakabuluhan sa lupa at pinakamakatarungan na gawain ng sangkatauhan. Kung tatanggihan mo ang tawag ng Diyos para sa kapakanan ng katayuan at sarili mong mga mithiin, lahat ng iyong gagawin ay susumpain at kamumuhian pa ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Dati, nabubuhay ako para sa aking laman at para kay Satanas, na nakatuon lamang sa pera, katanyagan, at pakinabang. Dahil dito, lalo akong naging masama at tiwali, palayo ako nang palayo sa Diyos at ginugol ko ang bawat araw bilang isang naglalakad na bangkay. Ngayon, gusto kong baguhin ang aking paraan ng pamumuhay at buong pusong sumunod sa Diyos.

Kalaunan, hinimok ako ng aking mga kamag-anak na manatili muli, at alam kong ginagamit sila ni Satanas para pigilan ako sa pagharap sa Diyos, nanalangin ako sa Diyos at hiniling sa Kanya na ipakita sa akin ang daan palabas, “Diyos ko, hindi ko nais na patuloy na hangarin ang pera, katanyagan, at pakinabang at lumakad sa maling landas. Gusto kong mamuhay ng isang buhay na may kahulugan at halaga. Pakigabayan Mo ako at bigyan ako ng pananampalataya upang madaig ang tuksong ito mula kay Satanas!” Naunawaan ko na ito ang paraan ni Satanas ng pag-akit at pagkumbinsi sa akin, kaya natatawang sinabi ko sa mga kamag-anak ko, “Alam kong mabuti ang inyong mga hangarin, pero gusto kong makipagsapalaran sa mundo habang bata pa ako at hindi laging umaasa sa mga kamag-anak at kaibigan. Nakapagdesisyon na ako; tatayo na ako sa sarili kong mga paa.” Nakita ng aking mga kamag-anak na nakapagdesisyon na ako, at iginalang nila ang aking desisyon. Naunawaan ko na ito ang pagpapakita sa akin ng Diyos ng isang paraan, at kinuha ko ang pagkakataong ito para bitawan ang aking trabaho. Pagkatapos niyon, nagawa kong manampalataya sa Diyos at dumalo sa mga pagtitipon nang may kapayapaan ng isip, at sinimulang gawin ang aking tungkulin. Kapag nakikisalamuha ako sa mga kapatid, hindi ko na kinailangan pang magsuot ng maskara at magkunwari tulad noong nagnenegosyo ako. Sa iglesia, kaya kong alisin ang lahat ng pasanin at mga pagkukunwari. Kung mayroon akong anumang isyu, maaari akong manalangin sa Diyos, at maaari kong buksan ang aking puso sa mga kapatid at makipag-usap sa kanila, at tutulungan nila ako nang tapat at buong puso. Naramdaman ko kung gaano katotoo at kabait ang mga kapatid, at nakaramdam ako ng pagmamahal. Ito ang mga bagay na hindi ko kailanman naramdaman noon. Napakasaya kong namumuhay nang ganoon, at ang gayong kapayapaan at kagalakan ay mga bagay na hindi mabibili ng kahit gaano karaming pera! Ngayon, nakahanap na ako ng simple at ordinaryong trabaho, at ang pagkakaroon lang ng mga damit at pagkain ay sapat na para sa akin. Inilalagay ko ang aking oras at lakas sa kung ano ang pinakamakabuluhan at mahalaga: paghahangad ng katotohanan at paggawa ng aking tungkulin nang maayos. Salamat sa Diyos sa pagpahintulot Niyang magkaroon ako ng COVID at sa paggising ng manhid kong puso, at sa pagtulong sa akin para makita ko nang malinaw ang landas at direksyon ng aking buhay at magawa ko ang pinakatamang pagpili.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpili ng Isang Doktor

Ni Yang Qing, Tsina Noong bata pa ako, napakahirap ng pamilya ko. Paralisado ang aking ina, nakaratay, at buong taong umiinom ng gamot, at...

Ang Lihim na Payo Upang Lutasin ang Poot

Ang Diyos ay habambuhay na pinakamataas at marangal, habang ang tao ay habambuhay na mababa at walang kabuluhan. Ito ay dahil habambuhay na nagsasakripisyo ang Diyos at inilalaan ang Kanyang sarili sa sangkatauhan; ang tao, sa kabilang banda, ay habambuhay na kumikilos para lamang sa kanyang sarili.

Ang Pinili ng Guro

Ni Mo Wen, Tsina Habang lumulubog ang araw sa kanluran, sa oras ng takipsilim, bukas ang pinto ng isang maliit na bahay sa bukid, na may...

Leave a Reply