187 Susuklian Ko ang Pagmamahal ng Diyos

1 Maraming taon akong nagpatangay sa agos ng mundo, tumitindi ang katiwalian ko. Salamat sa pagbigkas ng Diyos ng mga katotohanan na nagligtas sa akin, nagbalik na ako sa pamilya Niya. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, nakita ko ang tunay kong kulay; lubhang ginawang tiwali ni Satanas, wala akong ni katiting na pagkakatulad sa tao. Habang namumuhay sa mga pilosopiya at batas ni Satanas, nagsikap ako para sa kantayagan at kapalaran. Naging mapagmataas ako, nag-akalang mas matuwid kaysa sa iba, at patuloy na nagsinungaling at nandaya, ngunit mataas pa rin ang naging tingin ko sa aking sarili. Kung hindi dumating sa akin ang paghatol ng Diyos, hindi ko alam kung hanggang saan ako malulubog. Lumuluhod ako sa harap ng Diyos, nagpapasalamat sa Kanyang pagliligtas sa mga huling araw.

2 Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nakita ko ang Kanyang pagiging matuwid at kabanalan. Nagmamanikluhod ako sa harapan Niya, masayang tinatanggap ang Kanyang paghatol at pagkastigo; sa pamamagitan lamang ng pag-unawa sa katotohanan at pagkilala sa aking sarili ko napagtatanto kung gaano kalubha ang katiwalian ng mga tao. Sa ganitong mapagmataas, may labis na pagtingin sa sarili, makasarili, at mapanlinlang na disposisyon, paano ako naging karapat-dapat na magpatotoo at maglingkod sa Diyos? Gaano man karami ang mga pagsubok at paghihirap na dapat kong tiisin, hahangarin kong gawin akong perpekto ng Diyos. Dinalisay ako ng paghatol ng Diyos, at ngayon naisasabuhay ko ang tunay na pagkakatulad sa tao. Alam kong si Cristo ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, buong katatagan kong susundin ang Diyos hanggang sa wakas. Ang biyaya ng kaligtasan ng Diyos ay malawak, at ibibigay ko ang aking buhay upang suklian ang Kanyang pagmamahal.

Sinundan: 186 Nakikita Ko kung Gaano Katotoo ang Pag-ibig ng Diyos

Sumunod: 188 Desididong Manatiling Lubusang Tapat sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

147 Awit ng Taos-pusong Pagkapit

ⅠNarito ang Isa, S’ya ay D’yos sa katawang-tao.Wika’t gawa N’ya, lahat katotohanan.Dunong N’ya at pagkamat’wid ay aking mahal.Nakita’t...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito