Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

548 Sisipain ng Diyos ang mga Bigong Tuparin ang Kanilang mga Tungkulin

1 Nagpabalik-balik na Ako sa maraming lugar, nararanasan ang tagumpay at kabiguan ng mundo. Nakapaggala ako sa kalagitnaan ng mga tao at sa kalagitnaan ng mga tao ay nabuhay Ako nang maraming taon, nguni’t parang hindi masyadong nagbago ang disposisyon ng sangkatauhan. At ito ay tila ang lumang kalikasan ng mga tao ay nag-ugat at umusbong sa kanila. Hindi na nila kailanman kayang baguhin ang dating kalikasang iyon, pinabubuti na lamang kahit papaano mula sa orihinal na pundasyon. Tulad ng sinasabi ng mga tao, ang diwa ay hindi nagbago, ngunit ang anyo ang nagbago nang todo. Ang bawat isa, ay tila baga, nagtatangkang lokohin Ako, silawin Ako, nang siya ay makalusot at makamit ang Aking kaluguran.

2 Dahil ang lahat ng tao ay walang paggalang sa sarili at mga walang-kwentang hampaslupa, hindi minamahal ang kanilang mga sarili, bakit pa nila Ako kakailanganin na magpakita ng napanibagong kahabagan at pagmamahal? Walang malilisanan, ang mga tao ay hindi kilala ang kanilang mga sarili, at hindi alam ang kanilang halaga. Dapat ilagay nila ang kanilang mga sarili sa isang timbangan para timbangin. Hindi ba kayo inilalarawan nito, Aking mga tao? Sinong nakagawa ng mga resolusyon sa harap Ko at hindi ito itinapon pagkatapos? Sinong nakagawa ng pang-matagalang mga resolusyon sa harap Ko sa halip na magpasya nang madalas sa ganito at sa ganoon? Palagi, gumagawa ang mga tao ng mga resolusyon sa harap Ko sa mga oras ng kaluwagan at babawiing lahat ang mga ito sa mga panahon ng kagipitan. Kalaunan muli nilang bubuhayin ang kanilang ipinasya at dadalhin sa harap Ko.

3 Ako ba’y ganoong ka-hindi-kagalang-galang na basta Ko tatanggapin ang basura na pinulot ng tao mula sa tambakan? Iilang tao lamang ang humahawak nang mahigpit sa kanilang mga resolusyon, iilan ang tuwid, at iilan ang naghahandog ng kanilang pinakamahalaga bilang kanilang sakripisyo sa Akin. Hindi ba kayong lahat ay ganito rin? Kung, bilang isa sa Aking mga tao sa kaharian, hindi ninyo napapanatili ang inyong tungkulin, kayo ay Aking kamumuhian at tatanggihan!

Hango sa “Kabanata 14” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Pagtalikod sa Laman ay Pagsasagawa ng Katotohanan

Sumunod:Kailangan Mong Tumupad sa Iyong Tungkulin

Baka Gusto Mo Rin