Magagampanan Lamang nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao Matapos Lunasan ang Kawalan ng Malasakit

Setyembre 30, 2019

Ni Jingxian, Japan

Kalimitan, sa oras ng pagtitipon o kapag ginagawa ko ang aking mga espirituwal na debosyon, kahit madalas akong nagbabasa ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa paglalantad ng kawalang-malasakit sa tungkulin ng mga tao, hindi ko gaanong pinagtuunan ng pansin ang sarili kong pagpasok; sa puso ko, hindi ako naniwala na isa itong seryosong paksa sa akin, kaya bihira kong sikaping matamo ang katotohanan para lunasan ang problema ng kawalan ng malasakit sa tungkulin ko. Hanggang sa humantong ang sarili kong kawalan ng malasakit sa malalaking problema sa trabaho ko. Nang maghatid ng kapahamakan ang kawalan ko ng malasakit sa gawain ng ebanghelyo ng iglesia, sa pamamagitan lang ng paghatol at pagkastigo ng Diyos ako nagkamit ng kaunting kaalaman tungkol sa mga palatandaan at pinagmulan ng sarili kong kawalan ng malasakit habang gumaganap ako sa aking tungkulin. Nakita ko na kung hindi ito malutas, kamumuhian at mamatahin ng Diyos ang problema kong kawalan ng malasakit, at na sa malao’t madali ay ilalantad at aalisin Niya ako. Matapos iyon, nagsimula akong tumuon sa pagsisikap na matamo ang katotohanan para malutas ang problema sa kawalan ng malasakit, para magampanan ko nang sapat ang aking tungkulin.

Isang araw, habang nakikinig sa pagsasalita ng ilang mga kapatid ng ibang mga iglesia tungkol sa ilang magagandang hakbang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, napagtanto ko na may narinig na akong ganoon noong nakaraang taon. Noon, naramdaman ko rin na ang gayong pagsasagawa ay mas maganda kaysa sa kasalukuyan naming paraan—pero kalaunan, nang sinubukan kong kumuha ng ilang responsableng tao sa mga grupong nag-aaral ng ebanghelyo para ipatupad ang mga pagsasagawang ito, nasabi nila na dahil sa napakaraming dahilan, hindi maaari ang mga pagsasagawang iyon sa amin. Kahit medyo nadismaya ako nang marinig kong sabihin nila iyon, hindi ko na ipinilit ang isyu; gayon lang talaga ang mga bagay-bagay. Nang marinig kong muli ang gayong pananalita, muli ko iyong napatunayan; akala ko maganda talaga ang hakbang na ito ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at nasabik akong ipabatid sa mga responsableng tao kung paano humugot ng lakas sa iba. Kaya, sa oras ng pagtitipon, sinabi ko sa mga responsableng tao ang sarili kong mga opinyon at mungkahi. Pagkatapos, napansin ko na hindi gaanong interesado ang ilan sa kanila, habang ang iba naman ay nagbigay ng mga dahilan kung bakit hindi maisasagawa rito ang ganitong pamamaraan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Masasabi ko na marami silang makalumang paraan ng pag-iisip at pananaw na ayaw pa nilang pakawalan, at na walang anumang epekto ang aking pagbabahagi. Pero naisip ko kung gaano kasanay ang mga responsableng taong ito sa pagpapalaganap ng ebanghelyo: Kahit ako ang responsable sa kanilang gawain, wala akong gaanong karanasan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kung hindi ko kayang ibahagi ang isang praktikal na landas, magiging napakahirap na baguhin ang paraan ng kanilang pag-iisip sa ilang simpleng salita. Sa puso ko, naisip ko: “Hindi magiging madaling ipatanggap sa kanila ang mga bagong hakbang na ito sa pagsasagawa! Kung ipapaliwanag ko ang isang posibleng batayan para sa mga pamamaraang ito at maibabahagi ang mga ito nang malinaw, kailangan kong makahanap ng ibang mas sanay na mga kapatid para tumulong, at susubukang pag-aralan ito. Mabuti pang talakayin ko ito nang detalyado sa maraming tao, at magsalita nang magsalita, para maging epektibo. Ah! Walang gayong mga kapatid sa paligid ko, at wala rin akong kilalang sinuman sa ibang mga bansa. Para sa akin, napakahirap lutasin ng problemang ito. Matagal ito at matrabaho, at kailangan kong magsakripisyo. Napakalaking problema. Mayroon din akong ibang gagawin. Hindi ko mailalaan ang lahat ng pagsisikap ko sa paglutas sa isang problemang ito! Nasabi ko na ang dapat kong sabihin; nasa kanila na kung gaano karami ang tinatanggap nila. Mas mabuti pang kalimutan ito, at hindi ako dapat maging gayon kaseryoso. Medyo sapat na ang nagawa ko pagdating sa puntong ito.” At sa ganitong paraan, dahil hindi nalutas sa oras ang problemang ito, walang nagbago sa gawain ng ebanghelyo.

Nang sumunod na ilang araw, hindi ako napalagay tuwing naiisip ko ang tungkol dito. Nang mapagtanto ko na mali ang aking kalagayan, lumapit ako sa Diyos upang manalangin at magsaliksik. Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag gumagawa ng mga bagay-bagay at ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, madalas mo bang pinagninilayan ang pag-uugali at mga intensyon mo? Kung bihira lamang ginagawa ang mga ito, malamang na makagawa ng mga pagkakamali, na nangangahulugan na may problema pa rin sa inyong katayuan. Kung hindi mo pa ito kailanman nagagawa, hindi ka naiiba sa mga hindi-mananampalataya; gayunman, kung may mga pagkakataon na talagang nagninilay-nilay ka, mababanaag sa iyo na isa kang mananampalataya. Dapat mong pag-ukulan pa ng oras ang pagninilay. Dapat mong pagnilayan ang lahat ng bagay: Pagnilayan ang sarili mong kalagayan para makita kung nabubuhay ka ba sa harapan ng Diyos, kung tama ba ang mga intensyon sa likod ng mga ikinikilos mo, kung makapapasa ba sa pagsisiyasat ng Diyos ang mga motibasyon at pinanggagalingan ng mga ikinikilos mo, at kung natatanggap mo ba ang masusing pagsisiyasat ng Diyos. Kung minsan ay maiisip mo, ‘Ayos lang na gawin ko ito sa ganitong paran; medyo maganda naman, ’di ba?’ Gayunpaman, makikita sa pag-iisip na iyan kung paano pinakikitunguhan ng mga tao ang mga bagay-bagay, gayundin kung paano nila tinitingnan ang kanilang mga tungkulin. Ang mentalidad na ito ay isang uri ng estado. Ang gayon bang estado ay hindi isang pag-uugali na nagpapakita na hindi responsable ang isang tao at basta ginagawa lamang ang tungkulin nang hindi pinag-iisipan? Maaaring hindi pa ninyo napag-iisipan ito, at maaaring ipinapalagay na natural lamang na pagpapahayag ito, na normal lamang na nakikita ito sa isang tao, at wala namang iba pang kahulugan ito, nguni’t kung madalas na ganito ang estado mo, sa gayong kalagayan, kung gayon sa likod nito ay isang disposisyon na nananaig sa iyo. Nararapat na suriin ito, at karapat-dapat na seryosohin; kung hindi mo gagawin ito, walang pagbabagong mangyayari sa kalooban mo(“Paano Lulutasin ang Kawalan ng Malasakit at Sigasig sa Pagganap ng Iyong Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Kung hindi mo sineseryoso ang tungkulin mo at wala kang ingat, ginagawa mo lamang ang mga bagay-bagay sa pinakamadaling paraan na kaya mo, anong klaseng mentalidad iyan? Ginagawa mo ang mga bagay na iyan sa wala-sa-pusong paraan, hindi ka tapat sa tungkulin mo, hindi mo iniisip na responsibilidad mo iyan, at misyon mo iyan. Tuwing ginagawa mo ang tungkulin mo, hindi mo ibinubuhos ang lakas mo; ginagawa mo ito nang wala sa loob mo, hindi mo ito pinagsisikapan nang husto, at sinisikap mo lang na matapos na ito nang ganoon, walang pagiging taimtim kahit kaunti. Ginagawa mo ito sa napakaginhawang paraan na para bagang naglalaro ka lang. Hindi ba ito hahantong sa mga problema? Sa bandang huli, may mga taong magsasabi na kayo ay mga taong ginagampanan ang tungkulin nang hindi maayos, at basta gumagawa kayo nang wala sa loob. At ano ang sasabihin ng Diyos tungkol doon? Sasabihin Niya na hindi ka mapagkakatiwalaan. Kung napagkatiwalaan ka ng isang trabaho at, pangunahing responsibilidad man iyon o karaniwan, kung hindi mo pinagsisikapan iyon o hindi mo ginagawa ang inaasahan sa iyo, at kung hindi mo ito ituturing na isang misyon na naibigay sa iyo ng Diyos o isang bagay na naipagkatiwala sa iyo ng Diyos, o tinatanggap ito bilang pakikibahagi sa sarili mong tungkulin at obligasyon, kung gayon magiging problem ito. ‘Hindi mapagkakatiwalaan’—ang dalawang salitang ito ang tutukoy kung paano mo isinasagawa ang tungkulin mo, at sasabihin ng Diyos na hindi tugma ang ugali mo sa tungkulin mo. Kung ipinagkatiwala sa iyo ang isang bagay pero ito ang saloobin mo rito at ito ang kung paano paggawa mo rito, aatasan ka pa ba ng karagdagang mga tungkulin sa hinaharap? Maipagkakatiwala ba sa iyo ang anumang bagay na mahalaga? Marahil ay maaari kang pagkatiwalaan, ngunit nakadepende iyon sa kung paano ka gumawi. Sa kaibuturan, gayunman, sa puso ng Diyos, palaging makikimkim ang kaunting kawalan ng tiwala sa iyo, gayundin kaunting kawalan ng kasiyahan. Magiging problema ito, hindi ba?(“Makakasulong Ka Lamang sa Pamamagitan ng Madalas na Pagmumuni-muni tungkol sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Naharap sa paghahayag ng mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng malaking pagsisisi at pagkakasala sa puso ko. Nakita ko na wala akong malasakit sa aking tungkulin at nagdadahilan ako upang makaiwas sa gawain. Naalala ko noong una kong marinig ang tungkol sa magagandang hakbang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Pumayag at sumang-ayon na ako sa mga hakbang na ito, at naramdaman ko na dapat naming tanggapin at isagawa ang mga ito. Gayunpaman, nang subukan ko talagang magbahagi sa mga kapatid tungkol sa pagpapasimula sa mga pamamaraang ito—at nabigo ako—alam ko na dapat kong ibahagi sa kanila ang katotohanan para baguhin ang makaluma nilang mga paraan ng pag-iisip at mga pananaw. Pero nang maisip ko ang sakripisyong dapat kong ipalit para malutas ang problemang ito, kung gaano karaming oras at pagsisikap ang kakailanganin nito—isa iyong “malaking proyekto,” at hindi isang bagay na maaayos kaagad—naisip ko na malaking problema iyon, takot akong mahirapan ang katawan ko, kaya hindi ako nagmalasakit, ginawa ko lang iyon nang hindi nag-iisip, basta matapos lang, naniniwalang “sinubukan ko,” “nagsikap naman ako,” “Medyo sapat na iyon,” at “Hindi naman kayang gawin ng isang tao ang lahat ng bagay.” Ginamit ko ang mga ito para magpalusot, para malagpasan ang problemang ito nang nakamulat ang isang mata at nakapikit ang isa; ni wala rin akong pakialam kung naging epektibo ako, naniniwalang sapat nang matapos ko lang iyon. Ganyan ang naging mga pamantayan ng pagkilos ko. Mababaw lang ang pakikisama ko sa mga responsableng tao. Hindi talaga ako nahirapan at nagsakripisyo para lutasin ang mga problema nila; sa halip, naniwala ako na sapat na ang nagawa ko. Sa katunayan, madalian at mababaw ang ginamit kong mga pamamaraan para madaya ang mga tao, kaya pagkatapos, nang may nagsabi ng problemang ito, may sagot na ako para sa kanila; bukod pa roon, hindi ko pananagutan ang hindi magandang pagganap sa pagpapalaganap ng ebanghelyo—resulta iyon ng hindi nila pagtanggap sa magagandang hakbang sa pagsasagawa. Sinubukan ko pang lokohin ang Diyos: “Diyos ko, ito lang ang magagawa ko.” Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko talaga sinubukang unawain ang kalooban ng Diyos, hindi ko sinikap na gumawa at bigyang-kasiyahan ang Diyos ayon sa Kanyang hinihiling, tuwing nahihirapan ako. Sa halip, madalas ay wala akong malasakit, at sinubukan kong linlangin ang Diyos. Napakadulas at napakatuso ko! Alam na alam ko na hindi pa nalulutas ang mga paghihirap ng mga kapatid sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at na hindi ko pa natutupad ang aking responsibilidad. Pero para lang hindi ako mahirapan, hindi ako nakinig kahit noong makita ko na nahahadlangan ang gawain ng ebanghelyo. Hindi ba nito ginagawang biro ang gawain ng Diyos? Nakita ko na wala ako ni katiting na konsiyensya o katwiran, na hindi man lang ako maaasahan! Muli, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Bago Ko kayo nilikha, alam Ko na ang di-pagkamatuwid na umiral sa kaibuturan ng puso ng mga tao, at alam Ko ang lahat ng panlilinlang at kabuktutan sa puso ng tao. Samakatuwid, kahit ni wala man lang anumang mga bakas kapag gumagawa ng masasamang bagay ang mga tao, alam Ko pa rin na ang kasamaang kimkim ninyo sa inyong puso ay higit pa sa kayamanan ng lahat ng bagay na Aking nilikha(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag ang mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa mga Ugat Nito, Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Nagawa Mo). Sa sandaling iyon, naging malinaw sa akin na sumaakin na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Nasuri ng Diyos ang aking niloloob, at kahit walang nakaalam sa aking mga maling iniisip, sa Diyos, napakalinaw niyon. Hindi ko inako ang pananagutan sa tagubiling naipagkatiwala sa akin ng Diyos. Hindi ako naging matapat, na siyang nakahadlang sa gawain ng ebanghelyo. Sa tingin, mukhang ginagampanan ko ang aking tungkulin—pero ang totoo, wala akong malasakit at tinangka kong linlangin ang Diyos. Wala akong takot sa Diyos. Sa harap ng mga salita ng Diyos, napahiya ako.

Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kung, kapag ginagawa mo ang mga bagay-bagay, mas pagsisikapan mo ang mga ito, at lalakipan mo ng kaunti pang kabaitan, responsibilidad, at konsiderasyon, magagawa mong magsikap pa nang kaunti. Kapag nakaya mong gawin ito, gaganda ang mga resulta ng mga tungkuling ginagampanan mo. Gaganda ang mga resulta mo, at masisiyahan dito kapwa ang ibang mga tao at ang Diyos(“Ang Pagpasok sa Buhay ay Dapat Magsimula sa Karanasan ng Pagganap sa Tungkulin ng Isa” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa isang pagbabahagi, sinabi: “Ano ba ang kahulugan ng mawalan ng malasakit? Sa madaling salita, nangangahulugan iyon ng basta matapos na lang ang gawain para makita ng iba, para isipin nila na ‘Nagawa na niya.’ Magkakamit ba ng mga resulta ang gayong pamamaraan? (Hindi.) Ganyan kung gumawa ng mga bagay-bagay ang mga taong walang pasanin; ganyan nila ginagampanan ang kanilang tungkulin. Hindi talaga nila pinapasan ang bigat ng gawaing ito, ngunit hindi maaaring hindi nila ito gawin. Kapag hindi nila ito ginawa makikita ng mga tao na may problema sa lider na ito, kaya kailangan nilang tapusin ang gawain para ipakita lang na ginawa nila iyon. Sabi ng Diyos, ‘Pagsisilbi ito. Hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin.’ Kaya, ano ang kaibhan ng pagsisilbi sa pagganap ng isang tao sa tungkulin? Ang mga taong talagang gumagawa ng kanilang tungkulin ay nadarama ang kanilang responsibilidad—na nagmumula sa tunay na pagnanais na lunasan ang problema, tunay na pagnanais na gawin nang maayos ang gawaing ito, pagnanais na bigyang-kasiyahan ang Diyos, at pagnanais na suklian ang pagmamahal ng Diyos. Kaya, ano ang kanilang pasiya kapag ginagawa nila ang mga bagay na ito? Na kailangan itong gawin, at kailangan itong gawin nang maayos. Kailangang lutasin ang problema. Hindi sila magpapahinga hangga’t hindi ito nagagawa, hindi sila titigil hangga’t hindi ito naaayos. Iyan ang pasanin nila sa pagsasagawa ng kanilang gawain, at sa gayo’y madali para sa kanila ang maging epektibo. Ito ang kahulugan ng pagganap ng isang tao sa tungkulin. Ginagampanan mo lamang ang iyong tungkulin kapag epektibo ang iyong gawain at pagganap sa tungkulin; kung walang epekto, wala kang malasakit, natataranta ka. Ito ang tinatawag na pagsisilbi; ang pagsasagawa ng tungkulin na hindi epektibo ay pagsisilbi—walang duda iyan, walang masama tungkol dito!” (Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay). Mula sa mga salita ng Diyos at sa pagbabahaging ito, nakakita ako ng isang hakbang sa pagsasagawa: Ang pagganap ng isang tao sa tungkulin ay nangangailangan ng kasigasigan at katapatan, ng seryoso at responsableng pagtrato sa lahat ng bagay; ito lang ang magbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Ang pagtatangkang umiwas sa paglutas sa mga tunay na problema, kawalan ng malasakit at pagsasagawa ng gawain para matapos na lang ay panlilinlang at pakikipaglaro sa Diyos, at tiyak na hindi magkakaroon ng epekto. Ayaw akong makita ng Diyos na walang malasakit, at kumokontra sa Kanya, habang gumaganap sa aking tungkulin. Umasa Siya na magiging tapat ako sa Kanyang tagubilin, itutuwid ko ang aking pag-uugali sa pagganap sa aking tungkulin, totoong haharapin ko ang lahat ng paghihirap, at mas maraming oras ang gugugulin ko sa pag-iisip kung paano lumutas ng mga problema, paano maging epektibo; ang ganitong pagsasagawa lamang ang kaayon ng puso ng Diyos. Sa sandaling iyon, napagtanto ko na hindi na maisasantabi ang mga problema sa mga grupong nag-aaral ng ebanghelyo. Bagama’t hindi magiging madali ang pagbabahagi at pagtalikod sa mga makalumang pananaw ng mga grupong nag-aaral ng ebanghelyo, ayaw ko nang iwasan pa iyon. Sumunod, naghanap ako ng pagkakataong talakayin nang detalyado ang mga problema ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa mga responsableng tao na sina Brother Zhang at Brother Zhao—kung paano maisasakatuparan ang mga pamamaraan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa ibang mga lugar at mailalakip ang kanilang mga kapakinabangan. Pagkatapos ng pagbabahagi, sinabi nina Brother Zhang at Brother Zhao na masaya silang tanggapin ito at siyasatin kung paano ito isagawa. Pagkatapos, mas maliksi na ang mga kapatid kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo, at naging mas epektibo rin sila.

Matapos maranasan ang bagay na ito, nakaya ko nang makahiwatig nang kaunti pagdating sa sarili kong kawalan ng malasakit sa pagganap sa aking tungkulin. Sinimulan kong sadyang talikdan ang aking laman at tumuon sa pagsasagawa ng katotohanan at tapat na pagganap sa aking tungkulin. Ngunit wala pa rin akong gaanong alam tungkol sa sangkap, ugat, at kalubhaan ng mga resulta ng aking kawalan ng malasakit. Kalaunan, nagtakda ang Diyos ng isang sitwasyon para tulutan akong patuloy na matutunan ang aking leksyon, para lutasin ang problema ng aking kawalan ng malasakit.

Makalipas ang kaunting panahon, natuklasan ko ang ilang problema sa mga grupong nag-aaral ng ebanghelyo. Bilang taong namamahala sa gawain, medyo mayabang si Brother Zhang. Dominante siyang magsalita at kumilos, at atubili siyang tanggapin ang mga mungkahi ng ibang mga kapatid. Naiimpluwensyahan din niya si Brother Zhao, na katu-katulong niya. Kapag magkasama, walang kakayahan ang dalawa na talakayin at lutasin ang tunay na mga paghihirap sa gawain ng ebanghelyo. Napaka-konserbatibo rin ni Brother Zhao, at sinunod niya ang maraming doktrina sa pagpapalaganap niya ng ebanghelyo. Nakahadlang ang dalawang kadahilanang ito sa pagsulong ng gawain ng ebanghelyo. Nakapagsagawa ako ng mga espesyal na pagbabahagi sa kanila upang punahin ang kanilang mga problema, ngunit walang anumang malaking pagbabago. Pagkatapos, tumigil na ako sa pagsusumikap na hikayatin silang makipagtulungan nang maayos; sapat nang panatilihing gayon ang mga bagay. Pagdating sa problema ng pag-ayaw ni Brother Zhang na tanggapin ang mga mungkahi ng iba, may mga pagkakataon na pinili kong sumuko, at mga pagkakataon na binantayan ko lang ang mga bagay-bagay. Ngunit hindi ko hinanap ang katotohanan para lutasin ang problemang ito. Ilang buwan bago iyon, nakagambala sa gawain ang mahigpit na pagsunod ni Brother Zhao sa doktrina; ipinaliwanag ko iyon sa kanya, at tinanggap niya iyon, ngunit pagkatapos ay natuklasan ko na sa ilang lugar, sinusunod pa rin niya ang doktrina at matigas ang ulo. Kung minsan itinuturo ko sa kanya ang mga bagay na ito, ngunit magaling siyang mangatwiran. Sa puso ko, naisip ko: “Mangangailangan ng maraming pagsisikap para mabago ang mga pananaw niya. Kailangan kong makahanap ng ilang prinsipyo, kausapin siya tungkol sa kung ano talaga ang nakikita sa kanya. Baka kailanganin kong maghanap ng ibang mga kapatid na may karanasan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo upang sabay-sabay namin siyang makausap para magkaroon ng epekto.” Sa pag-iisip sa gulong idudulot ng paglutas sa problemang ito, nagpasiya akong hayaan na lang na lumipas ang mga bagay-bagay. Kahit napagtanto ko na makakaapekto sa gawain ng ebanghelyo ang mga problema kina Brother Zhang at Brother Zhao, naramdaman ko, pansamantala, na walang mas magaling sa mga grupong nag-aaral ng ebanghelyo na makakagawa ng tagubiling ito. Hindi naman sa lubos na walang epekto ang pagganap nila sa kanilang tungkulin—pasado lang. Ayos lang iyon basta’t walang anumang nasabi sa akin ang matataas na pinuno tungkol doon. May ilang bagay na palaging mangungulit sa iyo, at ilang problemang hindi malutas-lutas. Kaya pagdating sa mga problema sa dalawang kapatid na ito, hindi na ako naglaan ng anumang oras sa pagsasaliksik kung paano ko ito dapat lutasin, ni hindi ko rin sinukat kung ang mga pakinabang ba ng pagganap nila sa kanilang tungkulin ay mas mabigat kaysa mga kapinsalaan.

Pagkatapos, nagsagawa ang iglesia ng isang pampublikong pagsusuri ng opinyon. Natakot ako nang husto sa mga resulta. Iniulat ng maraming kapatid na hindi kailanman tumanggap ng mga mungkahi ng ibang tao si Brother Zhang, na madalas siyang kumilos nang wala sa katwiran, na sa kanya palagi ang huling salita, at madalas niyang pangaralan at abahin ang ibang tao. Takot ang ilang kapatid na makaharap siya. Wala silang magawa kundi atubiling makiayon sa kanyang mga plano, na napipilitan at nabubuhay sa pagiging negatibo. Ipinakita ng mga katotohanan na tumatahak si Brother Zhang sa landas ng anticristo. Pagdating kay Brother Zhao, iniulat ng mga kapatid na hindi siya mapakiusapan, at mahigpit siyang sumunod sa doktrina. Bihira niyang gabayan ang mga kapatid sa pagpasok sa prinsipyo. Sa proseso ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, pinagawa niya ang ibang mga kapatid ng gawaing wala namang katuturan. Ipinakita ng lahat ng ito na hindi niya naunawaan ang diwa at ang prinsipyo. Nagdulot ng malaking sagabal at pagkaantala sa gawain ng ebanghelyo ang kanilang mga kilos. Nagdala rin ang mga ito ng maraming paghihigpit at pasakit sa mga kapatid. Ayon sa prinsipyo, kailangang alisin sina Brother Zhang at Brother Zhao.

Ang aking kawalan ng malasakit at hindi paggawa ng tunay na gawain ay nagdala ng kapahamakan sa gawain ng ebanghelyo. Nagdulot din ito ng maraming paghihirap sa mga kapatid. Habang iniisip ito, nakaramdam ako ng matinding pagtuligsa sa puso ko. Nadaramang hindi ko maiiwasan ang responsibilidad na ito, nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko! Nakapaghatid ako ng malaking kapahamakan sa gawain ng iglesia ngayon dahil sa kapabayaan ko sa aking mga tungkulin, kawalan ng malasakit, pagpapasasa sa mga biyaya ng aking katayuan, at hindi paggawa ng tunay na gawain. May utang na loob ako sa Iyo, at naaawa ako sa aking mga kapatid. Diyos ko! Tatanggapin ko ang Iyong paghatol at pagkastigo sa bagay na ito, para makilala ko ang aking sarili nang mas malalim, at tunay na makapagsisi sa Iyo.”

Kalaunan, nabasa ko sa mga pagbabahagi na, “Kung ikaw ay isang taong nanglilito sa kanyang tungkulin at nagbabalak na maging mapanlinlang, makikita dito na ikaw ay isang taong mapanlinlang at hindi tuwid na pagmamay-ari ni Satanas” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). “Ang bawat isa ay may pare-parehong problema sa pagtupad ng kanyang tungkulin, at iyon ay pagiging mababaw. Tila walang sinumang nararapat sa kanyang katapatan-kung may ginawang isang bagay ang isang tao sa kapwa niya at sineseryoso iyon, kung gayon ang taong iyon ay iginagalang nila nang lubos, isang taong makakatulong sa kanila nang malaki, o isang taong malaki ang pinagkakautangan nila ng loob, kung hindi man ay di nila ito seseryosohin. Ang salitang ‘kita’ ay nakakintal nang malaki sa kalikasan ng sangkatauhan; sineseryoso lamang ng mga tao ang isang bagay kung may kapalit na kita, at kung wala silang kikitain dito, wal rin silang pakialam. Iyan ang kalikasan ng mga tao, at isa ring katangian ng tiwaling sangkatauhan. Mapaghanap sa kanilang sarili ang lahat ng tao, kaya ang lahat ng tao ay kumikilos nang mababaw at kuntento na sa pamamagitan lang noon. Mas mahusay sana kung tunay na isasagawa ng sangkatauhan ang tungkulin nito bilang isang bagay para sa Diyos at seseryosohin ito alang-alang sa Diyos. Kung tunay na may pusong may takot sa Diyos ang sangkatauhan, hindi magiging mababaw kung gayon ang mga tao kapag isinasagawa ang kanilang tungkulin” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Sa pagkukumpara ko ng aking sarili sa mga pagbabahaging ito, at pagninilay sa sarili kong mga kilos, nakaramdam ako ng malaking kahihiyan. Nakita ko na ang sarili kong likas na pagkatao ay talagang makasarili at tuso, na lahat ng ginawa ko ay para protektahan ang sarili kong mga interes. Ang aking mantra ay ang batas ng kaligtasan sa buhay na “Kung walang pakinabang ang paggising nang maaga, sino ang gigising nang maaga?” Kailangang magawa ang mga bagay na may pakinabang, iyong walang pakinabang, hindi. Ang pagganap ng isang tao sa tungkulin ay hindi para suklian ang pagmamahal ng Diyos, kundi upang makipagkasunduan sa Diyos. Noon ko pa nasubukang makakuha ng mas maraming biyaya kapalit ng mas maliit na sakripisyo, kaya mananagot ako sa kawalan ng malasakit at pagtatangkang linlangin ang Diyos. Nagunita ko, sa pamamaraan ng paglutas ko sa mga problema kina Brother Zhang at Brother Zhao, kung gaano kalinaw ang pagkaalam ko na ang nakita sa kanila ay hahadlang sa gawain ng ebanghelyo—pero nang makita ko, sa lahat ng aspeto, na ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, at madama ko na walang ibang mas mahusay na makakapalit sa kanila, wala na akong ibang ginawa kundi makibahagi sa kanila nang ilang beses, dahil ayaw kong magsakripisyo nang higit pa rito upang malutas ito. Sa pagganap ko sa aking tungkulin, nasiyahan na ako na basta ipaisip sa iba na maganda ang ginawa ko, o kapag walang makitang anumang malalaking problema ang nakatataas na pamunuan; talagang hindi ko inalala kung anuman ang isipin ng Diyos, o kung ano ang tingin Niya rito. Alam na alam ko na hindi ko pa ganap na nalutas ang problema, ni hindi ko sinubukang alamin kung ano ang pinagmulan at buod ng kanilang mga problema, kaya inabot ng ganito katagal ang pagpapalit sa kanila—na naging malaking hadlang sa gawain ng ebanghelyo. Napasigla ako ng Diyos sa pagbibigay sa akin ng ganito kahalagang tungkulin, umaasa na isasaisip ko ang Kanyang kalooban—ngunit hindi ko inisip na suklian ang pagmamahal ng Diyos, at sa halip ay nagpaalipin ako kay Satanas, na tinatangkang lokohin at linlangin ang Diyos at nagdadala ng kasiraan sa Kanyang gawain. Wala ako ni kaunting kabaitan. Tunay na kasuklam-suklam at nakamumuhi ako, talagang hindi ako karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos! Hindi masusuway ng tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos; paanong hindi kasusuklaman ng Diyos ang aking mga kilos?

Pagkatapos, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Nagsisiyasat ang Diyos at nakakayang makita kung ano ang kinikimkim ng mga tao sa kanilang puso kapag tumutupad sila sa kanilang tungkulin, at kung gaanong lakas ang iniuukol nila.Napakahalaga na iniuukol ng mga tao ang kanilang buong puso at lakas sa kanilang ginagawa. Napakahalagang sangkap din ng pakikipagtulungan. Tanging sa pagsisikap ng mga tao na walang pagsisihan tungkol sa mga tungkuling kanilang naisagawa at mga bagay na kanilang nagawa, at hindi magkaroon ng pagkakautang sa Diyos, makakikilos sila nang buong at lakas. Kung hindi mo ibinibigay ngayon ang iyong buong puso at lakas, sa gayon, kapag may nangyaring mali kalaunan, at may mga kinahinatnan, hindi ba magiging huli na para sa mga pagsisisi? Habambuhay ka nang may pagkakautang, at iyan ay magiging batik sa iyo! Ang batik sa pagsasagawa ng tungkulin ay isang paglabag. Dapat mong sikaping gawin nang nararapat ang bahagi ng mga bagay na dapat at kailangan mong gawin nang buong puso at lakas. Hindi dapat ginagawa ang mga bagay na iyon nang walang ingat at walang interes; hindi ka dapat magkaroon ng mga pagsisisi. Sa ganitong paraan, ang mga tungkuling ginagawa mo ngayon ay matatandaan ng Diyos. Yaong mga bagay na natatandaan ng Diyos ay magagandang gawa. Ano, kung gayon, ang mga bagay na hindi natatandaan? Ang mga paglabag. Maaaring hindi tanggapin ng mga tao na masasamang gawa ang mga ito kung inilalarawan ang mga ito nang gayon sa ngayon, ngunit kapag dumating ang araw na may malubha nang kahihinatnan sa mga bagay na ito, at naging negatibong impluwensiya ang mga ito, kung gayon ay madarama mo na ang mga bagay na ito ay hindi lamang mga paglabag sa pag-uugali bagkus ay masasamang gawa. Kapag napagtanto mo ito, magsisisi ka, at iisipin sa sarili: dapat ay pinili ko nang umiwas! Kung bahagya ko man lamang napag-isipan at napagsikapan, hindi ko sana kinakaharap ang suliraning ito. Walang makabubura ng walang-hanggang batik na ito sa iyong puso, at magiging dahilan ito ng gulo kung ilalagay ka nito sa palagiang pagkakautang(“Paano Lulutasin ang Kawalan ng Malasakit at Sigasig sa Pagganap ng Iyong Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig. Naisip ko kung paano ako naakay ng sarili kong tuso at makasariling pagkatao, kung paano ko palaging sinubukang maiwasang magsakripisyo habang ginagampanan ko ang aking tungkulin, kung paano ko hindi agad nakilala at muling inatasan ang mga responsableng tao na hindi akmang gamitin, kaya nahadlangan ang gawain ng ebanghelyo, at nabuhay ang mga kapatid sa gitna ng kadiliman at mga paghihigpit. Nagkasala ako sa harap ng Diyos. Kung hindi nasuri ng napapanahong paghatol at pagkastigo ng Diyos ang aking masasamang hakbang, sino ang nakakaalam kung gaano kalaking kasamaan ang magagawa ko sa hinaharap? Sa sandaling iyon, nang lalo kong isipin ang tungkol dito, lalo akong natakot. Lubhang mapanganib ang mawalan ng malasakit sa pagganap ng isang tao sa tungkulin—maaaring makagambala iyon sa gawain ng iglesia anumang oras! Matapos kong makita ang mabibigat na bunga ng aking kawalan ng malasakit, saka ko lang napagtanto na hindi ako tumuon sa pagtanggap sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, at sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, kung hindi ako naging maingat sa pagganap sa aking tungkulin, hinding-hindi ako magiging tapat sa Diyos, lalo na ang paglaya mula sa aking tiwaling disposisyon at ang pagliligtas ng Diyos. Sa sandaling iyon, ipinasiya at hinangad kong sikaping matamo ang katotohanan at maging tapat sa pagganap sa aking tungkulin.

Pagkatapos niyon, gumamit kami ng prinsipyo upang makahanap ng mga taong mas angkop na pumalit kina Brother Zhang at Brother Zhao. Ngunit nanatili ang mga problema sa mga grupong nag-aaral ng ebanghelyo, kaya nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko! Marami pa ring problema sa mga grupong nag-aaral ng ebanghelyo na hindi pa nalulutas. Hindi pa ganap na naipatutupad ang ilang magagandang pamamaraan ng pagsasagawa. Dahil, dati-rati, naging pabaya ako sa paghahanap sa katotohanan, may ilang problema pa hanggang ngayon. Sa pagkakataong ito kailangan kong magsaliksik nang maayos upang makita kung paano lulutasin ang mga problemang ito. Diyos ko! Nawa’y gabayan Mo ako.” Pagkatapos, may ilang kapatid akong natagpuan sa mga grupong nag-aaral ng ebanghelyo na mas mahusay magtrabaho para talakayin nang detalyado ang hakbang sa pangangaral ng ebanghelyo. Marami akong natutunan. Sumunod, naghanda akong magdaos ng pagpupulong ng lahat at ibahagi ang mga problema sa pagganap sa aming tungkulin. Noong gabing iyon, pinag-isipan ko ang mga bagay-bagay habang binabasa ko ang mga materyal, sinusubukang alamin kung paano epektibong gumawa ng mga paghahanda. Binuod ko ang mga problema sa maraming bahagi at tiningnan ang nauugnay na mga salita ng Diyos para sa kasagutan. Nang nangangalahati na ako, napagtanto ko na marami pa ring detalyeng kailangang ayusin—at, nang makita kong gabi na, muli kong naisip nang di-sinasadya na sumuko at mawalan ng malasakit: “Matagal at mahirap hanapan ng mga sanggunian ang mga problemang ito. Hay, gabing-gabi na—siguro hindi ko na dapat idetalyeng masyado ito; gayunman, alam ko na ang pangkalahatang direksyon, at mauunawaan ito ng mga kapatid. Puwede na ito.” Ngunit nang isipin kong huminto at magpahinga, hindi ako mapakali sa puso ko. Sa sandaling iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Tuwing gusto mong magpakakupad at tapusin lamang ang gawain, tuwing gusto mong maging tamad, at tuwing hinahayaan mong magambala ka at nais mo lamang magsaya, dapat mong pag-isipan iyan: Sa pagkilos nang ganito, hindi ba ako mapagkakatiwalaan? Ganito ba ang pagsisikap kong gawin ang aking tungkulin? Hindi ba ako tapat sa paggawa nito? Sa paggawa nito, bigo ba akong tapatan ang tiwala ng Diyos sa akin? Ganito dapat ang pagmumuni-muni mo sa sarili. Dapat mong isipin, ‘Hindi ako naging seryoso sa bagay na ito. Noong araw, pakiramdam ko may problema, pero hindi ko itinuring na mabigat iyon; basta binalewala ko lamang iyon. Ngayo’y hindi pa rin nalulutas ang problemang ito. Anong klaseng tao ako?’ Natukoy mo na siguro ang problema at nakilala mo nang kaunti ang iyong sarili. Dapat ka bang tumigil kapag may kaunting kaalaman ka na? Tapos ka na ba kapag naikumpisal mo na ang iyong mga kasalanan? Kailangan mong magsisi at magbagumbuhay!(“Makakasulong Ka Lamang sa Pamamagitan ng Madalas na Pagmumuni-muni tungkol sa Katotohanan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na nawawalan na naman ako ng malasakit; na muli kong sinusunod ang laman at tinatangkang huwag nang gaanong magpagod. Kasabay noon, malinaw sa puso ko na kung hindi ko tinukoy ang mga kritikal na problema at isinagawa ang isang pinupuntiryang pagbabahagi, tiyak na magkakaroon ito ng epekto sa pagiging epektibo. Upang makamit ang pinakamagandang epekto, kinailangan kong talikdan ang laman. Dahil dito, pinag-isipan kong mabuti iyon at inilista ang bawat problemang pinaka-kailangang lutasin. Kahit inabot ako ng hatinggabi dahil dito, naramdaman ko na tumatag ang puso ko. Kinabukasan, nagtipon kami upang pag-usapan ang mga umiiral na problema. Matinding inayunan ng mga kapatid ang bagong hakbang at mga pamamaraan. Nang makita ko na nalutas na ang mga problemang matagal na lumito sa amin, at lahat ay napalaya, lubhang naginhawahan ang puso ko. Matapos iyon, nagsimula kaming magsagawa ayon sa bagong hakbang at mga pamamaraan. Unti-unting naging epektibo ang gawain ng ebanghelyo at hindi ko napigilan na taos-pusong magpasalamat sa Diyos.

Matapos maranasan ito, tunay kong naramdaman kung gaano katindi ako nagawang tiwali ni Satanas. Nawalan ako ng konsiyensya at katinuan; bagama’t, sa tingin, nagawa kong isuko ang mga bagay-bagay at magpakahirap—at nagawa ko pang magsakripisyo sa ilang bagay—dahil hindi ko nakamit ang katotohanan at ang buhay, may kapangyarihan pa rin ang aking tiwaling disposisyon sa aking kalooban. Ang aking likas na taksil at tusong pagkatao, isang pagkataong bulag sa anuman maliban sa sarili kong mga interes, ang umakay sa akin sa bawat sandali. Anuman ang ginawa ko, para iyon sa sarili kong kapakinabangan. Kapag ginagampanan ko ang aking tungkulin, lagi akong hindi matapat at sinubukan kong linlangin ang Diyos; wala ako ni katiting na pagkatanto na dapat suklian ng isang nilikha ang pagmamahal ng Diyos at isaisip ang Kanyang kalooban. Dahil sa paghahayag ng Diyos, nakita ko kung gaano ako kaaba at kawalang-dangal, na wala ako ni katiting na wangis ng kabaitan. Lalo na nang maisip ko ang kapahamakang idinulot ko sa gawain ng sambahayan ng Diyos dahil sa kawalan ko ng malasakit, naramdaman kong labis akong hindi mapagkakatiwalaan, at masyado kong nasasaktan ang Diyos. Nakaramdam din ako ng mas malaking poot sa sarili ko, at tumindi ang pagnanais kong alisin ang aking tiwaling disposisyon at mailigtas ng Diyos. Magtakda nawa ang Diyos ng mas maraming sitwasyon para hatulan at kastiguhin ako, upang makaayon ako sa Kanyang puso sa lalong madaling panahon kapag ginagampanan ko ang aking tungkulin.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Leave a Reply