Ang Kwento ni Angel

Pebrero 24, 2024

Ni Angel, Myanmar

Nakilala ko si Sister Tina sa Facebook noong Agosto 2020. Sinabi niya sa akin na nagbalik na ang Panginoong Jesus, na nagpapahayag Siya ng maraming katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sinabi rin niya sa akin ang mga propesiya tungkol sa Kanyang pagbabalik para gawin ang gawaing ito ng paghatol: “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos(1 Pedro 4:17). “At kung ang sinumang tao’y nakikinig sa Aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi Ko siya hinahatulan: sapagkat hindi Ako naparito upang humatol sa sanlibutan, kundi upang iligtas ang sanlibutan. Siya na nagtatakwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga salita, ay mayroong isang hahatol sa kanya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kanya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:47–48). “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). Pagkabasa nito at pagkarinig sa pagbabahagi ni Tina, naunawaan ko na ang lahat ng ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos. Bagamat napatawad ang mga kasalanan ng mga mananampalataya, nananatiling di-nalulutas ang ating makasalanang kalikasan. Kahit nagsisimba tayo, nagdarasal, at nagtatapat, patuloy tayong nagsisinungaling at nagkakasala, hindi makatakas sa mga gapos ng kasalanan. Kailangan natin ang Diyos para isagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis, para tunay tayong makalaya sa mga gapos na ito at maging karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng Diyos. Labis na nagbibigay-liwanag ang pagbabahagi ni Tina, sinabi niya sa akin ang mga bagay na hindi ko kailanman narinig sa simbahan. Handa akong maghanap at magsiyasat.

Dalawang brother ang pumunta sa aming nayon para ipalaganap ang ebanghelyo at pinatuloy ko sila. Minsan, mahigit dalawampung taganayon ang pumunta sa bahay ko para makinig sa kanilang pangangaral. Sa tingin nila ay kahanga-hanga ang salita ng Makapangyarihang Diyos at nakakuha sila ng malaking panustos mula rito, at gusto nilang magpatuloy na magsiyasat. Kinabukasan, nabalitaan ng mga pastor at elder ang pangangaral ng ebanghelyo ng mga brother, at dumating sila para pigilan ako. Pagkapasok niya sa pintuan, tinanong ako ni Pastor Taylor: “Sino ang pumunta sa bahay mo para mangaral?” Kinabahan ako nang makita ang kanilang mabagsik na ekspresyon. Nag-alala ako na kung malalaman ng mga pastor na pumarito ang dalawang brother para mangaral ng ebanghelyo, magkakaproblema ang mga brother. Kaya sinabi ko: “Mga kaibigan sila na nakilala ko online.” Tapos ay sinabi ni Pastor Colin: “Nabalitaan namin na pumarito sila para ipalaganap ang ebanghelyo nila. Hindi mo sila dapat patuluyin sa susunod! Kapag nalaman kong ginawa mo, sasabihin ko sa asawa mo na nagpapatuloy ka ng mga lalaki rito!” Galit na galit ako no’ng sabihin niya iyon. Pinapatuloy ko lang sila habang ipinapalaganap nila ang ebanghelyo sa mga taganayon. Wala akong ginawang kahiya-hiya, pero handang magsinungaling ang pastor at takutin ako. Tapos sinabi ni Pastor Taylor: “Huwag kang maniwala sa ebanghelyo nila, malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang(Mateo 24:23–24). Maraming huwad na Cristo ang lilitaw sa mga huling araw. Anumang pangangaral na pumarito na ang Panginoon ay hindi totoo. Huwag kang magpalinlang sa kanila! Sinasabi ko ito para protektahan ka. Natatakot akong malinlang ka.” No’ng panahong iyon, wala akong pagkakilala sa mga salita ng mga pastor, inisip ko na matagal na silang mananampalataya at napakaraming nauunawaan, at naaayon sa Bibliya ang sinasabi nila. Ano’ng gagawin ko kung tama sila, at talagang inililigaw ako? Kaya, pinaniwalaan ko sila. Pinuntahan ako ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para sa mga pagtitipon, pero nagdahilan ako para tumanggi, at pinalitan ko pa nga ang Facebook account ko, at tuluyang pinutol ang mga ugnayan sa kanila.

Mga dalawang linggo akong hindi nakipagtipon. Pinapalipas ko ang araw sa bahay na nakikipag-chat sa mga kaibigan online at nanonood ng mga video. Inip na inip ako. Madalas kong ginugunita ang mga araw na nakikipagtipon ako kasama ng mga mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, noong masayang-masaya ang puso ko, pero ngayon, nagiging mas balisa ako. Naisip ko: “Kung ang Makapangyarihang Diyos ay talagang ang nagbalik na Panginoong Jesus, mapapalagpas ko ba ang Kanyang kaligtasan kung hindi ko Siya tatanggapin? Pero sinabi ng mga pastor na lilitaw ang mga huwad na Cristo sa mga huling araw para linlangin ang mga tao at na ang anumang pangangaral na pumarito na ang Panginoon ay hindi totoo. Paano kung malinlang ako?” Nagtatalo ang kalooban ko at nalilito ako, kaya’t nagdasal ako sa Panginoon, naghahanap: “O Panginoong Jesus, wala akong pagkakilala at hindi ko alam kung kanino makikinig. Pakiusap, bigyang-liwanag Mo po ako para maunawaan ko ang kalooban Mo at hindi mawalan ng kaligtasan Mo.” Pagkatapos magdasal, napagtanto ko na hindi ako pwedeng tumakas lang at hindi maghanap, kailangan kong hanapin ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos para linawin ang mga isyung ito. Pero nagulat ako nang malaman ito ng mga pastor pagkatapos lang ng dalawang pagtitipon. Tinawagan nila ang ilan sa amin na mga kapatid na nakapagtipon nang sabay para sa isang pulong sa bahay ni Pastor Taylor nang gabing iyon. Talagang kinabahan ako. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ng mga pastor. Nung gabing iyon, pumunta kami sa bahay ni Pastor Taylor. Naroon din ang ilan pang pastor at elder. Sinabi ni Pastor Taylor: “Nabalitaan ko na dumadalo ka sa mga online na sermon kamakailan. Bakit ka dumadalo sa mga sermon mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa halip na sa atin? Basta’t pumupunta ka sa simbahan, nakikinig sa mga sermon namin, at nagdarasal at nagtatapat sa Panginoon, pagkatapos, kapag bumalik na ang Panginoon, tiyak na madadala ka sa langit.” Naisip ko: “Ang mga nananalig sa Diyos ay dapat makinig sa mga salita Niya. Lagi kaming pinapakinig ng mga pastor at elder sa kanilang mga salita—hindi ba’t dinadala nila ang mga tao sa harap nila sa halip na sa Diyos?” Hindi ako sang-ayon sa sinabi ng pastor, pero hindi ako nangahas na pabulaanan siya. Pagkatapos ay iniabot sa amin ni Pastor Taylor ang isang notebook at bumulyaw: “Patuloy ba kayong mananalig sa ibang Diyos? Mamili kayo ngayon! Nandito na ang mga pangalan ninyo, bilisan ninyo at pumirma na kayo! Kung pipiliin ninyong huminto sa pananalig, mag-iwan ng tsek, kung hindi, mag-iwan ng X. Magkakaproblema kayo nang husto kung patuloy kayong mananalig sa ibang Diyos! Hindi na namin tutulungan ang mga pamilya ninyo sa mga bagay tulad ng kasal, libing, panganganak o pagtatayo ng mga tahanan ninyo.” Sa lugar namin, pinahahalagahan talaga namin ang mga kaugaliang iyon, at kung wala ang suporta ng mga pastor, hindi rin kami tutulungan ng mga taganayon. Noong panahong iyon, medyo mahina ako. Naisip ko: “Nagpaplano ang pamilya ko na magtayo ng bahay. Ayon sa mga kaugalian ng nayon, dapat itong pangunahan ng mga pastor at elder. Kung hindi nila ito pangangasiwaan, walang darating para tumulong. Kung patuloy akong dadalo sa mga pagtitipon online, magiging mahirap kapag may nangyari sa bahay. Pero nabasa ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at tila tinig ng Panginoon ang mga ito, maaaring ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Kung makikinig ako sa mga pastor at tatalikdan ang Makapangyarihang Diyos, hindi ba’t lalabanan ko ang Panginoon?” Sa isiping ito, nag-iwan ako ng X sa notebook. Ang iba pa ay sunod-sunod na nag-iwan ng mga X. Isang tao lang ang nag-tsek. Galit na galit ang pastor at sinabing: “Kapag nagkaproblema kayo sa hinaharap, hindi darating ang mga taganayon para tulungan kayo. Hindi rin namin kayo ipagdarasal. Pagkatapos nito, tapos na tayo!”

Nagalit ako, pero naguluhan din. Paano naman ang mga huwad na Cristo na binanggit ng mga pastor? Naghanap ako sa dalawang sister na nakakatipon ko. Binasahan ako ng isa sa kanila ng ilang salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Pagkatapos nito, nagbahagi siya: “Paano natin matutukoy ang tunay na Cristo mula sa mga huwad? Si Cristo ang Espiritu ng Diyos na nagkatawang-tao, naparito sa lupa bilang isang tao. Siya ang pagsasakatawan ng katotohanan, ang pagparito ng Tagapagligtas. Kaya ni Cristo na magpahayag ng mga katotohanan at magbunyag ng mga misteryo. Kaya Niyang linisin at iligtas ang tao at isagawa ang gawain ng Diyos Mismo. Sa diwa, ang mga huwad na Cristo ay mga demonyo. Gaano man nila sabihing sila ay Diyos, hindi nila kayang ipahayag ang katotohanan at hindi nila kayang isagawa ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan. Ang kaya lang nila ay mangaral ng ilang salita ng Bibliya o gayahin ang Diyos, gumagawa ng ilang himala para linlangin ang mga tao.” Pagkatapos ay binigyan niya ako ng analohiya. Kung may sampung tao na nakasuot ng puting coat na may stethoscope, at lahat ay nagsasabing mga doktor sila, pero isa lang ang tunay na doktor, paano natin matutukoy ang tunay sa mga peke? Hindi pwedeng tingnan lang natin ang kanilang mga damit o kilos, ang susi ay ang makita kung kaya nilang gumamot ng mga sakit. Kung magagawa nila ito, kung gayon sila ay doktor. Hindi tayo pwedeng tumingin lang sa hitsura kapag tinutukoy si Cristo. Kailangan natin itong pagpasyahan batay sa Kanyang gawain, mga salita, at disposisyong ipinapakita Niya. Kung kaya Niyang magpahayag ng mga katotohanan at gawin ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, Siya si Cristo. Kapag nagbabasa ng salita ng Makapangyarihang Diyos, nakikita nating lahat na ang mga salita Niya ay ang katotohanan, na may kapangyarihan at awtoridad ito. Ibinubunyag Niya ang mga misteryo ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang Kanyang tatlong yugto ng gawain, pagkakatawang-tao, at mga pangalan, at ang tagong kuwento ng Bibliya. Ibinubunyag din Niya ang katotohanan at diwa ng pagtiwali ni Satanas sa tao, at ang pinagmulan ng paghihimagsik at paglaban ng tao sa Diyos, na nakakatulong sa mga tao na makilala ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Sinasabi Niya sa atin kung anong uri ng mga tao ang gusto Niya, sino-sino ang kinasusuklaman Niya, anong uri ang makapapasok sa kaharian ng Diyos, at sino-sino ang parurusahan. Inihahayag din Niya sa atin ang Kanyang matuwid at di-nalalabag na disposisyon. Ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan na kailangan ng tiwaling sangkatauhan para maligtas at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Mula rito, matitiyak natin na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagkatawang-taong Diyos at Cristo ng mga huling araw. Hindi kaya ng mga huwad na Cristo na magpahayag ng mga katotohanan o magsagawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, lalong hindi nila kayang lumutas ng mga tiwaling disposisyon ng tao. Gaano man nila tawagin ang sarili nila na Diyos, sila ay huwad at masasamang espiritu, at babagsak sila. Mas sumigla ang puso ko pagkatapos ng pagbabahagi ng sister. Naunawaan ko na hindi ko pwedeng ibatay sa mga salita ng mga pastor o elder ang pagtukoy sa tunay na Cristo, na ang susi ay ang makita kung kaya Niyang magpahayag ng mga katotohanan at magsagawa ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos, nagbunyag ng napakaraming misteryo ng Bibliya, at nagsagawa ng gawain ng paghatol at paglilinis ng tao. Ito ay mga bagay na hindi kayang gawin ng tao. Lubos akong nakasiguro na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus. Pagkatapos nito, madalas akong makipagtipon sa mga kapatid sa nayon.

Noong Abril 2021, bumalik ang dating sakit ng asawa ko at pumanaw siya. Gusto ng mga kamag-anak ko na pumunta ang mga pastor at tumulong sa pagdarasal at pag-aayos ng mga seremonya, pero kinutya ako ng mga pastor at elder at sinamantala ang pagkakataon na pilitin akong talikuran ang aking pananalig. Nakiayon sa kanila ang lider ng nayon, pinagalitan ako sa hindi pakikinig sa kanila, at pinagbawalan ang mga taganayon na tulungan ako. Pagkatapos ay sinabi niya: “Kung aamin ka lang sa lahat, mangangakong tatalikuran ang Makapangyarihang Diyos, at dadalo sa mga kongregasyon ng simbahan, tutulungan ka naming ilibing ang asawa mo.” Hindi ko akalain na gagamitin nila ang paglilibing sa asawa ko para patigilin ako sa aking pananalig. Sobrang kasuklam-suklam at kapoot-poot iyon. Wala akong dahilan para umamin sa kanila. Naiyak na lang ako habang karga ko ang limang buwang sanggol ko. Nang hindi ako sumagot, hinimok nila ang pamilya ko na pagbantaan ako para umamin akong mali ako. Wala ni isa roon ang sumuporta sa akin. Pakiramdam ko’y nag-iisa ako. Naisip ko: “Kung hindi ko sasabihing mali ako, walang tutulong sa akin na ilibing ang asawa ko, pero kung gagawin ko, itatatwa at ipagkakanulo ko ang Diyos. Ano’ng dapat kong gawin?” Sa pasakit, tumawag ako sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos! Naniniwala ako na Ikaw ang Diyos Mismo, ang natatanging Lumikha ng lahat, na Ikaw ang Makapangyarihang Diyos ng mga hukbo, at nasa mga kamay Mo ang lahat. Handa akong magpasakop sa mga pagsasaayos Mo.” Pagkatapos kong magdasal, naalala ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Naunawaan ko na bagamat mukhang inuusig at hinahadlangan ako ng mga pastor at lider ng nayon, ang totoo, lahat ito’y panlilinlang at panggagambala ni Satanas. Kahit sinabi nilang para sa ikabubuti ko ito, ginagamit nila ang mga kaugalian ng nayon na may kinalaman sa mga libing, kasal, panganganak, at paggawa ng bahay para talikdan ako ng mga taganayon, at pilitin akong itatwa at ipagkanulo ang Diyos. Gusto rin nilang pabalikin ako sa kanilang relihiyon, para mapanatili akong sumusunod at tumatalima sa kanila. Matagal nang iniwan ng Diyos ang mga simbahan ng Kapanahunan ng Biyaya para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Kung makikinig ako sa mga pastor at lider ng nayon at babalik sa simbahan kasama nila, mawawalan ako ng pagkakataong maligtas ng Diyos, at mapupunta ako sa impiyerno at parurusahan kasama nila. Iyon ang masamang layunin ni Satanas. Gaano man nila ako hadlangan, hindi ako pwedeng makinig sa kanila. Kailangan kong manalangin, umasa sa Diyos, manindigan sa aking patotoo, at ipahiya si Satanas. Pero kailangan ko pa rin ng tulong sa libing ng asawa ko, praktikal na problema iyon. Lahat ng taganayon, kamag-anak at kaibigan ko ay nakikinig sa lider ng nayon at mga pastor, at ayaw nila akong tulungan, kaya ano’ng dapat kong gawin? Patuloy akong tumawag sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos, may tumulong man sa’kin na mailibing ang asawa ko ay ganap na nasa mga kamay Mo. Ipinagkakatiwala ko sa’Yo ang mga bagay na ito. Anuman ang mangyari, magpapasakop ako sa Iyo at hinding-hindi Ka ipagkakanulo.” Medyo kumalma at hindi na ako gaanong nahihirapan pagkatapos magdasal. Sa sandaling iyon, narinig ko ang tiyuhin ko sa labas na nagsasabing: “Nakikiusap ako, tumulong po kayo, ako na po ang humihingi ng paumanhin para sa kanya.” Sinabi ng lider ng nayon: “Dapat siya mismo ang humingi ng tawad.” Naisip ko: “Masyadong hindi makatao ang mga pastor at elder na ito! Mas masahol pa sila kaysa sa isang mabuting hindi mananampalataya! Gagawin nila ang lahat para ipagkanulo ko ang Diyos, pero habang mas nagtatangka sila, mas kailangan kong manindigan sa aking patotoo para ipahiya si Satanas.” Nakatanggap ako ng di-inaasahang tawag mula sa nanay ko. Sabi niya: “Huwag kang mawalan ng pag-asa, tutulungan ka ng ilang kaibigan ng asawa mo sa militar, papunta na sila.” No’ng oras na iyon, sobrang naantig ako. Nagpadala ang Diyos ng mga tao para tulungan ako sa kagipitang iyon noong walang-wala akong magawa. Naalala ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Alam mong ang lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan ito nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). Nakita ko na ang lahat ay nasa kamay ng Diyos. Hangga’t tunay tayong umaasa sa Diyos, magbubukas Siya ng landas para sa atin. Bagamat inuusig pa rin ako, nakita ko ang patnubay ng Diyos, naging matatag ang puso ko, at hindi na ako negatibo o mahina.

Pagkatapos maisaayos ang libing ng asawa ko, madalas akong pagalitan ng nanay niya, sinasabing iniiwasan kami ng mga taganayon dahil ipinagkanulo ko ang Panginoong Jesus at nanalig sa maling Diyos. Binatikos din ako ng mga kamag-anak ko dahil doon. Kahit ang pamilya ng nanay ko ay hindi lumalapit sa akin. Ang nanay ko lang ang nakikipagkita sa’kin, kahit palagi niya akong hinihimok: “Bakit hindi ka makinig sa mga pastor at sa lider ng nayon? Tingnan mo’ng sarili mo, wala ka nang asawa, kung hindi ka aasa sa mga taong ito o sa mga biyenan mo, kanino ka pa pwedeng lumapit? Napakabata pa ng anak mo. Dapat kang magtapat at huminto sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos!” Saanman ako magpunta, pinagtsitsismisan ako nang patalikod ng mga taganayon at ang mga suliranin ko ang paksa nila. Magkasundo kami ng mga ibang taganayon at mga kapitbahay ko noon, pero ngayon ay inuusig at itinatakwil nila ako dahil lang sa pananalig ko. Talagang nasaktan ako rito. No’ng panahong iyon, naputol ang internet sa Myanmar. Kaya hindi ako makapagtipon o makapakinig ng mga sermon online, at hindi naglakas-loob na pumunta sa bahay ko ang ibang miyembro para magbahagi ng salita ng Diyos at tulungan ako. Para akong nasadlak sa kadiliman at hindi ko makita ang liwanag. Ang nagawa ko lang ay magdasal sa Diyos araw-araw, humihiling sa Kanya na gabayan ako paalis sa madilim na mga araw na iyon. Isang araw, nakatanggap ako ng mensahe ng salita ng Diyos: “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, at gagawin Kong malinaw ang mga bagay-bagay para sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi masyadong patag; walang ganyan kasimple! Nais ninyo na madaling magkamit ng mga pagpapala, hindi ba? Ngayon, ang bawat tao ay magkakaroon ng mapapait na pagsubok na haharapin. Kung wala ang mga ganitong pagsubok, ang mapagmahal na pusong taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at hindi kayo magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na binubuo lamang ang mga pagsubok na ito ng maliliit na bagay, dapat dumaan ang lahat ng tao sa mga iyon; magkakaiba lamang ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok sa bawat tao. Ang mga pagsubok ay pagpapala mula sa Akin, at ilan sa inyo ang malimit na lumalapit sa Aking harapan at nakaluhod na nagmamakaawa para sa Aking mga pagpapala? Mga hangal na bata! Lagi ninyong iniisip na ang ilang mapapalad na salita ay maibibilang na Aking pagpapala, gayunman ay hindi ninyo kinikilala ang kapaitan bilang isa sa Aking mga pagpapala(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41). Nang mabasa ko iyon, labis akong naantig. Para akong biglang uminom ng mabisang gamot sa malubhang karamdaman at napuspos ako ng pananalig at lakas. Sa pagninilay sa salita ng Diyos, naunawaan ko na hindi madali ang pagsunod sa Diyos, lahat ay kailangang dumanas ng pasakit at kapighatian. Bagamat nagdurusa ang katawan ko, tinutulak ako nitong magdasal at umasa sa Diyos nang madalas. At habang lalo akong nagdurusa, lalo akong nagkakamotibasyon na hanapin ang katotohanan. Nang hindi namamalayan, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, naging mas malapit ako sa Diyos, at mas determinado akong sundin Siya. Nananalig ako sa Panginoon mula pa no’ng bata ako, pero ang alam ko lang ay tamasahin ang biyaya, pagpapala, kapayapaan, at kaligayahang ibinigay Niya sa’kin. Hindi ako dumaan sa anumang pasakit o pagsubok. Wala akong alam tungkol sa Panginoon, lalo na sa pagkilatis sa mga tao. Pero bilang mananampalataya sa Makapangyarihang Diyos, sa pamamagitan ng mga pag-uusig at paghihirap na ito, nagdusa ako nang kaunti, pero natuto akong kumilatis ng mga tao, malinaw kong nakita ang pangit, mapanlinlang, at laban-sa-Diyos na mukha ng mga pastor at elder. Noon, dahil nakita ko na naipapaliwanag ng mga pastor ang Bibliya at ipinagdarasal kami, inakala kong nagmamalasakit sila sa amin, nauunawaan ang Bibliya at kilala ang Diyos. Pero nang mabalitaan nilang nagbalik na ang Panginoong Jesus, ayaw nilang maghanap o magsiyasat. Hinadlangan din nila ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa gawain ng Diyos, ginagamit ang mga kaugalian ng nayon para bantaan ako at inuudyukan ang mga taganayon na atakihin ako at pilitin akong talikdan ang Makapangyarihang Diyos. Nakita ko na sila ay mga mapagpaimbabaw na Pariseo at tuluyan ko silang tinanggihan. Kung gugunitain ang mga araw na iyon ng pasakit at depresyon, kung wala ang patnubay ng salita ng Diyos, baka nabaliw na ako sa mga demonyong iyon. Nalampasan ko ang lahat ng paghihirap na ito dahil sa salita ng Diyos. Tunay akong nagpapasalamat sa Makapangyarihang Diyos! Makalipas ang ilang panahon, bumalik ang internet sa Myanmar. Nakipag-ugnayan ako sa iba pang miyembro at nakipagtipon sa kanila. Pero lumala lang ang pag-uusig ng mga pastor at lider ng nayon.

Isang araw noong Enero 2022, nagpatawag sila ng pulong sa nayon. Humigit-kumulang tatlong daang tao ang dumalo. Pinatalungko nila kaming labing-apat na mananalig sa labas sa ilalim ng tirik na araw. Sabi ng lider ng nayon: “Hindi pwedeng magkaroon ng dalawang pananampalataya sa nayong ito. Ipinatawag ko ang pulong na ito para kayong mga tagasunod ng Makapangyarihang Diyos ay makapili. Sa ngalan ng buong nayon, tinatanong ko sa inyo, magpapatuloy ba kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos, o babalik sa simbahan?” Tinawag nila ang mga kamag-anak namin para kumbinsihin kami isa-isa. Pinuno ng nayon ang ama ni Brother Robert at pinilit siya nitong lumuhod at umamin. Sinabi ni Robert na walang masama sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos at tumangging lumuhod. Galit na sinabi ng kanyang ama: “Dapat kang manalig sa anumang pinananaligan ng mga magulang mo. Hindi ba’t tinatalikuran mo kami sa hindi pakikinig sa amin at sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos?” Sumagot si Robert: “Nananalig ako sa Diyos, kailan ko sinabing tinalikuran ko kayo? Mahal ko ang mga magulang ko, pero mas mahal ko ang Diyos, ang ating Lumikha.” Lalong nagalit na sumigaw ang ama niya: “Anak kita! Nasa mga kamay ko ang buong pagkatao mo! Hindi ka pwedeng magsalita sa’kin nang ganito!” Mas naging malinaw sa akin ang kayabangan ng mga taong ito. Bagamat nananalig sila sa Panginoon, wala silang may-takot-sa-Diyos na puso, ni hindi nila Siya dinadakila. Tapos ay sinabi ng isang opisyal ng gobyerno: “Hindi pinapayagan ng Tsina ang mga tao na manalig sa Makapangyarihang Diyos, at inaaresto nito ang mga nananalig. Plano naming gumawa ng sarili naming imbestigasyon dito. Sino ang nagpasampalataya sa inyo rito? Sino ang lider ninyo?” Sinabi naming lahat na wala kaming lider. Isa pang opisyal ang pumilit sa amin na sumagot pero paulit-ulit lang naming sinabi sa kanya na wala kaming lider. Tapos ay tinanong kami ng isang opisyal ng distrito ng gobyerno: “Ano ang ibig ninyong sabihin sa ‘Makapangyarihang Diyos’?” Sumagot ako: “Hindi mo ba alam? Ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoon ng paglikha, ang mismong Panginoon na lumikha sa iyo.” Nagalit siya nang marinig ito at sinabi niya sa’min na gumawa ng huling pasya. Ang magpapatuloy na manalig sa Makapangyarihang Diyos ay magsasabing “magpapatuloy” at ang mga titigil ay magsasabing “iiwanan.” Kung pipiliin namin ang “magpapatuloy,” iuulat kami para harapin ng mga nakatataas. Sinabi rin ng lider ng nayon na ang mga “magpapatuloy” ay kailangang umalis ng nayon, pero ang mga pipili ng “iiwanan” ay pwedeng manatili at bumalik sa simbahan. Pagkatapos ay isa-isa nila kaming pinapili. Tatlong sister sa harap ko ang pumiling “iiwanan” dahil natakot sa pag-uusig. Nang ako na ang pipili, sinigawan ako ng nanay ko na sabihing “iiwanan” at tumigil sa pananalig, habang pasan niya ang anak ko. Napakasakit na makita ang nanay at anak ko no’ng sandaling iyon. Kung aarestuhin ako, paano sila? Magiging napakahirap para sa nanay ko na alagaan ang anak ko. Kaya’t nagdasal ako, hinihiling sa Diyos na bigyan ako ng pananalig. Naalala ko ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin; at ang umiibig sa anak na lalaki o anak na babae nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. At ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin, ay hindi karapat-dapat sa Akin(Mateo 10:37–38). “Mapapalad ang mga inuusig dahil sa pagsunod sa matuwid: sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit(Mateo 5:10). At ang sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang ‘Diyos ang pinagmulan ng buhay ng tao?’ Ito ay para mapagtanto ng lahat na: Ang buhay at kaluluwa natin ay nagmula lahat sa Diyos at nilikha Niya—hindi mula sa mga magulang natin, at lalong hindi mula sa kalikasan, kundi ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Tanging ang laman natin ang isinilang ng mga magulang natin, kung paanong ang mga anak natin ay isinilang natin, ngunit ang tadhana nila ay ganap na nasa mga kamay ng Diyos. Na tayo ay nakakapanalig sa Diyos ay isang oportunidad na ipinagkaloob Niya; ito ay itinakda Niya at biyaya Niya. Kaya, hindi mo na kailangang tuparin pa ang obligasyon o responsabilidad mo sa kahit kaninuman; dapat mo lang tuparin ang tungkulin mo sa Diyos bilang isang nilikha. Ito ang dapat gawin ng mga tao higit sa ano pa man, ang pangunahing bagay na dapat gawin bilang ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Naunawaan ko na nasa mga kamay ng Diyos ang kapalaran natin. Kung saan tayo isinilang, kung sino’ng mga magulang natin, kung ano’ng mga paghihirap ang nararanasan natin—lahat ito ay matagal nang itinakda ng Diyos. Bagamat isinilang ko ang anak ko, tanging ang tungkulin ko bilang isang ina ang magagawa ko para sa kanya, iyon ay ang alagaan siya. Pero hindi ko mababago ang kapalaran niya o kung ano ang mangyayari sa kanya. Ang ilang bata ay naulila no’ng maliit pa sila, pero tumanda pa rin naman sila. Gaya ng paghihiwalay ng mga magulang ko no’ng bata pa ako, walang ama na nag-aalaga sa akin tulad ng sa ibang mga bata, pero lumaki pa rin akong malusog. Ang kinabukasan ng anak ko ay itinakda ng Diyos. Bata pa ang nanay ko. Kahit wala ako, kaya niyang alagaan ang anak ko. Kailangan ko silang ipagkatiwala sa Diyos at magpasakop sa Kanyang mga pagsasaayos. Mas lalo kong naramdaman na dapat akong manalig at sumunod sa Diyos, na manindigan sa aking patotoo sa Diyos at ipahiya si Satanas. Kaya tumayo ako at sinabing: “Magpapatuloy ako!” Sinabi ng lider ng nayon: “Nagkakamali ang mga pumipiling magpatuloy.” Sumagot ako: “Nananalig at sumusunod ako sa Diyos. Nakikinig lang ako sa Kanyang salita. Hindi ito pagkakamali!” Galit na galit akong sinaway ng opisyal, tinawag akong apostata at taksil sa Panginoon. Pero sa puso ko, alam kong nagpahayag ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos at isinagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, at Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Narinig ko ang tinig ng Diyos at tinanggap ko ang pagliligtas ng Panginoon. Sinusundan ko ang mga yapak ng Kordero, paano iyon pagtataksil sa Panginoon? Gusto ko silang pabulaanan nang husto, pero sa lahat ng sigawan nila, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon. Minura ako ni Elder Lester bilang walang utang na loob at pumulot ng tabla para hampasin ako. Takot na takot ako at tahimik na nagdasal sa Diyos. Nagulat ako nang biglang lumapit ang biyenan ko para pigilan ang elder. Nagpasalamat ako sa Diyos sa Kanyang proteksyon. Lima pang miyembro ang pumiling “magpapatuloy.” Nang makitang hindi kami nakikipagkompromiso, patuloy nila kaming tinatanong kung sino ang lider namin. Walang sumagot. Nakatalungko kami sa ilalim ng araw, mula 9:30 a.m. hanggang 5 p.m., mahigit pitong oras na sunod-sunod. Dahil napakatagal niyon at wala kaming pagkain o tubig, nahimatay ang isang brother na may mababang presyon ng dugo. Lumapit ang pamilya niya para tulungan siya, pero hindi sila pinayagan ng lider ng nayon. Sabi nito: “Kung ang Diyos ninyo ang tunay na Diyos, bakit siya nahimatay?” Pagkatapos nito, nang makitang hindi pa rin kami bumibigay, sinabi sa amin ng lider ng nayon na kunin namin ang aming pamilya, mga alagang hayop, at lahat ng ari-arian namin, sinasabing kailangan naming lisanin ang nayon noong gabi ring iyon. Sinabi rin niya na susunugin nila ang mga bahay namin pagkatapos naming umalis. Sinabi ng opisyal ng distrito ng gobyerno: “Huwag ka nang mag-aksaya ng oras, mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa sabihin kung sino ang lider nila. Pauwiin mo muna sila. Ipapadala ko ang kanilang mga ulat sa pamahalaan bukas para mapagpasyahan ng mga nakatataas. Matatakot sila nun.” Pero hindi ako gaanong natakot. Alam kong nasa mga kamay ng Diyos ang lahat at arestuhin man kami ng mga nakatataas na opisyal, lahat ay nasa mga kamay at pagsasaayos ng Diyos.

Kinaumagahan ng ikatlong araw, nagpatawag ang pamahalaan ng isang pulong ng nayon. Mahigit sa 400 katao ang naroon. Nag-aalala ako na pupwersahin nila kami na lapastanganin ang Diyos at papirmahin ng pangako ng pagtalikod sa pananampalataya, kaya nagdasal ako, hinihiling sa Diyos na protektahan kami para makapanindigan kami sa aming patotoo. Sa pulong, sinabi sa amin ng pinuno ng pamahalaang distrito: “Bata pa kayong lahat at walang anumang nauunawaan. Hindi ako narito ngayon para papanagutin kayo, pero mula ngayon, dapat sundin na ninyo ang mga magulang ninyo, magtrabaho nang mabuti, at tumigil sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at pagpapalaganap ng Kanyang ebanghelyo, kung hindi, aarestuhin kayo ng lider ng nayon at ipapasa sa pamahalaan.” Isang opisyal mula sa konseho ng administrasyon ang nagsabi sa lahat: “Itatrato namin ang mga tagasunod ng Makapangyarihang Diyos sa parehong paraan ng pagtrato sa kanila ng CCP. Tinutugis at inaaresto ng CCP ang mga mananampalataya at maaari nilang gulpihin ang mga ito hanggang sa mamatay nang walang parusa. Ganoon din ang gagawin namin dito sa Wa State. Lahat ng mananampalataya ay aarestuhin, may ginawa man silang mali o wala, at pagkatapos ay gugulpihin sila hanggang sa mamatay nang walang parusa. Walang puwedeng magsabi ng mga bagay na gaya ng ‘Walang ginawang mali ang mga mananampalatayang iyon.’ Ito ang mga utos ng gobyerno. Huwag lumaban, at kapag may nakita kayong mga mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos, iulat niyo sila.” Pagkatapos ay itinuro niya kaming mga nananalig at sinabi sa lahat: “Tingnan niyong mabuti ang mga mukha nila, kailangan niyo silang makilala. Ang mga taong ito ay nananalig sa Makapangyarihang Diyos. Kapag nakita niyo sila na nagtipon o nag-ebanghelyo, iulat niyo sila!” Pagkatapos ay pinabasa niya sa isang klerk ng distrito ang mga materyal na lumalapastangan sa Diyos sa harap ng lahat. Ang mga tao ay nalinlang ng mga salita ng gobyerno, at ang ilan ay tumingin sa amin nang may pagkasuklam. Nagalit ako nang husto sa sinabi nila. Alam kong inuusig ng gobyerno tayong mga mananampalataya upang puwersahin tayong talikdan ang ating pananampalataya at para gawing kimi ang mga tao at matakot na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, nang sa gayon ay maiwala nila ang pagliligtas ng Diyos. Lalo akong napoot sa mga diyablong iyon dahil dito. Pagkatapos ay pinayagan kami ng gobyerno na umuwi.

Pagkauwi ko, binasa ko ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit gaano pa ‘kalakas’ si Satanas, kahit gaano pa ito kapangahas at kaambisyoso, kahit gaano pa katindi ang abilidad nito para magdulot ng pinsala, kahit gaano pa kalawak ang mga paraan para gawing tiwali at akitin nito ang tao, kahit gaano pa kagaling ang mga pandaraya at mga pakana nito sa pananakot ng tao, kahit gaano pa pabago-bago ang anyo ng pag-iral nito, hindi pa ito kailanman nakalikha ng kahit isang buhay na nilalang, hindi pa kailanman nakapagtakda ng mga batas at patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay, at hindi pa kailanman naghari o kumontrol ng anumang bagay, may buhay man o wala. Sa loob ng kosmos at sa kalangitan, wala ni isang tao o bagay ang naisilang mula rito, o umiiral nang dahil dito; wala ni isang tao o bagay ang pinaghaharian nito, o kinokontrol nito. Sa kabaligtaran, hindi lamang nito kailangang sumailalim sa kapamahalaan ng Diyos, kundi, higit pa rito ay kailangang sumunod sa lahat ng atas at kautusan ng Diyos. Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa, lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, mas mababa pa si Satanas sa mga liryo ng kabundukan, sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid, sa mga isda sa karagatan, at sa mga uod sa lupa. Ang papel nito sa lahat ng bagay ay para pagsilbihan ang lahat ng bagay, at gumawa para sa sangkatauhan, at pagsilbihan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ng pamamahala. Kahit gaano pa kamalisyoso ang kalikasan nito, at gaano man kasama ang diwa nito, ang tanging bagay na magagawa nito ay ang tapat na gawin ang tungkulin nito: ang magsilbi sa Diyos, at maging panghambing ng Diyos. Ito ang diwa at kinatatayuan ni Satanas. Ang diwa nito ay hindi kaugnay sa buhay, hindi kaugnay sa kapangyarihan, hindi kaugnay sa awtoridad; laruan lamang ito sa mga kamay ng Diyos, isa lang makina na nagsisilbi sa Diyos!(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Binigyan ako ng salita ng Diyos ng pananalig. Maaari kaming gipitin ng mga pastor at elder, arestuhin at usigin ng pamahalaan, at maaari nilang gamitin ang mga pamilya namin para pilitin kaming talikuran ang Makapangyarihang Diyos, pero anuman ang sabihin o gawin nila, wala silang magagawa sa amin kung walang pahintulot ng Diyos. Tulad noong sinubukan akong hampasin ni Elder Lester ng tabla, bigla akong ipinagtanggol ng biyenan ko na galit sa akin at pinigilan ito. Lahat ito’y nasa mga kamay ng Diyos. Naramdaman ko ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay, at naramdaman kong binabantayan Niya ako. Alam kong nagsaayos ang Diyos ng mga sitwasyon batay sa tayog ko at na hindi Niya ako binibigyan ng napakabigat na pasanin. Sa mga karanasang ito, lumago ang pananalig ko sa Diyos at nadama ko na lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti. Lubos akong nagpapasalamat sa Diyos! Malinaw na ipinakita sa akin ng karanasang ito ang napopoot at laban-sa-Diyos na kalikasan ng mga pastor at elder. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Mayroong mga nagbabasa ng Bibliya sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layon ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang gumugulo sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may ‘magagandang konstitusyon,’ ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Hindi talaga nauunawaan ng mga pastor at elder ang Bibliya. Itinuturo lang nila ang mga salita at doktrina ng Bibliya, at hindi man lang sinasalubong ang Panginoon, at lalong hindi nila hinahanap ang katotohanan. Nang maharap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi sila naghanap o nagsiyasat, nagkamali sila ng pag-unawa sa salita ng Panginoon, at nagpakalat ng mga kuru-kuro para iligaw ang mga nananalig. Sa pagsasabing hindi totoo ang anumang pangangaral na nagbalik na ang Panginoon, pinipigilan nila ang mga nananalig na marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang Panginoon. Sinabi pa nga nila na ito’y para protektahan ang mga nananalig, pero ang totoo’y natatakot sila na wala nang makikinig sa kanila kung susunod ang lahat sa Makapangyarihang Diyos, at na manganganib ang kanilang katayuan at kabuhayan. Ito’ng dahilan kaya pinilit nila kaming talikdan ang Diyos. Umabot pa sila sa paggamit ng libing, kasal, panganganak, at paggawa ng bahay para takutin ako at pilitin akong pirmahan ang pangako ng pagtalikod sa pananampalataya. Ginamit pa nila ang paglilibing sa asawa ko para ipatakwil sa akin ang Makapangyarihang Diyos. Nang hindi ako nakinig, nakipagkaisa sila sa pamahalaan at nagpulong sa nayon para usigin ako, at ginamit ang pamilya ko para tuksuhin akong ipagkanulo ang Diyos. Ginusto pa nilang itaboy kami sa nayon, sunugin ang mga bahay namin, at ipasa kami sa mga nakatataas na opisyal. Hindi sila tumigil sa pag-uusig sa amin para ipagkanulo namin ang Makapangyarihang Diyos at mawalan kami ng pagkakataong maligtas at makapasok sa kaharian ng Diyos. Talagang masasama at malulupit ang mga pastor na iyon! Naalala ko ang pagkondena ng Panginoong Jesus sa mga Pariseo. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok. … Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:13, 15). Sa ilalim ng pagkukunwaring pagprotekta sa kawan, pinigilan ng mga pastor at elder ang mga tao na tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Nilinlang nila ang mga tao na sumunod sa kanila sa paglaban sa Diyos at sa huli ay dadalhin ang mga tao sa impiyerno. Sila ay mga buhay na diyablo na pumipigil sa mga tao sa pagpasok sa kaharian ng Diyos. Sila ay mga demonyo at anticristo na lumalaban sa Diyos at pumipinsala sa mga tao. Malinaw kong nakita ang diwa nila na napopoot sa katotohanan at sa Diyos, at naging mas matatag ako sa pananalig ko na sundin ang Diyos. Gaano man nila ako subukang iligaw o hadlangan, hindi ko tatalikdan ang Makapangyarihang Diyos. Nagdasal ako sa Diyos na gagawin ko nang maayos ang aking tungkulin at mas magdadala pa sa harap Niya ng mga nananabik sa Kanyang pagpapakita para tanggapin ang Kanyang pagliligtas.

Sa paglipas ng panahon, patuloy na pinaghihigpitan ang aming mga pagtitipon at gawain ng ebanghelyo. Para pigilan kaming manalig sa Makapangyarihang Diyos at magtipon online, may itinalagang mga opisyal ang lider ng nayon na sumusuri sa mga telepono namin kada tatlong araw at binubura ang Facebook sa mga telepono namin sa sandaling nakita nila ito. Para maiwasan ang pagbabantay nila at ang pamahalaan, dinala namin sa kabundukan ang mga kagamitan namin sa pagsasaka at nagkunwaring nagtatrabaho para makapagtipon kami nang patago. Hindi kami nangahas na pag-usapan ang pananampalataya namin sa nayon. Pero gaano man nila kami inusig, umasa pa rin kami sa Diyos at patuloy na nagpalaganap ng ebanghelyo sa ibang mga nayon. Sa paglipas ng panahon, mas maraming tao ang tumanggap sa ebanghelyo. Pero natuklasan ng pinuno ng nayon na nagpapalaganap ako ng ebanghelyo at pinilit niya akong ipagkanulo ang iba at isiwalat kung sino ang mga pinangaralan ko. Nang wala akong sinabing anuman, tinakot niya ako, sinusubukang patalikdan sa akin ang aking pananampalataya at pabalikin ako sa kongregasyon, kung hindi, ipapaaresto niya ako. Upang normal na makapagtipon at makapangaral ng ebanghelyo, at matakasan ang pag-uusig at pag-aresto, umalis ako ng Myanmar at nagtungo sa ibang bansa. Naninirahan na ako ngayon kasama ng ilang iba pang kapatid. Nagbabahaginan kami, nagpapalaganap ng ebanghelyo, at nagpapatotoo sa gawain ng Diyos. Nag-eenjoy ako nang sobra. Nagdusa ako ng pasakit at pag-uusig sa lahat ng ito, pero nagkaroon naman ako ng kaunting pagkakilala sa mga pastor at elder at nakikita ko na nang mas malinaw ang kasamaan ng gobyerno, at hindi na nila ako napipigilan. Nagkamit din ako ng kaunting kaalaman tungkol sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at lumago ang pananalig ko sa Kanya. Ito ang mga bagay na hindi ko makakamit sa isang komportableng kapaligiran.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Muling Pagharap sa Karamdaman

Ni Yang Yi, Tsina Nagsimula akong manampalataya sa Panginoong Jesus noong 1995. Matapos maging isang mananampalataya, isang sakit sa puso...