Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

750 Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

1 Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kanilang hantungan sa hinaharap, o para sa pansamantalang kaluguran. Para sa mga hindi napasailalim na sa kahit anong pakikitungo, ang paniniwala sa Diyos ay alang-alang sa pagpasok sa langit, upang magkamit ng mga gantimpala. Ito ay hindi upang magawang perpekto, o para gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Na ang ibig sabihin na karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa Diyos upang tuparin ang kanilang responsibilidad, o para ganapin ang kanilang tungkulin. Bihira na ang mga tao ay naniniwala sa Diyos upang magkaroon ng makabuluhang mga buhay, ni mayroong mga naniniwalang sapagka’t ang tao ay buhay, dapat niyang mahalin ang Diyos dahil ito ay batas ng langit at prinsipyo ng daigdig na gawin ang gayon, at ito ay ang likas na tungkulin ng tao.

2 Sa loob ng lumipas na ilang libong taon, maraming mananampalataya ang nangamatay na, at marami na ang nangamatay at muling isinilang. Hindi lamang ito isa o dalawang tao na naghahanap sa Diyos, ni hindi isa o dalawang libo, nguni’t ang paghahabol ng karamihan sa mga taong ito ay para sa kapakanan ng kanilang sariling inaasam o ng kaluwalhatiang kanilang inaasahan para sa kinabukasan. Iilan lamang at madalang ang mga tapat kay Cristo. Maraming debotong mananampalataya ang nangamatay na ring nabitag sa kanilang mga sariling lambat, Kahit na maingat silang nagsusumikap sa kanilang paghahabol, ang landas na kanilang tinatahak ay ang landas ng kabiguan na minsan nang tinahak ng kanilang mga ninuno, at hindi isa ng tagumpay.

3 Dahil ang tao ay hindi magaling sa buong paglalaan ng kanyang sarili sa Diyos, dahil ang tao ay hindi handang gampanan ang kanyang tungkulin sa Lumikha, dahil nakita na ng tao ang katotohanan nguni’t iniiwasan ito at tumatahak ng kanyang sariling landas, dahil laging naghahanap ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa landas ng mga nagkamali na, dahil laging sinasalungat ng tao ang Langit, sa gayon, laging nagkakamali ang tao, laging nadádalá ng panlilinlang ni Satanas, at nabibitag sa sarili niyang lambat. Kung ang landas ng iyong paghahangad ay ang nararapat, kung gayon ikaw ay mayroong pag-asang magtagumpay; kung ang landas na iyong tinatahak sa paghahangad ng katotohanan ay mali, kung gayon ay habambuhay mong hindi makakayanang magtagumpay, at hahantong sa katapusang gaya ng kay Pablo.

Hango sa “Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Kaalaman ni Pedro Tungkol kay Jesus

Sumunod:Ang Matamo ng Diyos ay Nakasalalay sa Sarili Mong Pagsisikap

Baka Gusto Mo Rin