977 Kailangan Ninyong Hangaring Masang-ayunan ng Diyos

Alang-alang sa kapalaran n’yo,

dapat hangarin pagsang-ayon ng Diyos.

Yamang kinikilala n’yong

kayo’y kasapi sa tahanan ng Diyos,

dapat n’yong bigyan ang Diyos ng

kapayapaan ng isip at kaluguran

sa lahat ng bagay.

Gawing maprinsipyo ang kilos

at umayon sa katotohanan.


I

Kung hindi mo ito magagawa,

kamumuhia’t tatanggihan ka ng Diyos;

itataboy ka ng bawat tao.

Kapag nasa ganitong kalagayan ka na,

‘di ka na maaaring ibilang sa tahanan ng Diyos,

at iyan ang ibig sabihin

ng hindi sinang-ayunan ng Diyos.


Alang-alang sa kapalaran n’yo,

dapat hangarin pagsang-ayon ng Diyos.

Yamang kinikilala n’yong

kayo’y kasapi sa tahanan ng Diyos,

dapat n’yong bigyan ang Diyos ng

kapayapaan ng isip at kaluguran

sa lahat ng bagay.

Gawing maprinsipyo ang kilos

at umayon sa katotohanan.


II

Ang lahat ay nanlinlang at lumaban sa Diyos.

Ang ilang kamalia’y mapapatawad,

ang ila’y hindi, sapagka’t maraming gawa

ang lumalabag sa atas at disposisyon ng Diyos.

Kayo’y pinapayuhan ng Diyos na unawain

ang Kanyang atas,

at subukang malaman ang disposisyon ng Diyos.


Kung hindi, magiging mahirap ang manahimik.

Magiging magarbo ang inyong pangungusap.

Sa ‘di sinasadya’y malalabag ninyo

ang disposisyon ng Diyos,

mahuhulog sa kadilima’t mawawalan

ng presensiya’t liwanag ng Espiritu.


III

Dahil mga gawa mo’y walang prinsipyo,

sinasabi’t ginagawa mo ang ‘di dapat,

ang ganting matatanggap mo

ay nararapat sa iyo.

Wala ka ma’ng prinsipyo sa mga salita’t gawa,

sa dalawang bagay na ito

lubhang maprinsipyo ang Diyos.


Nakakatanggap ka ng parusa

dahil nagkasala ka sa Diyos, hindi sa isang tao.

Kung labis ang iyong paglabag

laban sa disposisyon ng Diyos,

magiging anak ka ng impiyerno.

Kaya sa halip ay maging tapat,

at maprinsipyo sa kilos.


Sa gayon maaari kang maging

katiwala ng Diyos.


Alang-alang sa kapalaran n’yo,

dapat hangarin pagsang-ayon ng Diyos.

Yamang kinikilala n’yong

kayo’y kasapi sa tahanan ng Diyos,

dapat n’yong bigyan ang Diyos ng

kapayapaan ng isip at kaluguran

sa lahat ng bagay.

Gawing maprinsipyo ang kilos

at umayon sa katotohanan.


Kung ‘di mo nilalabag ang disposisyon ng Diyos,

at hinahanap mo ang Kanyang kalooban,

at kung puso mo’y mayroong paggalang sa Diyos,

ang pananampalataya mo ay abot sa pamantayan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala

Sinundan: 976 Umayon sa Kalooban ng Diyos sa Pagsunod sa Sampung Atas Administratibo

Sumunod: 978 Ang Babala ng Diyos sa Tao

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

610 Tularan ang Panginoong Jesus

ⅠTinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,ang pagtubos sa lahat ng taosa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N’ya,nang walang pansariling layunin...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito