Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 29

Ikalabinlimang Aytem: Protektahan ang iba’t ibang mahalagang kawani sa gawain, pinangangalagaan sila mula sa mga pang-aabala ng mundong nasa labas, at panatilihin silang ligtas upang matiyak na makauusad nang may kaayusan ang iba’t ibang mahalagang aytem ng gawain.

Saan tayo natigil noong nakaraan sa ating pagbabahaginan tungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? (Noong nakaraan, pangunahin nating pinagbahaginan ang tungkol sa huling tatlong pagpapamalas sa ikalabing-apat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa tungkol sa pagkilatis sa iba't ibang uri ng tao batay sa pagkatao nila. Ang tatlong pagpapamalas na ito ay: pagiging duwag at mapaghinala, pagkahilig na magdulot ng kaguluhan, at pagkakaroon ng komplikadong pinagmulan.) Natapos na nating pagbahaginan ang tungkol sa huling tatlong paksa sa ikalabing-apat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa noong nakaraan, kaya ngayon ay pagbabahaginan natin ang tungkol sa ikalabing-limang responsabilidad. Ano ang ikalabing-limang responsabilidad? (“Ikalabing-limang aytem: Protektahan ang iba’t ibang mahalagang kawani sa gawain, pinangangalagaan sila mula sa mga pang-aabala ng mundong nasa labas, at panatilihin silang ligtas upang matiyak na makauusad nang may kaayusan ang iba’t ibang mahalagang aytem ng gawain.”) “Protektahan ang iba’t ibang mahalagang kawani sa gawain, pinangangalagaan sila mula sa mga pang-aabala ng mundong nasa labas, at panatilihin silang ligtas upang matiyak na makauusad nang may kaayusan ang iba’t ibang mahalagang aytem ng gawain.” Ang responsabilidad na ito ay may kinalaman sa isa pang aspekto ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa; ito rin ay isang partikular na gawain na kailangang maisagawa nang maayos ng mga lider at manggagawa. Ano ang tinutukoy ng aytem ng gawain na ito? (Tinutukoy nito ang pagpapanatiling ligtas sa hinirang na mga tao ng Diyos.) May kinalaman ito sa mga isyu ng personal na kaligtasan. Hindi ba’t madalas na nakahaharap ang paksang ito sa gawain ng iglesia? Hindi ba kayo pamilyar sa paksang ito? (Hindi.) Hindi na bago ang paksang ito sa mga kapatid sa Tsina, dahil sa kalagayang panlipunan sa Tsina, inuusig at inaaresto ang mga mananampalataya, at kinakailangan nila ng mga garantiya sa kaligtasan sa paggawa ng tungkulin nila at sa lahat ng aspekto ng buhay. Kaya, ang gawaing ito ay nasasaklawan ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa; hindi ito isang bagay na opsyonal. Ang isang bansa man ay may kalayaang panrelihiyon, ang maayos na pagsasaayos sa tirahan ng mga kawani na gumagawa ng iba’t ibang mahalagang tungkulin ay isang partikular na aytem ng gawain na dapat isagawa ng mga lider at manggagawa. Maaaring magkaiba ang pokus o mga partikular na kinakailangan ng gawaing ito, pero karaniwang may kinalaman ang lahat ng ito sa kung kayang gawin ng mga kapatid ang tungkulin nila nang may kaligtasan at seguridad, at kung matitiyak ang mga resulta ng mga tungkulin nila. Kaya, huwag balewalain ang gawaing ito o ituring itong walang kinalaman sa iyo dahil nakatira ka sa isang demokratikong bansa. Anuman ang sistema ng pamahalaan sa bansang iyong pinaninirahan o kung inuusig ang mga mananampalataya roon, ang gawaing ito ay nasasaklawan ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa; ito ay isang gawain na dapat isagawa ng mga lider at manggagawa—walang sinuman ang liban dito, at hindi ito dapat ituring na “karagdagang” gawain. Ngayon, pagbahaginan natin ang tungkol sa iba’t ibang isyung nakapaloob sa paksang ito.

Ang Saklaw ng Mahahalagang Kawani sa Gawain

Una, tingnan natin kung ano ang ibig sabihin ng “lahat ng uri ng mahahalagang kawani sa gawain” na binanggit sa ikalabing-limang responsabilidad. Hindi ba’t isa itong paksa na dapat nating pagbahaginan? (Oo.) Kaya, ano ang tinutukoy ng “lahat ng uri ng mahahalagang kawani sa gawain”? Itakda muna natin ang saklaw ng mga target ng gawaing ito. Sino ang makapagsasalita tungkol dito? (Ang lahat ng uri ng mahahalagang kawani sa gawain ay kinabibilangan ng mga kapatid sa pangkat ng bidyo, pangkat sa paggawa ng pelikula, pangkat sa pagpu-proofread, pangkat sa himno, at iyong ibang gumagawa ng iba pang mahahalagang tungkulin. Bukod pa rito, kinabibilangan ito ng ilang kapatid na gumaganap ng mahahalagang papel sa iba’t ibang aytem ng gawain, gayundin ng mga superbisor ng bawat pangkat.) Sino pa ang gustong magdagdag dito? (Kasama rin dito ang mga lider at manggagawa.) Talagang dapat na maprotektahan nang mabuti ang mga lider at manggagawa. Sino pa? (Mayroon ding mahahalagang kawani na nangangasiwa sa mga pangkalahatang gawain, tulad ng mga kawani sa pananalapi.) (At ang mga kapatid na, dahil sa nananalig sila sa Diyos at gumagawa ng mga tungkulin, ay wanted o may rekord sa pulisya, ay nangangailangan din ng proteksiyon.) Ito ay iba pang kategorya, at ito ay isang espesyal na grupo. Ibuod natin kung gaano karaming kategorya ang mayroon. Ang unang kategorya ay kinabibilangan ng mga lider at manggagawa. Ang pangalawang kategorya ay binubuo ng mga kawani na kailangang-kailangan sa iba’t ibang gawain sa sambahayan ng Diyos, lalo ang mga lider ng pangkat at superbisor ng iba’t ibang aytem ng gawain at mga kawani na may mabuting kakayahan, espirituwal na pang-unawa, at kakayahang arukin ang mga prinsipyo at mag-isang pasanin ang mahalagang gawain. May maraming uri ng kawani na nangangasiwa sa iba’t ibang aytem ng gawain, tulad niyong mga nasa gawaing nakabatay sa teksto, grupo ng himno, paggawa ng pelikula, at iba pa, gayundin iyong mga nangangaral ng ebanghelyo, nagpapatotoo, o nagsisilbing mga direktor ng ebanghelyo, at iba pa. Bukod pa rito, kinabibilangan ito ng mga kawaning nangangasiwa sa gawain sa pananalapi, pag-iingat, at mga panlabas na usapin. Ang mga indibidwal na ito ay gumaganap bilang mga tagasuporta sa gawain ng iglesia at kailangang-kailangan; kabilang silang lahat sa mga kawaning nangangasiwa sa iba’t ibang aytem ng gawain. Ito ang pangalawang pangunahing kategorya. Ang pangatlong pangunahing kategorya ay kinabibilangan niyong mga nagsasagawa ng mapanganib na gawain ng iglesia. Sa partikular, sa mga bansang may awtoritaryang rehimen kung saan walang kalayaang panrelihiyon, may ilang labis na mapanganib na mga aytem ng gawain, tulad ng pag-iimprenta ng mga aklat, paglilipat ng mga aklat, pag-iingat ng mga ari-arian ng iglesia, gayundin ang pagho-host at pagsasaayos ng tirahan para sa mga kawaning gumagawa ng mahahalagang tungkulin. Sino pa ang kabilang? (Mayroon ding ilang kawani sa pangkalahatang gawain na naghahatid ng impormasyon sa labas; ang mga tungkuling ginagawa nila ay medyo mapanganib din.) Ang mga indibidwal na ito ay itinuturing ding nagsasagawa ng mapanganib na gawain. Gayumpaman, ang mga taong ito ay tiyak na hindi gumagawa ng gawaing ito paminsan-minsan; sa halip, nakatuon sila sa pagsasagawa ng mahahalaga at mapapanganib na gampanin, tulad ng paghahatid ng impormasyon, pamamahagi ng mga pagsasaayos ng gawain, pamamahagi ng lahat ng bidyo, pelikula, o recording ng sermon ng sambahayan ng Diyos, at iba pa. Sa mga awtoritaryang bansa na walang kalayaang panrelihiyon, dapat maging malinaw ang mga lider at manggagawa tungkol sa kung sino-sino sa hinirang na tao ng Diyos ang gumagawa ng mahahalagang tungkulin at nagsasakatuparan ng mapanganib na gawain. Sa madaling salita, kabilang ang mga indibidwal na ito sa isang kategorya ng mahahalagang kawani sa gawain, at dapat bigyan ng espesyal na pagsasaalang-alang ng mga lider at manggagawa ang kaligtasan ng mga ito; hindi ito maaaring balewalain. Ito ang pangatlong kategorya. Ang pang-apat na kategorya ay isa pang kailangang-kailangang grupo sa gawain ng iglesia. Ang mga indibidwal na ito ay nagtataglay ng mga natatanging kakayahan at kaloob, tulad ng pagiging bihasa sa pangangaral ng ebanghelyo, pagbibigay ng sermon, pagdidilig sa iglesia, o pag-aako ng responsabilidad para sa pag-oorganisa ng mga partikular na aytem ng gawain. Ang mga indibidwal na ito ay maaaring mga lider at manggagawa, superbisor para sa iba’t ibang aytem ng gawain, o mga taong nagsasagawa ng mapanganib na gawain. Kung wala ang gayong mga tao, magkakaroon ng puwang sa mahalagang gawain na pinangangasiwaan nila, at walang iba pa na makagaganap sa kanilang papel. Samakatwid, ang mga indibidwal na ito ay dapat protektahan, at ang kaligtasan nila ay dapat matiyak. Ito ay isang kategorya ng mga tao. Ang isa pang kategorya, sa mga bansang inuusig ang mga relihiyon, ay iyong mga wanted o may rekord sa pulisya dahil sa pananalig nila sa Diyos. Anuman ang saklaw ng warrant o ng partikular na gawaing isinasakatuparan nila sa loob ng iglesia, hangga’t wanted sila dahil sa pananampalataya nila sa Diyos at sa paggawa ng tungkulin nila, dapat humanap ang mga lider at manggagawa ng mga paraan para maprotektahan ang mga ito, isinasaayos na mapatira ang mga ito sa medyo ligtas na mga lokasyon para gawin ang tungkulin ng mga ito. Sa lahat ng bansang umuusig sa pananalig panrelihiyon, ang pag-uusig ng Tsina ay ang pinakamalala. Sa iba’t ibang probinsya at rehiyon sa Tsina, maraming tao ang inaresto o wanted, hindi makabalik sa tahanan nila. Mayroon ding ilang katulad na bansa sa mundo at sa bawat kontinente na umuusig sa pananalig panrelihiyon tulad ng Tsina, at sa mga bansang ito, mayroon ding mga iyon na, dahil sa pagtanggap sa Makapangyarihang Diyos, ay nahaharap sa pag-uusig at hindi makabalik sa tahanan nila. Para sa iyong mga inuusig at hindi makabalik sa tahanan nila, dapat isaayos ng mga lider at manggagawa na mapatira ang mga ito sa iglesiang may full-time na tungkulin sa lalong madaling panahon. Dapat ilagak ang mga ito ng mga lider at manggagawa sa medyo ligtas na mga kapaligiran ayon sa mga lokal na kondisyon para magawa ng mga ito ang mga tungkulin nila. Isa itong priyoridad na aytem na kailangang maisagawa nang maayos. Ang mga indibidwal na inaresto o wanted ay bumubuo sa ikalimang kategorya ng mga kawani na nangangailangan ng proteksiyon. May isa pang kategorya sa mga kawaning nangangasiwa sa iba’t ibang aytem ng mahalagang gawain na espesyal. Ang mga indibidwal na ito ay maaaring hindi kasalukuyang mga lider o manggagawa, ni hindi rin sila gumagawa ng mapanganib na gawain, pero dati na silang gumawa ng maraming tungkulin at malawak ang sinaklawan ng gawain nila. Alam nila ang maraming pamilyang nagho-host at alam din ang tungkol sa ilang kawani na gumagawa ng mahahalagang tungkulin. Samakatwid, kung maaaresto ang gayong mga indibidwal, magdudulot din ito ng malaking sakuna sa gawain ng iglesia. Ang mga indibidwal na ito ay dapat tukuyin bilang “mga taong nakaaalam,” at dapat din silang isama sa iba’t ibang mahalagang kawani sa gawain. Dapat tiyakin ng mga lider at manggagawa ang kaligtasan ng mga ito, para sa pakay na maprotektahan ang kaligtasan ng lahat ng hinirang na tao ng Diyos at matiyak na normal na makauusad ang gawain ng iglesia. May ilang indibidwal sa kategoryang ito na partikular na walang ingat; hindi nila alam na maging maingat, at wala silang masyadong karunungan. Madalas silang kumikilos batay sa sigasig at walang ingat na gumagawa ng mga bagay-bagay sa labas. Dahil hindi pa sila naaresto o napahirapan, hindi nila alam ang kaakibat na panganib nito at ang mga potensiyal na kahihinatnan kung may magkamali, lalong hindi nila nauunawaan ang magiging kalubhaan ng mga kahihinatnang iyon. Dahil naniniwala sila na nananampalataya lang sila sa Diyos, hindi gumagawa ng anumang masama, wala silang kinatatakutang anuman. Dahil dito, pagkatapos magtrabaho sa lokalidad nang ilang panahon, maaari silang maging kilala at mapasailalin sa pagmamatyag ng pamahalaan. Hindi ba’t nagdadala ito ng panganib? Kapag naaresto sila, kung hindi nila kayang tiisin ang interogasyon sa pamamagitan ng pagpapahirap, maaari silang maging mga Hudas, pinagtataksilan ang mga kapatid. Magdudulot ito ng malaking kawalan sa iglesia at madadamay nito ang ibang mga kapatid sa panganib, inilalagay ang mga ito sa panganib ng pagkakaaresto at pagkakakulong, na seryosong makaaapekto sa iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia. Samakatwid, dapat ding isapriyoridad ng iglesia ang proteksiyon ng gayong mga indibidwal. Kung walang ligtas na lugar sa lokalidad para mapagtaguan ng mga ito, dapat ilipat ang mga ito sa mas ligtas na lugar para magampanan ang tungkulin ng mga ito. Ito ay isa pang kategorya ng mga tao. Dahil sa espesyal na kalidad ng sitwasyon nila, kailangang magsaayos ang mga lider at manggagawa ng tirahan para sa kanila, kaya kasama rin sila sa lahat ng uri ng mahalagang kawani sa gawain. Ilang kategorya ng mga tao mayroon sa kabuuan? (Anim na kategorya. Ang unang kategorya ay mga lider at manggagawa. Ang ikalawa ay binubuo ng mga kailangang-kailangang kawani na nangangasiwa sa iba’t ibang aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos; mga superbisor, mga lider ng pangkat, at mga direktor ng ebanghelyo; at iyong mga kayang pasanin ang gawain. Ang ikatlong kategorya ay ang mga kawaning gumagawa ng mapanganib na gawain sa iglesia. Ang ikaapat ay iyong may mga natatanging kasanayan at kaloob. Ang ikalimang kategorya ay binubuo ng mga taong may rekord sa pulisya, iyong mga tinutugis, at iyong mga wanted. At ang ikaanim na kategorya ay ang mga taong nakaaalam.) Halos natalakay na natin ang lahat ng mahalagang kawani na sangkot sa iba’t ibang aytem ng gawain, pero may isang kategorya pa na idaragdag: Kung may sinumang kapatid sa iglesia na, dahil sa paglabas para gawin ang tungkulin nila, pagkakaaresto, o pagharap sa iba pang hindi inaasahang pangyayari, ay hindi makapag-alaga sa mga menor de edad na anak niya, dapat isaayos ng mga lider at manggagawa na malagay sa angkop na tirahan ang mga batang ito para magkaroon ang mga ito ng mga paraan para mabuhay. Ito ay isang espesyal na aytem ng gawain. Bagaman ang aytem ng gawaing ito ay walang kinalaman sa gawain ng iglesia at lumilitaw lang sa mga espesyal na kalagayan, dapat akuin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad para sa pagsasaayos ng angkop na tirahan para sa mga menor de edad na batang ito. Kung ang mga ito ay walang angkop na mga kamag-anak, o kung ang mga kamag-anak ng mga ito ay mga walang pananampalataya at ayaw na kupkupin ang mga ito, dapat tanggapin ang mga ito ng iglesia. Hindi lang dapat isaayos ng iglesia ang isang angkop na pamilyang nagho-host para sa mga ito kundi dapat ding magtalaga ng mga kapatid para maging responsable sa pangangalaga sa mga ito. Kapag naisaayos na ang angkop na tirahan para sa mga ito, kung nananampalataya ang mga ito sa Diyos, tiyak na ideyal iyon, at kapag nasa hustong gulang na ang mga ito, magagawa ng mga ito ang mga tungkulin ng mga ito sa iglesia. Kung hindi naman nananampalataya ang mga ito sa Diyos, pagtuntong ng mga ito sa hustong gulang at pagsabak sa lipunan, hindi na magkakaroon ang mga ito ng kaugnayan sa iglesia, at ang responsabilidad natin ay natupad na. Hindi na natin kailangang alalahanin ang mga usapin ng mga ito pagkatapos ng puntong iyon. Angkop ba ito? (Oo.) Bagaman walang kinalaman ang gawaing ito sa iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, dapat pa rin itong isama sa saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Kung may mga anak iyong mga gumagawa ng tungkulin nito sa iglesia na nangangailangan ng tirahan, maliban kung hindi alam ng mga lider at manggagawa ang sitwasyon, hindi nila ito maaaring balewalain. Kung alam nila ang tungkol dito, dapat silang magtanong, pangasiwaan ito, at akuin ang responsabilidad na ito na magsaayos ng mga angkop na tirahan para sa mga ito. Dapat tiyakin ng mga lider at manggagawa na ang mga kapatid na gumagawa ng tungkulin ng mga ito—lalo na iyong mga gumagawa ng mahahalagang gawain—ay walang alalahanin pagdating sa usaping ito. Hindi naman mahirap ang maayos na pagsasakatuparan ng aytem ng gawaing ito, hindi ba? (Hindi, hindi mahirap.) May hindi bababa sa anim na kategorya ng mahalagang kawani sa gawain. Ang ikapitong kategorya ay karagdagan, kinakatawan nito ang isang napakanatatanging uri ng kalagayan. Ang iba’t ibang kawani na binanggit sa unang anim na kategorya ay maaaring hindi lahat naroroon sa bawat pastoral na lugar o bansa. Gayumpaman, anuman ang bansa, ang pagprotekta sa mga lider at manggagawa, at sa mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin ay isang mahalagang aytem ng gawain. Ito ay isang aytem ng gawain na kailangang pagtuunan ng pansin ng lahat ng lider at manggagawa ng iglesia, at ito ay isang responsabilidad na dapat nilang maisakatuparan nang maayos.

Pangangalaga sa Mahahalagang Kawani sa Gawain mula sa Pang-aabala ng Mundong Nasa Labas

I. Mga Kinakailangang Pangkaligtasan para sa Mga Pamilyang Nagho-host

Ngayong naipaliwanag na natin kung sino ang mahahalagang kawani sa gawain, tingnan naman natin ang partikular na gawain na dapat gawin ng mga lider at manggagawa—Protektahan ang iba’t ibang mahalagang kawani sa gawain, pinangangalagaan sila mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas, at panatilihin silang ligtas. Kaya, anong partikular na gawain na kailangang gawin para epektibong mapangalagaan sila mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas, para masabing naisakatuparan na ng mga lider at manggagawa ang mga responsabilidad ng mga ito? Pagdating sa pagsasagawa ng partikular na gawain, may ilang lider at manggagawa na naguguluhan, nagkakamot ng ulo nila, at nababalisa at nababahala, hindi sigurado kung paano kikilos. May isang mahalagang prinsipyo sa pagsasaayos ng tirahan para sa mahahalagang kawani sa gawain na ito: Dapat silang mapangalagaan mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas para matiyak ang kaligtasan nila. Pinatira man ang mahahalagang kawani sa gawain sa mga tahanan ng mga kapatid o sa mga inupahang bahay, ang mahalagang punto ay na dapat matiyak ang kaligtasan nila. Ang pagtitiyak sa kaligtasan nila ay nangangahulugang napangangalagaan sila mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas. Kaya, ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa para mapangalagaan sila mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas? Kinakailangan nito ang pagsasaayos sa mga tirahan para sa iyong mga gumaganap ng mahahalagang tungkulin sa angkop na mga lokasyon. Tingnan natin ito mula sa dalawang aspekto: Una ay ang panloob na kapaligiran ng pamilyang nagho-host; at isa pa ay ang panlabas na kapaligiran. Pagdating sa panloob na kapaligiran, una, ang host ay dapat isang tunay na mananampalataya, handang mag-host, kayang panatilihing kumpedensiyal ang mga bagay-bagay, maingat kumilos, at marunong makitungo sa mundong nasa labas. Kung may nangyaring anumang espesyal na sitwasyon, dapat alam nila kung paano tugunan ito; dapat magawa nilang pangasiwaan at harapin ito nang maagap sa halip nang pasibo. Dagdag pa rito, dapat mayroon silang disenteng reputasyon sa lugar nila, o marahil ng kaunting prestihiyo at mga lokal na koneksiyon. Kahit wala pa silang impluwensiya, kahit papaano ay dapat maging mga tao sila na nananatili sa nararapat nilang lugar at namumuhay nang disente at hindi nagdudulot ng kaghuluhan o nanghahalina sa mga kahina-hinalang indibidwal sa tahanan nila. Wala sila dapat ng mga kaibigang nagtitipon para maglaro ng mahjong o mag-inuman. Bukod pa rito, ang mga relasyon nila sa mundong nasa labas at sa mga kapitbahay nila ay dapat na medyo normal. Hindi sila dapat masangkot sa anumang alitan ukol sa utang o magkaroon ng pakikipaghidwaan sa mga kapitbahay nila. Sa madaling salita, dapat na medyo tahimik ang kapaligiran nila sa bahay, may hindi komplikadong mga relasyon ang host, at kakaunti lang ang mga tagalabas na pumupunta sa bahay nila para magdulot ng kaguluhan, at iba pa—dapat angkop ang lahat ng aspekto. Higit pa rito, ang mga anak o kamag-anak ng host ay dapat sumusuporta sa pananampalataya niya sa Diyos, o kahit papaano ay hindi sumasalungat sa pagho-host niya sa mga kapatid, at tiyak na hindi walang ingat na nagsasalita ng tungkol sa mga bagay na ito kung saan-saan. Maaaring sabihin ng ilan, “Hindi madaling makahanap ng pamilyang nagho-host na tumutugma sa lahat ng pamantayang ito!” Sinadya ito para tumukoy sa paghahanap ng isang medyo angkop na lugar; hindi kinakailangang ganap na perpekto. Kahit papaano, dapat angkop ang kapaligirang pinaninirahan—tahimik at walang pang-aabala mula sa labas—na tumutupad sa kinakailangan ng pangangalaga sa mahahalagang kawani sa gawain mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas. Sa ilang pamilyang nagho-host, kahit na hindi lahat ng miyembro ng pamilya ay mananampalataya, ang taong nagho-host ay may prestihiyo sa sambahayan at gumagawa ng mga desisyon. Ang mga walang pananampalatayang anak o kamag-anak niya ay hindi nangangahas na manghimasok sa pananampalataya niya sa Diyos o sa pagho-host niya sa mga kapatid; kahit pa hindi sila sumasang-ayon sa loob nila, hindi sila nangangahas na ibahagi ang impormasyong ito sa labas ng pamilya. Kung may mangyari talagang isang bagay, maaari pa nga silang tumulong na magbigay ng proteksiyon. Sa ganitong paraan, ang mga kapatid na nanunuluyan sa tahanang nagho-host na ito ay mananatiling hindi naaapektuhan ng pang-aabala ng mundong nasa labas. Sa ilang kaso, ang host ay kimi, natatakot na baka ilantad ng kanyang mga anak ang pananampalataya niya sa Diyos, na matuklasan ng mga kapitbahay niya ang tungkol sa kanyang pananampalataya at iulat siya, o lalo na baka magkaaberya ang mga bagay-bagay at maaresto siya. Kapag nagsimula na siyang mag-host sa mga kapatid, palagi siyang kinakabahan, hindi makakain sa maghapon o makatulog sa gabi, ginugugol ang buong araw nang nababalisa at takot, na parang isang magnanakaw. Sa tuwing maririnig niyang may nangyayari, tulad ng pagpaplano ng pamahalaan na magsiyasat ng rehistro ng mga sambahayan o pagpunta ng mga kawani ng pamahalaan sa bahay niya para sa iba’t ibang kadahilanan, lubos siyang natatakot at palaging gustong paalisin kaagad ang mga kapatid para hindi siya madamay. Kapag nakita ito ng mga kapatid, kaagad dapat silang lumipat, dahil ang gayong lugar ay hindi angkop para sa pagho-host; magagamit lang ito bilang isang pansamantalang tuluyan sa loob ng ilang araw. Kung ang mga anak, kamag-anak, o kaibigan ng host ay masasamang tao na, kapag nalaman na ang host ay tumatanggap sa mga mananampalataya, ay maaaring dumating para manggulo o magsuplong pa nga ng mga kapatid sa pulisya, napakamapanganib nito. Ang gayong pamilyang nagho-host ay hindi angkop para panuluyan. May ilang magulang na umaastang tila mga alipin sa mga anak nila; maaaring sabihin nila, “Ayos lang, sumusunod sa akin ang mga anak ko,” pero sa totoo, ang pagsunod ng mga anak nila ay nakadepende sa sitwasyon. Kapag nasasangkot ang mga pansariling interes ng mga ito, hindi sumusunod ang mga anak nila sa kanila. Ang gayong tao ay hindi maglalakas-loob ipaalam sa mga anak niya na nagho-host siya sa mga kapatid. Kung natuklasan ito ng kanyang mga anak o kamag-anak, tiyak na paaalisin ng mga ito ang mga kapatid, at tiyak na walang magagawa ang host para pigilan ang mga ito—wala siyang huling desisyon sa sarili niyang sambahayan. Ang gayong tao ay hindi angkop para mag-host; maaaring may pagnanais siyang mag-host pero wala siyang tapang na mag-host. Maglalakas-loob ba ang isang duwag na mag-host? Kung hindi mo matitiyak ang kaligtasan ng mga kapatid, hindi ka angkop para sa gawaing ito—hindi ka dapat magboluntaryo para dito at huwag kang magbigay ng mga walang-lamang pangako sa mga lider at manggagawa, at huwag mong tanggapin ang tungkuling ito. Kung isasaayos ng mga lider at manggagawa ang tirahan ng mga kapatid sa ganitong uri ng sambahayan para sa pagho-host, sa palagay ninyo ba ay angkop ito? (Hindi.) Sobrang hindi ito angkop. Huwag ipadala ang mga kapatid sa panganib. Maaaring napakaligtas na naninirahan ang mga kapatid sa ibang lugar; kung isasaayos mong patirahin sila sa tahanan ng taong ito, kung saan ang mga anak o kamag-anak ay mga walang pananampalataya at maaaring iulat ng mga ito sila sa sandaling malaman ng mga ito na may mga mananampalatayang nananatili roon, at sa gayon ay naisasapanganib ang buhay nila, hindi ba’t mapahahamak ang host na iyon? Kung handang ipagsapalaran ng host ang buhay niya para protektahan ang mga kapatid sa gayong mga sitwasyon at kayang epektibong matiyak ang kaligtasan ng mga ito, at kung karaniwan siyang nagpapakita ng malaking karunungan, ang pamilyang nagho-host na ito ay maaari pa ring maging isang angkop na pagpipilian. Gayumpaman, kung hindi niya kayang ipagsapalaran ang buhay niya para protektahan ang mga kapatid, at kung wala siyang solusyon at umaatras lang na parang pagong na ikinukubli ang ulo nito sa loob ng kabibe nito, kapag nagbabanta ang mga walang pananampalataya sa pamilya niya na iulat ang mga kapatid at isuplong ang mga ito sa pulisya, hindi angkop ang sambahayang ito para sa pagho-host. Kung pansamantalang manunuluyan doon ang mga kapatid nang ilang araw, at pagkatapos ay lilipat kaagad sa isang angkop na lugar sa sandaling may mahanap na lugar, medyo mapagtitiisan lang iyon. Hindi magiging angkop na manuluyan nang pangmatagalan sa gayong tahanan para gawin ang tungkulin nila. Kahit papaano ay dapat na magawang protektahan ng pamilyang nagho-host ang kaligtasan ng mga kapatid—ito ay isa sa mga kinakailangan para sa isang pamilyang nagho-host. Para sa mga gumagawa ng tungkulin nila para maiwasan ang pang-aabala mula sa mundong nasa labas, una, dapat na angkop ang kapaligirang pinaninirahan; dagdag pa rito, dapat na angkop ang mga katangian ng host sa lahat ng aspekto—ibig sabihin, dapat may kakayahan siyang pangalagaan ang mahahalagang kawani sa gawain mula sa pang-aabala mula sa mundong nasa labas. Kung magagawa lang niyang makamit ito, saka lang makapagsasaayos ang mga lider at manggagawa na mapatira ang mahahalagang kawani sa gawain sa tahanan niya. Kung ang host ay may kaunting pananalig, walang kakayahan, at mahina ang loob, hindi makapagpasya sa sarili niyang sambahayan, at ang sinumang anak o kamag-anak niyang walang pananampalataya ay makapapasok at makapangangasiwa sa kanya, lubos itong nakababahala. Ang gayong lugar ay ganap na hindi angkop para sa pagho-host. Kahit malaki pa ang bahay, na may maraming kuwarto, kumportableng kapaligiran, at sa pangkalahatan ay may maaayos na kondisyon, hindi pa rin ito angkop para sa pagho-host. Ang isang angkop na kapaligirang pinaninirahan lang ay hindi sapat; dapat ding maging angkop ang host. Ang mahalagang punto dito ay na dapat munang matiyak ng host na ang mga kawaning gumagawa ng mga tungkulin nila na hino-host niya ay napapangalagaan mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas. Saka pa lang dapat isaalang-alang ang kapaligirang pinaninirahan. Katanggap-tanggap pa rin ang isang medyo hindi ideyal kapaligiran—ito man ay ang mas maliit ang espasyo, limitadong internet, mas simpleng pagkain, o hindi ganoon kakumbenyenteng access sa tubig. Basta’t ang host ay angkop, may kakayanang tugunan ang panganib kapag lumilitaw ito, pamahalaan ang iba’t ibang komplikadong sitwasyon, at lalong maayos na pangasiwaan ang anumang espesyal na pangyayari na maaaring maganap para protektahan ang kaligtasan ng mga kapatid, maituturing na sapat siya sa pamantayan bilang isang host. Ang mga kinakailangan para sa kapaligirang pinaninirahan ng isang pamilyang nagho-host ay hindi mataas; ang pinakamahalagang bagay ay na kaya nitong matiyak ang kaligtasan. Hindi na kailangang maging detalyado pa sa puntong ito.

II. Mga Kinakailangan para sa Kapaligiran sa Lugar ng Panirahan

Para sa panlabas na kapaligirang nakapaligid sa tirahan ng pamilyang nagho-host, ang unang bagay na dapat isaalang-alang ng mga lider at manggagawa ay kung ligtas ba ito. Anuman ang kondisyon ng pamilyang nagho-host o kung ang tirahan ba ay bahay ng kapatid o inuupahang bahay, kailangang isaalang-alang kung ang panlabas na kapaligiran ng tirahan ay ligtas; ito ang pinakamahalagang punto. Una sa lahat, angkop lang ito kung ang pananampalataya sa Diyos ng pamilyang nagho-host ay hindi gaanong kilala at walang rekord tungkol sa pananalig nila sa Kawanihan ng Pampublikong Seguridad. Kung, noon, kapag nagtitipon ang mga kapatid doon, iniulat ito ng mga kapitbahay sa pamahalaan, at alam na ng pamahalaan na ang pamilyang ito ay madalas na may mga pagtitipon kasama ang mga estranghero, ang lokasyong ito ay hindi angkop para sa pagho-host. Kung umuupa, hindi rin angkop na upahan ang bahay ng gayong pamilya. Ito ay isang aspekto. Bukod pa rito, sa ilang lugar, hindi maganda ang pampublikong seguridad, na may madadalas na insidente ng nakawan, patayan, at iba’t iba pang kaso. Ang mga residente ay kadalasang mga medyo komplikadong indibidwal, at madalas na pumupunta roon ang pulisya para siyasatin ang mga rehistro ng sambahayan at mga ID card, at imbestigahan ang mga suspek sa krimen, bukod sa iba pang mga bagay. Sabihin ninyo sa Akin, kung manunuluyan kayo sa gayong lugar, hindi ba’t madalas kayong magdurusa ng pang-aabala? (Oo.) Ang gayong mga lugar ay hindi rin angkop para tirhan. Kumakatok ang mga pulis kada ilang araw, sinasabing may nangyaring nakawan o patayan sa malapit at humihiling ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon, sinasabi sa mga tao na kaagad na mag-ulat kung makikita nila ang salarin. Palaging kumakatok ang mga pulis sa mga pintuan, nagkukunwari gamit ang iba’t ibang uri ng palusot, sinasabing nag-iimbestiga sila ng mga kaso, pero sa totoo, sinisiyasat nila ang mga tagalabas at estranghero—mas tumpak, hinahanap nila ang mga taong nananampalataya sa Diyos. Makararamdam ka ba ng anumang kapanatagan sa panunuluyan sa gayong tahanang nagho-host? (Hindi.) Walang duda, magiging aligaga ka buong araw. Kahit pa ang mga krimen sa labas ay walang kinalaman sa pamilyang nagho-host, hindi ka pa rin mapapanatag. Ang pamumuhay sa gayong kapaligiran ay madalas na magpaparamdam sa iyo na nanganganib ang iyong personal na kaligtasan. Sino ang nakaaalam kung balang araw, ang pulisya, pagkakita sa mga kapatid, ay magsisimulang kuwestiyunin ang mga estrangherong ito, at kalaunan ay aarestuhin ang mga ito. Hindi ba’t isang nakatatakot na sitwasyon? (Oo.) Bukod pa rito, karamihan sa mga Tsino ay walang kamalayan sa seguridad; sa sandaling narinig nilang may kumakatok, binubuksan nila ang pinto, at kadalasan ding hindi nila kinakandado ang mga pinto nila, na madaling humahantong sa mga insidente. Sa mga bansang Kanluranin na may kalayaan at demokrasya, ang mga pribadong tirahan ay itinuturing na mga pribadong lugar. Kung pumasok ang isang tagalabas sa pribadong lugar nang walang pahintulot, itinuturing itong ilegal, at ang mga taong nakatira doon ay tatawag sa pulisya. Ang nanghihimasok pagkatapos ay pananagutin sa batas. Kaya, kung kumatok ang isang estranghero, hindi mo kailangang buksan ang pinto—maaari kang tumanggi. Kahit pa may nakatakdang bumisita sa iyo, kung hindi ka handa o nagbago ang isip mo, hindi mo kailangang buksan ang pinto; maaari kang magtakda ng panibagong iskedyul sa kanila. Ang mga tao sa Kanluraning bansa ay may ganitong karapatan, mayroon silang ganitong kamalayan sa batas. Gayumpaman, walang ganitong kamalayan sa batas ang mga Tsino. Kapag may naririnig silang katok sa pinto, nagmamadali silang buksan ito. Nagpapakita ito ng kawalan ng pag-iingat, kawalan ng kamalayan sa pagprotekta sa sarili, at hindi pagiging pamilyar sa mga kaugnay na batas. Ito ay dahil ang Tsina ay isang diktadura, na may iisang partidong nangingibabaw sa batas, na ang sistema ng batas nito ay isang pakitang-tao lang. Ang malaking pulang dragon ay kumikilos nang may ganap na pagwawalang bahala sa batas at kaayusan sa Tsina, walang habas na gumagawa ng masasamang gawa, at ang mga tao ay walang anumang karapatang pantao. Hindi binibigyang-pansin ng mga Tsino ang karapatang pantao, ni hindi nila natutunan ang pagpapahalaga sa pagsunod sa mga regulasyong pandisiplina at pagsunod sa batas; sa partikular, wala silang kamalayan sa pagprotekta sa sarili, at hindi alam ng karamihan ng tao kung paano gamitin ang batas para protektahan ang sarili nila. Bilang resulta, walang garantiya ng kaligtasan. Sa kabuuan, sa anumang lugar na may mahinang pambublikong seguridad, mga residente na may komplikadong pinagmulan at pagkakakilanlan, madalas na mga inspeksiyon, o madalas na mga insidente ng iba’t ibang kriminal na kaso, madali para sa mga tao na maapektuhan ng pang-aabala ng mundong nasa labas. Ang gayong lugar ay hindi angkop para panuluyan. Ito ay isang salik sa pampublikong seguridad na dapat isaalang-alang kapag nagsasaayos ng panunuluyan para sa mahahalagang kawani sa gawain.

Ang kapaligirang pinaninirahan para sa mga gumagawa ng tungkulin nila ay dapat na piliing mabuti; pinakamainam na iwasan ang matataong urban na lugar at mapapanganib na lokasyon. Aling mga lugar ang tinutukoy natin bilang matataong urban na lugar? Kabilang dito ang mga lugar tulad ng malapit sa mga riles ng tren, mga haywey, mga interseksiyon, at mga palengke. Lalo na sa mga pangunahing riles ng tren, kung saan dumaraan ang hindi-mabilang na tren araw-araw, at ang mga sahig ng mga kalapit na bahay ay yumayanig sa bawat pagdaan ng tren. Sa gayong kapaligiran, ganap na imposibleng makahanap ng kapayapaan habang ginagawa ang tungkulin ng isang tao. Bukod pa rito, ang ilang taong gumugol ng ilang taon sa paggawa ng tungkulin nila nang malayo sa tahanan nila ay namumuhay nang may patuloy na pagkabalisa, at ang puso nila ay wala sa pinakamainam na kondisyon, kaya't lalong hindi angkop para sa kanila na manirahan sa gayong mga lugar. Kung ang partikular na gawain ay nangangailangan ng tahimik na kapaligiran, tulad ng gawaing pagre-rekord o gawaing batay sa teksto, kahit papaano ay dapat na walang ingay na makaaabala, at dapat ding matiyak ang kaligtasan—magiging ideyal ito. Kung walang ganap na ligtas na lugar, dapat mahanap ang isang medyo ligtas na lugar. Sa ganitong kaso, katanggap-tanggap ang kaunting ingay, at hindi natin dapat masyadong itaas ang mga kinakailangan; basta’t ligtas ang kapaligirang pinaninirahan, magiging sapat ito. Bukod pa rito, kung ang bahay ay matatagpuan sa pangunahing lugar-trapiko, tulad ng malapit sa mga ilaw pantrapiko o interseksiyon, magkakaroon ng hindi-mabilang na mga tao at sasakyang dumaraan araw-araw. Ang gayong bahay ay lantad sa paningin maraming dumaraan, at sa isang kaswal na tingin, madaling makikita ng mga taong dumaraan iyong mga nasa loob ng bahay. Lalo na kapag nakabukas ang mga ilaw sa gabi, malinaw na makikita ang sitwasyon sa loob ng bahay. Masasabi mo ba na ang gayong bahay ay katanggap-tanggap pa ring panuluyan? Angkop ba ang ganitong kapaligiran? (Hindi, hindi ito angkop.) Tunay ngang hindi ito angkop. Ang mga taong nanunuluyan sa gayong lugar ay madalas na nagdurusa ng pang-aabala, madalas na nakikitang nagmamasid sa kanila ang mga estranghero. Kapag nagtatagpo ang mga mata nila sa mga mata ng isang estranghero, nagugulat sila, nakararamdam ng pagkabalisa araw-araw, palaging nararamdamang minamatyagan sila—sinong nakaaalam kung may sinumang nasa likod nito, na nagdidirekta at nagkokontrol sa mga bagay-bagay. Sa palagay ninyo ba ay makadarama ng kapanatagan ang isang taong naninirahan sa gayong kapaligiran? Gayundin, may ilang bahay na may mababang kalidad at mahinang soundproofing, kaya kapag nagsasalita nang malakas o nagpapatugtog ng mga himno sa loob, naririnig ng mga tao sa labas ang lahat. Bukod pa rito, may ilang bahay na nasa pinakamataas na bahagi ng komunidad, sa ganoong kaso hindi lang ito mas madaling tamaan ng kidlat kundi pinahihintulutan din nito ang mga nakapalibot na kapitbahay na makita ang mga kapatid sa tuwing lumalabas ang mga ito. Mahirap para sa kanila kahit ang magbukas ng bintana paminsan-minsan para magpahangin o magpalamig; dapat na palaging mahigpit na nakasara ang mga bintana nang nakatakip ang mga kurtina, para walang liwanag ang makapasok, at mas lalong mahirap ang lumabas para maglakad-lakad. May palaging pag-aalala na mapagmasdan at mapansin ng mga tao sa labas. Bagaman hindi sabay-sabay na pumapasok at lumalabas ang mga kapatid, sa bawat pagkakataong may pumapasok o lumalabas, malinaw na nakikita ito ng mga tao sa labas. Sa huli, magkakaroon sila ng pangkalahatang ideya kung ilang mga estranghero ang naninirahan sa bahay na iyon. Masasabi ninyo ba na matitiyak pa rin ang kaligtasan ng mga taong nanunuluyan rito? (Hindi, hindi matitiyak.) Iniisip ng ilang tao, “Kadalasan ay ginagawa natin ang tungkulin natin sa loob ng bahay, at kahit kapag lumabas tayo, nagsasalitan tayo at hindi sabay-sabay na lumalabas. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, hindi malalaman ng mga nakapaligid na kapitbahay ang anumang bagay.” Pero kahit na makipagsalitan ka pa sa paglabas, magdudulot pa rin ito ng problema kung may makapansin na ikaw ay isang estranghero. Maraming mga walang pananampalataya ang hindi namumuhay nang matiwasay, pero partikular na nasisiyahan sa pagmamasid at pang-aabala sa buhay ng ibang tao. May ilan pa nga na maaaring gumamit ng binocular para mang-espiya sa iyo, pinapanood kung ano ang ginagawa mo sa loob. Kung matuklasan nilang may nagtitipon na mga mananampalataya, kaagad nilang iuulat ito sa pamahalaan kapalit ng gantimpala. Kapag itinuon ng gayong tao ang pansin niya sa iyo, hindi ba’t mapanganib na sitwasyon ito? (Oo.) Kapag itinuon na niya ang pansin niya sa iyo, may anumang mabuting maidudulot ba ito? Tiyak na mauuwi ito sa iyong pagkakaaresto! Sa anumang bansa o rehiyon, walang anumang kakulangan sa mga usisero. Kahit na wala silang kinikitang pera sa pagmamanman sa iyo, handang-handa silang gawin ito—magbabayad pa nga sila ng pera at iaantala ang sarili nilang gawain para magbantay. At kung may gantimpala para sa pag-uulat sa iyo, mas masasabik silang gawin ito. Lalo na sa isang diktadura tulad ng China, masyadong maraming tao ang nagmamasid sa mga mananampalataya ng Diyos. Dahil tutol sila sa katotohanan at nakararamdam ng pagtutol sa mga nananampalataya sa Diyos, sa sandaling matuklasan nilang ang mga mananampalataya ay nakikisalamuha sa isa’t isa o nagtitipon, iniuulat nila ang mga ito. Kung may gantimpala sa pag-uulat, nakahahanap sila ng walang sawang kasiyahan sa paggawa nito. Hindi ba’t madali itong makapagdudulot ng problema sa iglesia? (Oo.) Kung naaabala ka sa ganitong paraan, hindi ba’t dahil ito sa hindi isinaayos ng mga lider at manggagawa ang mga tirahan nang maayos? Kung ang lokasyon at kapaligiran para sa pagpapatira sa mahahalagang kawani sa gawain ay hindi angkop dahil hindi ito lubusang pinag-isipan ng mga lider at manggagawa, ito ang mga nagiging kahihinatnan. Kung ang lugar kung saan nakatira ang isang tao ay masyadong nakatatawag-pansin, maaaring madaling mauwi ito sa pagkakaroon ng problema. Kapag nagkaproblema na at saka mo lang nabatid na ang lugar na ito ay hindi angkop para panuluyan, huli na ang lahat. Kaya’t ang pagpili sa angkop na lokasyong panirahan para sa mga gumagawa ng tungkulin nila ay isa ring mahalagang gawain, at ang maling pagpili ay maaaring madaling humantong sa panganib.

III. Paano Dapat Gawin ng mga Lider at Manggagawa ang Gawain ng Pagsasaayos sa Kalalagayan ng mga Kawani

Para sa kapaligirang pinaninirahan ng mahahalagang kawani sa gawain, may kinalaman man ito sa panloob o panlabas na kapaligiran, kailangang isaalang-alang nang mabuti ng mga lider at manggagawa ang lahat ng aspekto. Hindi sila dapat maging simplistiko sa pag-iisip nila, palaging ipinagpapalagay na kung hindi tayo makikisalamuha sa mundong nasa labas, walang mangyayari. Ang lipunan ngayon ay sobrang komplikado, puno ng iba’t ibang uri ng mga demonyo, at saanmang lugar, palaging may mga usiserong nagmamasid sa iyo, ginagawang imposible na maiwasan ang pagsisiyasat nila. Maaaring isipin mo na, “Wala naman akong nilabag na anumang batas o ginawang mali sa pananampalataya ko sa Diyos. Ginagawa ko lang ang aking tungkulin; wala namang mangyayaring masama sa akin, tama?” Pero hindi kasingsimple ang mga katunayan tulad nang iyong inaakala. Bakit naggugugol ang CCP ng napakaraming tao at mapagkukunan para labanan ang Diyos at sugpuin ang iglesia ng Diyos? Nauunawaan ba ninyo ito? Hindi ninyo ito kailanman mauunawaan. Gaano karami ang makikilatis mo sa kalikasan ng mga diyablo at Satanas? Napakaliit ng nauunawaan mo tungkol sa mga diyablo at Satanas. Napakakomplikado ng lipunang ito, at ang mga diyablo at Satanas ay mga sawing-palad na gumagawa ng kasamaan. Ang pinakagusto nila ay ang arestuhin ang hinirang na mga tao ng Diyos at guluhin ang gawain ng iglesia. Kung palagi mong tinitingnan ang mga Satanas bilang mga karaniwang tao lang, tunay kang mangmang; ipinakikita nito na hindi mo nakikilatis ang kasamaan ng lipunang ito, at tiyak na hindi mo pa nakilatis ang pagiging kamuhi-muhi ng mga diyablo at Satanas. Kaya, para magawa ng mga lider at manggagawa ang gawain ng iglesia nang maayos, dapat nilang tiyakin ang kaligtasan niyong mga gumagawa ng tungkulin nila—ito ang pinakamahalaga. Sa isang bansa sa ilalim ng diktadurya, kung saan walang kalayaan sa pananampalataya, napakahirap na tiyakin ang kaligtasan niyong mga gumagawa ng tungkulin nila. Gayumpaman, gaano man ito kahirap, dapat maingat na piliin ang angkop na mga lugar na panirahan; hindi dapat magkaroon ng kapabayaan sa aspektong ito. Ang pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos ay kinapalooban ng pagbabahaginan sa mga usaping ito. Dapat tiyakin ng mga lider at manggagawa na magagawa ng mga kapatid ang tungkulin nila nang walang panggugulo at walang pang-aabala mula sa mundong nasa labas—basta’t inilalagay nila ang puso nila rito, maisasakatuparan nila ito. Ang tanging alalahanin ay kapag kumikilos sila nang pabasta-basta at walang pananagutan, iniisip lang ang sarili nilang kaligtasan habang binabalewala ang kaligtasan ng mga kapatid. Ginagawa nitong imposible gawin ang gawain ng iglesia nang maayos. Kung, dahil sa iyong kapabayaan, kawalan ng pagkamasigasig, kawalang-responsabilidad, o takot sa kapaligiran at mga problema, nabibigo kang gawin ang mga bagay na ito, na nagreresulta sa pagkakaaresto ng mga kawaning gumagawa ng mahahalagang tungkulin at nalalagay sa buhay ng mga kapatid sa panganib—na nag-aantala sa gawain ng iglesia at pumipinsala sa mga kapatid—bilang isnag lider o manggagawa, dapat mong akuin ang responsabilidad. Hindi basta malulutas ang responsabilidad sa pamamagitan ng paggugol ng kaunting pera bilang kabayaran o sa pangungumpisal sa panalangin; hindi ito ganoon kasimple. Kaya, ano ang kalikasan ng usaping ito? Isa itong hindi mabuburang dungis, isang walang-hanggang pagsalangsang—nabigyan ka na ng demerito. Ang “demerito” na ito ay hindi nagpapakita ng isang pangkaraniwang pagkakamali; sa paningin ng Diyos, isa itong pagsalangsang. Kung masyadong marami ang iyong pagsalangsang—dahil nakagawa ka ng mga pagsalangsang dati, gumagawa pa rin ng mga ito sa ngayon, at gagawa ng mas marami pa sa hinaharap—nang may ilang malalaking pagsalangsang na pinaghalu-halo, masasadlak ka sa perdisyon at mawawasak. Hindi ka na ililigtas ng Diyos, at ang pananampalataya mo sa Diyos ay magiging walang kabuluhan. Hindi ka lang mawawalan ng pag-asa sa kaligtasan, kundi haharapin mo rin ang kaparusahan. Samakatwid, napakahalaga na gawin ng mga lider at manggagawa ang gawin nila ayon sa mga prinsipyo! Naisaulo mo ba ito? (Oo.) Dapat tuparin ng mga lider at manggagawa ang mga tungkulin nila, at gaano man kasama o kapanganib ang kapaligiran, dapat nilang gawin ang lahat ng makakaya nila ayon sa lokal na kondisyon para protektahan ang kaligtasan ng mahahalagang kawani sa gawain at maayos na isaayos ang tirahan para sa kanila. Ang layon ay para tiyakin na ang gawain ng iglesia ay makauusad nang maayos.

Para matiyak ng mga lider at manggagawa na ang mga lugar na isinaayos para sa mahahalagang kawani sa gawain ay malaya mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas, bukod sa pagkakaroon ng mga kinakailangan at prinsipyo para sa tirahan at kapaligiran nito, may mga kinakailangan at prinsipyo rin para sa iba’t ibang aspekto ng sitwasyon ng pamilyang nagho-host. Kapag nakahanap ang mga lider at manggagawa ng posibleng pamilyang magho-host, dapat muna nilang tanungin ang tungkol kapaligiran at mga kondisyon ng pamilya, ang sitwasyon ng mga miyembro nito, kung mayroon silang anumang pakikipag-alitan sa iba, anumang kaaway, anumang gusot sa pamahalaan, kung madalas silang nasasangkot sa mga demanda, kung komplikado ba ang kanilang mga relasyong panlipunan, at iba pa. Ang lahat ng batayang sitwasyong ito ay dapat masusing itanong at alamin. Kung ang host o ang mga anak nila at iba pang miyembro ng pamilya ay may komplikadong relasyong panlipunan, at ang pamilya ay palaging walang kapanatagan—madalas bisitahin ng mga kahina-hinalang indibidwal na dumarating para maghanap ng gulo o mangolekta ng utang, o nakatatanggap ng mga liham pagbabanta mula sa mga tulisan o magnanakaw, gayundin ay ipinatatawag ng pamahalaan o korte—pawang lubos na nakaaabala ang mga usaping ito. Kung nagtitipon o gumagawa ka ng inyong tungkulin sa sambahayang ito, hindi ba’t magiging mga panggugulo ang mga ito? Kaya, kapag nahanap mo ang pamilyang nagho-host na ito, dapat ka munang magtanong at alamin ang kanilang pangunahing sitwasyon. Pinakainam kung wala ang mga isyung ito, pero kung mayroon man at kasalukuyang hindi ka pa makahanap ng mas angkop na lugar, isaalang-alang kung kaya bang epektibong pangasiwaan ng host na ito ang mga problemang ito. Kung hindi kayang epektibong mapangasiwaan ng host ang mga ito at hindi kayang maalis ang magugulong isyung ito, hindi angkop ang sambahayang ito para i-host ang mga kapatid, dahil ang paninirahan dito ay nangangahulugan na maaaring magdusa ang mga ito anumang oras mula sa pang-aabala mula sa mundong nasa labas at mga panlabas na tao, pangyayari, at bagay. Hindi direktang tinatarget ng mga kapaligirang ito ang mga taong nananampalataya sa Diyos. Gayumpaman, ang mga mananampalataya ay isang partikular na sensitibong grupo sa isang bansa kung saan inuusig ang relihiyon, at, bukod pa rito, matapos ang puspusang pagsisikap ng pamahalaan para sa pagpapakalat ng propaganda, pambe-brainwash, pag-iimbento ng tsismis, at paninirang-puri, hindi lang nabibigo ang mga walang pananampalataya na maunawaan ang mga taong nananampalataya sa Diyos, kundi naniniwala pa sila sa retorika ng CCP, nagkakaroon sila ng partikular na pagkamuhi at pagkamapanlaban sa mga mananampalataya. Kaya, kung malalaman nila na ang isang partikular na sambahayan ay nagho-host sa mga mananampalataya, nagiging lubhang mapanganib ito para sa parehong pamilyang nagho-host at para sa mga kapatid. Kapag naninirahan ang mga kapatid sa gayong kapaligiran, hindi lang sila madalas na magdurusa ng pang-aabala kundi pati na rin ang kaligtasan nila ay hindi matitiyak. Kaya, bakit sila patuloy na patitirahin doon? Malinaw na isa itong mapanganib na lugar, hindi angkop para tirhan—dapat kaagad silang ilipat. Ang mga lider at manggagawa ay hindi dapat basta-bastang magsaayos ng tirahan para sa mga kapatid at pagkatapos ay maghuhugas-kamay sa usapin, iniisip na, “Basta’t mayroon silang lugar na makakainan at matutulugan, nakasisilong mula sa mga elemento, ayos na ito. Basta’t nagagawa nila ang tungkulin nila, walang problema. Saan naman ba tayo makahahanap ng napakaraming angkop na lugar?” Napakairesponsable nito! Kung walang angkop na lugar sa kasalukuyan, maaari silang pansamantalang manatili roon, pero dapat kaagad kang humanap ng angkop na lugar para mailipat sila sa lalong madaling panahon; huwag mo itong ituring na pangmatagalang tirahan.

May ilang lider at manggagawa na hindi gumagawa ng tunay na gawain. Isinasaayos nila ang tirahan para sa mahahalagang kawani sa gawain sa isang partikular na lugar, tinatanong kung ano ba mga kondisyon ng pagkain at pahinga, at kung may sinumang walang pananampalataya na nagmamatyag sa kanila. Pagkarinig na walang napansing anumang kakaiba sa loob ng ilang araw, hinahayaan na nilang mag-isa ang usapin, at hindi na binabalikan ang mga ito para kumustahin nang kalahating taon o higit pa. Naniniwala silang isinaayos na nila ang mga tirahan nang maayos at tinupad ang tungkulin nila, iniisip na tapos at maayos na ang lahat. Tungkol naman sa kung magdurusa ng anumang pang-aabala ang kapaligiran o kung may anumang potensiyal na panganib sa kaligtasan, hindi na nila ito binibigyang-pansin. Angkop ba ito? (Hindi.) Bakit hindi ito angkop? (Matapos isaayos ang mga tirahan, kailangang subaybayan ito ng mga lider at manggagawa. Kung hindi nila ito gagawin, at ang mga kapatid ay malalagay sa mapanganib na sitwasyon at hindi na makalilipat ang mga ito, maaaring maaresto ang mga ito.) Pero iniisip ng ilang lider at manggagawa, “Mga nasa hustong gulang na kayong lahat—kailangan ko pa ba kayong subaybayan? Hindi ninyo ba kayang makita kung may panganib? Kung hindi ninyo kaya, baka hindi gumagana ang inyong utak! Kapag napansin ninyong may panganib, kayo na lang mismo ang lumipat—kailangan ko pa ba itong sabihin sa inyo?” Ganito sila mangatwiran. Sa tingin ninyo, may kabuluhan ang ganitong pangangatwiran? (Wala.) Bakit wala? (Dahil ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin ay likas na responsabilidad ng mga lider at manggagawa; ito ay gawain na bahagi ng kanilang papel na dapat nilang gampanan.) Hindi nila ito nakikita ito bilang bahagi ng gawain na dapat gawin ng mga lider at manggagawa; iniisip nilang pagtulong lang ito sa mga kapatid, tulad ng pagsunod sa halimbawa ni Lei Feng sa paggawa ng mabubuting gawa. Hindi rin nila ito tinitingnan bilang paggawa para itaguyod ang gawain ng iglesia, bagkus nakikita nila ito bilang simpleng pagsasaayos ng tirahan para sa mga tao, walang kaugnayan sa gawain ng iglesia. Hindi mo ba masasabing kahangalan ito? Anong uri ng tao ang mag-iisip nang ganito? (Isang tao na walang pagpapahalaga sa responsabilidad.) Ganito mag-isip iyong mga tamad, hindi tapat, at iresponsableng huwad na lider. Hindi nila itinataguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos; pagkatapos magsaayos ng lugar para sa mga kapatid, iniisip nila, “Isinaayos ko tirahan para sa inyo sa gayong kagandang lokasyon—napakalaking pabor na ginawa ko para sa inyo!” Hindi nila ito nakikita bilang pagtataguyod sa gawain ng iglesia. Bilang mga lider at manggagawa, kung hindi ninyo maayos na isasaayos ang mga tirahan para sa mahahalagang kawani sa gawain at hindi ninyo epektibong tinitiyak ang kaligtasan nila, kapag naharap sila sa panganib at hindi magawa ang tungkulin nila nang normal, hindi ba’t maaantala ang gawain ng iglesia? Dapat mo munang maayos isaayos ang tirahan nila para matiyak ang kaligtasan nila, at doon lang sila makauusad para makagawa nang normal. Pero hindi ganoon mag-isip ang mga huwad na lider; iniiwan nila ang mga taong ito sa isang lokasyon at pagkatapos ay pinababayaan ang mga ito, at hindi kinukumusta ang mga ito sa loob ng mahabang panahon. Kapag nagkakaroon ng isang mapanganib na sitwasyon at hindi maabot ng mga ito ang lider, walang magawa ang mga ito kundi lumipat sa sarili ng mga ito. Pagdating ng araw na malaman ito ng lider at sa wakas ay bumalik na siya para mangumusta, matagal nang wala ang mga tao, at walang ideya ang lider kung saan nagpunta ang mga ito. Anong uri ng tao ito? Anong uri ng lider o manggagawa ito? Isang huwad na lider. Lalo na para sa mga kapatid na nanggaling sa ibang lugar at hindi pamilyar sa lokal na kapaligiran, higit na kailangang bisitahin at subaybayan nang regular ang mga ito ng mga lider at manggagawa. Hindi dapat ipagpalagay ng mga lider at manggagawa na ang basta pagsasaayos ng tirahan para sa mga ito nang minsan ay permanenteng lumulutas sa lahat; sa katotohanan, ang gawaing ito ay malayo sa pagiging kompleto. Kailangan nilang bisitahin at subaybayan ang mga ito nang madalas. Kung hindi kumbenyente para sa mga lider at manggagawa na personal na magpakita sa lokasyon, dapat nilang italaga ang iba para magsagawa ng pangungumusta. Kahit papaano, kailangan nilang kumustahin ang gawaing ito—tasahin ang kapaligirang pinaninirahan ng mahahalagang kawani sa gawaing ito, alamin kung may anumang panganib o anumang kakaiba, o kung may anumang espesyal na sitwasyon nangyari, at kung kinakailangan ang relokasyon. Ang lahat ng ito ay dapat malaman at masubaybayan. Kung, sa maikling panahon, tila pinakaangkop ang lugar na ito, ayos iyon, pero makalipas ang ilang panahon, dapat bumalik sila para kumustahin ang kapaligiran at kaligtasan ng mga ito, at kung may sapat na pagkain at iba pang kagamitan ba ang mga ito—dapat tanungin ang lahat ng detalyeng ito. Posibleng hindi maunawaan ng mga lider at manggagawa ang gawain ng mahahalagang kawani sa gawain, sa ganoong kaso hindi sila dapat makialam ang sa aspektong iyon, pero ang maayos na pagsasaayos ng tirahan para sa mga ito ay isang responsabilidad ng mga lider at manggagawa—ang pagkabigong gawin ito ay pagpapabaya sa tungkulin nila at nagpapakita na sila ay mga huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain. Lalo na para sa mga kapatid na nanggaling sa ibang lugar, mas kinakailangan pa nila dagdag at masusising atensyon at hindi dapat tratuhin nang walang ingat. Dapat kumustahin ng mga lider at manggagawa ang mga ito paminsan-minsan, tinitingnan kung may anumang paghihirap ang mga ito na kailangang lutasin, at kung may anumang isyu o espesyal na kalagayan sa kapaligiran kung saan ginagawa ng mga ito ang mga tungkulin nito sa panahong ito, halimbawa, kung nagkaroon ba ng kakaibang gawain na kinasasangkutan ng lokal na pamahalaan, komite ng kapitbahayan, o estasyon ng pulis. Dapat magtanong at mag-usisa ang mga lider at manggagawa tungkol sa mga bagay na ito para manatili silang may sapat na kaalaman. Pagkatapos, ang mga lider at manggagawa ay dapat na makipagbahaginan pamilyang nagho-host tungkol sa mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa para sa maayos na pagho-host at pagprotekta sa iyong mga gumagawa ng tungkulin nito, para lubos na maunawaan ng pamilyang nagho-host ang mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa na ito. Hindi pa rin dito nagtatapos ang usapin. Ang mga lider at manggagawa ay dapat ring bumisita at mag-usisa tungkol sa sitwasyon ng pamilyang nagho-host paminsan-minsan. Anumang isyung nakikita nila ay dapat kaagad na lutasin para matiyak na walang magiging mga problema. Noon lang tunay na matatapos nang maayos ang gawain. Kung nahaharap ang host sa mga paghihirap sa pagho-host, tulad ng limitasyon sa pananalapi o kawalan ng karunungan na nagiging dahilan sa kawalang kakayahan niyang matugunan o mapangasiwaan ang mga sitwasyong lumilitaw, dapat tumulong ang mga lider at manggagawa na malutas ang mga isyung ito. Madaling lutasin ang limitasyon sa pananalapi—kayang ipagkaloob ng sambahayan ng Diyos ang pondo para sa pagho-host, habang kailangan lang ng pamilyang nagho-host na mag-ambag ng lakas-paggawa. Kung walang karunungan ang pamilyang nagho-host, isa itong malaking isyu. Dapat na malinaw na ipaliwanag ng mga lider at manggagawa ang kinakailangang karunungan at ilang prinsipyo ng pagsasagawa kaugnay sa larangang ito. Kung nagkukulang pa rin ang host, dapat na maghanap ang mga lider at manggagawa ng isang matalinong kapatid sa malapit para makipagtulungan sa pamilyang nagho-host sa maayos na pagsasagawa ng gawaing ito. Kung ang isyu ay nasa mismong host—halimbawa—tulad ng pagiging kimi o takot sa pagkakaaresto—dapat magbahaginan ang mga lider at manggagawa tungkol sa katotohanan para magbigay ng suporta at tulong, ibinabahagi ang mga layunin ng Diyos pati na ang kahalagahan at kabuluhan ng paggawa ng tungkuling ito. Kung ito ay isang isyu sa obhetibong kapaligiran, hindi ito dapat ipagpaliban o balewalain, at tiyak na hindi ito dapat na tratuhin nang walang ingat; dapat itong kaagad na lutasin.m Halimbawa, kung napansin na ng mga tao ang lugar na ito, madalas na may mga kahina-hinalang estrangherong umaalis at pumaparito sa lugar, at posible na may nagmamatyag sa lugar, nagdudulot ito ng natatagong panganib. Kaya, kaagad na ilipat ang mga kapatid—magiging masyado nang huli kung hihintayin pang may mangyari mali. Kung pansamantala lang ang sitwasyon at isa lang itong normal at nakagawiang pamamaraan, medyo maaari pa rin itong pagtiisan muna—pansamantalang paalisin ang mga kapatid nang isa o dalawang araw para maiwasan ito, at maaari silang bumalik pagkatapos. Kung napansin na ito ng mga tao ang lugar, hindi na opsyon ang panunuluyan dito, at ang permanenting relokasyon ay kinakailangan. Ang mga ito ay ilan sa mga detalyadong isyu na dapat pangasiwaan at lutasin ng mga lider at manggagawa sa gawaing ito. Ang gawaing ito ay hindi lang basta paglalagay ng ilang tao sa isang lugar na may pagkain at tirahan at ituturing itong tapos na; maraming detalye ang sangkot dito. Lalo sa bansang tulad ng Tsina, kung saan ang kapaligiran ay partikular na mapanlaban at matindi ang pag-uusig sa relihiyon, ang mga lider at manggagawa ay dapat na maging higit na mapagmasid at masusing subaybayan ang kapaligirang pinaninirahan at mga isyung pangkaligtasan ng mahahalagang kawani sa gawain. Hindi sila maaaring maging pabaya. Ang lahat ng aspekto ng partikular na gawaing ito ay dapat na gawin nang maayos para matiyak na ang kaligtasan ng mahahalagang kawani sa gawain ay garantisado at na magagawa nila ang tungkulin nila nang may kapayapaan ng isipan. Sa ganitong paraan, maayos na nagagawa ang gawain. Ito ang gawain na kailangang gawin ng mga lider at manggagawa kaugnay sa mga pamilyang nagho-host, at may maraming detalye ang sangkot dito.

May ilang lider at manggagawa na, matapos na magsaayos para sa partikular na mahahalagang kawani sa gawain na malagay sa angkop na tirahang nagho-host, ay ganap na binabalewala ang mga ito at hindi patuloy na kinukumusta ang sitwasyon ng mga pamilyang nagho-host. Sinasabi nila, “Abala ako araw-araw sa gawain ng iglesia—paano ko pa magkakaroon ng oras para bisitahin ang mga taong ito? Bukod pa riyan, may marami pang ibang gawain, at medyo mapanganib din ito. Hindi madaling gawin ang tungkulin natin!” Palagi nilang binibigyang-diin ang mga obhetibong dahilan, pero ayaw naman nilang tuparin ang mga sarili nilang responsabilidad. Ano sa palagay ninyo—totoo ba ang pahayang nilang ito? (Hindi.) Bakit hindi? (Sa totoo lang, ang paggawa sa gawaing ito ay hindi naman nangangailangan ng napakaraming oras at lakas mula sa mga lider at manggagawa. Maaari nilang bisitahin nang saglit ang mga ito habang nasa labas sila. At kung wala talaga silang oras, maaari dilang isaayos ang malalapit na kapatid para upang bumisita.) Kung gusting gawin ng mga lider at manggagawa nang maayos ang gawaing ito, kahit medyo abala sila sa pangunahin nilang gawain, gagawa pa rin sila ng oras para pagtuunan ang gawaing ito. Kung wala silang oras para pumunta nang personal, maaari nilang isaayos ang iba para pumunta. Isaayos man nila ang iba na pumunta o sila mismo ang pumunta, sa pinakahuli, ang gawaing ito ay saklaw ng responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Ang paggawa sa gawaing ito nang maayos ay mahalagang responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at hindi ito maaaring pabayaan. Kung masyadong abala ang mga lider at manggagawa at wala silang oras, at hindi rin nila isinasaayos ang iba para pumunta, walang mag-aasikaso sa usaping ito. Kung may mangyaring mali, ito ay magiging kapabayaan sa responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Para maiwasang magdusa iyong mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas, kailangang isaalang-alang ng mga lider at manggagawa ang lahat ng aspekto ng mga isyu, ginagarantiyahan hangga’t maaari na magagawa ng mga ito ang mga tungkulin nang mapayapa at maisagawa ang kasalukuyang gawain nang maayos. Kung ang mahahalagang kawani sa gawain ay maayos na napoprotektahan, katumbas ito sa pagprotekta sa mahalagang gawain mismo. Kapag ang mahahalagang kawani sa gawain ay makapagtatrabaho nang normal, makauusad din ang mahalagang gawain nang maayos. Kaya, ang pakay ng mga lider at manggagawa sa pagprotekta sa mahahalagang kawani sa gawain ay, sa katunayan, para mapangalagaan ang bawat mahalagang aytem ng gawain. Kung sinasabi ng ilang lider at manggagawa, “Gumagawa ka ng mahalagang tungkulin, at inaatasan akong protektahan ka, pera nasa posisyon ako ng pamumuno, at hindi rin ako ligtas. Hindi ko nga magarantiyahan ang sarili kong kaligtasan, kaya paano ko kayo mapoprotektahan?”—tama ba ang pahayag na ito? (Hindi ito tama.) Anong uri ng pag-arok mayroon ang gayong mga lider at manggagawa? (Mahina ang kanilang pag-arok; ang gayong mga tao ay makasarili at madaling magkaroon ng mga pagkabaluktot.) Sila ay mga indibidwal na madaling magkaroon ng mga pagkabaluktot. Wala bang pagkamakatwiran ang mga indibidwal na ito na madaling magkaroon ng mga pagkabaluktot? (Oo.) Kung hindi ginagawa ng mga kapatid ang mga tungkulin nila sa sambahayan ng Diyos kundi sa halip ay nagtatrabaho at namumuhay sa mundo, kakailanganin pa rin ba silang protektahan? Eksakto dahil sa ginagawa nila ang gawain ng iglesia at mahahalagang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, at dahil kung maaresto sila maaari silang mahatulan ng pagkakulong o mabugbog hanggang sa punto ng kapinsalaan o kapansanan, malubhang naapektuhan ang gawain ng iglesia, dapat maayos na maprotektahan ang mahahalagang kawani sa gawain. Sa ganitong paraan lang makauusad nang maayos ang gawain ng iglesia. Kung sila ay nasa ilang demokratikong bansa kung saan may kalayaan sa relihiyon at hindi inuusig ang mga mananampalataya ng Diyos, magiging simple ang gawaing ito para sa mga lider at manggagawa. Kailangan lang nilang humanap ng angkop na tahanan at, alinsunod sa mga lokal na batas at regulasyon, maayos na magsaayos ng tirahan para sa iyong gumagawa ng tungkulin nila. Kahit papaano, kailangan lang nilang itanong kung kumusta ang pang-araw-araw na buhay kamakailan ng mga ito at kung lumalabag ba ang kapaligirang kinabubuhayan sa anumang regulasyong pampamahalaan. Kung may paglabag, kailangang linawin kung ano ang isyu, gayundin kung paano ito dapat itama at lutasin. Kung walang anumang paglabag, pero nanggugulo ang pamahalaan, o nanliligalig ang masasamang tao o mga hindi kilalang indibidwal na nanggugulo, kailangang kumonsulta sa isang abogado pangasiwaan nang maayos ang mga usaping ito. Sa ilang malaya at demokratikong bansa, kahit papaano, ang ganitong uri ng gawain lang ang kadalasang kinakailangan. Gayumpaman, sa mga diktadurang bansa kung saan walang kalayaan sa relihiyosong pananalig, ang mga kinakailangan para sa kapaligiran at mga kondisyon ng pamilyang nagho-host ay dapat na mas maging mahigpit, at mas maraming gawain—gayundin ay mas maraming detalye—ang kinakailangang asikasuhin kaugnay sa kaligtasan. Siyempre, mas malaki rin ang hirap na kaakibat ng ganitong gawain. Para sa gawain ng pangangalaga sa mahahalagang kawani sa gawain mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas, kung ang bawat aspekto ng kapaligiran ay masusing isinasaalang-alang, medyo mababawasan ang mga pang-aabalang mula sa kapaligiran. Kung parehong ang panlabas at panloob na kapaligiran ay lubusang isinasaalang-alang, makahahanap ng isang realistiko at praktikal na landas. Sa ganitong paraan, maaaring bahagyang mapabuti ang kapaligiran, at medyo mababawasan ang mga pang-aabala. Ang ganitong pamamaraan ay medyo angkop.

Pagpapanatiling Ligtas sa Mahahalagang Kawani sa Gawain

I. Paano Tiyakin ang Kaligtasan ng Hinirang na mga Tao ng Diyos sa mga Bansa Kung Saan Inuusig ang Pananalig

Ang panlabinlimang responsabilidad ng mga lider at manggagawa ay, una sa lahat, para protektahan ang mahahalagang kawani sa gawain sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanila mula sa pang-aabala ng mundong nasa labas; bukod pa rito, kailangan ding panatilihing ligtas ng mga lider at manggagawa ang mga taong ito. Ang mga kinakailangan para panatilihin ang kaligtasan ng mga taong ito ay mas mahigpit. Tingnan muna natin kung aling mga aspekto ang may kaugnayan sa kaligtasan—ano ang mga isyung nauugnay sa kaligtasan ang naiisip ninyo? Para matiyak ang kaligtasan niyong mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin, mahalaga munang garantiyahan na hindi sila naaapektuhan ng pang-aabala ng mundong nasa labas—ito ang pinakamababang dapat makamit, at sa pundasyon lang na ito matitiyak ang kaligtasan ng mga ito sa pinakahuli. Ang kaligtasang pinag-uusapan natin dito ay nangangahulugan lang na magagarantiyahan na iyong mga gumagawa ng tungkulin nila ay hindi magugulo o maaaresto at makagagawa ng tungkulin nila nang normal. Ganito lang kasimple iyon. Kung hindi magagarantiyahan ng mga lider at manggagawa na mapangangalagaan ang mga gumagawa ng tungkulin nila mula sa pang-aabala at pagkaaresto, walang paraan para matiyak ang kaligtasan ng mga ito. Pag-isipan ito—ano ang dapat bigyang-pansin ng mga lider at manggagawa para matiyak ang kaligtasan ng mahahalagang kawani sa gawain? Una, dapat nilang isaayos na ang mahahalagang kawani sa gawain ay mapatira sa isang angkop na lokasyon. Ano ang ibig sabihin ng angkop na lokasyon? Dapat matugunan nito ang hindi bababa sa dalawang kondisyon. Una, ang lokasyong ito ay dapat malaya mula sa anumang pang-aabala mula sa kapaligiran. Pangalawa, hindi ito dapat nakaaakit ng atensiyon; tanging ilang lokal na kapatid lang ang nakaaalam na ang pamilyang ito ay nananampalataya sa Diyos at nagho-host sa iba, habang walang ibang pa ang nakaaalam. Ang gayong lugar lang ang angkop para sa pagho-host ng mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin. Pagkatapos lumipat ang mahahalagang kawani sa gawain, ang personal na impormasyon tulad ng pangalan ng bawat isa at lugar na pinagmulan, pati na rin ang mga partikular na sitwasyon tulad ng uri ng gawain sa iglesia na ginagawa nila at kung naaresto na ba sila noon o wanted ng pamahalaan, ay hindi dapat basta-basta isinisiwalat sa iba. Mas kaunting tao ang nakaaalam, mas mabuti. Dahil masyadong maliit ang tayog ng mga tao at hindi tiyak kung matatag silang makapaninindigan kung maaaresto at makukulong sila, dapat mayroon silang kamalayan sa sarili at iwasang basta-bastang magtanong tungkol sa personal na impormasyon ng mga kapatid, para maiwasang magdulot ng mga problema sa sarili nila sa hinaharap. Ang mga prinsipyo at karunungan sa aspektong ito ay dapat madalas na pagbahaginan para maunawaan ang mga ito ng lahat. Hindi lang ito kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos kundi kapaki-pakinabang din sa bawat indibidwal. Samakatwid, dapat turuan ng mga lider at manggagawa ang mga kapatid ng mga pamilyang nagho-host na mag-ingat ang mga ito sa pananalita at huwag isiwalat ang personal na impormasyon ng mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin sa iba pang mga kapatid o sa kanilang mga walang pananampalatayang miyembro ng pamilya. Kailangang bang gawin ang gawaing ito? (Oo.) Hindi magawang mag-ingat sa pananalita ng ilang kapatid sa mga pamilyang nagho-host. Halimbawa, may isang tao na nag-host ng ilang lider at manggagawa, at naging pamilyar siya sa mga personal na sitwasyon, pinagmulan na pamilya, at mga tungkuling ginagawa ng mga taong ito. Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga anak, “Tingnan mo, kaedad mo siya. Sampung taon na siyang nananampalataya sa Diyos at nagbitiw pa nga siya kanyang trabaho para gawin ang tungkulin niya. Dati siyang nagtatrabaho sa isang departamento ng pamahalaan sag anito-at-ganyang lungsod, na may taunang suweldo na sampu-sampung libong yuan!” Tingnan mo, na para bang nagkukuwentuhan lang sila nang walang kabuluhan, ibinunyag na niya ang impormasyon tungkol sa mga taong ito na gumagawa ng mahahalagang tungkulin sa kanyang mga walang pananampalatayang kapamilya. May iba pa nga na, habang nagho-host ng mga kapatid na dati nang naaresto at nakulong, na sinasabi sa mga kapamilya, “Tingnan ninyo, nakulong sila nang ilang taon at hindi kailanman naging Judas. Pagkatapos makalaya, nagpapatuloy sila sa paggawa ng tungkulin nila. Ngayon, gusto na naman silang arestuhin ng pamahalaan, kaya hindi sila makauwi para makasama ang pamilya nila, pero hindi sila negatibo. Nakikita mo ba kung gaano kalaki ang pananalig nila? Bakit hindi ka makapanampalataya nang maayos?” Sa ganitong paraan, basta-basta nilang naisisiwalat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga kapatid sa pamamagitan ng pagbigay-aral sa kanilang mga anak. Maaari ba itong humantong sa mga problema sa hinaharap? (Oo.) Problema ba ito? (Oo.) Kung walang mangyayari dahil dito, mabuti; pero kapag nagsagawa ng pag-aresto ang malaking pulang dragon, ang mga walang pananampalatayang kapamilya nila ang unang lalabas at mag-uulat sa mga kapatid: “Opisyal! Si ganito-at-ganyan ay isang lider—siya ang hinahanap mo.” Pagkatapos ay inaaresto ang taong ipinagkanulo ng malaking pulang dragon at binubugbog hanggang halos mamatay, nag-iiwan ng mga katanungan tungkol sa kung kaya pa ba ng mga ito na ipagpatuloy ang tungkulin ng mga ito o mamuhay nang normal. Ito ang kinahihinatnan ng pagkakanulo. Hindi ba’t dulot ito ng kaswal na pananalita ng host? (Oo.) Kung ang mahahalagang kawani sa gawain ay malalagay sa gayong panganib sa kaligtasan, hindi ba’t nangangahulugan ito na hindi ginawa ng mga lider at manggagawa ang tungkulin nila nang maayos? (Oo.) Iniisip ng host, “Mabubuting tao ang lahat ng miyembro ng aming pamilya; hindi nila kayo pagtataksilan. Sinusuportahan nila ang pananampalataya sa Diyos—bumibili pa nga sila ng gulay at karne kapag dumarating kayo!” Itinuturing niya ang mga walang pananampalatayang kapamilya niya na para bang mga kapatid, hindi malinaw na nakikita kung ano ang maaaring gawin ng kapamilya niya o kung gaano kalubha ang maaaring magiging kahihinatnan kung ipagkakanulo ng mga ito ang mga kapatid. Masyado rin siyang mausisa tungkol sa mga sitwasyon ng mga kapatid, tinatanong, “Ilang taon mo nang ginagawa ang tungkuling ito? Nakagawa ka na ba ng mapapanganib na tungkulin? Kilala ka ba sa lokalidad bilang isang mananampalataya ng Diyos? Naaresto ka na ba?” Lalo pagdating sa mga wanted o may rekord sa pulisya dahil sa pananampalataya nila sa Diyos at nangangaral ng ebanghelyo sa ibang rehiyon o bansa, ang host ay palaging nag-uusisa tungkol sa impormasyon ng mga ito, tinatanong, “Wanted ka? Lokal na warrant ba ito, probinsyal na warrant, o pambansang warrant?” “May rekord ka—ilang beses ka nang naaresto? Ilang taon kang naaresto?” Nagtatanong siya tungkol sa mga usaping ito nang napakadetalyado. Nakikita ng mga kapatid na nanunuluyan sa tahanan niya na napakasigasig niya sa pagho-host at na hindi naman siya masamang tao. Kung hindi nila ibabahagi ang impormasyong ito, pakiramdam nila na maaaring magmukha silang bastos, na naglalagay sa kanila sa alanganin. Napipilitang ang ilang tao na magsabi ng kaunting bagay, at pagkatapos magsalita, minsan ay nauuwi ito sa mga seryosong kahihinatnan. Kaya, dapat na direktang turuan ng mga lider at manggagawa ang host: "May ilang patakaran na dapat sundin kapag nagho-host ng mga kapatid. Huwag basta-bastang mag-usisa o magtanong—ang masyadong maraming nalalaman ay hindi kapaki-pakinabang para sa iyo. Kung may mangyari at hindi mo makayanang tiisin ang sakit ng pagpapahirap, maaaring mauwi ka sa pagiging Hudas. Sa ganoong kaso, ang impormasyong iyong natutunan at naarok ay para na ring nagbibigay-daan sa iyo na maging Hudas. Kapag nangyari ito, mag-iiwan ito sa iyo ng panghabambuhay na pagsisisi, at sa huli ay mahaharap ka sa kaparusahan. Kung hindi mo alam ang mga detalyeng ito, hindi ka magiging isang Hudas. Kaya, hinding-hindi ka dapat na mag-usisa o sumubok na malaman ang tungkol sa mga usaping ito. Ang hindi pag-alam ay pumuprotekta sa iyo at hindi makaaapekto sa iyong pagho-host o sa pagkakamit mo ng katotohanan sa iyong pananampalataya sa Diyos. Pinakamainam kung hindi mo alam. Malinaw sa iyo na narito ang mga kapatid para gawin ang tungkulin nila at na hindi sila di-mabubuting tao o masasamang tao, kaya walang pangangailangan na mag-usisa pa. Ang pagtupad sa iyong tungkulin na i-host sila ay ang pinakamahalaga, at ang magarantiyahan ang kanilang kaligtasan ay sapat na.” Ito ay isang aytem ng gawaing kailangang gawin ng mga lider at manggagawa. Bukod pa rito, iyong mga lokal na mananampalataya na walang pundasyon sa pananalig nila at mga mananampalataya lang sa pangalan, iyong madadaldal at mahilig mag-usisa, iyong mga nagpapanatili ng malapit na pakikipa-ugnayan sa mga kawani ng pamahalaan, at iyong mga kaagad na nagtatago tulad ng mga pagong na ikinukubli ang ulo ng mga ito sa kabibe nito kapag nagkakaroon ng problema—at ang maaaring magtaksil sa iglesia at maging Hudas—ay hinding-hindi dapat pahintulutang malaman na ang mga pamilyang nagho-host ay nagho-host sa mga kapatid. Kung kinakailangan ang tulong ng ilang kapatid para sa gawain ng pagho-host sa mahahalagang kawani sa gawain, tanging iyong mga may pundasyon sa pananampalataya sa Diyos at may taglay na karunungan ang dapat piliin para makipagtulungan. Iyong mga walang pundasyon o karunungan ay lubos na hindi angkop. Kaya, paano nga ba dapat magbigay ng tulong? Ang mga kapatid ng mga pamilyang nagho-host ay nakatuon sa pagho-host sa tahanan nila, habang ang mga lokal na kapatid na may karunungan at pananalig ay tumutulong mula sa labas sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksiyon at pangangalaga sa kapaligiran. Dapat silang makipag-ugnayan sa maiimpluwensiyang tao, nanatiling maalam tungkol sa mga bagong patakaran ng pamahalaan, mga kalakaran, at potensiyal na operasyon, at kaagad na ipaalam sa mga kapatid ng mga pamilyang nagho-host. Sa ganitong paraan, kung magpapasimula ang pamahalaan ng anumang operasyon sa pag-aresto, kaagad na makapagsasagawa ng mga hakbang pang-iwas, at magkakaroon pa rin ng oras para sa paglilikas at relokasyon, o pagtatago, kaya’t maiiwasan ang anumang panganib. Sa ganitong paraan lang matitiyak ang kaligtasan niyong mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin. Sa madaling sabi, hindi tama para sa mga lider at manggagawa na harapin ang gawaing ito nang may simplistikong pag-iisip; ang pag-iisip nang mas komplikado sa aspektong ito ay palaging mas mabuti kaysa simpleng pag-iisip, dahil ang mga isyung pangkaligtasan ay hindi maaaring balewalain—kapag may nangyaring mali, hindi ito magiging maliit na isyu!

May mga partikular na sitwasyon ding kailangang bigyang-pansin sa gawain ng pagtitiyak sa kaligtasan ng mahahalagang kawani sa gawain. May ilang tao na gumagawa ng mapapanganib na tungkulin, tulad ng paglilipat ng mga aklat ng salita ng Diyos, paghahatid ng mga tagubilin sa gawain o pangangasiwa ng mga resulta sa mga kompromisadong lugar. Iyong mga gumagawa ng gayong kapanganib na gawain ay hindi kailanman dapat tumira kasama ng mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin, ni hindi nila dapat malaman kung saan nakatira ang mga indibidwal o kung aling pamilya ang nagho-host sa mga ito. Ito ay dahil iyong mga gumagawa ng mapanganib na gawain ay nasa panganib na masubaybayan at maaresto anumang oras. Kapag naaresto sila at isinailalim sa pagpapahirap, maaari nilang ipagkanulo ang iglesia, na magdudulot naman ng kapahamakan sa mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin at mga pamilyang nagho-host. Hindi ba’t may kinalaman ito sa isyu ng kaligtasan? Kung may ilang kawaning gumagawa ng mahahalagang tungkulin ang lumalabas para mangasiwa ng mga usapin at sumang-ayong babalik sa loob ng tatlong araw, pero hindi sila bumalik pagkaraan ng tatlong araw, masasabi mo bang mapanganib ang sitwasyong ito? Dapat bang lumikas ang ibang kawaning gumagawa ng mga tungkulin nila? (Oo.) Sa gayong mga kaso, kinakailangang ang agarang paglikas; hindi dapat maghintay o wala dapat ipagsapalaran—hindi sila dapat magkaroon ng pag-iisip ng pag-asa sa suwerte. May ilang tao ang tamad, pakiramdam na abala ito, at ayaw na lumikas, sinasabing, “Ano bang masama sa paghihintay ng isa pang araw? Baka naantala lang sila dahil sa ilang espesyal na sitwasyon.” Ang paghihintay ng isang araw pa ay nagpapalala lang sa panganib. Kung lumikas ka at walang nangyari, makababalik ka palagi, at hindi ito magiging isang pagkakamali. Pero kung hindi ka lumikas at naghintay ng isa pang araw, maaaring may mangyaring insidente, at sa oras na mangyari ito, magiging masyadong huli na ito para sa pagsisisi. Kaya, kung ang mga kapatid na lumabas para mangasiwa sa mga usapin ay hindi bumalik sa napagkasunduang oras, posibleng may nangyaring mali. Para makaiwas sa anumang panganib, ang mga kaugnay na kapatid ay dapat kaagad na lumikas at lumipat sa isang medyo ligtas na lugar. Kapag nahanap na ang isang angkop na lokasyon, maipagpapatuloy na nila ang paggawa ng kanilang tungkulin nang normal, nang hindi ito masyadong huli. Ang isa pang sitwasyon ay kapag ang tao sa lokal na iglesia na responsable para sa gawain ng pagsasaayos ng tirahan ng mga kapatid na gumagawa ng mga tungkulin nito ay naaresto ng malaking pulang dragon. Ano ang dapat gawin sa gayong mga kaso? (Kaagad na ilipat ang mahahalagang kawani sa gawain.) Ang pangunahing priyoridad ng mga lider at manggagawa ay na kaagad na ilipat ang mahahalagang kawani sa gawain patungo sa isang medyo ligtas na lugar. Higit sa lahat, dapat magarantiyahan kaligtasan ng mga ito. Hindi sila dapat malantad ang mga ito sa anumang panganib. Pagkatapos mailipat ang mga ito, saka pa lang maisasagawa ang mga susunod na gawain. May ilang tao na magulo ang isip na may pag-iisip na umasa sa suwerte: “Naaresto si ganito-at-ganyan, pero ayos lang ito; masyadong malakas ang pananalig niya, at palagi siyang partikular na matatag sa masasamang kalagayan. Siguradong hindi siya kailanman magkakanulo. Kaya, magagarantiyahan kong wala talagang panganib—walang pangangailangan para sa sinuman na lumipat.” Tama ba ang mga salitang ito? (Hindi.) May ilang tao rin na nagsasabing, “Kahit pa magkanulo sila, magiging mapili sila rito—ipagkakanulo lang nila ang impormasyon tungkol sa hindi-mahahalagang usapin, na tiyak na hindi nito makaaapekto sa inyong kaligtasan.” Tama ba ang mga salitang ito? (Hindi.) Hindi totoo ang mga salitang ito! Makikita ba ng tao nang malinaw ang iba pang tao? Kahit pa ang taong tinutukoy ay may tayog, dapat nating iwasan na magsalita nang may sobrang kumpiyansa, sapagkat walang sinuman ang makatitiis sa kahihinatnan kung may mangyaring mali. Anong iba pang gawain ang kinakailangan para maprotektahan ang kaligtasan ng mga kawaning gumagawa ng mahahalagang tungkulin? Kapag sinisimulang gawin ang mga tungkulin nila, kailangang malinaw na ibahagi ng mga lider at manggagawa ang mga katotohanang prinsipyo kaugnay sa paggawa ng tungkulin nila, pati na rin kung aling mga prinsipyo at karunungan ang ilalapat kapag nangyayari ang mga sitwasyon. Bukod pa rito, kapag lumalabas sila para gawin ang mga tungkulin nila, dapat magtalaga ang mga lider at manggagawa ng isa o dalawang tao na may karanasan at karunungang panlipunan para makipagtulungan sa kanila. Ang paraan lang na ito ang ligtas at maaasahan. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay, una, makapoprotekta sa personal nilang kaligtasan. Pangalawa, makatutulong ito sa kanila para malutas ang ilang isyu nang mag-isa. Makaiiwas ito sa partikular na mga problema at makagagarantiya na iyong mga lumalabas para gawin ang mga tungkulin nila ay maisasagawa ang gawain nila nang normal. Para sa mga lider at manggagawa, ang paggarantiya sa kaligtasan niyong mga gumagawa ng tungkulin ng mga ito ay isang napakahalagang aytem ng gawain, lalo na sa mga bansa na walang kalayaan sa pananampalataya. Para maisagawa nang maayos ang gawain ng iglesia, ang pangunahing priyoridad ay ang magarantiya ang kaligtasan ng mga kawaning gumagawa ng mga tungkulin nila, ginagawa man nila ang mga tungkulin nila sa kanilang lokalidad o lumalabas para gawin ang mga ito. Ang mga lider at manggagawa lang na mahusay na makapangangasiwa sa gawaing pangkaligtasan ang angkop para sa paggamit ng Diyos. Iyong mga hindi makagagawa ng ganitong gawain ay mga taong hindi pa ganap ang pagkatao, at na walang pananaw at karunungan. Mahihirapan sila na maging angkop para sa paggamit ng Diyos.

II. Paano Matitiyak ang Kaligtasan ng Hinirang na mga Tao ng Diyos sa Iba’t Ibang Dayuhang Bansa

A. Ang Pagpoproseso sa Legal na Katayuan ng Hinirang na mga Tao ng Diyos

Sa pagsasagawa ng gawain ng iglesia sa iba’t ibang bansa sa ibayong dagat, ang pangunahing priyoridad ay ang maayos na pagsasaayos sa tirahan ng mga kawaning gumagawa sa kanilang mga tungkulin, ginagarantiyahan ang kaligtasan nila para magawa nila ang mga tungkulin nila nang normal. Isa pang mahalagang usapin ay ang pangangasiwa sa isyu ng legal na katayuan, na dapat asikasuhin sa sandalling dumating ng hinirang na mga tao ng Diyos sa isang bagong bansa. Kung walang legal na katayuan o kung hindi lehitimo ang kanilang katayuan, palaging may panganib ng deportasyon, kahit gaano pa kaganda ang kapaligiran nilang pinaninirahan. Ang mga indibidwal na ang estado ay hindi lehitimo ay itinuturing na mga ilegal na residente, at ang kaligtasan ng mga taong ito ay nasa panganib; kung hindi matitiyak ang kaligtasan nila, hindi nila magagawa ang mga tungkulin nila nang matagal. Samakatwid, sa mga bansang dayuhan, ang pagsasaayos ng maayos na tirahan para sa mga gumagawa ng mga tungkulin nila ay ang pangunahing gampanin para sa mga lider at manggagawa. Kapag naisaayos na nang maayos ang tirahan nila, ang susunod na hakbang ay ang pagsasaayos na masimulan nila ang pagpoproseso ng kanilang legal na katayuan. Sa anumang bansa, kahit papaano, ang layon sa pagpoproseso ng legal na katayuan ay dapat na magbigay-kakayahan sa mga kapatid na manirahan doon nang legal. Isa rin itong mahalagang aytem ng gawain sa pagtitiyak sa kaligtasan ng mahahalagang kawani sa gawain. Para makamit ang legal na paninirahan, ang unang kinakailangan ay na dapat na maging legal ang katayuan nila; hindi sila maaaring ilegal na manirahan sa isang lugar. Dapat gawin ng mga lider at manggagawa ang lahat ng makakaya nila para isaayos ang mga tirahan para sa mga kapatid alinsunod sa mga regulasyon ng pamahalaan para sa legal na paninirahan. Ang mga lider at manggagawa ay maaaring direktang makilahok sa gawaing ito o magsubaybay rito. Kung may mga usaping hindi nila makilatis, dapat silang agarang humingi ng gabay mula sa nakatataas na lider at manggagawa. Sa kawalan ng mga espesyal na sitwasyon, dapat silang magsagawa nang naaayon sa mga nakaraang alituntunin ng iglesia. Dapat ding mag-usisa ang mga lider at manggagawa paminsan-minsan, at kung malaman nila na may tao na may mga isyu sa kanyang legal na katayuan o anumang espesyal na sitwasyon, dapat silang magsaayos para malutas ng mga kawaning nangangasiwa sa mga panlabas na pangyayari ang mga isyu sa pagpoproseso para sa legal na katayuan ng hinirang na mga tao ng Diyos. Siyempre, ang unang hakbang ay ang humanap ng ilang espesyalistang abogado na mangangasiwa sa pagpoproseso ng legal na katayuan. Sa pagkuha ng mga abogado, kailangang mag-ingat para maiwasang malinlang—hindi dapat kunin ang mga huwad na abogado o iyong mga hindi espesyalista sa pagproseso ng legal na katayuan. Una sa lahat, dapat isaalang-alang ng mga lider at manggagawa ang mga aspektong ito na may kaugnayan sa pagpoproseso sa legal na katayuan, at dapat maisaayos ang mga usaping ito nang maayos. Ang gawaing ito ay bahagi rin ng pagprotekta sa mahahalagang kawani sa gawain at pagtiyak sa kaligtasan nila, kaya’t pagdating sa gawaing ito, hindi dapat magsawalang-bahala ang mga lider at manggagawa. Sinasabi ng ilang tao, “Ang pagsasaayos ng tirahan para sa mga kawaning gumagawa ng mga tungkulin nila ay gawain ng sambahayan ng Diyos; kailangan lang nating gawin ito pagkatapos makatanggap ng direktang pagsasaayos mula sa Itaas. Kung hindi ito isinaayos ng Itaas, hindi na natin kailangang mag-abala rito, at kahit na may mangyaring mali, wala itong kinalaman sa atin. Bukod pa rito, iba-iba ang regulasyon ng bawat bansa sa imigrasyon at legal na katayuan; hindi natin kayang mapangasiwaan ang gayong kalaking isyu! Kailangan lang umasa ng lahat sa sarili nila at umasa para sa pinakamabuti—kung makapapanatili sila sa isang bansa, mananatili sila; kung hindi, aalis sila. Tama ba ang mga salitang ito? (Hindi.) Ano ang palagay mo sa ganitong saloobin? (Iresponsable ito.) Sa isang banda, iresponsable; ito sa kabilang banda, isa itong pagpapamalas ng hindi paggawa ng mga huwad na lider ng tunay na gawain at pag-iwas sa responsabilidad. Para sa mga lider at manggagawa, ang pagsasaayos ng tirahan para sa mahahalagang kawani sa gawain sa ibang bansa ay isa ring mahalagang aytem ng gawain. Kapag maayos nang naisaayos ang tirahan para sa mga ito at nagagawa na ng mga ito ang mga tungkulin nito nang normal, ang kasunod na hakbang ay ang magsaayos para gabayan ang mga kawani sa mga panlabas na pangyayari sa pagproseso ng legal na katayuan ng mga ito. Lalo na kung may mga espesyal na sitwasyong nangyayari sa panahon ng pagpoproseso na hindi mapangasiwaan ng mga kapatid, dapat mag-isip ang mga lider at manggagawa ng mga paraan para makahanap ng mga kalutasan, at huwag balewalain ang isyu. Kung may anumang problema sa pagpoproseso sa legal na katayuan, hindi ito isang maliit na bagay at kailangang pangasiwaan at malutas nang maaga at sa lalong madaling panahon. Huwag magpatumpik-tumpik—huwag ipagpaliban bukas ang maaaring gawin ngayon; ang pagpapabukas nito ay maaaring humantong sa mga kahihinatnang mas kahila-hilakbot pa kaysa sa inaasahan. Kung pabaya at iresponsable ang mga lider at manggagawa sa kanilang tungkulin, hindi binibigyan ng agarang pansin ang usapin at inaantala ang pinakamagandang panahon para sa pagproseso ng legal na katayuan, na nagsasanhi sa kawalang kakayahan ng mga kawani sa paggawa ng mga tungkulin nila nang normal, sino ang may pananagutan? Nagpahayag ang mga indibidwal na ito ng mga kahilingan nila sa mga lider ng iglesia at sa mga kawaning nagpoproseso, at alam ito ng mga lider at manggagawa, pero dahil hindi sineryoso ng mga ito ang usapin o nagpalusot para hindi pangasiwaan ito, naantala ang pagpoproseso sa legal na katayuan ng ilang mahahalagang kawani sa gawain, na medyo nakaapekto sa partikular na mahahalagang aytem ng gawain ng iglesia. Kaya, sino sa palagay ninyo ang dapat umako ng responsabilidad dito? (Ang mga lider at manggagawa.) Paulit-ulit na binigyang-diin ng sambahayan ng Diyos ang usaping ito. Hindi ito lingid sa kaalaman ng mga lider at manggagawa, ni hindi sila walang alam o walang pang-unawa rito; sa halip, alam nila ang tungkol dito pero hindi nila ito sineseryoso. Hangga’t wala itong kinalaman sa sarili nilang mga usapin, hangga’t mga isyu ito ng iba, ipinagpapaliban nila ito hangga’t maaari, sa huli ay naaantala ang isang usaping kasinglaki sa pagpoproseso ng legal na katayuan ng hinirang na mga tao ng Diyos. Kapag nangyrai ang mga kahihinatnan, dapat akuin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad. Hindi lang puro salita ang responsabilidad na ito—kung nakaaapekto ito sa gawain ng iglesia, lalo sa mahalagang gawain ng sambahayan ng Diyos, ang responsabilidad na inako ng mga lider at manggagawa ay nagiging mabigat. Kahit papaano, makatatanggap sila ng demerito mula sa Diyos, magiging isang pagsalangsang ito—iyon ang kahihinatnan. Kung ito ay isang bagay na dapat mong gawin, isang bagay na saklaw ng iyong mga responsabilidad, at hindi mo ito ginawa, binalewala mo ito, o inantala ito dahil sa partikular na mga personal na dahilan, dapat mong akuin ang responsabilidad. Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ko alam kung paano ito lutasin; wala akong anumang daan pasulong.” Pero sineryoso mo ba ito at kaagad na humingi ng gabay mula sa mga nakatataas na lider at manggagawa sa unang pagkakataon? May iba pang nagsasabi na nakalimutan nila ang tungkol dito dahil abala sila sa ibang gawain. Kahit pa totoong nakalimutan nila ito dahil sa pagiging abala, paanong patuloy silang makalilimot matapos paulit-ulit na itinaas at pinaalala sa kanila ang isyu? Anong problema ang ipinapakita nito? (Hindi nila isinapuso ang usapin ng pagpoproseso sa legal na katayuan ng mga kapatid; hindi sila nakaramdam ng anumang pasanin.) Ang katunayang kaya nilang makalimutan ang gayong kahalagang bagay ay nagpapakita na wala silang pagpapahalaga sa responsabilidad at hindi sila mapagkakatiwalaan. Kaya mong kalimutan ang isang bagay na kasinghalaga ng pagpoproseso sa legal na katayuan ng hinirang na mga tao ng Diyos—makalilimutan mo ba ang pagproseso ng sarili mong legal na katayuan? Kung hindi mo nakalilimutan ang iyong mga sariling usapin pero nakalilimutan ang sa iba, pinatutunayan nitong may mahinang kang karakter, walang pagmamahal, at makasarili at hamak. Natapos mo na ang pagpoproseso sa sarili mong legal na katayuan, pero tinatrato mo ang pagproseso sa legal na katayuan ng mga kapatud bilang isang karaniwan at walang kuwentang usapin—o ganap itong binabalewala—at at sa huli ay naantala ang pagpoproseso ng legal na katayuan nila, ang mahalagang usaping ito. Maaako mo ba ang responsabilidad na iyon? Hindi ba't ang gayong mga lider at manggagawa ay lubos na walang konsensiya at katwiran? Napakamakasarili nila at hamak sila! Inaalala lang nila ang sarili nila at binabalewala ang iba—anong problema ang ipinapakita nito? Hindi ba't mga huwad na lider sila? (Oo.) Sa gayon ay ganap na nalantad ang diwa ng problema nila. Ayaw lang talaga nilang asikasuhin ang pagpoproseso sa legal na katayuan ng mga kapatid; nakaaabala ito para sa kanila. Sa puso nila, iniisip nila, “Ano ang kinalaman ng pagpoproseso sa legal na katayuan ng mga kapatid sa akin?” Ito ang saloobin sa kung paano nila tinatrato ang usapin ng pagpoproseso sa legal na katayuan ng mga kapatid, sa huli ay nagdudulot ng pagkaantala sa mahalagang usaping ito, nakaaapekto sa pagganap ng tungkulin ng mga kapatid, at nakaaapekto sa gawain ng iglesia. Masasabi mo bang ang gayong mga huwad na lider ay karapat-dapat na maparusahan? (Oo.) Dapat silang papanagutin dahil sinasadya ito; tiyak na hindi ito isang aksidenteng pagkaantala na dulot ng mga obhetibong salik. Kung may naganap na natural na sakuna, tulad ng lindol, pagbaha, o malaking pangyayaring pampolitika na nakaabala sa transportasyon at komunikasyon, ginagawa itong imposible na mapangasiwaan ang mga usaping ito, magiging kauna-unawa iyon. Pero kung wala naman sa mga pangyayaring ito ang naganap, at nakalimutan o pinabayaan pa rin nila ang pagpoproseso sa legal na katayuan ng mga kapatid, inaantala ang ang gayong kahalagang bagay—ang legal na katayuan ng mga indibidwal na ito—ang gayong lider o manggagawa ay pabaya sa tungkulin niya. Bibigyan sila ng demerito at papapanagutin. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Dahil ikaw ay isang lider o manggagawa, may responsabilidad kang gawin ang gawaing dapat mong gawin. Para sa lahat ng nasa loob ng saklaw ng iyong responsabilidad, dapat mong pangasiwaan at tapusin ito nang naaayon sa mga kinakailangan ng sambahayan ng Diyos. Pero kung sasadyain mong iwasan ang paggawa rito o antalain ito, pagpapabaya ito sa iyong responsabilidad, at ang pagpapabayang ito ay isang pagsalangsang. Kung sinasadya mong antalain ang isang usapin at hindi ito pinangangasiwaan, ang kabiguan mo kalaunan ay magiging isang pagsalangsang, at bibigyan ka ng demerito ng Diyos. Mananagot ka sa usaping ito.

Sa mga dayuhang bansa, kung may mga partikular na problema sa legal na katayuan ng hinirang na mga tao ng Diyos, o kung inireklamo o iniulat sila ng mga kapitbahay o mga estranghero, maaari silang humarap sa panganib na maipatapon. Maaaring mangyari din na ang ilan sa hinirang na mga tao ng Diyos sa mga dayuhang bansa ay idinedetena at pinarusahan o inaaresto at ikinukulong ng mga pamahalaan ng partikular na mga bansa sa mga gawa-gawang paratang. Anuman ang sitwasyon, kapag nalaman ng mga lider at manggagawa ang tungkol dito, hindi sila dapat umasta na parang mga pagong na nagkukubli sa loob ng kabibe nila; dapat nilang pangasiwaan ang usaping ito sa unang pagkakataon, na may pinakapangunahing layon na tiyakin ang kaligtasan ng mga kapatid, hindi sila pinahihintulutang mapasakamay ng masasamang tao. Kung inaalala lang mga lider at manggagawa tungkol sa pagsasaayos ng gawain ng sambahayan, pero binabalewala ang pagpoproseso sa legal na katayuan ng mga kapatid, na nagreresulta sa pagkakaaresto o pagpapatapon sa mga kapatid dahil sa kawalan ng legal na katayuan, anong mga kahihinatnan ito? Hindi ba’t sinira ng gayong mga lider at manggagawa ang pagkakataon ng mga kapatid na magawa ang tungkulin ng mga ito? Hindi ba’t direkta nitong naapektuhan ang gawain ng iglesia? Ang kalikasan ng problemang ito sa gayon ay napakaseryoso. Kung hindi pa napapangasiwaan ng mga lider at manggagawa ang usaping ito dati, maaari silang humanap sa mga kapatid ng isang taong bihasa sa pangangasiwa sa mga panlabas na usapin para kumonsulta sa isang abogado upang mangasiwa sa usaping ito, nagsisikap na makamit ang layong maprotektahan ang mga kapatid at maprotektahan ang kaligtasan ng mahahalagang kawani sa gawain. Isa rin itong mahalagang aytem ng gawain na dapat gampanan ng mga lider at manggagawa sa ibang bansa; ang mga lokal na lider at manggagawa ay dapat na magkusa sa pag-aasikaso sa usaping ito. Bukod sa pagprotekta sa kaligtasan ng mga lokal na kapatid, higit nilang dapat protektahan ang kaligtasan ng mga dayuhang kapatid; sa ganitong paraan lang magkakaroon ng katiyakan ang gawain ng iglesia. Ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa sa bawat bansa para sa mga lokal na kapatid at sa mga dayuhang mahalagang kawani sa gawain; hindi sila dapat manatiling walang ginagawa. Sinasabi ng ilang lider at manggagawa, “Sila ay mga dayuhang kapatid at hindi kami pamilyar sa kanila; wala kaming personal na relasyon sa kanila. Ipinadala sila ng sambahayan ng Diyos para mangaral dito—ano ang kinalaman niyon sa amin? Ang kamalasang ito ay isang bagay na idinulot nila sa sarili nila; hindi nila malinaw na inusisa ang tungkol sa sitwasyon bago dumating at hindi nila pinangasiwaan nang maayos ang mga usaping ito. Wala tayong paraan para makialam sa kamalasang ito; sino ang nakaaalam kung ano ang gagawin ng pamahalaan sa kanila.” Gumagamit lang sila ng iba’t ibang palusot para layuan at iwasan ang mga usaping ito, at hindi sila naghahanap ng mga paraan para manguna na lutasin ang mga ito. Tama ba ang ganitong paraan ng pagkilos? (Hindi.) Bakit hindi? (Kung hindi mangunguna ang mga lider at manggagawa sa paglutas sa mga problemang ito, at ang mga kapatid naman ay walang landas para lutasin ang mga problema, tiyak na magkakaroon ng kaguluhan. Hindi tinupad ng mga lider at manggagawa responsabilidad nilang protektahan ang mga kapatid—pagpapabaya ito sa responsabilidad nila.) Tungkulin ng mga lider at manggagawa na tuparin ang bawat responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa sa sambahayan ng Diyos. Ang saklaw ng sambahayan ng Diyos ay hindi limitado sa lokalidad, lokal na rehiyon, o isang partikular na bansa; ang sambahayan ng Diyos ay walang pambansang hangganan, walang rehiyonal na mga limitasyon. Mayroon bang mga limitasyon sa lahi sa paghihirang at pagliligtas ng Diyos sa mga tao? (Wala.) Mayroon bang mga limitasyon sa nasyonalidad o rehiyon? (Wala rin.) Wala. Ito ang prinsipyo kung saan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; samakatwid, ang prinsipyong ito ang katotohanan! Saanmang bansa nagmula ang mga kapatid, lahat sila ay nananampalataya sa iisang Diyos, sumusunod sa iisang Diyos, at kumakain at umiinom rin ng katotohanan na ibinabahagi at ipinagkakaloob ng iisang Diyos. Dinaranas nila ang gawaing ginagawa ng iisang Diyos, at sumasamba sila sa iisang Diyos. Anuman ang kulay ng kanilang balat o lahi, sa sambahayan ng Diyos at sa harap ng Diyos, sila ay iisa—iisang pamilya sila. Dahil iisang pamilya sila, wala dapat na pag-iiba-iba sa kanila; wala dapat na mga limitasyon sa lahi o rehiyon; wala dapat ng mga pagkakahati-hati ng, “Ikaw ay Asyano, ako ay Europeo,” o “Ikaw ay Puti, ako ay isang taong may kulay”—wala dapat ng mga ganitong pag-iiba-iba. Kung gumagawa ka pa rin ng mga ganitong pag-iiba-iba sa sambahayan ng Diyos, malinaw na hindi mo tinuturing ang sambahayan ng Diyos bilang sambahayan ng Diyos, at hindi mo itinuturing ang sarili mo bilang isang miyembro ng sambahayan ng Diyos. Kaya, kapag nakararanas ng mga problema ang mga dayuhang kapatid tulad ng pagpapatapon o ilegal na pag-aresto, saanman sila nagmula, anuman ang nasyonalidad nila, o anumang kulay ng balat nila, sila ay mga kapatid—dahil sila ay mga kapatid, kapag nakararanas sila ng mga problema, ang mga lokal na lider at manggagawa ay dapat na manguna at mapanagutang pangasiwaan ang usaping ito, at hindi dapat gumawa ng pag-iiba-iba sa mga tao. Naaayon ito sa mga prinsipyo, ganap na tumutugma sa mga layunin ng Diyos, at ito ang katotohanang dapat isagawa ng mga tao.

Sa kasalukuyan, maraming hinirang na mga tao ng Diyos mula sa Tsina ang pumupunta sa iba’t ibang bansa para mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos. Pagdating nila sa mga bansang ito, ang unang bagay na dapat nilang gawin ay iproseso ang legal na katayuan nila bago sila makapagtrabaho nang may kapanatagan. Ang pagproseso sa legal na katayuan ay hindi isang simpleng usapin; nangangailangan ito ng pakikipagtulungan mula sa mga tao sa lokal na iglesia. Iyong mga namamahala sa mga iglesia sa iba’t ibang bansa ay dapat humanap ng ilang kapatid na nakauunawa sa mga patakaran sa bansa nila at alam ang mga batas nito para matulungan ang hinirang na mga tao ng Diyos mula sa Tsina na malutas ang isyung ng pagpoproseso sa legal na katayuan. Ang paglutas sa isyung ito ay napakahalaga. Ang mga lider at manggagawa ng mga iglesia sa iba’t ibang bansa ay dapat magsikap para makipagtulungan, sapagkat tanging sa ganap na paglutas sa isyu ng legal na katayuan ng mga tao makauusad nang normal ang gawain ng iglesia; kung hindi, maaapektuhan ang gawain ng iglesia. Iyong mga namamahala sa mga iglesia sa iba’t ibang bansa ay dapat na maging handa sa mga taong may kakayahang mangasiwa sa gayong mga usapin. Ang paggawa nito ay kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at isa rin itong pagpapamalas ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Maaaring sabihin ng ilang lider at manggagawa, “Hindi pa namin kailanman napangasiwaan ang ganitong uri ng usapin, at hindi rin namin alam kung ano ang gagawin.” Sa ganitong sitwasyon, dapat silang maghanap ng mga taong nakauunawa sa ganitong uri ng mga pangyayari. Sa hinirang na mga tao ng Diyos sa bawat bansa, mayroon iyong mga may edukasyon at karunungan, at mayroon din iyong mga nakauunawa sa mga pambansang batas at polisiya. Para sa kanila, ang pangangasiwa sa mga usaping ito ay nangangailangan lamang ng kaunting konsultasyon para makahanap ng isang landas—hindi ba’t ganoon iyon? Sa pangangasiwa sa ganitong uri ng usapin, hindi ka dapat na maging pasibo at hindi aktibo; kung wala kang nauunawaang anumang bagay, dapat kang humanap ng abogado para kumonsulta. Hangga’t makahahanap ng kaukulang abogado, natural na magkakaroon ng isang landas. Maaaring hindi natin nauunawaan ang usaping ito, pero mauunawaan ito ng abogado. Ang pagkakaroon ng puso na naghahanap ay ang tamang saloobin; ang pagkakaroon ng isang pusong naghahanap ay isang pagpapamalas ng pagkakaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad. Kung may lumitaw na partikular na mga paghihirap, dapat kang manalangin, maghanap, at makipagbahaginan nang may iisang puso at isipan, at pagkatapos mahanap ang mga prinspiyo at landas para malutas ang problema, dapat ganap mong lutasin ito. Sa ganoong paraan lang maayos na makauusad ang gawain ng iglesia. Kung, kapag natuklasan ang isang problema, kaya ng mga lider at manggagawa na kaagad na malaman ang tungkol dito, subaybayan ito, at lutasin ito, hindi ba sila mga responsableng lider at manggagawa? (Ganoon nga sila.) Ang gayong mga lider at manggagawa ay hindi lang may pagpapahalaga sa responsabilidad kundi kaya ring kaagad na lutasin ang mga problema, na ibig sabihin ay may pag-asa silang maging mga lider at manggagawa na tumutugon sa pamantayan. Gaano kalalim man ang pag-unawa nila sa katotohanan, kung tutuon sila sa paglutas ng mga problema, makagagawa sila ng tunay na gawain. Kahit papaano, maiiwasan nilang gumawa ng maraming pagkakamali o hindi magkamali; at kahit na makagawa pa sila ng ilang pagkakamali, kaya nilang kaagad na itama ang mga ito para mabawi ang ilang kawalan, sa huli ay makakamit ang layon ng pangangalaga sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa palagay ninyo ba ay mahirap tuparin ang responsabilidad na ito? (Hindi.) Sa katunayan, hindi ito mahirap; nakasalalay ito sa kung ang mga tao ay may katapatan sa paggawa ng tungkulin nila at kung matutupad nila ang responsabilidad nila sa kanilang gawain. Kailangan mo lang na medyo pag-iisipan ito, maggugol ng kaunting oras, at mamuhunan ng kaunting lakas; hindi ka nito kinakailangang gumastos ng pera o humarap sa anumang panganib. Kailangan mo lang na manguna para lutasin ang mga problema at pangasiwaan ang mga usapin nang maayos, at sa ganitong paraan, makatutugon ka sa pamantayan. Kaya, hindi ito isang mahirap na usapin, at para sa mga lider at manggagawa, dapat ay madali lang itong makamit. Pero may ilang tao na hindi kayang kamtin maging ang ganito kadaling bagay at napakalinaw na hindi ito dahil sa kakulangan sa kakayahan o abilidad, o sa mga kondisyon o sa kapaligirang hindi nagpapahintulot dito, kundi sa halip dahil sa ayaw nilang gawin ito. Kapag may mga nangyayaring espesyal na sitwasyon na may kinalaman sa legal na katayuan o paninirahan ng mahahalagang kawani sa gawain, o mga usaping may kaugnayan sa tirahan nila, ang mga lider at manggagawa ay may responsabilidad na isagawa ang gawaing ito. Hindi mahalaga kung para kanino ka nagsasaayos ng tirahan, o ang kung ano ang kanilang nasyonalidad o lahi; ang dapat mo lang gawin ay ang tanggapin ito mula sa Diyos. Ipinagkatiwala sa iyo ang gawaing ito ng Diyos; ito ay iyong responsabilidad at obligasyon, pati na rin ang iyong misyon. Ang gawaing ito na tinatanggap mo ay nagmumula sa Diyos, hindi mula sa sinumang tao, kaya hindi mo dapat alalahanin ang sarili mo sa kung para sa mga kanino ang mga isinasaayos mong tirahan. Sinasabi ng ilang tao na, “Ang pagprotekta sa mga lokal na kapatid ay katanggap-tanggap, pero wala kaming pakialam kung pumunta rito ang mga dayuhang kapatid.” May pagpapahalaga sa responsabilidad o pagkatao ba ang mga taong nagsasabi nito? (Wala.) Itinuturing nilang mga kapatid ang mga lokal na kapatid, pero hindi itinuturing na kapatid ang mga dayuhang kapatid—katanggap-tanggap ba ito? (Hindi ito katanggap-tanggap.) Naaayon ba ito sa katotohanan? (Hindi.) Bakit hindi ito naaayon sa katotohanan? (Ang mga huwad na lider ay hindi mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos; nila ang mga dayuhang kapatid, at hindi nangunguna para pangasiwaan ang mga isyu kapag nagkakaroon ng mga problema—hindi nila pinangangalagaan ang gawain ng sambahayan ng Diyos.) Ang mga huwad na lider ay umiiwas sa responsabilidad sa pamamagitan ng iba’t ibang palusot at hindi gumagawa ng tunay na gawain. Sinasabi nilang handa silang igugol ang sarili nila para sa Diyos at handang isagawa ang katotohanan, pero kapag dumating sa mga kritikal na usapin ng gawain ng iglesia, nagtatago sila. Ito ay pagiging iresponsable. Para sa lahat ng isyu na may kinalaman sa pagprotekta sa kaligtasan ng mga kapatid sa ibang bansa, dapat agarang pangasiwaan ang mga ito ng mga lider at manggagawa, tinatrato ito bilang isang responsabilidad at isang gampanin na dapat tapusin. Hindi sila dapat magpalusot para iwasan ito, ni dapat nilang hayaan ang kapabayaan nila sa gawaing ito na makaapekto sa pag-usad ng iba’t ibang aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos.

B. Pagbibigay sa Lahat ng Kapatid ng Batayang Legal na Kaalaman

Anong iba pang aspekto ng gawaing may kinalaman sa kaligtasan ng mga kapatid sa ibang bansa ang naiisip ninyo? (Sa mga dayuhang bansa, dapat magbigay ang mga lider at manggagawa ng batayang legal na kaalaman sa lahat ng kapatid, para magkaroon ang mga ito ng kamalayan sa batas at maiwasang sumali sa mga gawaing lumalabag sa batas.) Dapat magbigay ang mga lider at manggagawa ng lahat ng batayang legal kaalaman at pag-unawa sa iba’t ibang regulasyon ng pamahalaan. Dapat silang mag-aral nang higit pa tungkol sa mga larangang ito mula sa mga lokal na kapatid sa bansang kinaroroonan nila, tulad ng mga polisiya sa imigrasyon at mga polisiyang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay, at pagkatapos ay organisahin ang mga kapatid para pag-aralan ang mga ito nang sa gayon ay mahigpit silang makasunod sa mga regulasyon ng pambansang pamahalaan at makaiwas na gumawa ng anumang labag sa batas. Sa partikular, ang hinirang na mga tao ng Diyos sa Tsina, na napasailalim sa dikdaturang pamamahala sa loob ng napakaraming tao, ay walang legal na karunungan at hindi nakauunawa sa kahalagahan ng batas. Dahil dito, kumikilos sila nang kaswal at walang ingat, tulad ng mga hindi sibilisadong tao. Kapag umaalis sila para manirahan sa ibang bansa, nagmumukha silang napakamangmang at madalas na gumagawa ng mga bagay na nagpapakita ng kawalang ng pag-unawa sa mga alituntunin. Halimbawa, sa ilang Kanluraning demokratikong bansa, mahigpit na pinamamahalaan ang kaayusang lipunan, may mga regulasyong nagbabawal sa ingay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-8 ng umaga—hindi pinahihintulutan ang mga tunog tulad ng pagtahol ng aso o ingay mula sa makinarya sa konstruksiyon. Kung may sinumang lumabag sa mga regulasyong ito at iniulat, kaagad itong pangangasiwaan ng pulisya. Sa kalakhang Tsina, walang sinumang namamahala sa mga usaping ito; saanmang may naninirahang mga tao, magiging walang habas na maingay rito, na may malalakas na tunog ng musika, sayawan, inuman, at pagdiriwang, at walang nakikialam. Kapag may sinumang sumubok na gumawa ng anuman, maaari silang gantihan, kaya wala silang magawa kundi ang tiisin ito. Iba sa mga Kanluraning bansa; lahat ay protektado ng batas. Halimbawa, kung madalas tumahol ang iyong aso sa dis-oras ng gabi, nakaiistorbo sa pahinga ng iyong mga kapitbahay, magrereklamo sila laban sa iyo. Ang ginagawa mo ay nakaaapekto sa normal na pamumuhay ng iba, nalabag mo ang mga legal na regulasyon—lehitimo para sa kanila na gamitin ang batas bilang sandata para magreklamo laban sa iyo. May mga tao ring nagpapatuloy sa gawaing konstruksiyon hanggang alas-11 o alas-12 ng gabi, nakaaapekto sa pahinga ng mga kapitbahay nila at nagreresulta sa mga reklamo. Pagkatapos ay dumarating ang pulisya para magmulta at magbabala sa kanila na huwag mag-ingay tuwing mga itinalagang oras. May ilang tao na wala pa ngang kamalayan sa kalinisang pangkapaligiran, nagkakalat at nag-iiwan ng basurang nakakalat sa mga lansangan. Partikular na maayos sa mga Kanluraning demokratikong bansa. May mga takdang oras ang mga residente para sa pagtatapon ng basura, at dumarating ang mga trak ng basura sa mga nakatakdang araw para kolektahin ito. Matapos ang koleksiyon, nananatiling malinis ang mga lansangan. Iyong mga hindi nakauunawa rito ay maaaring magkalat, na maituturing ding paglabag sa mga regulasyon. Naaapektuhan nito ang pampublikong kalinisan at ang itsura ng lungsod, kaya’t maaari silang ireklamo. Ang mga Tsino, na hindi sumusunod sa mga alituntunin, ay madalas na nakatatanggap ng mga reklamo kapag naninirahan sa ibang bansa. Pagkatapos na maiulay nang maraming beses, nagkakaroon sila ng sama ng loob sa mga Kanluranin, sinasabi, “Mahilig lang talagang magreklamo ang mga Kanluranin; nagrereklamo sila sa bawat maliit na bagay,” kung saan sinasabi Ko naman, “Inireklamo ka na nila dahil sa napakaraming usapin, at hindi ka pa rin nagnilay sa sarili mo, sa halip ay sinisisi mo pa sila sa pagrereklamo. Tama ba sila sa pagrereklamo, kung gayon? Tama o mali ba ang mga bagay na ginawa mo?” Ganap na tama sila sa pagrereklamo nilang iyon; napinsala mo ang mga interes nila at naapektuhan ang buhay nila, kaya bakit hindi sila magrereklamo laban sa iyo? Isinasagawa ito para mapangalagaan ang kaayusang panlipunan at nagpapakita na ang bansang ito ay pinamamahalaan ng batas; lahat ay protektado ng batas, at ang batas sa bansang ito ay hindi palabas lang—maaaring gamitin ng lahat ang batas bilang sandata para mapangalagaan ang sarili nilang mga karapatan at interes. Nagrereklamo sila laban sa iyo dahil hindi mo nauunawaan ang batas at nilabag mo ang mga lokal na regulasyon. Dapat mo munang aralin ang mga lokal na regulasyon at kumilos nang naaayon sa mga batas at regulasyon—kung gayon, sa palagay mo ba magrereklamo sila laban sa iyo? (Hindi na sila magrereklamo.) Kaya bakit hindi kailanman nagrereklamo ang mga Tsino kahit gaano kaseryoso ang isang usapin? (Masyadong matagal na silang nasiil ng pamahalaan. Hindi sila naglalakas-loob na magreklamo. Wala rin silang konsepto ang mga Tsino ng pagtatanggol sa mga Karapatan nila.) Ang Tsina ay hindi isang bansang pinamamahalaan ng batas. Hindi ito pinamumunuan alinsunod sa batas. Ang mga batas ng Tsina ay palabas lang, at walang silbi ang parereklamo. Kung magrereklamo ka, at ang kabilang panig ay may kapangyarihan at impluwensiya, maaari kang balikan ng mga ito. Kung wala kang impluwensiya, hindi ka man lang maglalakas-loob na magreklamo; ang pagrereklamo ay maaari lang magdulot ng mas malaking problema sa iyo. Kaya kapag nahaharap sa pag-uusig ang mga Tsino—lalo na sa mga kaso kung saan may taong pinatay—kahit gaano pa ka-hindi-makatarungan ang kamatayan, pribado lang na inaareglo ang usapin kapag nagbayad ng kaunting pera ang salarin. Bakit hindi nagsasampa ng kaso ang pamilya ng biktima? Alam nilang hinding-hindi sila mananalo; magkakahalaga ito ng malaking pera, pero hindi pa rin nila makakamit ang katarungan, ni hindi nila mapananagot ang salarin, kaya’t pinipili nilang huwag itong hangarin sa legal na paraan at sa halip ay aregluhin ito nang pribado. Ang mga batas ng Tsina ay palabas lang; ang Tsina ay hindi isang bansang pinamumunuan ng batas, at walang lugar para sa paghahanap ng katarungan. Walang saysay ng pagsasampa ng kaso. Kaya’t anuman ang mga ilegal na sitwasyong nararanasan ng mga Tsino, hindi sila naglalakas-loob na magreklamo. Ito ay dahil walang ginawa ang Partido Komunista kundi ang gumawa ng masasamang gawa, ay walang katwiran, at hindi namumunod nang naaayon sa batas. Sa Tsina, basta’t isa kang ordinaryong tao, gaano man kaseryoso ang isyung kinahaharap mo, hindi ito itinuturing na isang mahalagang usapin sa paningin ng Partido Komunista—walang sinumang mag-aasikaso nito. Ang mga bagay tulad ng pag-abala sa pahinga ng iba, o maging ang kaso ng pang-uumit, pagnanakaw, at panloloob, ay hindi itinuturing na mga isyu ng Partido Komunista. Gayumpaman, iba ito sa mga Kanluraning bansa. Ang Kanluran ay may sistemang demokratiko at isang lipunang pinamumunuan ng batas; basta’t may naapektuhan ang pahinga ng isang tao, magkakaroon ng reklamo, at darating ang pulisya para siyasatin at pangasiwaan ang usapin. Ang mga Kanluranin ay may legal na kamalayan at hindi gumagawa gayong kahangal na mga bagay; iyong mga nanggaling lang sa ibang bansa at hindi nakauunawa sa mga alituntunin ang gumagawa ng mga hangal na bagay na ito. Nang simulang manirahan ang mga Tsino sa ibang bansa, madalas silang makatanggap ng mga reklamo. Sa paglipas ng panahon, natututunan nila ang tungkol sa mga lokal na batas at regulasyon at hindi na naglalakas-loob na gawin ang mga bagay na lumalabag sa batas o nakaaabala sa iba. Samakatwid, dapat iorganisa ng mga lider at manggagawa ang mga kapatid para matutunan ang tungkol sa iba’t ibang batas at regulasyon ng bansang kinaroroonan nila. Anuman ang nilalayon nilang gawin, dapat muna nilang konsultahin ang batas—kahit sa pag-aalaga ng manok o baboy sa sarili nilang bakuran, dapat muna nilang suriin ang mga regulasyon ng pamahalaan. Maaari silang maghanap ng impormasyon online o kumonsulta sa mga lokal na kapatid at sa paraang ito ay makakukuha ng mga tumpak na sagot. Sa lahat ng usapin sa iba’t ibang Kanluraning bansa, may mga partikular na regulasyon ang pamahalaan. Halimbawa, sa konstruksiyon, may mga regulasyon kung gaano kataas ang mga saksakan ng koryente mula sa sahig at kung gaano kalayo dapat ang mga saksakan sa isa’t isa. May mga partikular na pamantayan para sa kapal ng mga barandilya ng hagdan at lapad ng mga balustre ng hagdan. Ang bawat hakbang sa konstruksiyon ay iniinspeksiyon ng mga kawani ng pamahalaan, kaya’t bihira ang mga insidente ng mga gusaling lumalabag sa mga kodigo sa konstruksiyon o hindi reglamentadong konstruksiyon. Kung gusto ng mga residenteng magtayo ng bahay, kamalig ng mga kasangkapan, o maliit na silid-imbakan sa bakuran nila, dapat silang kumuha ng pahintulot mula sa pamahalaan. Kung gusto nilang mag-alaga ng mga manok o bibe, may regulasyon kung gaano kalayo ang kulungan mula sa ari-arian ng kapitbahay nila. Kahit pa hindi nauunawaan ng mga lider at manggagawa ang mga batas at regulasyong ito, kung may kinalaman ang gawain ng iglesia sa mga usaping ito, dapat nilang pagtuunan ito ng pansin. Dapat muna nilang konsultahin ang mga lokal na batas at mga regulasyon ng pamahalaan; ang pagiging malinaw sa mga bagay na ito ay kapaki-pakinabang sa pagganap natin ng tungkulin. Bagaman hindi direktang nauugnay ang mga usaping legal sa panloob na gawain ng iglesia, ang pagbibigay ng batayang legal na kaalaman sa lahat ay kapaki-pakinabang pa rin. Kahit papaano, makapagkakamit sila ng kaunting kaalaman, makauunawa sa ilang alituntunin, matututo kung paano mamuhay nang maayos, at makapagkakamit ng kaunting wangis ng pagkatao. Bukod pa rito, dapat makipagbahaginan ang mga lider at manggagawa sa iyong mga responsable sa mga panlabas na pangyayari, tinutulungan silang magkaroon ng legal na kamalayan. Para sa maliliit na usapin, hindi na kinakailangang kumonsulta sa isang abogado—kailangan lang nilang maunawaan ang mga lokal na regulasyon at mahigpit na sundin ang mga ito. Gayumpaman, para sa malalaking usapin, dapat silang kumonsulta sa abogado para magkamit ng pagkaunawa sa mga lokal na batas. Sa kabuuan, anuman ang ginagawa, ang lahat ng pagkilos ay dapat na sumusunod sa mga batas at regulasyon. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan sa loob ng ilang panahon ay magppapahintulot sa mga tao na mararanasan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas at regulasyon, at matututo silang sumunod sa mga alituntunin kapag gumagagawa ng mga bagay-bagay. Kapaki-pakinabang rin ito sa gawain ng iglesia.

C. Mga Prinsipyong Dapat Sundin Kapag Nagpapadala ng mga Tao para Mangaral ng Ebanghelyo

Pagdating sa pagprotekta sa kaligtasan niyong mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin, may isa pang larangan ng gawain na dapat asikasuhin ng mga lider at manggagawa, protektahan ang kaligtasan ng mga taong ipinapadala para gawin ang tungkulin nila. Ano ang mga prinsipyong dapat sundin kapag nagpapadala ng mga tao para lumabas at gawin ang tungkulin nila? Una, dapat bigyan ng pagsasaalang-alang ang edad at kasarian ng mga tao, gayundin ang kanilang pananaw at karanasan sa buhay—hindi dapat magkaroon ng magulong isip o maging kaswal ang mga lider at manggagawa sa bagay na ito. Halimbawa, kung nagpapadala ka ng mga tao para mangaral ng ebanghelyo sa isang hindi-pamilyar na lugar, anong uri ng mga tao ang angkop na ipadala? (Ang mga taong may pananaw at karunungan.) Kung ang isang partikular na iglesia ay may kakaunting angkop na tao, na karamihan ay mga kabataan na kulang sa karanasan sa buhay at pananaw, na hindi marunong mangasiwa sa mga sitwasyon—lalo sa mahihirap na problema—kapag nararanasan nila ang mga ito, nagsasalita sila nang walang prinsipyo, at na kulang din sa karunungan, hindi nila magagawa ang gawain. Kung ang gayong uri ng mga tao ang ipadadala, hindi lang nila hindi malulutas ang mga problema, kundi maaaring makaapekto at makaantala pa sila sa gawain. Samakatwid, kapag nagpapadala ng mga tao para lumabas at gawin ang tungkulin nila, kinakailangang pumili ng mga taong may hustong pagkatao at karunungan—ang gayong mga tao lang ang angkop. Kung kulang ang mga angkop na tao, hayaang pumareha ang kabataan sa mga mas nakatatandang tao para gawin ang tungkulin nila. Halimbawa, ipagpalagay na may isang nakababatang kapatid na babae na may edad 25 0 26 na, sa kabila ng pananampalataya sa Diyos nang mahaba-habang panahon, nagtataglay ng pananalig at tayog, at matagal nang gumagawa ng tungkulin niya, ay hindi alam kung paano pananatilihing ligtas ang sarili niya kung ipadadala para gawin ang tungkulin niya sa isang hindi-pamilyar na lugar—sa gayong kaso, kinakailangang maghanap ng isang lokal na kapatid na may karanasan sa lipunan para ipareha sa kanya para gawin ang tungkulin. Siyempre, kung ang loksyon ng tungkulin ay isang pamilyar na lugar o lugar kung saan mayroon nang isang iglesia, maaaring pumunta ang mga nakababatang kapatid. Gayumpaman, kung pupunta ang mga tao sa isang hindi-pamilyar na lugar, lalo sa isang lugar na may mahinang pampublikong seguridad, para mangaral ng ebanghelyo o gumawa ng ibang gawain, dapat isaalang-alang ang kanilang personal na kaligtasan. Para sa mga lider at manggagawa, sinuman ang ipinapadala nila para lumabas at gumawa ng gawain, ang kaligtasan ang pangunahing konsiderasyon. Kung hindi malinaw kung anong uri ng mga tao ang potensiyal na tatanggap sa ebanghelyo, o kung maaaring gumawa ng hindi nararapat na mga bagay ang mga taong ito, dapat mag-ingat kapag nagpapadala ng mga tao para mangaral ng ebanghelyo. Dati, narinig ko na ang ilang lider at manggagawa ay madalas na nagpapadala ng mga nakababatang kapatid na babae—may 18 o 19 taong gulang, o nasa maagang 20 nila—sa mga hindi-pamilyar na lugar para mangaral ng ebanghelyo, at ayon sa mga ulat, may ilang hindi kanais-nais na insidenteng naganap. Anuman ang aktuwal na nangyari, sa huli, may kinalaman ito sa hindi pagiging masusi ng mga lider at manggagawa sa pagsasaalang-alang nila kapag ginagawa ang gawain. Dapat isaalang-alang ng mga lider at manggagawa ang ganitong mga salik at hindi basta-bastang nagtatalaga sa napakababata pang kapatid sa mga hindi-pamilyar at mapanganib na lugar para gawin ang tungkulin ng mga ito. May isang lider na minsang nagsaayos para sa dalawang kapatid na babae, edad 18 o 19, na mangaral ng ebanghelyo. Nang may nagsabing masyado pang bata at hindi angkop ang mga ito para sa gawain, humanap ang lider pagkatapos ng isang 21-taong-gulang na kapatid na babae para humalili, iniisip, “Sinabi mong masyadong bata ang 19, kaya naghanap ako ng 21 taong gulang. Mas matanda na iyon, hindi ba?” Ano ang kakayahan ng lider na ito? Mahina sila sa mga pagkabaluktot, tama? (Oo.) Ang pagiging mas matanda lang nang dalawang taon sa 19—maaari bang may karanasan siya sa buhay? Maaari bang may karanasan siya sa lipunan? Kapag nahaharap sa mga paghihirap o mapanganib na sitwasyon, maaari bang mapaiyak lang siya. Bagaman mas matanda siya ng dalawang taon, pagdating sa edad, masyado pa rin siyang bata at wala pang kakayahan sa pagtanggap sa gawaing ito. Kahit papaanp, kinakailangang maghanap ng isang kapatid na nasa kanilang 30, 40, o kahit 50 o 60—mas nakatatanda sila at may karanasan sa lipunan; kapag nahaharap sa mga sitwasyon, mayroon sila ng karunungan para pangasiwaan ang mga ito, pinipigalang mangyari ang anumang mapanganib na sitwasyon. Ang mga kabataan ay hindi pa nakararanas ng maraming bagay at hindi pa alam kung paano pangangasiwaan ang mga itoo harapin; kapag nakararanas ng panganib, maaaring hindi pa nga nila ito mapansin, kaya’t nagiging madali para sa mga insidente na mangyari. Ang mga nakatatandang tao, dahil nanakita na ng mas maraming kabuktutan sa lipunang ito at sa sangkatauhang ito, ay malimit na mas alerto sa mga tao. Batay sa kanilang karanasan sa lipunan at kakayahan mula sa tunay na buhay, kaya nilang gumawa ng makatwirang pagpapasya tungkol sa kung anong uri ng panganib ang maaaring lumitaw sa mga partikular na sitwasyon, kung gaano kataas ang antas ng panganib, kung aling mga indibidwal ang masasamang tao, at kung anong uri ng mga bagay ang maaaring gawin ng partikular na mga tao. Kapag nahaharap sa mapapanganib na sitwasyon, mayroon din silang karunungan para umiwas sa panganib. Ang mga kabataan, sa kabilang banda, ay kulang sa karanasan. Kapag nahaharap sa mga sitwasyon, hindi nila makita ang potensiyal na mapapanganib na kahihinatnan. Kaya, pagdating sa mga usaping pangkaligtasan, mas masusi ang mga nakatatanda sa mga pagsasasaalang-alang nila kaysa sa mga kabataan. Kapag ang mga lider at manggagawa ay nagsasaayos para sa mga tao na lumabas at gawin ang tungkulin nila, dapat nilang isaalang-alang ang mga lokal na kondisyon at magsaayos para sa mas nakatatandang tao na may karunungan at karanasan na pumareha sa mga Kabataan para gawin ang tungkulin ng mga ito. Ang mga lider at manggagawa ay dapat na maging masusi sa mga pagsasaalang-alang nila sa mga usaping ito.

Saanmang bansa ginagawa ang isang gawain ng iglesia, ang pagtitiyak sa kaligtasan niyong mga gumagawa ng tungkulin nila ay isang aytem ng gawain dapat pagtuunan ng pansin ng mga lider at manggagawa. Sinuman ang ipadala para gawin ang anumang gawain, dapat siyang magtaglay ng partikular na kakayahan at magkaroon ng kaunting kapabilidad para maging mahusay sa gawain at para matiyak ang kaligtasan niya; sa partikular, lalong ganito ang kaso sa mga lugar o bansa na may mahinang pampublikong seguridad. Dapat isaalang-alang ng mga lider at manggagawa ang kaligtasan niyong mga gumagawa ng tungkulin ng mga ito bilang pangunahing pagsasaalang-alang, at huwag itong walang-ingat na balewalain. May ilang nagsasabing, “Ayos lang. Ang ginagawa natin ay ang pagganap ng mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos—may proteksiyon tayo ng Diyos, kaya walang sinumang mamamatay. Ano bang posibleng mangyaring mali?” Tama ba ito para sa kanilang sabihin ito? (Hindi.) Bakit hindi? (Ang ganitong pananalita ay iresponsable, at ang pananaw na ito ay napakalayo rin sa realidad.) Dapat gawin ng mga tao ang makakaya nila para matupad ang mga tungkuling kaya nilang tuparin at asikasuhin ang kaya nilang isaalang-alang; hindi nila dapat subukin ang Diyos o isugal ang kaligtasan ng mga kapatid. Kayang protektahan ng Diyos ang mga tao, pero kung hindi mo isasaalang-alang ang mga problema na kaya mong isaalang-alang, at ginagamit mo ang kaligtasan ng mga kapatid bilang pusta para subukin ang Diyos, ibubunyag ka ng Diyos—sinong nagbigay sa iyo ng sobrang kahibangan para gumawa ng gayong kahangalan! Samakatwid, hindi dapat gamitin ng mga lider at manggagawa ang ganitong uri ng pananalita bilang palusot para gumawa ng mga iresponsableng bagay; ang pagtiyak sa kaligtasan niyong mga gumagawa ng tungkulin nila ay iyong responsabilidad, at dapat mong tuparin ang sarili mong responsabilidad. Matapos asikasuhin ang lahat ng kaya mong isaalang-alang at kayang gawin, para sa mga hindi mo naisaalang-alang, kung paano kikilos doon ang Diyos ay sariling usapin ng Diyos at walang kinalaman sa iyo. May ibang tao na walang pakundangang iniaatang ang lahat ng responsabilidad sa Diyos, sinasabing, “Responsible ang Diyos para sa kaligtasan ng mga tao, hindi natin kailangang matakot; makapangangaral tayo gaano man natin gustuhin. Sa Diyos, ang lahat ay malaya at pinalaya; hindi natin kailangang mag-alala tungkol sa mga bagay na iyon!” Tama ba ang ganitong uri ng pahayag? (Hindi.) Ayon sa ganitong uri ng pahayag, hindi kailangan ng mga taong humanap ng mga prinsipyo kapag may nangyayaring mga bagay; kung ganoon ang kaso, ano ang magiging silbi ng katotohanang ipinahayag ng Diyos? Mawawalan ito ng silbi. Nitong mga taong ito, matiyaga at maingat na nagpahayag ang Diyos ng napakaraming salita para turuan ang tao, na may pakay na bigyang-kakayahan ang Kanyang hinirang na mga tao kung paano manatiling buhay, kung paano hangarin ang katotohanan, at kung paano umasal sa masamang mundong ito at sa masamang sangkatauhang ito, para makaayon sa mga layunin ng Diyos. Hindi ito para sa iyo na subukin ang Diyos, ni hindi rin ito para sa iyo na kumilos paano mo man gustuhin nang naaayon sa mga salita at doktrina at nang walang mga prinsipyo. Para magawa ng mga lider at manggagawa nang mabuti ang trabaho nila sa gawain ng pangangaral ng ebanghelyo, dapat muna nilang garantiyahan ang kaligtasan ng mga tao. Para magawa ito, dapat munang mahanap nila at maarok ang mga partikular na sitwasyon niyong mga gumagawa ng tungkulin ng mga ito, magpadala ng angkop na mga tao, at maunawaan din kung ano ang gagawin sa iba't ibang sitwasyon para garantiyahan ang kaligtasan ng mga tao. Kung ang isang lokasyon ay partikular na magulo, walang mga kakilala roon, at hindi matitiyak ang kaligtasan ng sinumang pumupunta roon para mangaral ng ebanghelyo, huwag munang magpadala ng mga tao roon; huwag magbakasakali, huwag gumawa ng mga hindi-kinakailangang sakripisyo. Anuman ang tungkuling ginagawa o alinmang gawain ang isinasagawa, hindi nito kinakailangang lumabas ka sa mundo o ipagsapalaran ang iyong buhay, ni hindi nito kinakailangang ipusta mo ang iyong kaligtasan o iyong buhay. Siyempre, sa kapaligiran ng Tsina, hindi maiiwasan ang pagharap sa mga panganib sa paggawa ng tungkulin ng isang tao. Inuusig ng pamahalaan iyong mga nananampalataya sa Diyos, at kahit na alam na alam mong may panganib, dapat ka pa ring manampalataya sa Diyos, sumunod sa Diyos, at gawin ang iyong tungkulin; hindi mo maaaring abandonahin ang iyong tungkulin at walang gawain ang maaaring itigil. Iba-iba ang sitwasyon sa mga dayuhang bansa—ang ilan ay mga awtoritaryan bansa katulad ng Tsina, habang ang iba naman ay may mga demokratikong sistema. Sa mga bansang may mga demokratikong sistema, ang gawain ng pangangaral ng ebanghelyo ay makauusad nang maayos, at ang iba’t ibang aytem ng gawain ay maisasakatuparan din nang maayos. Pero sa ilang bansa na may mga awtoritaryang katangian, ang mga tao ay parehong barbariko at atrasado, at hindi madali para sa kanila na tanggapin ang tunay na daan. Kapag ipinangangaral sa kanila ang ebanghelyo, hindi lang nila hindi ito iniimbestigahan, kundi maaari rin nila itong bulag na kondenahin, at maaari pa ngang isumbong ang sitwasyon sa pulisya. Sa gayong mga kaso, huwag magpadala ng mga tao para mangaral ng ebanghelyo roon; sa halip, pumili ng mga lugar kung saan matitiyak ang kaligtasan para maisagawa ang gawain. Ang lahat ng ito ay mga bagay na dapat maingat na isaalang-alang ng mga lider at manggagawa. Halimbawa, sa mga bansang tulad ng Malaysia, Indonesia, o India, na may napakakomplikadong relihiyosong pinagmulan, may partikular na mga relihiyosong denominasyon na may malakas na impluwensiya at kontrol sa buong lipunan, hanggang sa punto na maging ang mga pamahalaan ay nagpapasakop sa impluwensya ng mga relihiyong ito. Sa gayong mga bansa, kung gayon, huwag nang magpadala ng mga karagdagang tao para mangaral doon ng ebanghelyo; sapat na para sa mga lokal na iglesia na mangaral ng ebanghelyo. Sa ilang bansa, nag-iiba-iba ang mga sitwasyon sa bawat estado o probinsya, at ang mga lokal na batas at regulasyon ay naiiba sa mga pambansang batas at regulasyon. Halimbawa, may mga rehiyon na may mga espesyal na relihiyosong pinagmulan, at sa mga rehiyong iyon, nagkakaisa ang iglesia at estado. Sa ilang kaso, ang mga relihiyosong lider ay may mas malaki pang awtoridad kaysa sa lokal na pamahalaan at hayagang hayagang lumabag sa ilang pambansang polisiya. Kung mangangaral ka ng ebanghelyo sa gayong mga rehiyon, may mga potensiyal na panganib sa kaligtasan. Ang mga potensiyal na panganib na ito ay hindi lang limitado sa pag-iimbento ng mga tsismis tungkol sa iyo o sa pagpapalayas sa iyo—maaari ka rin nilang arestuhin, ikulong nang walang kaso, at maging pahirapan, lumpuhin, o patayin, at hindi makikialam ang pamahalaan. Sa katunayan, namumuhi ang mga lider ng karamihan sa mga relihiyosong denominasyon sa mga panlabas na relihiyon. Dahil napakalakas ng impluwensiya nila at hinding-hindi sila napipigil ng batas, walang nangangahas na pananagutin sila gaano man nila kalupit na inuusig sa mga manggagawa sa ebanghelyo, at maging ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ay ayaw na salungatin sila. Kapag nagsimula ka nang mangaral ng ebanghelyo sa teritoryo nila, maaari ka nilang pahirapan gaano man nila gustuhin. Kaya, dapat na maging partikular na maingat ang mga lider at manggagawa sa pagpapadala ng mga tao para mangaral ng ebanghelyo kung saan mang lugar. Una, dapat nilang imbestigahan at aralin ang tungkol sa sitwasyon sa lugar na iyon—kung may kalayaan ba sa pananampalataya, gaano kalakas ang mga puwersang panrelihiyon, at kung ano ang mga maaaring kahihinatnan kung iniulat ang mga taong nangangaral ng ebanghelyo roon. Ang mga usaping ito ay dapat na maunawaan nang malinaw bago magpasya kung magpapadala ba o hindi ng mga tao roon. Kung, matapos matutunan ang tungkol sa isang lugar, napagpasyahang hindi ito angkop para sa pangangaral ng ebanghelyo, walang sinuman ang mapahihintulutang magpadala ng mga tao roon para mangaral. Bahagi rin ito ng gawain na dapat gawin para matiyak ang kaligtasan ng mga manggagawa sa ebanghelyo. May ilang lider at manggagawa na may baluktot na pagkaarok, at sinasabing, “Ayos lang; poprotektahan tayo ng Diyos. Mas mahirap ang hamon, mas dapat natin itong harapin. Napakaraming tao na nananampalataya sa Panginoon sa lugar na iyon, kaya bakit hindi tayo dapat mangaral ng ebanghelyo roon?” May nagsasabi sa kanila, “May mga pribadong bilangguan doon. Kapag pupunta tayo roon para mangaral ng ebanghelyo, hindi lang tayo makukulong, kundi maaari pa tayo roong mamatay. Hindi tayo maaaring pumunta!” Pinag-iisipan ito niyong mga hangal na huwad na lider: “Napakaraming bilangguan ang malaking pulang dragon, pero hindi tayo natatakot dito—kaya bakit tayo matatakot sa isang kumpol ng mga pribadong bilangguan doon? Maaaring ipiit ng mga bilangguan ang ating katawan pero hindi ang ating puso! Huwag matakot—umalis ka na lang!” Pagkatapos ay sunod-sunod nilang ipinadadala ang mga tao, at sa huli, wala ni isa sa mga ito ang nakababalik; lahat ng mga ito ay nakulong. Napapatulala ang mga huwad na lider. Ano ang problema rito? (Mga hangal ang mga huwad na lider na ito.) Ang gayong mga huwad na lider ay mga salbahe; mga iresponsablen sila, nagpapadala ng mga tao sa panganib. Bakit hindi sila mismo ang umalis? Dahil hindi sila takot sa panganib, dapat sila maunang umalis. Kung aalis sila, makababalik ng ligtas, at makakukuha ng mga tao, saka lang maaaring sumunod ang iba sa kanila. Anuman ang mangyari, ang kaligtasan ng mga tao ay dapat magarantiyahan sa pangangaral ng ebanghelyo. Huwag na huwag magbakasakali sa mga lugar na mapanganib at hindi angkop para sa pangangaral ng ebanghelyo. Huwag ipagpalagay na ligtas ang anumang lugar sa labas ng kalakhang Tsina; ito ay isang ilusyon, isang baluktot na pagkaunawa. Ang mga mangmang na tao lang ang nag-iisip nang ganito—masyadong kaunti ang nauunawaan ng gayong mga tao tungkol sa mundong ito! Huwag ipagpalagay na dahil karamihan sa mga bansang Kanluranin ay may kalayaan sa pananampalataya at medyo maraming tao ang nananampalataya sa Panginoon, maaari kang lantarang mangaral ng ebanghelyo at lantarang magsabi ng iba’t ibang pahayag na naglalantad sa kung gaano kadilim at kasama ang relihiyosong mundo; kung gagawin mo ito, hindi mo lubos na maiisip ang magiging mga kinahihinatnan nito. Kailangan mong maunawaan na kapag nangangaral ng ebanghelyo, sa mga relihiyosong tao man o sa mga walang pananampalataya, humaharap ka sa tiwaling sangkatauhan, sangkatauhan na lumalaban sa Diyos. Huwag mong isipin nang masyadong simple ang usaping ito.

Kung gustong garantiyahan ng mga lider at manggagawa ang kaligtasan ng mga manggagawa sa ebanghelyo, dapat nilang masusing isaalang-alang ang lahat ng aspekto ng usapin, at sakaling may lumitaw na anumang problema, dapat itong agarang pangasiwaan, at pagkatapos, dapat na ibuod ang mga karanasan at aral para mahanap ang mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa, natutukoy kung paano magsasagawa sa hinaharap—isang mahalagang aytem rin ito ng gawain na kailangang magawa. May ilang usapin na hindi pa naisasaalang-alang o nararanasan dati ng mga lider at manggagawa; matapos lumitaw ang mga problema, dapat nilang ibuod: “Dapat pa rin ba tayong pumunta sa ganitong uri ng lugar? Tama ba ang paraang ito ng pagpapadala sa mga tao? Dapat ba nating ayusin ang mga plano, estratehiya, o direksiyon para sa mga susunod na hakbang sa pangangaral ng ebanghelyo o sa paggawa ng iba pang mahalagang gawain?” Sa patuloy na proseso ng pagbubuod, dapat na unti-unting matukoy ng mga lider at manggagawa ang mga pamamaraan at prinsipyo ng gawain, para habang mas ginagawa nila ang gawain, mas nagiging partikular ito at mas natutugunan nito ang inaasahang pamantayan, na may mas kakaunting hindi inaasahang pangyayari na nagaganap, o walang hindi inaasahang pangyayari na nagaganap, o maging, nang walang anumang panganib na kinahaharap ang mahahalagang kawani sa gawain. Para makamit ang ganitong resulta, ang mga lider at manggagawa ay dapat madalas na magbuod ng mga karanasan at magkamit ng pag-unawa sa iba’t ibang kapaligiran at sitwasyon na kinahaharap sa bawat rehiyon kapag pinapangaral ang ebanghelyo. Mas maraming impormasyon ang nakukuha nila at mas tumpak ito, mas magiging tumpak ang mga prinsipyo at plano para sa pangangasiwa sa mga usapin, sa huli, ay magkakamit sila ng resulta para sa pagtitiyak sa kaligtasan ng mga tao. Sa ganitong paraan, matitiyak na ang gawain ng pangangaral ng ebanghelyo ay makauusad nang maayos.

III. Paano Pangasiwaan ang mga Lider at Manggagawa na Hindi Pinagtutuunan ng Pansin ang Gawaing Pangkaligtasan

May ilang lider at manggagawa ang may mahinang kakayahan at walang pagpapahalaga sa responsabilidad; hindi nila kayang gumawa ng tunay na gawain at masyado rin silang tamad para gumawa ng tunay na gawain. Sa mga lugar na responsable sila, madalas makaranas ng mga panganib sa kaligtasan iyong mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin, kinakailangan lumikas o lumipat ang mga ito, kaya hindi magawa ng mga ito tungkulin nito nang may kapanatagan. Maging ang mga usapin na hindi dapat mangyari ay madalas na nagaganap. Halimbawa, may lider o manggagawa na nakahanap ng bahay na nagho-host na nasa mababang lugar. Kapag inaasahan ang malakas na ulan at pagbaha, sa takot na baka malubog ang bahay, kailangang lumikas nang maaga ang mga kapatid na naninirahan doon—bitbit ang mga kagamitan sa gawain, kaldero, kawali, at lahat ng iba pa, lumilikas sa loob ng dalawang magkasunod na araw. Dahil dito, labis na napapagod ang lahat, nakayuko ang kanilang ulo sa kawalang-pag-asa. Sinasabi nila, “Nagpapalipat-lipat tayo tuwing ilang araw, palaging tumatakas. Kailan ba ito matatapos? Hindi ba’t tayo makahahanap ng isang ligtas at maaasahang bahay kung saan normal nating magagawa ang ating tungkulin?” Ni hindi kayang pasanin ng gayong mga lider at manggagawa ang ganitong kaunting gawain; ang mga kapatid na nasa ilalim nila ay hindi makakain o makatulog nang maayos, ni wala silang sapat na matutuluyan. Ang mga kondisyon ng paninirahan nila ay palaging pansamantala, na handa ang lahat na lumikas anumang oras. Pagkatapos nilang gamitin ang mga pang-araw-araw na gamit nila, kaagad nila itong ineempake, dahil maaaring mangyari ang isang sitwasyon anumang oras kung saan ipinahahayag ang pagsisiyasat ng rehistrasyon ng sambahayan. Sa katunayan, alam ng lahat na ang ibig sabihin nito ay sinisiyasat kung sino iyong mga nananampalataya sa Diyos, kaya dapat palagi silang maging handa na lumipat anumang oras. Dahil dito, iyong mga gumagawa ng tungkulin nila ay palaging takot at hindi nakararamdam ng seguridad. Hindi ba nito naaapektuhan ang mga resulta ng tungkulin nila? Hindi ba ito nauugnay sa gawaing ginagawa ng mga lider at manggagawa? (Oo.) Kumusta ang paggawa nila ng gawaing ito? (Hindi nila ito ginagawa nang maayos, hindi tinutupad ang responsabilidad nila.) May ilang lider at manggagawa na iresponsable at kulang sa dedikasyon. Sila mismo ay walang mataas na mga pamantayan para sa mga kondisyon sa paninirahan; basta’t may lugar na magtatanggol sa kanila sa hangin at ulan, sapat na iyon. Kaya, hindi rin nila ginagawa ang lahat ng makakaya nila para humanap ng isang ligtas at matatag na lugar para panirahan ng mga kapatid. May ilang lider at manggagawa na may mahinang kakayahan; hindi nila alam kung anong uri ng kapaligiran ang tahimik at angkop sa paninirahan, o angkop para sa mga kapatid para gawin ang tungkulin nila. Nangungupahan sila ng mababang lugar na hindi gustong upahan ng iba, at pagkatapos lumipat dito ang mga kapatid, sa loob ng ilang araw nagkakaroon na sila ng eczema, nangangati sa buong katawan. Ano ang nangyayari? Masyadong basa ang bahay, na may tubig na sumisirit mula sa sahig. Kaya bang tumira ng sinuman sa ganitong lugar? Hindi man lang kayang lutasin ng gayong mga lider at manggagawa ang problemang ito; hindi sila makahanap ng bahay na angkop para sa paggawa ng tungkulin—anong uri ng kakayahan ito? May iba pang lider at manggagawa na nangungupahan sa mga bahay na palaging tinatagusan ng ulan, pinapasukan ng malamig na hangin, walang soundproofing, o walang internet, tubig, o koryente—paano makapaninirahan ang sinuman doon? Isinasantabi nila ang maaayos na bahay at iginigiit na upahan ang mga depisyenteng bahay na ito—hindi ba’t hinahadlangan nito ang mga usapin? Bagaman hindi nagkakampo sa labas ang mga kapatid, wala ang marami sa mga pangunahing pasilidad ng bahay; mas mabuti pang manirahan sa isang tolda. Kahit pa ang karamihan sa mga kapatid ay sanay sa paghihirap, iniisip na hindi kalabisan ang pagtitiis sa ganitong antas ng paghihirap, at na kaya nila itong batahin, hindi ba’t ang patuloy na paghihirap nang ganit0 kada ilang araw ay nakaaapekto pagganap nila ng tungkulin? Samakatwid, kung may mahinang kakayahan at walang pagpapahalaga sa responsabilidad ang mga lider at manggagawa, hindi nila kayang pasanin ang gawaing ito; dapat kaagad silang magbitiw at magrekomenda ng isang taong kayang gawin nang maayos ang gawaing ito para humalili, nang hindi nila maapektuhan ang buhay at pagganap ng tungkulin ng karamihan ng mahahalagang kawani sa gawain. Ang pagsasaayos sa tirahan para sa iyong mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin ay hindi nangangailangan ng pagsasaalang-alang sa bawat isang aspekto, pero dapat matiyak kahit papaano ang isang pangunahing kapaligirang paninirahan. Kapag lang may katiyakan sa aspektong ito, hindi maaapektuhan ang gawain ng iglesia. Madali ba ang gawaing ito? (Oo.) Madali lang sabihin na madali itong gawin, pero kung ang mga lider at manggagawa ay mga tao na may magulong isip na may mahinang kakayahan, at walang anumang pagpapahalaga sa responsabilidad, basta hindi nila magagawa ito. Kapag ang mga lider at manggagawa ay hindi kayang gawin ang gawaing ito o hindi kayang gawin ito nang maayos, napakaraming tao ang magdurusa ng mga kahihinatnan, namumuhay araw-araw na parang tumatakas sila mula sa taggutom—paano nila magagawa ang tungkulin nila nang ganito? May ilang huwad na lider na hindi nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo pero gusto pa ring maging magpasikat. Hindi nila kayang gawin nang maayos ang gawain pero tumatangging magbitiw, kumakapit sa posisyon nila at hindi umaalis. Paano dapat pangasiwaan ang gayong mga lider? (Dapat silang tanggalin.) Madali ang pagtatanggal sa kanila; ang tanong ay kung may mas mahusay na taong bang hahalili sa gawain nila. Kung wala, kaya Ninyo bang pasanin ang gawaing ito? Magagarantiyahan Ninyo ba na may matatag na kapaligirang paninirahan ang mahahalagang kawani sa gawain? Kung hindi ito kayang pangasiwaan ng isang tao, kaya ba ng tatlo o lima sa inyo na magkakasamang magtulungan para pasanin ang gawaing ito? Kung hindi ninyo rin kayang mapangasiwaan ang gawaing ito—kung hindi ninyo man lang magawa ang gayong kasimpleng gampanin, hindi magawa maging ang matiyak ang pangunahing kapaligirang paninirahan—dapat kayo pansamantalang magtiis ng medyo higit pang paghihirap at pagdurusa. Kung makapagpapatuloy pa rin kayo sa paggawa ng inyong tungkulin, at ang Diyos, matapos makita na sapat na matatag ang inyong determinasyong magtiis ng paghihirap, ay magpadala ng isang taong maaasahang mangasiwa sa mga bagay-bagay and kayang lumutas ng mga problema para magawa ang gawain, matatapos ang mga araw ninyo ng paghihirap at mapapalitan ng masasayang araw. Kung walang ganitong tao na dumarating para lutasin ang mga problemang ito, dapat ninyong tanggapin ang kapalaran ninyo—itinadhana kayong magtiis ng paghihirap; itinakda kayo para tiisin ito; dapat ninyong papanatagin ang inyong puso at tiisin ito. Sa katunayan, sulit ang pagtitiis sa ganitong kaunting paghihirap; higit na mas mabuti ito kaysa sa nasa bilangguan at nagdurusa ng pagpapahirap. Kahit papaano ay hindi kayo isinasailalim sa pagpapahirap o interogasyon; maaari pa rin kayong magbasa ng mga salita ng Diyos, gumawa ng inyong tungkulin, at mamuhay ng buhay-iglesia kasama ang mga kapatid. Bagaman may kaunting takot, kabiguan, at balakid sa daan, at madalas kinakailangan ninyong lumipat, isa pa rin itong pambihirang karanasan sa inyong buhay, kung saan maaari kayong matuto ng mga aral at magkaroon ng pakinabang. Hindi ba’t napakabuti nito? (Oo.) Dapat magkaroon ang mga tao ng determinasyong magtiis ng paghihirap, at hayaan ang Diyos na mamatnugot ayon sa Kanyang kalooban. Kung talagang hindi ninyo kayang tiisin ang paghihirap na ito, maaari kayong taimtim na manalangin sa Diyos sa inyong puso: “O Diyos, hinihiling namin na tingnan Mo kaming mga nagdurusa—lubos kaming kahabag-habag! Sumusunod kami sa Iyo nang walang reklamo o pagsisisi! Hinihiling namin sa Iyo, alang-alang sa hindi-natitinag naming katapatan sa Iyo, na wakasan ang buhay na ito ng paghihirap! Hinihiling namin sa Iyo na magpadala ng angkop na lider o manggagawa na maghahanap ng angkop na lugar para sa amin! Palagi kaming nagtitiis sa labas, nagpapalipat-lipat ng lugar araw-araw, at hindi namin alam kung hanggang kailan ito magpapatuloy. Ayaw na naming mawalan pa ng matutuluyan—pakiusap, bigyan Mo kami ng matatag na tahanan!” Angkop bang manalangin nang ganito? Oo, maaari kayong manalangin nang ganito; batay sa mga pangangailangan ng kapaligiran, dapat kayong manalangin nang ganito.

Ang pagtitiis ng paghihirap, kapag tiningnan mula sa ibang pananaw, ay hindi gayong kasamang bagay; ang pagtitiis ng kaunting paghihirap ay makapagpapatibay sa iyong kalooban. Ano ang ibig sabihin ng pagtibayin ang iyong kalooban? Nangangahulugan ito na sa pamamagitan ng patuloy na pagtitiis ng paghihirap, nagiging manhid ka rito at hindi na nakikilala ito bilang paghihirap; gaano karaming hirap man ang iyong tinitiis, hindi ka na nasasaktan. Gayumpaman, kapag nahaharap sa iba’t ibang sitwasyon, dapat kang matut ng ilang aral, magkamit ng kaunting pananaw, at matutong kumilatis ng mga tao. Kung ang isang lider o manggagawa ay may napakahinang kakayahan at hindi man lang magawa nang maayos ang pagsasaayos ng mga tirahan, paano nila matutustusan at maaakay ang hinirang na mga tao ng Diyos? Ang gayong mga tao ay hindi karapat-dapat na maging mga lider o manggagawa. Ang sambahayan ng Diyos ay hindi naman walang pera para mangupahan ng mga bahay, at hindi ayaw rin nitong makita ang mga kapatid na walang permanenteng lugar na mapaninirahan. Hindi itinataguyod ng sambahayan ng Diyos na ang mga tao ay palaging magtiis ng paghihirao hirap o mamuhay nang mahirap na buhay araw-araw, bagaman siyempre hindi rin ito umiiwas sa mga taong nagtitiis ng anumang paghihirap. Pero kung ang mga lider at manggagawa ay hindi man lang magawang pangasiwaan ang gawain ng pagsasaayos ng mga tirahan, at ang paggawa ng anumang wasto ay tunay na pakikipabaka para sa kanila, ano ang natitira pa sa kanila para ipagyabang? Bawat isa sa kanila ay mukhang presentable, may mga diploma, at isang taong may katayuan, pero ang pangangasiwa sa ganitong kaliit na usapin ay gayong pakikibaka para sa kanila. Kung ganoong kaso, wala nang magagawa—kailangan mo na lang tanggapin ito mula sa Diyos. Ito ang paghihirap na nararapat tiisin ng mga tao; dapat mong hayaang mamatnugot ang Diyos nang naaayon sa Kanyang kalooban. Ito ang tama. Marahil darating ang isang araw, ang paghihirap na ito ay masusundan ng mas masasayang araw, at ang ganitong uri ng buhay ay hindi na magpapatuloy. Saanmang uri ka ng kapaligiran naroroon, dapat kang magpanatili ng isang saloobin ng pagpapasakop at iwasang magreklamo. Kung ang isang lider o manggagawa ay hindi maaasahan at hindi nagagawa nang maayos ang gawain, huwag hayaang maapektuhan nito ang iyong pagiging taos-puso at katapatan sa Diyos, at huwag hayaang maapektuhan nito ang iyong pagpapasakop sa Diyos at saloobin ng pagpapasakop sa Diyos. Sa ganitong paraan, nakapanindigan ka sa usaping ito. Ang mga lider at manggagawa ay mga karaniwang tao lang. Kung may mababa silang kakayahan at hindi makagawa ng gawain, o kung mga huwad na lider sila na hindi tumutupad sa responsabilidad nila, iyon ay kanilang personal na problema at walang kinalaman sa sambahayan ng Diyos. Hindi ang sambahayan ng Diyos ang nagturo sa kanila na kumilos nang ganito; ito lang ay na nabunyag sila dahil sa kanilang iresponsabilidad. Hindi nila matapos ang gawaing ipinagkatiwala sa kanila ng sambahayan ng Diyos, at kaya dapat lang silang tanggalin at itiwalag. Sa gayong mga kalagayan, kapag ang hinirang na mga tao ng Diyos ay nagdurusa ng paghihirap na ito, kailangang nilang tanggapin ito mula sa Diyos at hayaan ang Diyos na mamatnugot ayon sa kalooban Niya. Kahit pa hindi nagawa nang maayos ng mga lider at manggagawa ang gawain o may anumang mga problema sila, ang katunayang ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay ay hindi-nagbabago magpakailanman. Ang pagsunod mo sa Diyos, pagpapasakop sa Diyos, at pagtanggap sa mga salita ng Diyos ay hindi dapat magbago kailanman. Ang mga ito ay mga walang hanggang katotohanan. Habang ginagawa ang iyong tungkulin, anuman ang hindi kaaya-ayang mga pangyayari ang mangyari, dapat mong tanggapin ang mga ito mula sa Diyos at matutunan ang mga aral na nakapaloob dito. Dapat mong patahimikin ang sarili mo sa harap ng Diyos at manalangin sa Kanya, at huwag hayaang maapektuhan ang iyong sarili ng mundong nasa labas. Dapat matuto kang umangkop sa iba’t ibang kapaligiran at matutong dumanas ng gawain ng Diyos sa lahat ng uri ng kapaligiran. Sa ganitong paraan ka lang makapagkakamit ng buhay pagpasok. Ang ilang tao ay may maliit na tayog; kapag may dumarating na paghihirap, nagrereklamo sila at nag-aalala, nababalisa at nawawalan ng pananalig sa Diyos—labis na kahangalan at kamangmangan ito! Ang mga lider at manggagawa na hindi gumagawa ng tunay na gawain ay nabunyag at natanggal, pero ano ang kinalaman nito sa iyo? Bakit ka magiging negatibo at malayo sa Diyos dahil lang sa hindi maayos nilang pagsasaayos ng mga bagay-bagay? Hindi ba’t lubos na mapaghimagsik ito? (Oo.) Kapag nagkakamali ang mga tao, makikilatis mo sila at matatanggihan, pero huwag mo tanggihan ang Diyos o tanggihan ang katotohanan. Ang katotohanan ay hindi mali, ang Diyos ay hindi mali. Ang orihinal na intensiyon ng Diyos ay hindi na magtiis ng gayong paghihirap ang mga tao; pero para sa tiwaling sangkatauhan, ang pagtitiis ng kaunting paghihirap ay talagang kinakailangan. Ang pagtitiis ng kaunting paghihirap ay kapaki-pakinabang sa iyo; ang pakinabang ay na matututo ka ng mga aral at matututong hanapin ang katotohanan para malutas ang mga problema. Kung nagagawa mong tiisin ang iba’t ibang paghihirap, nagkakamit ka ng kaunting tibay, at nagkakaroon ng kakayahang manindigan sa iyong patotoo sa lahat ng uri ng kapaligiran. Ang kakayahang magtiis ng hirap ay nagpapatibay ng iyong determinasyon na magpasakop sa Diyos. Ito ang orihinal na intensiyon ng Diyos at ang resulta na gustong makita ng Diyos sa iyo. Kung kaya mong maunawaan ang mga layunin ng Diyos at kumilos at magsagawa ayon nang naaayon sa mga layunin ng Diyos; kung kaya mong huwag abandonahin ang Diyos anumang uri ng mga tao o kapaligiran ang kinahaharap mo; at kung kaya mong matutong magsagawa ng katotohanan, magkaroon ng pagpapasakop sa Diyos, magkaroon ng tamang pagkaarok at saloobin, magpanatili ng hindi-nagbabagong pananalig sa Diyos, at umiwas mula sa pagrereklamo tungkol sa Diyos o paglayo ng sarili mo sa Kanya sa iyong puso, gaano karami mang pagdurusang tinitiis ng iyong laman; mayroon kang tayog.

Dapat protektahan ng mga lider at manggagawa ang kaligtasan niyong mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin, pinangangalagaan sila mula sa mga pang-aabala ng mundong nasa labas. Ang gawaing ito ay kinapapalooban ng maraming detalye. Una, kailangang maunawaan ng mga lider at manggagawa kung paano partikular na ipatutupad ang mga detalyadong gampanin na ito. Bukod pa rito, kapag nahaharap sa partikular na mga espesyal na sitwasyon, dapat silang gumawa ng mga tumpak na paghuhusga, pagkatapos ay humanap ng angkop na mga prinsipyo at bumuo ng mga partikular na plano para sa pangangasiwa sa mga sitwasyon. Ang pinakahuling layon ay para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng uri ng mahahalagang kawani sa gawain. Sa ganitong paraan lang magagarantiyahan na ang gawain ng pangangarap ng ebanghelyo ay makauusad sa maayos at sistematikong paraan. Ang pagsunod sa prinsipyong ito ay tama; ito ay ang layon at prinsipyo ng mga lider at manggagawa sa paggawa ng gawaing ito. Kung ang mga lider at manggagawa ay tumpak na sumusunod sa layon at prinsipyong ito, masasabing natutugunan nila ang pamantayan sa paggawa ng gawaing ito. Ano pang mga problema ang nasasangkot sa gawaing ito? Sinasabi ng ibang tao, “Hindi pa ako naging lider o manggagawa dati, ni hindi ko pa ako nakaranas ng mga ganitong uri ng usapin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa gawaing ito, at hindi ko alam kung paano ito gagawin. Kaya, hindi ko na lang ito gagawin—may nagmamalasakit ba kung ligtas ka o hindi. Pangasiwaan mo ito sa sarili mo.” Katanggap-tanggap ba para sa kanila na basta na lang maghugas-kamay sa isyu? (Hindi, hindi ito katanggap-tanggap.) Ang gayong mga lider at manggagawa ay dapat tanggalin. Kung hindi ka gumagawa ng tunay na gawain, anong silbi mo? Pinananatili ka ba namin bilang isang dekorasyon dahil maganda ka? Ang mga ganitong lider at manggagawa ay dapat tanggalin at itiwalag; hindi sila dapat pahintulutang umokupa sa isang posisyon nang walang ginagawang anumang gawain. Ang mga huwad na lider ay hindi gumagawa ng anumang tunay na gawain—wala silang konsensiya at katwiran, tama? Kung talagang may konsensiya at katwiran sila, bakit hindi nila hahanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problema kapag lumilitaw ang mga ito? Walang ipinanganak na alam ang lahat ng bagay; natututo ang laat habang nagpapatuloy sila. Kung makahahanap ka ng katotohanan, mahahanap mo ang paraan para gumawa ng gawain nang maayos. Kung mayroon kang pagpapahalaga sa responsabilidad, mag-iisip ka ng paraan para gawin nang maayos ang gawain. Ang paggawa ng gawain sa pamumuno ay hindi naman talaga mahirap; basta’t kayang hanapin ng isang tao ang katotohanan, madaling gawin nang maayos ang gawain. Bukod pa rito, may kapareha ang mga lider at manggagawa; basta’t may iisang puso at isipan ang dalawa o tatlong tao, madaling matupad ang anumang gawain. Sa kasalukuyan, maraming lider at manggagawa ang nagsasanay; nagsasanay sila sa paghahanap ng katotohanan sa lahat ng bagay para malutas ang mga problema. Sa puntong ito, kahit papaano ay may ilang lider at manggagawa na mahusay sa gawain sa pamumuno at ganap na may kakayahang gumawa sa tungkulin ng pangangaral ng ebanghelyo nang maayos, tama? Kaya, magbabahaginan tayo hanggang sa puntong ito sa ngayon. Paalam!

Hulyo 20, 2024

Sinundan: Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 28

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito