Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

736 Natalikuran na ba Ninyo ang Inyong mga Relihiyosong Pagkaunawa?

1 Sa kasalukuyan maraming tao ang naniniwala sa isang paraang lito. Ang inyong pagiging mausisa ay napakatindi, ang inyong pagnanasa na habulin ang mga biyaya ay napakatindi, at ang inyong pagnanasa na habulin ang buhay ay napakakaunti. sumusunod lamang kayo nang paimbabaw, hindi man lamang hinahanap ang tunay na daan, at hindi sinasadyang dumarating sa pagkakamit ng buhay. Mayroon kayong pag-uugali na gusto lamang makita kung ano ang mangyayari. Dahil hindi pa ninyo nabibitawan ang marami sa inyong lumang mga pagkaunawa, walang isa man sa inyo na nakayang ialay nang buo ang kanyang sarili. Nakarating na sa puntong ito, nag-aalala pa rin kayong lahat tungkol sa inyong sariling kapalaran, iniisip araw at gabi, hindi kailanman kayang bitawan ito.

2 Akala mo ba ang mga Fariseo na Aking sinasabi ay ang “matatandang tao” sa relihiyon? Hindi ba’t kayo ang mga kinatawan ng pinakamaunlad na mga Fariseo ng kasalukuyang kapanahunan? Akala mo ba ang mga taong iyon na Aking binabanggit na tumitingin kung may mali Ako laban sa Biblia ay tumutukoy lamang sa mga ekspertong yaon sa Biblia sa mga relihiyosong grupo? Akala mo ba kapag nagsalita Ako tungkol sa mga iyon na muling nagpapako sa Diyos sa krus Ako ay nangungusap tungkol sa mga pinuno ng mga relihiyosong grupo? Hindi ba kayo ang pinakamagagaling na artista na gumaganap sa papel na ito? Akala mo ba lahat ng salitang Aking sinasabi upang labanan ang mga pagkaunawa ng mga tao ay tinutuya ang mga pastor at matatanda ng relihiyon? Hindi ba kayo nakibahagi rin sa lahat ng bagay na ito?

3 Akala mo ba na kakaunti lamang ang inyong mga pagkaunawa? Natuto lamang kayong lahat na maging napakatalino ngayon. Hindi kayo nagsasalita tungkol sa mga bagay na hindi ninyo nauunawaan o ipinagkakanulo ang inyong mga damdamin tungkol sa mga iyon, subali’t ang inyong puso ng paggalang at ang inyong puso ng pagpapasakop ay hindi umiiral. Gaya ng inyong nakikita, ang pag-aaral, pagmamasid, at paghihintay ay ang inyong pinakamatinding pagsasagawa sa ngayon. Natuto na kayong maging napakatalino. Nalalaman ba ninyo, gayunpaman, na ito ay isang uri ng tusong sikolohiya ninyo? Akala ba ninyo na ang isang sandali ng katalinuhan sa inyong bahagi ay tutulong sa inyong takasan ang walang-hanggang pagkastigo?

Hango sa “Dapat Ninyong Maunawaan ang Gawain; Huwag Sumunod Nang Nalilito!” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang mga Bunga ng Maalab na Paglilingkod sa Diyos

Sumunod:Ang Kabiguan ni Pablo

Baka Gusto Mo Rin