Ang Pananalig Ba sa Biblia ay Kapareho ng Pananalig sa Diyos?

Pebrero 4, 2021

Ni Danchun, Estados Unidos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa loob ng maraming taon, ang kinaugaliang paraan para maniwala ang mga tao (sa Kristiyanismo, isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo) ay ang basahin ang Biblia. Ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa mga panuntunan sa pananampalataya, at maling paniniwala, at kahit na magbasa pa ang mga tao ng ibang mga libro, ang paliwanag sa Biblia ang dapat na pundasyon ng mga librong ito. Ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, at maliban sa Biblia, hindi ka dapat sumamba sa anumang aklat na walang kinalaman sa Biblia. Kung ginagawa mo iyon, pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula sa panahon ng pagkakaroon ng Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang pananalig sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuting sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuting sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang dugong bumubuhay sa kanila, at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at mayroon pang ang turing dito ay mas mataas kaysa sa Diyos. Kung wala sa mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari pa rin silang patuloy na mabuhay—ngunit sa sandaling mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga kilalang kabanata at kasabihan mula sa Biblia, parang nawalan na rin sila ng buhay. … Ang Biblia ay naging diyos-diyosan sa isipan ng mga tao, ito ay naging isang palaisipan sa kanilang mga utak, at sadyang hindi nila kayang paniwalaang makagagawa ang Diyos ng gawaing nasa labas ng Biblia, hindi nila kayang paniwalaan na matatagpuan ng mga tao ang Diyos nang labas sa Biblia, at mas lalong hindi nila magawang paniwalaan na maaaring lumihis ang Diyos sa Biblia sa huling gawain at magsimulang muli. Hindi ito sukat maisip ng mga tao, hindi sila makapaniwala rito, at hindi rin nila ito makita sa kanilang isipan. Ang Biblia ay naging isa nang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pagpapahirap sa pagpapalawak ng Diyos ng bagong gawaing ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). Inilalantad ng mga salita ng Diyos ang mga mali sa ating dating pananalig. Nang isinagawa ko ang relihiyon noon, akala ko ang pananalig sa Biblia ay pananalig sa Diyos. Naniwala pa nga ako na mas mataas ang Biblia kaysa sa Diyos. Ang mga bersikulo sa Biblia, lalo na yung mga klasiko, ang kinapitan ko. Hindi ako tunay na nakikinig sa tinig ng Diyos, lalo na pagdating sa pagsalubong sa Panginoon. Narinig kong may nagpatotoo na nagbalik ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, gumagawa ng gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit hindi ko ‘yon hinanap. Muntik ko nang mapalagpas ang pagkakataong masalubong ang Panginoon. Tinulutan ako ng patnubay ng Diyos na salubungin ang Panginoon at tanggapin ang gawain Niya sa mga huling araw.

Bininyagan ako noong 2001 at pormal na tinanggap ang Panginoong Jesus, tapos naging napaka-aktibo ko sa paglilingkod ko sa iglesia. Pero napansin kong inuulit lamang ng pastor ang mga sermon, at walang bagong maipangaral. Dinispalko niya rin ang pondo ng iglesia. Palaging nagkukumpitensya ang mga magkakatrabaho para sa katayuan. Labis na nakakadismaya ang lahat ng ito at umurong ako sa paglilingkod ko sa iglesia. Sa sumunod na mga taon, patuloy akong nanalangin at nagbasa ng Biblia, pero lagi akong nakakaramdam ng espirituwal na kahungkagan. Naghanap ako ng mas mabuting landas, umaasang makahanap ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu, na makakapagpaginhawa sa akin.

