179 Bumabangon sa Kabila ng Kadiliman at Pang-aapi

1 Kahit inapi at dinakip ng malaking pulang dragon, mas lalo akong desididong sundin ang Diyos. Nakikita ko kung gaano kasama ang malaking pulang dragon; paano nito maaatim ang Diyos? Dumating na ang Diyos sa katawang-tao—paanong hindi pa ako susunod sa Kanya? Tinatalikdan ko si Satanas, at sinusunod ang Diyos nang may matibay na kalooban. Saanman may kapangyarihan ang diyablo, mahirap ang landas ng pananampalataya sa Diyos. Sinusubukan akong sakmalin ni Satanas; walang ligtas na lugar upang tirhan. Ang pagsampalataya at pagsamba sa Diyos ang talagang tamang gawin. Sa aking pagpiling ibigin ang Diyos, magiging tapat ako hanggang sa wakas. Ang mga panlalansi ng diyablo ay malupit, mapanira, at tunay na kasuklam-suklam. Sa pagkakaroon ng malinaw na pagtingin sa anyo ni Satanas, mas higit ko pang iniibig si Cristo. Hindi ako patatalo kay Satanas, o magkakaroon ng walang kabuluhang pamumuhay. Titiisin ko ang lahat ng pagdurusa, paghihirap, at sakit, at magtitiis sa mga pinakamadidilim na gabi. Upang mabigyang kaaliwan ang Diyos, magpapakita ako ng matagumpay na patotoo at ipahihiya si Satanas.

2 Nakita ko nang lumilitaw ang katuwiran; ito ang madilim na gabi bago ang bukang-liwayway. Naghihingalo na ang mga diyablo; gumagawa sila ng serbisyo para sa Diyos. Bumuo ng isang pangkat ng mananagumpay ang Diyos at natamo ang Kanyang kaluwalhatian. Nakikita ko ang karunungan ng Diyos, at pinupuri ko ang Kanyang katuwiran. Nagpapakasaya ako sa pag-ibig ng Diyos, at lalo ko pang ninanais na isaalang-alang ang Kanyang kalooban. Handa akong ibigay ang lahat ko at gawin ang buo kong makakaya upang masuklian ang Diyos. Nang may taos-pusong pag-ibig sa Diyos, ipalalaganap ko ang Kanyang malugod na balita. Ako’y magiging tapat hanggang sa pinakahuli, magpapatotoo upang maluwalhati ang Diyos. Gaano man ako subukin o pinuhin ng Diyos, desidido na akong bigyang-kaluguran at patotohanan Siya. Nang may taos-pusong pag-ibig sa Diyos, ipalalaganap ko ang Kanyang malugod na balita. Ako’y magiging tapat hanggang sa pinakahuli, magpapatotoo upang maluwalhati ang Diyos. Magdusa man ako nang matindi, mamamatay ako upang mabigyang-kaluguran ang Diyos.

Sinundan: 178 Sa Aming Paghihiwalay

Sumunod: 180 Ipinapangako Ko na Hanggang Kamatayan Kong Tapat na Susundin ang Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito