222 NakitaKo Na Ang Kariktan ng Diyos

1 Nakarinig ako ng pamilyar na tinig na tumatawag sa akin nang paulit-ulit. Na para bang nagising ako mula sa isang panaginip, tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Ang tinig ay mahinahon ngunit mabagsik, napakaganda ng binubuo nitong imahe. Ang mga salita ay para bang isang matalim na espadang tumatagos sa aking puso at espiritu, inilalantad ang katotohanan ng aking katiwalian, at wala akong mapagkukublihan. Sa pagkabagabag at pagkasuklam, pinagmuni-munihan ko ang lahat ng nagawa ko. Ibinunyag ng pakikipagtunggali ko sa Diyos para sa katayuan sa aking mga pakikisalamuha sa Kanya ang aking kababaan. Sa kabila ng lahat, ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao pa rin; wala talaga akong katuturan. Naging mapagmataas, hangal, at mangmang ako, at hindi ko nakikilala ang aking sarili. Wala akong kahihiyan at ipinahiya ko ang aking sarili; napuno ang aking puso ng pagsisisi. Dahil lubha akong ginawang tiwali ni Satanas, ganito ako naging ubod ng sama. Nalason at nakababad sa mga kaisipan ng masama, nawalan ako ng lahat ng pagkatao. Nabunyag ako na lubhang tiwali at walang pagkakatulad sa tao. Hangga’t hindi naaalis ang tiwali kong disposisyon, mawawalan ng kabuluhan ang aking paglilingkod. Na may isipang punung-puno ng mga kuro-kuro at kamangmangan ukol sa Diyos, paano nga bang hindi ko Siya lalabanan? Salamat sa paghatol at pagkastigo ng Diyos, nalinis at naligtas ako.

2 Bugbog ako at nagdurusa ng matinding sakit, subalit hinahaplos ako ng isang mapagmahal na kamay. Hinahatulan ako ng Diyos sa aking paghihimagsik at kawalang-katarungan. Napopoot ako sa aking sarili, isang matagal nang tagasunod ng Panginoon na hindi nakakilala sa Diyos. Ngayon na nakikita ko na tunay nga Siyang matuwid at banal, lubos akong nagpapasakop. Pagmamahal at pagpapala ng Diyos ang paghatol at pagkastigo. Salamat na lamang sa Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at mayroon ako nitong araw na ito. Ang pagiging totoo ng Diyos at ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan ay ganap na nabubunyag sa sangkatauhan. Namumuhay ngayon sa liwanag, nakikilala ko ang Diyos at nakikita ko kung gaano Siya kaibig-ibig. Labis na kaibig-ibig ang Diyos; mamahalin ko Siya nang buong-puso at patototohanan Siya magpakailanman.

Sinundan: 221 Isang Bagong Simula Bilang Isang Tao

Sumunod: 223 Mahalaga ang Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

418 Ang Kahulugan ng Dasal

ⅠAng panalangin ay isa sa mga paraankung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito