Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

699 Dapat Mong Hangaring Magawang Perpekto ng Diyos sa Lahat ng Bagay

1 Sa kasalukuyan, kung saan ang dapat ninyong pangunahing hanapin ay ang gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, at gawin kayong perpekto ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng tao, usapin, at mga bagay na inyong hinaharap, upang magiging bahagi ninyo ang higit pa sa kung ano ang Diyos. Kailangan ninyo munang tanggapin ang pamana ng Diyos sa lupa bago kayo maging nararapat na magmana ng higit pa at mas malalaking pagpapala mula sa Diyos. Ang lahat ng naturang bagay ang dapat ninyong hanapin at unawain muna. Mas hinahanap mo na gawin kang perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, mas makikita mo ang kamay ng Diyos sa lahat ng bagay, samakatuwid, aktibong hinahanap na pumasok sa kabuuan ng salita ng Diyos at ang realidad ng Kanyang salita sa pamamagitan ng iba’t ibang pananaw at iba’t ibang bagay. Hindi ka maaaring maging kuntento sa mga naturang negatibong kalagayan tulad ng basta hindi nagkakasala, o walang mga pagkaintindi, walang pilosopiya sa buhay, at walang pantaong kalooban.

2 Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa iba’t ibang paraan, at bilang resulta, posibleng magawa kang perpekto sa lahat ng usapin. Hindi ka lamang magiging perpekto pagdating sa positibo, kundi pati sa negatibo, samakatuwid pinagyayaman kung ano ang nakakamit mo. Araw-araw ay may mga pagkakataon na magawang perpekto at oras na makamtan ng Diyos. Matapos ang panahon ng naturang karanasan, lubos kang magbabago. Natural na ngayon sa iyo ang magkaroon ng kaalaman sa maraming bagay na dati mong hindi naunawaan; na di-kailangan ang iba upang turuan ka, na hindi namamalayan, liliwanagan ka ng Diyos, upang magkaroon ka ng kaliwanagan sa lahat ng bagay at ang lahat ng iyong karanasan ay madedetalye. Gagabayan ka ng Diyos nang hindi ka mapaling sa magkabilang panig. Ilalagay ka Niya pagkatapos sa landas ng pagkaperpekto.

Hango sa “Ang mga Pangako sa mga Nagawang Perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Paraan upang Magawang Perpekto ng Diyos

Sumunod:Lahat ng Tunay na Naghahanap sa Diyos ay Matatamo ang Kanyang mga Pagpapala

Baka Gusto Mo Rin