Nakilala ko si Sister Li online noong 2018. Sinisiyasat niya raw Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang ang Makapangyarihang Diyos, at dapat ko rin daw ‘yong siyasatin. Nagulat ako, naisip ko, “Laging sinasabi ng mga pastor at elder na ang Biblia ang tunay na Kristiyanong pamantayan at may sukdulang awtoridad, nakabase sa Biblia ang pananalig natin, at maling pananampalataya na ang iba. Lumalagpas sa Biblia ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya gaano man ‘yon kagandang pakinggan, hindi tayo pwedeng makinig, magbasa o makipag-ugnayan dun.” Magalang kong tinanggihan ang alok ni Sister Li. Pero hindi ako mapalagay tungkol sa lahat ng ‘yon, naisip ko, “Mahalaga ang pagbabalik ng Panginoon. Gusto ba ng Panginoon, na basta ko na lang na tanggihan ang pagsisiyasat no’n? Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit(Mateo 5:3). Dapat akong maghanap nang may bukas na isipan kapag narinig kong nagbalik na ang Panginoon.” Pero nang naisip ko ang mga salita ng pastor, hindi ako nagtangka. Hindi ako makatulog at hindi ako mapakali no’ng gabing ‘yon. Gulung-gulo talaga ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Dahil nalilito, nanalangin ako sa Panginoon, hiniling ko sa Kanyang patnubayan ako na pumili ng tama. Sa mga sumunod na araw, Nakahanap ako ng impormasyon sa internet tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nag-alangan ako nang makakita ako ng ilang negatibong artikulo. Tinanong ko kung sisiyasatin ko ba. Pero naalala ko kung gaano kahalaga ang pagbabalik ng Panginoon. Hindi pwedeng basta na lang akong makinig sa iba o sumunod sa nakararami. Kailangan ko talaga ‘yong saliksikin. Tiningnan ko ang website ng Iglesia at ang mga video na naroon. Tapos may nakita akong music video na tinatawag na “Kaharian ni Cristo’y Tahanang Magiliw.” Nakakapagpasigla at nakakapagpagaan ‘yon ng puso’t damdamin—nahikayat ako agad ng kantang ‘yon. Tiningnan ko ang kabuuan ng site at nakita ang lahat ng klase ng video’t pelikulang gawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gaya ng mga piyesang pang-koro, mga music video, mga pelikula, pagbigkas ng mga salita ng Diyos, mga himno, at mga pelikula ng karanasang patotoo. Talagang dinamiko ang lahat ng ‘yon na may magagandang aral. Talagang napukaw ako no’n. Sinimulan kong isa-isang panoorin ‘yon.

Mahigit isang dosena ang napanood ko noong isang linggong ‘yon. Praktikal at nagbibigay-liwanag ang mga pagbabahagi ro’n. Pinakita no’n kung bakit hungkag ang mundo ng relihiyon at walang gawain ng Banal na Espiritu at kung paano natin eksaktong dapat salubungin ang Panginoon. Ipinaliwanag din ng mga video kung sino’ng pinagpapala ng Diyos at kung sino’ng pinaparusahan Niya. Marami akong problema at mga tanong sa loob ng maraming taon na nalinawan. Naramdaman ko na ang mga pelikula ng Iglesia ay napakalaking tulong at talagang nakapagbibigay ng kasiyahan. Talagang napag-isip ako no’n. Hindi naman heretikal ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Kung talagang hindi ‘yon mabuti, paano sila nakagawa ng mga ganitong pelikula na nakapagpapaliwanag? Sinasabi ng lahat ng denominasyon na sila ang tunay na pananampalataya sa Panginoong Jesucristo, pero wala sa iba ang nakagawa ng napakaraming pelikulang sumasaksi sa Diyos. Naisip ko rin ang mga pastor at elders na nagsasabi na maraming tunay na mananampalataya sa iba’t ibang mga denominasyon ang tumanggap na sa Makapangyarihang Diyos at nasa lahat ng dako na ngayon ng mundo ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pinaalala nito sa’kin ang sinabi ni Gamaliel: “Sapagkat kung ang pasyang ito o ang gawaing ito ay sa mga tao, mawawasak ito: Datapuwat kung sa Diyos, hindi ninyo ito mawawasak; baka pa kayo’y masumpungang lumalaban sa Diyos” (Mga Gawa 5:38–39). Dapat lumago ang nagmumula sa Diyos, at napakalaki ng posibilidad na talagang mula sa Diyos ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero kahit na gan’on napakarami ko pa ring katanungan: “Ang librong, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao, ay binanggit sa mga pelikula nila. Bakit hindi nagbabasa ng Biblia ang mga miyembro ng iglesia nila? Hindi ba ‘yon pagtalikod sa Biblia? Palaging inuulit na sabihin ng mga pastor at elders na ang Biblia ang pamantayan ng Kristiyanismo at may pinakaganap na awtoridad, at ang pinakamahalaga, higit sa lahat, ay pagsunod sa Biblia, at ang anupamang iba ay erehiya.” Nag-isip ako nang nag-isip pero ilang beses ko man ‘yong isipin hindi ko talaga ‘yon maintindihan. Tapos naisip ko ang mga salitang ito mula sa Panginoong Jesus: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:7). Sabi ko sa sarili ko, “Dahil sinasabi ng mga tao na nagbalik na ang Panginoong Jesus, kahit gaano pa karami ang mga pag-aalinlangan ko, kung may kaunting pag-asa na totoo ‘yon, dapat sundan ‘yon, dahil hindi dapat palampasin ang pagkakataong masalubong ang Panginoon.”

Noong tiningnan ko ang website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napanood ko ang isang clip mula sa pelikulang Lumabas sa Biblia, at ang paksang “Gumagawa Ba ang Diyos Ayon sa Biblia?” ay halos agad na pumasok sa aking isipan. Hindi ako nakapaghintay at sinimulan kong panoorin ang pelikula at nakita ko si Sister Wang na nagtanong sa isang pastor: “Kasasabi mo lang na hindi pwedeng lumayo sa Biblia ang Diyos para isagawa ang pagliligtas, na erehiya ang anupamang labas sa Biblia. Kung gan’onano ba talaga ang nauna, ang Biblia, o ang gawain ng Diyos?” Nang marinig ko ang tanong na ‘yon, narinig kong sinabi ng konsensya ko, “Siyempre ang gawain ng Diyos ang nauna bago ang Biblia!” Sabi ni Sister Wang, “Sa simula, nilikha ng Diyos na si Jehova ang langit, lupa, at lahat ng bagay. Winasak Niya sa baha ang mundo, sinunog ang Sodoma at Gomora. Umiiral ba ang Lumang Tipan nang ginawa Niya ang lahat ng bagay na ito?” Sinasabi sa’kin ng konsiyensya ko na: “Hindi. Ang Diyos ang Simula. Nilikha Niya ang lahat ng bagay bago pa umiral ang pagsusulat, lalo na ang Biblia!” Nagpatuloy si Sister Wang: “Walang mga Kasulatan noong isinagawa ng Diyos ang gawain Niya. Ang nangyari, unang ginawa ang gawain ng Diyos, tapos isinulat ‘yon sa mga Kasulatan. At nang dumating ang Panginoong Jesus para gumawa sa Kapanahunan ng Biyaya, walang Bagong Tipan. Matapos ang tatlong daang taon, nagsagawa ng pagpupulong ang mga lider ng mga relihiyon mula sa buong mundo. Pinili nila ang Apat na Ebanghelyo bilang mga talaan ng gawain ng Panginoong Jesus at idinagdag din ang ilan sa mga sulat ng mga apostol sa mga iglesia at ang Pahayag, kasulatan na itinala ni Juan. Tinipon nila ang lahat ng ito, sa kilala natin bilang ang Bagong Tipan. Makikita natin mula sa proseso ng paglikha sa Biblia na nauna ang gawain ng Diyos, at pagkatapos ay sinulat ‘yon sa Biblia. Kung wala ang gawain ng Diyos, ni hindi iiral ang Biblia. Kaya ang tama, hindi gumagawa ang Diyos batay sa Biblia at hindi nalilimitahan no’n. Gumagawa Siya ayon sa sarili Niyang plano at partikular na mga pangangailangan ng sangkatauhan. Kaya hindi natin istriktong maikukulong ang gawain ng Diyos sa kung ano lang ang nasa Biblia o gamitin ang Biblia para limitahan ang gawain Niya. Hindi natin masasabi na erehiya ang anumang nasa labas ng Biblia.”

Matapos ‘yon, nagbahagi pa si Sister Yang na nasa pelikula. “Hindi ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain Niya ayon sa Lumang Tipan. Pinangaral Niya ang daan ng pagsisisi, pinagaling ang may sakit at nagpalayas ng mga demonyo, at gumawa pa sa Araw ng Pamamahinga. Wala sa mga ‘yon ang nasusulat sa mga Kasulatan nung panahong ‘yon. Kung mapapansin niyo, parang sinalungat pa no’n ang mga batas ng Lumang Tipan. Lahat ng mga punong saserdote, eskriba, at Fariseo ay kinondena ang Panginoong Jesus dahil laban noon sa mga Kasulatan ang gawain at mga salita Niya. Kung sasabihin lang natin na erehiya ang lahat ng labas sa Biblia, hindi ba ‘yon pagkondena sa lahat ng gawain ng Diyos sa buong panahon?”

Nagulat ako, at bigla kong natanto na totoo pala ‘yon. Nangaral at gumawa ang Panginoong Jesus sa Araw ng Pamamahinga, at nagpagaling ng may sakit. Walang kahit ano r’on ang nabanggit kailanman sa Lumang Tipan. Dahil labas sa mga Kasulatan ang gawain Niya, kinondena ng mga punong saserdota, eskriba, at mga Fariseo ang gawain ng Panginoong Jesus bilang erehiya at sa huli ay ipinapako Siya sa krus hanggang sa mamatay Siya. Pinarusahan sila ng Diyos. Kung talagang ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus at naniniwala tayo na ang anuman bukod sa Biblia ay erehiya, hindi ba’t pagkondena ‘yon sa gawain ng Diyos? Isa ‘yong pagkakasala sa Diyos! Talagang natakot ako nang maisip ko ‘yon. Alam kong hindi ko na pwedeng panghawakan ang mga luma kong ideya. Kaya nanood pa ako.

Nagbasa ang sister sa pelikula ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. “Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y wala nang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang patotoo sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at na hindi ito nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at ang gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo—hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4). “Ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan, at kung nakain at nainom mo na ang Lumang Tipan sa Kapanahunan ng Biyaya—kung naisagawa mo na kung ano ang kinailangan sa panahon ng Lumang Tipan noong Kapanahunan ng Biyaya—maaaring ikaw ay tatanggihan at kokondenahin ni Jesus; kung ginamit mo ang Lumang Tipan sa gawain ni Jesus, maaring ikaw ay naging isang Fariseo. Kung ngayon ay pinag-isa mo ang Luma at Bagong Tipan sa iyong pagkain at pag-inom, at pagsasagawa, kokondenahin ka ng Diyos ng ngayon; ikaw ay mapag-iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan! Kung kumakain at umiinom ka ng Lumang Tipan at ng Bagong Tipan, ikaw ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu! Noong panahon ni Jesus, pinamunuan Niya ang mga Judio at ang lahat ng sumunod sa Kanya ayon sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kanya noong panahong iyon. Hindi Niya ginamit ang Biblia bilang basehan ng Kanyang ginawa, kundi nagsalita Siya ayon sa Kanyang gawain; hindi Niya binigyang-pansin kung ano ang sinabi ng Biblia, o kaya ay naghanap sa Biblia ng landas upang pamunuan ang Kanyang mga tagasunod. Mula noong nagsimula Siyang gumawa, ipinalaganap Niya ang daan ng pagsisisi—ni isang salita tungkol dito ay hinding-hindi nabanggit sa mga propesiya sa Lumang Tipan. Hindi lamang Siya hindi kumilos ayon sa Biblia, kundi Siya ay namuno rin sa isang bagong daan, at gumawa ng bagong gawain. Kahit kailanman ay hindi Siya sumangguni sa Biblia kapag Siya ay nangangaral. Noong Kapanahunan ng Kautusan, walang sinuman ang nakagawa ng Kanyang mga himala ng pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo. Gayundin, ang Kanyang gawain, ang Kanyang mga turo at ang awtoridad at kapangyarihan ng Kanyang mga salita ay lampas sa sinumang tao noong Kapanahunan ng Kautusan. Basta lamang ginawa ni Jesus ang Kanyang mas bagong gawain, at kahit na maraming tao ang kumondena sa Kanya gamit ang Biblia—at ginamit pa nga ang Lumang Tipan upang ipapako Siya sa krus—nahigitan ng Kanyang gawain ang Lumang Tipan; kung hindi, bakit ipinako Siya ng mga tao sa krus? Hindi ba ito dahil sa walang binanggit ang Lumang Tipan sa Kanyang turo, at sa Kanyang kakayahan na magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo? Ang Kanyang gawain ay ginawa upang umakay sa bagong daan, hindi ito para sadyang maghamon ng away laban sa Biblia, o kaya ay sadyang iwaksi ang Lumang Tipan. Pumarito lamang upang gampanan ang Kanyang ministeryo, upang dalhin ang bagong gawain sa mga naghahangad at naghahanap sa Kanya. Hindi Siya dumating upang ipaliwanag ang Lumang Tipan o itaguyod ang gawain nito. Ang Kanyang gawain ay hindi para pahintulutan ang Kapanahunan ng Kautusan na magpatuloy sa pagyabong, dahil hindi isinaalang-alang ng Kanyang gawain kung pagbabatayan ba nito ang Biblia; Si Jesus ay pumarito lamang upang gawin ang gawain na dapat Niyang gawin. Kaya hindi Siya nagpaliwanag ng mga propesiya ng Lumang Tipan, ni hindi Siya gumawa nang ayon sa mga salita ng Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan. Hindi Niya pinansin ang sinabi ng Lumang Tipan, hindi mahalaga sa Kanya kung ang Kanyang gawain ay umaayon dito o hindi, at hindi mahalaga kung ano ang alam ng iba sa Kanyang gawain, o kung paano nila kinondena ito. Ipinagpatuloy lamang Niya ang gawain na dapat Niyang gawin, kahit na maraming tao ang gumamit ng mga propesiya ng mga propeta ng Lumang Tipan upang kondenahin Siya. Sa mga tao, lumitaw na parang ang Kanyang gawain ay walang batayan, at marami rito ang salungat sa mga talaan sa Lumang Tipan. Hindi ba ito kamalian ng tao? Ang doktrina ba ay kailangang iangkop sa gawain ng Diyos? At Diyos ba ay dapat na gumawa ayon sa mga propesiya ng mga propeta? Kung tutuusin, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangang gumawa ang Diyos nang naaayon sa Biblia? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaring lumihis ang Diyos sa Biblia at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1).

Ibinahagi ito ni Sister Wang: “Maraming taon nating ipinantay ang Diyos at ang Biblia sa isa’t isa, iniisip na hindi pwedeng lumagpas sa Biblia ang gawain Niya. at anumang pananalig na wala sa Biblia ay hindi pananalig, kundi erehiya. Ang totoo, ang Biblia ay talaan lang ng unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Patotoo ito ng Diyos para patnubayan at iligtas ang mga tao matapos likhain ang langit, lupa, lahat ng bagay, at sangkatauhan. Hindi ‘yon kumakatawan sa lahat ng gawain Niya para iligtas ang tao. Napakalimitado ng mga salita ng Diyos sa Biblia. May ilang pahiwatig ng disposisyon sa buhay ng Diyos, pero hindi no’n tinataglay ang lahat ng ‘yon. Hindi gumagawa ang Diyos ayon sa Biblia o sinasangguni ‘yon sa gawain Niya. Hindi ‘yon pantukoy sa landas para gabayan ang mga tagasunod Niya. Patuloy na kumikilos pasulong ang gawain Niya. Sinimulan Niya ang bagong kapanahunan at bagong gawain. Ipinapakita Niya sa tao ang bagong landas at mas malalaking katotohanan para magkamit tayo ng malaking kaligtasan. Hindi Niya tayo pinamumunuan batay sa luma Niyang gawain. Kaya nga hindi gumagawa ang Diyos batay sa Biblia. Siya ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga, at pati ng Biblia. May karapatan Siyang gumawa nang lagpas sa Biblia, magsagawa ng bagong gawain Niya batay sa Kanyang plano at pangangailangan ng sangkatauhan. Talagang hindi pwedeng maging pareho ang gawain ng Diyos mula sa magkaibang kapanahunan. Hindi wasto sa anumang kahulugan ang pagsasabing erehiya ang anumang labas sa Biblia.”

Napahiya ako nang panoorin ko ‘yon. Nakaayon sa katotohanan ang mga ibinahagi niya. Lumagpas pa sa Lumang Tipan ang gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Hindi ba ipinapakita no’n na bilang Panginoon ng paglikha, lubos ang kakayahan Niyang gumawa nang lagpas sa Biblia? Bakit hindi ko naisip ang tungkol sa lahat ng ito noon pa? Ang pagsasabi na “erehiya ang anumang labas sa Biblia” ay mali at walang basehan. Naging napakahangal ko at walang alam!

Habang patuloy ako sa panonood, talagang nakuha ang atensyon ko sa sinabi ng sister. Ang sabi niya, “Ang Biblia ay isang patotoo lang at talaan ng gawain ng Diyos. Di ‘yon makapagbibigay ng walang-hanggang buhay. Kahit naiiba ito sa tradisyonal na mga ideya, ito’y ‘di mapag-aalinlanganan, gaya ng pagsaway ng Panginoong Jesus sa mga Fariseo noon, ang sabi, ‘Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa Akin. At ayaw ninyong magsilapit sa Akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay(Juan 5:39–40). Sinabi ng Panginoong Jesus na walang buhay na walang hanggan sa mga Kasulatan at mali ang pagtatangkang maghanap do’n ng buhay na walang hanggan. Hindi sapat ang Biblia lang para makamtan ang katotohanan at ang buhay. Matatagpuan lang natin ang mga ‘yon kay Cristo Mismo.” Namulat ang mata ko nang marinig ko ‘yon. Matagal nang sinabi ng Panginoong Jesus na walang buhay na walang hanggan sa Biblia. Ang Diyos lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at ang makapagbibigay ng buhay na walang hanggan. Bakit hindi ko ‘yon kailanman napagtanto nang basahin ko ‘yon dati?

Nagbasa ang sister ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos sa pelikula. “Yamang mayroong mas mataas na daan, bakit pag-aaralan ang mas mababa at makalumang daan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawain, bakit ka mamumuhay batay sa lumang mga talaan ng kasaysayan? Ang mga bagong pagbigkas ay maaaring makapagtustos sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawain; ang mga lumang talaan ay hindi ka mabibigyang-kasiyahan, o hindi makatutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan na ang mga ito, at hindi gawain ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na daan ay ang pinakabagong gawain, at sa bagong gawain, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito ay kasaysayan lamang na ginugunita ng mga tao, at kahit ano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito ay lumang daan pa rin. Kahit na ito ay naitala sa ‘banal na aklat,’ ang lumang daan ay kasaysayan; kahit na walang nakatala tungkol dito sa ‘banal na aklat,’ ang bagong daan ay para sa naririto at sa ngayon. Ang daan na ito ay maaari kang iligtas, at ang daan na ito ay maaari kang baguhin, dahil ito ang gawain ng Banal na Espiritu(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 1). Tapos ibinahagi niya: “Ang Biblia ay may mga propesiya lang ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, walang salaysay, pero ito ay mas malalim at mas mataas na yugto ng gawain na batay sa kasalukuyang pangangailangan ng tao. Sa dulo ng Kapanahunan ng Kautusan, masyado nang naging tiwali ang lahat at kamatayan ang parusa sa ilalim ng batas. Personal na naging tao ang Diyos, dumating sa lupa’t ipinako sa krus bilang handog para sa kasalanan ng tao. Isinagawa ng Diyos ang pagtubos batay sa gawain ng kautusan. Kahit hindi ‘yon isinulat sa mga Kasulatan, gumawa Siya ayon sa pangangailangan ng tao pati na sa sarili Niyang plano. Hindi Niya kailanman itinigil ang batas, kundi tinupad ito. Ngayon sa mga huling araw, gumagawa rin ang Diyos ayon sa plano Niya at sa mga kailangan ng tao na itinayo sa pagtubos ng Panginoong Jesus. Isinasagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos para ganap tayong palayain sa kasalanan, iligtas sa makasalanang kalikasan, at akayin sa magpakailanmang magandang hantungan. Binibigkas ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para iligtas tayo. at ibinubunyag ang mga hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito sa Kapanahunan ng Kautusan o Kapanahunan ng Biyaya. Ito ang balumbon, ang pitong tatak na binuksan sa mga huling araw, tinutupad ang propesiyang ito sa Pahayag: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). May isa pa, ‘Narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito(Pahayag 5:5). Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay matatagpuan sa Bibliang para sa Kapanahunan ng Kaharian: Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ito’y mga natatanging salita at ang daan ng buhay na walang hanggan na ibinibigay ng Diyos sa tao, ang tanging tunay na landas sa ganap na kaligtasan. Kung ayaw natin itong tanggapin, hindi tayo kailanman matutustusan ng buhay na tubig ng Diyos o makakatanggap ng katotohanan at buhay.”

Binasa ang iba pang mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa isa pang pelikula, “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Ibinahagi ito no’ng brother sa pelikula: “Binibigkas ng Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, ang lahat ng katotohanan para iligtas ang tao. Masagana ‘yon at malawak ang saklaw, at talagang nagbibigay ng tustos mula sa Diyos. Nakakapagpamulat at nakakapagpaliwanag ‘yon. Pinapakita ng lahat ng ‘yon na si Cristo ang daan, ang katotohanan, at ang buhay at ang daan sa buhay na walang hanggan. Ang mga salita ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay lagpas sa mga salita Niya mula sa pinagsamang Kapanahunan ng Kautusan at Biyaya. Lalo na, ang ‘Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob’ sa ‘Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao’ ay ang unang beses na lantarang nagsalita ang Diyos sa sangkatauhan at ‘yon ang unang beses na narinig ng mga tao ang sinabi ng Panginoon ng paglikha sa buong sangkatauhan. Niyanig nito ang sansinukob at iminulat ang ating mga mata. Ang Kapanahunan ng Kaharian ay nang ginagawa ng Diyos ang paghatol at nang lubos Niyang inihahayag ang matuwid Niyang disposisyon sa tao. Kaya bumibigkas Siya ng mga salita para humatol, maglinis, at gawing perpekto ang tao sa kapanahunang ito, Nagpapaulan Siya ng sakuna, nagpapabuya sa mabuti, pinarurusahan ang masama, at inihahayag ang katuwiran Niya. Ang binibigkas ng Makapangyarihang Diyos para linisin, iligtas at gawing perpekto ang tao ay ang daan ng buhay na walang hanggan sa mga huling araw. Iyon ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono Niya.”

Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na mula sa Makapangyarihang Diyos ay ang daan ng buhay na walang hanggan na binibigay Niya sa mga huling araw. Dapat akong makasabay sa bago Niyang gawain at basahin ang bago Niyang salita para matanggap ang Kanyang buhay na tubig at ang lubos Niyang pagliligtas. Agad akong nakipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nagbasa ng iba pang mga salita. Tunay na inihahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng hiwaga. Ang hiwaga ng plano ng pamamahala ng Diyos, ng pagkakatawang-tao Niya, ang tunay na panloob na kwento ng Biblia, at ang lahat ng aspeto ng katotohanan ay inihahayag. Kaya mas marami talaga akong natutunan kaysa sa mahigit isang dekadang pananalig ko sa Diyos! Sa wakas tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.

Inisip ko kung pa’no ako iniligaw ng mga pastor at elders. Akala ko ang gawain at salita ng Diyos ay nasa Biblia lang, at na erehiya ang anupamang iba. Narinig ko ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapatotoo sa Panginoong Jesus pero hindi ko siniyasat. Bulag kong sinunod ang pastor sa iglesia at tinanggihan ang gawain ng Diyos dahil sa dating paniniwala. Nagawa kong labanan noon ang Diyos. Naging masyado akong bulag at hangal! Pinarinig sa ‘kin ng Diyos ang tinig Niya sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at sa mga pelikulang gawa nila, at napakawalan ko ang dati kong paniniwala. Hindi na ako isang bulag na sumasamba sa Biblia. Natutunan kong hindi ‘yon tunay na paniniwala at hindi nagbibigay ang Biblia ng buhay na walang hanggan. Si Cristo lang ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Si Cristo lang ng mga huling araw ang daan ng buhay na walang hanggan, at makakamit lang natin ang katotohana’t buhay sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Iyon lang ang uri ng pananalig na aprubado ng Diyos. Ang pagsalubong sa Panginoon ay buong biyaya at pagpapala ng Diyos. Nagpapasalamat talaga ako sa awa ng Diyos!

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman