Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 27
Ngayon ipagpapatuloy natin ang pagbabahaginan tungkol sa paksa ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Noong nakaraan, nagbahaginan tayo hanggang sa ikalabing-apat na responsabilidad, at mayroon pang rin ilang sekundaryang paksa sa ilalim ng responsabilidad na ito na hindi pa natin napagbahaginan. Bago tayo magbahaginan, una, balikan natin kung ilang responsabilidad mayroon ang mga lider at manggagawa. (May labinlima.) Sige at basahin mo ang mga ito.
(Ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa:
1. Akayin ang mga tao na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos at unawain ang mga ito, at pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos.
2. Maging pamilyar sa mga kalagayan ng bawat uri ng tao, at lutasin ang sari-saring suliranin na may kaugnayan sa buhay pagpasok na nakatatagpo nila sa kanilang tunay na buhay.
3. Ibahagi ang mga katotohanang prinsipyo na dapat maunawaan upang magampanan nang maayos ang bawat tungkulin.
4. Alamin palagi ang sitwasyon ng mga superbisor ng iba’t ibang gawain at ng mga tauhan na responsable sa iba’t ibang mahalagang trabaho, at kaagad na baguhin ang kanilang mga tungkulin o tanggalin sila kung kinakailangan, upang maiwasan o mabawasan ang mga kawalan na dulot ng paggamit sa mga taong hindi angkop, at matiyak ang kahusayan at maayos na pag-usad ng gawain.
5. Manatiling mayroong napapanahong kaalaman at pagkaunawa tungkol sa katayuan at pag-usad ng bawat aytem ng gawain, at magkaroon ng kakayanang maagap na lutasin ang mga problema, ituwid ang mga paglihis, at remedyuhan ang mga kapintasan sa gawain nang sa gayon ay maayos itong makausad.
6. Itaguyod at linangin ang lahat ng uri ng kuwalipikadong talento upang ang lahat ng naghahangad ng katotohanan ay maaaring magkaroon ng oportunidad na makapagsanay at makapasok sa katotohanang realidad sa lalong madaling panahon.
7. Italaga at gamitin ang iba’t ibang uri ng mga tao sa makatuwirang paraan, batay sa kanilang pagkatao at mga kalakasan, nang sa gayon ay magamit ang bawat isa sa pinakamainam na paraan.
8. Kaagad na mag-ulat at maghanap ng paraan para malutas ang mga kalituhan at mga suliraning nakakaharap sa gawain.
9. Tumpak na ipagbigay-alam, iatas, at ipatupad ang iba’t ibang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos alinsunod sa mga kinakailangan nito, magbigay ng patnubay, pangangasiwa, at panghihikayat, at siyasatin at subaybayan ang kalagayan ng pagpapatupad sa mga ito.
10. Maayos na pangalagaan at makatwirang ilaan ang iba’t ibang materyal na aytem ng sambahayan ng Diyos (mga aklat, iba’t ibang kagamitan, pagkaing butil, at iba pa), at magsagawa ng mga regular na inspeksyon, pagmementena, at pagkukumpuni upang maiwasan ang pagkasira at pagkasayang; gayundin, upang huwag magamit ang mga ito sa maling paraan ng masasamang tao.
11. Pumili ng mga maaasahang taong may pagkataong pasok sa pamantayan lalo na para sa gampanin ng sistematikong pagrerehistro, pagbibilang, at pangangalaga ng mga handog; regular na suriin at tingnan kung tama ba ang mga papasok at papalabas nang sa gayon ang mga kaso ng paglulustay o pagwawaldas, pati na ang mga hindi makatwirang paggastos, ay matukoy kaagad—ipatigil ang gayong mga bagay at humingi ng makatwirang kabayaran; dagdag pa rito, iwasan, sa anumang paraan, na mauwi sa kamay at waldasin ng masasamang tao ang mga handog.
12. Agaran at tumpak na tukuyin ang iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay na nakagagambala at nakagugulo sa gawain ng Diyos at sa normal na kaayusan ng iglesia; pigilan at limitahan ang mga ito, at baguhin ang mga bagay-bagay; dagdag pa rito, ibahagi ang katotohanan upang magkaroon ng pagkilatis ang mga hinirang ng Diyos sa pamamagitan ng mga gayong bagay at matuto sila mula sa mga ito.
13. Protektahan ang hinirang na mga tao ng Diyos mula sa panggugulo, panlilihis, pagkontrol at pamiminsala ng mga anticristo, at bigyan sila ng kakayanang makakilatis ng mga anticristo at matalikdan ang mga ito mula sa kanilang puso.
14. Kaagad na kilatisin, at pagkatapos ay paalisin o patalsikin ang lahat ng uri ng masasamang tao at mga anticristo.
15. Protektahan ang iba’t ibang mahalagang kawani sa gawain, pinangangalagaan sila mula sa mga pang-aabala ng mundong nasa labas, at panatilihin silang ligtas upang matiyak na makauusad nang may kaayusan ang iba’t ibang mahalagang aytem ng gawain.)
Narinig ba ng lahat nang malinaw ang lahat ng labinlimang responsabilidad na ito? (Oo.) Ang ikalabing-apat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa ay “Kaagad na kilatisin, at pagkatapos ay paalisin o patalsikin ang lahat ng uri ng masasamang tao at mga anticristo.” Kung gayon paano mo makikilatis ang iba’t ibang uri ng masasamang tao? Ang unang pamantayan ay batay sa pakay nila sa pananampalataya sa Diyos. Sa ilang punto natin hinati-hati ang mga pakay ng mga tao sa pananampalataya sa Diyos? Hinati-hati natin ang mga ito sa siyam na punto: Ang unang punto ay para matugunan ang pagnanais ng isang tao na maging isang opisyal; ang ikalawa ay para maghanap ng kasalungat na kasarian; ang ikatlo ay para umiwas sa mga sakuna; ang ikaapat ay para magsagawa ng oportunismo; ang ikalima ay para mamuhay sa tulong ng iglesia; ang ikaanim ay para maghanap ng kanlungan; ang ikapito ay para maghanap ng tagasuporta; ang ikawalo ay para hangarin ang mga pampolitikang layunin; at ang ikasiyam ay para subaybayan ang iglesia. Ito ay pagkilatis sa diwa ng iba’t ibang uri ng mga tao batay sa kanilang mga layunin at pakay sa pananampalataya sa Diyos. Ang ikalawang pamantayan ay para sa pagkilatis sa iba’t ibang uri ng mga tao na kailangang paalisin o patalsikin batay sa mga pagpapamalas ng kanilang pagkataong diwa sa iba’t ibang aspekto. Ilang pagpapamalas ang sangkot sa pamantayang ito? 1. Pagkahilig na mambaluktot ng mga katunayan at kasinungalingan; 2. Pagkahilig na manamantala; 3. Pagiging imoral at walang pagpipigil; 4. Pagiging mahilig sa paghihiganti; 5. Kawalang kakayahang kontrolin ang sariling dila; 6. Pagiging di-makatwiran at sadyang mapanggulo, na walang sinumang nangangahas na mag-udyok sa kanila; 7. Patuloy na pakikisali sa malalaswang gawain; 8. Pagkakaroon ng kakayanang magkanulo anumang oras; 9. Pagkakaroon ng kakayanang umalis anumang oras; 10. Pag-aalinlangan; 11. Pagiging duwag at kahina-hinala; 12. Pagiging mahilig magdulot ng kaguluhan; 13. Pagkakaroon ng komplikadong pinagmulan. May labintatlong pagpapamalas sa kabuuan. Ang ikalabing-apat na responsabilidad ng mga lider at manggagawa ay ang “Kaagad na kilatisin, at pagkatapos ay paalisin o patalsikin ang lahat ng uri ng masasasamang tao at mga anticristo.” Ang mga isyu kaugnay sa unang pamantayan—ang pakay ng isang tao sa pananampalataya sa Diyos—ay napagbahaginan na. Napagbahaginan na rin natin ang unang pitong isyu ng kanilang pagkatao, na ang ikalawang pamantayan. Ngayon, magsisimula tayong magbahaginan mula sa ikawalong pagpapamalas ng kanilang pagkatao: pagkakaroon ng kakayanang magkanulo anumang oras.
Ikalabing-apat na Aytem: Kaagad na Kilatisin at Pagkatapos ay Paalisin o Patalsikin ang Lahat ng Uri ng Masasamang Tao at mga Anticristo (Ikaanim na Bahagi)
Ang mga Pamantayan at Batayan para sa Pagkilatis sa Iba’t Ibang Uri ng Masasamang Tao
II. Batay sa Pagkatao ng Isang Tao
H. Pagkakaroon ng Kakayanang Magkanulo Anumang Oras
Iyong mga hayagang nagpapamalas ng kakayahang ipagkanulo ang iglesia anumang oras—makikilala ninyo ang mga ganitong uri ng tao, tama? Napakaseryoso ba ng problema sa ganitong mga tao? (Oo.) May ilang tao na pinagtataksilan ang iglesia dahil duwag sila, samantalang ginagawa naman ito ng iba dahil sa kanilang masamang pagkatao o iba pang mga isyu. Anuman ang dahilan, ang katunayang may kakayahan ang ganitong uri ng mga tao na pagtaksilan ang mga kapatid at ipagkanulo ang Diyos anumang oras ay nagpapakita na hindi sila maaasahan. Kung nakakuha sila ng ilang mahalagang impormasyon tungkol sa iglesia o personal na impormasyon tungkol sa mga kapatid, tulad ng kung saan nakatira ang mga kapatid, kung sino ang mga lider ng iglesia, anong gawain ang kinasasangkutan ng iglesia, o sino ang gumagawa ng mahahalagang trabaho at tungkulin, puwede nilang isiwalat ang impormasyong ito kapag lumitaw ang panganib o sa partikular na espesyal na mga sitwasyon, pinagtataksilan ang iglesia at ang mga kapatid. Ang isang dahilan na puwede nilang gawin ito ay para protektahan ang sarili nila at tiyakin ang sarili nilang kaligtasan. Sa kabilang banda, puwedeng sadya silang kumilos nang ganito, hindi seryosong tinatrato ang impormasyong ito at may kakayahang isiwalat ito at magkanulo anumang oras kapalit ng pansariling kapakinabangan. Halimbawa, may ilang tao na inaaresto ng malaking pulang dragon, at tuwing interogasyon, binabantaan, inaakit, o pinahihirapan pa nga sila ng malaking pulang dragon para pilitin silang mangumpisal, sinasabi sa mga taong ito na kung magsasalita sila ay palalayain sila, kaya ipinagkakanulo nila ang lahat ng impormasyong alam nila tungkol sa mga kapatid at sa iglesia kapalit ng sarili nilang kalayaan. Ang mga ganitong uri ng tao ay mga huwarang Judas. Sabihin ninyo sa Akin, paano dapat tratuhin at pangasiwaan ang uri ng mga tao na mga huwarang Judas? (Ang ganitong uri ng mga tao ay dapat kaagad patalsikin at sumpain din.) Kadalasan, ang mga huwarang Judas na ito—sinasadya man o hindi sinasadya—ay nagtatanong o nagkakamit ng karunungan tungkol sa partikular na mga sitwasyon tungkol sa iglesia at tinatandaan ito. Kalaunan, kapag nangyari sa kanila ang ilang sitwasyon at sila ay inaresto, ipinagtatapat nila ang impormasyong ito. Sa panlabas, puwedeng hindi mukhang para sa pakay ng sadyang pagtatapat ng impormasyon sa malaking pulang dragon ang mga pagtatanong at pag-alam nila tungkol sa mga detalyeng ito, pero kapag naaresto sila, hindi nila mapigilan ang sarili sila. Bilang resulta, nagdudulot ang pagtatapat nila ng masasamang kahihinatnan sa iglesia. Kaya, ang mga kaswal na pagtatanong at pag-alam nila tungkol sa mga partikular na bagay na ito ay hindi simpleng ordinaryong chikahan o walang kuwentang usapan; sa halip, ginagawa nila ito nang sadya at may pakay. Inihahanda nito ang mga kondisyon para maging mga Judas sila sa hinaharap. Malulutas ba ang problema ng mga taong kaswal na nagkakanulo sa impormasyon ng iba sa pamamagitan ng gayong mga pamamaraan tulad ng pagbabahagi ng katotohanan o pagbibigay sa kanila ng mga babala? (Hindi.) Bakit hindi? (Dahil ang ganitong uri ng mga tao ay walang konsensiya at katwiran, at hindi nila tatanggapin ang katotohanan, walang silbi ang pagbabahagi ng katotohanan sa kanila.) Paano dapat pangasiwaan ang ganitong uri ng masamang tao na kayang kaswal na maminsala ng iba? Mayroon lang isang solusyon, na paalisin sila, dahil ang ginawa nila ay hindi lang nakapamiminsala sa mga kapatid, kundi nakagugulo rin sa gawain ng iglesia. Matutukoy ang ganitong uri ng pag-uugali bilang pagtataksil sa mga kapatid at pagtataksil sa iglesia, kaya’t ang ganitong mga uri ng tao ay kailangang paalisin o patalsikin. Bagaman ang mga ganitong uri ng tao ay hindi matutukoy bilang mga anticristo, may sapat na mga dahilan para matukoy sila bilang masasamang tao na gumugulo at gumagambala sa gawain ng iglesia. Samakatwid, ang pagpapaalis sa ganitong uri ng mga tao ay ganap na naaayon sa mga prinsipyo. Ang mga taong ito ay hindi interesado sa katotohanan; gusto lang nilang magtanong-tanong kung saan-saan tungkol sa mga detalye ng mga lider at manggagawa, gayundin sa mga detalye ng partikular na mga kapatid. Nanampalataya na sila sa Diyos ng ilang taon at hindi pa nakauunawa ng maraming katotohanan—pero nakapangalap na sila ng marami-raming impormasyon tungkol sa mga pamilya ng mga lider at manggagawa at ng mga kapatid. Sinumang kapatid ang mabanggit, makapagbabahagi sila ng ilang detalye tungkol sa mga ito, na talagang ikinagugulat ng iba. Bagaman hindi sila mga lider o manggagawa, palagi silang masigasig na nagtatanong tungkol sa partikular na mga panloob na usapin ng iglesia, tulad ng mga gawaing administratibo, mga pinuno ng iba’t ibang estruktura, at ilang trabahong kaugnay sa mga panlabas na usapin. Madalas silang nagtatanong kung sino ang pumunta sa kung saang mga lugar para gawin ang mga tungkulin ng mga ito at kung kailan umalis ang mga ito, kung sino ang itinalaga sa mas mataas na posisyon, kung sino ang tinanggal, at kung paano umuusad ang partikular na mga aspekto ng gawain ng iglesia. Pagkatapos magtanong tungkol sa mga bagay na ito, ikinakalat nila ang impormasyon kung saan-saan. Ang mas kasuklam-suklam pa ay na may ilang tao na isinusulat ang impormasyong nakalap nila pagkatapos magtanong tungkol dito. Hindi ba’t ipinapakita nito na mayroon silang mga lihim na motibo? (Oo.) Kapag itinatala ang sarili nilang mga usapin sa bansa ng malaking pulang dragon, alam nilang gumamit ng code o misteryosong lengguwahe, pero kapag itinatala ang impormasyon ng iba, hindi sila gumagamit ng isang pamamaraan na nagpapakita ng kahit kaunting karunungan, sa halip ay bastang itinatala ang tunay na mga pangalan, anyo, edad, numero ng telepono, at iba pang detalye ng mga kapatid. Hindi ba’t naglalayon silang magkanulo? May masasamang layunin sila at talagang nilalayong magkanulo. Kapag may nangyaring mapanganib na bagay at nakumpiska ng pulisya ang impormasyong itinala nila, kailangan lang ng pulisyang pagbantaan at takutin sila nang hindi man lang gumamit ng pagpapahirap; at kaagad nilang ipinagtatapat ang lahat nang detalyado, nang walang itinatagong anuman. Para sa mga bagay na nakalimutan na nila, pinipiga pa nga sila ang utak nila para makaalala, at sa sandaling may naalala sila, kaagad nilang sinasabi ito sa pulisya. Pinangungunahan pa nga nila ang pulisya sa tahanan ng mga kapatid, sa tahanan ng mga lider at manggagawa, at sa tinutuluyan niyong mga gumagawa ng mahahalagang tungkulin para maaresto ang mga ito. Hindi ninyo ba naiisip na ang ganitong uri ng mga tao ay lubos na ubod ng sama? (Oo.) Bago nila pagtaksilan ang iba, mukhang hindi sa isang masamang tao ang pag-uugali nila, lalong hindi sa isang anticristo—puwedeng mga pagpapamalas lang ang mga ito ng karaniwang tiwaling tao—pero kapag naaresto na sila, nagagawa nilang kaagad na pagtaksilan ang sinuman sa mga kapatid. Ang isang pagpapamalas lang na ito ay ginagawa silang mas ubod pa ng sama kaysa sa masasamang tao at mga anticristo. Hindi sa hindi nila mapigilang magsiwalat ng kaunting walang saysay na impormasyon sa ilalim ng matinding pamimilit, pagpapahirap, at pag-uusig dahil mahina ang kanilang laman at hindi na nila ito makayanang tiisin. Sa halip, maagap at walang ingat nilang isiniwalat ang lahat ng impormasyong nalalaman nila, nang walang pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng mga kapatid, lalong walang anumang pagsasaalang-alang sa gawain ng iglesia. Sobrang ubod ng sama nito! Isa ito sa mga pagpapamalas ng ganitong uri ng mga tao na mga Judas.
May isa pang uri ng mga tao, na naghahangad na iulat ang iglesia at ang mga kapatid sa katiting na probokasyon. Halimbawa, kapag nakararanas sila ng mga natural na sakuna, karamdaman, o pagnanakaw, nagrereklamo sila tungkol sa Diyos at nagrereklamo rin sila na kulang sa pagmamahal ang mga kapatid at hindi tumutulong sa kanila para lutasin ang mga problema nila. Dahil dito, ginugusto nilang pagtaksilan ang iglesia at ang mga kapatid. May ilang tao na nagsasagawa ng mga walang-ingat na maling gawa at pinupungusan; at inilalayo rin ng mga kapatid ang ng mga ito sa kanila; dahil dito, pakiramdam nila ay kulang sa pagmamahal ang sambahayan ng Diyos, kaya’t naibubulalas nila: “Inaayawan ninyo akong lahat, hindi ba? Minamaliit ninyo ako, hindi ba? Makapagkakamit pa rin ba ako ng mga pagpapala mula sa pananampalataya sa diyos? Kung hindi ako makapagkakamit ng mga pagpapala, iuulat ko kayong lahat!” Ito ang pinaka-“klasikong” linya ng gayong mga tao. Bakit ko sinasabing ang pahayag na ito—“Kung hindi ako makapagkakamit ng mga pagpapala, iuulat ko kayong lahat”—ay “klasiko” para sa kanila? Ito ay dahil kinakatawan ng pahayag na ito ang pagkatao nila. Ang pariralang ito ay hindi isang bagay na sinasabi nila para lang maglabas ng pagkamuhi nila pagkatapos makaranas ng maraming hindi kalugod-lugod na sitwasyon o dahil sa malalim na sama ng loob, ni hindi ito isang biglaang bugso ng damdamin. Sa halip, ito ay isang bagay na pumuno sa kanilang puso at puwedeng mabunyag anumang oras. Ito ay isang bagay na matagal nang umiral sa kanilang puso at puwedeng sumabog anumang sandali. Kinakatawan nito ang kanilang pagkatao. Ganito kababa ang kanilang pagkatao—kung may sinumang mag-udyok o manakit sa kanila, kaya nilang pagtaksilan ang taong iyon anumang oras. Kung, habang ginagawa ang tungkulin nila, nilalabag nila ang mga pagsasaayos ng gawain o mga prinsipyo, at pinupungusan sila nang kaunti ng mga lider at manggagawa, o ng mga kapatid, nagiging mapaghihinanakit, galit, at di-nasisiyahan sila, at pagkatapos ay sinasabi nila ang mga bagay tulad ng, “Iuulat ko kayo! Alam ko kung saan ka nakatira, alam ko ang pangalan at apelyido mo!” Kung hindi ninyo pahihinahunin ang ganitong uri ng mga tao, puwede ka talaga nilang pagtaksilan. Hindi lang nila sinusubukang manakot ng sinuman, ni hindi nila ito sinasabi dala ng bugso ng damdamin; kung may sinuman talaga na magpapasama sa loob nila o manggagalit sa kanila, kayang-kaya nilang pagtaksilan ang taong iyon. Sinasabi ng ilang tao, “Bakit sila dapat katakutan?” Hindi sa natatakot kami sa kanila. Hindi namin katatakutan ang pagkakanulo nila kung nangyari ang ganitong bagay sa isang demokratiko at malayang bansa. Pero sa bansa ng malaking pulang dragon, kung magkakanulo talaga sila, puwede itong magdulot ng malaking problema para sa mga kapatid at makaapekto sa gawain ng iglesia. Kapag naaresto talaga ang mga kapatid, gagawin itong malaking bagay ng malaking pulang dragon. Kapag nakahanap sila ng butas, patuloy silang mang-aaresto ng mga tao nang walang katapusan. Sa ganoong pangyayari, maaapektuhan ang buhay-iglesia ng malaking bilang ng mga tao, at maaapektuhan ang normal na pagtupad ng tungkulin ng maraming tao. Hindi ba’t napakalala ng mga kahihinatnang ito? Kailangan ninyong isaalang-alang ang mga bagay na ito! Ang mga ganitong uri ng tao ay palaging nagmamaktol kapag nakikisalamuha sa iba. Kung may magsabi ng isang bagay na hindi nakapagpapasaya sa kanila, o naglalantad sa mga problema nila at gumagalit sa kanila, sumasama ang loob nila sa taong iyon at puwede pa ngang tumangging makipag-usap dito sa loob ng ilang araw, at kapag hinanap ninyo sila para ipagawa ang tungkulin nila, ipinagsasawalang-bahala nila ang kahilingan. Imposibleng makisama sa ganitong uri ng mga tao. Hindi ba’t masasamang tao sila? Sa isang grupo ng mga tao, madalas ninyong maririnig ang masasamang tao na nagsasabi ng mga bagay tulad ng: “Kung may sinumang sumalungat sa akin, hindi ko iyon palalampasin! Alam ko eksakto kung saan kayo nakatira, alam ko maging ang kulay ng inyong kurtina sa bintana. Alam na alam ko kung saan kayo nagtitipon at kung saan nakatira ang mga lider at manggagawa!” Masasabi ninyo bang mapanganib ang ganitong uri ng mga indibidwal? (Oo.) Mga huwarang Hudas sila. Kahit kapag normal ang lahat, maaaring sadyain nilang magkanulo. At kapag may nangyaring ilang aberya, sila ang unang lalabas at magiging Hudas. Kaya, kung matutuklasan ang ganitong uri ng mga tao sa iglesia, dapat silang paalisin o patalsikin sa lalong madaling panahon. Ano ang ibang mga pagpapamalas mayroon ang ganitong uri ng mga tao? Halimbawa, sa mga pagtitipon, dahil madalas magkita-kita ang mga kapatid, hindi na kailangan ng pakikipagbatian. Kapag oras na, sinisimulan nila ang pagtitipon, binabasa ang mga salita ng mga Diyos at nagbabahaginan tungkol sa katotohanan. Pero nagagalit iyong mga taong nagmamaktol kapag nakikita nilang walang pumapansin sa kanila o bumabati sa kanila. Ibinubulas nila, “Minamaliit ninyo ba akong lahat? Hay naku! Wala sa inyo ang sumasalubong sa akin—puwes, ayos lang iyon; may paraan ako para pangasiwaan kayo. Alam ko kung saan nakatira ang mga lider ng iglesia, alam ko kung sino sa inyo ang gumagawa sa inyong mga tungkulin, saan at anong gawain ang ginagawa ninyo, alam ko kung sino ang nagho-host sa mga lider at manggagawa, sino ang nag-iingat sa mga handog, sino ang nangangasiwa sa pag-iimprenta ng mga libro, at sino ang responsable sa paglilipat ng mga ito. Iuulat ko kayong lahat! Iuulat ko ang lahat ng tungkol sa iglesia sa pulisya!” Kung tinatrato sila ng mga tao nang may lubos na paggalang, maayos ang lahat. Pero sa sandaling may pumukaw o umudyok sa kanila, nagiging problema ito—maghihiganti at magkakanulo sila. Sa tuwing may nararanasan silang bagay na nakapagpapalungkot o nakapagpapadismaya sa kanila, gumagawa sila ng mararahas na banta laban sa mga kapatid at sa mga lider ng iglesia. Masasabi ninyo bang nakatatakot at mapanganib ang ganitong uri ng mga tao? (Mapanganib sila.) Ang ganitong uri ng mga tao ay mga Hudas na kayang magkanulo anumang oras; mapapanganib na indibidwal sila.
May isa pang pagpapamalas ang mga taong kayang magkanulo anumang oras. Halimbawa, sa bansa ng malaking pulang dragon, ang bilang ng mga iglesiang itinatag sa iba’t ibang probinsya at lungsod, ilang mga tao ang nabibilang sa bawat iglesia, sino ang mga lider, at anong gawaing isinasagawa ng iglesia—ang mga bagay na ito ay kailangang panatilihing mahigpit na kumpedensiyal. Maging ang mga walang pananampalatayang kapamilya at kamag-anak ay dapat bantayan, at hindi kailanman dapat makalabas ang impormasyong para maiwasan ang mga problema para sa iglesia sa hinaharap. Gayumpaman, ang mapapanganib na indibidwal na nagkikimkim mga lihim na motibo ay palaging nagtatangkang magtanong tungkol sa gayong mga bagay. Kung ang mga kapatid ay tumatangging sabihin sa kanila, pakiramdam nila: “Bakit alam ninyong lahat ang mga bagay na ito, samantalang ako lang ang walang kaalam-alam? Bakit hindi ninyo sabihin sa akin? Tinatrato ninyo ba akong tulad ng isang tagalabas, hindi bilang isa sa mga kapatid? Sige kung ganoon, iuulat ko kayo!” Ganito kasi iyon, sa anumang sitwasyon, kaya nilang iulat ang iglesia at ang mga kapatid. Walang sinuman ang nakapagpasama sa loob nila, pero kahit ang pinakamaliit na hindi kasiyahan ay nag-uudyok sa kanila na iulat ang iglesia. Halimbawa, kapag ipinamamahagi ang mga aklat ng mga salita ng Diyos sa mga kapatid, nasasabik ang lahat na magsimulang tingnan kung ilang kabanata ng mga salita ng Diyos ang nasa aklat, kung ilang pahina ang naroon, at ang kalidad ng pag-imprenta. Masaya at nasasabik silang lahat na hawakan ang aklat sa mga kamay nila. Pero, sa kabilang banda, iniisip ng uri ng mga tao na mga Hudas: “Saan inemprenta ang aklat na ito? Magkano ang gastos sa pag-iimprenta ng isang kopya? Sino ang namamahala sa pag-iimprenta? Pagkatapos ang pag-iimprenta, sino ang nangangasiwa sa transportasyon? Paano naihahatid ang mga aklat na ito sa ating iglesia? Saan nakaimbak ang mga aklat? Sino ang namamahala sa pag-iingat ng mga ito?” Likas na sensitibo ang mga paksang ito. Sa pangkalahatan, iyong mga may pagkamakatwiran at iyong mga may pagkatao ay hindi magtatanong tungkol sa gayong mga usapin, pero ang mapapanganib na indibidwal na ito na kayang magkanulo ay sabik na magtanong tungkol sa mga ito. Kaya, ano sa palagay mo—dapat mo bang sabihin sa kanila kapag paulit-ulit silang nagtatanong tungkol sa mga bagay na ito, o hindi? (Hindi natin dapat sabihin sa kanila.) Kung sasabihin mo sa kanila, magkakaroon sila ng kakayahang isiwalat ang impormasyong ito at magkanulo. At kung hindi mo sasabihin sa kanila, may masasabi sila: “Bakit hindi ko nalaman ang tungkol dito? Hindi patas ang sambahayan ng diyos! Bahagi ako ng sambahayan ng diyos, may karapatan akong malaman ang tungkol sa anuman at lahat ng usapin! Tinatrato ninyo ako bilang isang tagalabas. Sige, iuulat ko kayo!” Muli, gusto nilang iulat ang iglesia. Hindi ba’t masasamang tao sila? Kung talagang iniulat nila ang iglesia sa pulisya, anong mga kahihinatnang maidudulot nito? Hindi ba’t malalagay ang buhay ng mga kapatid sa panganib kung maaaresto sila? Bukod pa rito, pagkatapos mang-aresto ng pulisya, magdudulot ito ng napakaraming paghihirap sa mga kapatid at sa gawain ng iglesia. Maaapektuhan din nito ang buhay pagpasok ng hinirang na mga tao ng Diyos sa iba’t ibang antas—iyong mga hindi alam kung paano maghanap ng katotohanan ay puwedeng maging negatibo, at baka ganap pa ngang huminto sa pagdalo sa mga pagtitipon. Hindi talaga nila isinasaalang-alang ang alinman sa mga ito. Kaya, mayroon ba silang konsensiya at katwiran? Anumang gawain ang ginagawa ng iglesia, gusto nila palaging unang makaalam tungkol dito. Masaya lang sila kapag alam nila ang lahat ng nangyayari sa iglesia. Kung may kahit isang bagay na hindi nasabi sa kanila, hindi nila mapalalampas ito at gusto nilang umalis at iulat ang iglesia, na puwedeng magdulot ng malaking problema. Anong uri ng kaawa-awa ang isang taong tulad nito? Diyablo sila! Kung ang isang diyablo ay palaging inaalala ang tungkol sa anumang bagay sa iglesia, tiyak na magdudulot ito ng problema. Halimbawa, kung may ilang kapatid ang may-kaya at nagbibigay ng malalaking handog, hindi siya kailanman tumitigil sa pag-iisip tungkol dito at itinatanong sa mga ito, “Magkano ang inihandog mo?” Sasagot ang kabilang partido, “Paano ko iyon masasabi sa iyo? Hindi dapat malaman ng kanang kamay ang ginagawa ng kaliwang kamay. Hindi ko masasabi iyon sa iyo—kumpedensiyal ito!” Sumasagot siya, “Kumpedensiyal maging iyon? Hindi ka nagtitiwala sa akin. Hindi mo ako tinatrato bilang isa sa mga kapatid!” Sa puso niya, nagtatanim siya ng sama ng loob sa kabilang partido at iniisip, “Hay naku, akala mo napakahusay mo na dahil sa malalaki mong handog! Ayaw mong sabihin sa akin kung magkano ang inihandog mo. Alam kong nagpapatakbo ng negosyo ang pamilya mo. Kung pupukawin mo ako, iuulat kita para sa pananampalataya mo sa Diyos, at babagsak ang negosyo mo! Kung ganoon ay hindi ka makapaghahandog kahit isang sentimo!” Tingnan mo, gusto na naman nilang mag-ulat ng mga tao. Sa tuwing hindi sila nasasabihan ng tungkol sa isang maliit na bagay, gusto nilang iulat ang iglesia at ang mga kapatid. Ang tirahan ng partikular na mga indibidwal na gumagawa ng mahahalagang tungkulin ay alam lang ng iilang tao. Hindi ito tungkol sa sadyang pagtatago ng anumang bagay mula sa kaninuman o paggawa ng anumang kahina-hinalang bagay sa likod ng ibang tao; ito ay dahil sa napakamapanganib ng kapaligiran, at para sa mga kadahilanang pangkaligtasan, ang gayong mga pagsasaayos ay kinakailangan. Kapag narinig ng traydor na ito, ng Hudas na ito, na ang isang partikular na pamilya ay nagho-host sa ilang naglalakbay na kapatid, iniisip niya na medyo mahalaga itong iulat—baka gantimpalaan pa nga siya ng pulisya! Nagtatago siya sa likod ng pinto at nakikinig, at pagkatapos marinig ang isang bagay, nagagalit siya: “Pinag-uusapan ninyo ang mga usaping iglesia sa likod ko nang hindi sinasabi sa akin. Natatakot kayong pagtaksilan ko kayo, kaya’t nagbabantay kayo laban sa akin at itinatago ang mga bagay mula sa akin, hindi ako tinatrato bilang bahagi ng sambahayan ng diyos. Sige, iuulat ko kayo!” Muli, tingnan mo, gusto niyang iulat ang iba. Masasabi mo bang isang malaking problema ang taong ito? (Oo.) Naniniwala siya na ang lahat ng sitwasyong may kinalaman sa mga kapatid o sa iglesia ay dapat ipaalam sa lahat, at na ang lahat ay may karapatang malaman—lalo na ang sarili niya. Kung may isang bagay na hindi siya nalalaman, nagbabanta siyang iulat ang mga tao. Palagi niyang ginagamit ang akto ng pag-uulat para bantaan ang mga kapatid at mga lider ng iglesia, palaging ginagamit ito para makamit ang sarili nilang mga layon. Ang ganitong mga tao ay isang malaking natatagong panganib sa iglesia, isang bombang puwedeng sumabog anumang oras. Sa anumang oras, puwede silang magdulot ng kapinsalaan at kapahamakan sa mga kapatid at sa gawain ng iglesia. Kapag natuklasan ang gayong mga indibidwal, dapat silang paalisin—hindi sila dapat palayawin.
Sa iglesia, may ilang tao rin na parang mga Hudas, at palagi nilang sinusubukang magtanong tungkol sa kung magkano ang pera mayroon ang sambahayan ng Diyos at kung sino sa iglesia ang may pinakamalalaking handog. Sinasabi ng iba sa kanila, “Hindi puwedeng sabihin sa iyo ang usaping ito. Hindi magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang pag-alam dito, at bukod pa rito, ang usaping ito ay hindi isang bagay na dapat mong ipagtanong-tanong.” Pagkarinig nito, nagiging mapanlaban sila at sinasabing, “Lahat kayo ay nagbabantay laban sa akin, minamaliit ako, hindi ako tinatrato bilang isa sa mga kapatid; at tinatrato ninyo ako na parang isang tagalabas. Alam ko kung kaninong bahay iniingatan ang pera ng iglesia. Iuulat ko kayo, at hahayaang kumpiskahin itong lahat ng pulisya—pagkatapos ay malalaman ko kung magkano ang perang naroroon!” Sa tuwing may nangyayari, gusto nilang pagtaksilan o iulat ang iba; kapag lang may kinalaman ito sa mga kaguluhang idinulot ng mga huwad na lider, anticristo, at masasamang tao sa iglesia na hindi sila nag-uulat ng anuman. O, kahit kapag nakikita nila ang mga huwad na lider at anticristo na nagnanakaw o nangangamkam ng mga handog, hindi nila ito kailanman inilalantad o iniuulat ang mga pagkilos na ito, ni hindi nila ito ipinaaalam sa sambahayan ng Diyos. Wala silang pakialam sa gayong mga usapin. Pero kung may sinumang kapatid ang pumukaw, sumalungat, o nang-insulto sa kanila, aalis sila para iulat ang mga ito. O kung may ilang pagsasaayos ng gawain sa sambahayan ng Diyos na hindi naaayon sa mga kuru-kuro nila, na nagdudulot sa kanila ng kahihiyan o naglalagay sa kanila sa mahirap na sitwasyon, nagsisimula nilang isipin: “Iulat kita! Sisiguraduhin kong mawawala sa iyo ang posisyon bilang lider ng iglesia, sisiguraduhin kong mabibigo ang gawain ng iglesia, sisiguraduhin kong mawawasak ang iglesia!” Kita ninyo? Gusto nilang iulat ang lider ng iglesia dahil lang dito. Sa ilang iglesia, ang ilang tao na angkop para sa paggawa ng tungkulin sa ibang bansa ay napipili—pinahihintulutan ito ng mga kalagayang pampamilya at personal nila, natutugunan nila ang mga kinakailangan ng sambahayan ng Diyos, at sumasang-ayon ang lahat ng kapatid. Kapag nakikita ito ng ilang parang-Hudas na mga tao, iniisip nilang, “Hindi kailanman nangyayari sa akin ang gayong magagandang bagay. Dapat kitang iulat! Sasabihin ko sa pulisya na may partikular na mga tao sa ating iglesia ang pupunta sa ibang bansa para gawin ang tungkulin nila. Sisiguraduhin kong hindi ka makaaalis ng bansa. Ipaaaresto kita sa malaking pulang dragon, o ipasasailalim kita sa pagmamatyag ng gobyerno, para hindi ka man lang makauwi sa iyong bahay!” Basta’t hindi makaalis ng bansa ang mga kapatid, nasisiyahan sila. Ano sa tingin ninyo—hindi ba’t mas malala pa ang kalikasan ng gayong mga tao sa iyong mga minsanang nanggugulo at nanggagambala? (Oo.) Ang ganitong uri ng tao ay malaking problema. Wala silang may-takot-sa-Diyos na puso, at hindi talaga sila natatakot sa Diyos. Anuman ang sitwasyon o dahilan, hangga’t hindi naaayon sa kagustuhan nila ang mga bagay-bagay, gusto nilang iulat ang iglesia at pagtaksilan ang mga kapatid—mga diyablo sila! Kapag natutuklasan ng iglesia ang gayong mga tao, dapat paalisin o patalsikin ang mga ito sa lalong madaling panahon para maiwasan ang problema sa hinaharap. Kung hindi ito pinahihintulutan ng kasalukuyang kapaligiran o kung hindi pa angkop ang mga kondisyon, dapat silang mahigpit na matyagan, pangasiwaan, at bantayan. Kapag pinahihintulutan ng mga kondisyon, ang mapapanganib na indibidwal na tulad nito ay dapat talagang hindi pagtimpian—paalisin o patalsikin sila sa lalong madaling panahon. Huwag hintayin hanggang pagtaksilan nila ang iglesia at magdulot ng mga kahihinatnan bago kumilos. Kapag ginawa nila ito at humantong ito sa mga tunay na kahihinatnan, magiging napakalaki ng mga kawalan. Sino ang nakaaalam kung ilang kapatid ang mawawalan ng tahanang mababalikan, o maaaresto pa nga at makukulong. Maraming kapatid ang hindi na puwedeng makagawa ng tungkulin nila o makapamuhay ng buhay-iglesia. Ang mga kahihinatnan ay magiging hindi kapani-paniwala. Kaya, kung, bilang mga lider at manggagawa, matutuklasan ninyo ang mga tao na mga Hudas sa iglesia, dapat ninyo silang paalisin o patalsikin sa maagap na paraan. Kung, bilang isa sa mga kapatid, matutuklasan mo ang gayong mga tao, dapat mong iulat ang mga ito sa mga lider at manggagawa ng iglesia sa lalong madaling panahon. Ang usaping ito ay may kinalaman sa kaligtasan ng mga kapatid sa iglesia, pati na rin ng sa iyo. Huwag isiping, “Hindi pa naman talaga sila nakagagawa ng anumang pakapagkakanulo, kaya hindi ito isang malaking bagay; nagsasalita lang sila dala ng galit sa sandali.” Nagagalit ang lahat—may ilang tao, kapag galit, ay puwedeng makapagsabi ng ilang masakit na salita, magwala nang bahagya, o maging negatibo nang ilang araw, pero hangga’t mayroon silang may-takot-sa-Diyos na puso, natatakot sa Diyos sa puso nila, at may kaunting konsensiya at katwiran, pati na rin ng ilang pangunahing limitasyon pagdating sa pagiging isang tao, hindi sila kailanman gagawa ng mga bagay na makapipinsala sa iba, anuman ang mangyari. Gayumpaman, iba ito para sa iyong mga likas na Hudas. Kaya nilang iulat ang iglesia at ang mga kapatid nang walang pag-aalinlangan, palaging gustong gamitin ang mga puwersa ni Satanas para bantaan ang mga kapatid at ang iglesia para makamit ang mga layon nila. Ang mga taong ito ay kaalyado ng mga demonyo—wala silang mga batayang limitasyon pagdating sa pagiging isang tao. Kaya, ang parehong mga lider ng iglesia at mga kapatid ay dapat maging lalong maingat hinggil sa iyong mga kayang mag-ulat sa iglesia nang walang pag-aalinlangan. Kung may sinumang makatutuklas sa gayong mga tao na walang katwiran, sadyang mapanggulo, at di-matinag ng katwiran, dapat kaagad niyang iulat ang mga ito sa mga lider at manggagawa, at pagkatapos ay matyagan at pangasiwaan ang mga ito. Kapag natuklasan ng mga lider ng iglesia ang gayong mga tao, dapat magkaroon sila ng isang plano para pangasiwaan at lutasin ang sitwasyon sa lalong madaling panahon. Dapat nilang protektahan ang mga kapatid, at protektahan ang buhay-iglesia at ang gawain ng iglesia mula sa pagkakapinsala at panggugulo ng gayong mga indibidwal. Huwag ipagpalagay na kapag sinabi ng gayong mga tao na iuulat nila ang iglesia o ang mga kapatid na, isang bagay lang ito na nasabi dala ng galit noong sandaling iyon, at kaya hindi ka na nag-iingat laban sa kanila. Sa katunayan, ang katunayang madalas nilang sinasabi ang gayong mga bagay ay nagpapatunay na ang ideyang ito ay nasa isipan na nila. Kung ganito sila mag-isip, kaya rin nilang isagawa ito. Minsan, matapos sabihing “Iuulat kita,” puwedeng hindi rin naman nila ito gawin, pero sino ang nakaaalam kung kailan talaga nila puwedeng ituloy na gawin ito. Kapag ginawa nila ito, magiging hindi kapani-paniwawala ang mga kahihinatnan. Kaya, kung palagi mong tinatrato ang mga salita nilang “iuulat kita” bilang isang bagay na nasabi lang dala ng galit, mangmang at hangal ka. Nabigo mong kilatisin ang diwa ng kanilang pagkatao sa pamamagitan ng mga salitang ito, at ito ay isang pagkakamali. Puwede nilang sabihing “isusumbong kita” para bantaan ang iba sa isang kisap-mata—ito ay ganap na hindi isang simpleng galit na pahayag; kinakatawan nito ang katulad-kay-Hudas na kalikasan nila at kawalan nila ng mga batayang limitasyon pagdating sa pagiging isang tao. Anong uri lang ba ng kaawa-awa ang isang tao na walang batayang limitasyon bilang isang tao? Ang uri na walang konsensiya at walang pagkamakatwiran. Kapag walang konsensiya, kaya nilang gumawa ng anumang masamang gawa, at kapag walang pagkamakatwiran, kaya nilang gumawa ng lampas sa mga hangganan ng pagkamakatwiran, ginagawa ang lahat ng uri ng kahangalan. Posibleng pagkatapos iulat ang iglesia at makitang inaresto ang mga kapatid at nasira ang gawain ng iglesia, puwede silang lumuha at magpahayag ng pagsisisi. Pero ang mga hindi makatwiran at sadyang mapanggulong taong ito ay kumikilos nang walang pagkamakatwiran; kapag nahaharap sa isang katulad na sitwasyon sa hinaharap, iuulat pa rin nila ang iglesia. Hindi ba’t ipinakikita nito ang isang problema sa kanilang kalikasan? Ito mismo ang kalikasang diwa nila. May ilang lider ng iglesia ang naniniwala pa rin na ang sinasabi nila ay isang bagay lang na nasabi sa sandali ng galit, at na hindi masama ang kalikasan nila. Akala ng mga ito na hindi ito isang natural na pagbubunyag ng pagkatao nila at hindi kumakatawan sa pagkatao nila. Mali ba ang pananaw na ito? (Oo.) Kahit hindi sila karaniwang nagpapakita ng pag-uugali na nagpapakita ng ubod ng samang karakter, ang katunayang madalas nilang sinasabi na iuulat nila ang mga kapatid, at na ang pinakamaliit na bagay na hindi nagpapalugod sa kanila ay puwedeng mag-udyok sa kanila para isiping iulat ang mga ito ay sapat na para patunayang mababa at ubod ng sama ang karakter nila, at na hindi sila mapagkakatiwalaan. Ang gayong mga tao ay walang konsensiya o katwiran. Kumikilos sila gaano man nila gustuhin pagdating sa pagiging isang tao, ginagawa ang anumang gustuhin nila batay sa sarili nilang mga interes at kagustuhan, nang walang mga limitasyon ng konsensiya. Ang gayong mga tao ay dapat pangasiwaan sa pamamagitan ng pagpapaalis, at hindi sila kailangang pakitaan ng kaluwagan, dahil hindi sila mga bata; mga nasa hustong gulang sila at dapat na alam ang mga kahihinatnan ng pag-uulat sa mga kapatid at sa iglesia. Alam na alam nilang ito ang pinakamalupit na hakbang, ang pinakaepektibong hakbang. Nakikita nila ito bilang kanilang alas, ang pinakamabisang paraan para maghiganti sa mga kapatid at sa iglesia. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t mga diyablo ang gayong mga tao? (Oo.) Kaya bakit magpapakita ng kaluwagan sa mga diyablo? Kailangan mo pa bang hintayin na makita silang hayagang tinutukoy ang mga kapatid at ang mga pamilyang nagho-host sa malaking pulang dragon bago mo tatanggapin na mga Hudas sila? Sa oras na makita mo ang mga katunayang ito at matukoy ang mga ito, magiging sobrang huli na ito. Sa katunayan, ang kanilang kalikasang diwa ay nalantad na sa sandaling nagsimula silang magsisigaw tungkol sa pag-uulat sa iglesia kapag nakatatagpo sila ng anumang isyu. Huwag hintaying kumilos sila para kilatisin at paalisin sila—magiging sobrang huli na iyon. Kung walang sinuman—maging lider ng iglesia o kapatid—ang nakarinig sa kanilang magsalita tungkol sa pag-uulat sa mga kapatid at walang sinuman ang nakakikilala sa kanila nang mabuti, at kapang napukaw o napasama ang loob nila ng isang tao inuulat nila ito, para walang magawa ang mga kapatid kundi ang magtago at iwasan ang panganib, ang ilan na gumagawa ng tungkulin nila ay kailangang mabilis na lumipat ng tirahan, kung ganoon, sa gayong sitwasyon, hindi mo masisisi ang mga kapatid sa pagiging hangal at hindi sila makilatis. Pero kung palagi nilang sinasabi na iuulat nila ang mga kapatid at hindi pa rin sila sineseryoso ng mga kapatid, magiging tunay na kahangalan iyon. Pagkarinig ng napakaraming katotohanan, hindi pa rin nila makilatis ang mga tao—hindi ba tao na may magulong isipan sila? (Oo.) Para sa iyong puwedeng maging isang Hudas anumang oras, huwag isiping ang pagkakanulo nila ay dahil sa pagkakaunawa nang kaunti sa katotohanan, o dahil nanampalataya sila sa Diyos sa loob ng maikling panahon, o iba pang dahilan. Wala sa mga ito ang dahilan. Sa ugat nito, ito ay dahil ubod ng sama ang karakter nila; sa kaibuturan nila, ang diwa nila ay sa masasamang tao. Ang pagkilatis at pagtukoy sa kanila nang ganito, at pagkatapos ay pagpapaalis sa kanila o pagpapatalsik sa kanila bilang masasamang tao, ay ganap na tama. Ang paggawa nito ay pumoprotekta sa mga kapatid, at gayundin ay pumuprotekta sa gawain ng iglesia mula sa pagkapinsala. Ito ay ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa ng iglesia. Samakatwid, ang mga lider at manggagawa ng iglesia ay dapat na kaagad na magbantay laban sa at pangasiwaan ang gayong mga tao, at pagkatapos ay dapat silang makipagbahaginan sa mga kapatid para ang lahat ay makakikilatis sa mga ito. Dapat silang magsikap na alisin ang gayong mga tao bago magtagumpay ang mga pakana ng mga ito, para maiwasan ang anumang problema para sa mga kapatid o sa iglesia. Ito ang pagkilatis at ang mga prinsipyo ng pangangasiwa sa mga usapin na dapat mayroon ang mga lider at manggagawa kapag nahaharap sa gayong mga tao, at ito ang paraan na dapat nilang isagawa sa gayong mga sitwasyon. Malinaw ba ito? (Oo.) Siyempre, pinakamainam na pangasiwaan ang gayong mga tao sa isang matalinong paraan, tinitiyak na ang pagpapaalis sa kanila ay hindi magdadala ng problema sa iglesia sa hinaharap. Kung ang pangangasiwa sa isang natatagong banta ay humahantong sa mas marami pa kalaunan, ang lider ng iglesia na gumagawa nito ay lubos na walang kahusayan at sobrang hindi nakasasapat sa pamantayan; hindi niya alam kung paano gawin ang gawain, at wala siyang karunungan. Sa kabilang banda, kung kayang pangasiwaan ng isang lider ng iglesia ang natatagong banta sa gayong paraan na maiiwasan ang masasamang kahihinatnan, kapaki-pakinabang para sa gawain ng iglesia, at makatutulong din sa mga kapatid na lumago sa pagkilatis, iyon ay tunay na pagkakaalam kung paano gawin ang gawain. Ang ganitong uri ng lider o manggagawa lang ang nakasasapat sa pamantayan.
Kung ang isang lider o manggagawa ay nakatatagpo ng mga taong kayang pagtaksilan ang iglesia pero hindi niya makilatis o maramdaman kung anong uri ng pagkatao mayroon ang mga ito o kung anong uri ng problema ang maidudulot ng mga ito sa iglesia at sa mga kapatid, hindi malinaw tungkol sa lahat ng bagay na ito sa puso niya, at hindi niya alam kung paano niya dapat tratuhin o pangasiwaan ang ganitong mga tao, kung paano gawin ang gawaing ito, o maging kung ito ba ay gawaing dapat gawin ng mga lider at manggagawa—o, kahit alam pa niya pero ayaw niyang mapasama ang loob ng gayong mga tao at simpleng nagbubulag-bulagan sa usaping ito, nang hindi inaalis o pinatatalsik ang mga ito—anong uri ng lider o manggagawa iyon? (Isang huwad na lider.) Hindi siya nakasasapat sa pamantayan bilang isang lider o manggagawa. Sa isang banda, hangal niyang sinusubukang tulungan ang lahat, ipinapakita ang kanyang pagmamahal at pasensya sa lahat, at tinatrato silang lahat bilang mga kapatid. Ito ay isang tao na may magulong isipan, isang huwad na lider o huwad na manggagawa. Bukod pa rito, kapag natutuklasan niya ang mga tao na mga Hudas sa iglesia, wala siyang ginagawa para kaagad na pangasiwaan o lutasin ang isyu. Sa halip, nagbubulag-bulagan siya, nagkukunwaring walang napapansing anuman. Sa puso niya, iniisip niyang, “Basta’t hindi nalalagay sa panganib ang sarili kong katayuan, ayos na. Wala akong pakialam sa gawain ng iglesia, sa kaligtasan ng mga kapatid, o sa mga interes ng sambahayan ng diyos. Basta’t okupado ko ang posisyong ito at nagtatamasa ng kasiyahan araw-araw, sapat na iyon para sa akin.” Wala siya ginagawang anumang tunay na gawain, at kapag nakakakita siya ng mga problema, hindi niya nilulutas ang mga ito; tinatamasa lang niya ang mga kapakinabangan ng kanyang katayuan. Huwad na lider ba ito? (Oo.) Halimbawa, sabihin nating may isang tao sa uring kayang magkanulo anumang oras na naghahari-harian sa iglesia sa loob ng mahabang panahon, palaging nagbabantang iuulat ang iglesia at ang mga kapatid. Nakikita ito ng ilang huwad na lider pero wala silang ginagawa. Kahit pa may mag-ulat sa indibidwal na ito at pinangasiwaan ito ng mga nakatataas na lider sa pamamagitan ng pagpapaalis dito, hindi pa rin ito sineseryoso o pinag-iisipan ng mga huwad na lider. Iniisip nila, “Hayaan silang iulat kung sinumang gustuhin nila. Basta’t hindi nila ako inuulat o nakaaapekto sa gampanin ko bilang isang lider ng iglesia, ayos lang.” Ang ganitong uri ng lider ba ay isang huwad na lider? (Oo.) Inookupa lang niya ang posisyon niya para tamasahin ang mga kapakinabangan nito nang walang ginagawang anumang tunay na gawain, napapansin ang isang taong kayang pagtaksilan ang mga kapatid anumang oras pero nabibigong paalisin o patalsikin ito—siya ay isang huwad na lider, at dapat kaagad na tanggalin sa kanyang tungkulin. May ilang huwad na lider, matapos matanggal, ang nananatiling palaban. Sinasabi nila, “Anong karapatan ninyong tanggalin ako? Dahil lang ba sa hindi ko pinaalis ang taong iyon? Hindi ba matatapos ang isyu kung kayo na lang mismo ang nagtanggal sa kanya? Bukod pa rito, sinabi lang niya na iuulat niya ang mga kapatid, hindi naman niya talaga ito ginawa. At wala naman siyang idinulot na kaguluhan sa iglesia. Bakit siya pangangasiwaan?” Pakiramdam pa nga nila na sobrang naagrabyado sila. Wala silang ginagawang anumang tunay na gawain; tinatamasa lang nila ang mga kapakinabangan ng katayuan nila, at kapag may lumilitaw na malinaw na Hudas sa iglesia, hindi nila ito pinangangasiwaan o pinaaalis. May ilang kapatid ang palaging natatakot, sinasabing, “May Judas sa atin, palaging nagbabantang iulat ang mga kapatid—napakamapanganib nito! Kailan paaalisin ang taong ito?” Paulit-ulit nilang sinasabi ang isyung ito sa lider ng iglesia, pero hindi ito hinaharap ng lider, sa halip ay sinasabing, “Wala iyon. Isa lang itong personal na alitan, wala itong kinalaman sa gawain ng iglesia o sa kaligtasan ng mga kapatid.” Hindi nila pinangangasiwaan ang usapin. Ano ang tanging gawaing ginagawa nila? Ang isang uri ay ang gawaing itinalaga sa kanila ng mga nakatataas na lider, na walang silang magagawa kundi gawin. Ang isa pa ay ang uri kung saan ang hindi paggawa sa gawain ay makaaapekto o makapaglalagay sa panganib sa kanilang katayuan, sa gayong kaso ay may pag-aatubili nilang ginagawa ang ilang gampanin na nagpapaganda sa imahe nila. Pero kung hindi apektado ang katayuan nila, iniiwasan nila ang gawain hangga’t kaya nila. Isa ba itong huwad na lider? (Oo.) Kapag talagang nahaharap sa isang partikular na kapaligiran o sa pagkakaaresto, sila ang unang tumatakbo para magtago, iniisip lang ang sarili nilang kaligtasan, walang pakialam sa kung ligtas ba ang mga kapatid, at hindi pinoprotektahan ang gawain ng iglesia o ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Anuman ang ginagawa nila, lahat ito ay para lang mapanatili ang sarili nilang katayuan. Basta’t hindi sila tinatanggal ng Itaas, at basta’t iboboto pa rin sila ng mga kapatid sa susunod na halalan at mananatili silang lider, may pag-aatubili nilang gagawin ang ilang gawain. Kung may ginagawa sila na puwedeng makaaapekto sa kung paano sila nakikita ng Itaas, na puwedeng magdulot sa Itaas na tanggalin sila, o kung ang mga pagkilos at pagpapamalas nila ay makapagdudulot na magkaroon ng masamang impresyon sa kanila ang mga kapatid at hindi na sila muling ihalal, susubukan nilang isalba ang imahe nila sa pamamagitan ng paggawa ng kahit kaunting gawain na mismong harap ng mga ito. Sa ganitong paraan, makapagpapaliwanag sila sa iyong mga nasa itaas at ibaba nila—tanging sa Diyos lang sila hindi makapagpapaliwanag. Ang lahat ng ginagawa nila ay para lang sa pagpapakitang-tao. Hangga’t hindi sila tinatanggal ng mga nakatataas na lider, at patuloy silang sinusuportahan ng mga kapatid, nakukontento sila. Sa panunungkulan nila bilang lider ng iglesia, hindi sila gumagawa ng malalaking kasamaan, at sa panlabas ay tila palagi silang abala sa gawain, pero wala silang ginagawang tunay na gawain. Lalo na kapag nakikita nila ang masasamang tao na gumugulo sa iglesia, wala silang ginagawa. Takot silang mapasama ang loob ng masasamang taong ito, kaya’t sinusubukan nilang pahinahunin o makipagkasundo sa mga ito hangga’t maaari, hinahangad lang na mapanatili ang pagkakasundo. Ayaw nilang mapasama ang loob ninuman; kahit pa ginugulo ng mga taong ito ang gawain ng iglesia o nagbabanta sa kaligtasan ng mga kapatid, wala silang ginagawa. Ito ang isang huwad na lider sa pinakatunay na kahulugan ng salita.
Para sa mga huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain, kung paulit-ulit silang pinaaalalahanan ng mga kapatid, hinihingi sa kanilang lutasin ang mga problema, pero wala pa rin silang ginagawang tunay na gawain, hindi nilulutas ang mga tunay na problema, at hindi tinatama ang mga pagkakamali, dapat ninyo iulat ito pataas. Kung hindi tinutugunan ng mga nakatataas na lider at manggagawa ang isyu, dapat kayong mag-isip ng anumang posibleng paraan para tanggalin ang mga huwad na lider na ito. Sa katunayan, nasabi ko na ng mga salitang ito sa loob ng maraming taon, pero karamihan sa mga tao sa ibaba ay mga alipin na mas pipiliing magdusa ng personal na kawalan at magtiis ng kaunting pinsala kaysa mapasama ang loob ng iba. Anuman ang mga sitwasyon, sila ay palaging walang pinipiling panig at kumikilos bilang mga tagapagpalugod ng mga tao, hinding-hindi pinasasama ang loob ninuman. Ano ang kapalit ng hindi pagpapasama ng loob ng mga tao? Ito ay ang pagsasakripisyo sa gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos, na nagdudulot sa pagkapinsala sa mga interes ng sambahayan ng Diyos at panggugulo sa mga kapatid. Kung hindi mapapangasiwaan ang masasamang tao, marami sa mga gumagawa ng tungkulin nila ang maaapektuhan. Hindi ba’t katumbas ito ng pagiging apektado ng gawain ng sambahayan ng Diyos? (Oo.) Kapag naapektuhan ang gawain ng sambahayan ng Diyos, walang sinuman ang nakararamdam ng pagkabalisa o pag-aalala, kaya’t sinasabi ko na karamihan sa mga tao ay nagsasakripisyo sa gawain at mga interes ng sambahayan ng Diyos para mapanatili ang pagkakasundo at magandang pakikisama sa iba. Iniiwasan nilang mapasama ang loob ng mga lider at ng mga kapatid; wala silang sinasalungat na sinuman. Ang lahat ay umaasta bilang mga mapagpalugod ng mga tao. Ang pag-iisip nila ay: “Mabuti ka, mabuti ako, mabuti ang lahat—kung tutuusin, palagi nating nakikita ang isa’t isa.” At ano ang resulta? Pinahihintulutan nito ang masasamang tao na samantalahin ang sitwasyon; paulit-ulit silang naghahari-harian, ginagawa ang anumang gustuhin nila. Kaya, kung ang mga lider ng iglesia ay hindi maaasahan at hindi inaalis ang masasamang tao, dapat mag-isip ang mga kapatid ng anumang posibleng paraan para protektahan ang sarili nila; dapat nilang iwasan, layuan, at ibukod ang masasamang tao kapag nakikita nila ang mga ito. Sinasabi ng ilang tao na, “Kung ibubukod natin sila at nagalit sila, hindi ba’t iuulat nila ulit tayo?” Kung talagang inulat nila kayo, matatakot ka ba? (Hindi. Ibubunyag nito sila bilang masasamang tao.) Kung inulat ka nilang muli, lalo lang pinatutunayan nito na sila ay mga likas na Hudas, mga diyablo. Hindi ka dapat matakot sa kanila. Kung ang mga lider at manggagawa ay bulag at hindi nakakikilatis ng mga bagay-bagay, magulo ang isipan, at walang silbi, o kung sila ay hindi nakapagpapasya, hindi pinasasama ang loob ninuman, at nagpapakasasa lang sa mga kapakinabangan ng kanilang katayuan nang hindi gumagawa ng tunay na gawain, hindi na sila dapat asahan ng mga kapatid. Dapat magkaisa ang mga kapatid para harapin ang masasamang tao at alisin ang mga Hudas ayon sa mga prinsipyo. Puwedeng kailanganin nilang baguhin ang lugar ng pagtitipon o gumamit ng isang matalinong paraan para alisin ang mga ito at maiwasang magulo ng mga taong ito. Ang pagtitiyak sa normal na paggana ng buhay-iglesia at ang normal na pag-usad ng lahat ng gawain sa iglesia ay ang pinakamahalagang bagay. Kung ang isang lider ng iglesia ay gumagawa ng tunay na gawain, may sapat na kakayahan, at napakabuti rin ng kanyang pagkatao, basta’t isinasagawa niya ang gawain niya nang naaayon sa mga pagsasaayos ng gawain, dapat siyang sundin ng lahat. Kung hindi siya gumagawa ng tunay na gawain, hindi siya dapat kausapin o asahan. Sa panahong iyon, ang mga problema ay dapat lutasin nang naaayon sa mga salita ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo. Kung kailangan tanggalin ang lider, dapat siyang tanggalin; kung kinakailangan ng muling halalan, magdaos ng muling halalan. Kung hindi pinuprotektahan ng huwad na lider na ito ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, hindi ginagarantiyahan ang kapaligiran kung saan ginagawa ng mga kapatid ang kanilang tungkulin, at hindi iniintindi ang kaligtasan ng mga kapatid, hindi siya nakasasapat sa pamantayan; siya ay walang kakayahan, isang malaking basurang walang silbi—hindi dapat makinig ang mga kapatid sa kanya o magpapigil sa kaniya. Ang sinumang lider at manggagawa na hindi kayang alisin ang mga Hudas sa tuwing kinakailangan ay huwad na lider at huwad na manggagawa na dapat pangasiwaan sa paraang inilarawan sa itaas. Kung hindi sila kaagad na pangangasiwaan, ang lahat ng mga kapatid ay mapagtataksilan ng mga Hudas, at ang iglesia ay titigil sa pag-iral. Dito nagtatapos ang ating pagbabahaginan tungkol sa ikawalong pagpapamalas: ang pagkakaroon ng kakayahang magkanulo anumang oras.
I. Ang Pagkakaroon ng Kakayanang Umalis Anumang Oras
Ang ikasiyam na pagpapamalas ay ang: “Pagkakaroon ng kakayanang umalis anumang oras.” Ang ganitong uri ng tao, na kayang iwan ang sambahayan ng Diyos anumang oras, ay hindi isang tao na umaalis lang kapag nahaharap siya sa isang espesyal na sitwasyon o kapag nakararanas siya ng isang napakalaking sakuna na lampas sa kayang tiisin ng isang karaniwang tao, lampas sa kanyang limitasyon. Sa halip, kaya niyang umalis anumang oras—kahit ang isang maliit na usapin ay puwedeng magpaalis sa kanya; kahit ang isang maliit na usapin ay puwedeng magdulot sa kanya na ayawan nang gawin ang tungkulin niya, na ayawang nang manampalataya sa Diyos, at na gustuhing iwan ang sambahayan ng Diyos. Malaking problema rin ang ganitong uri ng tao. Sa panlabas, puwedeng mukhang medyo mas mabuti siya kaysa sa mga tao na mga Hudas, pero kaya niyang iwan ang sambahayan ng Diyos anumang oras at anumang lugar. Kung kaya ba nilang ipagkanulo ang mga kapatid ay hindi tiyak. Sa tingin ninyo ba, maaasahan ang ganitong uri ng tao? (Hindi.) Kung gayon, may mga prinsipyo ba siya pagdating sa kung paano maging isang tao? May pundasyon ba siya sa pananampalataya sa Diyos? (Wala.) Nagpapakita ba siya ng anumang palatandaan ng tunay na pananampalataya? (Wala.) Kung ganoon, anong uri ng tao siya? (Isang hindi mananampalataya.) Nananampalataya siya sa Diyos at ginagawa ang tungkulin niya na parang biro lang ang lahat ng ito. Para siyang isang tao na hindi gumagawa ng mga tamang gampanin, lumalabas para bumili ng toyo, na nakakakita ng mga akrobat o tagapagtanghal sa lansangang lumilikha ng masiglang eksena at nadadala sa kasiyahan at nakalilimutan ang tungkol sa pagbili ng toyo, nauuwi sa pagkaantala ng mga nararapat na usapin. Ang ganitong uri ng mga tao ay hindi nananatili sa anumang bagay nang matagal; hindi buo ang loob nila at salawahan sila. Ang pananampalataya nila sa Diyos ay nakabatay rin sa interes nila—pakiramdam nila na napakasayang manampalataya sa Diyos, pero sa sandaling mawala ang interes nila dito, aalis sila kaagad nang walang pag-aalinlangan. May ilang umaalis na kaagad na pumapasok sa pagnenegosyo, may ilang naghahangad na tumahak sa landas ng isang opisyal na propesyon, may ilang nasasangkot sa mga romantikong relasyon at naghahanda para sa pagpapakasal, at may ilang gustong mabilis na yumaman ang dumidiretso sa casino. Sinasabi ng mga tao na kapag hindi mo nakita ang isang tao sa loob ng tatlong araw, dapat tingnan ito nang may bagong paningin. Para sa isang taong kayang iwan ang sambahayan ng Diyos anumang oras, kung hindi mo siya makikita sa loob lang ng isang araw, kapag nakita mo siyang muli, parang ganap na ibang tao na siya. Kahapon, nakasuot pa siya nang maayos at disente, mukhang may mabuting asal at presentable. Nagdasal pa nga siya sa Diyos nang may mga luhang bumubuhos sa kanyang mga mata, sinasabing gusto niyang ialay ang kanyang kabataan at buhay para sa Diyos, mamatay para sa Diyos, maging tapat hanggang kamatayan, at makapasok sa kaharian. Sumigaw siya ng matatayog na islogan, pero hindi nagtagal, pumunta siya sa casino. Kahapon, masaya niyang ginawa ang tungkulin niya, at sa pagtitipon, binasa niya ang mga salita ng Diyos nang may liwanag sa kanyang mukha at kasiglahan, naantig hanggang sa puntong napahagulgol siya. Kung gayon ay paanong tumakbo siya patungo sa casino ngayon? Nagsugal siya hanggang kalaliman ng gabi nang hindi ginugustong umuwi, lubos na nagsasaya at punong-puno ng sigla. Kahapon, dumadalo pa siya sa mga pagtitipon, pero ngayon, tumakbo na siya tungo sa casino—kaya, aling pagpapamalas ba ang tunay na siya? (Ang huli ang tunay na siya.) Kung hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, talagang hindi niya makikilatis kung ano ba talaga ang taong iyon. Ang dalawang pagpapamalas, parehong bago at pagkatapos, ay aktuwal na pinapakita ng parehong tao—kaya paanong parang ipinakikita ito ng dalawang magkaibang tao? Ang gayong tao ay hindi makikilatis ng karamihan. Nakikita mo na bilang isang mananampalataya ng Diyos, madalas siyang dumadalo sa mga pagtitipon, hindi gumagawa ng kasamaan, at lubos na kayang tiisin ang paghihirap at magbayad ng halaga sa pagtupad ng kanyang tungkulin. Kapag nakaupo sa harap ng kompyuter, nakatuon at masipag siya, nagtatrabaho nang husto at nilalagay ang puso niya rito. Maiisip mo ba na bilang isang tao na nananampalataya sa Diyos, hindi siya dapat naglalaro ng Mahjong, tama? Pero pagkatapos lang ng isang araw na hindi mo sila nakikita, tumakbo na sila sa bulwagan ng Mahjong o casino para magsugal. At nangungunang manlalaro siya ng Mahjong—hindi siya talaga mukhang isang taong nananampalataya sa Diyos! Napapaisip ka talaga niya—isa ba siyang tao na nananampalataya sa Diyos o isang walang pananampalatayang naglalaro ng Mahjong? Paanong nakapagpapalit siya ng papel nang ganoon kabilis? Kapag nananampalataya siya sa Diyos, kung ganoon, nasa puso ba niya ang Diyos? (Hindi.) Nananampalataya siya sa Diyos para lang magsaya at magpalipas-oras, para makita kung tungkol saan ba ang pananampalataya sa Diyos at kung makapagdadala ba ito ng kaligayahan sa buhay niya. Kung hindi siya masaya, kaya nilang umalis anumang oras. Hindi niya kailanman pinlanong manampalataya buong buhay niya, at tiyak na hindi niya kailanman pinlano na gawin ang tungkulin niya at sumunod sa Diyos buong buhay niya. Kaya ano ang pinlano niya? Sa isipan niya, kung talagang mananampalataya siya sa Diyos, kahit papaano ay hindi nito dapat hadlangan ang kakayahan niyang magsaya, hindi dapat kasangkutan ng anumang gawain, at dapat garantiyahan pa rin na makapamumuhay siya ng isang masayang buhay. Kung kailangan niyang basahin ang mga salita ng Diyos at magbahagi tungkol sa katotohanan araw-araw, hindi siya magiging interesado o masaya. Kapag nagsawa na siya rito, iiwan niya ang iglesia at tatakbo pabalik sa mundo. Iniisip niyang, “Hindi madali ang buhay, kaya hindi dapat minamaltrato ng mga tao ang sarili nila. Tayo dapat ang maging panginoon ng sarili nating kapalaran at huwag maltratuhin ang ating laman. Dapat nating tiyakin na masaya tayo araw-araw—iyon lang ang paraan para mabuhay nang malaya. Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi dapat gawin nang may pagmamatigas. Tingnan mo kung gaano ako kamapagwalang-bahala—kung saan may kasiyahan, doon ako nagpupunta. Kung hindi ako masaya, aalis ako. Bakit ko gagawing hindi komportable ang mga bagay-bagay para sa sarili ko? Ang pagkakaroon ng kakayanang umalis anumang oras ang aking pinakamataas na kredo kung paano maging isang tao, ang pagiging isang ‘malayang mananampalataya’—ang mamuhay nang ganito ay napakakumportable at walang alalahanin!” Anong uri ng mga kanta ang madalas inaawit ng ganitong uri ng mga tao? “Huwag mong itanong sa akin kung saan ako nanggaling, malayo ang bayan ko.” Kung hindi, ano pa ang inaawit nila? “Bakit hindi mamuhay nang malaya kahit minsan lang?” Kapag nararamdaman nilang ito ay nakababagot o hindi na masaya, mabilis siyang umaalis, iniisip, “Bakit mananatili sa iisang lugar kung napakaraming bagay pa ang makikita sa mundo?” Ano ang isa pang sikat na kasabihang ginagamit nila? “Bakit isusuko ang isang buong kagubatan para sa isang puno?” Ano sa palagay ninyo—ang ganitong uri ng mga tao ba ay may tunay na pananampalataya? (Wala, sila ay mga hindi mananampalataya.) Pagdating sa mga hindi mananampalataya, dahil pinag-uusapan natin ang tungkol sa kung paano na mga problema nila ay pawang mga problema ng sangkatauhan, ano ba eksakto ang mali sa pagkatao ng gayong uri ng mga tao? Sa palagay ninyo ba isinasaalang-alang kailanman ng ganitong uri ng mga tao ang mga tanong tulad ng kung paano maging isang tao, anong landas ang dapat tahakin ng mga tao, o anong uri ng pananaw sa buhay at mga pagpapahalaga mayroon dapat ang mga tao habang nabubuhay sila? (Hindi.) Kaya, ano ang problema sa pagkatao ng ganitong uri ng tao? (Ang ganitong uri ng tao ay walang konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao; hindi niya isinasaalang-alang ang gayong mga tanong.) Tiyak iyon. Dagdag pa rito, para maging tumpak, ang ganitong uri ng tao ay walang kaluluwa; isa lang siyang naglalakad na bangkay. Wala siyang anumang sariling pangangailangan tungkol sa kung paano maging isang tao o anong landas ang dapat tahakin mg isang tao, ni hindi rin niya iniisip ang mga bagay na ito. Ang dahilan kung bakit hindi niya iniisip ang mga bagay na ito ay dahil, bagaman may anyo siya ng isang tao sa panlabas, ang diwa niya ay talagang sa isang naglalakad na bangkay, isang hungkag na kabibe. Ang ganitong uri ng tao ay may saloobing nagpapaanod lang sa agos ng buhay pagdating sa mga usapin ng buhay ng tao at pagpapanatili ng buhay. Para maging partikular, ang “pagpapaanod sa agos ng buhay” ay nangangahulugang pagiging pabasta-basta lang at paghihintay sa kamatayan, hindi natututo at nananatiling mangmang, ginugugol ang mga araw niya sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya. Nagpupunta siya saanman may kasiyahan, at anuman ang nagbibigay sa kanya ng kasiyahan, kagalakan, at kaginhawahan ng laman, ay ang gagawin niya. Pero iiwasan niya at lalayuan ang anumang bagay na nagdudulot ng pagdurusa at panloob na sakit sa kanyang laman; ayaw lang niyang magtiis ng paghihirap ang kanyang laman. Gayumpaman, may ilang tao na nakararanas ng buhay sa pamamagitan ng pagtitiis ng paghihirap. O, sa pamamagitan ng pagdaan sa at pagdanas ng iba’t ibang bagay, ginagawa nila ito para hindi maging walang saysay ang kanilaang buhay at makakuha ng isang bagay mula rito. Sa huli, dumarating sila sa isang kongklusyon kung anong landas ang dapat tahakin ng isang tao at kung anong uri ng tao ang dapat itong maging. Sa pamamagitan ng mga karanasan sa buhay, marami silang nakakamit. Sa isang banda, nakakikilatis sila ng mga partikular na tao; bukod pa rito, nakapagdedesisyon sila kung aling mga prinsipyo at pamamaraan ang dapat gamitin ng isang tao sa pagtrato sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, at kung paano dapat mamuhay ang isang tao sa buong buhay nito. Ang napagtibay man nila sa pinakahuli ay tumutugma sa katotohanan o sumasalungat dito, kahit papaano, pinag-isipan nila ito. Sa kabilang banda, iyong mga kayang iwanan ang sambahayan ng Diyos anumang oras ay walang interes sa paghahangad sa katotohanan o paggawa ng tungkulin nila sa pananampalataya sa Diyos. Palagi silang naghahanap ng mga pagkakataon para tugunan ang sarili nilang mga makalamang pagnanasa at mga kagustuhan nila, at hindi kailanman ginugustong masigasig na matuto ng isang propesyonal na kasanayan sa paggawa ng kanyang tungkulin, gawin ang tungkulin nila nang maayos, o mamuhay nang may kabuluhan. Gusto lang nilang maging tulad ng mga walang pananampalataya, masaya at nagagalak araw-araw. Kaya, saanman sila magpunta, naghahanap sila ng kasiyahan at aliw, para lang matugunan ang sarili nilang mga interes at pagkamausisa. Kung kailangan nilang patuloy na gawin ang isang tungkulin, mawawalan sila ng interes at mawawalan na ng motibasyong patuloy na gawin ito. Para sa mga ganitong uri ng tao, ang saloobin nila sa buhay ay ang magpabasta-basta lang. Sa panlabas, parang namumuhay sila nang malaya at walang inaalala, hindi nakikipagtalo sa mga bagay-bagay sa iba. Mukha silang masayahin at walang inaalala araw-araw, nagagawang umangkop sa mga sitwasyon saanman sila magpunta. Mukhang hindi pa nga apektado at napipigil ng mga makamundong kaugalian o mga kasanayan ng ugnayang pantao, at nagbibigay ng panlabas na impresyon na sila ay hindi pangkaraniwan at higit sa masa. Pero sa katunayan, ang kanilang diwa ay tulad ng isang naglalakad na bangkay, isang bagay na walang kaluluwa. Iyong mga nananampalataya sa Diyos pero kayang iwan ang iglesia anumang oras ay hindi kailanman nananatili sa anumang bagay nang matagal—nakapagpapanatili lang sila ng isang panandaliang sigasig. Pero iba ang mga taong may konsensiya at katwiran. Anuman ang tungkuling ginagawa nila, inaaral nila itong mabuti at sinisikap na gawin ito nang maayos. Nakapagsasakatuparan sila ng isang bagay at nakalilikha ng halaga. Sa isang banda, nakakamit nila ang pagkilala ng mga tao sa paligid nila, at kasabay nito, nakararamdam sila ng kumpiyansa sa loob nila, nakikitang kaya nilang gumawa ng isang bagay at mga kapaki-pakinabang na tao sila, hindi mga taong walang silbi. Ito ang pinakamababang puwedeng kamtin ng isang tao na may konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao. Pero para sa iyong mga nagpapaanod lang sa agos ng buhay, hindi nila iniisip ang tungkol sa mga bagay na ito. Saanman sila magpunta, pagkain, pag-inom, at pagsasaya lang ito. Sa panlabas, parang namumuhay sila nang malaya at maalwan, pero sa katunayan, walang iniisip ang gayong mga tao. Sa lahat ng ginagawa nila, hindi sila kailanman seryoso; palagi silang nagmamadali at inuudyukan lang sila ng panandaliang sigasig, walang naisasakatuparan anumang bagay kailanman. Gusto nilang magpabasta-basta buong buhay nila, at saanman sila magpunta, dala nila ang parehong saloobing iyon—hindi eksepsiyon dito maging ang pananampalataya nila sa Diyos. Puwedeng makita mo na sa isang partikular na panahon, mukhang seryoso sila sa paggawa ng tungkulin nila at nakapagtitiis sila ng paghihirap at nakapagbabayad ng halaga, pero sinuman ang tumutukoy sa mga problema nila o nagsasabi sa kanila kung paano gawin ang mga bagay-bagay, hindi nila kailanman ito sineseryoso at hindi talaga tinatanggap ang katotohanan. Ginagawa lang nila ang mga bagay-bagay ayon sa kagustuhan nila—basta’t masaya sila, ayos lang sa kanila. At kung hindi sila masaya, umaalis sila para magsaya, hindi nakikinig sa payo ninuman. Sa puso nila, iniisip nilang, “Hindi ko naman kailanman pinlanong manampalataya sa diyos nang pangmatagalan.” Kung may magpupungos sa kanila, kaya nilang umalis agad. Isa ito sa mga pagpapamalas ng mga tao na kayang iwan ang iglesia anumang oras.
Iyong mga kayang iwan ang iglesia anumang oras ay may isa pang uri ng pagpapamalas. May ilang tao—gaano karaming taon man silang nanampalataya sa Diyos, mukhang may pundasyon man sila o wala, at anumang tungkulin ang ginampanan nila dati—kapag nakatagpo sila ng isang espesyal na sitwasyon na may kinalaman sa mga sarili nilang personal na interes, ay puwedeng maglaho na lang bigla. Sa anumang oras, posibleng mawalan ng kontak ang ibang tao sa kanila, at hindi na sila makita sa iglesia, nang walang ideya kung ano ang nangyayari sa kanila. May ilang tao, kapag nakatatagpo sila ng isang tao sa kasalungat na kasarian na nagtatangkang akitin sila, ang tumitigil sa paggawa ng tungkulin nila at umalis para makipag-date, tuluyang hindi na mahagilap. May iba rin na kapag umabot na sa edad ng pagpapakasal ang mga anak nila at nagiging abala sila sa pagsasaayos sa kasal ng mga anak nila, ang hindi na gumagawa ng tungkulin nila at hindi na lumalahok sa mga pagtitipon. Itinataboy nila ang sinumang naghahanap sa kanila. May ilang tao, kapag nagkasakit at naospital ang mga magulang o asawa nila, o kapag may isang malaking pangyayari o hindi inaasahang kalamidad sa bahay nila—kung tunay na mga mananampalataya sila ng Diyos—ay magpapaliwanag, sinasabing, “Nagkaroon ng ilang usapin sa bahay kamakailan na kinailangan kong asikasuhin, kaya’t hindi ako nakadadalo sa mga pagtitipon. Kailangan kong humiling ng pagliban sa trabaho, at kung makahahanap kayo ng isang taong naaangkop, pakiusap pansamantalang ipaako ninyo sa kanya ang aking tungkulin nang walang pagkaantala.” Kahit papaano, magbibigay sila ng kaunting abiso at paliwanag. Pero iyong mga kayang iwan ang iglesia anumang oras ay pinuputol ang kontak nila sa iglesia nang walang sabi-sabi, at paano man subukan ng mga kapatid, hindi sila makontak ng mga ito. Hindi sa walang paraan para makontak sila—makokontak sila sa anumang paraan—pero ayaw lang nilang makipag-ugnayan o tumugon sa mga kapatid. Sinasabi nila, “Bakit ko kailangan makipag-ugnayan sa iyo? Ginagawa ko ang tungkulin ko nang kusa; hindi ako binabayaran para dito. Kung gusto kong umalis, aalis ako! Kung may nangyayari sa bahay, personal na bagay ko iyon. Hindi ako obligadong ipaalam sa iyo, at wala kang anumang karapatang malaman!” May ilang tao na umaalis nang may isa o dalawang buwan, at pagkatapos ay bumabalik para mag-ulat nang hindi nahihiya, na parang walang anumang nangyari. May ibang umaalis nang may dalawa o tatlong taon at ganap na hindi makausap. Ang mga tao sa iglesia, nang hindi alam ang sitwasyon, ang nag-aakalang dahil maraming taon nang nanampalataya sa Diyos ang taong ito, na imposibleng umalis ito sa iglesia. Ipinagpapalagay nila na baka may nangyaring hindi inaasahan at nag-aalala kung naaresto ba ito ng CCP. Sa katunayan, hindi lang na gusto ng taong iyon na manampalataya sa Diyos at umalis ito nang hindi ipinaaalam sa mga kapatid. May ilang tao na umaalis nang may sampung araw at pagkatapos ay bumabalik; hindi ibig sabihin nito na tumigil na silang manampalataya. May ilang tao na umaalis at pagkatapos ay nawawala sa loob ng dalawa o tatlong taon—masasabi ninyo ba na tumigil na silang manampalataya? (Oo.) Talaga ngang tumigil na silang manampalataya, at dapat silang alisin. Hindi ito isang karaniwang pag-alis; tumigil na sila sa pananampalataya. Mula sa perspektiba ng tao, tinatawag itong hindi na pananampalataya. Paano ito tinitingnan ng Diyos? Sa paningin ng Diyos, tinatawag itong pagkakaila sa Diyos, hindi pagsunod sa Diyos, at ito ay pagtanggi sa Diyos. Pero mula sa perspektiba nila, iniisip nilang, “Hindi ko tinanggihan ang diyos; nananampalataya pa rin ako sa diyos sa aking puso!” Kita mo? Binabalewala lang nila ito. Mayroon din namang iba pa na tumitigil sa pagdalo sa mga pagtitipon at sa paggawa ng tungkulin nila dahil lang sa mali ang timplada nila o naiinis sila sa loob-loob nila, dahil sa tingin nila ay masyadong mahirap at nakapapagod ang paggawa ng tungkulin nila, o dahil napungos sila nang kaunti. Umaalis sila nang hindi man lang ipinaliliwanag ang anuman tungkol sa kasalukuyang gawain nila, sinasabing, “Walang sinumang kokontak sa akin. Hindi ako masaya, at ayaw ko nang manampalataya!” Kapag naiinis sila, puwede itong magtagal sa loob ng isang taon o higit pa. Iba talaga ang timplada nila—hindi sila makabawi mula rito sa loob ng isang taon o higit pa! May ilang tao ang umaako sa gawain ng mga lider at manggagawa sa iglesia, pero hindi lang sila nabibigong gawin nang maayos ang gawain, walang ingat din silang gumagawa ng masasamang gawa, na nagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo sa gawain ng iglesia. Kalaunan, hindi sila inihahalal muli ng mga kapatid, at kinikilatis at inilalantad din sila sa pagbabahaginan. Kaya nagsisimula silang mag-isip, “Isa ba itong sesyon ng pamumuna laban sa akin? Hindi ko lang ginawa nang maayos ang gawain, gayong kalaking bagay ba talaga ito? Bakit sila nagbabahagi at naglalantad sa akin nang ganito? Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakaranas ng ganitong karaingan! Bago ako nanampalataya sa Diyos, ako ang palaging bumabatikos sa iba; walang sinuman ang nambatikos pa sa akin. Kailan ba akong nagtiis ng gayong paghihirap dati? Pinag-iinitan ninyo akong lahat, pinahihiya ako. Hindi na ako mananampalataya!” Ganoon-ganoon lang, humihinto sila sa pananampalataya. Iyong mga nagsasabi nito ay hindi lang mga kabataan—may ilang nanampalataya na sa loob ng walo o sampung taon at nasa kanilang mga kuwarenta o singkuwenta na, pero nakapagsasalita pa rin sila ng gayong mga bagay kapag hindi sila masaya. Ang gayong mga tao ba ay may puwang sa puso nila para sa Diyos? Itinuturing ba nila ang pananampalataya sa Diyos bilang ang pinakamahalagang bagay sa buhay? Normal ang maramdaman na medyo negatibo o mahina kapag napupungusan o nakararanas ng mga sakuna o kabiguan, pero hindi dapat ito magsanhi sa isang tao na hindi manampalataya sa Diyos. Ang gayong mga tao ay hindi mga taos-pusong mananampalataya ng Diyos. Ang mga taos-pusong mananampalataya ng Diyos ay kayang magpatuloy sa pananampalataya nila sa Diyos kahit inaresto at inusig pa sila—ang mga taong ito lang ang may patotoo. May ilang tao, kapag nakararanas ng kaunting natural na sakuna, kung ang mga kapatid ay hindi alam ang tungkol dito o medyo huli na nang nalaman ito at hindi sila natulungan sa oras, ay nagsisimulang isipin na, “Nahaharap ako sa mga paghihirap at walang pumapansin sa akin. Kung gayon, minamaliit nila ako! Walang silbi ang manampalataya sa diyos. Hindi na ako mananampalataya!” Dahil lang sa gayong kaliit na usapin, kaya nilang tumigil manampalataya sa Diyos. Ito ay isa sa mga pagpapamalas ng mga taong kayang iwan ang iglesia anumang oras.
May isa pang sitwasyon para sa iyong mga kayang iwan ang iglesia anumang oras. Ang CCP, para makuha sila sa panig nito, ay nag-aalok sa kanila ng magandang trabaho, sinasabi sa kanila, “Wala kang kinikita sa pananampalataya sa diyos. Anong kinabukasan ang posibleng magkaroon ka? Hinanapan ka namin ng posisyon sa isang banyagang kompanya na may mataas na buwanang sahod, magagandang benepisyo, at seguro sa trabaho. Walang kinabukasan para sa iyo sa pananampalataya sa diyos; mas mabuti pang magtrabaho, kumita ng pera, at mamuhay nang maginhawa.” Sa huli, iniiwan nila ang iglesia at pumapasok ng trabaho. Sinasabi ng isang tao, “Kahapon ginagawa pa ng taong ito ang gawain niya sa iglesia, bakit siya nag-empake at umalis ngayon?” Umaalis sila para magtrabaho at kumita ng pera; hindi na sila nananampalataya sa Diyos. Umaalis sila nang walang sabi-sabi, at mula noon, pumupunta na sila sa hiwalay na landas mula sa mga kapatid, nagiging mga tao sa ibang landas. Gusto nilang hangarin ang kasikatan at pakinabang, para umangat at sumikat, at hindi na sila nananampalataya sa Diyos. May mga tao rin na, habang nangangaral ng ebanghelyo, ay nakakikilala ng isang taong nagugustuhan nila, nasasangkot dito, at umaalis para gugulin ang mga araw nila nang magkasama. Hindi lang sila tumitigil sa paggawa ng tungkulin nila, kundi tumitigil pa nga sila sa pananampalataya sa Diyos. Ang mga magulang nila sa bahay ay wala pa ring alam, iniisip na ginagawa pa rin nila ang tungkulin nila sa sambahayan ng Diyos. Sa katunayan, matagal nang naglaho ang taong ito—malay mo, baka may anak na sila ngayon. Ang paggawa ng tungkulin ng isang tao ay napakahalaga, pero kaya pa nga nilang abandonahin ang gayong kahalagang gawain tulad ng pangangaral ng ebanghelyo. Kapag may nakikilala silang isang tao na gusto nila, o isang tao na may gusto sa kanila, ang ilang simpleng nakaaakit at nakaeengganyong salita mula sa taong iyon ay sapat na para akayin sila palayo. Napakababaw at kaswal nila, kayang iwan ang Diyos at ipagkanulo ang Diyos anumang oras at saanmang lugar. Gaano karaming taon mang nananampalataya ang gayong mga tao sa Diyos o gaano karaming sermon man ang napakinggan nila, hindi pa rin nila nauunawaan ang kahit katiting na katotohanan. Para sa kanila, ang pananampalataya sa Diyos ay sadyang hindi mahalaga, at ang paggawa ng tungkulin nila ay wala ring saysay—para sa kapakanan ng pagkamit ng mga pagpapala, pakiramdam nila ay walang sila magawa kundi gawin ang mga bagay na ito. Sa sandaling may personal na isyu o isyu sa pamilya, kaya nilang umalis nang ganoon-ganoon lang. Kapag nakararanas sila ng kaunting natural na sakuna, kaya nilang tumigil manampalataya nang ganoon-ganoon lang. Ang anumang bagay ay makagagambala sa pananampalataya nila sa Diyos; ang anumang isyu ay makapagdudulot sa kanila na maging negatibo at isuko ang tungkulin nila. Anong uri ng mga tao sila? Ang tanong na ito ay talagang nararapat pagnilayan nang mabuti!
Anong uri ng mga tao ang kayang umalis sa iglesia anumang oras? Ang isang uri ay mga walang isip, walang pakialam, at may magulong isipan na walang ideya kung bakit sila nananampalataya sa Diyos, gaano karaming taon man silang nanampalataya. Wala silang ideya kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pananampalataya sa Diyos. Ang isa pang uri ay ang uri mga hindi mananampalataya na hindi talaga nananampalataya sa pag-iral ng Diyos at hindi nauunawaan ang kahulugan o kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos. Ang pakikinig sa mga sermon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, para sa kanila, ay parang pag-aaral ng teolohiya o pagkatuto ng ilang propesyonal na kaalaman—kapag nauunawaan nila ito at nakapagsasalita sila tungkol dito, itinuturing nila itong tapos na. Hindi nila ito kailanman isinasagawa. Para sa kanila, ang mga salita ng Diyos ay isang uri lang ng teorya, isang islogan, at hindi kailanman magiging buhay nila. Kaya, para sa mga taong ito, ang anumang nauugnay sa pananampalataya sa Diyos ay hindi nakapupukaw sa interes nila. Ang gayong mga bagay tulad ng paggawa ng tungkulin ng isang tao, paghahangad sa katotohanan, pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, pagdalo sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid at pamumuhay ng buhay-iglesia, at iba pa, ay hindi kaakit-akit para sa kanila, at wala sa mga ito ang nagbibigay sa kanila ng kaligayahan at kasiyahan na ibinibigay ng pagkain, pag-inom, at pagsasaya. Sa kabilang banda, nararamdaman ng mga taos-pusong mananampalataya ng Diyos na ang makasama ang mga kapatid para magbahaginan ng katotohanan o mamuhay ng buhay-iglesia ay palaging nakapagdadala sa kanila ng mga benepisyo at pakinabang. Bagaman minsan ay nahaharap sila sa panganib at pag-uusig, o nakikipagsapalaran sa pangangaral ng ebanghelyo at pagtitiis ng ilang paghihirap sa paggawa ng kanilang tungkulin, anuma’t anuman, nagkakamit sila ng pang-unawa sa katotohanan at nakakamit ang resulta ng pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pagtitiis sa paghihirap at pagbabayad ng halaga, at ang paghihirap at halagang ito ay nagdudulot ng pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Pagkatapos timbangin at tasahin ang lahat ng ito, pakiramdam nila na mabuti ang manampalataya sa Diyos, at na napakahalaga na magawang maunawaan ang katotohanan. Lalong tumitibay ang ugnayan ng puso nila sa iglesia, at hindi nila kailanman iniisip na iwan ang buhay-iglesia. Kapag nakikita nila ang ilang indibidwal na ipinadadala sa Grupo B o ibinubukod o pinaaalis ng iglesia dahil sa panggugulo sa gawain ng iglesia, iyong mga taos-pusing nananampalataya sa Diyos ay nakararamdam ng kaunting kalungkutan sa puso nila. Iniisip nilang, “Kailangan kong masipag na gawin ang aking tungkulin. Hinding-hindi ako dapat mapaalis! Ang maalis ay katumbas ng maparusahan, ibig sabihin ang kahihinatnan ng pagpunta sa impiyerno! Ano ang silbi ng mabuhay kung ganoon?” Karamihan sa mga tao ay natatakot na iwan ang iglesia; iniisip na kapag iniwan nila ang iglesia at iniwan ang Diyos, hindi na sila patuloy na makapamumuhay at matatapos na ang lahat. Pero iyong mga kayang iwan ang iglesia anumang oras ay tinitingnan ang pag-alis sa iglesia bilang isang napakanormal na bagay, parang pagbibitiw lang sa trabaho para maghanap ng ibang trabaho. Hindi sila kailanman nakararamdam ng pighati o nagdurusa ng anumang sakit sa kalooban nila. Ano sa palagay ninyo—may konsensiya o katwiran ba iyong mga kayang iwan ang iglesia anumang oras? Talagang hindi kapani-paniwala ang gayong mga tao! Ang pagganap sa tungkulin ng ilang tao ay hindi nakasasapat sa pamantayan, at palagi silang walang ingat na gumagawa ng mga maling gawa, nagdudulot ng mga pagkagambala at panggugulo sa gawain ng iglesia. Pagkatapos ay pinipigilan sila ng iglesia sa paggawa ng tungkulin nila at ipinadadala sila sa isang ordinaryong iglesia. Kaya, ano ang nangyayari bilang resulta? Kinabukasan, parang ganap na ibang tao na sila, nagsisimula ng bagong buhay. May iba na nagsisimulang makipag-date at magpakasal, may iba na nagsisimulang maghanap ng trabaho, may ibang pumapasok sa kolehiyo, at may iba ring nakikipag-ugnayan muli sa mga dating kaibigan, bumubuo ng mga koneksiyon, at naghahanap ng mga pagkakataon para yumaman. Ang mga taong ito ay mabilis na humahalo sa malawak na mundo, nawawala sa dagat ng sangkatauhan—nangyayari ito ng ganoon kabilis. May ilang kapatid, pagkatapos maipadala sa isang ordinaryong iglesia dahil sa hindi magagandang resulta sa paggawa ng tungkulin nila, ang dumaraan sa panahon ng kalungkutan pero nagagawang magnilay sa sarili nila at natutukoy ang mga sarili nilang mga problema, nagpapakita ng kaunting saloobin na magbago. Gayumpaman, iyong mga kayang umalis sa iglesia anumang oras, sa sandaling makaranas sila ng ilang paghihirap, ay ayaw nang gawin ang tungkulin nila at iniiwan ang iglesia kinabukasan, nagbabalik sa buhay ng isang walang pananampalataya. Hindi talaga sila nakararamdam ng pasakit at iniisip pa nga, “Ano ang mabuti sa pananampalataya sa Diyos? Patuloy kang pinagtatawanan at sinisiraan ng iba, at malamang sa maaresto at makulong ka pa. Kung papatayin ako sa bugbog ng malaking pulang dragon, hindi ba’t magiging walang kuwenta ang buhay ko? Nagtiis ako ng napakaraming paghihirap sa pananampalataya sa diyos nitong mga nakaraang taon, pero ano ang napala ko? Kung hindi ako nanampalataya sa Diyos, baka naging isa na akong opisyal, kumikita ng pera, at namumuhay ng marangyang buhay! Pagkatapos manampalataya sa Diyos hanggang ngayon, nakararamdam pa nga ako ng pagsisisi—kung alam ko lang na magiging ganito ito, matagal na sana akong umalis! Anong silbi ng pag-unawa sa katotohanan? Mapapakain ka ba niyan o mababayaran ba niyan ang mga gastusin?” Kita mo? Hindi lang sa wala silang pagsisisi, kundi pakiramdam pa nila na masuwerte sila na magawang iwan ang iglesia. Hindi ba't ito ang paglalantad ng kanilang tunay na mukha bilang mga hindi mananampalataya? (Oo.)
May mga tao na nakagawian nang maging pabasta-basta at gumawa ng mga walang ingat na maling gawa sa pagganap nila sa tungkulin. Pagkatapos mapaalis sa iglesia, kapag nakikita nila ang mga kapatid, tinitingnan nila ang mga ito na parang mga kaaway. Kahit na mabait na sinusubukan ng mga kapatid na makipag-usap sa kanila, binabalewala nila ang mga ito at tinitingnan ang mga ito nang may galit, sinasabing, “Kayo ang nagpaalis sa akin sa iglesia. Tingnan ninyo ako ngayon! Nasa mas mabuting kalagayan pa ako kaysa sa inyo! Ngayon, nakadamit ako nang marangya, isa akong makapangyarihang tao! Napakumportable kong nilalakbay ang mundo, at tingnan ninyo kung gaano kayo kagusgusin at kapagod ang itsura ninyo sa pananampalataya sa diyos! Patuloy kayong naghahangad na makamit ang katotohanan, pero sa tingin ko ay hindi kayo mas matalino kaysa sa akin! Ano ang napakabuti sa pagkakamit ng katotohanan? Makakain ba ito o magagastos na parang pera? Kahit hindi hinahangad ang katotohanan, medyo matiwasay pa rin akong nakapapamuhay, hindi ba? Mabuting kapalaran ko na pinaalis ninyo ako—dapat ko kayong pasalamatan para dito!” Mula sa mga salita nila, malinaw na mga hindi mananampalataya sila, at ang paggawa ng tungkulin nila ang nagbunyag sa kanila. Kaya ba ng isang walang pananampalataya na pasalita lang na nananampalataya sa Diyos na kusang-loob na gawin ang tungkulin niya? Ang paggawa ng tungkulin ng isang tao ay nangangahulugang pagtupad sa mga responsabilidad at obligasyon nang hindi tumatanggap ng sahod o kumikita ng pera. Itinuturing niya ito bilang isang kawalan, kaya ayaw niyang gawin ang tungkulin niya. Sa gayon ay nalalantad ang mga tunay na kulay niya bilang isang hindi mananampalataya; ganito ang paraan ng paglalantad at pagtatanggal ng gawain ng Diyos sa mga hindi mananampalataya. May ilang tao na palaging may pabasta-bastang saloobin kapag ginagawa ang tungkulin nila, nagpapaanod lang sa agos ng buhay araw-araw. Sa sandaling nakakuha sila ng pagkakataon na kumita ng pera o magkamit ng promosyon sa mundo, iniiiwan nila ang iglesia anumang oras—matagal na silang mayroon nitong layunin sa isipan nila. Kung maililipat sila sa isang ordinaryong iglesia dahil sa nakagawian na nilang maging pabasta-basta at gumagawa ng mga walang ingat na maling gawa habang ginagawa ang tungkulin nila, hindi lang sila hindi magninilay sa sarili nila, kundi iisipin din nilang, “Ang pag-aalis mo sa akin sa iglesia na may full-time na tungkulin ay isang kawalan para sa inyo at isang pakinabang para sa akin.” Sobrang nalulugod pa nga sila sa sarili nila. Hindi ba’t mga hindi mananampalataya ang gayong mga tao? Sabihin ninyo sa Akin, para sa mga hindi mananampalataya na inalis dahil lubos nilang ginambala at ginulo ang gawain ng iglesia sa pamamagitan ng mga walang ingat na maling gawa nila, naaayon ba ito sa mga prinsipyo para alisin sila nang ganito ng sambahayan ng Diyos? (Oo.) Ganap na naaayon ito sa mga prinsipyo; hindi ito pang-aagrabyado sa kanila kahit kaunti. Ang saloobin nila sa Diyos at sa paggawa ng tungkulin nila ay gayon na kaya nilang iwan at ipagkanulo ang mga ito anumang oras. Sapat na ito para patunayan na wala silang anumang interes sa mga positibong bagay sa puso nila. Nananampalataya na sila sa Diyos sa loob ng napakaraming taon at nakapakinig na sa napakaraming sermon, pero wala sa mga katotohanan ng pananampalataya sa Diyos o mga patotoong batay sa karanasan ng hinirang na mga tao ng Diyos ang makapagpapanatili sa kanilang puso. Walang kahit isa sa mga bagay na ito ang nakapupukaw sa interes nila, nakaaantig sa kanila, o nakakapagpalapit sa kanila. Ito ang diwa ng kanilang pagkatao, na wala talaga silang anumang interes sa mga positibong bagay. Kung gayon, ano ang pumupukaw sa interes nila? Interesado sila sa pagkain, pag-inom, pagsasaya, sa mga kaligayahan ng laman, sa masasamang kalakaran, at sa mga pilosopiya ni Satanas. Lalo silang interesado sa lahat ng negatibong bagay sa lipunan; sa katotohanan at mga salita ng Diyos lang sila hindi interesado. Iyon ang dahilan kung bakit kaya nilang iwan ang sambahayan ng Diyos anumang oras. Wala talaga silang anumang interes sa madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos o madalas na pakikipagbahaginan ng katotohanan sa mga pagtitipon ng sambahayan ng Diyos. Lalo nilang inaayawan ang paggawa ng tungkulin at iniisip pa nga nila na iyong gumagawa ng tungkulin nila ay mga hangal. Anong uri ng mentalidad at anong uri ng pagkatao ito? Wala silang interes sa katotohanan o sa kaligtasan ng Diyos para sa mga tao, at wala silang anumang kaugnayan sa buhay-iglesia. Bagaman hindi nila hayagang hinusgahan o kinondena ang mga salita ng Diyos, nakinig sila sa mga sermon sa loob ng ilang taon nang hindi nauunawaan nang kahit kaunti ang katotohanan—malinaw na ipinapakita nito ang isang problema. Walang tao na ayaw ang parehong positibong bagay at negatibong bagay nang sabay. Hangga’t ayaw mo ng mga positibong bagay, magiging lalong interesado ka sa mga negatibong bagay. Kung lalong interesado ka sa mga negatibong bagay, tiyak na hindi ka magiging interesado sa mga positibong bagay. Ang ganitong uri ng tao ay walang anumang interes sa mga positibong bagay, kaya walang anuman sa sambahayan ng Diyos ang nakararamdam sila ng kaugnayan, wala na gusto o inaasam nila. Ang masasamang kalakaran ng mundo, pera, kasikatan, kapakinabangan, posisyon sa gobyerno, pagyaman, at iba’t ibang popular na maling pananampalataya at panlilinlang ay ang pinakanakapupukaw sa interes nila. Nakatuon ang puso nila sa mundo, hindi sa sambahayan ng Diyos, kaya kaya nilang umalis anumang oras. Ang pag-alis sa sambahayan ng Diyos at pag-alis sa buhay-iglesia ay hindi nagdudulot sa kanila ng pagsisisi, hapis, o pasakit, kundi kabuuang ginhawa. Iniisip nila sa sarili nila, “Sa wakas, hindi ko na kailangang makinig sa mga sermon o magbahagi tungkol sa katotohanan araw-araw, hindi na ako kailangang mapigil ng mga bagay na ito. Ngayon, lakas-loob na akong makapaghahangad ng kasikatan at kapakinabangan, makapaghahangad ng pera, makapaghahangad ng magagandang babae, at makapaghahangad ng aking mga personal na kinabukasan. Sa wakas, lakas-loob na akong makapagsisinungaling at makapandaraya ng iba, makapagsasagawa ng mga plano at pakana, at makapagsasagawa ng lahat ng uri ng buktot na taktika nang walang alalahanin. Magagamit ko ang anumang paraan para makisalamuha sa mga tao!” Ang pakikinig sa mga sermon at pakikipagbahaginan ng katotohanan sa sambahayan ng Diyos ay napakasakit para sa kanila, at ang pag-alis sa sambahayan ng Diyos ay parang ginhawa. Ibig sabihin nito na ang mga positibong bagay na ito ay hindi ang mga bagay na kailangan ng puso nila. Ang kailangan nila ay ang lahat ng bagay ng mundo at lipunan. Mula rito, malinaw na ang dahilan ng pag-alis nila sa iglesia ay direktang nauugnay sa kanilang mga hangarin at kagustuhan.
Ano ang kalikasang diwa ng mga taong ito na kayang umalis sa sambahayan ng Diyos anumang oras? Nakikita ninyo na ba ito sa kung ano ito ngayon? (Oo. Sila ay ang uri ng mga tao na mga hindi mananampalataya. Karamihan sa mga taong ito ay mga hayop na muling isinilang, lahat sila ay mga naguguluhang indibidwal na walang utak o pag-iisip.) Tama iyan. Hindi nila nauunawaan ang mga usapin na may kinalaman sa pananalig. Hindi nila nauunawaan kung tungkol saan ba talaga ang buhay ng tao, kung anong landas ang dapat tahakin ng mga tao, kung anong mga bagay ang pinakamakabuluhang gawin, kung anong mga prinsipyo ng pagsasagawa ang dapat sundin pagdating sa pagiging isang tao, at iba pa, at ayaw rin nilang hanapin ang katotohanan para maunawaan ang mga ito. Ano ang gusto nilang hangarim? Buong araw umiikot ang isipan nila sa kung ano ang magagawa nila para magkamit ng mga kapakinabangan at magtamasa ng buhay na superyor sa iba. May ilang tao na nagsisimulang manampalataya sa Diyos habang nagtatrabaho sila sa mundo. Pero sa sandaling itinalaga sila sa mas mataas na posisyon bilang superbisor o manedyer, o maging isang boss, tumitigil silang manampalataya. Kapag nilalapitan sila ng mga kapatid, sinasabi nilang, “Ngayon ako ay isang tao na may katayuan at reputasyon, may katayuan sa lipunan. Ang manampalataya sa diyos kasama ninyo ay masyadong nakakahiya. Dapat kayong lumayo sa akin lahat, at huwag na akong hanapin muli! Puwede ninyo akong tanggalin o patalsikin kung gusto ninyo. Anuman ang kaso, tapos na ang kabanata ko ng pananampalataya sa diyos, at wala na akong kinalaman sa inyo!” Nakikita ninyo ba kung ano ang sinasabi nila? Anong uri ng tao sila? Lalapitan ninyo pa rin ba sila? (Hindi.) Prangka nilang sinabi ito, pero nanghihinayang pa rin ng ilang lider ng iglesia kapag nakikita silang umaalis at ilang beses silang nilalapitan para hikayatin sila: “Mayroon kang gayong kahusay na kakayahan, at naging lider at manggagawa ka pa. Dahil lang hindi ka naghangad ng katotohanan kaya tinanggal ka. Kung masikap mong hahangarin ang katotohanan, tiyak na maliligtas ka, at balang araw, tiyak na magiging haligi ka, isang sandigan sa sambahayan ng Diyos!” Habang mas sinasabi ng mga lider ang mga bagay na ito, mas lalong inaayawan ang mga ito ng kabilang panig. May ilang lider ng iglesia na may magulong isipan at walang pagkilatis; itinalaga ang taong ito sa mas mataas na posisyon sa mundo, pero naiinggit pa rin dito ang mga lider na ito at gustong bumuo ng mga pakikipag-ugnayan dito—hindi ba’t nagpapakita ito ng kawalan ng paggalang sa sarili? Ang mga taong nakauunawa sa katotohanan ay kayang makita nang malinaw ang usaping ito: Ang maitalaga sa mas mataas na posisyon sa lipunan ay hindi isang magandang palatandaan; hindi ito ang tamang landas na dapat tahakin ng isang tao! May ilang tao na tumitigil sa pananampalataya sa Diyos sa sandaling makapagkamit sila ng kaunting katayuan sa lipunan—ibinubunyag lang sila nito at pinatutunayang hindi sila mga tao na taos-pusong nananampalataya sa Diyos o nagmamahal sa katotohanan. Kung mga taos-pusong mananampalataya sila, kahit pa itinalaga sila sa mas mataas na posisyon at may magandang kinabukasan sa lipunan, hindi pa rin nila iiwan ang Diyos. Ngayong ipinagkanulo nila ang Diyos, kailangan pa ba ng iglesia na makipag-ugnayan at gumawa sa kanila? Hindi na kailangan, dahil nabunyag na sila bilang mga hindi mananampalataya. Sa hindi pananampalataya sa Diyos, sila ang talo—wala lang talaga silang pagpapala. Mga kaawa-awang nilalang lang sila: kung ipipilit mo pa ring hikayatin sila na manampalataya sa Diyos, hindi ba’t kahangalan iyon? Habang mas sinisikap mong hikayatin sila na manampalataya sa Diyos nang ganito, mas bababa ang tingin nila sa iyo. Iniisip nila na ang lahat ng nananampalataya sa Diyos ay mga tao na may mababang katayuan sa lipunan at na walang kakayahan. Kaya’t lalo silang mapagmataas at makasarili, tinitingnan ang lahat ng tao nang may paghamak. Kung may magpapakita ng malasakit o nag-aalala sa kanila, tinitingnan nila ito bilang pagtatangka na sumipsip sa kanila. Anong uri ng mentalidad ito? Kawalang kakayahan ito na makita nang tama ang mga kapatid. Sila ba ay mga taong taos-pusong nananampalataya sa Diyos? Kapag nakatatagpo ng ganitong uri ng tao, dapat mo silang tanggihan. Sa sandaling sinabi nila, “Senior supervisor ako ngayon. Huwag ninyo na akong puntahan ulit. Kung patuloy ninyo akong lalapitan, kakalabanin ko kayo! Lalong huwag kayong pumunta sa kumpanya ko at ipahiya ako—wala akong kinalaman sa mga taong nananampalataya sa diyos!”—kapag sinabi nila ang mga salitang ito, dapat umalis kayo kaagad, tanggalin sila, at huwag nang makipag-ugnayan muli sa gayong uri ng tao kailanman. Natatakot silang sasamantalahin natin ang tagumpay nila; kaya’t kailangan nating magkaroon ng kaunting kaalaman sa sarili. Umuunlad at umaangat sila sa mas matataas na antas; mas mataas ang antas nila kaysa sa atin. Mga karaniwang tao lang tayo, mga tao na nasa ilalim ng lipunan. Hindi natin dapat tangkaing bumuo ng mga pakikipag-ugnayan sa kanila—huwag ninyong ibaba ang sarili ninyo nang ganyan! May mga tao rin na mas nakatatanda at may mga anak na bumibili ng mamahaling bahay sa lungsod. Paglipat nila, naglalaho silang parang bula sa mga kapatid, sinasabing, “Huwag ninyo na akong puntahang muli. Galing kayong lahat sa kabukiran. Kung pupuntahan ninyo akong muli, iisipin ng mga tao na mula rin ako sa kabukiran, na may mga kamag-anak akong taga-bukid. Magiging sobrang kahiya-hiya niyon! Alam ninyo ba kung anong uri ng tao ang anak ko? Mapera siya, isang mayamang tao, isang taong kilala sa publiko! Kung patuloy kayong makikipag-ugnayan sa akin, hindi ba magiging kahiya-hiya iyon sa anak ko? Kaya’t huwag ninyo akong puntahan muli sa hinaharap!” Pagkasabi nila ng mga salitang ito, sumagot lang kayo ng, “Dahil ganito ang saloobin mo, nauunawaan namin. Kung gayon ay hinahangad namin ang iyong kaligayahan at kagalakan!” Sa sandaling iyon, kung magsasalita ka pa ng isa pang salita, magmumukha kang hangal at mababa. Pinakamainam na umalis na lang kaagad. Huwag na huwag ninyong piliting kumbinsihin ang mga hindi mananampalataya—kahangalang pag-uugali lang iyon. Nauunawaan ba ninyo? (Oo.) Gaano ba kahangal ang ilang tao? Sinasabi nila, “Ang anak ng taong iyon ay mayaman, isang maperang tao na may katayuan sa lipunan. May koneksiyon pa nga siya sa mga opisyal ng gobyerno. Kung hihikayatin natin silang patuloy na manampalataya sa Diyos, puwede pa ngang makapag-host ang pamilya nila sa mga kapatid!” Ano ang palagay ninyo sa ideyang ito? Kung iisipin ninyo ang tungkol dito mula sa perspektiba ng pagiging mapagsaalang-alang sa gawain ng iglesia, mapagsaalang-alang sa mga kapatid, at isinasaalang-alang ang kaligtasan, ganap na naaangkop ito. Pero kailangan mong makita kung taos-puso ba silang nananampalataya sa Diyos. Kung ayaw nilang manampalataya sa Diyos at ayaw nilang makipag-ugnayan sa mga kapatid, pero gusto mo pa ring hikayatin sila na manampalataya sa Diyos, hindi ba’t kahangalan iyon? Huwag mong gawin ang mga bagay na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa sarili. Mayroon tayo ng proteksiyon ng Diyos at paggabay sa pananampalataya sa Diyos. Anuman ang kapaligirang pinaninirahan natin, ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Anuman ang paghihirap na tinitiis natin, dapat tayong mamuhay nang may dignidad. May ilang tao na naiinggit pa nga sa taong ito na umalis sa sambahayan ng Diyos, sinasabing may kakayahang ito—tama ba ang pananaw na ito? Paano natin dapat tingnan ang usaping ito? Nang lumipat sila sa isang malaking bahay, tumigil silang manampalataya sa Diyos. Sa lipunan, mayroon silang katayuan at reputasyon, at sa puso nila, tinitingnan nila ang mga kapatid bilang mga tao sa kailaliman ng lipunan na hindi karapat-dapat na makipag-ugnayan sa kanila. Kaya, dapat na mayroon tayong kaalaman sa sarili at huwag tangkaing bumuo ng mga pakikipag-ugnayan sa gayong mga tao o makibagay sa kanila, tama? (Oo.)
Para sa iyong mga kayang iwan ang sambahayan ng Diyos anumang oras, mga hindi mananampalataya man sila o mga tamad lang, nananampalataya man sila sa Diyos para magkamit ng mga pagpapala o para makaiwas sa mga sakuna—anuman ang sitwasyon—hangga’t kaya nilang iwan ang sambahayan ng Diyos anumang oras, at pagkatapos nilang umalis, inaayawan nila ang mga kapatid na nakikipag-ugnayan sa kanila, at lalo pang inaayawan ang tulong at suporta ng mga kapatid, nagpapakita ng pagkamapanlaban sa sinumang nagbabahagi ng katotohanan sa kanila, hindi kailangang pansin ang gayong mga tao. Kung matutuklasan ang mga ganitong uri ng mga hindi mananampalataya, dapat silang ilantad at paalisin sa napapanahong paraan. Puwedeng hindi mahal ng ilang tao ang katotohanan, pero gusto nilang maging mabuting tao at matamasa ang mamuhay kasama ng mga kapatid; pinasasaya sila nito, at bukod pa riyan iniiwasan nilang mamaltrato sila. Sa puso nila, alam nilang nananampalataya sila sa tunay na Diyos at handa silang masipag na magtrabaho. Kung may ganitong uri ng saloobin talaga sila, sa palagay ninyo ba dapat pa silang pahintulutang patuloy na gawin ang tungkulin nila? (Oo.) Kung handa silang magtrabaho at hindi nanggugulo o nanggagambala, makapagpapatuloy sila sa pagtatrabaho. Pero kung isang araw ay ayaw na nilang magtrabaho at gustong iwan ang sambahayan ng Diyos, sinasabing: “Lalabas ako para subukang magtagumpay sa mundo. Hindi na ako mananampalataya sa diyos kasama ninyo. Hindi massaya rito, at minsan, kapag pabasta-basta ako sa paggawa ng aking tungkulin, napupungusan ako. Mahirap talaga rito, gusto ko nang umalis”—dapat pa bang hikayating manatili ang gayong uri ng tao? (Hindi.) Puwede lang natin silang tanungin ng: “Napag-isipan mo na ba ito nang mabuti?” Kung sasabihin nilang, “Matagal ko nang napag-isipan ang tungkol dito,” puwede mong sabihin, “Kung ganoon, hinahangad namin ang pinakamabuti para sa iyo. Ingat, at paalam!” Ayos ba ang ganitong diskarte? (Oo.) Ano sa tingin ninyo ang uri ng mga taong ito? Sila ang uri na iniisip na nakahihigit sila sa karaniwan, at na nasusuklam sa mundo at mga paraan nito, madalas na bumibigkas ng mga berso mula sa mga sikat na tao, tulad ng, “Pinapagaspas ko ang aking manggas, nang walang natatangay ni isang hibla ng ulap.” Iniisip nilang pinanatili nilang dalisay ang sarili nila at hindi sila akma sa mundong ito, at gusto nilang maghanap ng aliw sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos. Palagi nilang tinitingnan ang sarili nila bilang isang pambihirang tao, pero sa katunayan, sila ang pinakakaraniwan sa mga tao, nabubuhay para lang sa pagkain, pag-inom, at pagsasaya. Wala silang tunay na mga kaisipan at walang tunay na mga hangarin. Tinitingnan nila ang sarili nila bilang isang matayog na tao, na para bang walang makauunawa sa mga kaisipan nila o makasasabay sa paraan nila ng pag-iisip. Tinuturing nilang mas mataas ang sarili nilang mental na pananaw kaysa sa karaniwan tao, sinasabi ang mga bagay tulad ng: “Mga karaniwang tao kayong lahat, pero tingnan ninyo ako—iba ako. Kung tatanungin mo ako kung saan ako nagmula, sasabihin ko sa iyo na malayo ang aking bayan.” Sinabi ba nila sa iyo kung saan sila nagmula? Alam ba mo kung saan ang “malayong” lugar na ito? Ang mga taong kayang iwan ang iglesia anumang oras ay eksaktong ganitong uri. Pakiramdam nila na walang lugar ang makapagpapasaya sa kanila at palagi nilang iniisip ang tungkol sa ilang hindi makatotohanan, malabo, at hindi tunay na mga bagay. Hindi sila nakatuon sa realidad at hindi nila nauunawaan kung tungkol saan ang buhay ng tao o kung anong landas ang dapat piliin ng mga tao. Hindi nila nauunawaan ang mga bagay na ito—mga kakaibang tao lang sila. Kung ang ganitong uri ng tao ay nakapagdesisyon nang iwan ang iglesia at sinasabing pinag-isipan na niya ito nang matagal na panahon, hindi na siya kailangang hikayating manatili. Huwag nang magsalita pa ng kahit isang salita—tanggalin na lang siya, at tapos na iyon. Ganito dapat pangasiwaan ang gayong mga tao; naaayon ito sa prinsipyo ng kung paano dapat tratuhin ang mga tao. Dito nagtatapos ang pagbabahaginan tungkol sa iyong mga kayang iwan ang iglesia anumang oras.
J. Nag-aalinlangan
Ang ikasampung pagpapamalas ay “Nag-aalinlangan.” Anu-ano ang partikular na pagpapamalas na ipinapakita ng mga taong nag-aalinlangan? Una sa lahat, ang pinakamalalaking pagdududa na mayroon ang mga taong ito tungkol sa pananampalataya sa Diyos ay: “Tunay bang umiiral ang Diyos? Mayroon bang espirituwal na mundo? Mayroon bang impiyerno? Ang mga salitang ito ba na sinabi ng Diyos ang katotohanan? Sinasabi ng mga tao na ang taong ito ay ang diyos na nagkatawang-tao, pero wala akong nakitang anumang aspekto na nagpapakita na siya ay ang diyos na nagkatawang-tao! Kaya, nasaan ba eksakto ang espiritu ng diyos? Umiiral ba talaga ang diyos o hindi?” Hindi nila kailanman maunawaan nang malinaw ang mga tanong na ito. Nakikita nilang maraming tao ang nananampalataya sa Diyos at iniisip, “Marahil ay umiiral ang Diyos. Malamang sa umiiral Siya. Sana umiiral Siya. Hindi naman nagdulot sa akin ng anumang kawalan ang pananampalataya sa diyos, walang sinumang nangmaltrato sa akin. Narinig ko na ang paggawa ng tungkulin ay makapaghahatid ng mga pagpapala at magandang destinasyon, at gagawin nitong hindi ako mamamatay sa hinaharap. Kaya siguro susunod na lang ako at mananampalataya.” Pagkatapos manampalataya sa loob ng ilang panahon, nakikita nila na ang ibang tao ay dumaraan sa mga pagsubok at paghihirap, kaya nagsisimula silang mag-isip: “Hindi ba’t dapat na maghatid ng mga pagpapala ang pananampalataya sa diyos? May ilang tao na malubhang nagkasakit at namatay, may ilang inaresto at inusig hanggang kamatayan ng malaking pulang dragon, at may iba na nagkasakit o nagkaroon ng sakuna sa pamilya nila habang gumagawa sila ng tungkulin. Bakit hindi sila pinrotektahan ng diyos? Kaya, talaga bang umiiral and diyos o hindi? Kung umiiral siya, hindi dapat nangyari ang mga bagay na ito!” May ilang tao na may mabuting layunin na nagbabahagi ng katotohanan sa kanila, sinasabing: “Ang Diyos ay kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay, at ang tadhana ng tao ay pinamamatnugutan ng Diyos. Dapat tanggapin ng mga tao ang mga bagay na ito mula sa Diyos at ibigay ang sarili nila sa pamamatnugot ng Diyos. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti.” Kung saan sinasabi ng mga nag-aalinlangang indibidwal: “Hindi ko makita kung ano ang mabuti rito! Ang pagdurusa ng mga sakuna—mabuti ba iyon? Ang malubhang pagkakasakit o isang walang lunas na sakit—mabuti ba iyon? Mas masahol pa ang mamatay. Umiiral ba ang diyos o hindi? Hindi ko alam.” Palagi silang napupuno ng mga pagdududa tungkol sa Diyos. Kapag nakikita nila ang maraming tao na gumagawa ng tungkulin, ang gawain ng sambahayan ng Diyos na lumalaganap nang lumalaganap, at ang iglesia ay umuunlad araw-araw, nararamdaman nilang malamang sa umiiral ang Diyos. Lalo na kapag naririnig nila ang mga kapatid na nagpapatotoo sa mga palatandaan at kababalaghang ipinakita ng Diyos at biyayang natanggap nila mula sa Diyos, mas lalong tumitindi ang pakiramdam ng mga nag-aalinlangang indibidwal na ito na: “Talagang umiiral ang Diyos! Bagaman hindi nakikita ng mga tao ang espiritu ng diyos, ang mga salitang binigkas ng Diyos na nagkatawang-tao ay narinig ng mga tao, at narinig ko na rin ang napakaraming tao na nagbahagi ng mga salita ng diyos at dumanas ng mga salita ng diyos. Kaya, talagang malamang sa umiiral ang diyos!” Kapag ang iglesia ay yumayabong, ang lahat ay umuusad nang maayos para dito, umuunlad ito, ang gawain ng iglesia ay lumalaganap nang lumalaganap, at lalo kapag nakararanas ang mga kapatid ng ilang espesyal na sitwasyon at espesyal na mga usapin at nakikita ang proteksiyon, kataas-taasang kapangyarihan, at pamumuno ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito, nararamdaman nilang umiiral ang Diyos at tunay na mabuti ang Diyos. Pero pagkatapos ng ilang panahon, puwede silang makaranas ng mga kabiguan at pagsubok, may ilang puwedeng makaranas ng mga pagkabigo at balakid, o puwedeng tanggalin ng sambahayan ng Diyos ang ilan sa mga tao; ang mga bagay na ito, partikular iyong huli, ay lubos na sumasalungat sa kanilang mga pananaw at lampas kaysa sa mga inaasahan nila. Nararamdaman nila, “Kung umiiral ang diyos, paanong nangyayari ang mga bagay na ito? Hindi dapat nangyayari ang mga ito! Normal lang na mangyari ang mga bagay na ito sa mga walang pananampalataya, pero paanong nangyayari din ang mga ito sa sambahayan ng diyos? Kung umiiral ang diyos, dapat ayusin niya ang mga bagay na ito at pigilan na mangyari ang mga bagay na ito, dahil siya ay makapangyarihan sa lahat, may awtoridad, at may kapangyarihan! Umiiral ba talaga ang diyos o hindi? Hindi nakikita ng mga tao ang espiritu ng diyos. Tungkol naman sa mga salitang sinabi ng diyos na nagkatawang-tao, sinasabi ng lahat ng tao na ang mga ito ang katotohanan, ang daan, at na puwedeng maging buhay ang mga ito ng tao. Pero bakit hindi ko nararamdamang katotohanan ang mga ito? Matagal na akong nakinig sa mga sermon, pero hindi naman talaga nagbago ang buhay ko! Lubos akong nagdusa—ano ba ang napala ko?” Nagsisimula silang magkaroon ng mga pagdududa tungkol sa Diyos, at ang sigla nila sa paggawa ng tungkulin nila ay nababawasan at lumalamig. Pagkatapos ay naiisip nilang iwan ang sambahayan ng Diyos para magtrabaho at kumita ng pera para mamuhay ng disenteng buhay—nagsisimulang lumitaw ang mga aktibong kaisipan na ito. Iniisip nila: “Kung ang diyos na pinananampalatayaan ko ay hindi ang tunay na diyos, ang hindi ko pagtratrabaho o pagkita ng pera ng lahat ng taong ito habang nananampalataya sa Diyos ay magiging isang napakalaking kawalan! Hindi, mali ang ganitong pag-iisip. Kailangan ko pa ring manampalataya nang maayos. Narinig kong sinasabi ng mga tao na ang pagbabasa ng mga salita ng diyos ay magbibigay-kakayanan sa isang tao na maunawaan ang katotohanan, malutas ang lahat ng problema, at hindi na maging mahina. Pero binasa ko na ang mga salita ng diyos at hindi ko pa rin nauunawaan ang katotohanan. Bakit negatibo pa rin ang pakiramdam ko? Bakit palagi kong nararamdaman na parang wala akong enerhiya para gawin ang tungkulin ko? Hindi gumagawa ang Diyos sa akin! Napakarami kong paghihirap, pero hindi pa binuksan ng diyos ang daan palabas para sa akin. Kaya, umiiral ba talaga ang Diyos o hindi? Kung ito ang tunay na daan, dapat pagpalain ng Diyos ang mga taong gumagawa ng tungkulin nila ng kapayapaan, kaayusan, at pagiging normal. Kaya bakit may gayon kalalaking paghihirap pa rin sa pangangaral ng ebanghelyo at paggawa ng tungkulin? Bagaman alam kong nahuhuli ang relihiyosong komunidad, at ang pananampalataya sa makapangyarihang diyos ay papasok na sa Panahon ng Kaharian, bakit hindi ko nakikita kung paano gumagawa ang banal na espiritu?” Anong uri ng mga tao ang mga ito? Sila ay mga tao na walang espirituwal na pang-unawa. Binabasa nila ang mga salita ng Diyos pero hindi nauunawaan ang katotohanan. Gaano man karaming katotohanan ang pinagbabahaginan, hindi nila kayang maarok ang kahulugan nito. Palagi nilang tinitingnan ang mga bagay-bagay batay sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, at palagi silang puno ng mga pagdududa tungkol sa Diyos. Paano posibleng maunawaan ng gayong tao ang katotohanan? Nakikita ng ilang tao na ang pangangaral ng ebanghelyo ay medyo mahirap, kaya naiisip nila: “Kung ito ang tunay na daan, gagawa nang husto ang banal na espiritu. Saanman pumunta ang mga kapatid para mangaral ng ebanghelyo, magiging maayos at walang sagabal ito. Mas lalo pa, ang mga opisyal ng gobyerno ay magsisimula ring manampalataya at pahihintulutan ang lahat ng bagay. Ito talaga ang magiging gawain ng tunay na diyos. Pero ngayon, kung titingnan natin ang mga katunayan, hindi talaga iyon ang kaso. Hindi lang sa hindi nananampalataya ang mga pangulo at opisyal sa iba’t ibang bansa, kundi hindi rin nila sinusuportahan ang pananampalataya sa diyos. Sa ilang bansa, inuusig pa nga ng mga gobyerno ang mga mananampalataya at hinahadlangan ang mga tao na manampalataya sa diyos. Kaya, ang diyos ba na pinanampalatayaan natin ang tunay na diyos? Hindi ko alam; mahirap sabihin.” Mayroon palaging isang malaking tandang pananong sa puso nila. Sa tuwing may naririnig silang anumang uri ng balita, parang isang “lindol” ito sa kanila na may epektong hindi gaanong malaki o kapansin-pansin, na nagdudulot sa kanilang mag-alinlangan. Sinasabi ng ilang tao na: “Dahil ba ito sa nanampalataya sila sa Diyos sa maikling panahon lang kaya palagi silang nag-aalinlangan?” Hindi iyon ang kaso—may ilang tao na nanampalataya na ng tatlong taon, limang taon, o maging higit pa sa sampung taon. Maituturing bang maikling panahon iyon? Kung may isang tao na nanampalataya sa Diyos sa loob ng tatlo o limang taon noong gawain ng Panahon ng Biyaya, hindi ito matuturing na mahaba, dahil hindi nila narinig ang mga pagpapahayag at mga salita ng Diyos sa mga huling araw; naunawaan lang nila ang kaunting kaalaman sa Bibliya at teoryang espirituwal mula sa Bibliya at mula sa mga sermon ng mga tao. Napakaliit niyon na makamit. Iba ito kapag tinanggap ng isang tao ang gawain ng kasalukuyang yugtong ito—basta’t ginagawa niya ang kanyang tungkulin at sumusunod sa Diyos nang tatlong taon, ang nararanasan, nauunawaan, at nakakamit niya ay lumalampas pa sa mga puwedeng nakamit ng isang tao mula sa pananampalataya sa Panginoon sa loob ng dalawampu 0 tatlumpung taon, o maging sa habang buhay, sa Panahon ng Biyaya. Pero ang mga taong ito na nag-aalinlangan, kahit pagkatapos manampalataya sa loob ng tatlo, lima, o maging higit pa sa sampung taon, ay hindi pa rin natutukoy kung ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay ginawa ng Diyos o hindi, at may mga pag-aalinlangan pa nga sila tungkol sa pag-iral ng Diyos. Masasabi mo ba na masyasdong mapanggulo ang gayong mga tao? May kakayanan ba silang maarok ang katotohanan? (Wala.) May paraan ba sila ng pag-iisip ng normal na pagkatao? (Wala.) Hindi nila maarok ang katotohanan. Anumang sitwasyon ang lumilitaw sa iglesia, palagi itong nakapagdudulot sa kanila na mag-alinlangan—patuloy na pinupukaw ng tandang pananong sa puso nila ang mga “lindol” para sa kanila. Kung nagdudulot ang mga anticristo ng mga kaguluhan sa iglesia at nalilihis ang ilang tao, o kung may isang tao na iniidolo nila ang gumagawa ng isang bagay na hindi nila inaasahan—tulad ng pagnanakaw ng mga handog o pakikisali sa masasamang gawain—at pinaaalis, nagdudulot ito sa puso nila na mag-alinlangan, at nagsisimula silang magduda sa Diyos: “Hindi ba’t ito ang daloy ng gawain ng Diyos? Kung gayon ay paanong nangyayari ang gayong mga labag-sa-batas na bagay sa iglesia? Paanong pinahihintulutan ng Diyos ang pagpapakita ng mga anticristo at masasamang tao? Ito ba talaga ang tunay na daan?” Ang lahat ng nangyayari sa iglesia na salungat sa kanilang mga kuru-kuro ay nagdudulot sa kanila na magkaroon ng mga pagdududa at magsimulang kuwestiyunin kung ito ba ang tunay na daan, kung gawain ba ito ng Diyos, at kung talagang umiiral ba ang Diyos. Sadyang hindi nila hinahanap ang katotohanan para makita nang tama ang mga bagay-bagay. Ito pa lang ay sapat na para patunayan na mula simula hanggang wakas, hindi talaga sila kailanman nanampalataya sa yugtong ito ng gawain na ginawa ng Diyos. Mula simula hanggang wakas, hindi nila kailanman nalaman kung ano ang katotohanan, ni kung bakit ipinahahayag ng Diyos ang katotohanan. Ang Diyos ay nagsabi ng napakaraming salita at gumawa ng napakaraming gawain—ang lahat ng ito ay gawa ng Diyos. Napakaraming tao ang nagpatunay at naging sigurado tungkol dito, pero tumatanggi silang tingnan ang mga usaping ito dahil sa mga bagay na ito. Palagi nilang ginagamit ang mga perspektiba ng tao at pag-iisip ng tao para gumawa ng mga paghuhusga—masyado silang nagtitiwala sa sarili nila. Kapag may ilang butas o paglihis sa gawain ng iglesia o sa buhay-iglesia, o kapag ang iglesia ay pinipigilan at inuusig ng gobyerno, nagsisimula muli silang manguwestiyon: “Ito ba talaga ang tunay na daan?” Kapag nagpapakita ang mga anticristo at huwad na lider sa iglesia, nagsisimula rin silang manguwestiyon. Sinasabi nila: “Tingnan iyong mga pastor at nakatatanda sa mga relihiyosong iglesia—talagang mahal nila ang Panginoon, at walang anumang insidente ng anticristo sa mga iglesia nila. Ngayon, iyon ang tunay na daan. Kung ang mayroon kayo dito ay ang tunay na daan, bakit nangyayari pa rin ang mga bagay na ito?” Ganito sila gumagawa ng mga pagkukumpara. At paano gumagawa ang iba pang mga hangal ng pagkukumpara? Sinasabi nila: “Tingnan ninyo iyong mga taong nananampalataya sa diyos sa Tatlong-Sariling Iglesia—mayroon silang pagsang-ayon mula sa estado, at naglalabas pa nga ang estado ng mga sertipiko at pinagkakalooban sila lupa para magtayo ng mga iglesia. Lahat ng ito ay lehitimo at legal. Mayroon ba kayong pampublikong iglesia? Rehistrado ba ang inyong mga iglesia? Nagtatalaga pa nga ang estado ng mga pastor sa mga Tatlong-Sariling Iglesia, at may mga lisensya ang mga pastor na iyon. May mga lisensya ba ang mga lider at manggagawa ninyo? Hindi kayo pinahihintulutan ng estado na manampalataya sa diyos; inaaresto at inuusig kayo nito. Ni wala kayong pirmihang lugar para sa mga pagtitipon; palagi kayong nagtitipon nang lihim. Ito ba talaga ang tunay na daan? Kung ito ang tunay na daan, bakit palagi kayong palihim na nagtitipon at gumagawa ng inyong tungkulin?” Hindi nila makilatis maging ang usaping ito. Ang anumang sitwasyon ay makapagdudulot sa kanila na mag-alinlangan at magkaroon ng mga pagdududa tungkol sa Diyos. Sabihin ninyo sa Akin, kaya bang manindigan ng isang taong tulad nito? (Hindi.) Bagaman hindi niya hayagang iniwan ang iglesia, nasa bingit siya ng panganib sa kanilang puso. Hindi siya kailanman makasisiguro tungkol sa gawain ng Diyos at mga katotohanang ipinahayag ng Diyos, at palagi siyang kalahating naniniwala, kalahating nagdududa; ginagawa nitong imposibleng magkaroon siya ng tunay na pananalig. Hindi niya nakikita na lahat ng pag-uusig, pagsupil, at pang-aaresto na nangyari sa mga taong ito ng gawain ng Diyos ay nasa ilalim lahat ng pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Kaya, may mga kuru-kuro siya at nagagawang kuwestiyunin kung puwede bang maging kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng bagay. Palagi siyang naniniwala na ang lahat ng gawain sa sambahayan ng Diyos ay gawa ng tao, dahil hindi niya nakikita kahit ang pinakamaliit na palatandaan ng mga gawa ng Diyos. Hindi ba siya isang hindi mananampalataya? Kung ang gayong tao ay bago pa lang na nananampalataya nang anim na buwan o isang taon at hindi pa malinaw na naaarok ang iba't ibang katotohanan, kauna-unawa para sa kanya na magkaroon ng mga pagdududa at mag-alinlangan kapag nakakikita siya ng mga bagay-bagay na salungat sa mga kuru-kuro niya. Pero may ilang tao na nanampalataya na sa Diyos ng ilang taon, nakinig sa maraming sermon, at nabahaginan sila ng katotohanan tuwing nakararanas sila ng mga pagsubok. Sa panahong iyon, naunawaan nila ang narinig nila mula sa doktrina. Pero pagkatapos, kapag naharap muli sa mga usapin, kinukuwestiyon pa rin nila ang Diyos at ang gawain ng Diyos. Ipinakikita nito na ang gayong mga tao ay walang kakayanang maarok ang katotohanan, wala silang pag-iisip ng normal na pagkatao, at hindi sila umaabot sa pamantayan ng pagiging tao.
Paano dapat pangasiwaan ang mga tao na nag-aalinlangan? Pagdating sa pagkatao, hindi katumbas ng mga taong ito ang masasamang tao, pero mapanggulong uri talaga sila ng mga tao, dahil wala silang kakayanang maarok ang katotohanan at wala silang pag-iisip na naaayon sa normal na pagkatao. Ang pinakamahalaga, hindi nila kayang makumpirma ang maraming katotohanan na ipinahayag ng Diyos, ni hindi nila alam kung ang mga salitang ito ang katotohanan, o kung ang mga ito ba ay pagpapahayag ng Diyos at gawain ng Diyos. Batay sa kakayanan nilang makaarok, anong uri ng mga tao sila? Tamang sabihin na mga hindi mananampalataya sila, at tama ring tawagin silang mga tao na magulo ang isip. Bagaman ang mga ganitong uri ng tao ay hindi nakagawa ng anumang malinaw na kasamaan at hindi kuwalipikado bilang masasamang tao, dahil ganito kagulo ang isipan nila at kayang gumawa ng maraming bagay na nakagagambala at nakagugulo, hindi ba’t mga walang kuwentang tao sila? (Oo.) Gaano katagal man silang nanampalataya sa Diyos o gaano karaming sermon man ang napakinggan nila, hindi nila kailanman kayang maunawaan ang katotohanan. Hindi man lang nila kayang kumpirmahin ang pag-iral ng Diyos o kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Anong uri ng kakayanan ito? Ang mga taong ito ay ganap na walang kakayanang maarok ang katotohanan. Sila ay mga tao na may napakababang kakayanan; o puwede mo ring sabihin na wala talaga silang kakayanan—sila ay mga walang utak na walang kuwentang tao. Sabihin mo sa Akin, anong kayang gawin ng mga walang kuwentang tao? (Wala silang kayang gawing anumang tungkulin.) Hindi nila kayang gumawa ng anumang tungkulin at palagi silang nagdududa at nag-aalinlangan. Kaya, paano dapat tratuhin at pangasiwaan ang mga ganitong tao? Ang pinakamainam na paraan para pangasiwaan ang gayong mga tao ay ang huwag silang hayaang gumawa ng anumang tungkulin. Kahit hilingin pa nilang gumawa ng tungkulin, hindi sila dapat pahintulutan. Bakit hindi? Dahil kapag ang mga ganitong tao ay nagsimulang gumawa ng tungkulin, lalo na kapag nagtiis sila ng paghihirap at nagbayad ng kaunting halaga, balang araw ay gugustuhin nilang makipagkuwentahan sa sambahayan ng Diyos. Kung sila ay maaaresto o mahaharap sa mga natural na sakuna o mga kalamidad na gawang tao, pagsisisihan nilang hindi nila iginugol ang sarili nila sa Diyos; marahas silang magrereklamo, at magpapalaganap ng mga pahayag tulad ng: “Labis akong nagdusa para sa gawain ng iglesia at para sa paggawa ng aking tungkulin. Mas kaunti ang kinain ko, mas kaunti ang itinulog ko, at mas kaunti ang kinita kong pera. Kung hindi ko ginawa ang tungkulin, nakapaglagay sana ako ng kinita kong pera sa bangko, at kumita sana ito ng interes! Humarap ako sa napakaraming panganib—magkano ba ang halaga ng bawat oras ng panganib? Magkano ba ang bayad sa pagtatrabaho?” Susubukan nilang makipagkuwentahan sa sambahayan ng Diyos at magbabanta pa nga na kung hindi sila babayaran ng sambahayan ng Diyos, iuulat nila ito. Hindi ba’t magdudulot ng walang katapusang problema ang pagpapahintulot sa mga ganitong tao na gumawa ng tungkulin? Ang pangangasiwa sa gayong mga kabababang tao ay magdudulot ng isang komplikasyong imposibleng lutasin. Gaano karaming bagay man ang pinangangasiwaan nila para sa iglesia, nagtatago sila ng isang maliit na talaan sa puso nila, malinaw na tinatala ang bawat kuwenta. Anuman ang ginagawa nila para sa iglesia, hindi nila ito kailanman ginagawa nang kusang-loob. Dahil hindi sila kusang-loob sa paggawa, gusto nilang ayusin ang mga kuwenta. Bakit ganito? Ito ay dahil, sa puso nila, hindi nila tinatanggap ang pag-iral ng Diyos o naniniwala sa pag-iral ng Diyos. Hindi nila tinatanggap na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan o na ang gawain ng Diyos ay makapagliligtas sa mga tao. Kaya, anong uri ng gantimpala ang kakailanganin nila para makaramdam sila ng pagkakuntento matapos magbayad ng kaunting halaga, magdusa nang kaunti, magguguol ng kaunting pinagkukunang pantao at materyal para sa tinatawag na diyos na ginuguni-guni nila sa isipan nila? Kung wala silang natanggap na anumang kapalit, makukuntento ba sila? Kung isang araw ay mapagtanto nila na tinanggal sila dahil sa hindi paghahangad sa katotohanan, ano ang magiging mga kahihinatnan? Iisipin nila na niloko sila ng sambahayan ng Diyos, na niloko sila ng mga lider at manggagawa, at na pinanatili silang walang kaalam-alam at naging biktima ng isang panlilinlang. Pagkatapos, may mairereklamo na sila sa sambahayan ng Diyos at ihihingi ng kabayaran, walang katapusang pahahabain ang mga bagay-bagay. Sa palagay ninyo ba gugustuhin ng sambahayan ng Diyos na makisangkot sa gayong uri ng tao? Talagang hindi gagawa ang sambahayan ng Diyos ng isang bagay na napakahangal! Ang hinirang na mga tao ng Diyos ay gumagawa ng tungkulin nila para tuparin ang responsabilidad ng mga nilikha—ito ay ganap na sarili nilang desisyon, isang bagay na kusang-loob nilang ginagawa. Hindi kailanman pinupuwersa o pinipilit ng sambahayan ng Diyos ang sinuman. Pero kapag nagsimulang gumawa ng tungkulin ang mga hindi mananampalataya, hindi magtatagal ay lilitaw rin ang problema. Kapag masama ang timplada nila, tiyak na magsisimula silang magmaktol at magreklamo, sinasabi sa iba: “Napakahusay ninyong magsalita lahat at niloko ninyo ako, sinasabi na ang pananampalataya sa diyos ay magpapahintulot sa akin na magkamit ng katotohanan at buhay na walang hanggan. Pero wala sa inyo ang nagbanggit na magkakaroon pala ng mga anticristo sa iglesia na nanlilihis sa mga tao, masasamang tao na nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia, o na ang iglesia ay magpapaalis o magpapatalsik ng mga tao. Hindi ninyo kailanman sinabi sa akin na mangyayari ang alinman sa mga ito sa iglesia!” Babalikan ka pa nga nila at aakusahan ka, sinasabing: “Hindi mo ipinaliwanag nang malinaw ang mga bagay na ito sa akin. Sinundan lang kita sa pananampalataya sa Diyos at paggawa ng aking tungkulin. Bilang resulta, wala na akong kinabukasan sa mundo; hinadlangan ninyo ako sa pagkita ng malaking pera. Kailangan ninyo akong bayaran para sa mga kawalan ko!” Hindi ka ba nasusuklam kapag nagsisimula silang makipagkuwentahan sa iyo? Gusto mo bang makisangkot sa kanila? (Hindi.) Sino ba ang posibleng makapagpapaliwanag ng mga bagay-bagay sa mga ganitong tao? Hindi nila tinatanggap ang katotohanan, hindi nila nakikita ang pag-iral ng Diyos, at hindi nila nararamdaman ang pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan. Sabihin mo sa Akin, sino ang makapagsisiksik ng katotohanang ito sa isipan nila? Walang makagagawa nito. Wala silang kakayanang tumanggap ng katotohanan, kaya ang paghingi sa kanilang hangarin ang katotohanan ay lubos na magpapahirap ng mga bagay-bagay para sa kanila, maglalagay ito sa kanila sa alanganin—simpleng hindi makatotohanan ang paggawa nito. Nananampalataya sila sa Diyos para lang tumanggap ng mga pagpapala. Basta’t magawa nila ang kaunting tungkulin, humihingi na sila ng gantimpala. Kung hindi nila makukuha ang gusto nila, magsisimula silang magtapon ng masasakit na salita: “Niloko at dinaya ako! Manloloko kayong lahat!” Sabihin ninyo sa Akin, gugustuhin ninyo bang tiising matawag nang ganoon? (Hindi.) Sino ang nanloko sa kanila? Hindi ba’t sila mismo ang may mga ambisyon at pagnanais at gustong makatanggap ng mga pagpapala? Hindi ba’t kaya nga sila nanampalataya sa Diyos ay para mismo makatanggap ng mga pagpapala? Hindi sila nakatanggap ng mga pagpapala ngayon, pero hindi ba’t dahil iyon sa hindi sila naghahangad ng katotohanan? Hindi ba’t sarili nilang problema iyon? Ni hindi nga sila nananampalataya sa Diyos, pero gusto pa rin nilang tumanggap ng mga pagpapala mula sa Diyos—paanong magiging napakadali na tumanggap ng mga pagpapala? Hindi ba’t malinaw na ipinaliwanag ang mga usaping ito sa kanila bago pa sila magsimulang gumawa ng tungkulin? (Oo.) Pero makapangangatwiran ka ba sa kanila? Hindi mo kayang gawin iyon—sasabihin lang nila na niloko mo sila. Sabihin mo sa Akin, sa sambahayan ng Diyos, gaano katagal mang nanampalataya ang mga kapatid sa Diyos, sino sa kanila ang hindi boluntaryong gumagawa ng tungkulin? Bagaman may mga bihirang kaso kung saan hindi nananampalataya ang mga bata sa Diyos at hinahatak ng kanilang mga magulang o kamag-anak na manampalataya at gumawa ng tungkulin, sobrang kakaunti lang ng mga ganitong kaso. Kahit na hatakin ka pa ng iyong mga magulang, para ito sa iyong sariling kabutihan—dapat mo iyong maunawaan. Pero iyon ay iyong pamilya na humahatak sa iyo—hindi ka hinahatak o pinupuwersa ng mga kapatid ng sambahayan ng Diyos. Ang pananampalataya sa Diyos at paggawa ng tungkulin ay ganap na boluntaryo. Sa ngayon, ang sinumang gustong umalis ay puwedeng umalis; palaging bukas ang mga pinto ng sambahayan ng Diyos. Gayumpaman, kapag umalis ka, hindi na magiging ganoon kadaling bumalik. Iyong mga gumagawa ng tungkulin full-time sa sambahayan ng Diyos ay maingat na pinili—hindi basta-basta tinatanggap ang sinuman. May mga pamantayan at prinsipyo, at iyon lang na may mga kuwalipikasyon ang puwedeng manatili sa iglesiang may full-time na tungkulin. Iniisip ng mga taong nag-aalinlangan, “Hindi ninyo ipinaliwanag nang malinaw ang ganitong kahalagang bagay sa akin. Noong panahong iyon, gumawa lang ako ng tungkulin dahil nalito ako.” Ano ang hindi ipinaliwanag nang maayos? Nagbabahaginan ang mga kapatid ng katotohanan nang magkakasama araw-araw habang gumagawa ng tungkulin—kung hindi naunawaan ng mga taong ito, ito ay dahil magulo ang isipan nila at bulag sila. Wala silang iba pang puwedeng sisihin para doon. Pero hindi sila mangangatwiran sa iyo tungkol dito; pakiramdam lang nila na lubos silang nagdusa ng malaking kawalan at gustong makipagkuwentahan at makipagtalo sa sambahayan ng Diyos. Hindi ba’t hindi makatwiran at labis na kasuklam-suklam ang gayong mga tao? Kaya, kapag nakilala ninyo na ang mga tunay na kulay ng gayong mga tao at malinaw na nakikita na magulo ang isipan nila, ganap na walang silbi, hindi kayang gumawa ng anumang tungkulin, at patuloy na nakatuon sa pagtanggap ng mga pagpapala, at na ang lahat ng alam nila ay na ang paggawa ng tungkulin ay makapagdadala ng mga pagpapala, kaligtasan, at pagpasok sa kaharian, at imortalidad, at alam lang nila ang kaunting parirala nang hindi nauunawaan ang anumang iba pa—hindi alam kung ano ang katotohanan, kung paano magsagawa ng katotohanan, o kung paano magpasakop sa Diyos—kung ganoon, kahit na gusto nilang gumawa ng tungkulin o humiling na gumawa ng tungkulin, maisasaayos ba sila para gawin ito? (Hindi.)
Ang mga taong nag-aalinlangan, sa katunayan, kahit na sila ay nasa ligtas at maayos na kalagayan, ay may mga pagdududa at palaging nagmamasid. Kapag nakararanas sila ng pag-uusig at mga pag-aaresto, nagsisimula silang mag-alinlangan. Ipinapakita nito na, sa kanilang karaniwang pananampalataya sa Diyos, hindi sila nagtataglay ng tunay na pananalig. Kapag may mga nangyayaring sitwasyon, nabubunyag sila. Ipinapakita nito na hindi sila kailanman naging tiyak tungkol sa gawain ng Diyos at palaging nangunguwestiyon at nagmamasid. Bakit hindi nila iniwan ang iglesia? Iniisip nilang, “Nanampalataya ako sa diyos nang napakaraming taon at nagdusa ng napakaraming paghihirap. Kung aalis ako ngayon nang walang anumang nakamit na mga kapakinabangan, hindi ba’t magiging isang kawalan iyon? Hindi ba’t mawawalan ng saysay ang lahat ng pagdurusang iyon?” Ito ang iniisip nila. Puwedeng isipin mo na sila ay tiyak, na may pananalig sila, na nauunawaan nila ang katotohanan, pero sa katunayan, hindi ito ganoon. Nagdududa pa rin sila, nagmamasid pa rin. Sa puso nila, gusto lang nilang makita kung tunay ngang umuunlad ang gawain ng sambahayan ng Diyos, kung ang bawat aytem ng gawain ay nagbubunga ng resulta, at kung nagkaroon ito ng malaking epekto sa mundo. Ang lalo nilang gustong malaman ay ang sumusunod na bagay: Kumusta ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng mga iglesia sa iba’t ibang bansa? Mayroon ba itong lawak at impluwensya? May internasyunal na pagkilala ba ang pagkilos nito? May mga sikat na tao o maiimpluwensyang personalidad ba na tumanggap sa yugtong ito ng gawain? Kinilala o sinang-ayunan na ba ng United Nations Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? May suporta ba ito mula sa mga gobyerno ng iba’t ibang bansa? Naaprubahan na ba ang aplikasyon para sa politikal na asilo ng mga kapatid sa iba’t ibang bansa? Ang mga ito ang mga uri ng bagay na palaging inaalala ng mga taong ito, at ito ay isang malinaw na pagpapamalas ng kanilang pag-aalinlangan. Kapag nakita nila na ang sambahayan ng Diyos ay nagkamit ng kapangyarihan at ang gawain ng ebanghelyo ay lumaganap, pakiramdam nila ay suwerte silang hindi nila iniwan ang iglesia, at hindi na nila pinagdududahan ang Diyos. Pero sa sandaling nakita nilang nagugulo, nahahadlangan, o napipinsala ang gawain sa sambahayan ng Diyos, na naaapektuhan ang pagganap ng tungkulin ng mga kapatid, at na ang iglesia ay binubukod at tinatanggihan ng mundo, nagsisimula silang mag-isip na iwan ang sambahayan ng Diyos. Palagi nilang kinukuwestiyon: “Talaga bang may kataas-taasang kapangyarihan ang diyos sa lahat ng ito? Bakit hindi ko makita ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng diyos? Katotohanan ba talaga ang mga salita ng Diyos? Kaya ba talaga nitong linisin at iligtas ang mga tao?” Hindi nila kailanman kayang makilatis ang mga usaping ito at patuloy na nangunguwestiyon ng mga ito dahil wala silang espirituwal na pang-unawa at hindi nila maarok ang mga salita ng Diyos. Gaano karaming sermon man ang naririnig nila, hindi sila makabuo ng kongklusyon tungkol sa anuman sa mga ito. Dahil dito, palagi silang nagtatanong-tanong, hinangad na magkaroon sila ng mga taingang makaririnig sa mga napakalayong bagay at mga matang makakikita sa libu-libong milya ang layo, para malaman nila at makakuha ng balita tungkol sa kung ano ang nangyayari sa malayo. Sa gayon, maaga silang makapagpapasya kung dapat nga ba silang manatili o umalis. Hindi ba’t hangal ang gayong mga tao? (Oo.) Hindi ba’t ang gayong uri ng mga tao ay nagpapakapagod sa buhay? (Oo.) Wala silang pag-iisip ng normal na pagkatao, ni hindi nila nauunawaan ang katotohanan. Mas maraming bagay na nangyayari, mas natataranta at naguguluhan sila. Hindi nila alam kung paano kilatisin ang mga usaping ito o kung paano tukuyin ang mga ito; at tiyak na hindi nila alam kung paano kilatisin ang tama sa mali sa mga usaping ito o matuto ng mga aral mula sa mga ito, at pagkatapos ay hanapin ang mga prinsipyo ng pagsasagawa sa salita ng Diyos. Hindi nila alam kung paano gawin ang mga bagay na ito. Kaya ano ang ginagawa nila? Halimbawa, kapag lumilitaw ang mga anticristo at masasamang tao sa iglesia at nililihis ang mga tao, nagsisimula silang magtaka: “Sino ba ang tama at sino ang mali? Tunay ba talaga ang daan na ito? Pagpapalain ba ako kung patuloy akong mananampalataya hanggang sa huli? Ginagawa ko ang tungkulin ko nang ilang taon na ngayon—sulit ba ang pagdurusang ito? Dapat ko bang patuloy na gawin ang tungkulin ko?” Isinasaalang-alang nila ang lahat mula sa perspektiba ng sarili nilang mga interes at hindi nila maunawaan ang anuman sa mga tao, pangyayari, at bagay na nasa harapan nila, nagmumukhang sobrang padaskul-daskol. Wala silang mga tamang kaisipan at pananaw, at nais nilang manatili sa gilid para magmasid, tinitingnan kung ano ang mangyayari sa mga bagay-bagay. Kung titingnan mo sila, mararamdaman mong kapwa sila kahabag-habag at katawa-tawa. Kapag walang nangyayari, umaasal sila nang medyo normal, pero sa sandaling may nangyaring malaking bagay, hindi nila alam kung sa aling paninindigan nila dapat tingnan ang usaping ito, at ang mga bagay na sinasabi nila ay sumasalamin sa mga kaisipan at pananaw ng mga walang pananampalataya. Kapag natapos na ang lahat, hindi makikita ng isang tao kung ano ang nakamit niya mula rito. Hindi ba’t napakahangal ng gayong mga tao? (Oo.) Ganito mismo umaasal ang mga hangal na tao. Kaya, ano ang mga prinsipyo para sa pangangasiwa sa ganitong uri ng mga tao? Batay sa kanilang mga pagpapamalas, hindi sila maituturing na mga labis na mapanlinlang at buktot na tao. Gayumpaman, mayroon silang nakamamatay na kapintasan, na ang mga taong ito ay walang pag-iisip, walang kaluluwa, at hindi nakakikilatis ng anumang bagay. Anumang mangyari sa paligid nila, nalulula sila sa mga ito, hindi alam kung sino ang pagkakatiwalaan, sino ang aasahan, o kung paano titingnan ang problema o kung saan magsisimulang lutasin ito—nasa kalagayan lang sila ng pagkataranta. Pagkatapos ng pagkataranta nila, puwede silang magkaroon ng mga pagdududa, o puwede silang pansamantalang kumalma, pero nananatiling hindi nagbabago ang nakaugalian nilang pag-aalinlangan. Batay sa mga pagpapamalas nila, yamang hindi sila maikakategorya bilang masasamang tao, kung kasalukuyang kaya nilang gumawa ng kaunting tungkulin at kusang-loob na magtrabaho, puwede silang mapahintulutang patuloy na gawin ang tungkulin nila. Gayumpaman, batay ito sa batayang lumilikha ng kahit kaunting resulta ang tungkulin nila. Kung ginagawa nila ang tungkulin nila nang hindi talaga tinatanggap ang katotohanan at palaging nagiging pabasta-basta, dapat silang pauwiin. Gayumpaman, kung handa silang itama ang mga pagkakamali nila, dapat silang pahintulutang manatili sa sambahayan ng Diyos at patuloy na gawin ang tungkulin nila. Dapat silang italaga sa anumang tungkuling naaangkop sa kanila. Kung hindi nila kayang gawin ang anumang tungkulin, at sadyang wala silang silbi, dapat silang ipadala sa lugar na mas angkop para sa kanila. Sa kasong ito, hindi na ito puwedeng ibatay sa kung handa at kusang-loob silang magtatrabaho. Hindi ba’t simple ang ganitong paraan ng pangangasiwa sa mga bagay-bagay? (Oo.)
Makikilatis ninyo ba ang mga taong nag-aalinlangan? May gayong mga tao ba sa paligid ninyo? May ilang taong inalis sa iglesia noon. Kung isa sa kanila ang nagsasabi nito: “Nagbago na ako para sa ikabubuti. Hindi na ako nag-aalinlangan. Dati ay palagi akong nag-aalinlangan pagdating sa tunay na daan dahil, noong sinisimulan pa lang ng sambahayan ng Diyos ang gawain nito sa ibang bansa, napakahirap ng mga bagay-bagay. Noong panahong iyon, napakahirap para sa mga kapatid sa iglesia na mangaral ng ebanghelyo, at kakaunti lang ang mga tao sa ibang bansa na tumanggap ng tunay na daan. Bukod pa rito, parang wala talagang kinabukasan ang pagpapalaganap ng gawain ng ebanghelyo. Kaya, palagi akong may pagdududa sa gawain ng diyos noon. Ngayong nakikita ko na ang gawain ng ebanghelyo ng sambahayan ng diyos ay lumalaganap, ang iba’t ibang aytem ng gawain ay humuhusay at nagbubunga ng mga resulta, at ang mga iglesia sa iba’t ibang bansa ay lalo pang yumayabong, wala na akong mga pagdududa o nag-aalinlangan. Pakiusap hayaan ninyo akong gawin ang aking tungkulin. Huwag ninyo akong isama sa hanay ng mga pinaalis o pinatalsik!” Magiging ayos lang ba na bigay ng pagkakataon ang gayong tao? (Hindi.) Bakit hindi? (Huwad ang mga salita nila. Gusto lang nilang muling iugnay ang sarili nila sa iglesia dahil nakikita nilang ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at na nagkamit na ito ng kapangyarihan. Pero sa tuwing may nangyayaring laban sa mga kuru-kuro nila, mag-aalinlangan muli sila.) Nakilatis ninyo ba ang usaping ito? (Oo.) May mga taong isinilang na mga nag-aalinlangan. Ngayong, umiihip ang hangin sa isang direksiyon at sumusunod sila sa direksiyong iyon; bukas, iihip ito sa iba pa at susunod sila roon—kahit walang hangin, nag-aalinlangan pa rin sila sa sarili nila. Ang gayong mga tao ay hindi nagtataglay ng kakayahang mag-isip na mayroon dapat ang isang normal na tao, kaya hindi sila nakasasapat sa pamantayan ng pagiging tao. Tama ba ito? (Oo.) Kung ang isang tao ay may kakayahang mag-isip ng isang normal na tao at nagtataglay ng kakayahang makaarok na dapat mayroon ang mga tao, makikita niya na napakaraming katotohanan ang ipinahayag ng Diyos at makukumpirma na ito ay gawain ng Diyos. Bukod pa rito, napakaraming tao ang nananampalataya sa Diyos—nakikita niya ang gawain ng Diyos at ang gawain ng Banal na Espiritu araw-araw, gayundin ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos; tumitibay ang pananalig niya sa Diyos at lumalakas ang enerhiya niya sa paggawa ng kanyang tungkulin. Ang mga ito ba ay mga bagay na makakamit ng gawain ng tao? Iyong mga hindi nagtataglay ng kakayahang mag-isip ng isang tao, gaano kalinaw mo mang ipaliwanag ang mga usaping ito sa kanila, hindi nila kayang makumpirma na ito ay gawain ng Diyos. Wala silang kakayanang gumawa ng ganoong paghatol. Gaano man kadakila ang gawaing ginagawa ngayon ng Diyos, gaano karami Siyang sinasabi, gaano karaming tao ang sumusunod sa Kanya, o gaano karaming tao ang nakatitiyak na ito ay gawain ng Diyos, o gaano karaming tao ang nakatitiyak na ito ang tadhanang mayroon ang sangkatauhan sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos, at na ang Diyos ang Lumikha, wala sa mga ito ang mahalaga sa kanila. Kung gayon, ano ang pinakamahalaga para sa kanila? Kailangan nilang personal na makita ang Diyos mula sa langit na magpakita sa kanila, at kailangan din nilang makita ang Diyos na buksan ang bibig Niya at magsalita, personal na makita Siyang nililikha ang kalangitan, lupa, at lahat ng bagay, at personal na gumagawa ng mga palatandaan at kababalaghan, at kapag nagsasalita Siya kailangang magtunog-kulog ang mga salita Niya. Saka pa lang sila mananampalataya sa Diyos. Para lang silang si Tomas—gaano karaming salita man ang sinabi ng Panginoong Jesus, gaano karaming katotohanan man ang ipinahayag Nya, o gaano karaming palatandaan at kababalaghan man ang ginampanan Niya noong nasa lupa Siya, wala sa mga iyon ang mahalaga kay Tomas. Ang mahalaga sa kanya ay kung ang muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus matapos ang kamatayan ay totoo o hindi. Paano niya kinumpirma ito? Hiningi niya sa Panginoong Jesus: “Iabot mo ang iyong mga kamay at hayaan mo akong makita ang mga marka ng pako. Kung ikaw nga ang muling nabuhay na panginoong Jesus, magkakaroon ng mga marka ng pako sa iyong mga kamay, at saka kita tatanggapin bilang panginoong Jesus. Kung hindi ko madarama ang mga marka ng pako sa iyong mga kamay, hindi kita tatanggapin bilang panginoong Jesus, ni hindi kita tatanggapin bilang diyos.” Hindi ba’t isa siyang hangal? (Oo.) Ang mga ganitong tao ay naniniwala lang sa mga katunayang nakikita nila gamit ang sarili nilang mga mata at sa sarili nilang mga imahinasyon at pangangatwiran. Kahit marinig pa nila ang mga salita ng Diyos, maranasan ang Kanyang gawain, at makita ang pag-usbong, paglago, at pagyabong ng gawain ng Diyos, hindi pa rin sila nananampalataya na ito ay gawain ng Diyos. Hindi nila nakikita ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang Kanyang awtoridad, at hindi nila makilatis ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos o ang mga resulta na puwedeng makamit nito sa mga tao. Hindi nila makita o makilatis ang alinman sa mga ito. Umaasa lang sila para sa ibang bagay: “Kailangang magsalita Ka mula sa kalangitan gamit ang isang dumadagundong tinig, ipinapahayag na Ikaw ang Lumikha. Kailangang gumawa Ka rin ng mga palatandaan at kababalaghan, at personal na likhain ang kalangitan, lupa, at lahat ng bagay para ipakita ang iyong dakilang kapangyarihan. Saka pa lang ako mananampalataya na ikaw ang diyos, kikilalanin kita bilang diyos.” Pinahahalagahan ba ng Diyos ang ganitong uri ng pagkilala? (Hindi.) Pinahahalagahan Niya ba ang gayong pananampalataya? (Hindi.) Kailangan ba ng Diyos ang iyong pagkilala para maging Diyos? Kailangan ba Niya ang iyong pagsang-ayon? Nagpahayag na ang Diyos ng napakaraming katotohanan, napakaraming tao ang tumanggap sa gawain ng Diyos, at may napakaraming patotoong batay sa karanasan—mga patotoong higit pa sa alinmang naunang henerasyon—pero hindi mo pa rin makumpirma kung ito nga ba ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Hindi ka nananampalataya sa o kinikilala ang mga katunayan na naisakatuparan na ng Diyos ni ang katuparan ng mga pangako ng Diyos. Kaya, anong uri ng bagay ka? Hindi ka man lang tao—isa kang hangal! At sa kabila nito, gusto mo pa ring tumanggap ng mga pagpapala mula sa Diyos—napakaimposible niyan! Nangangarap ka lang! Pinagdududahan at tinatanggihan mo ang Diyos sa bawat pagkakataon, palaging gustong pagtawanan ang kasawian ng sambahayan ng Diyos. Hindi mo kailanman kinilala o pinaniwalaan ang pag-iral ng Diyos, ni hindi mo kailanman kinilala, pinaniwalaan, o tinanggap ang mga salita at gawain ng Diyos. Kaya naman, ang mga pangako ng Diyos ay ganap na walang kinalaman sa iyo, at wala kang makakamit na anuman. Sinasabi ng ilang tao, “Pero ginagawa pa rin nila ang tungkulin nila. Paanong wala silang makakamit?” Kung ganoon ay kailangan nating maging malinaw tungkol sa kung ano ang pakay nila sa paggawa ng tungkulin nila, para kanino nila ito ginagawa, at anong mga prinsipyo ang sinusunod nila sa paggawa ng kanilang tungkulin. Kung hindi mo tinatanggap ang mga salita ng Diyos, kahit ginagawa mo pa ang tungkulin mo, nagtatrabaho ka lang—hindi ito tunay na pagpapasakop. Hindi kinikilala ng Diyos ang ginagawa mo bilang paggawa ng iyong tungkulin. Sa paningin ng Diyos, isa ka lang patay na taong walang espiritu. Ang isang patay na tao ay umaasa pa rin sa mga pagpapala—hindi ba’t kahibangan lang iyon? Na nakagagawa ka pa nga ng kaunting tungkulin ay dahil lang sa inuudyukan ka ng iyong intensiyon na magkamit ng mga pagpapala. At palagi mong pinagdududahan, palaging lihim na hinuhusgahan, kinokondena, at tinatanggihan ang Diyos, at pati ang Kanyang mga salita at gawain. Ginagawa ka nitong isang tao na kaaway ng Diyos. Kaya ba ng isang tao na kaaway ng Diyos na umabot sa pamantayan bilang isang nilikha? (Hindi.) Itinataguyod mo ang sarili mo bilang kaaway ng Diyos sa bawat pagkakataon, lihim na minamasdan Siya at ang Kanyang gawain sa lugar na hindi nakikita, lihim na nagrereklamo laban sa Diyos sa iyong puso, hinahatulan at kinokondena Siya, at hinahatulan at kinokondena ang Kanyang mga salita at gawain. Kung hindi ito pagiging kaaway ng Diyos, ano ito? Ito ay lantarang pagiging kaaway ng Diyos. At hindi ka nagiging kaaway ng Diyos sa mundo ng mga walang pananampalataya—ginagawa mo ito sa loob ng sambahayan ng Diyos. Ito ay mas lalong hindi kapata-patawad!
Ang mga taong ito na nag-aalinlangan, tingnan man natin ang kanilang diwang pagkatao o kanilang mga pagpapamalas, ay hindi tumatanggap ng katotohanan at hindi tumatanggap sa mga salita at gawain ng Diyos. Iniintindi lang nila kung makatatanggap ba sila ng mga pagpapala. Hindi sila kailanman nagiging tiyak tungkol sa Diyos o sa Kanyang gawain, palaging nagmamasid sa likod ng mga eksena, patuloy na nag-aalinlangan at nagdududa. Sinusundan nila ang Diyos habang nagmamasid, naglalakad at tumitigil, tumitigil at lumalakad. Talagang mapanggulo ang mga taong ito! Lalo ngayon, na madalas na nag-aalis ng mga tao ang iglesia, palagi silang balisa, iniisip, “Palagi akong nag-aalinlangan. Baka balang araw may makapansin nito, at maalis ako sa iglesia. Hindi ko dapat ipahalata ang mga panloob na pagdududa ko tungkol sa diyos. Hindi ko dapat ito banggitin sa kahit sino.” Kaya, lihim silang nagmamasid sa likod ng mga eksena; at hindi sila natatakot na mabunyag ng Diyos, dahil hindi sila naniniwala sa pag-iral ng Diyos, lalo na sa Kanyang pagsisiyasat. Madalas na marinig ng mga taong ito ang mga kapatid na nagbabahagi ng tungkol sa kung paano sila ginabayan ng Diyos, kung paano Niya sila dinisiplina, kung paano Niya ibinunyag ang mga tao, kung paano Niya iniligtas ang mga tao, kung paano sila pinagkalooban ng Diyos ng biyaya at pagpapala, at kung paano, sa proseso ng pagsunod sa Diyos, naranasan nila ang Kanyang gawain, at kung ano ang kanilang naramdaman, nakita, o pinahalagahan, at iba pa. Kapag naririnig nila ang mga kapatid na nagbabahagi ng mga karanasan at pagkaunawang ito, iniisip nila: “Ang mga karanasan bang iyon na sinasabi ninyo bunga lang ng inyong imahinasyon? Mga damdamin ng tao lang ba ang mga ito? Bakit hindi ko naramdaman ang mga bagay na iyon? Lalo na iyong mga sumusulat ng mga artikulong patotoong batay sa karanasan—hindi ko sila kilala, at hindi ko nakita kung paano nila nakamit ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga karanasang ito. Kung tunay ba silang nagtataglay ng katotohanang realidad ay hindi pa rin tiyak!” May ilang hangal na pinagmamasdan at kinukuwestiyon pa rin ang gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi magawang makita kung aling mga katotohanang realidad ang nakapaloob sa mga artikulo ng patotoong batay sa karanasan ng hinirang na mga tao ng Diyos, sinusubukang maghanap ng mga palusot at basehan para sa sarili nilang pag-aalinlangan at kawalan ng pananalig. Iniisip nila na dahil nag-aalinlangan sila, marahil ay nag-aalinlangan din ang iba. Kung may isang tao na hindi kailanman nag-aalinlangan, walang pagdududa, at ang kanyang karaniwang pagbabahagi ng katotohanan ay napakapraktikal, at anumang mga problema ang nakahaharap niya, kaya niyang hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga ito, ang mga hangal na ito ay nakararamdam ng pagkakaiba at pagkabalisa sa puso nila. Kapag nakararamdam sila ng pagkakaiba, paano sila nakahahanap ng kaginhawahan? Naghahanap sila ng isang taong katulad nila, nagtatangkang maghanap ng kasangga. Kapag may nakita silang isang taong negatibo at mahina, ipinahihiwatig nila ang sarili nilang mga kaisipan para subukan ang reaksiyon nito, sinasabing: “Minsan, nakararamdam din ako ng pagiging negatibo. Kapag nakararamdam ako ng pagiging negatibo, alam kong hindi ako dapat na maging ganoon, pero minsan nagdududa ako kung talagang umiiral ang diyos.” Kung hindi sumagot ang kausap nila at nakita nilang negatibo at mahina lang ang taong iyon pero walang pagdududa sa Diyos, magsasabi sila ng iba pa na hindi taos-puso para umalis at subukan ang iba pang tao: “Sa tingin mo, bakit kaya ako ganito? Ayos lang naman akong nananampalataya sa diyos, pero bakit palagi akong may mga pagdududa sa kanya? Hindi ba’t mapaghimagsik iyon? Hindi ito dapat ganito!” Sinasabi nila ito ganap na para sumipsip sa ibang tao at subukan ito. Nananabik silang umaasa na kinukuwestiyon ng ibang mga tao ang Diyos tulad nila—magpapasaya sa kanila iyon! Kung nakahanap sila ng ibang tao na palaging nagdududa sa Diyos at palaging may mga kuru-kuro sa Kanya, nararamdaman nilang masuwerte sila na nakatagpo ng isang kasangga. Ang dalawa, na nagsasalo sa parehong maruming pag-iisip, ay madalas na nagtatapat sa isa’t isa. Mas nagsasalita sila, mas napapalayo sila sa Diyos. Mas nagsasalita sila, mas ayaw nilang gawin ang tungkulin nila, at mas ayaw nilang basahin ang mga salita ng Diyos, at gusto pa nga nila na tumigil sa paglahok sa buhay-iglesia. Unti-unti, humahantong ang dalawa sa paglabas sa mundo para magtrabaho, kumakapit sa isa’t isa na parang hindi mapaghihiwalay na magkapareha, nakabalot sa isa’t isa habang umaalis silang magkasama. Kapag umalis sila, hindi man lang sila nagdadala ng kahit isang aklat ng mga salita ng Diyos. May nagtatanong sa kanila, “Tumigil ka na ba sa pananampalataya sa Diyos?” at sumasagot sila, “Hindi, nananampalataya ako.” Nagmamatigas pa rin nilang itinatanggi ito. Tinatanong ng ibang tao, “Kung ganoon, bakit wala kayong dalang kahit isang aklat ng mga salita ng Diyos?” at sumasagot sila, “Napakabigat ng mga iyon, at wala akong mapaglalagyan ng mga iyon.” Ang lahat ng sinasabi nila ay para lang papaniwalain ang ibang tao. Sa katunayan, naghahanda lang silang bumalik sa mundo, maghanap ng trabaho, at isabuhay ang buhay nila. Sinasabi Ko sa inyo ang katotohanan: Ang mga ganitong uri ng tao ay mga hindi mananampalataya, at ito ang kanilang magiging panghuling kalalabasan—ganito talaga sila. Hindi magtatagal ang pananampalataya nila sa Diyos. Sa sandaling matagpuan nila ang isang taong gusto nila, isang taong mapagbabahaginan nila ng kanilang mga pinakatatagong kaisipan, iniisip nilang, “Sa wakas, nakatagpo na ako ng isang taong susuporta sa akin, isang taong masasandigan ko. Tara! Sobrang nakakabagot ang manampalataya sa diyos. Wala namang diyos sa mundong ito. Masyadong mahirap tiisin na tratuhin ang isang bagay na hindi umiiral bilang tunay. Napakahirap nitong mga nakaraang taon!” Umaalis sila at tumitigil sa pananampalataya sa sarili nila, at sinasabi pa nga sa mga kapatid na huwag silang hanapin, sinasabing, “Pumasok na kami sa trabaho. Huwag ninyo kaming tawagan, o ipaaalam namin ito sa pulisya!” Itong dalawang hangal na ito, isang pares ng mga ungas, ay umaalis nang ganoon-ganoon lang. Mabuti na rin ito, sabi ko—inililigtas nito ang sambahayan ng Diyos mula sa problema ng pagpapatalsik o pagpapaalis sa kanila. Sabihin ninyo sa Akin, kailangan bang magbahagi ng katotohanan sa mga ganitong uri ng tao para suportahan at tulungan sila? Kailangan bang mangatwiran sa kanila at hikayatin sila? (Wala.) Kung susubukan ninyong hikayatin sila, sobra kayong hangal. Ang mga ganitong uri ng tao ay mga hindi mananampalataya sa kanilang kaibuturan—sila ay mga naglalakad na bangkay at mga walang utak. Kung susubukan mo silang hikayatin, hangal ka rin. Dapat kang kaagad na masayang magpaalam sa mga ganitong uri ng mga tao—at hindi na kailangang hanapin pa silas pagkatapos. Nilinaw nila ang sarili nil ana hindi na sila mananampalataya sa Diyos, at kapag tinawagan mo ulit sila, iuulat ka nila sa pulisya. Kung susubukan mo pa ring makipag-ugnayan sa kanila, hindi ba’t nag-aanyaya ka lang ng problema? Kung talagang tumawag sila sa pulis at akusahan ka ng panliligalig, makalilikha ba iyon ng mabuting reputasyon kung kumalat ang balita? (Hindi.) Huwag na huwag kang gumawa ng ganoong kahangalan! Hayaan mo silang alagaan ang sarili nila at umalis nang tahimik—mas mabuting diskarte ito! Ang bawat tao ay sumusunod sa sarili nilang landas; ang landas ng bawat tao ay nakasalalay sa kung sino sila. Hindi sila pagpapala; bulok at walang silbi ang buhay nila. Ang napakalaking pagpapala ay lampas sa kakayahan nilang manahin o tamasahin—wala talaga silang kapalaran para tanggapin ito. Ang pagtanggap sa probisyon ng mga salita ng Diyos at pagtanggap sa katotohanan bilang buhay ay ang pinakadakilang pagpapala sa buong sansinukob at sa lahat ng sangkatauhan. Ang sinumang makatatanggap sa katotohanan ay isang pinagpalang tao, at sinumang hindi makatatanggap sa katotohanan ay sadyang wala ng pagpapalang ito. Darating ang araw, iyong mga tumanggap ng katotohanan ay makaliligtas sa napakalaking sakuna at lubos na pagpapalain, samantalang iyong mga hindi tumanggap sa katotohanan ay malilipol sa sakuna at magdurusa ng kalamidad, at sa panahong iyon, magiging huli na para sa pagsisisi. Kahit na kinikilala mo na ngayon na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan at na ang gawain ng Diyos ay ginawa ng Diyos mismo, kung hindi mo hinahangad ang katotohanan, hindi tinatanggap ang katotohanan, at hindi pumapasok sa katotohanan, hindi ka pa rin magkakamit ng gayong pagpapala! Iniisip mo bang madaling makamit ang pagpapalang ito? Ito ay isang pagpapalang hindi kailanman umiral mula sa simula ng panahon at hindi na muling iiral—paano ka mapahihintulutang kamtin ito nang napakadali? Ipinangako ng Diyos ang gayong pagpapala sa sangkatauhan, pero ito ay hindi isang bagay na puwedeng makamit ng mga karaniwang tao. Ang pagpapalang ito ay para lang sa iyong hinirang na mga tao ng Diyos, at imposible para sa ilang hangal na ungas, naglalakad na bangkay, basura, o salbahe na mapili. Isinasagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain para iligtas ang sangkatauhan, at sa huli, gagawa Siya ng isang grupo ng mga mananagumpay, binibigyang-kakayahan ang mga taong ito na maging mga panginoon ng lahat ng bagay at na maging isang bagong sangkatauhan. Napakalaking pagpapala ito para sa sangkatauhan! Ilang taon nang nangyayari ang yugtong ito ng gawain ng paghatol sa mga huling araw? (Higit sa tatlumpung taon.) Sa pagtingin lang sa mahigit tatlumpung taon na ito, makikita kung gaano kahalaga at kung gaano karangal ang sangkatauhang makakamit ng Diyos sa huli, at na ang sangkatauhang ito ay katangi-tangi at napakahalaga sa paningin ng Diyos! Napakapalad ninyo, kung ganoon; ito ay isang napakalaking pagpapala para sa inyo! Kaya naman, para sa ilang tao na hanggang ngayon ay nag-aalinlangan pa rin, tunay na hindi sila pinagpala! Kahit hindi pa sila mag-alinlangan at ganap na nakatuon sa pagsunod, kung hindi naman nila hinahangad ang katotohanan, hindi pa rin nila makakamit ang pagpapalang ito. Kaya’t iyong mga makatatanggap ng pagpapalang ito sa huli ay mga hindi karaniwang tao—sila iyong mga mahigpit at paulit-ulit na sinubok at maingat na pinili ng Diyos; sila ang mga tao na makakamtan ng Diyos sa huli.
Ang mga pangunahing pagpapamalas ng mga taong nag-aalinlangan ay tumpak na ang mga isyung ito. Anuman ang kanilang magiging pinakahuling kalalabasan, sa anumang pagkakataon, kapag ang gayong mga tao ay natukoy sa loob ng iglesia, dapat silang pangasiwaan ayon sa mga prinsipyo. Hindi sila dapat tratuhin bilang mga kapatid. Kung may mga positibong damdamin sila sa pananampalataya sa Diyos o kaya nilang magsikap nang kaunti at handang magbigay ng kaunting trabaho, sa pinakamataas ay puwede lang silang ituring bilang isang kaibigan ng iglesia, at hindi puwedeng ituring bilang isang kapatid. Kaya, kahit pa magpalit sila ng pangalan, tulad ng “Pagpapasakop” o “Pagiging Taos-puso,” hindi mo pa rin sila dapat tawaging kapatid—ang pagtawag sa kanila sa kanilang bagong pangalan ay sapat na. Bakit ganito? Dahil ang gayong mga tao ay hindi nakasasapat na maging mga kapatid. Nauunawaan mo na ba ngayon? (Oo.) Kaya, mayroon ka nang ngayong mga prinsipyo para sa pangangasiwa sa mga ganitong uri ng tao, tama? (Oo.) Iyon na lang ang para sa pagbabahaginan sa araw na ito. Paalam!
Hunyo 29, 2024