Ang mga Kahihinatnan ng Pagnanasa ng Kaginhawahan

Enero 7, 2025

Ni Bai Lu, Tsina

Dear Lin Yi,

Natanggap ko na ang iyong liham. Napakabilis ng paglipas ng panahon. Sa isang kisapmata, halos isang taon na ang lumipas na hindi natin nakikita ang isa’t isa. Sa iyong liham, itinatanong mo sa akin kung ano na ang natamo ko sa ngayon sa pagtupad sa aking tungkulin. Sandaling hindi ko malaman kung saan magsisimula, ngunit ang pinaka-hindi malilimutang karanasan ko ay ang pagkakalipat sa aking mga tungkulin, na naging dahilan para magkaroon ako ng kaunting kaalaman sa aking likas na pagpapasasa sa kaginhawahan at kaalwanan. Sa puntong ito, marahil ay nagtataka ka kung ano ang naranasan ko. Hayaan mong ilahad ko sa iyo ang lahat tungkol dito.

Noong Enero ng taong ito, namahala ako sa gawaing nakabatay sa teksto. Dahil baguhan ako sa tungkulin, hindi pa dalubhasa sa marami sa mga prinsipyo, at hindi marunong makipagtulungan, nag-aral at nagsanay ako kasama ang isang sister na ipinareha sa akin. Madalas, nagkukusa rin akong tingnan ang gawain ng iba’t ibang grupo. Kalaunan, ang bawat isa sa mga grupong iyon ay humihingi na ng payo sa marami-rami ding mga katanungan, at kinailangan kong sumulat ng mga liham upang magbahagi sa kanila at matugunan ang kanilang mga kalagayan, pati na rin ang mga paglihis sa kanilang gawain. Naging abala ako araw-araw mula umaga hanggang gabing-gabi na. Sa paglipas ng panahon, sa puso ko ay medyo nagrereklamo ako, “Upang malutas ang mga kalagayang ito, kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang ugat ng bawat suliranin, at hanapin ang nauugnay na mga salita at mga prinsipyo ng Diyos, na nangangailangan ng maraming oras ng pag-iisip. Nakapapagod talaga ito!” Ayaw ko na maging balisa ang utak ko sa lahat ng oras, kaya gusto ko sana na hindi magtanong nang magtanong ang mga kapatid. Sa gayon, kahit kaunti ay makapagpapahinga ako. Kalaunan, dalawa pang sister ang naging katuwang namin. Tuwang-tuwa ako, iniisip ko na mababawasan ang trabaho ko dahil dito, at hindi ko na kinakailangang mag-alala nang labis o pagurin nang labis ang sarili ko. Minsan, kapag nakikita ko ang isang kapatid na nasa masamang kalagayan at papababa ang mga resulta ng kanyang trabaho, naiisip ko na dapat makipagbahaginan ako agad sa kanya para malutas ang problema. Ngunit naisip ko rin na, “Hindi ko rin lubusang nauunawaan ang mga problemang ito. Kakailanganin kong mag-ubos ng oras sa pagninilay-nilay at maghanap ng nauugnay na mga salita at mga prinsipyo ng Diyos. Sobra-sobrang abala na iyon! Mas mabuti pang hayaan ko na ang mga sister na katuwang ko ang lumutas sa mga problema.” Kaya, hindi ko na sila pinagkaabalahan pa. Sa ganitong paraan, sa tuwing nahaharap ako sa anumang kumplikadong suliranin, nayayamot ako, at ipinapasa ko ito sa mga sister na katuwang ko upang sila ang lumutas. Nabawasan nang nabawasan ang pagdadala ko ng pasanin sa aking mga tungkulin, at bawat araw ay sinunod ko lang ang nakagawian na at inasikaso ang pang-araw-araw kong mga gampanin. Kung mayroon pang dagdag na gawain na itinalaga sa akin o kung mas mahirap ito nang kaunti, maiinis ako. Tumutok lamang ako sa paggawa ng mga simpleng gampanin at hindi nagsikap sa paghahangad ng katotohanan, na nagresulta sa hindi ko gaanong pag-usad. Sinabi sa akin ng mga sister na katuwang ko na wala akong pagpapahalaga sa pasanin sa aking tungkulin at pinayuhan nila akong pagnilayan at lutasin ito. Ngunit hindi ko sineryoso ang payo nila. Unti-unti, pahirap nang pahirap para sa akin na makita nang malinaw ang mga problema at madalas ay nakatutulog ako, at bumaba nang husto ang kasanayan ko sa gawain.

Kalaunan, napansin ng mga lider na wala akong pagpapahalaga sa pasanin sa aking tungkulin at wala akong nakukuhang mga resulta, kaya natanggal ako. Noon lang ako nagsimulang magnilay sa aking sarili. Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Ang mga taong tamad ay walang anumang nagagawa. Para ibuod ito sa dalawang salita, sila ay walang silbi; mayroon silang matinding kapansanan. Gaano man kahusay ang kakayahan ng mga taong tamad, paimbabaw lamang iyon; kahit na may mahusay silang kakayahan, wala itong silbi. Masyado silang tamad—alam nila ang dapat nilang gawin, ngunit hindi nila ito ginagawa, at kahit alam nila na may problema, hindi nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ito, at bagama’t alam nila kung anong mga paghihirap ang dapat nilang danasin para maging epektibo ang gawain, ayaw nilang tiisin ang mga karapat-dapat na paghihirap na ito—kaya, hindi sila makapagkamit ng anumang mga katotohanan, at hindi sila gumagawa ng anumang tunay na gawain. Ayaw nilang tiisin ang mga paghihirap na dapat tinitiis ng mga tao; ang alam lamang nila ay magpakasasa sa kaginhawahan, magtamasa ng mga panahon ng kagalakan at paglilibang, at magtamasa ng malaya at maluwag na buhay. Hindi ba’t walang silbi sila? Ang mga taong hindi kayang tiisin ang paghihirap ay hindi karapat-dapat na mabuhay. Iyong mga palaging nagnanais na mamuhay ng buhay ng isang parasito ay mga taong walang konsensiya o katwiran; mga hayop sila, at ang mga gayong tao ay hindi angkop kahit na gumampan ng trabaho. Dahil hindi nila kayang tiisin ang paghihirap, kahit na kapag gumagampan nga sila ng trabaho, hindi nila ito magawa nang maayos, at kung nais nilang makamit ang katotohanan, mas lalong wala silang pag-asang makamit iyon. Ang isang taong hindi kayang magdusa at hindi nagmamahal sa katotohanan ay isang walang silbi; ni hindi siya kuwalipikadong gumampan ng trabaho. Isa siyang hayop, na wala ni katiting na pagkatao. Dapat itiwalag ang gayong mga tao; ito lang ang naaayon sa mga layunin ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 8). Noong makita ko ang mga salitang ito ng Diyos—“walang silbi,” “matinding kapansanan,” “hayop,” “hindi angkop kahit na gumampan ng trabaho,” at “hindi karapat-dapat na mabuhay,”tumagos ang mga ito sa aking puso. Naramdaman ko ang pagkasuklam ng Diyos sa mga taong tamad. Itinaas ako ng Diyos at pinakitaan ako ng biyaya, na nagbibigay-daan sa akin na gampanan ang tungkulin ng isang superbisor, upang masanay ako sa paggamit ng katotohanan sa paglutas ng mga problema. Anuman ang kakayanan kong magbahagi at lumutas ng problema, dapat sana ay ginawa ko nang lubos ang aking makakaya; ito ang responsabilidad na dapat sana ay ginampanan ko. Ngunit noong nakita ko na masama ang kalagayan ng mga kapatid at papababa ang mga resulta ng kanilang gawain, pakiramdam ko ay masyado itong malaking kaabalahan at nakapapagod lutasin, kaya ipinasa ko na lang sa ibang tao ang ganitong gawain. Ni hindi ko man lamang ginawa ang makakaya ko. Noong harapin ko ang mas maraming kumplikadong problema, malinaw na kaya ko naman na lutasin ang ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pag-iisip-isip nang mabuti, ngunit ayaw kong magsikap at magbayad ng halaga, kaya nagdadahilan ako gaya ng “Hindi ko ito nauunawaan” o “hindi ko alam kung paano ito lutasin” bilang katwiran upang ipasa ang mga ito sa mga sister na katuwang ko. Mga simpleng trabaho lamang ang ginagawa ko araw-araw, at wala akong ni katiting na responsabilidad sa tungkulin ko, at nagpapatianod ako sa bawat araw. Hindi ba ito pagiging parasito sa sambahayan ng Diyos? Naisip ko kung paanong ang ilan sa mga kapatid ay walang mahuhusay na kakayahan, pero nagagawa pa rin nilang ibuhos ang kanilang puso sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, at ibigay ang lahat, kaya katanggap-tanggap sa Diyos ang kanilang saloobin sa kanilang tungkulin. Samantala, hindi naman gayon kahina ang kakayahan ko at nagawa ko namang lutasin ang ilang mga problema, ngunit lagi kong pinapahalagahan ang laman at nagpapasasa sa kaginhawahan, at hindi man lang ako handang gumawa at magtiis ng mga paghihirap sa pagganap sa aking tungkulin. Tunay na wala akong konsensiya o katwiran. Paano ako naging angkop maging isang superbisor! Namuhi ang Diyos at nasuklam Siya sa saloobin ko sa aking tungkulin. Kung magpapatuloy ito, ni hindi ko magagawa na magtrabaho nang mabuti at maitataboy at maititiwalag lamang ako ng Diyos. Sa pagkatanto nito, nanalangin ako, nakahandang pagnilayan talaga ang aking sarili.

Pagkatapos noon, pinagnilayan ko, ano ang ugat ng aking palaging pagpapakasasa sa kaginhawahan at pagtanggi na mag-alala at magtiis ng mga paghihirap? Pagkatapos, nakita ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang naging sandigan ng mga tao para manatiling buhay ay sumisira na sa kanilang puso hanggang sa sila ay maging taksil, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila walang malakas at matibay na pagpapasya, kundi sila rin ay naging ganid, mapagmataas at sutil. Walang-wala silang anumang paninindigan na dumaraig sa sarili, at higit pa riyan, wala silang katiting na tapang na iwaksi ang mga paghihigpit ng mga impluwensiyang ito ng kadiliman. Ang saloobin at buhay ng mga tao ay bulok na bulok kaya ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos ay napakapangit pa rin, at kahit kapag nagsasalita ang mga tao tungkol sa kanilang mga pananaw sa paniniwala sa Diyos, talagang hindi iyon matitiis pakinggan. Ang lahat ng tao ay duwag, walang kakayahan, kasuklam-suklam, at marupok. Wala silang nadaramang pagkasuklam para sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang lahat upang maalis ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). “Sapat na ba sa iyo na mamuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng tao? Wala nang mas hahangal pa kaysa sa mga yaong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi hinangad na makamit ito; sila ay mga taong nagpapakabusog sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananalig sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahabol ang mga bagay na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling matataas na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw nga ay walang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahabol sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay mga hayop? Ang mga patay ba na walang mga espiritu ay lumalakad na mga bangkay? Gaano na karaming salita ang nasambit sa gitna ninyo? Kaunting trabaho lamang ba ang nagawa sa gitna ninyo? Gaano na karami ang naipagkaloob Ko sa inyo? Kaya bakit hindi mo ito nakamit? Ano ang iyong mairereklamo? Hindi ba’t wala kang natamo dahil sa iyong labis na pag-ibig sa laman? At hindi ba’t dahil ito sa ang iyong mga kaisipan ay masyadong mataas? Hindi ba’t dahil ito sa ikaw ay napakahangal? Kung hindi mo kayang matamo ang mga pagpapalang ito, masisisi mo ba ang Diyos sa hindi pagliligtas sa iyo? Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tamang daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang pag-aari. Payag ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano nga ba ang kahalagahan ng mga gayong tao na nabubuhay?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang palagi kong paghahangad sa makalamang kaginhawahan ay dahil sinundan ko ang “Ang buhay ay tungkol lamang sa pagkain at pananamit,” “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya,” “Tratuhin mo nang mabuti ang sarili mo,” “Magpakasaya ka na ngayon, bukas ka na mag-alala,” “Maikli ang buhay, bakit mo pahihirapan ang sarili mo,” at iba pang gayong mga satanikong pilosopiya, na itinuturing ang pisikal na kaginhawahan bilang pinakadakilang paghahangad sa buhay. Sa ilalim ng kontrol ng mga maling pananaw na ito, palagi kong hinahangad ang kaginhawahan, iniisip ko na dapat maging mabuti ang mga tao sa sarili nila at huwag masyadong magsikap. Sa aking pagbabalik-tanaw, sa bahay ay labis akong pinalayaw ng mga magulang ko mula pagkabata. Ginawa nila ang lahat ng bagay para sa akin para hindi na ako mag-alala pa sa kahit anong bagay, at lumaki ako na parang isang bulaklak sa isang greenhouse, na nasa ilalim ng maingat nilang proteksyon. Dahil sanay ako sa isang komportableng buhay, palagi akong takot na magsikap at pagurin ang sarili ko. Noong nasa kolehiyo ako, nakita ko ang ilang kaklase ko na nagsisikap at nag-aaral hanggang gabi para maghanda sa graduate school, pero wala akong pakialam dito. Naisip ko, “Ilang dekada lang ang buhay. Bakit mo masyadong papagurin ang sarili mo? Sapat na ang bachelor’s degree. Basta humanap lang ng trabahong hindi masyadong nakakapagod at nagpapasahod nang maganda.” Noong dumating ako sa iglesia para gawin ang tungkulin ko, pinanghawakan ko pa rin ang pananaw na ito. Palagi akong nagpapasasa sa kaginhawahan, at ayaw kong magbigay ng anumang pagsisikap o pahirapan ang sarili ko. Tuwing nahaharap ako sa mga komplikado o mahihirap na gampanin, ipinapasa ko ang mga ito sa iba. Pipiliin ko ang madadaling gampanin at iiwasan ang mahihirap, kaya napakabagal ng pag-usad ko. Isang malaking karangalan na nilinang ako ng sambahayan ng Diyos para gawin ang isang tungkulin ng pamumuno, pero hindi ko ito pinahalagahan at palaging sinunod ang aking laman. Kapag nakikita ko ang mga kapatid na nakakadama ng pagkanegatibo, at pababa nang pababa ang pagiging epektibo ng gawain, wala akong pakialam, at ipinapasa ko pa nga sa iba ang mahihirap na gampanin. Hindi ko talaga tinutupad ang mga responsabilidad ko. Napakamakasarili ko at kasuklam-suklam! Palagi akong nagpapasasa sa kaginhawahan, pinili ang madadaling tungkulin kaysa sa mahihirap, at tuso at mapanlinlang. Kahit na hindi ako talagang nagsikap, hindi rin naman ako umusad. Lalo akong nahirapang makita nang malinaw ang mga problema, at ni hindi ko mapangasiwaan ang dating maayos kong nagagawa. Katulad ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagkat sinumang mayroon ay bibigyan, at siya ay magkakaroon ng mas sagana: ngunit sinumang wala, pati ang nasa kanya ay aalisin sa kanya(Mateo 13:12). Inisip ko kung paanong ang Diyos ay umaasa na kayang umako ng responsabilidad ng mga nasa hustong gulang, pagtuunan ang mga wastong bagay, at gawin ang kanilang mga tamang tungkulin, pero nakatuon lamang ang puso ko sa pisikal na kaginhawahan. Pinahalagahan ko ang pisikal na kaalwanan kaysa sa iba pa, lalo akong nagiging mas malayaw at imoral, pawala nang pawala ang aking wangis ng pagiging tao sa bawat araw. Hindi ako puwedeng magpatuloy sa maling landas na ito. Kailangan kong hanapin ang katotohanan para lutasin ang tiwaling disposisyon ko at gawin nang tama ang tungkulin ko.

Pagkatapos ay binasa ko pa ang mga salita ng Diyos: “Ano ang halaga ng buhay ng isang tao? Ito ba ay para lamang sa pagpapakasasa sa laman tulad ng pagkain, pag-inom, at pagpapakaaliw? (Hindi.) Kung gayon, ano ito? Mangyaring ibahagi ang inyong mga saloobin. (Upang matupad ang tungkulin ng isang nilikha, ito man lang ay dapat na makamit ng isang tao sa kanyang buhay.) Tama iyan. … Sa isang aspekto, ito ay tungkol sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa isa pa, ito ay tungkol sa paggawa ng lahat ng bagay na saklaw ng iyong abilidad at kapasidad sa abot ng iyong makakaya, kahit umabot man lang sa punto kung saan hindi ka inuusig ng iyong konsensiya, kung saan maaaring maging payapa ang konsensiya mo at mapatunayang katanggap-tanggap ka sa paningin ng iba. Dagdag pa rito, sa buong buhay mo, saang pamilya ka man isinilang, anuman ang pinag-aralan mo, o ang iyong kakayahan, dapat mayroon kang pag-unawa sa mga prinsipyo na dapat maunawaan ng mga tao sa buhay. Halimbawa, anong uri ng landas ang dapat tahakin ng mga tao, paano sila dapat mamuhay, at paano mamuhay nang makabuluhan—dapat mong tuklasin kahit kaunti ang tunay na halaga ng buhay. Hindi maaaring ipamuhay nang walang kabuluhan ang buhay na ito, at hindi maaaring pumarito sa mundong ito ang isang tao nang walang kabuluhan. Sa isa pang aspekto, habang nabubuhay ka, dapat mong tuparin ang iyong misyon; ito ang pinakamahalaga. Hindi ang pagtapos ng isang malaking misyon, tungkulin, o responsabilidad ang pinag-uusapan natin; pero kahit papaano, dapat may maisakatuparan ka(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan I. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan 6). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko, na wala sa pagkain, pag-inom, pagpapakasaya at pagpapasasa sa laman ang halaga ng buhay, kundi nasa pagtupad ng tungkulin ng isang nilikha at pagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Itinalaga ng Diyos na ipanganak ako sa mga huling araw, para marinig ang tinig Niya, at gawin ang tungkulin ko, at minsanang pagkakataon lang ito. Ayaw ng Diyos na magpasasa ako sa kaginhawahan at mamuhay ng isang buhay na hindi maayos, sinasayang ang buhay ko. Umaasa ang Diyos na kaya kong hangarin ang katotohanan at gawin nang maayos ang tungkulin ko, para makamit ko ang isang pagbabago sa disposisyon, maligtas ng Diyos, at maisabuhay ang isang tunay na wangis ng tao. Naiisip ko kung paanong may tendensiya akong hindi tumuon sa buhay pagpasok, pinasadahan lang ang mga salita ng Diyos, mababaw ang karanasan ko sa buhay, at limitado ang pang-unawa ko sa katotohanan. Hindi ko makita nang malinaw ang mga kalagayan at paghihirap ng mga kapatid ko, na nagpakita na hindi ko naunawaan ang katotohanan ng aspektong ito. Ito ang panahon kung kailan kailangan kong hanapin at sangkapan ng katotohanan ang sarili ko, at kung kaya kong makabuo ng tunay na pagpapahalaga sa pasanin upang hangarin ang katotohanan at hanapin ang mga salita ng Diyos, mauunawaan ko ang mas maraming katotohanan at mas mabilis na lalago sa buhay. Pero napalampas ko ang napakaraming pagkakataon para makamit ang katotohanan para lamang sa pansamantalang kaginhawahan at pagpapakasaya, na humahadlang sa aking buhay pagpasok. Napakarami kong pinagsisisihan sa tungkulin ko. Talagang naging hangal at estupido ko! Ngayon, sa wakas ay napagtanto ko, na gaano mang pisikal na kaginhawahan ang maaari kong matamasa, ito ay magiging pansamantala lamang at walang tunay na halaga, at na kung hindi ko hinanap nang tama ang katotohanan, na palagi akong pabaya sa tungkulin ko, at palaging sinusubukang linlangin ang Diyos, hahantong lang ako sa pagkakabunyag at pagkakatiwalag, at magreresulta iyon sa walang hanggang kaparusahan, at sa puntong iyon, anumang pagsisisi, pagtangis, o pagngangalit ng ngipin ay hindi makakatulong.

Kalaunan, sa aking mga debosyonal, tumuon ako sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa paglutas sa aking pagnanais para sa pagpapasasa sa kaginhawahan, at itinala ko ang mga naunawaan ko. Makalipas ang dalawang buwan, isinaayos ng superbisor na gawin kong muli ang tungkulin ko, at lubos na nagpasalamat ako. Nang malaman kong binigyan ako ng gampanin ng pangangasiwa sa isang iglesia, nagulat ako. Ang iglesiang ito ay napakaraming baguhan at mga isyu at mangangailangan ng maraming pagsisikap ang paglutas sa mga problemang ito. Pero naisip ko kung paanong dati ay palagi kong sinusubukang iwasan ang mga alalahanin at ipasa sa iba ang mga problema. Ngayon, ang maitalaga para pangasiwaan ang iglesiang ito ay pagbibigay sa akin ng Diyos ng isang pagkakataon, tinutulutan akong masanay na magbahagi ng katotohanan at lutasin ang mga problema. Lahat ng ito ay para mapunan ang mga pagkukulang ko, at kapaki-pakinabang ito para sa aking buhay pagpasok. Kaya, kinuha ko ang gampanin. Noong una, kaya kong aktibong makipagtulungan, pero pagkatapos ng mangilan-ngilang pakikipagbahaginan, noong hindi masyadong makita ang mga resulta, pinanghinaan ako ng loob. Nadama kong napakahirap nito at nakakapagod. Noong nag-isip ako nang ganito, napagtanto kong isinasaalang-alang ko na naman ang aking sariling mga pisikal na interes, kaya kumain at uminom ako ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa kalagayan ko. May isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang umantig sa akin. Sabi ng Diyos: “Ang mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos ay kusang-loob na gumaganap ng kanilang mga tungkulin, nang hindi kinakalkula ang sarili nilang mga pakinabang at kawalan. Kahit isa ka pang taong naghahangad sa katotohanan, dapat kang umasa sa iyong konsensiya at katwiran at talagang magsikap kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin. Ano ang ibig sabihin ng talagang magsikap? Kung nasisiyahan ka na sa kaunting pagsisikap, at pagdanas ng kaunting hirap ng katawan, ngunit hindi mo talaga sineseryoso ang iyong tungkulin o hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, ito ay wala nang iba kundi pagiging pabasta-basta—hindi ito tunay na pagsisikap. Ang susi sa pagsisikap ay ibuhos ang puso mo roon, matakot sa Diyos sa puso mo, isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, matakot na maghimagsik laban sa Diyos at masaktan ang Diyos, at dumanas ng anumang paghihirap para magampanan ang iyong tungkulin nang maayos at mapalugod ang Diyos: Kung mayroon kang mapagmahal-sa-Diyos na puso sa ganitong paraan, magagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin. Kung walang takot sa Diyos sa puso mo, hindi ka magkakaroon ng pasanin kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, hindi ka magkakaroon ng interes doon, at hindi mo maiiwasang maging pabasta-basta, at iraraos mo lang ang gawain, nang walang anumang tunay na epekto—na hindi pagganap ng isang tungkulin. Kung tunay kang may nadaramang pasanin, at pakiramdam mo ay personal na responsabilidad mo ang pagganap sa iyong tungkulin, at na kung hindi, hindi ka nararapat na mabuhay, at isa kang hayop, na magiging marapat ka lamang na matawag na isang tao kung gagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, at kaya mong harapin ang sarili mong konsensiya—kung mayroon kang nadaramang ganitong pasanin kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin—magagawa mo ang lahat nang maingat, at magagawa mong hanapin ang katotohanan at gawin ang mga bagay-bagay ayon sa mga prinsipyo, at sa gayon ay magagawa mong gawin ang tungkulin mo nang maayos at mapalulugod ang Diyos. Kung karapat-dapat ka sa misyong ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, at sa lahat ng isinakripisyo ng Diyos para sa iyo at sa Kanyang mga ekspektasyon mula sa iyo, kung gayon, ito ay tunay na pagsusumikap(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensiya at Katwiran). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mga taong handa at tapat na gumagawa ng kanilang mga tungkulin ay ang mga tunay na tao ng sambahayan ng Diyos. Hindi nila isinasaalang-alang ang kanilang mga personal na pisikal na interes, at nagbabayad sila ng tunay na halaga, ibinibigay ang sukdulan nilang pagsisikap. Responsable at mapagkakatiwalaan ang gayong mga tao, at sila ay mga taong may konsensiya at katwiran. Bagama’t maaari silang magtiis ng kaunting pisikal na pagdurusa, kaya nilang mapalugod ang Diyos, magkamit ng panloob na kapayapaan, at mamuhay ng isang makabuluhang buhay. Sa kabaligtaran, kapag mahirap ang gawain at hindi magaganda ang mga resulta, nadama kong napakahirap at nakakapagod ang gawain, kaya iisipin ko ang sarili kong kaginhawahan at gusto kong umatras. Noong nagpasasa ako sa kaginhawahan, iniwasan ang mahihirap na tungkulin kapalit ng madadali, at kumilos nang tuso, kahit na hindi nagdusa ang katawan ko, nasa kadiliman ang puso ko. Hindi ko madama ang presensiya ng Diyos, at wala akong kapayapaan o kagalakan. Ayaw ko nang humantong pang muli sa ganoon. Kailangan kong tratuhin ang aking tungkulin nang may isang tapat na puso, at kahit gaano pa ang kakayahan kong makipagtulungan, kailangan kong gawin ang pinakamakakaya ko at tuparin ang mga responsabilidad ko. Kaya, hinanap ko ang katotohanan at nakipagbahaginan upang tugunan ang mga pananaw at paghihirap ng mga kapatid ko. Pagkatapos ng ilang panahon, may kaunting pag-usad sa gawain, at pinasalamatan ko ang Diyos mula sa kaibuturan ng puso ko. Kalaunan, nang naharap ako sa mga bagay-bagay, sadya akong naghimagsik laban sa aking laman. Bagama’t maraming gawain ang aasikasuhin bawat araw, at wala akong bakanteng oras, hindi naman ako nakadama ng pagod. Sa pagsasagawa nang ganito, nadama kong mas malapit ako sa Diyos, at nakakita ako ng ilang bagong paraan para makipagtulungan sa tungkulin ko. Nakasumpong ako ng kapayapaan at kaalwanan sa aking puso sa pamamagitan ng pagkilos nang ayon sa mga salita ng Diyos.

Okay, tatapusin ko na rito sa ngayon. Marami ka rin bang nakamit sa taon na ito? Huwag kang mag-atubiling sumulat sa akin at ibahagi ang mga nakamit at naunawaan mo.

Ang iyong kaibigan, Bai Lu

Ika-15 ng Oktubre 2023

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman